Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: lightjack on September 02, 2017, 12:41:59 PM



Title: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: lightjack on September 02, 2017, 12:41:59 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: natsu01 on September 27, 2017, 12:51:40 PM
Sa tingin ko po pareho lng yan. kasi yung pag trade ng btc ,international namn po yan .


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Cling18 on September 27, 2017, 07:45:27 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

Siguro hindi. Marami kasing nagagawang mabuti ang bitcoin dito sa Pilipinas. Nakakatulong ito sa mga gustong kumita online. Napapabilis din nito ag mga transactions. Sana nga hindi maban dito sa Pilipinas kasi marami ang maapektuhan. Wala naman kasing masamang nadudulot to kaya bakit ibaban? Marami din ang hindi matutuwa. Malaking bagay ang mawawala kung sakaling maban ito dito


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: vandvl on September 27, 2017, 08:25:14 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
hindi naman seguro dahil ang alam ko legal na yung bitcoin sa pilipinas kaya malabo narin ito iban...


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: cryp24x on September 27, 2017, 09:04:03 PM
Accepted na nga ng Plipinas ang Bitcoin bilang pagiging pera, bakit ibaban pa?  Sa tingin ko ireregulate lang ng Pilipinas ang bitcoin kasi kapag binan ng Pilipinas ang Bitcoin marami raming tao rin ang mawawalan ng hanapbuhay at may ilang negosyo ring malulugi.  Sa tingin ko hindi naman magpapabigla bigla sa pagdesisyon ang gobyerno ukol dito.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: happyhours on September 28, 2017, 06:23:44 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

Isa ang Pilipinas sa mga pinakaunang bansang nagkaroon ng Rules and Regulation regarding sa mga Cryptocurency kagaya ng Bitcoin. Isa ito sa mga strong indicator na open ang Bangko Sentral sa pagamit ng mga Crypto dito sa bansa. Malaki kasi ang maitutulong nito na pababain ang Remmitance cost ng mga OFW.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: zurc on September 28, 2017, 06:35:29 AM
Malabo nang mangyari yan dahil ang mismong bangko sentral ng Pilipinas ay pinayagan ang mga cryptos na pwedeng ipalit sa piso


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Kambal2000 on September 28, 2017, 06:40:48 AM
Malabo nang mangyari yan dahil ang mismong bangko sentral ng Pilipinas ay pinayagan ang mga cryptos na pwedeng ipalit sa piso
Okay lang sa ating bansa ang bitcoin sa katunayan nga po ay madami na nga pong mga exchanges ang mga lumalabas eh, dahil sa okay lang po sa kanila ang ganitong sistema bakit naman hindi eh kumikita din naman po ang ating gobyerno dito kahit papaano kaya po winewelcome na din po nila to.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: shinharu10282016 on September 28, 2017, 06:43:59 AM
I think, maybe kung "against the law" and malaking "threat" sa mga "private companies" tulad ng nangyari sa China. HAHA.

Bawal pala sa batas nila pero 2014 pa lang may mining and trading businesses na sila.

Pero for now, PAAAAWEEER. looool  ;D


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: kenkoy on September 28, 2017, 06:53:06 AM
Hindi naman kelangan i ban ang Bitcoin dahil legit cryptocurrency naman ito. Ang dapat iban eh ung mga scam na ICO at ndi legit na coins. Dami naglipana na ganyan kaya dumadami ang negative views sa Bitcoin. Phillipines is not against Bitcoin, though there are no laws to regulate cyprocurrency and ICOs d2 sa pinas.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Flexibit on September 28, 2017, 06:59:51 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

Syempre may posibilidad naman yan pero paano natin masasabi? Tayo ba yung mga gumagawa ng batas para masabi natin yang mga tungkol sa ganyan? Sa totoo lang itong tanong mo parang hindi ginamitan ng utak e


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: saberfang on September 28, 2017, 07:05:24 AM
Parang malabo mangyari yan since marami naman good effect ang bitcoin sa pinas specially pag dating sa features na bills payment tulad ng ginagawa ng coins.ph kahit kaunti lang ang may alam kung panu yung gamitin


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: burner2014 on September 28, 2017, 07:19:58 AM
sa aking alam malabo nilang gawin ang sinasabi mo kasi matagal ng  alam ng ating gobyerno ang tungkol dito at balak pa nga nila itong patawan ng kaukulang buwis pero hindi ako sure kung naipatupad na ito, magkaganun man maging masaya na lamang tayo sa ating tinatamasa sa pagbibitcoin


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: magicmeyk on September 28, 2017, 07:51:49 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

posible, pero approve naman ng banko sentral natin ang bitcoin kaya baka malabo na ibaban to.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Aying on September 28, 2017, 08:06:49 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

posible, pero approve naman ng banko sentral natin ang bitcoin kaya baka malabo na ibaban to.

napakalabo ng mga ganyan kasi dati pa nila itong nalalaman at hindi naman nila.ito pinakikialaman kasi pwede naman nila.itong pagkakitaan sa huli kung mabigyan na ngnpansin ang bitcoin sa ating bansa, lalagyan nga dapat ng tax ah pero wala ng naging balita bigla dito


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Experia on September 28, 2017, 08:09:36 AM
Parang malabo mangyari yan since marami naman good effect ang bitcoin sa pinas specially pag dating sa features na bills payment tulad ng ginagawa ng coins.ph kahit kaunti lang ang may alam kung panu yung gamitin

ibig mo sabihin walang ganyang gamit ang bitcoin sa china kaya naban ang bitcoin dun? nonsense ang reason mo brad.

sa ngayon parang suportado naman ng BSP ang bitcoin dito satin, pero di natin masasabi baka pagdating ng mga susunod na panahon ay bigla nila iban ang bitcoin lalo na may napabalita na mga ilegal na gawain ang binabayaran gamit ang bitcoin


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: gwaposakon on September 28, 2017, 09:04:05 AM
Satingin ko hindi dahil legal naman ang bitcoin,at maraming natutulongan ang bitcoin sa mga tao


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: budz0425 on September 28, 2017, 10:18:50 AM
Parang malabo mangyari yan since marami naman good effect ang bitcoin sa pinas specially pag dating sa features na bills payment tulad ng ginagawa ng coins.ph kahit kaunti lang ang may alam kung panu yung gamitin

ibig mo sabihin walang ganyang gamit ang bitcoin sa china kaya naban ang bitcoin dun? nonsense ang reason mo brad.

sa ngayon parang suportado naman ng BSP ang bitcoin dito satin, pero di natin masasabi baka pagdating ng mga susunod na panahon ay bigla nila iban ang bitcoin lalo na may napabalita na mga ilegal na gawain ang binabayaran gamit ang bitcoin
Hindi naman po siguro to ibaban ng ating gobyerno dahil sa totoo lang po ay gusto ng gobyerno natin ang bitcoin dahil po kung hindi po nila to gusto ay baka po nakaban na nga to matagal na dahil alam naman po nating lahat na nagagamit ang bitcoin sa illegal na paraan eh at tsaka no way na nagbabayad ng tamang tax ang mga tao dito.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Kencha77 on September 28, 2017, 10:30:26 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Maaari kung maging prevalent ang mga naiiscam dahil sa Bitcoin. Kung makikita ng gobyerno ito, pwede nilang iban ang bitcoin pero sa tinging ko hindi ito ang pipiliin nilang option. Gagawa siguro sila ng bagong batas sa bitcoin/cryptocurrencies


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: angelaxa13 on September 28, 2017, 11:02:23 AM
Hindi naman siguro at wag naman sana. Sa tingin ko talaga malaki g tulong itong bitcoin sa mga tao basta gagamitin lang sa mabuti at legal na paraan. :)


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: emmanborromeo67 on September 28, 2017, 11:11:59 AM
Sa akin hinde, kasi hinde masama pag bibitcoin eh, at ito na ang naka sanayan ng mga pinoy sa pag hahanap nang pera, at ako ay na niniwala ako dito, ang bitcoin ang sagot sa kahirapan ko.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Remainder on September 28, 2017, 12:46:52 PM
Hindi naman siguro at wag naman sana. Sa tingin ko talaga malaki g tulong itong bitcoin sa mga tao basta gagamitin lang sa mabuti at legal na paraan. :)

Opo tama ka ang laking tulong nito sa atin at para narin sa ating bansa kaya hindi nila ito pwedeng i-ban lalo na yong mga nasa gobyerno kasi mukhang pera ang iba sa mga yon! nangungurakot pa nga.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: irenegaming on September 28, 2017, 03:14:23 PM
Hindi naman siguro at wag naman sana. Sa tingin ko talaga malaki g tulong itong bitcoin sa mga tao basta gagamitin lang sa mabuti at legal na paraan. :)

Opo tama ka ang laking tulong nito sa atin at para narin sa ating bansa kaya hindi nila ito pwedeng i-ban lalo na yong mga nasa gobyerno kasi mukhang pera ang iba sa mga yon! nangungurakot pa nga.

malabo yan mangyari para sakin, kasi iba naman mag isip ang gobyerno natin sa mga ganung bagay. kung may pakinabang naman ang bansa natin sa bitcoin bakit aalisin diba? sa bansa natin as long as may benefits at kita na nakukuha ang gobyerno natin sigurado habang buhay makakapag operate yan, matitigil lang yan kapag maliit na o hindi na talaga sya nakakatulong sa bansa natin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: EnormousCoin101 on September 28, 2017, 03:44:25 PM
Siguro hindi naman dahil nagkaroon ng hanap-buhay ang mga tulad naten sa bansa pero kung gagamitin ito sa mga ilegal na gawain tulad ng pagbili ng mga ilegal na armas gamit ang bitcoin tapos umabot sa senado baka sakaling magkaroon ng pagtatalo tungkol dito na maaring maging sanhi ng paghihigpit o pagbabawal ng pag-gamit ng bitcoin sa ating bansa.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: restypots on September 28, 2017, 03:50:24 PM
may government kasi na sobrang higpit na iniisip pwedeng magkaron ng something sa fiat nila kung gagamit pa sila ng crypto,siguro sa pera ng ibang bansa maliit na nga ang value tpos gagamit pa sila nito at pwede ma under ang pera nila pero satin medyo naaangkop ang pananaw natin para ipasok ang btc dahil lumalakas din ang pakikipag palitan natin sa btc-php


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: sp01_cardo on September 28, 2017, 04:37:53 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Sa tingin ko hindi naman mangyayari yun kasi maraming natutulungan ang bitcoin dito sa pinas. Ang pwedeng mangyari lang siguro eh baka lagyan din nla ng tax ang bitcoin tulad na lang sa lotto ngayon.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: eugene30 on September 29, 2017, 03:09:48 AM
Mukhang hindi naman gagawin yan ng gobyerno natin pero malamang ay gagawa lamang sila ng guidelines or rules patungkol sa usage nating mga pinoy sa bitcoin. Kasi kung ito ay aalisin nila malamang na may mawalan ng kabuhayan or additional income. Kasi magandang alternatives din ang bitcoin sa mga walang trabaho or estudyante.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: kier010 on September 29, 2017, 06:21:41 AM
hindi mababan yan accepted na nga sa banko central ang bitcoin. at isa pa makakatulong naman ang bitcoin sa kahirapan dito sa pilipinas.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Dewao on September 29, 2017, 06:44:46 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

Pwede gawin ng gobyerno natin yung kung gugustuhin niLa, pero wag naman sana. Kasi kung pag aaralan nila ang tungkol sa bitcoin malalaman nila na magiging malaking tulong to para sa ekonomiya ng ating bansa kaya para san pa at i baban nila ang bitcoin dito sa pilipinas.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Perseusallen on September 29, 2017, 07:03:01 AM
Hindi. Tinanggap at naging legal na nga ang bitcoin sa Pilipinas nakaraang taon lang. Inaprubahan na ito ng pamahalaan natin sa dulot nitong magandang dulot sa ating industriya.
Bagamat legal ang bitcoin sa Pilipinas marami paring tao ang hindi alam ang ibig sabihin ng bitcoin at kung ano ito.
Sa patuloy na pagtaas ng halaga ng bitcoin patuloy rin ang pagtaas ng mga taong nakakadiskubre dito.
Patuloy ang paglago ng ating industriya ng dahil sa mga nag iinvest sa bitcoin kaya't malabo itong iban sa ating bansa.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Seaze007 on September 29, 2017, 07:24:14 AM
good afternoon guys!sa pag kakaalam ko parehas din ang bitcoin dito sa pinas at sa ibang bansa,ang iba lang sa kanils weather


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Itsmesunnyy on September 29, 2017, 11:13:00 AM
Sa tingin ko hindi naman kasi di naman ito scam at nkakabenefit din ang ating mamamayang pilipino dito.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: SPS143 on September 29, 2017, 11:14:44 AM
Lets say hindi ko pa alam kaya nga sumali ako dito para mlaman ko kung anu pagkaiba nito sa ibang bansa nga bibitcoin din :)


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Ryanpogi on September 29, 2017, 11:18:15 AM
Hindi naman siguro legal na kase dito sa pilipinas yung bitcoin, at si bitcoin marami na ding na bigyan ng extra work dito marami na ding na tulongan ang bitcoin. Marami na ding pilipino na gusto dagdag kita at iba ay gusto ng trabaho.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Bae_Seulgi on September 29, 2017, 11:21:43 AM
Hindi naman siguro atsaka sa panahon ngayon, hindi pa laganap ang bitcoin, kaunti pa lamang ang nakakaalam nito. Maaari sigurong maban kung ito at gagamitin sa masama tulad ng mayroon sa deepweb na bumibili sila ng mga gamit pangbakbakan/pagpatay gamit ang mga cryptocurrencies tulad ng bitcoin pero sigurado akong hindi tayo matutulad doon kaya sa tingin ko, hindi naman.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Night4G on September 29, 2017, 11:25:38 AM
sa tingin ko naman ay hindi nila ibaban ang bitcoin sa pilipinas kase ginagamit naman natin ito sa tamang pamamaraan para kumita ng panggastos araw araw.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Zeke_23 on September 29, 2017, 11:37:35 AM
Hindi naman siguro legal na kase dito sa pilipinas yung bitcoin, at si bitcoin marami na ding na bigyan ng extra work dito marami na ding na tulongan ang bitcoin. Marami na ding pilipino na gusto dagdag kita at iba ay gusto ng trabaho.
Hindi pa ganun ka legal at di din naman illegal, ibig kong sabihin hindi pa sya ganun kasikat at di pa naaabot ung mga ibang tao dito. Iilan palang ang nakakaalam at iilan lang din ang naging interesado dito.pro tingin ko di din to ibaban sa pilipinas baka nga bigyan pa nila ng tax e, kasi malaking halaga ang btc.malamang peperahin ng gobyerno yan.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Tiktik on October 13, 2017, 12:26:50 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Hindi ko din alam eh pero pwedeng mangyari pero wag naman sana kasi napakalaking tulong ng pag bibitcoin sa bansa natin lalo na sa katulad kong medyo kapos sa pera .


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: LapukSwag19 on October 13, 2017, 12:41:23 PM
Sa tingin ko hindi kasi kagaya ng ibang bansa na nagpupumilit na iban to di nila yun magagawa kasi madaming ngbibitcoin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: tjddir316 on October 13, 2017, 02:42:24 PM
BTChttp://www.philstar.com/business/2017/08/19/1730418/bsp-approves-registration-2-bitcoin-exchange-operators (http://www.philstar.com/business/2017/08/19/1730418/bsp-approves-registration-2-bitcoin-exchange-operators)

Sa aking palagay ay hindi mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa Tsina ukol sa operasyon ng bitcoin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: nioctiB#1 on October 13, 2017, 03:20:34 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Possible ito mangyari kung magkakaroon ang bitcoin ng bad image dito sa bansa tulad nalang ng paggamit nito sa pag transact ng droga at sa money laundering. mahigpit pa naman ang duterte administration sa mga ganyang bagay.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: jheipee19 on October 13, 2017, 04:27:04 PM
hindi mangyayari yan.. simpleng issue nga di nila kayang solusyunan ito pa kaya..


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: livingfree on October 13, 2017, 04:32:20 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

Sa palagay ko, hindi. Bakit? Marami na kasing natutulungan ang bitcoin sa ating bansa at unti-unti narin itong nakikilala. Dagdag rin na isa narin itong new way for transaction of payments. At isa pa, malaking pera ito kaya napakaimposibleng iban ito sa Pilipinas dahil kung tutuusin magiging malaking tulong ito sa para malutas ang kahirapan sa Pilipinas.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: odranoel on October 13, 2017, 04:45:22 PM
Kung ang china bina ban ang bitcoin sana naman hindi dito sa pilipinas ...wala namang dahilan para i ban ito sa pilipinas


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: rrtg on October 13, 2017, 04:58:16 PM
Yan ang hindi natin alam. Pero sana naman hindi kasi marami ang naturulungan ng bitcoin sa,atin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: amadorj76 on November 16, 2017, 02:13:53 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Possible ito mangyari kung magkakaroon ang bitcoin ng bad image dito sa bansa tulad nalang ng paggamit nito sa pag transact ng droga at sa money laundering. mahigpit pa naman ang duterte administration sa mga ganyang bagay.

sana lang ag mahaluan ng mga ganyang bagay ang bitcoin dito sa pilipinas, kasi marami din maaapektuhan, marami na din naman nakikinabang dito sa pagbibitcoin kaya sana wag na nila gamitin sa hindi tama para safe at hindi ma ban sa pinas ang bitcoin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: okwang231 on November 16, 2017, 02:19:35 PM
malabong ma ban ang bitcoin dito sa pinas sir hindi tulad sa china kasi ginamit nila ang bitcoin sa mga ilegal na gawin kaya na ban ang bitcoin sa kanila wala pa naman akong nabalitan tungkol dito ginagamit naman natin ang bitcoin sa tamang paraan kaya wala kang dapat ikabahala hinding hindi mangyayare na ma banded ang bitcoin sa atin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Bitcoinislifer09 on November 16, 2017, 02:33:35 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Hindi naman siguro maba-ban ang bitcoin dito sa Pilipinas dahil una sa lahat malaki ang naitutulong nito sa ating bansa.Nakakatulong ito lalo na pagdating sa pinansyal dahil ito nga ang nagbibigay ng hanap buhay karamihan sa mga Pilipino.Kaya kung sa tingin ng iba na baka gumawa ang gobyerno ng batas upang ma-ban ang bitcoin sa Pilipinas,bago nila gawin yan marami pang pagdadaanan dahil wala pa naman silang masyadong alam o idea patungkol dito dahil hindi naman nabibigyang pansin ito.Kaya huwag tayong mabahala dahil marami pang proseso ang pagdadaanan bago ito mangyari.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Firefox07 on November 16, 2017, 02:46:52 PM
Kung ibaban ang bitcoin dito sa pilipinas matagal na sanang ginawa ng ating pamahalaan. Pero hindi nila ginawa kaya sa tingin ko hinding hindi mababan ang bitcoin dito. Tsaka maraming natutulungan ang bitcoin sito sa ating lalo na yung mga walang trabaho dati.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: modelka on November 16, 2017, 02:57:30 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
hindi naman seguro dahil ang alam ko legal na yung bitcoin sa pilipinas kaya malabo narin ito iban...

malabong mangyari na ibaban ang Bitcoin dito sa pilipinas dahil legal ito sa atin sa gobyerno at napakalaking tulong ito sa mga tao na umaasa sa ganitong trabaho o pagkita. pagbutihin lang natin at huwag lalabag sa kanilang rules and regulations. happy Bitcoin to all


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Bryan13 on November 16, 2017, 03:34:41 PM
I think there's possibility to ban this, btc is using for how many years. But i heared some issues on BSP about btc, instead they should be happy, because btc helps many people. 😊😊😊


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: nilda limosnero on November 16, 2017, 03:57:13 PM
Sa tingin hindi po iba ban ang bitcoin sa Pilipinas kasi malaki po ang naitulong nito lalo na po sa mga lubos na nangangailangan.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: kyanscadiel on November 16, 2017, 04:05:08 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
sa tingin ko naman hindi yan  gagawin ng gobyerno natin not unless na nagagamit na ang bitcoin sa mga ilegal na transaksiyon ay puwede siyang higpitan pa lalo ang rules at guidelines pero hindi siya totally iba-ban.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Yzhel on November 16, 2017, 04:07:15 PM
Sa tingin hindi po iba ban ang bitcoin sa Pilipinas kasi malaki po ang naitulong nito lalo na po sa mga lubos na nangangailangan.

Hindi naman siguro, malayong mangyari na maban ang bitcoin sa pilipinas,matagal na rin naman ito na ginagamit sa pilipinas pero wala namang ginagawa ang gobyerno laban sa bitcoin,ang alam ko diyan na gagawin na hakbang nang pilipinas na baka patawan nila ito nang tax dahil sa pinagkakakitaan na nang madaming pilipino ang bitcoin,at alam naman natin na basta pinagkakakitaan walang ligtas sa gobyerno.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Jigsawman082076 on November 16, 2017, 04:18:28 PM
Iba ban ba ang bitcoin sa Pilipinas kagaya sa ibang mga bansa? Sa tingin ko malabong ma ban dito sa Pilipinas ang bitcoin kasi nakakatulong din ito sa mga unemployed dito sa ating bansa lalo na sa mga new graduates natin na walang mahanap na trabaho, at isa pa wala pa namang mga malakihang negative feedbacks ang napabalita dito sa Pilipinas kaya sigurado akong tatagal pa talaga ang bitcoin dito sa ating bansa... for a long time.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Matimtim on November 16, 2017, 04:19:34 PM
Para sakin malabong ma ban ang bitcoin sa Pilipinas, una hindi ganun ka updated ang mga Pilipino sa kong panu kuntrolin at kong panu pagalawin ang bitcoin dahil pagdating sa tiknolohiya hindi natin maitatanggi na malayo pa ang bansa kumpara sa iba.
Pangalawa bagay ay maraming mga bitcoin user sa Pilipinas na natutulungan ng bitcoin at nakapamuhay ng maayos na hindi kinukulang sa mga pangangailangan kayat, walang dahilan upang ma ban ang bitcoin sa Pilipinas.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Bes19 on November 16, 2017, 04:40:05 PM
Sa tingin ko hindi kasi makikita naman nila kung gaano kalaking tulong ang nabibigay ng bitcoin sa atin. Baka nga ipromote pa nila to para yung mga walang trabaho eh matutunan ang pagbibitcoin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: russen on November 16, 2017, 04:42:25 PM
Nah. Para sakin hindi at mahirap yan. Maraming pinoy ang nagbibitcoin at ano naman idadahilan nila para iban to? Dadamihan pa nila mga taong kulang ang pera pagnagkataon.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Gagayalano123 on November 16, 2017, 05:12:19 PM
sa tingin ko hindi mababan ang bitcoin sa pilipinas (sa ngayon) kung walang manghihimasok na mukhang pera galing gobyerno.
katulad ng uber, hindi naman kilala yan noon pero nung nag boom at nakilala ng tao at nanghimasok ang gobyerno binago nila ang sistema na kinurakutan na ng gobyerno at nilagyan ng tax (na alam mo naman na ginagamit nila sa proyekto na sisirain ang daan tapos gagawin ulit) at paulit ulit. pero we can't predict the future dahil tumataas ang tsansang makilala ng pilipino ang bitcoin. somehow, kaya na banned sa tsina ang bitcoin dahil ang alam ko gusto nilang kakumpetensyahin at taasan ang halaga at taas kaya nila pinaban doon ang bitcoin.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Genosx on November 16, 2017, 05:31:07 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

di naman siguro gagawin yan dito sa pinas dahil maganda ang future ng bitcoin kung iaadopt to ng pinas
at sana wag mangyari na matulad tau sa ibang bansa na bawal mag bitcoin


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: BlasterS on November 16, 2017, 05:34:43 PM
Sa tingin ko po pareho lng yan. kasi yung pag trade ng btc ,international namn po yan .

oo nga pero kung iban sa pinas ang pag bibitcoin syempre ilolock nila mga IP nyan at di tau mkakapag LOG IN sa mga site ng trading kaya sana di to iban sa pinas
medyo malaking tulong din ang pag bibitcoin saatin lalo na dito sa forum na to


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: flatnose101 on November 16, 2017, 05:43:34 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

di naman siguro gagawin yan dito sa pinas dahil maganda ang future ng bitcoin kung iaadopt to ng pinas
at sana wag mangyari na matulad tau sa ibang bansa na bawal mag bitcoin
sa aking palagay din hindi nga ito mangyayare sa ating bansa ang iban ang ganitong currency kaya mas better na magpasalamat na lamang tayo at kahit papano meron tayong freedom na gawin ang lahat oo ang gambling hindi legal pero may mga bagay naman na tayo na kayang gawin dito sa andyan ang lahat trading mining or joining sa mga campaign.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: rowel21 on November 16, 2017, 07:10:55 PM
Hindi kasi marami namang mgndang benefits ang btc kaya di naman siguro ito maba banned  wala nmn sigurong mgrereklamo tungkol sa bitcoin


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: renjie01 on November 16, 2017, 08:22:04 PM
pareho lang ang ginagawa natin sa ginagawa nang mga ibang lahi dito sa forum invest,trading, gambling, signature campaign,mining yan lang naman ang alam kong pwedeng pwedeng makakuha nang malaking pera


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Mainman08 on November 16, 2017, 10:41:00 PM
Malabong iban ang bitcoin sa pilipinas. Kasi kung gusto nila iban sana noon pa. Malaking tulong din ito sa mga pilipino kaya hindi nila ito ibaban.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Jose21 on November 16, 2017, 10:41:47 PM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Meron din posibilidad na i-ban ang bitcoin dito sa pilipinas. Dito kasi sa pilipinas lahat ng mga bagay ng connection na pera ay may tax. Sabi nga ng iba eh hininga na lang natin ang walang tax. So kapag nalaman nila siguro madaming kumikita sa bitcoin at mataas ang binibigay nitong sahod sa atin , maari nila tayong taxan or kpag hindi naman maari nilang i-ban ito.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: West0813 on November 16, 2017, 10:52:38 PM
Hindi nila ibaban ang bitcoin dito sa pilipinas. Kasi malaki ang naitutulong nito sa ating mga pilipino. Matagal ng alam ng ating pamahalaan ang bitcoin kaya kung gusto nila itong iban sana noon pa nila ito ginawa.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: rexter on November 16, 2017, 10:55:27 PM
Bakit ebaban ang Bitcoin sa Pilipinas anong rason?Marami na ang natutulongan ng Bitcoin sa  mga unemployed na gusto kumita at magkaroon ng sariling negosyo at sa mga nais umangat ang buhay,wala naman naidudulot na masama ang Bitcoin sa Pilipinas marami pa nga natutulongan,kahit nsa 3rd world country ang Pilipinas hindi naman makikitid ang mga utak ng mga Pilipino na para hindi makaintindi kung ano ang Bitcoin.Correct me if i am wrong..pls.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: AniviaBtc on November 16, 2017, 11:00:28 PM
Siguro Hindi naman I baban ang bitcoin sa pilipinas kasi tanggap na ang btc dito sa acting bansa at marami na ang  mga pilipinong nagbibitcoin at gustong kumita ng pera at katulad ko gusto ko ring kumita ng malaki oara ako ay makatulong.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: petmalulodi078 on November 17, 2017, 01:07:35 AM
hindi, ang pilipinas ay 1ng demokrasyang bansa.. kaya maluwag lang dito sa bansa natin, 1 pa kahit ang bangko sentral ay iohonor ang bitcoin bilang virtual currency kaya pwede nadin tayo bumili ng bitcoin sa mga bangko natin dito sa pilipinas.. kaya masasabi kong hindi ibaban ng pilipinas ang bitcoin..


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: jamescloudynieze on November 17, 2017, 03:07:15 AM
Oo kasi minsan may na rinig ako na mas mabuting mag campaign or bounty kay sa airdrop kasi sa airdrop marami daw na walang presyong token. Pero para talaga sakin at sa mga kibigan ko airdrop lang talaga 8)


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: kumar jabodah on November 17, 2017, 03:25:05 AM
Hindi iyan mangyayari lalo na ngayon na ang bitcoins ay nakakatulong sa atin. Sigurado akong hindi ito papayagan ng mga mamayan ng bitcoins. At isa pa inaprobahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bitcoins at ginawang legal ang pag gamit ng bitcoins. Kaya malaya tayong magagamit ang bitcoins. At hindi tayo matatakot na ito ay ipagsabi sa iba.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: kinzey on November 17, 2017, 03:35:07 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

Di naman siguro ban. May regulations lang. Diba parang china. Hindi naman ban ang btc gusto lang nila iregulate ang trading. Dahil na rin siguro sa mga scam coins or mga illegal activities na ndi ma trace. Accepted na kasi dito sa pinas kasi maraming remitances na pumapasok dahil sa btc.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: izthuphido on November 17, 2017, 03:50:46 AM
siguro hindi i ba ban ang bitcoin dahil maraming tao ang mamawalan ng hanap buhay kapag nawala ang bitcoin hindi katulad ng ibang bansa kahit ma ban ang bitcoin sa kanila marami pa rin silang pagkakakitaan.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Gens09 on November 17, 2017, 04:23:44 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
parang hindi naman pansinin ng government ang bitcoin sa tingin ko hindi naman nila ibaban as long as hindi ito nakakasagabal sa mga proyekto at mga batas nila at hindi ito nagiging way para lumala or hindi ito ginagamit sa black market kasi once na na gamit ang bitcoin para sa masamang gawin for sure makikielam na ang government as long as nakakatulong sa mga pinoy at walang masamang epekto sa kabuoan ng bansa hindi nila ito ibaban


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Palider on November 17, 2017, 04:48:54 AM
Hindi siguro. Dahil suportado ng pilipinas ang bitcoins.  Katunayan ito ay inaprubahan na ng BSP - Bangko Sentral ng Pilipinas.  Kaya Malabo itong mangyari.  Pwera nalang Kong may masamang epekto ito sa atin katulad ng pagdami ng taong nabibiktima ng mga scam investment na konektado Sa bitcoins.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: herminio on November 17, 2017, 05:09:25 AM
Hindi po ibaba baned yan. As mentioned above bitcoin is already supported by Banko Sentral ng Pilipinas kaya malabong mangyari yan. .in my own understanding why china banned bitcoin because they want to control the bitcoin .


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: Maian on November 17, 2017, 05:09:41 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa
Di naman siguro, at wag naman dahil marami ang natutulongan nang bitcoin dito sa bansa natin. Wag kang matakot dahil di naman yan galing goverment. At isa naman itong networking. .


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: amadorj76 on November 17, 2017, 05:21:32 AM
Gusto kong malaman kong pwede itong mang yari dito sa philipinas, dahil natatakot akong baka gumawa sila ng batas sa pag ban nito sa bansa

di naman siguro gagawin yan dito sa pinas dahil maganda ang future ng bitcoin kung iaadopt to ng pinas
at sana wag mangyari na matulad tau sa ibang bansa na bawal mag bitcoin

sana nga wag naman i ban sa pilipinas ang bitcoin, dahil maganda naman ang naidudulot nito sa maraming pinoy na gumagamit nito at nakakatulong talaga sya, sana mas maging malawak at mas madami ang user para hindi sya mababan sa pinas.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: crazylikeafox on November 17, 2017, 05:24:54 AM
Hindi po ibaba baned yan. As mentioned above bitcoin is already supported by Banko Sentral ng Pilipinas kaya malabong mangyari yan. .in my own understanding why china banned bitcoin because they want to control the bitcoin .

Pwede pahingi ng links kung saan sinasabi ni bsp na sinusuportahan ang bitcoin?

Dahil sa pagkakaalam ko eh pinag iingat pa nila ang publiko sa mga digital currencies dahil wala itong back up.


Title: Re: iba ban din ba ng Pilipinas ang bitcoin tulad sa ginawa ng ibang bansa?
Post by: joshua10 on November 17, 2017, 06:23:28 AM
Kung ginamit natin ang bitcoin sa mga masasamang bagay tulad sa pag sugal sa drugs sigurado ma baban talaga ang bitcoin dito sa pilipinas pero pag sa tama mo naman ginamit never ni lang ibaban ito dahil nakikita naman nila ang epkto nito sa mga taong gumagamit.