Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: GreenTrader on November 06, 2017, 03:41:15 PM

Title: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 06, 2017, 03:41:15 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: kidoseagle0312 on November 06, 2017, 06:25:04 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

Sa mga naranasan ko naman ay hindi ko pa nakaharap ang ganyang bagay, sa kasalukuyan naman ay maayos ang mga campaign na sinasalihan ko at wala naman akong nagiging problema.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: KwizatzHaderach on November 06, 2017, 06:43:21 PM
Scam experience ko is sa online mining. Naginvest ako maliit na halaga lang, tinry ko kung babalik pera ko.
Malas ko kasi nagsara agad yung website, so nganga.

Payo ko lang, ingat ingat sa mga dubious na site. Stick na lang mag-invest sa Bitcoin.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 06, 2017, 10:15:30 PM
Scam experience ko is sa online mining. Naginvest ako maliit na halaga lang, tinry ko kung babalik pera ko.
Malas ko kasi nagsara agad yung website, so nganga.

Payo ko lang, ingat ingat sa mga dubious na site. Stick na lang mag-invest sa Bitcoin.

Ano yun pangalan ng online mining na nasalinan mo?

Title: Re: SCAM experiences
Post by: healix21 on November 06, 2017, 10:49:55 PM
I was scammed by:

EligiusMining
Ethtrade

Before you invest on something, do a deep research.. Thats what i learned.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: kaizerblitz on November 07, 2017, 02:19:55 AM
Ako na scam din pero naging susi ito para maging sucessful yung experince ko ss double your btc na kailangan mo mag invest para domoble ang bitcoin mo ayun na scam din. Para maiwasan ma scam una tignan nyo ang website na iinvest nyo o isasign up kung pwede kung https dapat para fully secured.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: tambok on November 07, 2017, 02:34:48 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

nascam lang naman ako dati sa isang date entry. kasi ang sabi nya saken dati kikita daw ako ng malaki basta mabilis ako magencode. pero bago ako makasali need ko magbitaw ng 600 pesos para sa registration fee. para daw makaaccess ako agad. then 12 hours na ako nageencode pero 10pesos pa lamang kita ko. yung pala hindi talaga sa encoding ang kitaan thru recuitment talaga sya

Title: Re: SCAM experiences
Post by: bitcoiners25 on November 07, 2017, 02:47:46 AM
SCAM experiences ko is yung mga investments site na mga passive income kuno. na scam ako nun kasi nasilaw ako sa maliit na puhunan pero malaki daw yung balik pero sa buhay ngayun walang bagay na madali mo lang na makukuha na wala ka namang ginagawa. kaya jan sa mga ka bitcoiners natin na gustong mag invest sa mga mining sites/investment sites just take note: "INVEST WHAT YOU CAN AFFORD TO LOSE".

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Kambal2000 on November 07, 2017, 02:49:47 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

nascam lang naman ako dati sa isang date entry. kasi ang sabi nya saken dati kikita daw ako ng malaki basta mabilis ako magencode. pero bago ako makasali need ko magbitaw ng 600 pesos para sa registration fee. para daw makaaccess ako agad. then 12 hours na ako nageencode pero 10pesos pa lamang kita ko. yung pala hindi talaga sa encoding ang kitaan thru recuitment talaga sya

never pa ako na scam sa bitcoin kasi hindi ako basta basta nagbibigay ng trust sa isang site e, kaya dapat talaga maging mapanuri tayo para hindi tayo magoyo ng mga taong mapanglamang sa kapwa. pero dati muntik na ako mascam sa networking buti na lamang at naabisuhan ako ng aking tiyahin na marami na daw naloko ang networking na yun

Title: Re: SCAM experiences
Post by: uyysidmc on November 07, 2017, 03:12:13 AM
Ang dapat mong iwasan na scam sites ay ang mga Hyip (High Yield Investment Program) na kung saan karamihan (pero d ko nilalahat) ay mga scam dahil umaabot lng ito around 10days to 1month . Pero malaki ang profit mo dito sa mga hyip sites kapag tumagal. pero ang risky talga ng mga hyip sites d mo alam kung kailan mawawala ang site. May na encounter akong 1day palang scam na agad (totoo yan).

Title: Re: SCAM experiences
Post by: tienigarazz on November 07, 2017, 03:27:02 AM
Sa ngayon wala pa akong scam experience at isa yan sa iniiwasan kung mangyari kaya lagi kung sinisigurado lahat ng sasalihan at gagawin ko dito. Kasi sayang naman pinaghirapan mo kung masscam ka lang. Kaya lagi tayong mag ingat at suriing mabuti ang bawat gagawin at sasalihan.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: dark08 on November 07, 2017, 03:31:40 AM
Ang dapat mong iwasan na scam sites ay ang mga Hyip (High Yield Investment Program) na kung saan karamihan (pero d ko nilalahat) ay mga scam dahil umaabot lng ito around 10days to 1month . Pero malaki ang profit mo dito sa mga hyip sites kapag tumagal. pero ang risky talga ng mga hyip sites d mo alam kung kailan mawawala ang site. May na encounter akong 1day palang scam na agad (totoo yan).

Never pakong sumubok pasukin ang mga hyip or ponzi scheme dahil takot akong mascam at tama ka sir na dapat natin itong iwasan para nadin hindi mascam ang pera natin. Base naman sa karanasan ko my nag alok dati sa akin at sa friend ko na pasukin ito pero hindi ko ito sinubukan subalit yung kaibigan ko naglakas loob na mag invest dito and after a few weeks bigla nalang nawala ito buti nalang at hindi ako nagtry dito kung nagsubok ako isa na ako sa mga iyak kaya ang payo ko kung my makita man o mag aya sa inyo ng mga ganito mas mabuti na iwasan muna para hindi kayo mag sisi sa huli.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Andria123 on November 07, 2017, 03:34:57 AM
in my situation Wala naman akng na experiences about scam,Pero Ito last contract na namin sa signature campaign November 7 this day na po,Kaya kinakabahan ako Kung matagangap ba talaga nang kita sa signature campaign na sinalihan ko,sana nga Hindi scam ang sinalihan ko,sana mabayaran kame nang Maayos para naman sa ganun Hindi Sayang yung pinaghirapan naming panahon sa Bitcoin at signature campaign Kung saan Ako nag.apply

Title: Re: SCAM experiences
Post by: NelJohn on November 07, 2017, 03:38:38 AM
sa ngayon wala pa naman akong na encounter na scam na campaign pero sa MEW ko na hack so ito nalang ang ibabahagi ko wag mag tiwala sa mga link at wag click nang click dahil pwede nilang makuha ang tinatago mong tokens

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 07, 2017, 04:25:58 AM
I was scammed by:

EligiusMining
Ethtrade

Before you invest on something, do a deep research.. Thats what i learned.

Nakita ko yan Ethtrade sa youtube around June 2017. Nag re-research ako about Bitcoin and Ethereum noong mga panahon na yan. I hope ok so far investments mo at naka recover ka.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: shadowdio on November 07, 2017, 04:42:52 AM
maraming na rin ako na experience na scam sa cloud mining hindi ako binabayaran, sa PTC naman biglang nagshutdown ang kanilang site hindi ko tuloy na withdraw yung na earnings ko pero at least may natutunan na din ako, bago ka mag invest ng pera dapat pag-aralin mo muna ang site kung isang taon na ba sila o mahigit at positive review sa mga members sa forum o search lang sa google. Lalo na sumisikat na ngayon ang bitcoin baka ito nanaman ang kanilang gagamitin para mang iscam.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: kumar jabodah on November 07, 2017, 04:47:02 AM
Maraming beses na akong nalalaman scam halos napakalaking pera ang aking itinapon nalang.  Mula Hash Ocean Hangang Ethetrade.  Ay puro scam ang aking umabkt.  Kaya naman ang desisyon na ako na iwanan ang bitcoins. Ngunit sinabi ito sa akin ng aking kaibigan ngayon kumikita na ako ng pera at masasabi Kong ito ay Hindi masscam dahil ito ay pinaghirapan ko.
 
Title: Re: SCAM experiences
Post by: timikulit on November 07, 2017, 05:04:34 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

Ang aking scam experience ay from HYIP (Coinsera). Matagal na itong nangyari sa akin. Nag invest ako sa HYIP coinsera. Naka receive naman ako ng payout mga 2 weeks din yun na tuloy tuloy. naenganyo ako na magdagdag kase nga meron naman talagang payout

Yun nga lang after one month bigla nalang hindi nag sesend ng payout ang coinsera. tumingin ako sa reviews at katulad ng ibang members hindi narin sila nakaka receive ng payout.

Nag send ako sa kanila ng ticket at nagmaka awa narin ako pero hindi nila binalik yung pera ko kahit puhunan nalang.

Sa aking palagay profitable naman mag pa ikot ng pera sa HYIP ang kaso lang dapat maliit na amount lang ang ilalagay mo then i pull out mo agad ang capital mo kapag nag ROI na. bibihira kase ang tumatagal na HYIP sa ngayon.

After that na scam ulit ako. Alam nyo po ba yung klikmart? sa may kamias po un sa quezon city. yung pera mo tutubo ng 25% after 14 days. naglagay din ako dun. nakareceive din ng payout pero after ilang months nagsara din. buti nalang maliit liit lang ang nakuha sakin

After that experience, naging skeptic na ako sa mga nagooffer ng investment na may mataas at mabilis na ROI. kapag merong dumating susubukan ko padin pero maliit na halaga lang yung tipo bang hindi ako manghihinayang kahit mawala.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Merszone on November 07, 2017, 05:26:54 AM
yung nabigay mo yung private key .. sad :(

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Tankdestroyer on November 07, 2017, 05:38:46 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Madami na rin akong naexperience na scam specially sa mga HYIP sites. Dahil dito lagi kong inaadvice sa kahit sinong nagtatanong sakin ng tungkol sa bitcoin na iwasan ang HYIP. Lagi ko itong pinapaalala sa mga kabarkada kong nagbibitcoin din. Isa pang experience ko sa scam ay ang pagiinvest sa ICO na di naman nagdistribute ng tokens at sa halip ay tumakbo ang dev. Para maiwasan ito, iresearch nyo muna yung ICO na sasalihan nyo at iverify ang credibility ng kanilang team bago maginvest.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Drixy on November 07, 2017, 05:39:24 AM
Wag makikipag transact sa mga Sr. Member below kasi kapag Sr. Member na ang account mo malaking risk ang pakikipagtransact kahit 50 or 60k pesos mas lugi ka kung iscamin mo ang ganito kalaking pera.So maliit ang chance na ma scam ka dito sa forum pero sa forum lang ito

Title: Re: SCAM experiences
Post by: acpr23 on November 07, 2017, 06:19:16 AM
once lang ako nascam maliit na halaga lang naman nung una medyo nakakadepress pero may nabasa ako na in every thing you dont loss its either you win or you learn. at tama nga dun nako natuto at nakaiwas na sa mga scams

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Yhan on November 07, 2017, 06:30:11 AM
Naranasan ko ng maiscam ng isang hyip. First time ko mag invest ng bitcoin at sumali sa ganung investment.  Nung una pala lang na nagdeposito ako ng investment ko at inabot ng anim na oras bago pumasok sa account ko naghinala na kaagad ako ng mukhay sablay yung pinasukan ko. Makalipas ang tatlong araw 45% ng investment ko nawithdraw ko tapos kalaunan bigla na lang nawala yung hyip site na sinalihan ko.  Maliit lang na halaga yung ininvest ko. Sa totoo lang di ko alam kung pano malalaman kung scam ba ang hyip na sasalihan ko o hindi kaya para maiwasan na mabiktima uli ako ng mga scam na hyip hindi na lang ako nagkakainteres na sumali.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: armandoz on November 07, 2017, 06:49:01 AM
sa mga kontento nasa bitcoin at kumikita na rin dapat wag na kayong mag try na mag hanap pa ng ibang pagka kitaan tutok nyo nalang ang panahon nyo sa bitcoin kung talagang gusto nyo pa itong lumago ay aralin nyo ang ibat ibang parte ng bitcoin at stick tayo sa safe wag kang magbubukas ng site na hindi mo kilala dahil passible na ma hack ka pa. e career mo nalang ang bitcoin at hindi ka mawawalan...lalago pa ang kinikita mo!

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Actzuki on November 07, 2017, 06:53:42 AM
As of now hindi pa ako nakaka experience ng scam dahil maingat din ako sa mga ganyan lalo na sa mga pishing sites na kumakalat ngayon kaya mag ingat kayo talamak ngayun ang mga hacker.  :'(

Title: Re: SCAM experiences
Post by: boybitcoin on November 07, 2017, 06:55:37 AM
Na scam naman ako sa networking dahil sa invite ng barkada ko, nahikayat ako mag invest dahil nakapag payout, nalimutan ko na ang ang pangalan ng company basta tungkol sa gold at kailangan pa ng invite para makapay out kaya simula noon nadala na ako, bago ako mag invest pinag aaralan ko muna kung napakalegit ng company bago mag invest.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 07, 2017, 10:30:51 AM
Ako na scam din pero naging susi ito para maging sucessful yung experince ko ss double your btc na kailangan mo mag invest para domoble ang bitcoin mo ayun na scam din. Para maiwasan ma scam una tignan nyo ang website na iinvest nyo o isasign up kung pwede kung https dapat para fully secured.

Na basa ko na yan mga bitcoin doubler. Ano yun mga specific site nasalinan mo? At paano ba ang modus ng ganiyan scam site?

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Risktaker31 on November 07, 2017, 10:32:33 AM
Na scam na ko dati sa mga mining sites ng satoshi naginvest kasi ako tapos di bumalik ung ininvest ko ayon nanghinayang rin ako . Kaya guys kung kayo mag iinvest dapat alamin nyo muna kung ano ang papasukin nyo or pagiinvestan nyo para iwas fail sa pagiinvest.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: tienigarazz on November 07, 2017, 10:33:33 AM
Sa ngayon wala pa akong scam experience at isa yan sa iniiwasan kung mangyari kaya lagi kung sinisigurado lahat ng sasalihan at gagawin ko dito. Kasi sayang naman pinaghirapan mo kung masscam ka lang. Kaya lagi tayong mag ingat at suriing mabuti ang bawat gagawin at sasalihan.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Gabz999 on November 07, 2017, 10:46:20 AM
So far di pa naman ako nka encounter ng scam, kase wala naman akong ini invest ehh. Para maging aware lang kayo kung scam ba o hinde ang pag iinvestan mo, do a hard reasearch about sa project and developers nito para sigurado ka talaga na di ka ma dedehadon.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Catch-22 on November 07, 2017, 11:04:31 AM
Nung bago ako sa bitcoin. Nag invest ako sa cloud mining.  Maliit na halaga lang, sinubukan ko lang ang mining.  Pero lesson learned.  Need talaga mag-research at pag-aaralan san ka mag-i-invest.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Blue2012 on November 07, 2017, 11:07:28 AM
Madami akong nabasa na ang cloud mining at hyip site ang isang malakas makapang scam dahil sa nakakaakit na mga offer sa mga investors at madalas nilang nabibiktima is yong mga sobrang greedy maka earn ng mabilisan at isa na tayong mga pilipino dun.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 07, 2017, 02:34:34 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

nascam lang naman ako dati sa isang date entry. kasi ang sabi nya saken dati kikita daw ako ng malaki basta mabilis ako magencode. pero bago ako makasali need ko magbitaw ng 600 pesos para sa registration fee. para daw makaaccess ako agad. then 12 hours na ako nageencode pero 10pesos pa lamang kita ko. yung pala hindi talaga sa encoding ang kitaan thru recuitment talaga sya

Na tandaan mo pa ano name noong scam site or business. Maganda kasi ma share natin sa iba para kaunti ang maloko in the future.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: josh07 on November 07, 2017, 02:54:59 PM
ang experiences ko sa iscam yung hindi ako na bayaran sa signature campaign biglang nawalan ng pondo yung maneger alam mo yung feeling na nag pagod kang nag ost at na puyat kapa tapos biglang wala na lang bayad diba? mababadtrip ka din kahit sino naman siguro nag pagod ka sa wala lang ayan yung karanasan ko sa iscam kaya na mimili na ako ng caapaign na sinasalihan ko yung 100% legit mag bayad.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: budz0425 on November 07, 2017, 03:10:26 PM
ang experiences ko sa iscam yung hindi ako na bayaran sa signature campaign biglang nawalan ng pondo yung maneger alam mo yung feeling na nag pagod kang nag ost at na puyat kapa tapos biglang wala na lang bayad diba? mababadtrip ka din kahit sino naman siguro nag pagod ka sa wala lang ayan yung karanasan ko sa iscam kaya na mimili na ako ng caapaign na sinasalihan ko yung 100% legit mag bayad.
Ngyayari din po pala yon? ngayon ko lang po nalaman na pwede din pala nilang gawin yon, siguro ay sa susunod po talaga maging maingat na lamang tayo sa pipiliing cmapaign at ng manager make sure na lang natin na merong escrow kapag hindi trusted yong manager ng isang campaign, mahirap din po talagang mag take risk kaya ingat na lang po tayo.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: billyjoe on November 07, 2017, 03:13:56 PM
Na try ko na ma scam sa walang hiyang auroramine na yan haha. Wag kayo mag iinvest sa cloud mining at mga networking naku 99% scam yan ingat ingat

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Xanxus024 on November 07, 2017, 03:47:33 PM
So far hindi pa ko na scam kasi naman hindi ko pa din na try mag invest :) pero para maiwasan dapat alamin muna natin mabuti kung sino o anong site yung sasalihan natin para low risk din. Usually pag masyado nating gusto lumago agad yung bitcoin eh napaka aggressive natin kahit ano papasukin dapat konting knowledge din sa bawat disisyon na gagawin. :)

Title: Re: SCAM experiences
Post by: lyndon30 on November 07, 2017, 04:21:58 PM
Sa totoo lang hindi pa ako nabiktima ng scam kasi wala akong ibang pinasukan na trabaho maliban sa pagbibitcoin.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Moneychael on November 07, 2017, 04:39:24 PM
Hindi pa po ako nakakaranas ng ganyang karanasan. Maaari po siguro sa mga faucet pwede mangyari ang scam. Sa mga campaign naman po kasi mukha lang nagkaka scam pero hindi naman po talaga siya masasabing scam. May pag kakataon lang siguro na hindi pagkakaunawaan sa mga board at mga members kaya nagkakaproblema sa project na ginagawa nila.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: dinah29 on November 07, 2017, 04:40:42 PM
Sa buong buhay ko hindi talaga ako nabiktima ng scam kasi nag-iingat ako lalo na dito sa pagbibitcoin.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Gerharde on November 07, 2017, 04:52:17 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

maraming scam dyan dahil marami ding mapansamantala. wag kayong mag iinvest sa mga hindi kilalang investment scheme lalong lalo na kung nag aalok ng kasing laki ng 1% up returns per day. malamang scam yan

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Prettymie on November 08, 2017, 02:04:31 AM
Hindi pa po ako na scam sa awa ng diyos

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Tony Kamote on November 08, 2017, 03:41:59 AM
Cgro pag wala gawen c yakov sa mga coin sa coinexchange un ang una kong scam experience sa coiN kc nakabili ko ng btbc :(

Title: Re: SCAM experiences
Post by: DyllanGM on November 08, 2017, 03:49:27 AM
Since baguhan palang ako dito sa bitcoin, fortunately hindi pa naman ako na scam. Pero nung makita ko tong thread na to, I thought maganda magbasa dito kasi para at least may idea din ako sa mga nangyaring mga scams dito. Baka ma-encounter ko ring ang mga katulad na concepts ng scams na na-share dito, may idea na ako anong dapat iwasan.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Cmay222 on November 08, 2017, 03:50:39 AM
yung nabigay mo yung private key .. sad :(

Ito talaga ang common na nangyayari sa naiiscam, yung aksidente nilang naibibigay ang private key, at sa bagal nh internet sa pinas, panunuorin mo nalang ang wallet mo habang nauubos. So far wala pa naman akong scam experience pero dapat doble ingat tayo kasi sayang naman yung pinagpaguran natin

Title: Re: SCAM experiences
Post by: micko09 on November 08, 2017, 04:01:37 AM
since newbie ako, wala pa ko experience sa scam, pero pano po malalaman pag scam o legit ung site? madami kasi ako nakikita na site (mostly mga mining),

Title: Re: SCAM experiences
Post by: doll1 on November 08, 2017, 04:09:10 AM
ako po wala pa expireince sa scam pero may alam nako na scam na  siya laki pera ang nawala sa kanya power kawawa naman siya kasi pinag hirapan niya wala na  parang bula masklap ang buhay nita ang bitcoin wala namang pera na nilalabas dto kay para sa akin hindi ito scam.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Pasnik on November 08, 2017, 04:11:20 AM
Maraming beses na ako nascam bitcoin din style hyip. Hindi ko naisip na mabilis mawala ang website kung saan ako naginvest. Buti nalang hindi ganun kalakihan ang pera na nailabas ko kung hindi iyak talaga. Kaya next time Ill be more careful sa sasalihan ko.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: xenizero on November 08, 2017, 04:30:12 AM
yong sa part ko nong nag invest ako sa isang website kasi nga daw may tubo yong investment mo, nag try ako kasi gusto ko rin naman lumaki yong BTC ko. Pero unfortunately, nong nag withdraw na ako then nilagay ko na saang wallet address papasok yong income ko hindi dumating. Kaya ayong yong napala ko sa mabilisang paniniwala sa iba. Lesson learned din, buti na lang maliit lang investment ko don

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Deepseedee on November 08, 2017, 04:33:20 AM
SCAM ba? iwas btc sa fb sobrang daming scammer na nag kalat sa fb :D daming gutom :D

Title: Re: SCAM experiences
Post by: shinyee0409 on November 08, 2017, 04:46:34 AM
Sa ngayon hindi ko pa naexperience ang mascam. Pero nasa tao din kasi yung kung bakit sila nasscam " sabi nga sa kasabihan walang manloloko kung walang magpapaloko" kung wala pa tayong karanasan sa papasukin natin magandang pag aralan muna natin ito o kaya humingi ng payo sa matatagal na.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: stefany101 on November 08, 2017, 04:56:17 AM
AKo mayron na po akong experience sa tinatawag na scam kasi yung una kong account na scam dahil ipinahiram ko ito sa di ko kakilala kasi ang sabi nya sya na raw ang bahalang magpa rank. Kaya sa karanasan na yung natuto na ako na wag madaling magtiwala sa ibang tao.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: burner2014 on November 08, 2017, 05:30:35 AM
Sa ngayon hindi ko pa naexperience ang mascam. Pero nasa tao din kasi yung kung bakit sila nasscam " sabi nga sa kasabihan walang manloloko kung walang magpapaloko" kung wala pa tayong karanasan sa papasukin natin magandang pag aralan muna natin ito o kaya humingi ng payo sa matatagal na.
Ako po sa totoo lang nascam ako pero pasalamat po talaga ako na nascam ako dahil napunta ako dito, hindi naman malakihan pero para sa akin po ay scam pa din dahil may reg fee kasi tapos kikita ka din sa pamamagitan ng reg fee ng ibang tao ayaw ko naman ng ganun sabi thru encoding ako kikita ayon.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: TiffanyLien23 on November 08, 2017, 05:47:39 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Salamat sayo dahil ginawa mo tong thread na makakatulong to sa mga bitcoin user para aware sila at hindi mabiktima ng mga scammers. sana dumami pa ang mag reply sa thread na ito.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Dondon1234 on November 08, 2017, 05:50:30 AM
Yan ang ayaw ko ng mangyare ulit sakin nakakapanghina talaga ng loob ang ganyan,.  Nawala yung pinaghirapan ko ng isang iglap lahat ng token ko nawala.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: noel2123 on November 08, 2017, 06:07:35 AM
Usually nadadali ako sa mga HYIP or high yield investment program nung di ko pa alam na mga scammer pala sila bandang huli , medyo bago pa ako nun sa mundo ng bitcoin at ang alam ko lang na way para mag increase ang bitcoin earning ko eh sa pamamagitan ng pagsali sa mga ganong website , ngayon natuto na ako at hinde na sumasali sa mga HYIP kahit sabihin ng iba na legit daw hinde ko na isusugal ang pera ko sa mga ganoong bagay.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: emnsta on November 08, 2017, 07:02:59 AM
Madami na mga  HYIP Sites, Onpal O Investment Group meron pang legit Trader daw yun pala payin Based lang nagtayo pa ng Office pero ayun nganga hindi na naibalik yung pera.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: stivrick on November 08, 2017, 07:19:43 AM
Ako nung baguhan pa sa mundo ng online job yung bitcoins na pinaghirapan kong kitain sa pagka-captcha encoding ay naglaho nalang na parang bula, nauso kasi dati yung bitcoin doublers site, grabe tinakbo yung mga pera namin, tapos hindi pako nadala sumali pako sa mga mining sites, ang huling naka scam sakin microhash, di manlang nakabawi sa ininvest ko, kaya mula nun, pinangako ko na sa sarili ko iiwasan ko na mag invest sa mga ganyan, iipunin ko at itatabi ko nalang kung anong kinita ko.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: pxo.011 on November 08, 2017, 07:41:18 AM
na scam din ako minsan sa investment.. una invest ko is 1$ dinoble naman nila nangutang aq 8$ at ininvest pati kinita ko sa kanila bali 10$ na.. tapos bigla ako na block . nagka utang lang ako haha

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Yzhel on November 08, 2017, 08:56:41 AM
na scam din ako minsan sa investment.. una invest ko is 1$ dinoble naman nila nangutang aq 8$ at ininvest pati kinita ko sa kanila bali 10$ na.. tapos bigla ako na block . nagka utang lang ako haha

Dati yung uso pa ang pyramid,500 pesos lang naman yun pa member  sa una kikita ka talaga pero kailangan invite ka nang invite para kumita,kailangan mong gumala para makapag invite nang tao na sumali,hindi kagaya dito sa bitcoin walang pagod kumikita ka mas malaki pa kesa dati kong onlinejob na scam pala,yan tayong pinoy eh mahilig sa extrang income.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Decalcomania on November 08, 2017, 09:09:14 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Na scam na ako ng isang beses! Kaya naman kapag ako nagiinvest ay pinag aaralan ko muna ng mabuti. Madami ng nabibiktima ng scam kaya dapat tayong maging mapanuri.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Clarissejherisse on November 08, 2017, 09:43:18 AM
First time ko sa xrb selling worth of 2000 sobrang Iyak ko kasi hirap mag claim...  At yung iba sa double your bitcoin and icounlimited at dreamhash

Title: Re: SCAM experiences
Post by: justBorn on November 08, 2017, 09:59:32 AM
Scam experiences sa mga investment site noon pero maliit lang na halaga dahil yun lang kaya ko din. kumbaga sinubukan ko lang. kaya hindi ganung kasakit kasi hindi naman ganoong kalaki. Sana dito sa forum hindi na ako mascam.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 08, 2017, 03:04:40 PM
Naranasan ko ng maiscam ng isang hyip. First time ko mag invest ng bitcoin at sumali sa ganung investment.  Nung una pala lang na nagdeposito ako ng investment ko at inabot ng anim na oras bago pumasok sa account ko naghinala na kaagad ako ng mukhay sablay yung pinasukan ko. Makalipas ang tatlong araw 45% ng investment ko nawithdraw ko tapos kalaunan bigla na lang nawala yung hyip site na sinalihan ko.  Maliit lang na halaga yung ininvest ko. Sa totoo lang di ko alam kung pano malalaman kung scam ba ang hyip na sasalihan ko o hindi kaya para maiwasan na mabiktima uli ako ng mga scam na hyip hindi na lang ako nagkakainteres na sumali.

Pwede mo ba share kung ano pangalan ng hyip na nasalinan mo? Kaya ko naisip itong subject na ito para alam ng ating mga kababayan kung ano yun mga scam sites na na encounter natin. Ako nag try for free kay Aurora Mine. Nag close na, buti na lang wala akong nilabas na pera para sumali.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: dedelp01 on November 08, 2017, 03:12:34 PM
tatlong beses na akong ma scam sa bitcoin sites na yan... kaya minsan mahirap mag tiwala kasi di mu alam kung kikita ka o ma luluge. Ang hirap din kasi pinopromote mu yung site tapos sa huli scam pala.. pag tatawanan ka ng mga taong balak mung irefer. Nkaka badtrip dn ang ma scam. kaya sa mga may balak mag invest sa bitcoin sites... make sure nyo na legit talga sya at hindi scam.

eto mga legit sites ko kung gusto nyo itry.. matagal na at established.. sure kang kikita

https://freebitco.in/?r=5179521

http://bonusbitcoin.co/?ref=2A6EDDC8F750

http://bitfun.co/?ref=00D9255CB963

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Bitkoyns on November 08, 2017, 03:32:40 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

di pko nkakaranas ng gnyng bagay since di p nmm din ako ung invest ng invest kung san san o patol ng patol sa mga bagay na alanganin dto . Yun lang gawin nyo pra fi n kyo mabiktima at wag nyo ng antayin na mabiktima pa kyo.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Aying on November 08, 2017, 03:36:06 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

di pko nkakaranas ng gnyng bagay since di p nmm din ako ung invest ng invest kung san san o patol ng patol sa mga bagay na alanganin dto . Yun lang gawin nyo pra fi n kyo mabiktima at wag nyo ng antayin na mabiktima pa kyo.

wala naman problema na sumubok kasi nandyan naman talaga ang pera sa investment kailangan mo lamang na maging mapanuri sa mga ito para hindi ka mabiktima ng masasamang loob dyan. marami naman legit e nagkalat nga lang ang scam kaya doble ingat na lamang sana. marami na ang yumaman sa investment basta nasa tamang landas ka

Title: Re: SCAM experiences
Post by: bongpogi on November 08, 2017, 03:39:45 PM
sa hyip na scam ako dati 2x mga nalimutan ko na ang name ung isa nagsara di ko nakuha investment ko tapos yong isa naman paid na daw pero walang dumating sa wallet ko pag kontak mo support di nagrereply kaya nadala nako di nako nag invest uli sa mga hyip

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Duelyst on November 09, 2017, 12:35:17 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Sa ngayun wala pA naman... Sana wag nalng ahehe

Title: Re: SCAM experiences
Post by: tamoymie on November 09, 2017, 01:56:06 AM
oo nga naman. maraming website ang gumagamit ng bitcoin to attract people. some of the those organization, works for 30days and then kung nakapag invest kana biglang mawawala or yung mismong account mo ang di ma access! scam stories online lang kabayan? plenty... kaya nga ito ang ikinaganda ng bitcointalk. sa furom na ito mababasa ang lahat ng tungkol sa cryptocurrency, trading, mining, at scam awareness para sa mga kabayan natin.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 09, 2017, 10:01:19 AM
tatlong beses na akong ma scam sa bitcoin sites na yan... kaya minsan mahirap mag tiwala kasi di mu alam kung kikita ka o ma luluge. Ang hirap din kasi pinopromote mu yung site tapos sa huli scam pala.. pag tatawanan ka ng mga taong balak mung irefer. Nkaka badtrip dn ang ma scam. kaya sa mga may balak mag invest sa bitcoin sites... make sure nyo na legit talga sya at hindi scam.

eto mga legit sites ko kung gusto nyo itry.. matagal na at established.. sure kang kikita

https://freebitco.in/?r=5179521

http://bonusbitcoin.co/?ref=2A6EDDC8F750

http://bitfun.co/?ref=00D9255CB963

Ano yun tatlong bitcoin sites kung saan ka na scam. Mas maganda kasi kung malaman ng iba dito sa forum para matutong iwasan ang mga ganiyang sites. Salamat!

Title: Re: SCAM experiences
Post by: rhomelmabini on November 09, 2017, 10:15:43 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

mabuti ako wala pa, mging maingat po sa ana sa pg ttrade ng btc. tanungin nyo muna kung legit ang inyong ktrade :)

Title: Re: SCAM experiences
Post by: jennerpower on November 09, 2017, 10:20:12 AM
Legit nman talga ang bitcoin kaya lang may mga tao ni hinahaluan ng networking ang trabahong ito sa panahon ngayon ang networking at marami pang scam kailangan maging maingat sa pagfillup ng mga form. Wag basta2 mag donate or mag send ng eth para daw mabigyan ka ng airdrop. Ingatan na hndi ma paste ang private key sa ibang site.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 10, 2017, 02:23:59 AM
First time ko sa xrb selling worth of 2000 sobrang Iyak ko kasi hirap mag claim...  At yung iba sa double your bitcoin and icounlimited at dreamhash

Salamat sa pag share mo ng iyong scam experience. Pwede kasi research yun mga dating scams para alam kung ako dapat iwasan. Doon sa mga doublers, paano ba modus nila? may payout ba sa una, tapos hinto na nila payout mag nag invest ka ulit?

Title: Re: SCAM experiences
Post by: CASTIEL05 on November 10, 2017, 03:18:44 AM
First time ko palang sa ganitong trabaho at sana naman ay hindi ako maiscam. Binabasa ko din ang payo ng iba.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: jankekek on November 10, 2017, 04:35:34 AM
scam experiences ang payo kulang ay wag agad agad mag fifillup sa mga airdrop kasi yung iba kinuhuha yung info sa spreadsheet ginagamit yung URL or ang link para makasali sa airdrop tapos sariling eth address nila ang kanilang ginagamit

Title: Re: SCAM experiences
Post by: jpespa on November 10, 2017, 04:52:41 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

Bago ako napunta dito. Sumasali ako sa mga HYIP sites. Napaka risky dun pero sinusugal ko ung pera ko (maliit lang naman nilalagay ko). Oo nababawi ko ung ininvest ko pero ilang araw bigla sila magdodown tapos di na babalik. hehe

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Brahuhu on November 10, 2017, 04:55:22 AM
ako naman may nasalihan akong isang campaign medyo may katagalan syang nagrun pero kada payment na laging late sya tpos nung last day nya yun yung iba di nabayaran at isa ako dun un na yung pinaka scam ko na nranasan.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Malamok101 on November 10, 2017, 05:02:22 AM
5times na kasi ako na scam malalaki ang na scam saakin kong kwekwentahin ko siya nasa 30k ang na scam saakin dahilan sa onpal complan sa Facebook at investment na shinashare nila sa facebook na di naman totoo sa onpal kasi madaming tao ang scammer jan kaya bilang payo ko sayo dapat wais ka sa pagbibitcoin lalo na madami na bibiktima ng scam at ingat din sa mga investment na pinapasokan kasi walang investment sites na tumatagal.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Bitcionsky69 on November 10, 2017, 05:10:58 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
sakin hindi ko alam kung faucet yung na subukan ko. Mag spin ka at may mag combanation na kulay doon. Nakakuna na ako ng total na 0.032.... sa na bitcoin. May minimum din sya na 0.03... sometings so pwede ko na eh claim ang price. Ang problema hindi ko sya ma claim papunta sa address ko. Tinanung ko sa kakilala ko ang link na yun? Doon ko nalaman na scam sya okay lang naman sakin dahil wala naman ako eh tread kaya okay lang.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Lang09 on November 10, 2017, 05:31:53 AM
Nakakawala talaga ng gana kapag nabiktima ka ng Scam. Yung mga kaibigan ko kasi na kasali sa isang Campaign, Alttradex ang name ng project. Nalaman nila na Scam pala, talagang nadismaya sila at yung iba nawalan na ng gana. First time pa kasi nila na makasali sa mga bounty campaign at nakakalungkot isipin na Scam pa talaga ang nasalihan nila.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: babeschelle on November 10, 2017, 05:34:41 AM
karanasan ko sa scam noon is yung mga investment na hyip hehheeh

Title: Re: SCAM experiences
Post by: agentx44 on November 10, 2017, 06:24:33 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Nakakapanghinayang talaga pag ikaw ay nabiktima ng scam dahil pinaghirapan mo lahat ng ginawa mo o ang pera tapos bigla nalang mababaliwala. Ang dahilan kung bakit ako naiscam ay dahil sumali ako sa isang signature campaign na scam halos nasasayang ang oras sa pagpoposting tas malalaman ko na scam pala yung campaign na yun.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: magicmeyk on November 10, 2017, 06:38:06 AM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

Avoid HYPE/PONZI investment dahil scam lang yan. Think about it, pinapa invest ikaw at sila na bahala magpalago ng pera mo na walang charges/fee silang kunonin?

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 11, 2017, 04:37:58 AM
Nakakawala talaga ng gana kapag nabiktima ka ng Scam. Yung mga kaibigan ko kasi na kasali sa isang Campaign, Alttradex ang name ng project. Nalaman nila na Scam pala, talagang nadismaya sila at yung iba nawalan na ng gana. First time pa kasi nila na makasali sa mga bounty campaign at nakakalungkot isipin na Scam pa talaga ang nasalihan nila.

So hindi pala lahat ng campaign ay legit. Meron din mga nag scam sa kanila. Salamat sa pag share.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: LbtalkL on November 11, 2017, 04:43:39 AM
Sa microhash ako na scam HYIP na site.
Pagsubok lang yun, kikilatisin ko na susunod haha

Any comment about laser online?

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Amilhussin24 on November 11, 2017, 12:26:40 PM
Hindi ko na experience ang ma scam dito, but one of my friends ay na experience nya ang ma scam, i kinwento nya sa akin kung pano sya na scam. nag participate kasi sya sa Airdrop and campaigns. yun na pasok sya sa scam, at nung nag comment sya sa thread ng sinalihan nya, ay dun nya na nalaman na, scammer pala napasukan nya, nung nilagyan ang account niya ng negative trust dahil sa involve sya sa scammers dahil sa post reply nya sa isang thread. kaya ingat po tyo.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Wicked17 on November 11, 2017, 12:38:02 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.

Payo ko para sa newbie is stay away sa pag invest from hyip website and ponzi scheme lalo na pag bitcoin ang involve kasi once na maging scam yan wala ka nang habol dyan. Huwag magpasilaw sa mga mtaas na ROI na inoofer ng mga website kasi mostly yan scam. Uso mag research muna and magtanong sa ibang tao bago ka mg invest :)

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Fundalini on November 11, 2017, 01:37:52 PM
I have never been scammed before since I always take the longest process to verify what I'm going into--this goes without saying that it is the safest method. IMO, It is never bad to be paranoid since we're talking about money here--one wrong move is all it takes to lose all your money.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: leynylaine on November 11, 2017, 01:43:36 PM
Scam experience ko is sa online mining. Naginvest ako maliit na halaga lang, tinry ko kung babalik pera ko.
Malas ko kasi nagsara agad yung website, so nganga.

Payo ko lang, ingat ingat sa mga dubious na site. Stick na lang mag-invest sa Bitcoin.

Grabe naman po pala yung naging experience niyo siguro po mas magingat nalang po talaga tayong lahat para hindi na maulit ulit yung pangs scam sa atin.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: gandame on November 11, 2017, 01:48:14 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Naku ako pag naririnig o nababasa ang word na scam naaalala ko mga na narasan ko dati sa online paluwagan. Nagkanda utang utang ako dahil lang sa kagustuhan kong may bumalik saakin na mas malaki sa pay in ko.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: GreenTrader on November 11, 2017, 02:03:08 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Naku ako pag naririnig o nababasa ang word na scam naaalala ko mga na narasan ko dati sa online paluwagan. Nagkanda utang utang ako dahil lang sa kagustuhan kong may bumalik saakin na mas malaki sa pay in ko.

Pati pala sa internet meron a rin paluwagan. Pwede mo ba share ano panganlan ng scam na paluwagan para may idea kami at pwede pa namin research para mas maiwasan ang sumali sa ganitong panloloko.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Jaycee99 on November 11, 2017, 02:14:58 PM
Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
Magandang topic ang naisip mong gawin OP namumukadkad na rin ang scam. Sa katunayan  wala pa nga akong  nararanasan na scam pero magulang ko oo sure ako magagamit itong idea ninyo pagpagdating sa investment.

My isang lugar dito kung saan nagbibigay kami ng produktong posibleng mabenta nila tapus yun perang makukuha ay higit pa sa halaga ng produkto tapusin pwede ka rin magbigay ng pera. Yun nga nung simulan okay pa naman ilang buwan ayusin ang serbisyo nung nakuha na ang simpatya at napapansin nilang marami ng nagbibigay at nag invest ayun  tinakbo na nila.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: jayco25 on November 11, 2017, 02:17:45 PM
experience twice ako sumali sa mga HYIP mining site ayun kala ko stable nung bago pa ako sa mundo na ito. kasi 10 percent daily profit nangyari ayun nawala din ang lahat.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: josh07 on November 11, 2017, 02:43:11 PM
sa kabutihan palad hindi pa naman ako nakaranas ng iscam kasi bawat campiagn na sasalihan ko kinikilatis ko syang mabuti kung 100% legit ba talaga sya kaya never ko pang naranasan tong iscam na to mula ng nag start ako sa pag bibitcoin.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: criz2fer on November 11, 2017, 02:58:05 PM
Na try ko na ma scam sa walang hiyang auroramine na yan haha. Wag kayo mag iinvest sa cloud mining at mga networking naku 99% scam yan ingat ingat

Ano ba boss yung cloud mining?? hindi lang ako aware sa mga ganyan. Ano pagkakaiba niya sa GPU mining? Sana may makasagot.

Sa experience nman sa scam eh meron na din ako tulad ng hindi ka nabayaran ng camapaign mo dahil parang may hinala ka na scam yung nasalihan mo. Ayun biglang naglaho nlang yung bounty campaign nung may mga naginvest na.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Bakukang on November 11, 2017, 03:34:37 PM
Recently lang ito.Kung saan kasali kami sa isang cmpaign that sounds really good.From week 1 to 3 ok pa naman nagbigay sila ng shares.And then comes fourth week.Bigla nared trust yung manager to -8 at bago pa magpayment after 3 days sana iniwan na lang basta.Kagalit nun.Pinaghihirapan naman yun tapos ganun na lang.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: paxaway21 on November 11, 2017, 04:08:19 PM
Scam experience. Na scam lang Naman Ako dating dahil labas Ako ng labas ng Pera noon at d pa Ako masyadong expert noon sa pag bibitcoin. >:(

Title: Re: SCAM experiences
Post by: joshua10 on November 11, 2017, 04:12:48 PM
hindi ko pa naman naranasan ang ma iscam mula ng sumali ako sa bitcoin pero alam ko yung pakiramdam ng isang taong na iscam syempre sino ba naman ang hindi mag hihinayang yung isang bagay na pinag hirapan mo bigla na lang mawawala diba napaka sakit para sa akin ang maiscam kahit hindi ko pa nararanasan.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: JC btc on November 11, 2017, 04:25:07 PM
hindi ko pa naman naranasan ang ma iscam mula ng sumali ako sa bitcoin pero alam ko yung pakiramdam ng isang taong na iscam syempre sino ba naman ang hindi mag hihinayang yung isang bagay na pinag hirapan mo bigla na lang mawawala diba napaka sakit para sa akin ang maiscam kahit hindi ko pa nararanasan.
Maingat po ako sa aking mga galawan dahil nascam na ako dati sa isang networking kung saan naginvest ako ng 10k tapos hindi ko din naman napakinabangan dahil  bigla na lang nagsara pero hindi ko na to iniisip dahil maganda naman ang pumalit eh, naging lesson learned nalang po to sa akin kaysa magmukmok ako sa halagang 10k ay naghanap nalang ako ng ibang oportunidad hanggang sa napadpad ako dito.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: budz0425 on November 11, 2017, 04:29:58 PM

Mabuti naman po at ikaw po ay nagiingat na sa iyong galawan tama po yan, ako hindi pa naman po ako nabibiktima pero muntik na dahil sa kapipilit sa akin ng aking kumare para sumali sa aim global buti nalang nagreseach muna ako at may nabasa ako sa fb na nagrereklamo about dito ayon sinend ko sa kanya nakakita ako ng chance para hindi maginvest.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Jannelareign on November 12, 2017, 08:08:14 AM
Scam experience ko kanina lang umaga. Mga nkuha ko sa airdrops. First time ko kasi sumubok ng airdrops na ibigay ko yun private key imbes n yung wallet address. May napag tanungan kasi ako kung tama ba ginawa ko. Mali daw. Kaya sunod n airdrops ko wallet address n ibinigay ko. Nung nag kalaman n wallet ko limas kanina. Kaya kailngan talaga mag ingat at wag basta basta mag fill up ng form ng di mo alam o tanda kung ano ang private key at wallet address mo.

Title: Re: SCAM experiences
Post by: Baronggot on November 12, 2017, 08:14:12 AM
Bago pa lang ako rito at di pa ako nakaexperience na nascam ako. May sinalihan signature campaign at sana maging maayos ito at hindi ito isang scam na ICO ang pinapasukan ko. Kahit na sabihin natin na wala tayong puhonan at ok lang na mascam, pero masakit pa rin isipin yun kasi pinaghirapan din nman natin ito.