Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: Gaaara on December 20, 2017, 11:20:39 PM



Title: Tanong tungkol sa exchanges.
Post by: Gaaara on December 20, 2017, 11:20:39 PM
Hindi ako big time trade kaya ang exchanges na gamit ko ay Mercatox at Liqui lamang, gusto ko din kaseng umiyas sa verification ng identity dahil medyo hassle. Okay naman sa Liqui pero yung Mercatox madalas silang mag maintenance dahil sa security issue. May maipapayo pa ba kayong exchanges na pwedeng magtrade kahit wala nang verification ng identity at may kababaan yung fee.


Title: Re: Tanong tungkol sa exchanges.
Post by: CAPT.DEADPOOL on December 23, 2017, 01:51:26 PM
Maganda ang polo ex para sa mababang fee sa withdrawal di tulad nila bittrex at crytopia na mahal ang fee sa kadahilanang napaka higpit ng kanilang site or security kaya di basta basta ma papasok kung sino man nag tatangkang pumasok kung malaki ang funds na e tratra mo sa crytopia at bittrex ka mag trade dahil safe ang funds mo doon pero sa bittrex kaylangan mo ng valid id to verify your account and withdrawal limit


Title: Re: Tanong tungkol sa exchanges.
Post by: Blake_Last on January 08, 2018, 04:02:44 AM
Sa Binance at KuCoin pwede po kahit walang verification pero depende yun sa kung magkano ang wiwithdrawhin mo or sa gusto mong withdrawal limit. Ang downside nga lang nila ay mataas ang kanilang fees. Maliban sa dalawang yan, pwede din na i-try mo po yung mga decentralized exchanges tulad ng Openledger (https://openledger.io), CryptoBridge (https://crypto-bridge.org/) or sa Bisq (https://bisq.network/). Pero sa mga exchanges na ito limitado lang yung assets na sinusuportahan nila kaya talagang kailangan mo pa din magtrade sa mga exchanges na may support sa coins na mayroon ka, especially kung ERC20 or ERC23 tokens po yan.


Title: Re: Tanong tungkol sa exchanges.
Post by: grayback on January 08, 2018, 04:58:19 AM
mahirap ung walang verification dahil d ka sigurado kung matatag ung account mo parang nabawasan ka ng security dun bakit ka nman iiwas sa ganun e right mo un as trader..

try mo sa kucoin, hitbtc at binance medyo maluwag pa ata sila kung nahihirapan ka sa pag submit ng docs..


Title: Re: Tanong tungkol sa exchanges.
Post by: LimeShark on January 08, 2018, 05:02:40 AM
Try Binance. Mas dumdami ang lumilipat sa binance kasi mataas ang minimum withdrawal at mas mababa ang fees. Maganda at makulay din ang interface. Goodluck!


Title: Re: Tanong tungkol sa exchanges.
Post by: Thardz07 on January 08, 2018, 03:18:51 PM
Sa bittrex po madali lang. License lang po gamit ko sa verification tapos madali lang po silang mag approve. Yung saking account, mga 2hrs lang naverified agad ang account ko. Safe and secured din po sa bittrex. Pero ngayon nabalitaan ko na hirap na daw magregister sa bittrex, pero try mo lang maganda talaga.


Title: Re: Tanong tungkol sa exchanges.
Post by: OptimusFries on January 08, 2018, 04:02:45 PM
Mas maganda na merong verification, iwas hassle to, mas ma hassle kung magkaproblema sa account mo na hindi verified, baka ma ban pa ip mo.