Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: enaj825 on February 14, 2018, 09:26:17 AM



Title: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: enaj825 on February 14, 2018, 09:26:17 AM
Ano masasabi ninyo sa report na ito ng rappler, "Android devices are now at risk as someone has set up a campaign to exploit Android devices' processing power to mine Monero cryptocurrency for them", https://www.rappler.com/technology/news/195973-cryptocurrency-miner-targets-android-users

What do you think, guys? Let us know your reaction/comment below.


Title: Re: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: Gaaara on February 14, 2018, 09:21:18 PM
Pano nila makukuha yung na mine na coins galing sa device? Medyo mahirap paniwalaan yung report pero if it was really happening then I'm sure magagawan naman ng paraan ng android services yan. Medyo prohibited na nga ang cryptocurrencies sa ibang social media dahil sa advertisement and scams pinapalala pa ng mga gantong balita, mas okay sana kung puro good news ang ilabas nila tungkol sa cryptos para naman maging upbeat yung mood ng market.


Title: Re: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: daniel08 on February 15, 2018, 12:27:39 AM
Mining gamit ang android phones , malabo ata mangyari yun kasi hindi kakayanin ng isang ordinaryong android phone ang pagmimina ng cryptocurrency. Kailangan malaki ang gpu at malakas processor ng isang android device para makapagmina ng isang cryptocurrency. Kasi kailangan babad din ang phone kung mining ang gagawin , at panigurado na magiinit siya. Balita sa rappler yan at isa na naman yan sa mga fake news nila.


Title: Re: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: stephiechoiii on February 15, 2018, 07:01:48 AM
Malayo pa sa katotohan ito, kung gagamitin man ang android sa cryptocurrency mining hindi ito kakayanin ng device. Madali itong masisira or pwede pang sumabog. Sa laki ng processor na kailangan sa pag mining, hindi sapat na gamitin ang android device kung pinagpaplanohan man nila ito, dadaan pa ito sa malalim na proseso.


Title: Re: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: Thardz07 on February 16, 2018, 06:52:21 AM
Mukhang mahihirapan sila nyan. Pero kung kaya nila, bakit naman hindi di ba? Tayo rin naman ang makikinabang kung maging successful sila sa target nila. Kasi halos lahat ng tao sa android users na. May mga mining na kasi na gamit lang ang phone, tulad nalang ng electroneum mining app na phone lang ang gamit. Baka gusto nilang pag aralan mga process nito. Pero kung icocompare lang sa GPU mining, mahihirapan talaga sila kasi more power ang kailangan at processor and dapat dito.


Title: Re: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: AniviaBtc on February 21, 2018, 05:45:36 AM
Ito ay maaaring makaapekto sa anumang uri ng Android device, kabilang ang mga smartphone, tablet, at mga set ng telebisyon. Ang malware ay nakakaapekto sa aparato upang mamina ang Monero (XMR) na mga barya at nagpapadala ng lahat ng nakuha na pondo sa isang solong wallet.


Title: Re: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: OptimusFries on February 21, 2018, 10:26:45 AM
this is possible as I've been using minergate on my phone before. ang problema lang, this time it's a malware that will take over the phone to mine cryptos. Better be aware of the sites you are visiting as some of them are using javascript to execute the miner.


Title: Re: Cryptocurrency miner targets Android users
Post by: Blake_Last on February 23, 2018, 12:20:33 AM
Yes, this is possible. Same lang din sila ng application na ginagamit sa Coinhive. Pero kung ang Coinhive ang target nila ay mga web browser na ginagamit sa desktop at laptop, itong napabalita na ito ay nakafocus sila sa browsers ng android phones na kalimitan na gagamit sa exploit campaign. Pero madali lang naman din sila madetect dahil kung napansin mo na bumagal ang phone mo o laging umiinit ito ng sobra o di kaya nagkaroon ng pagspike sa data usage sa wi-fi o internet connection mo ay posibleng infected nga yan. Gamit ka lang ng "No Coin" app para mablock yung pagmine nila at di magamit ang data mo.