Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: revenant2017 on April 09, 2018, 06:33:05 AM

Title: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 09, 2018, 06:33:05 AM
Siguro naman wala sa inyong nabiktima ng classic ponzi scheme ng mga ungasis na to? Kung sino man nakajoin dyan, habulin nyo upline nyo at kasuhan nyo na direkta. Isa sa kaibigan ko ang nasa millionaire upline ng NewG ang ngayon sising sisi sa ginawa nya. Mabuti't iba nyang kaibigan na kaibigan ko din ay nawarningan ko kagad sa risk. Now he learns his lessons.
ABS-CBN news on NewG Bitcoin Investment Scam
https://www.youtube.com/watch?v=JjAPtQ63MCY

Pinang Cloudbet ni Bitcoin Billionaire daw. LUL!
https://www.facebook.com/arnel.ordonio.9/posts/1673511899409534

The Leader of the Ponzi Scheme
P.S He looks like he knows nothing about bitcoin other than using it for gambling.
https://i.imgur.com/SEO7Qo1.jpg

Update : Uplines listed by Complainants. Kung wala ang pangalan ng Upline mo, makipagtulungan kayo sa attorney nyo or kinauukulan.
https://i.imgur.com/RPE804x.jpg
https://i.imgur.com/TtNhUX8.jpg

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: npredtorch on April 09, 2018, 07:21:20 AM
Meron nyan dito sa amin na napasali dyan sa scam na yan. Nung nagkakwentuhan kami sabi nya e nag invest daw siya sa bitcoin (natuwa nga ako may makakausap nako about bitcoin dito sa amin), un nga lang may % fixed return daw na itutubo per month (nalimutan ko na kung magkano) tapos may level level pa daw. Ex. pag naabot mo ung level 1, nakapag invest k ng 50k, may additional bonus per month. Sabi ko nalang, "aahh oo alam ko yang bitcoin" tapos tinanong ako kung kasali ako sabi ko "Hindi" tas sabi ko "hindi ba yan scam, kasi wala naman atang investment na fix ang return". Sabi nya e "Wala wala, walang scam to kasi e sabi din ng pinsan ko siya kasi nag invite samin".

Hindi ko na siya pinilit na mag exit kasi tingin nya nung sinabi kong scam "kj" daw haha kasi laki na daw ng kita nya. Ayun good bye money.
Pansin ko sa scam na to at dun sa iba na laganap sa fb, ay target nila yung walang alam sa bitcoin. Mostly may referral bonus na inooffer para dumami members.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ThePogi on April 09, 2018, 08:40:58 AM
Kahit ako po ay na scam ren ng Investment Project ng groupo na yan.nung una akala ko po ay maganda talaga pero bandang huli ay lugi pala ang kitaan.kung napanood ninyo ung post ni Xian Gaza sa Facebook noon ay tiyak na mauunawaan ninyo po ang lahat ng ito.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: gemajai on April 09, 2018, 01:59:27 PM
Maliban sa kanya, may mga inaabangan na ngayon na makasuhan at mainit na ang ulo ng mga nakasali o nabiktima daw nila. Ang daming nagkalat na posts ng mga nabiktima umano ng Alifelong, Ads Success/Minera, and now, sinasali na ng ilan ang Coin Option sa list. May common denominator yang mga yan...ginagamit ang mining rigs ng bitcoin or other alternate cryptos para makakuha ng bibili ng codes or what sa kanila. Yung Paysbook naman e gumagamit Indigen.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: npredtorch on April 09, 2018, 09:32:00 PM
Maliban sa kanya, may mga inaabangan na ngayon na makasuhan at mainit na ang ulo ng mga nakasali o nabiktima daw nila. Ang daming nagkalat na posts ng mga nabiktima umano ng Alifelong, Ads Success/Minera, and now, sinasali na ng ilan ang Coin Option sa list. May common denominator yang mga yan...ginagamit ang mining rigs ng bitcoin or other alternate cryptos para makakuha ng bibili ng codes or what sa kanila. Yung Paysbook naman e gumagamit Indigen.

and mostly yang mga nabanggit mo nangyayari ang recruitment/invite lahat sa loob ng Facebook lalo na sa mga private group.
I've actually tried to warn them, nag join ako sa maraming group, nag post at ininform sila na hindi legit ung sinasalihan nila pero wala padin. Masama pa nito ibabash ka pa ng iba na kesyo sinisiraan ko daw para ako lang kumita at ipapasipa ka pa sa admin ng group etc.

Di ko tuloy malaman kung matatawa ba ako sa kanila or maaawa lalo na dun sa halatang walang alam sa crypto, basta pasok nalang  :-\

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: xYakult on April 09, 2018, 09:51:00 PM
parang naririnig at nababasa ko na yang NewG na yan simula last year ah (2017) pero buti naman kahit papano nahuli na yung pasimuno ng scam na yan at para dun sa mga nascam ay sorry na lang sa inyo kasi madali kayo mauto ng mga munting bagay na ganito dahil sa konting pangako na binitawan sa inyo

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: JanpriX on April 09, 2018, 11:44:19 PM
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Experia on April 10, 2018, 03:58:43 AM
Sa pagkakaalam ko matagal na tong newg na to e at matagal na ding pinaghahahanap ng batas ang founder na yan at ngayon lang nahuli yan . At ngayon may nakapag sabi sakin na ang bitcoin daw scam so parang nasaktan ako dun dahil tulad natin na sa maayos kumikita ang nagiging tingin satin e scammer na din , pero di naman din natin sila masisisi kasi nga kulang ang kaalaman nila sa kung ano ang bitcoin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: micko09 on April 10, 2018, 04:37:43 AM
Muntik na ko mag invest jan sa newg na yan last year, buti nalang that time wala ako pera haha, good thing un at di ako nakapag join jan sa ponzi scheme na yan, kasi before hindi pa ko nag foforum kaya wala ako alam sa mga cryto before, lesson learn to sa mga nabiktima.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ThePogi on April 10, 2018, 04:59:03 AM
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.
Tama po un sir ako ren po ay biktima ng groupo na yon.mahigit 27.5Million ang nawala sakin at humigit kumulang 3.6Million naman sa mga kasama ko.masakit isipin pero wala talagang safe pag dating s investment.ika nga nila invest what you can afford to lose.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: xYakult on April 10, 2018, 11:10:34 AM

Parang ang hirap paniwalaan na may mag iinvest ng 27.5milyon sa bagay na hindi sigurado lalo na sa mga investment na ganyan. Seryoso ka ba dyan sa 27.5milyon mo or typo mo lang?

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: superzhiery on April 10, 2018, 11:35:45 AM

Siguro yung sinasabi na 27.5 milyon eh my mga downlines na kasama. Pera ng grupo nila na sya ang upline kaya siguro ganun kalaki. Mga nag invites ng nag invites kaya dumami ang members ng group kaya ganun kalaki ang investment ng grupo na yun. Nakakapanglumo talaga yung nangyari kasi malaking pera at yung iba ang masakit dun ipinangutang pa sa pagkakaakalang kikita ng ipinangakong malaking halaga. pero nauwi lang sa lahat kaya ngayon sige habol sa mga uplines

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: arielbit on April 10, 2018, 11:43:32 AM
haha...pakinggan ninyo ito  ;D

https://www.youtube.com/watch?v=8HYWWP1QU7Q (https://www.youtube.com/watch?v=8HYWWP1QU7Q)

in order for them to learn, they have to lose money first..

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Mr. Big on April 10, 2018, 11:47:06 AM
Sadyang madaling maakit ang mga Pinoy sa mga Scams... Too good to be true ang mga pangako... Natututo lang madalas pag nababalitaan sa radyo o TV na scam yung mga ganyan...

Pwede itong maihalintulad sa  Aman Futures dati na madami ding na scam dahil mabulalas yung culprit... Malakas mambola... Kaya pag may nakita kayong ganyan, pagsabihan niyo yung mga nag iinvest, kawawa naman... Nakakasira pa sa image ng bitcoin/cryptocurrency...

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: btsjungkook on April 10, 2018, 11:49:52 AM
Dati gusto ko mag-invest sa Newg maigi na lang tama ang naging decide ko na sa iba na lang para sure na magsuccess ang sasalihan ko.
Sana naman mabalik pa ang mga pera na nascam nila kasi kawawa naman ang mga taong ninakawan nila. :-[

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Liquidathor22 on April 10, 2018, 11:55:26 AM
Sadyang madaling maakit ang mga Pinoy sa mga Scams... Too good to be true ang mga pangako... Natututo lang madalas pag nababalitaan sa radyo o TV na scam yung mga ganyan...

Pwede itong maihalintulad sa  Aman Futures dati na madami ding na scam dahil mabulalas yung culprit... Malakas mambola... Kaya pag may nakita kayong ganyan, pagsabihan niyo yung mga nag iinvest, kawawa naman... Nakakasira pa sa image ng bitcoin/cryptocurrency...

Marami nyan lalong lalo na sa FB, most of them Ponzi scheme. This happened around FB I guess, kasi major players were the buggers of sim card. Alam nyo yung freenet sa pinas? Most of them ay kasali dito sa scheme. Nakita nyo rin ba yung FB post na nag tatapun sya ng tig 500php? LOL

Ang problema sa pinoy alam na nilang scam, o may hint na sila scam sinasakyan parin ika nga "Invest while its hot". Most on people on FB are promoting HYIP program, alam nilang anytime it'll close pero cge parin dahil sa katwiran na "paying" pa naman. Ang problem is yung last line of investor, yung mga nakumbinsi nila.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: shone08 on April 10, 2018, 01:26:49 PM
Matagal na ang NewG sikat na sikat ito dahil in just a 16days sa pag invest mu ng 90k pwedeng bumalik sayo 105k easy money diba minsan advance padaw ang bigay nila sa mga investor kaya nga madami silang nahikayat na malalaking investor.

Ang bali balita bago daw mahuli si arnel ordonio kinidnap ito ng kanilang kapitan which is investor nila at kamag anak kinuha daw lahat ng laman ng wallet ni arnel bago isuplong sa batas ewan lang kung legit ba talaga ito. Kaya sa susunod wag tayo basta basta maniniwala sa mga ganito wag magpapasilaw at iwasan na.

Kung gusto nyu ng update regarding sa newg isearch nyu ang page ng Bitcoin101 sa facebook.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: LogitechMouse on April 10, 2018, 01:47:15 PM
Kaya ayaw kong mag invest sa mga ganitong investment schemes eh. Kung iisipin mo, parang GET RICH QUICK yan na ibibigay mo lang ang pera mo tapos in X amount of days tutubo na. Yan ung sinasabi nila na INVEST, WAIT, EARN scheme which is nagiging scam talaga pagkalipas ng mga ilang buwan or taon.

Sana matuto na tau na walang INVEST WAIT AND EARN na magtatagal kaya mag ingat tau sa mga kung saan saan jan lalo na sa facebook nagpopost ng mga pictures na pangpa hype pero in the end scam lang din pala.

Lets do some deep research first before we give our money into them.

P.S. Ung nasa picture mukhang timang na walang alam sa cryptocurrency  :D :D

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ACVinegar on April 10, 2018, 02:46:46 PM
Masyadong malaking pera ang nakamkam ng mga scammer na ito halos umabot na ng mahigit Php900,000,000.00 plus so it means marami na talagang gumagamit ng bitcoin sa buong Pilipinas. Ito iyon link ng interview sa kanya  https://www.youtube.com/watch?v=zBEl8YEe2w0
Kaso napakababa ng magiging sintensya sa kanila kasi estapa lang, ibig sabihin anytime pwede silang makalaya dahil pwede silang magpiyansa. Nakakaawa naman mga nabiktima ng mga taong ito, grabe wala silang konsensya Pilipino kapwa Pilipino niloloko pa nila. Mga gahaman talaga sa sila sa salapi, buti nalang di ako nagiinvest masaya na kasi ako sa kakarampot na kinikita ko dito sa signature campaign, bounty etc.

Kasi nakakatakot na maginvest ngayon basta-basta, kaya guys huwag tayo maging greedy para yumaman agad ng biglaan. Dapat talaga paghirapan at pagsumikapan natin iyon kinikita natin, di baleng maliit lamang basta ang mahalaga hindi tayo nanlalamang ng kapwa natin, di tayo nangaargabiyado ng iba at higit sa lahat hindi tayo nanloloko para kumita at ipakain sa Pamilya natin.

Dapat maging wais din tayo sa pagpili ng pag-iinvest natin, hindi iyon nagsabi lang malaki ang balik agad-agad maginvest na. Matuto tayong makiramdam at maging mapanuri sa mga kompanya na pag-investan natin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ofelia25 on April 10, 2018, 02:56:29 PM
ang pinagtataka ko lang guys bakit sila sasali sa isang samahan kung hindi pa nila ito napagaaralan, pinanghahawakan lamang nila ang pangako?? hindi ko maisip bakit sila naniniwala agad sa ganung kitaan. mahilig rin naman ako magsasali dati sa mga networking pero inaalam ko muna kung matatag ba ang sasalihan ko.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: zenrol28 on April 10, 2018, 03:28:43 PM
Ayos tong balitang to. Naging biktima talaga dito ang bitcoin. Sana wala na ulit mabiktima sa mga ganito. May katrabaho ako gusto nya sumali sa ganyang investment scheme. Sabi ko sa kanya hindi ganyan gamitin ang bitcoin. Ewan ko lang kung nakasali sya, sana hindi. Sana yung ibang schemes din na ginagamit ang pangalan ng bitcoin mahuli rin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 10, 2018, 03:42:19 PM
Update :
Sino nakapanood sa inyo ng Presscon kanina? Ano thoughts nyo at bakit hindi pinagsalita yung dalawang asawa? According to some sources, may mas malaki pa daw na involve bukod sa kanya na tinatawag nilang Kap. Santiago.

I receive din na PM today asking kung NewG ba talaga yung nainvestan nya ng 90k. Maybe this list can help you guys.

Again kung ikaw ay NewG Investor, you have to file a complaint. Wag nyo ng asahan pang bumalik yung pera dahil pinang cloudbet lang ni Arnel yung pera nyo. Wag na ulit kayong magpaloko sa kanyang na in 5-6 months maibabalik nya paunti unti yung pera. Paglabas eh pwede nila palabasing nakidnap sila or tuluyan ng magtago. Simple lang yan. Marami din akong natrack na mga uplines na nagdeactivate na ng facebook account nila at ang balita ay nagtatago na daw.

Again, just file a complaint. Don't let this be a reason for the Filipinos to be scared with cryptocurrency.

https://i.imgur.com/RPE804x.jpg
https://i.imgur.com/TtNhUX8.jpg

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: aervin11 on April 10, 2018, 03:54:44 PM
Nakakaasar naman ang ganitong klase ng balita, hindi lang dahil sa madaming naloko kundi dahil ang kapal na manloko ng kapwa pilipino para lamang makalamang at makalikom ng madaming PERA. Wala tayong masisisi sa mga nalinlang sa kadahilanang napag-aralan na ito ng mga scammers at ganito ang trabaho nila, ang manloko. Kung nag-aral nalang sana sila at nag trade ng crypto o sumali sa mga airdrop, sana wala nang ganitong klase ng panloloko. Ang kailangan lang talaga ng pilipinas ngayon ay ang kaalaman tungkol sa cryptocurrency.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: arielbit on April 10, 2018, 03:58:24 PM
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.
Tama po un sir ako ren po ay biktima ng groupo na yon.mahigit 27.5Million ang nawala sakin at humigit kumulang 3.6Million naman sa mga kasama ko.masakit isipin pero wala talagang safe pag dating s investment.ika nga nila invest what you can afford to lose.

Parang ang hirap paniwalaan na may mag iinvest ng 27.5milyon sa bagay na hindi sigurado lalo na sa mga investment na ganyan. Seryoso ka ba dyan sa 27.5milyon mo or typo mo lang?

mga milyon milyon talaga..nasa youtube pinasalita nila bato....ngayon natuto na sila nakagawa na ng bitcointalk account  :D

para gagawa ng bitcointalk account tapos bibili ng bitcoins sa localbitcoins, coins.ph etc...at bibili din ng altcoins sa mga exchange eh tinatamad pa, gusto bibitaw lang ng pera tapos instant yaman na tsk tsk......alam nga nila ang mga upline at downline..alam nila ang pinasok nila (pyramid scheme) pero hindi nila alam yung laman ng utak ng kausap nila kung itatakas ang pera o hindi hehe...in a way guilty din sila.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ninio on April 10, 2018, 04:01:03 PM
Its a Big lesson for all the filipino's na pumapasok sa isang investment na hindi nila alam kung ano pinapasok nila. Walang easy money sa panahon natin ngayon so we need to be vegelant pag dating sa mga nag aalok ng business at investment platform. Ingat nalang din sa mga kababayan natin na nandito sa forum. Dahil sa mga ganyang balita it can cause to decrease the investors of bitcoin dito sa bansa natin nakakapanghinayang lang.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ThePogi on April 11, 2018, 04:23:27 AM
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.
Tama po un sir ako ren po ay biktima ng groupo na yon.mahigit 27.5Million ang nawala sakin at humigit kumulang 3.6Million naman sa mga kasama ko.masakit isipin pero wala talagang safe pag dating s investment.ika nga nila invest what you can afford to lose.

Parang ang hirap paniwalaan na may mag iinvest ng 27.5milyon sa bagay na hindi sigurado lalo na sa mga investment na ganyan. Seryoso ka ba dyan sa 27.5milyon mo or typo mo lang?
Seryoso ako sa tingin mo nagbibiro kami?almost 1Billion ang nawawala na budget dahil sa biglaang pag bagsak ng bitcoin.saka 50% profit sa mga naka direct kay boss arnel at 30% naman sa mga hindi naka direct which is downline.kaya nga ren ako sumali dito para maka bawi kahit paano sa mga nawala sakin at sa mga investor ko.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: chocolah29 on April 11, 2018, 05:24:45 AM
ang pinagtataka ko lang guys bakit sila sasali sa isang samahan kung hindi pa nila ito napagaaralan, pinanghahawakan lamang nila ang pangako?? hindi ko maisip bakit sila naniniwala agad sa ganung kitaan. mahilig rin naman ako magsasali dati sa mga networking pero inaalam ko muna kung matatag ba ang sasalihan ko.

Actually di naman talaga nakakapagtaka yun dahil madami ang nasisilaw sa easy money with high interest. So habang mas malaki ang ininvest mo mas malaki ang balik sayo. Sabi sa balita December pa pala di nakakapag payout sila Arnel at nung January mas lalong lumalala dahil bumagsak ang halaga ng bitcoin at ayon sa balita di rin sigurado kung nainvest ba talaga sa bitcoin ang nakuha na pera. Sana magsilbing aral ito sa lahat at panigurado mas madami ang negative feedback ngayon sa bitcoin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: crairezx20 on April 11, 2018, 07:17:49 AM
almost 900m pala ang nakuha nila na press con na pala to...
Ito oh https://www.youtube.com/watch?v=zBEl8YEe2w0
Meron akong group nga na sinasalihan puro mga referral links at sa palagay ko mga gawa lang ng mga pinoy yun...
Nakaka hiya man sabihin pero nang iiscam sila para yumaman lang or ipang laro sa sugal.. tsk tsk

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: bisdak40 on April 11, 2018, 09:08:08 AM
Sadyang madaling maakit ang mga Pinoy sa mga Scams... Too good to be true ang mga pangako... Natututo lang madalas pag nababalitaan sa radyo o TV na scam yung mga ganyan...

Pwede itong maihalintulad sa  Aman Futures dati na madami ding na scam dahil mabulalas yung culprit... Malakas mambola... Kaya pag may nakita kayong ganyan, pagsabihan niyo yung mga nag iinvest, kawawa naman... Nakakasira pa sa image ng bitcoin/cryptocurrency...
Ang mga Pinoy kahit ilang beses na sinasabihan na wag magpani paniwala sa mga mga "double your money scheme" ay hindi pa rin na-leksyon. Dahil na rin siguro ito sa mga matatamis na salita ng mga recruiter at yung ni-recruit nila ay walang alam sa bitcoin.

Tanong ko dito, is it possible na gagawa ng aksyon ang gobyerno natin (dahil napakalaking pera ang na-scam nila) at magreresulta sa pag-ban ng bitcoin sa ating bansa?

Ano sa tingin mo Sir Rickbig?

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Mr. Big on April 11, 2018, 10:33:25 AM

I don't think so... Kita niyo naman ang inaaksyonan ng gobyerno yung mga scam, hindi ang bitcoin/cryptocurrencies, just take a look at what's happening these past days... Yung nang scam na Carbon token IIRC, Itong na mention sa thread na ito, meron ding kaso si Xian Gaza(balita sa ABS CBN)... It means kumikilos din ang gobyerno, at take note, di lang basta basta kasi knowledgeable na sila kung alin ang talagang kailangang bigyan ng pansin...

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: rommelzkie on April 11, 2018, 11:13:32 AM
Dapat talaga matagal ng hinuli yang mga PONZI na investment scam. Sinisira nila ang image ng bitcoin at ang tunay na function nito. For sure maraming pilipino ang iiba ang pagkaka intindi sa bitcoin dahil sa mga PONZI natulad ng NewG.

Para naman sa mga investor na interested sa bitcoin. please mag research po kayo ng mabuti. Nasa information age na po tayo kung saan itatanong mo lang kay google ay malalaman mo na ang possible na sagot. Mura narin ang internet kaya po sana bago kayo mag invest do your homework muna. research, research and research

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Mr.Pro on April 11, 2018, 12:19:43 PM
mga mangmang walang kinalaman ang cypto.
Old school na ponzi yan mga mangmang

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: arielbit on April 11, 2018, 12:23:17 PM
I have zero -> 0 sympathy sa mga lower echelon ng pyramid scheme na yan lalo na yung mga upline ng mga members na yan...

kasi noong 2015 nakakita na ako nyan, leocoin ang dala dito sa city namin ipina meet sa akin ng relative ko, nagccrypto currency din daw, excited ako, sa wakas may makakausap na din ako sa crypto in person, hindi lang sa internet ako may makakausap tapos yun super disappointing ang experience ko, mga walang alam sa mining, sa algo, etc..alam lang nilang merong ibang crypto at leocoin ang pinaka the best, noong binangit ko nga sa kanila na promising ang ethereum at monero at iba pa---> ang tingin nila sa akin na parang puro shitcoin ang alam ko at leocoin ang hidden gem, feeling mga magagaling kasi nasa kanila na ang the next bitcoin(kung nakita niyo lang ang mga mata ng mga kumag na yun habang nakatingin sa akin).....kaya yang mga upline na yan, sigurado ang mga bunganga nyan sa panloloko aka "mamarketing" ..

alam nila ang pinasok nila, pyramid scheme at pinili nila magprofit at the expense of others (yung nasa baba nila)...walang interest yan sa revolutionary at promising technology at concept na ibibigay ng crypto..ang gusto nila fiat..

meron pang isa yung kapatid ng friend ng friend ko...nanloko at nagtatago, wala na akong update kung anong nangyari dun....may trabaho naman, marunong sa computer, tapos ng college, tapos humingi ng pera sa mga tao para daw iinvest sa bitcoin..3 milyon daw ang itinakas..

kung meron ditong naloko/nanloko at pinaghahanap ng pulis at ng mga downline ninyo basahin mo ito--->>>  MAGDUSA KAYO HAHAHA!

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: elbimbo012 on April 11, 2018, 01:32:20 PM
Meron nyan dito sa amin na napasali dyan sa scam na yan. Nung nagkakwentuhan kami sabi nya e nag invest daw siya sa bitcoin (natuwa nga ako may makakausap nako about bitcoin dito sa amin), un nga lang may % fixed return daw na itutubo per month (nalimutan ko na kung magkano) tapos may level level pa daw. Ex. pag naabot mo ung level 1, nakapag invest k ng 50k, may additional bonus per month. Sabi ko nalang, "aahh oo alam ko yang bitcoin" tapos tinanong ako kung kasali ako sabi ko "Hindi" tas sabi ko "hindi ba yan scam, kasi wala naman atang investment na fix ang return". Sabi nya e "Wala wala, walang scam to kasi e sabi din ng pinsan ko siya kasi nag invite samin".

Hindi ko na siya pinilit na mag exit kasi tingin nya nung sinabi kong scam "kj" daw haha kasi laki na daw ng kita nya. Ayun good bye money.
Pansin ko sa scam na to at dun sa iba na laganap sa fb, ay target nila yung walang alam sa bitcoin. Mostly may referral bonus na inooffer para dumami members.

Napakarami na nang pyramiding scam na nangyayari dito sa bansa natin hindi pa ba sila natuto? ako khit sabihing di ko alam angbitcoin at may mag offer sa akin ng ganun, fixed income mag dduda na talaga ako paano nya ma sustain mag bayad ng 30%  of your investment per 16 days ? saan niya kukunin pambayad sayo lalo na palaki ng palaki ung mga investor in the long run mauubusan talaga sya lalo na bigla bumagsak presyo ni bitcoin kaya bigla rin bumaba yung value ng investment niya kung nag invest  nga sya sa bitcoin. Sana matuto na tayong mga pilipino na hindi madali ang kumita ng pera huwag basta basta maniwala sa mga matatamis ang dila.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: conanmori on April 11, 2018, 02:13:13 PM
Wala akong kaalam alam sa NewG na yan ang bilis talaga maniwala ng Pinoy sa mga ganyan klasing scam alam naman nila kung ilang scam na ang nahuli at kapareho din ng taktekang ginamit ng NewG pero naniwala pa din sila. Kung kailan pa naman unti unti ng sumisikat ang Bitcoin tsaka pa lumabas ang balita na ito na pwedeng makasira sa pangalan ng Bitcoin. Mga kaibigan ko tuloy na alam na nagBIBITCOIN ako eh tinatanong kung scam ba talaga ang BTC.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ecnalubma on April 11, 2018, 02:54:01 PM
Sigurado Trending nanaman sa crypto community and Pyramid scam na yan, hindi na talaga nagtatatanda ang karamihan sa ating mga kababayan nakakalungkot lang at nababahiran ng masamang imahe ang bitcoin at crypto dahil sa mga gawaing baluktot katulad nito. After nyan sigurado may uusbong nanaman na panibagong scheme iyak nanaman ang mga biktima sa bandang huli, paulit-ulit.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: krampus854 on April 11, 2018, 03:52:58 PM
Hindi na ako nagtaka sa mga nakikita ko na mga taong naiiscam dahil sa bitcoin. Di muna kasi nila pinagaaralan mabuti kung maari ba silang maloko ng mga tao na nanamantala lang din. NEWG na sa una lang din nagbayad at hinintay lang ang tamang kita para tumakas. kaya nag kakaron ng bahid ng scam ang bitcoin dahil sa mga taong ganyan.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: lester04 on April 11, 2018, 04:15:14 PM
Dati madalas ko ito makita sa mga facebook group eh mga kagrupo nitong investment scam na to ang lakas manghikayat ng tao alam ko 16 days time frame nila tutubo na ng malaki pera mo alam naman naten mga pinoy mahilig sa easy money mahirap talaga sa bitcoin pag investing ka pumasok tapos di mo pa masyadong alam kalakaran dito ma iiscam ka talaga dapat pinag aaraalan muna naten bago tayo pumasok sa mga gantong bagay.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 11, 2018, 04:56:29 PM
almost 900m pala ang nakuha nila na press con na pala to...
Ito oh https://www.youtube.com/watch?v=zBEl8YEe2w0
Meron akong group nga na sinasalihan puro mga referral links at sa palagay ko mga gawa lang ng mga pinoy yun...
Nakaka hiya man sabihin pero nang iiscam sila para yumaman lang or ipang laro sa sugal.. tsk tsk
Figures can still rise. From the info na nakuha ko, dun sa mga millionaire uplines, more than 50m ang nakuha nilang kapital sa mga investors. At for sure may mga hindi pa naglalabasan complainant nyan. Pwede pang umabot sa 2-3Billion ang na scam nila sa mga pilipino. Karaniwang biktima yung mga OFW.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Muzika on April 11, 2018, 05:32:57 PM

lalaki pa talga yan dahil sa matagal na panahon na yan sa pag kakaalam ko kasi 2 years ago na yan e tpos ngayon pa na yung mga nabitkima kinalimutan na nila yan at ngayong lumabas ang issue na yan talgang mag sasampa sila ng kaso dahil dun man lang makabawi sila .

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: biboy on April 11, 2018, 06:12:20 PM

lalaki pa talga yan dahil sa matagal na panahon na yan sa pag kakaalam ko kasi 2 years ago na yan e tpos ngayon pa na yung mga nabitkima kinalimutan na nila yan at ngayong lumabas ang issue na yan talgang mag sasampa sila ng kaso dahil dun man lang makabawi sila .
Masakit talaga isipin na kapag may investment na madaling kitaan marami ang nabibiktima na hindi naiisip ang mga consequence na gagawin, kaya dapat maging lesson learned na to sa ating lahat dahil hindi pwedeng sa madaling kitaan lagi ang mga iinvest natin walang instant dito sa mundo natin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: s2sallbygrace on April 11, 2018, 09:10:35 PM
Kaya ang ibang tao ay nawawalan ng tiwala at interes sa Bitcoin dahil sa mga scam na ganyan. Sa totoo lang last year ko pa narinig at nabasa yang NewG na yan sa fb na nageencourage sa mga tao na maginvest at pangangakuan ng  huge ROI. Sana bago sila naginvest pinagaralan muna nila ng maigi at sa totoo lang wala naman sigurong investment na ganoon kaagad kalaki ang balik sa loob lamang ng 16days. Sana maging lesson ito sa lahat.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 11, 2018, 10:38:36 PM
Kaya ang ibang tao ay nawawalan ng tiwala at interes sa Bitcoin dahil sa mga scam na ganyan. Sa totoo lang last year ko pa narinig at nabasa yang NewG na yan sa fb na nageencourage sa mga tao na maginvest at pangangakuan ng  huge ROI. Sana bago sila naginvest pinagaralan muna nila ng maigi at sa totoo lang wala naman sigurong investment na ganoon kaagad kalaki ang balik sa loob lamang ng 16days. Sana maging lesson ito sa lahat.
Actually napakaclassic ng scheme nila. Dapat talaga din itong ituro sa eskwelahan lalo na't napakacommon ng ganitong klaseng scam. At maraming pinoy pa rin ang kumakagat sa mga kagaya nun. Naging panguto nila yung pag skyrocket ng price ng bitcoin kaya tingin ng iba dahil yun dun pero hindi naman talaga. Karamihan sa investors nyang NewG wala talaga totally alam sa Bitcoin at iniasa lang sa kanila ang kanilang pera.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: BlockEye on April 12, 2018, 03:03:17 AM

Nakakapagtaka nga na ang dami nabiktima nitong dalawang to. Mahirap talaga magtiwala sa mga ponzi schemes dahil ang upfront lng ang siguradong kikita dito at panandaliaan lamang. Dapat maging mas masuri ang mga Pilipino pagdating sa mga investment. At kung manghihikayat tayo ng iba siguraduhin natin na legit talaga to.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: elbimbo012 on April 12, 2018, 02:18:07 PM

lalaki pa talga yan dahil sa matagal na panahon na yan sa pag kakaalam ko kasi 2 years ago na yan e tpos ngayon pa na yung mga nabitkima kinalimutan na nila yan at ngayong lumabas ang issue na yan talgang mag sasampa sila ng kaso dahil dun man lang makabawi sila .
Masakit talaga isipin na kapag may investment na madaling kitaan marami ang nabibiktima na hindi naiisip ang mga consequence na gagawin, kaya dapat maging lesson learned na to sa ating lahat dahil hindi pwedeng sa madaling kitaan lagi ang mga iinvest natin walang instant dito sa mundo natin.
Kung titingnan natin walang pinag kaiba yung modus nila sa mgs naunang payramiding or networking scam bakit meron parin nagpapaloko mga mkaraang taon maraming investment scam na same na same ung style pinag kaiba lang ginamit nila ung bitcoin tsk tsk tsk sana bago tyo mag lagak ng pera isipin mna ntin kung makatutuhanan ba. isipin mo every 16 days makapag cash out ks ng 30% of your investment di kw ba mag tataka kung paano sila kumita pra may pambyad sila sa investor? nakakaawa yung mfa nabiktima kaso sila rin ang may kasalanan naakit sila ngalaking kita na walang ginagwa tsk tsk tsk.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: blackssmith on April 13, 2018, 05:08:54 AM
Mabuti nga sir na huli sila kong indi cguro marami pa ma damy sa ma nga genagawa nila pati ma nga Legit na gawain natin damay narin sa genagawa nila pa unti2x na ngayun ma nga bitcoin user dahil sa ma nga report na scam daw si bitcoin kulang lang kasi sila sa research habang tayo dugo at pawis yung genagawa natin dito araw2x na damay pa sa manga scammer

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Adreman23 on April 13, 2018, 10:48:59 AM
Walang mang e scam kung walang magpapa scam. Sana mamulat na ang iba na bago pumasok sa mga ganyan ay mag imbistiga muna huwag agad magpasilaw sa mga matamis na dila na kesyo kikita ka ng malaki pag nag invest ka. Karamihan ay nasilaw sa mga mamahaling kotse na pinapakita ng newg sa youtube kaya invest agad pero di nila alam isang malaking scam pala.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: In the silence on April 13, 2018, 11:09:23 AM
Dapat silang lahat managot pati yung close downlines na matataas ang level sa system dahil sa pag iinvite ng mga walang kaalam alam na mga investors.
Sigurado nagtatago na yang mga downlines nila dahil sa balita.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: enaj825 on April 13, 2018, 12:42:29 PM
Calling the attention of the mod. This thread is non-Bitcoin-related but PONZI and/or SCAM so, it should be thrown into the trash can like what happened to posts related to the merit system. This thread/post gives nothing but a negative effect on Bitcoin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: pinkpanther03 on April 13, 2018, 12:58:54 PM
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.

Medyo sang-ayon ako sa mga sinabi mo Sir. Maari ngang biktima sila ng mga scammer sa laki ng kanilang inilabas na pera, at eksaktong eksakto rin naman ang sinabi mo na hindi sila naging maingat. Bkit? dahil unang napasukan narin kasi kahit pano ng greediness ang mga naginvest at no.1 nga ay kulang or wala silang sapat na knowledge sa bagay na kanilang pinasok na investment scheme.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: janvic31 on April 13, 2018, 08:41:01 PM
Halos nakababa ng tingin ng iba tao sa bitcoin ang ginagawa nilang ito diba nila naisip na ikasisira ito ng mga iba pang investors na nais pumasok o matuto sa crypto since nasisira ang pangalan ni bitcoin na dawit lng sa kalokohan nila ay naguguluhan  din ang iba kung ano nga ba at paano kumita ng bitcoin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 13, 2018, 11:56:31 PM
Update :
There could be a possible senate hearing for the alleged involvement of ranking officials with NewG.

http://news.abs-cbn.com/news/04/13/18/senate-mulls-probe-into-alleged-p900-m-bitcoin-investment-scam

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: camuszpride on April 14, 2018, 01:17:03 AM
Ayan na nga ang sinasabi kapag mga invest-invest na ganyan. Hindi alam ng karamihan sinusugal lang din naman ang pera nila sa trading or mining. We all know na hindi laging panalo sa ganitong larangan. Bakit kaya hindi na lang pag-aralan ng mga investors yung pinasok nila sa cryptocurrency atleast yung pera na ilalabas nila sila mismo ang hahawak. Yang mga ponzi scheme na yan sobrang dami na nila at kaya dumadami pa sila ay dahil pinapabayaan lang ng karamihan. Buti na lang at may mga kapwa pinoy tayong may malasakit at nag effort para tugisin yang mga ulupong. Sinisira nila imahe ng trading lalo na ang bitcoin.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: conanmori on April 14, 2018, 02:32:57 AM
Update :
There could be a possible senate hearing for the alleged involvement of ranking officials with NewG.

http://news.abs-cbn.com/news/04/13/18/senate-mulls-probe-into-alleged-p900-m-bitcoin-investment-scam

Sana magkaalaman na talga kung sino yang mga na kasabwat sa ponzi scheme na ito mahirap na talga mabawi yang nawala sa mga biktima pero sana mahuli at mapanagot lahat ng may sala sa sabwatan na to. Kaya dapat alamin muna lahat ng mga bagay na sinasalihan natin bago tayo magsimulang maglabas ng pera para hindi tayo magsisi sa huli.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: tienigarazz on April 14, 2018, 12:23:50 PM
Ang isa sa mga kakilala ko muntik ng ma scam niyan  buti na lang at na introduce ko na sa kanya ang tungkol sa bitcoin, kaya naiwasan niya ito. Karamihan dyan nag memessage sila sa facebook, at tinatanong kung alam ba nila ang bitcoin. At kapag nalaman na nila na hindi alam. Saka sila mag ooffer ng kung anu anu. Kaya para po sa mga newbie ingat po kayo. Huwag basta basta magtitiwala sa hindi trusted na tao. Ang mga scammers ay nanjan lang naghihintay lang ng tamang panahon at oras upang maging isa ka sa kanilang biktima.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Vinalians on April 14, 2018, 10:55:20 PM
Tingin ko din na ito na nga ang pinakamalaking investment scam using bitcoin dito sa pilipinas kaya nadudungisan ang pangalan ng bitcoin dahil sa mga ganyang tao. Tama lang na nahuli ang dalawang couple na yan para di na makapang scam pa.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: RoooooR on April 15, 2018, 11:35:08 AM
sana naman wala, kaya tayo andito kasi para malinawan tayo sa lahat if tambay kayo dito and till the end naniwala pa kayo jan sa mga yan nako ewan ko na lang. Actually kahit di ka nga maging tambay dito if you are smart enough para hindi i entrust sa iba yung future o yung tinatawag mo na hard earned money. Kasi sariling pera mo yan there's no such thing na mag iinvest ka lang at pag-gising mo hayahay buhay na. Kahit anong produkto o scheme pa yan as long as wala kang kahit anong pinunla jan at the end of the day wala kang aanihin jan kundi regrets.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: malibubaby on April 15, 2018, 12:10:19 PM
Marami kong mga kaibigan na nahulog dito sa NewG. Nahinvest sila ng 90k dahil yun na yung minimum na investment na maaari mong ipasok. Pero ilang buwan lang ay wala sila nakukuhang "payout daw". Sa tingin ko naipit lang yung mag asawa dahil ininvest nila sa bitcoin lahat ng nakolekta nila noong nasa ATH (All Time High) ang presyo ng bitcoin, dahil akala nila mas tataas pa ang bitcoin pero bigla nalang bumulusok ang presyo nito, kaya hindi sila makapagpasahod.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: janvic31 on April 16, 2018, 12:35:23 AM
Siguro naman wala sa inyong nabiktima ng classic ponzi scheme ng mga ungasis na to? Kung sino man nakajoin dyan, habulin nyo upline nyo at kasuhan nyo na direkta. Isa sa kaibigan ko ang nasa millionaire upline ng NewG ang ngayon sising sisi sa ginawa nya. Mabuti't iba nyang kaibigan na kaibigan ko din ay nawarningan ko kagad sa risk. Now he learns his lessons.
ABS-CBN news on NewG Bitcoin Investment Scam
https://www.youtube.com/watch?v=JjAPtQ63MCY

Pinang Cloudbet ni Bitcoin Billionaire daw. LUL!
https://www.facebook.com/arnel.ordonio.9/posts/1673511899409534

The Leader of the Ponzi Scheme
P.S He looks like he knows nothing about bitcoin other than using it for gambling.
https://i.imgur.com/SEO7Qo1.jpg

Update : Uplines listed by Complainants. Kung wala ang pangalan ng Upline mo, makipagtulungan kayo sa attorney nyo or kinauukulan.
https://i.imgur.com/RPE804x.jpg
https://i.imgur.com/TtNhUX8.jpg

Masyado naman silang gahaman at bitcoin pa talaga ang napa bulaanan na scam imbes na investment scam ang gamiting terms kaya pag narinig nila na btc yung iba ayaw na kahit paliwanagan dapat lng sila makulong.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: jomarkororo on April 16, 2018, 06:29:44 AM
Buti na lang nadala ako sa mga ganyang investment..Kung hindi yari din sana...Ung iba kasi na sumasali diyan walang idea sa crypto or sa bitcoin, itong mga promotor naman sinasamantala nila ung mga gnyang tao..Maigi na lang at nahuli na mga yan.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: DonFacundo on April 16, 2018, 07:52:36 AM
haha pinagcloudbet pala niya ang mga nakuha niyang bitcoin sa mga investors para maka doble, pagnaka doble siya ibibigay din niya yung investors ng 25% siguro at sa kanya naman ay 75%, siguro ito ang kanyang strategy pero kaya lang na LuGe tuloy.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: josepherick on April 16, 2018, 03:53:27 PM
Ang mahirap sa mga tao kumakapit sa patalim para maka kita lang ng pera walang deskaste sa buhay dapat wag patamad tamad gawin dapat ang nararapat mahirap sa mga tao puro tambay lang walang ginawa tapos nakapit pa sa patalim para kumita lang. Meron akong nabalitaan may nahule na mag asawa kaya wag na kayong kumapit sa patalim ang gawin ninyo ay humatanap ng malinis na trabaho.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: no0dlepunk on April 17, 2018, 11:05:03 AM
Well, halos araw araw akong nababadtrip kapag pinapabasa sakin ng misis ko yung newsfeed nya sa FB, may finofollow kasi syang page [BITCOIN USERS PH] yata kung di ako nagkakamali. Madaming recruiters doon na nagpopost ng screenshots ng coins.ph nila tapos may malaking amount ng money... obviously, facebook is the best avenue to scam our fellow pinoys, bukod sa napakaraming jobless na buong araw nakababad sa FB eh napakarami ding naka free-data lang, which made them very limited when it comes to education about bitcoins. Nakakalungkot lang dahil nagamit nila ang bitcoins sa scam, and instead na ma-promote yung magandang utilization nito eh lalu pang nababahiran ng negative branding. Napakahirap ipaunawa sa mga kababayan natin na ang bitcoin ay accessible sa lahat without needing these middlemen (scammers) kasi they know very little about bitcoin, ang akala kasi ng mga kababayan natin puro pataas ang trend ng bitcoin, hindi man lang nila napagaralan na once in a while babagsak at babagsak talaga ang presyo. And since hindi sila masipag magfeed ng mind, inaasa nalang nila sa mga middlemen yung magiging profit nila sa bitcoin.

PS: kung gusto natin makatulong sa branding ng bitcoin sa Pinas, dapat tulong tulong tayo mag-spread ng awareness sa mga pages kagaya nung sinulat ko sa taas. Whenever you have spotted a potential scammer, maglagay kayo ng short comment doon na magsasabi na people can always invest in bitcoins by simply using coins.ph directly... hindi nila kailangan ng "ask me how". Sana wala nang ma-scam pa.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Babyrica0226 on April 17, 2018, 01:24:15 PM
Talamak talaga dito ang ganyan dito sa bansa natin, basta kung ano ang trending dun kumakana ang mga scammer dati naging trend ang MLM sa online and dami ding mga subscribers sa FB ang mga nabiktima, ginagamit ang social media which is FB para makapambiktima at nagyon dahil trend ang Bitcoin ito naman ngayon ang ginagamit na front ng mga mapagsamantalang mga scammer pero ang totoo pampaing lang nila ang Bitcoin para makapambiktima kaso paulit ulit ngyayari dahil alm nila madaming mga pinoy ang mga uto-uto pasesya napo sa term pero yun po ang totoo dahil karamihan din kasi sa mga nabibiktima ay mga nasisilaw sa mga kitaan, in short mga ganid din kasi gusto madaliang kitaan. Kaya ayun madaming naisahan.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: danim1130 on April 17, 2018, 08:25:31 PM
Dapat maiwasan lahat ng ganyang uri ng sistema dito sa pilipinas dahil kung hindi ito mawawala o mababawasan man lang panigurado magkakaroon ng lamat ang imahe ng online business lalo na ang bitcoin dito sa pilipinas iwasan ang mga referal system na yan.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: jepoyr1 on April 18, 2018, 04:21:36 AM
pareho lang naman may kasalanan eh hindi kasi muna sinusuri ng mahigi bago pumasok sa isang investment kasi yung iba naka income lang ng malaki nag titiwala na agad madami na ngayon na biktima ng mga ganyang scam yung iba nadadala lang talaga sa magandang salestalk. kaya minsan yung taong tinuturuhan natin about bitcoin hindi natin masisisi kapag ayaw na maniwala madami na talaga ngayon tao ginagamit ang pangalan ng bitcoin para sa mga modus nila

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: AniviaBtc on April 18, 2018, 06:43:11 AM
Mabuti nalang hindi ako mahilig sumali sa mga ganyan at magrisk agad-agad ng pera. Lalo na hindi natin to pinupulot. Maging lesson sana ito sa mga biktima, at huwag basta-basta magtitiwala. Pero sana hindi yan ang maging dahilan para maban ang Bitcoin dito sa Pinas.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: elbimbo012 on April 18, 2018, 04:33:00 PM
Isa lang ang masasabi ko. walang manloloko kung walang magpapaloko. kungdi ka ba naman tanga mag bibigay ka ba ng pera mo  na milyones at mag expect na every 16 days babalik sasyo ung 30% ng  investment mo? di ka ba mag iisip kung saan nila kunin yung pambayad sayo every 16 days?  marami parin sa ating mga kababayan ang nag iinvest ng di alam ang pinag iinvistan nakakalungkot lang :(

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 18, 2018, 05:50:53 PM
Grabeh naman to pwede tong pagmulan nang ibat-ibang balakid at baka maalarma na ang gobyerno natin sa ginagawa nang mga kumag na ito pilipino nga naman dali utuin at salestalkin. Baka tuloy manganib ang bitcoin dito sa pilipinas dahil dito sana naman hinde umabot sa puntong ganun.
Posible yan. Posible din kasi na magkaroon ng Senate hearing dyan dahil daw may mga pulitikong involve. Kahit mismong mayor ay involve din sa investment scam.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: cherry yu on April 18, 2018, 10:10:24 PM
sa pang yayaring ito maaring malaarma ang gobyerno at maapektohan lalo ang galaw ng presyo ni btc. kung bakit naman kasi may mga taong gahaman sa pera. at may mga tao ding madaling maloko. kapag pinag-aaralan mo  ng maaigi ang sestima ng negosyo nila ay mahahalata mo na talgang scam siya. dahil san naman nila kukunin ang perang ibabalik sa mga taong nag invest sa kanila every 16days at may kasama pang porsyento., talagang mallologi sila kapag nangyari yun. kapag kasi pumasok ka sa isang negosyo lalong-lalo na sa online at ang ininvest na pera ay dadaan sa account ng tao, talagang mag isip na kung ito ba ay scam o hindi. pag-aralang maaigi bago pumasok sa isang negosyo para hindi ma scam.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: patz22 on April 20, 2018, 01:06:20 AM
Isa lang ang masasabi ko. walang manloloko kung walang magpapaloko. kungdi ka ba naman tanga mag bibigay ka ba ng pera mo  na milyones at mag expect na every 16 days babalik sasyo ung 30% ng  investment mo? di ka ba mag iisip kung saan nila kunin yung pambayad sayo every 16 days?  marami parin sa ating mga kababayan ang nag iinvest ng di alam ang pinag iinvistan nakakalungkot lang :(

Parang pyramid scam lang ito na nangyare years ago na isa yung nanay ko na nabiktima "Rose Baladjay pyramid scam" na nangangako ng at least 10% interest. See article news.abs-cbn.com/nation/01/05/09/leading-law-firm-victim-scam . Tama ka doon na walang maloloko kung walang magpapaloko pero aminin na natin na tao lang tayo at gustong kumita agad,  "easy money" ika nga nila. Sa aking palagay kaya bumagsak din itong kumpanya na to noong nag crash yun market at hindi napaikot yung pera.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: singlebit on April 20, 2018, 07:19:28 AM
haha pinagcloudbet pala niya ang mga nakuha niyang bitcoin sa mga investors para maka doble, pagnaka doble siya ibibigay din niya yung investors ng 25% siguro at sa kanya naman ay 75%, siguro ito ang kanyang strategy pero kaya lang na LuGe tuloy.
Hanggang ngayon di parin alam ng mga mahihirap na investors kung may maibabalik pa ba kahit kalahati sa pinaghirapan nila at dadami ang krimen kung magkakaroon pa ng ganitong scam incident dahil sa hirap.Sana ang ganyang tao ay makulong ng matagal at magbago.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: JulzxcGayla05 on April 20, 2018, 12:06:42 PM
Basta alam ko hindi sila scam at dahil alam ko ang kwento ni boss A bahala na kayo humusga sa hindi nyo naman tunay na kakilala napakabait na tao nyan at siniraan lang sya ng mga inggit sakanya lilitaw at lilitaw ang totoo kaya ko to na sasabi dahil kabaranggay ko lang siya :)

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 20, 2018, 04:15:19 PM
haha pinagcloudbet pala niya ang mga nakuha niyang bitcoin sa mga investors para maka doble, pagnaka doble siya ibibigay din niya yung investors ng 25% siguro at sa kanya naman ay 75%, siguro ito ang kanyang strategy pero kaya lang na LuGe tuloy.
Ganyan yung strategy nya. Kaso ang nangyari, nadetect ng cloudbet yung pagabuso sa deposit bonus nila. Pero talo pa din daw si Arnel sa cloudbet ng malaking halaga. Kaya imposible na talagang mabalik yung mga pera specially mga nagdeposit nung december dahil dun bumagsak yung value ng bitcoin to almost half.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 23, 2018, 11:43:48 PM
Update : Following ng Presscon about sa pagkakahuli ng NewG founder, may mga naglabasan pang ibang nagrereklamo sa kanilang upline. So mahaba haba pa ang listahan ng mga uplines na kailangang habulin. Once na makakita ako ng photo ng new list, will share it here agad agad.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Aying on April 24, 2018, 05:26:58 PM
Update : Following ng Presscon about sa pagkakahuli ng NewG founder, may mga naglabasan pang ibang nagrereklamo sa kanilang upline. So mahaba haba pa ang listahan ng mga uplines na kailangang habulin. Once na makakita ako ng photo ng new list, will share it here agad agad.

kahit pa mahuli ang mga upline nila dyan wala na silang magagawa sa perang nakulimbat nila. pero good na rin kung mahuli lahat ng may mga kasalanan sa investment scam na yan. para kahit papaano ay makabawi naman sila at makulong silang lahat

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: helen28 on April 24, 2018, 05:40:22 PM

ok lang na hindi mabawi basta makulong silang lahat para makahinga naman kahit paano yung mga nabiktima ng scam na yan. sobrang laki ng perang nakuha nila sa mga kababayan natin sobrang nakakaawa dapat mahatulan sila ng habang buhay na pagkakakulong

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Chyzy101 on April 24, 2018, 08:55:41 PM

ang pagkabulag sa mabilisan at malaking pera dun tayo lagi naloloko e. kaya marami naeenganyo sa mga scam na yan. pati tuloy yung kaibigan ko na may kinalaman sa cryptocurrency ang income e napagkakamalang scamer kahit hindi naman. ingat tayo palagi sa mga ganitong modus.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: AniviaBtc on April 24, 2018, 09:49:42 PM
Mabuti at hindi ako kasama sa nabiktima niyan, maingat din kasi ako. Hindi ako basta-basta nagtitiwala lalo na pagdating sa pera. Yun lang at kawawa ang nabiktima nila, umiiyak ngayon dahil nauwi sa wala ang investment nila. Doble ingat po tayo, lalo na sa mga baguhan sa crypto world. Mas mabuti kumunsulta muna sa mga mas nakakaalam na kakilala bago i-risk ang inyong pera.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 26, 2018, 04:17:30 PM
Update : Arnel Ordonio nakalaya na at nakapagbail.

This is a clear sign na ang batas sa pilipinas ay napakawalang kakwenta kwenta. Sa mga tangang nauto ni ordonio na mababayaran nya sila. Asa pa kayo bumalik mga pera nyo. Uunahin nyan bayaran yung mga malalaking tao tapos non ay iiwanan na yung maliliit na walang kakayanan magbayad para sa batas.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: jpespa on April 26, 2018, 05:25:21 PM
Ako nung bago pa ako napasali agad ako sa mga ponzi schemes na yan e nakamagkano din ako ng investment jan pero walang halong loko hindi lumampas ng 5k ang nagastos ko mababa pa lang kasi yung bitcoin nung panahon na sumali ako mga nasa 40K pesos palang. Sa experience ko sa mga ponzi schemes na yan swerte talaga kung ikaw ang mauuna makasali sa bagong salang na scheme kasi ikaw ang unang kikita malas mo nga lang e kung ang masalihan mo ay sa pinakasimula pa lang ng pagsali mo e nag close agad ang site at di mo na mahagilap ang mga scammer na yan. Sa 5k na nagastos kong yun siguro ang naibalik ko nasa 2k+ din kahit papano natauhan din agad ako jan at di na nagsasali sa ganyan. Laking sisi ko nga nun kung yung 5k na yun tinabi ko nalang tapos naabutan ko yung ATH na $19k tiba-tiba pa ako nun.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: rommelzkie on April 27, 2018, 07:45:53 AM
Update : Arnel Ordonio nakalaya na at nakapagbail.

This is a clear sign na ang batas sa pilipinas ay napakawalang kakwenta kwenta. Sa mga tangang nauto ni ordonio na mababayaran nya sila. Asa pa kayo bumalik mga pera nyo. Uunahin nyan bayaran yung mga malalaking tao tapos non ay iiwanan na yung maliliit na walang kakayanan magbayad para sa batas.

Awts saklap naman nyan. magkano kaya ang binayad nya sa bail? for sure ang susunod nyang babayaran ay yung mga judges at pulis para hindi na umusad yung kaso. grabe naman talaga.

I can conclude na hindi talagang  totoo na natalo ang pera nila. Partida hinarap pa yan kay Bato at sa media. sana ma media ulit yan kapag hindi nya naibalik yung pera.

https://www.rappler.com/nation/200282-bitcoin-scam-mastermind-arnel-ordonio-letter-investors

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: caseback on April 28, 2018, 09:58:46 AM
Maliban sa kanya, may mga inaabangan na ngayon na makasuhan at mainit na ang ulo ng mga nakasali o nabiktima daw nila. Ang daming nagkalat na posts ng mga nabiktima umano ng Alifelong, Ads Success/Minera, and now, sinasali na ng ilan ang Coin Option sa list. May common denominator yang mga yan...ginagamit ang mining rigs ng bitcoin or other alternate cryptos para makakuha ng bibili ng codes or what sa kanila. Yung Paysbook naman e gumagamit Indigen.
Nakakatakot pala tong mga loko nato, paano mo maiiwasan tong mga to iisang grupo at organisado pa sila sa kanilang mga modus na gagawin, sana may tamang batas para hindi na nila gawin tong kabulastugan nila at mapapatawan nana tamang parusa tong grupo na to...

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Chyzy101 on April 28, 2018, 11:51:28 AM
naku mahirap talaga kasi ang ganitong mga scam. natural na kasi sa pilipino ang masilaw sa mabilisang income kung baga dito tayo lagi na uutakan ng mga ganyan kaya ingat tayo palagi sa mga ganito wag tayo papasilaw sa malaking kitaan sa maiksing panahon lamang

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: arstrain1 on April 28, 2018, 11:04:36 PM
kung nakapag bail din pla at nakalaya maari may pera pa mababalil pa ba ang pera kung makulong na sila? tama lang makulong at mahuli mag big scammer sa pinas na gumgamit ng crypto sa mga monkey business nila

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: revenant2017 on April 30, 2018, 04:29:16 PM
Update : Arnel Ordonio nakalaya na at nakapagbail.

This is a clear sign na ang batas sa pilipinas ay napakawalang kakwenta kwenta. Sa mga tangang nauto ni ordonio na mababayaran nya sila. Asa pa kayo bumalik mga pera nyo. Uunahin nyan bayaran yung mga malalaking tao tapos non ay iiwanan na yung maliliit na walang kakayanan magbayad para sa batas.

Awts saklap naman nyan. magkano kaya ang binayad nya sa bail? for sure ang susunod nyang babayaran ay yung mga judges at pulis para hindi na umusad yung kaso. grabe naman talaga.

I can conclude na hindi talagang  totoo na natalo ang pera nila. Partida hinarap pa yan kay Bato at sa media. sana ma media ulit yan kapag hindi nya naibalik yung pera.

https://www.rappler.com/nation/200282-bitcoin-scam-mastermind-arnel-ordonio-letter-investors
Insight ko lang tingin ko mas maraming investor sila nung kasagsagan ng 15k-20k level ng bitcoin. After kasi nun nahirapan na sila magpayout. Kasi ang ibinayad ng investors nila ay money. So sabihin nating nasa 500m in total of raw money ang nainvest nila, nasa 300m~ more or less na lang yun ngayon in fiat value. Imposible na din yan kasi pati mga uplines nila na nakakareceive ng commission nagsipag gastusan na ng pera eh.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: janvic31 on April 30, 2018, 06:51:06 PM
Bago kasi mag invest ay pag aralan muna o siyasatin mabuti kung ito ba ay totoo para hind agad nabibiktima ng isang scum.tama ang sabi ng iba maging isang aral sa iba ang ma scum upang mag ingat at hindi basta basta magpapaniwala,

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: PINAGPALA on May 01, 2018, 01:11:54 PM
Ang daming iniscam ng groupong yan may friend ako iniscam nia sinanla nia ung lupa nila para jan kasi nung una nakapag cash out sya ang sobrang natuwa sya sa kanya ko nalaman ung new g tas nag tanong tanong ako sabi scam daw ganon ganon dapat sa mga ganyan shoot to kill na agad ang daming sinirang buhay nian at ang daming niloko

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: danbitcoin1 on May 01, 2018, 01:59:56 PM
Apparently this guy is out of prison now lol. My girlfriend is from Cabanatuan, so many people there were involved in it lol. I don't think he was even investing in crypto though, the returns he was promising were higher than Bitconnect etc.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: hastang on May 01, 2018, 04:27:26 PM
isa lang ibig sabihin nyan... walang invesment na kikta ka ng pagkalaki laki sa loob lang ng ilang araw.. ika nga "its good to be true". ako nga nag invest ako sa cryptocurrency at bumili ako ng coin noon marso pa yun hanggang ngayon wala parin tubo... bumabalik lang sa dati yun price tumataas tapos baba uli.. ngayon naka 1month na ako wala parin kita... ayun hinahayaan ko nalang.

ito sana ay mag silbi ng paalala sa atin na walang perang nakukuha sa shortcut na paraan. lahat ay may tamang panahon.. isipin mabuti bago mag invest kung binibigyan ka nila ng napaka laking tubo abay mag isip kana... saan sila kukuha ng pera na ipangbabayad sa tubo na sinasabi nila.. malaman scam lang yan...

basta yun baseline natin sa.mga nag offer ng return ay yun interest na ibibigay ay bank... kapag medyo napakalayo ng agwat ng interest sa banko tapos sa loob pa ng maikling panahon abay mag isip ng mabuti baka perang pinag ipunan mo manakaw pa sa iyong harapan mismo... ingat ingat lang kabayan!

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: gandame on May 01, 2018, 10:39:21 PM
Unang labas nito sa tv ang daming nag pm saakin sabi nila scam daw ang bitcoin ang sagot ko naman yong tao ang scammer not the bitcoin kasi yong tao ginamit nya lang na mode of payment ang bitcoin.
Dami nila na scam mga multi million karamihan nilang naloko.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: TheKeyLongThumbI on May 14, 2018, 07:41:33 AM
Kinabahan talaga ako nung pumutok ito sa balita. Buti na lang at maganda ang paliwanag ng media sa issue dahil kung hindi ay magiging pangit na ang imahe ng bitcoin. Dapat bugbugin araw-araw ang mga magnanakaw na mga iyan.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: helen28 on May 14, 2018, 06:08:57 PM
Kinabahan talaga ako nung pumutok ito sa balita. Buti na lang at maganda ang paliwanag ng media sa issue dahil kung hindi ay magiging pangit na ang imahe ng bitcoin. Dapat bugbugin araw-araw ang mga magnanakaw na mga iyan.

pinaliwanag naman nila na ginamit lamang talaga ang bitcoin para makapanghatak ng mga magiinvest pero wala talaga kinalaman ang bitcoin dun, problema rin ng mga kababayan natin yan kasi ang bilis nilang mapaniwala sa mabilis na kitaan

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: jedmac123 on May 20, 2018, 02:38:27 PM
NAKAPASOK KAMI DITO NG GIRLFRIEND KO ALMOST 120K DIN NA INVEST NAMIN GOODTHING DI KAMI PINAPABAYAAN NG UPLINE NAMIN.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ruthbabe on May 20, 2018, 03:25:32 PM
Update : Arnel Ordonio nakalaya na at nakapagbail.

This is a clear sign na ang batas sa pilipinas ay napakawalang kakwenta kwenta. Sa mga tangang nauto ni ordonio na mababayaran nya sila. Asa pa kayo bumalik mga pera nyo. Uunahin nyan bayaran yung mga malalaking tao tapos non ay iiwanan na yung maliliit na walang kakayanan magbayad para sa batas.

Awts saklap naman nyan. magkano kaya ang binayad nya sa bail? for sure ang susunod nyang babayaran ay yung mga judges at pulis para hindi na umusad yung kaso. grabe naman talaga.

I can conclude na hindi talagang  totoo na natalo ang pera nila. Partida hinarap pa yan kay Bato at sa media. sana ma media ulit yan kapag hindi nya naibalik yung pera.

https://www.rappler.com/nation/200282-bitcoin-scam-mastermind-arnel-ordonio-letter-investors

Ganyan talaga ang batas... at saka bailable naman ang kaso niya. So, malinaw pa sa sikat ng araw na di na mai-babalik ang nakulimbat na pera. Gagamitin niya iyon para mapawalang-sala siya, kukuha lang siya ng isang de-kampanilyang abugado, bayaran niya ng 50M o 100M siguro naman lahat ng butas sasaliksikin ng abogado para maabswelto...baka nga di na maka-abot sa korte ang kaso niya at sa Piskalya pa lang ma-abswelto na. Tingnan ninyo nangyari sa kaso nina Kerwin Espinosa, Peter Lim, 20 others? Di ba na-abswelto due to technicalities? Di na nai-akyat sa korte ung kaso doon pa lang sa prosecution nadisyonan na... nakitahan ng butas, kaya kahit si Aguirre at si Digong walang magawa. Kaya karamihan sa mga nakukulong mahihirap, at ang mayayaman nakakalusot dahil me pambayad sa mga magagaling na abugado.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Thardz07 on May 20, 2018, 03:33:36 PM
Kinabahan talaga ako nung pumutok ito sa balita. Buti na lang at maganda ang paliwanag ng media sa issue dahil kung hindi ay magiging pangit na ang imahe ng bitcoin. Dapat bugbugin araw-araw ang mga magnanakaw na mga iyan.

pinaliwanag naman nila na ginamit lamang talaga ang bitcoin para makapanghatak ng mga magiinvest pero wala talaga kinalaman ang bitcoin dun, problema rin ng mga kababayan natin yan kasi ang bilis nilang mapaniwala sa mabilis na kitaan
Isa rin sa sanhi ang mga ganyang scams eh kaya nadadamay ang bitcoin. Yung pumutok ang balitang yan, ang daming mga kakilala ko na nagtatanong kung kasali ba kami sa mga na scam kasi nga bitcoin eh, pinaliwanag ko sa lahat na di sangkot ang bitcoin jan, ginamit lang nila ang bitcoin para mang scam. Hindi scam ang bitcoin. Nakakasira din ng imahe ng bitcoin ang mga scammers na yan eh.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: Edraket31 on May 20, 2018, 05:35:39 PM

Kaya maganda din yong nagtatanong ka muna eh, marami din ako kakilala pero napagsasabihan ko naman sila in a nice way to investigate muna yong mga sasalihan nila bago sila magpasok ng pera, ako never pa naman ako nabiktima dahil nagcoconsult ako sa experts pag hindi ako sure.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: XFlowZion on May 21, 2018, 06:58:51 AM
Sa tingin ko ay panahon na para buwagin ang mga multi-level marketing. Karamihan naman sa kanila ay hindi rehistrado sa SEC at iisa lang naman ang kinahihinatnan nyan at yun ay walang iba kundi sa scam. At mabigat na parusa kasi madali lang sa mga scammer na yan na mangsuhol gamit ang ninakaw nilang pera para makalaya.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: jeraldskie11 on May 25, 2018, 06:20:38 AM
Isa na itong paalala sa atin na kailangan nating magdoble ingat lalo na sa mga malalaking investment na ginagawa natin dahil kapag nabiktima tayo nito mawawala lahat ng pinaghirapan, pinagtiyagaan at pinag-iponan natin para dito kaya huwag basta-bastang magtitiwala lalo na kapag hindi mo pa lubos nakikilala ang isang tao at isa na itong kapupulutan ng aral lalo na sa mga taong nabiktima nito kaya sa mga kababayan kong pinoy maging maalerto tayo dito.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ThePogi on May 25, 2018, 02:01:38 PM
Wala talaga tayung magagawa dahil up to this date wala paring update ang mga yan matapos makalaya ang utak ng investment scam na yan at nag pangako sa lahat na ibabalik ang mga nawalang pera, Pero hangang wala paren.

Title: Re: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH
Post by: ChardsElican28 on May 26, 2018, 02:29:23 AM
Siguro naman wala sa inyong nabiktima ng classic ponzi scheme ng mga ungasis na to? Kung sino man nakajoin dyan, habulin nyo upline nyo at kasuhan nyo na direkta. Isa sa kaibigan ko ang nasa millionaire upline ng NewG ang ngayon sising sisi sa ginawa nya. Mabuti't iba nyang kaibigan na kaibigan ko din ay nawarningan ko kagad sa risk. Now he learns his lessons.
ABS-CBN news on NewG Bitcoin Investment Scam
https://www.youtube.com/watch?v=JjAPtQ63MCY

Pinang Cloudbet ni Bitcoin Billionaire daw. LUL!
https://www.facebook.com/arnel.ordonio.9/posts/1673511899409534

The Leader of the Ponzi Scheme
P.S He looks like he knows nothing about bitcoin other than using it for gambling.
https://i.imgur.com/SEO7Qo1.jpg

Update : Uplines listed by Complainants. Kung wala ang pangalan ng Upline mo, makipagtulungan kayo sa attorney nyo or kinauukulan.
https://i.imgur.com/RPE804x.jpg
https://i.imgur.com/TtNhUX8.jpg

Dapat sa mga yan balatan nang buhay hacker at scammer para hindi na pamarisan subra na ginagawa nila ayaw magbanat nang buto. maghanap kayo nang maayos na pagkakakitaan kasi mahirap pakain sa pamilya ang pera na galing sa masama kaya mga scammer at hacker magbago na kayo kawawa ung binibiktima nyo sana makunsinsya na kayo stop na sa gawain masama at maghanap kayo nang ibang pwde pagkakakitaan para naman hindi kayo tawagin salop sa lipunan.......