Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: jonemil24 on August 04, 2018, 07:28:35 PM

Title: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: jonemil24 on August 04, 2018, 07:28:35 PM
May mga ilan na sa atin ang nakabalita patungkol sa mga di magagandang katangian ng mga pinoy sa forum. Hindi ko magawang ipagtanggol (who am I to defend us all?) tayong lahat dahil totoo at may mga ebidensya sila. Nariyan yung shitposter (https://bitcointalk.org/index.php?topic=3363270.msg35226256#msg35226256), bounty abuser (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4796134.msg43270809#msg43270809), at merit abuser (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4781186.msg43167872#msg43167872) na nasobrahan ng init sa katawan.

Kahit bounty hunter ka na english carabao (meron po talaga na english carabao na nilampasan na ako sa rank pero madami ang nai-ambag), may paraan pa para masabi naman natin na may ambag din tayo dito sa forum.

Paano?

Nabalitaan nyo na ba yung tungkol sa report badges (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4742257.msg42821426#msg42821426)? May napupusuang report badge image si theymos at isa sa mga iyon ay gawa ng pinoy! Pakiusap, wag na po nating i-flood ang topic na iyon.

Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4519248.msg40698575#msg40698575) para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit. Ito po ang Filipino translation (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4857368.msg43789565#msg43789565) para sa mga medyo nosebleed na kagaya ko. ;)

Quick tip nalang sa pagreport mga kabayan kung paano ang magreport:

Paalala ko lang na maraming pwedeng i-report, at ang susunod ay isa lamang halimbawa.

Kapag may nakita kayong walang kwentang post, tulad ng "to the moon", "nice project", "your project looks cool, I will invest" or gaya nito:
I-click nyo lang ang "Report to moderator" at ilagay kung ano ang nilabag ng poster na iyon. Sa poster na ito, ilagay nyo sa "Enter comment" box ay - "Spam/Low value post. Does not add anything to the discussion." o di kaya ay "Unsubstantial post". Madalas ko gamitin ang huling salita, pero tignan nyo na lang kung nadelete na ng moderator iyon bukas o mamaya.

Kapag naka- 100+ reports na pala kayo ay makikita nyo na yung "good, bad, unhandled" na reports ninyo. At kapag nasa 300+ na reports ninyo, may access na kayo sa report history ninyo.

Eto nga pala report history ko kung may curious sa inyo:

Meron akong 3 bad reports at naalala ko pa yun, kaso wala sya sa listahan - lumitaw na sa listahan ko at nadagdagan na bad reports ko.

Sa mga nagbabalak na maging spam buster ng pinas, wag nyo na po asahan na tataas ang rank natin, bibigyan lang tayo ng badges. Pero kung masasabi nila na mga basura tayo sa forum, atleast mayroon tayong report badges, at maari na nating sabihin na -

" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: kyleagaaaaam on August 07, 2018, 12:02:09 AM
Marami ng nakakita tungkol sa mga d magagandang ginagawa ng mga tao, halimbawa na lang yung namimigay ng merits pero inaabuso mo pa din, isa naman yung pagiging scammer, mahirap yan baka maban pa. Simply naman ang solusyon pero bakit mahirap gawin? Nakadepende sa tao kung panong paraan nya ito magagawan ng paraan. Unity po ang kailangan ng mga tao, tulungan po, huwag maging sugapa, tsaka disiplina  na lang po. Sabi nga sa netiquette, iaaply natin yung etiquette natin sa labas kapag nasa technology na kaharap natin. Be aware lang tsaka wag nating gawin sa kanila kung ayaw nating gawin nila sa atin yun.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: bruks on August 18, 2018, 02:43:29 AM
marami na ang nag lalabasan ngayon na mga bagong paraan upang malinis ang furom na ito. kailangan tayong mga Pinoy bigyan natin ng halaga itong furom at mag tulongan tayo na linisin ang bakas ng pagbibintang. Higit sa lahat ingatan natin na hindi ma ulit na mabahiran ulit ng mantsa itong furom na ito.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: carizmerlin31 on August 18, 2018, 03:14:29 AM
marameng salamat po sa inpormasyong ito at sa malinis na adhikain upang mapaganda po ang ating forum!
gayun din sa pag guide sa amin kung papaanu ang gagawin!
madalas din po kasi ako makakita ng ganyan..at nagkaroon po ako ng halimbawa para ndi ko magawa
ang mga gayong bagay na ginagawa ng iba!
makakaasa po kayo sa aming pakikiisa at supporta upang malinis ang forum na ito!

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: darkdangem on August 18, 2018, 03:26:26 AM
Ganito nalang siguro gawin natin, marami nadin akong nakita kaya lang ini-ignore ko lang. Kahit papano kung gagawin natin to may maitutulong nadin tayo sa ikakalinis ng bitcointalk kahit walang merit ito nalang yung pang bawi natin sa mga bad record natin dito.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: LogitechMouse on August 18, 2018, 05:33:06 AM
If you want to contribute thru reporting, go to the link in my personal text. The thread made by iasenko is for spambusters. They are reporting threads who in the Announcement Section. Just visit it.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: imyashir on August 18, 2018, 05:49:49 AM

Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4519248.msg40698575#msg40698575) para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit.

May nabasa ako nito na translation na po sa tagalog pero hindi yata ito napapansin kung anu nga ba ang silbi nito maganda nmn ang pagkakagawa nya ng kanyang trans madali lng nmn intindihin po sa katunayan ito ang kanyang gawa https://bitcointalk.org/index.php?topic=4857368.msg43789565#msg43789565 akala kasi ng iba ay pag deleted lamang ng isang threads tulad ng nabasa ko sa comment sa kanyang threads

kailangan talaga natin mabasa ito ng maigi lalo na sa ating mga mamayan dito sa forum.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: burner2014 on August 18, 2018, 07:33:32 PM
Mainam na din po to para lahat tayo ay obligadong matuto para sa atin din naman ang lahat ng bagay na to eh para sa ikagaganda ng forum at para na din sa mga tao na umunlad sa pamamagitan ng pagbabasa ng maayos sa forum, dapat lang po na maging mahusay tayo sa ganitong kalakaran dahil magiging pang habang buhay na natin to.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: Meraki on August 18, 2018, 08:48:29 PM
Ginagawa ko din to minsan pero di ako strict na pag one line post report agad, I make sure ung mga nirereport ko totally wala talagang sense ung sinasabi. This is a good way to clean out forum, kahit na di sila na baban atleast na babawasan ung post nila na might conflict their post count during stake giving day. Kaya pag may nakita kayong non sense shit reply wag kayo matakot mag report kasi wala masama mag report.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: blue08 on August 19, 2018, 12:12:33 AM
Hindi ko pa naranasan na mag report, pero ngayong nabasa ko to, ngayon ko mas nabigyang pansin na dapat ngang tulong tulong tayo sa paglilinis ng forum. Hindi lang pala basta makapag ambag ka sa forum, kundi maging sa pananatili ng kalinisan. Hindi gaanong na pigilan ng merit system ang mga shitposter, pero sa ganitong paraan, sa tingin ko mas malaki ang impact neto sa mga post ng bawat member sa forum na ito.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: AdoboCandies on August 19, 2018, 02:35:47 PM
Buti naman may aware din na kapwa ko pinoy sa mga ganyang reporting marami na rin kasing mga spammer na pinoy lalo na sa Altcoin board natin dito sa philippines board pare-parehas pa yung mga post nila at repetitive lang kaya kailangan tayo din ang maglinis sa kalat ng mga kababayan natin tsaka hindi narin masama kasi ang pagrereport ngayon ay magkakaroon ng parang insentives yung badge na tinutukoy mo kaya sana iwasan na natin kasi maraming maghahabol dun sa badge na yun at baka mareport ka pa.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: AmeSakibimasu on August 19, 2018, 06:09:34 PM
Honestly, tayong mga pinoy yata yungmay mga ugaling ang hirap pasunurin unlike other ethnicities. Nagrereklamo tayo na ganito ganyan pero tayo mismo yung gumagawa. Hindi natin mababago tong forum na to ng basta basta, kelangan nating magkaisa na napakaimposible kasi yung iba ang titigas ng ulo, don kasi sila nagsstick sa salitang "pwede na".

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: jonemil24 on August 20, 2018, 01:36:24 AM
>.<

May nabasa ako nito na translation na po sa tagalog pero hindi yata ito napapansin kung anu nga ba ang silbi nito maganda nmn ang pagkakagawa nya ng kanyang trans madali lng nmn intindihin po sa katunayan ito ang kanyang gawa https://bitcointalk.org/index.php?topic=4857368.msg43789565#msg43789565 akala kasi ng iba ay pag deleted lamang ng isang threads tulad ng nabasa ko sa comment sa kanyang threads

kailangan talaga natin mabasa ito ng maigi lalo na sa ating mga mamayan dito sa forum.

Yun may pinoy version na. Salamat at may pinoy na nagkaroon ng time na i-translate ito. Salamat din sayo sa pagbigay mo ng info, di ko napansin agad ito dahil bihira na akong bumisita sa sarili nating section.

EDIT:
Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4519248.msg40698575#msg40698575) para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit. Ito po ang Filipino translation (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4857368.msg43789565#msg43789565) para sa mga medyo nosebleed na kagaya ko. ;)

Sa totoo lang mga kababayan, medyo naumay ako sa kakareport sa mga spam bots na yun, kaya sa ngayon iba na lang ni-rereport ko. Mga naliligaw na lang na topic sa bitcoin discussion at economics section ang laman ng report history ko. Baka sabihin kasi ng moderator na sipsip ako. :D

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: Ianbadz2000 on August 20, 2018, 06:29:46 AM
Marami ng nakakita tungkol sa mga d magagandang ginagawa ng mga tao, halimbawa na lang yung namimigay ng merits pero inaabuso mo pa din, isa naman yung pagiging scammer, mahirap yan baka maban pa. Simply naman ang solusyon pero bakit mahirap gawin? Nakadepende sa tao kung panong paraan nya ito magagawan ng paraan. Unity po ang kailangan ng mga tao, tulungan po, huwag maging sugapa, tsaka disiplina  na lang po. Sabi nga sa netiquette, iaaply natin yung etiquette natin sa labas kapag nasa technology na kaharap natin. Be aware lang tsaka wag nating gawin sa kanila kung ayaw nating gawin nila sa atin yun.
Totoo yan nabalitaan korin yan sa iba kung kakilala na may mga pagkakataon na mamigay sila nang merits sa mga kakilala para mapataas ang mga ranks nila,,,ganyan ba dapat ang gawin? Di ba dapat sa mga may malalaking position lang awtomatiko sila magbibigay nang merits kapag karapat dapat talaga! Hindi sakung sinuman basta mas may pabor sa kanila paano na ang iba na naghihirap para magkaroon kahit isang merit lang,,isa itong pagkakamali at abuso talaga,pasensiya na po sanay maging tapat.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: kyleagaaaaam on August 20, 2018, 12:59:29 PM
Sa panahon ngayon, mahirap na talaga magtiwala pagdating sa online. Noong una nagdududa pa ko pero ng pinakita saken ng kaibigan ko yung tungkol nga dito ay totoo. Kaya yan ang naipasok ko kasi uso yung salitang scam pagdating dito. Mahirap na kasi magtiwala kaya bawasan natin yung mga scammers tsaka tulungan natin yung mga bago. Huwag nating abusuhin yung binibigay na merit, huwag nating ibully yung bagong sali. Sabi nga nila, Kung ayaw mong gawin nila sa iyo, wag mo nang gawin. 😁

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: Tramle091296 on August 21, 2018, 03:07:25 AM
Lagi naman mahuhusgahan mga pinoy kahit may ganyan may mga ibang lahi talaga na galit na galit sa pinoy kahit anong gawing mabuti. kahit may report badge pa tayo para linisin yung mga shitposter sa forum hindi padin magiging maganda turing nila satin nakatatak na yan sa kanila eh.  :(

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: markdario112616 on August 21, 2018, 08:33:20 AM
Lagi naman mahuhusgahan mga pinoy kahit may ganyan may mga ibang lahi talaga na galit na galit sa pinoy kahit anong gawing mabuti. kahit may report badge pa tayo para linisin yung mga shitposter sa forum hindi padin magiging maganda turing nila satin nakatatak na yan sa kanila eh.  :(

Oo may mga bagay talaga tayo na hindi natin macocontrol, Tulad ng pagkakakilala sa atin, Masama man o mabuti. Pero hindi ito dahilan para mawalan tayo ng gana, sumabay sa agos o ipagwalang bahala nalang natin ito. Hindi man maganda ang tingin ng iba satin, sana gawin padin ang nararapat. Hindi lang para sa ikakaunlad ng sarili, pati nadin ang lahi natin.

Sa tingin ko lang simulan muna natin sa ating mga sarili ang pagbabago, Kasabay naman nito ang magiging ambag natin sa forum na ito.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: dillema018 on August 22, 2018, 04:02:47 PM
Siguro kailangan natin magsimula sa sarili natin bago sa iba tingnan natin ang mga post natin kung kanya anyaya ats.aka tingnan natin kung nasusunod natin lahat ang alituntunin ng forum para sa akin kasi hindi mahalaga kung ano ang iyong ranggo dito as long as may natutunan ka okay lang para sa akin ang forum naman talaga ay ginawa para may matutunan tayo tungkol sa gusto natin malaman sa blockchain, atsaka alam naman natin na madami talaga ang hindi fluent sa english at nahihirapan sila.

Lagi naman mahuhusgahan mga pinoy kahit may ganyan may mga ibang lahi talaga na galit na galit sa pinoy kahit anong gawing mabuti. kahit may report badge pa tayo para linisin yung mga shitposter sa forum hindi padin magiging maganda turing nila satin nakatatak na yan sa kanila eh.  :(

Tama ka dyan sa paningin nila wala ng ginawang mabuti ang mga Pilipino sinasabihan tayong shitposter kahit yung ibang bansa hindi naman ganun kagaling sa pag eenglish okay lang sa kanila kaya yang badges para sa akin ay wala namang madudulot yan at hindi mababago ang tingin nila sa ating mga Pilipino at ang masama pa nito minamaliit tayo ng ibang lahi pero okay lang yan atlis pinapakita natin ang willingess natin sa ibang bagay sinusubukan natin kahit mahirap at kiankaya natin lahat na sa kabila ng panlalait nila satin nadito pa din tayo at tuloy sa hamon ng buhay.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: NavI_027 on August 22, 2018, 11:41:41 PM
Very informative post my friend. May natutunan na naman ako ngayong araw which is about report badges (maybe I will do some further research later) :).

Hmm, actually di naman ako pala report na tao. Sa halip na ireport sila, nagrereply na lang ako sa post nila at pinapayuhan about sa mistakes nila like posts placed in wrong boards, already existing thread etc. Kadalasan sa mga napapayuhan ko eh mga newbies which is understandable kasi baguhan pa nga. I don't want to ruin them and judge them as a whole for just a single mistake, besides I'm pretty sure na matututo rin naman sila after mapagsabihan :).
 
Ang mga nirereport ko lang talaga eh yung masyado ng offensive like trolling, nonsense topic, and unnecessary advertisements. Here's a friendly reminder, wala namang masama magreport ng magreport but always make sure na talagang guilty of violating rules yung nireport mo and wag rin naman maghesitate to report if you smell something fishy on someone's post, don't worry kasi nirereview pa rin naman yan ng mga mods natin :).

Anyway, there is an easy way to contribute in our forum at hindi mo na kailangang magreport pa — be an obedient quality poster at all times. That's it! Maaring di mo halata ang contribution mo pero it do matters a lot.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: Labay on August 23, 2018, 10:56:37 PM
Ang tatamad kasing maghanap ng pinoy ng mga knowledge at aaminin ko na isa rin naman ako sa mga nakakapagpost ng hindi naman good quality post.  Puro pinoy na rin naman kasi karamihan ang napupunta sa forum na ito eh dahil nga di naman nasusukat dito yung estado sa buhay kaya mas madaling magtrabaho dito.  Halos lahat pa ng nakikita ko ngayon ay puro jr. Member nalang ang mga nagpopost at puro common sense at prediction lang ang tanong.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: darkangelosme on September 07, 2018, 05:43:44 AM
Lagi naman mahuhusgahan mga pinoy kahit may ganyan may mga ibang lahi talaga na galit na galit sa pinoy kahit anong gawing mabuti. kahit may report badge pa tayo para linisin yung mga shitposter sa forum hindi padin magiging maganda turing nila satin nakatatak na yan sa kanila eh.  :(
True may mga ibang lahi talaga na mapag mataas dito sa forum at sa kasamaang palad may trusted pa yung iba sa kanila, well di din naman natin sila masisisi ang totoo naman kasi karamihan ng mga pinoy dito sa forum ay trabaho ang pakay tas yung iba hindi nakokontento sa isang account kaya napipilitan nalang silang mag shitpost na nagiging dahilan ng pgkasira ng forum nato. minsan nga nagrereport din ako kapag may mali na talaga at di ko na matake lalong lalo na kapag mga malicious links na pwedeng isang phishing site na pala.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: tambok on September 07, 2018, 04:49:42 PM
May mga ilan na sa atin ang nakabalita patungkol sa mga di magagandang katangian ng mga pinoy sa forum. Hindi ko magawang ipagtanggol (who am I to defend us all?) tayong lahat dahil totoo at may mga ebidensya sila. Nariyan yung shitposter (https://bitcointalk.org/index.php?topic=3363270.msg35226256#msg35226256), bounty abuser (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4796134.msg43270809#msg43270809), at merit abuser (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4781186.msg43167872#msg43167872) na nasobrahan ng init sa katawan.

Kahit bounty hunter ka na english carabao (meron po talaga na english carabao na nilampasan na ako sa rank pero madami ang nai-ambag), may paraan pa para masabi naman natin na may ambag din tayo dito sa forum.

Paano?

Nabalitaan nyo na ba yung tungkol sa report badges (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4742257.msg42821426#msg42821426)? May napupusuang report badge image si theymos at isa sa mga iyon ay gawa ng pinoy! Pakiusap, wag na po nating i-flood ang topic na iyon.

Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4519248.msg40698575#msg40698575) para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit. Ito po ang Filipino translation (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4857368.msg43789565#msg43789565) para sa mga medyo nosebleed na kagaya ko. ;)

Quick tip nalang sa pagreport mga kabayan kung paano ang magreport:

Paalala ko lang na maraming pwedeng i-report, at ang susunod ay isa lamang halimbawa.

Kapag may nakita kayong walang kwentang post, tulad ng "to the moon", "nice project", "your project looks cool, I will invest" or gaya nito:
I-click nyo lang ang "Report to moderator" at ilagay kung ano ang nilabag ng poster na iyon. Sa poster na ito, ilagay nyo sa "Enter comment" box ay - "Spam/Low value post. Does not add anything to the discussion." o di kaya ay "Unsubstantial post". Madalas ko gamitin ang huling salita, pero tignan nyo na lang kung nadelete na ng moderator iyon bukas o mamaya.

Kapag naka- 100+ reports na pala kayo ay makikita nyo na yung "good, bad, unhandled" na reports ninyo. At kapag nasa 300+ na reports ninyo, may access na kayo sa report history ninyo.

Eto nga pala report history ko kung may curious sa inyo:

Meron akong 3 bad reports at naalala ko pa yun, kaso wala sya sa listahan - lumitaw na sa listahan ko at nadagdagan na bad reports ko.

Sa mga nagbabalak na maging spam buster ng pinas, wag nyo na po asahan na tataas ang rank natin, bibigyan lang tayo ng badges. Pero kung masasabi nila na mga basura tayo sa forum, atleast mayroon tayong report badges, at maari na nating sabihin na -

" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."

sa tingin mo ba makakatulong ang ginagawa mong ito para malinis ang local board natin? Wag kang masyadong magmalinis nakita ko ang mga post mo mema poster ka lang. Hindi porket nagpost ka ng ganyan magkakaroon ka ng merits. Kung gusto mo makatulong mismong ikaw gumawa ng quality post.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: jonemil24 on September 09, 2018, 12:24:25 AM
::)
" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."

sa tingin mo ba makakatulong ang ginagawa mong ito para malinis ang local board natin? Wag kang masyadong magmalinis nakita ko ang mga post mo mema poster ka lang. Hindi porket nagpost ka ng ganyan magkakaroon ka ng merits. Kung gusto mo makatulong mismong ikaw gumawa ng quality post.
Aruy ko po! Tagos po sa buto comment nyo.

Just trying to spread awareness here, dahil meron ng spam buster club ang ibang local boards.

I am completely aware of this "not so new" rank up system. As a bounty hunter, I admit that it will hard for me to reach higher rank easily. But it won't stop me from posting.

Apologies if you find my posts too generic, and I'm sorry if my post history, especially this topic that I created, doesn't fit your criteria of quality post.

P.S, please refrain from quoting long posts. At wag mainis dahil mema poster ka din.

lab u

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: erickkyut on September 09, 2018, 12:48:35 AM
Karamihan kasi sa kanila mga tamad. Oo maaaring hindi sila magaling mag ingles pero di naman nirerequired dito sa forum na fluent ang grammar mo. Ang importante ay may laman ang sinasabi mo at naiintindihan ito kahit na English Carabao pa to. Sa katunayan nga niyan ay pwede kang mahad at gumaling sa pag eenglish dito sa forum. Kailangan mo lang maging masipag. Maginvest ka muna sa sarili mo. Magaral ka! Pwede ka naman maghanap ng mga tutorial online for free kung paano mo mapapaganda ang mga pangungusap na ginagawa mo.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: helen28 on September 09, 2018, 06:05:11 PM
Ang hirap linisin ng forum natin kasi marami talagang mga baguhan na pasaway, at hindi talaga maiwasan ang mga basura thread na ginagawa ng ilang user katulad ng pagtatanong. Sa totoo lamang mahirap na talaga magpost ngayon kasi kailangan bitcoin related talaga, kasi kapag hindi mabilis itong mabura sayang lang effort mo. Kaya ako i take time to research palagi para hindi naman sayang lalo na kung kasali ka sa isang campaign

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: crairezx20 on September 09, 2018, 07:03:45 PM
Ang hirap linisin ng forum natin kasi marami talagang mga baguhan na pasaway, at hindi talaga maiwasan ang mga basura thread na ginagawa ng ilang user katulad ng pagtatanong. Sa totoo lamang mahirap na talaga magpost ngayon kasi kailangan bitcoin related talaga, kasi kapag hindi mabilis itong mabura sayang lang effort mo. Kaya ako i take time to research palagi para hindi naman sayang lalo na kung kasali ka sa isang campaign

Natural lang talaga ang may spam sa forum kahit saang forum maraming spammers hindi lang dito sa forum kaya nga nag tatatag sila ng moderator bawat section para ma bantayan at malinis ang kada section.
Ang nag parami lang ng spam dito dahil sa bounty campaigns at signature campaigns dahil na rin gusto nilang mag rankup agad para maka sali sa mga bounties at kumita ng mas malaki kaso lang ang problema naaabuso na nila ang ganitong style at gumagamit na sila ng mga alt account na nag reresulta ng spam dahil nag mamadali sila mag post para maka rami ng post para kumita ganyan nang yayari dito e.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: topher03 on September 10, 2018, 03:29:13 AM
Madami kasing post ng post na wala naman kinalaman or wala naman kahit kaunting ambag e. May thread na para sa off-topic sa forum, dun nalang sana sila post ng post ng kung ano-ano para hindi naman makalat tignan. Kaya daming galit sating mga pinoy eh.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: LogitechMouse on September 10, 2018, 10:11:41 AM
Madami kasing post ng post na wala naman kinalaman or wala naman kahit kaunting ambag e. May thread na para sa off-topic sa forum, dun nalang sana sila post ng post ng kung ano-ano para hindi naman makalat tignan. Kaya daming galit sating mga pinoy eh.
Since hindi accepted sa signature campaigns ang mga posts from off-topics, hindi sila magpopost dun. Nakuha niyo ung ibig kong sabihin? Masakit ito pero ang totoo, nag popost tau kahit hindi related sa topic para sa quota sa sig. campaign. To be honest, hindi lang pinoy ang ganito kahit saang parte ng mundo may mga kaparehas tau. Sadyang tau nga lang siguro ang pinakamarami kaya tau ang napagdiskitahan.

Kung gusto niyong tumulong sa ikakalinis ng forum, I suggest visit nyo ung personal text ko at mapupunta kau sa thread link na gawa ni iasenko (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1291828). Andito ung mga members na nagrereport sa mga walang kwentang users ng forum.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: kaya11 on September 10, 2018, 03:27:45 PM
Galing ng naisip mo pre, dati ay nag rereport din ako pero nung nagkaroon na ng inggitan mula sa mga sikat na bounty manager ay huminto na ako sa kaka report. Baka madamay pako sa mga alitan nila, alam nyo ba na nag fefeedback sila ng negative trust pag masyado na tayong sikat? Kata wag kang masyadong magpapansin sa mga ganoong klaseng tao. Hanggat maari eh dito lang sa sub para magkaintindihan alam ko naman ang mga pinoy eh nagtutulang at walang laglagan. Tingnan ninyo ang ginagawa nila, naglalabasan sila ng kani kanilang baho kaya mas mabuti sa neutral muna tayo, para lang yun mapanatili nila ang kanilang magandang reputasyon. Gagawa sila ng kwento at hahalungkatin ang iyong nakaraan mapabagsak ka lamang. Saludo parin ako, kahit na di rin naman tayo ang karamahihan sa mga basura eh- sila din naman di lang masyadong halata.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: tambok on September 10, 2018, 08:25:47 PM

Tama ka diyan nagkakaroon din kasi ng inggitan dito sa forum, kaya ako basta hindi din ngsscam at hindi copy paste hindi na para sitahin ko for as long as wala namang ginagawang masama, tsaka mas okay na ang forum natin now compare last year na puro off topic at least now hindi lahat off topic kundi puro crypto topic na now.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: burner2014 on September 13, 2018, 02:06:31 PM

hindi na mawawala sa pinoy ang pagiging inggetero at inggitera kasi likas na ata sa mga pilipino yun. kaya kung gusto natin na makatulong sa ikagaganda ng forum natin dapat maging malikhain tayo sa mga bawat gagawin natin thread para masundan ito ng mga magagandang reply

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: Aying on September 13, 2018, 02:19:05 PM

ganyan naman ang mga pinoy e ayaw nila na may umaangat na kababayan nila gusto nila hinihila nila ito pababa, oo likas na inggetero at inggetera ang mga pilipino. hirap na rin gumawa ng mga bagong thread ngayon kasi wala ng maisip kung ano ang magandang pwedeng i topic na informative talaga sya

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: anamie on September 13, 2018, 02:37:10 PM
Hindi talaga natin maiiwasan ang mga spamming post/ shitposter lalo't na ngayon na dumadami ng mga new users  ng btt, tsaka kadalasan naman sa nakikita kong mga shitposters ay mga bagohan sa forum, kahit yung mga DT members dyan mga shitposters din naman sila noong bagohan pa sila eh.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: finaleshot2016 on September 13, 2018, 02:45:27 PM
ganyan naman ang mga pinoy e ayaw nila na may umaangat na kababayan nila gusto nila hinihila nila ito pababa, oo likas na inggetero at inggetera ang mga pilipino. hirap na rin gumawa ng mga bagong thread ngayon kasi wala ng maisip kung ano ang magandang pwedeng i topic na informative talaga sya

Kapag ba ang isang tao ay concern at pinagsasabihan/pinapangaralan, ibig bang sabihin nito ay "crab mentality" o panghihila ng mga kapwa pinoy pababa?

Ang misleading kasi nung iba dito, yung iba kasi puro negative thoughts nalang ang binibigay kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan tapos sasabihing "crab mentality". Kung ang pagiging shitposter or spammer niyo sa forum ay isang malaking fact, wag kayong magalit. Kung iniisip niyo na sobrang galing na ng mga replies niyo or nakakatulong na, nagkakamali kayo dyan.

Kasi matagal na naming napapansin na most of the posters here are just rephrasing the reply of others. Hindi ko maisip kung hindi niyo kayang magbigay ng sariling opinyon sa bawat topic or sadyang tamad nalang at iniisip ang "post counts" for bounties. Kung iniisip niyo na makasarili, mapagmataas ang ibang tao dito dahil prangka sila, hindi sila ang mali. Ang paglalathala ng isang katotohanan ay hindi naging kamalian kundi para ito ay mamulat tayo na hindi pa natin kaya o gumawa ng isang magandang diskusyon sa bawat topic.

Kung tayo mismo marunong tumanggap ng isang "constructive criticism" maiiwasan natin ang pagiging negatibo magisip. Ako, nung Full member palang ako, never akong naiinggit sa mga taong "deserve" umangat. Bakit ka maiinggit sa taong wala namang ginawang masama sayo? Choice mo ding mainggit so sisihin mo sarili mo.

Tsaka sa mga replies na sobra sobra kung makaappreciate ng topic tapos nawalan na ng sariling opinyon. What's the sense of stating a reply if there's no important details in there? Like mema nalang sinasabi mo sa kada-topic na magrereply ka. Higit sa lahat, huwag din tayong hipokrito, yung iba dito hindi pa namumulat pero kung kagustuhan mo talagang umunlad, change! alam mo naman solusyon bakit hindi mo pa simulan.  ???

At hindi ko lang din gusto ang pagiging hipokrito ng iba sapagkat ang daming sinasabi sa mga ganitong topics na kesyo magbago daw, improve daw pero pagdating na sa pagbabago hindi naman magawa sa sarili. Mahirap magpaka-peke, kaya wag niyo ng subukang magpanggap kasi basang basa na ang mga ganyang style. Ang daming pwedeng gawin para umunlad, proven na din yung iba pero katamaran pa rin ang nangingibabaw sa atin. Simpleng informative na contents na hindi pa nababasa ng iba, hirap na gawin, what more pagdating sa mataas na level?

 ::)
" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."

sa tingin mo ba makakatulong ang ginagawa mong ito para malinis ang local board natin? Wag kang masyadong magmalinis nakita ko ang mga post mo mema poster ka lang. Hindi porket nagpost ka ng ganyan magkakaroon ka ng merits. Kung gusto mo makatulong mismong ikaw gumawa ng quality post.
snip

Hindi ko akalain na may ganito kakitid mag-isip. Hindi naman considered as merit farmer ang isang tao kapag nag-post siya ng gusto niyang content right? Hindi naman lahat ng tao nagpopost dahil may kailangan sila pero syempre hindi mawawala yon kaso may part na ginagawa mo ito dahil isa na ito sa passion mo. Lahat naman ng tao dumaan sa shitposting dahil ignorante pa pagdating sa mga forum pero once na nagsimula ka na at namulat ka na sa katotohanan, that's the time na malalaman mong kailangan mong mag-post ng mga ganitong bagay.

If you see this as a trash content kasi sinabi mong "wag kang magmalinis", please check your posts too. Mabilis mag-back fire ang mga salita kaya pakiingat-ingatan.  8) Also, please use proper quoting. If ever na i-ququote mo yung buong content, it's better to use the reply button instead of quote kasi same lang yon, nakaabala lang ng ibang viewers. thanks!

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: doraemon26 on September 13, 2018, 10:41:57 PM
May mga ilan na sa atin ang nakabalita patungkol sa mga di magagandang katangian ng mga pinoy sa forum. Hindi ko magawang ipagtanggol (who am I to defend us all?) tayong lahat dahil totoo at may mga ebidensya sila. Nariyan yung shitposter (https://bitcointalk.org/index.php?topic=3363270.msg35226256#msg35226256), bounty abuser (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4796134.msg43270809#msg43270809), at merit abuser (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4781186.msg43167872#msg43167872) na nasobrahan ng init sa katawan.

Kahit bounty hunter ka na english carabao (meron po talaga na english carabao na nilampasan na ako sa rank pero madami ang nai-ambag), may paraan pa para masabi naman natin na may ambag din tayo dito sa forum.

Paano?

Nabalitaan nyo na ba yung tungkol sa report badges (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4742257.msg42821426#msg42821426)? May napupusuang report badge image si theymos at isa sa mga iyon ay gawa ng pinoy! Pakiusap, wag na po nating i-flood ang topic na iyon.

Paano ba ang pagreport?

Mayroon ng guide (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4519248.msg40698575#msg40698575) para dito pero hindi pa sya naka-pinned post. Sa may time na mag-translate nito, sana bagyuhin ka ng merit. Ito po ang Filipino translation (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4857368.msg43789565#msg43789565) para sa mga medyo nosebleed na kagaya ko. ;)

Quick tip nalang sa pagreport mga kabayan kung paano ang magreport:

Paalala ko lang na maraming pwedeng i-report, at ang susunod ay isa lamang halimbawa.

Kapag may nakita kayong walang kwentang post, tulad ng "to the moon", "nice project", "your project looks cool, I will invest" or gaya nito:
I-click nyo lang ang "Report to moderator" at ilagay kung ano ang nilabag ng poster na iyon. Sa poster na ito, ilagay nyo sa "Enter comment" box ay - "Spam/Low value post. Does not add anything to the discussion." o di kaya ay "Unsubstantial post". Madalas ko gamitin ang huling salita, pero tignan nyo na lang kung nadelete na ng moderator iyon bukas o mamaya.

Kapag naka- 100+ reports na pala kayo ay makikita nyo na yung "good, bad, unhandled" na reports ninyo. At kapag nasa 300+ na reports ninyo, may access na kayo sa report history ninyo.

Eto nga pala report history ko kung may curious sa inyo:

Meron akong 3 bad reports at naalala ko pa yun, kaso wala sya sa listahan - lumitaw na sa listahan ko at nadagdagan na bad reports ko.

Sa mga nagbabalak na maging spam buster ng pinas, wag nyo na po asahan na tataas ang rank natin, bibigyan lang tayo ng badges. Pero kung masasabi nila na mga basura tayo sa forum, atleast mayroon tayong report badges, at maari na nating sabihin na -

" You may think I'm a bounty hunter, but I'm a bona fide spam buster."
Sa ngayon kasi hindi mo talaga maiiwasan yung shitposter ang hirap lang kasi laging Pilipino napapag initan dito kahit gaano pa kaquality yung mga post sabagay hindi naman sila masisisi kasi madami sa mga Pilipino ay account farming kung baga sumasali sa isang campaign ng madaming account tapos mga post pa spam post sunod sunod yung wala pang ilang minuto may another post na ulit reporting siguro talaga makakatulong pero sana wag maghilahan pababa dapat ay maghilahan tayo pataas kawawa kasi ang maiipit kagaya ko naabutan ako ng merit at kahit isa hindi man lang makatanggap pero tanggap ko na yun na kahit gaano pa kaquality post mo at wala kang kakilala dito wala ding mangyayari.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: jonemil24 on September 20, 2018, 06:19:57 PM
Hindi ko akalain na may ganito kakitid mag-isip. Hindi naman considered as merit farmer ang isang tao kapag nag-post siya ng gusto niyang content right?
Natumbok mo kabayan!

Feeling ko minsan mga "bots" na mga nagpopost satin. Hindi ko sigurado kung 1000% "mema-poster" lang siya o mahilig lang magkalat sa thread ng iba para mabayaran lang. Medyo nadismaya din ako sa sinabi nya nung una.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: jjeeppeerrxx on September 21, 2018, 11:29:15 AM
Una sa lahat gusto ko magpasalamat at malaking tulong itong thread mo na ito kabayan para ma guide ang mga bagong myembro at syempre kahit na old member ay makakakuha ng idea kung paano ang tamang pag report ng mga spammer at walang ka kwenta kwentang post na hindi nakakatulong sa pag improve ng communidad na ito.

Isa ako sa mga gustong mag ambag sa pamamagitan ng pag report dahil nais ko din na maging malinis at maganda ang takbo ng communidad na ito, mawala ang mga walang ka kwenta kwentang posts. Mas lalo akong ginaganahan magpost dito sa forum na ito kasi dahan dahan na nae eliminate ang mga walang kwentang post at dahil sa report thread na ito ay mas lalong makakatulong tayong mga pilipino upang ma e report ang mga low quality post at yung mga hindi worth it.

Dati ang ginagawa ko dito sa forum ay nagpo post din ng mga low quality posts kasi nga naghahabol din ako na makaangat ang rank upang mas mapakinabangan ang account ko at kumita ng mas mataas compara sa newbie at jr account pero naisip ko na hindi pala nakakatulong sa sarili ang pagiging greedy, wala tayong makukuhang magagandang impormasyon sa tuwing di tayo nagbabasa ng tama at di tayo makakarelate sa mga thread at di tayo makakag interact ng maayos.

Hindi ko pa nasubukan ni minsan ang mag report ng member kasi wala akong pakialam dun dahil nasa isip ko na "Mind my own business" tsaka kung ang gagawin ko lang ay puro reporting mas nakakasira din ako sa ambition ng ibang users pero reporting spammer ay worth it naman pala para maging malinis ang forum na ito so susubukan ko ngayon na mag report kapag nakakakita ng mga not deserving na mga post para sa ikakabuti ng forum.

Title: Re: Mag-ambag naman tayo sa ikakalinis ng forum.
Post by: Script3d on September 21, 2018, 12:01:59 PM
Hindi ko akalain na may ganito kakitid mag-isip. Hindi naman considered as merit farmer ang isang tao kapag nag-post siya ng gusto niyang content right?
Natumbok mo kabayan!

Feeling ko minsan mga "bots" na mga nagpopost satin. Hindi ko sigurado kung 1000% "mema-poster" lang siya o mahilig lang magkalat sa thread ng iba para mabayaran lang. Medyo nadismaya din ako sa sinabi nya nung una.
kadalasan sa mga ANN thread ng isang coin ay mga bots, malalaman mo agad kung bot ba o hindi yung mga bots ay madaming pattern pero recognizable malalaman mo agad pag basa sa post.