Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: eugenefonts on August 27, 2018, 02:10:15 PM

Title: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on August 27, 2018, 02:10:15 PM
         Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO. Ako po ay isang salesman lamang sa hardware sa isang maliit na mall dito sa probinsya namin, na may sahod na minimum of 310PHp.
        
          Nakilala ko ang crypto wayback march 2017 at tulad nyo din naranasan ko din ang mga mapapait na karanasan na dulot ng hindi pagsasaliksik ng maayos at napaka agressive ko kasi nuon sa mga investment sites na kala unan ay nagiging scam. Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin . Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
        
         Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito. Hindi ganun kalaki ang kapital ko kaya hindi din ganun kaganda ang kita ko sa tradings madalas marami din akong talo nuon dahil sa ako ay newbie pa.
        
         Naghanap ako ng ibang paraan upang kumita ng mas malaki at napasok ako sa pag bo-bounty hunting sa mga ICO projects. Nung una ay wala akong bilib sa bountyhunting gumawa lang ako ng account ko at pinabayaan ,hanggang sa sinubukan ko ulit nitong november dahil no choice na ako. Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty. Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
          
          Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty. Sumagi sa isip ko na mas magandang may tradisyonal business muna akong magawa at umiwas muna sa mga materyal na bagay dahil di natin alam kung may for ever ba sa crypto. At dahil taga bukid lang kami na isip kong banatan ang  Agri-business.

BACK YARD PIGS
https://i.imgur.com/bPhHR7k.jpg
Medyo mabigat sa bulsa mag alaga ng baboy kaya tiyakin na may sapat na pondo at bawal tipidin ang pagkain ng baboy

PAGSASAKA
https://i.imgur.com/F9Ancha.jpg
dahil nga taga bukid kami, magandang chance ito para sa akin

MUSHROOM FARMING
https://i.imgur.com/xEBvYXb.jpg
Bago pa lamang ako sa larangan na ito,actually kakasimula ko palang nuong august 1 at layunin kong mapalago at mapalaki ko ang business na ito.

Sa ngayon po ay medyo nakaka luwag narin sa buhay konti, sabi nga nila "SALARY WONT MAKE YOU RICH,BUT THE WAY YOU SPEND IT WILL DETERMINE YOUR FUTURE". Ito po ang pinang hahawakan ko sa buhay ko. So, payo lang po isipin nyong mabuti kung saan ba talaga mas mainam ilagay ang perang inyong natatanggap at maging madiskarte po tayo at wag susuko sa buhay. Pray lang lagi kay God. Salamat po sa pagbabsa mga kabayan  naway nabigyan ko kayo ng motivation sa buhay.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: clear cookies on August 27, 2018, 02:31:20 PM
Napaka gandang motivation nito para sa aming mga bago dito sa forum.
Salamat sa pag share mo, dahil dito mas pag iigihan ko pa ang pag aaral ng crypto bago ako sumabak.
Mas lamang talaga kasi kung may alam kana.

Good work kabayan!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Elqui on August 27, 2018, 02:42:03 PM
praise God! isa kang buhay na katibayan na basta may tyaga may nilaga, tsaka pinatunayan mo na pwede kang may mapatunayan sa sarili mong paraan. ang isa pang maganda sayo ay inilaan mo sa business yung kinita mo dito. salamat din dahil sayo ay nainspire ako lalo na ipagpatuloy ang pagccrypto at ang pagbobounty 😊

first time ko palang sumali sa signature campain last week, gusto ko talaga maitry un kasi parang malakihan nga ang kita. sana magsucceed din ako kagaya mo. more power and Godbless sa business mo at sana lahat ng matagang pilipino sa crypto ay magtagumpay din. :)

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: nak02 on August 27, 2018, 03:08:06 PM
Nakakatuwa naman na tignan na ang isang pinoy ay kumikita ng maganda sa bitcoin at nailalagay sa tamang negosyo, very inspiring ka po sana dumami pa lalo ang mga pinoy na matulungan sa mundo ng cryptocurrency, tulad ko din isa din ako sa mga natulungan at sobrang nakakatuwa talaga, tumigil man ako ng kunting panahon pero ngayon ay magtutuloy na ako ulit.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: crairezx20 on August 27, 2018, 04:43:54 PM
Ayos bossing muka gumiginhawa ka na sa crypto saakin binalik ko lang din ang mga naging earnings ko sa pag buo ng miner pero ngayun mukang mababa na ang mining profit after bumagsak ang presyo ng mga coins na inbenta ko ang ibang miner at graphics card ko pero nag tira ako kahit papano yung kaya kong budget para sa kuryente since libre lang kuryente sa computer shop ng friend ko dun ko muna pinapaandar para kumita kahit papano.

Hindi naman agad agad ka yayaman kung hindi mo rin pinapaikot ang perang kinita mo wala rin.
Business at leverage lang talaga ang sa palagay ko na mag bibigay ng ginahawa sa buhay.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: helen28 on August 27, 2018, 04:57:16 PM
kakaiba ang ginagawa mo sa earnings mo kapag ako nagkaroon rin ng magandang kita dito make sure ko na lahat ng ito ay mapupunta sa negosyo para umiikot pa rin ang pera ko. sa ngayon kasi yung kinikita ko dito ay pinangbabayad ko sa lahat ng mga utang ko pati na rin sa mga pang araw araw na gastusin sa bahay

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Tramle091296 on August 27, 2018, 11:28:42 PM
Salamat kabayan at naishare mo samin tong experience mo na magsisilbing inpirasyon ka sa mga pinoy lalo na sa mga taong nasa probinsya na madaming paraan para makaunlad sa buhay lalo na isa kang patunay na maraming natutulungan ang crypto sana lahat ng pinoy ay maging ganyan pero hindi sa laging gagawing hanap buhay ang pagiging bounty hunters bukod sa kikita ka ng pera ay dapat naisin din natin na makatulong dito sa mga tao sa forum may sense ang sinasabi at hindi basta basta kung ano ano lang ginagawa para din sa ikabubuti nating lahat! mabuhay ka kabayan!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: elbimbo012 on August 28, 2018, 02:14:58 AM
Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin. Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
At least you've learned a lot when making a big decision like borrowing someone else's money. It is not advisable to borrow a big amount just to invest in a high risk ICO
Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty.
Gaano katagal yung bounty na sinalihan mo after mong makasahod? Probably how many months? It's just that I am curious.
Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
Can I know what is the estimation of your earnings here? Paanong moderation thru telegram ba? Please specify since I am also planning doing this kind of activity.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: xenxen on August 28, 2018, 03:33:29 AM
good job brad malaki tlaga tulong yung crypto sa atin kailangan lang nang deskarte at sipag.. sarap kumita nang malaki lalo pat alam mong sa susunod may kikitain ka nanaman...

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: samjen18 on August 28, 2018, 03:39:44 AM
nakaka inspire naman ang mga kagaya mong tao bro sana magkaroon din ako ng ganyan pag ako kumite din dito sa crypto kaya pagsisikapan ko talaga para may mga maipundar din ako katulad mo.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: ice18 on August 28, 2018, 03:59:53 AM
Very wise move indeed, bilib ako diskarte mo ito tlaga ang dapat tularan natin ipon sabay invest sa mga sarili nating negosyo alam naman natin na hindi pangmatagalan itong bounty kaya dapat ipampuhunan natin sa business mas giginhawa ang buhay natin sa ganitong paraan actually ganito den ang ginawa ko sa mga naipon ko from bounty hehe this is really an inspiration to others lalo na sa mga nag-uumpisa palang jan wag yung mga account farming ang gawin niyo gayahin nio si OP literal na farming po ang gawin natin.   

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on August 28, 2018, 06:48:19 AM
Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin. Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
At least you've learned a lot when making a big decision like borrowing someone else's money. It is not advisable to borrow a big amount just to invest in a high risk ICO
Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty.
Gaano katagal yung bounty na sinalihan mo after mong makasahod? Probably how many months? It's just that I am curious.
Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
Can I know what is the estimation of your earnings here? Paanong moderation thru telegram ba? Please specify since I am also planning doing this kind of activity.

It took 2 months each i guest for the bounty campaigns i work for. The 1st bounty i joined i remember that was october to december and 2nd bounty was january to march and waited for almost 1month  each before they are listed to an exchanger.

Sa moderation naman kabayan ,may isang team akong nasalihan for moderating telegram services para sa ico projects and we are also managing bounty campaign services and yung salary ko dito is SECRET😊

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: xprince1996 on August 28, 2018, 11:19:25 AM
Magaling kabayan pero di tayo parehas mas pinili kong mag invest ulit sa mga ico sa kadahilanang isa pa lamang akong studyante at kulang ako sa oras para asikasuhin ang negosyong itatayo ko kung sakali.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: zenrol28 on August 28, 2018, 12:20:48 PM
Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO.
Naglaan ako ng oras para basahin ang iyong kwento. Masasabi ko talagang malaki ang naitutulong ng lugar na ito sa mga nangangarap na makaahon sa buhay. Sana lahat ng miyembro dito ganito ang motibo. Yung iba kasi inaabuso ang lugar na ito.
Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito.
Kung nasa trading platform ang pera mo. Ibig sabihin wala sayo ang pera mo. Kapag na-hack ang trading platform syempre kasama nun ang pera mo. Iba pa rin kapag hawak mo ang "seed" / "private keys" ng holdings mo.
So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty.
Hindi ka ba nagtira ng bitcoin?
Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty.
Eto talaga yun eh. Talagang para sa kinabukasan ang iniisip mo. Yung iba kapag nakakuha ng ganyang kalaking halaga ng pera mula sa internet sigurado sa luho lang mapupunta.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: jonardmanaois on August 28, 2018, 01:11:55 PM
Maraming salamat sa nag share sakin dahil dito mas pag iigihin ko pa ang pag aaral sa crypto para mas lumawak pa ang aking kaalaman at darating din ang panahon ako din ang mag babahagi lalo na sa mga kaibigan at mga malalapit sa akin.

Motivated talaga ako sa pagsali dito kasi nakita ko ang resulta ng pagsali dito e. Yung na bangit ko kanina na nagshare meron na syang sariling bahay, motor at negosiyo. Napakabait nya at ang galing nyang humawak ng pera kasi ipinang tayo nya ng negosiyo na kikita parin sya. Idol

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: cryptogideon19 on August 28, 2018, 01:19:30 PM
Salamat sa mga gantong POST namomotivate kameng mga Bounty Hunters para mag pursige pa sa mga susunod na mga project pa. Boss Mas maganda sana if maishashare modin if anong magandang isig campaign para iwas sa mga SCAM na bounty :)

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: whitefish on August 28, 2018, 01:40:39 PM
Wow! Ang galing nyo po. Sana'y madami pang Pinoy na maging successful dito sa Bitcointalk :) Ako poy na inspire sa storya mo. :)

Godbless u more Kabayan! :)

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Utoy101 on August 28, 2018, 02:08:15 PM
Napaka inspirational naman nyan kabayan ipagpapatuloy ko na rin ang bounty hunting para maging ganyan din ako maraming maiinspired na kabayan natin dito sana magtuloy tuloy yang business mo.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Throwing Daggers on August 28, 2018, 02:34:09 PM
Inspirasyon to sa maraming tao na nagsisimula pa lamang tsaka tama ang ginawa mo na hindi mo sinilid ang sarili mo sa pagbobounty lang at humanap ka ng stable source of income. Marami kase akong nakikita na umaasa lang sila sa pagbobounty which is maling metalidad ng nakararami. May pagkakataon nga din na may nakita akong isang ama na sa bounty lang umaasa kaya masasabi kong saludo ako sa iyo dahil meron kang natatanging kaalaman na mas makakatulong sa sarili mo.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: bitcoinmee on August 28, 2018, 02:58:52 PM
magandang motivation at inspiration ito para sa aming mga baguhan. ngayon taon palang ako nag simula sa crypto pero unti unti ko na rin nakikita ang mga bunga ng mga pag sali ko sa bounty at airdrop.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on August 28, 2018, 04:47:48 PM
Sa totoo lang para sa akin mahirap mag business dahil, nangangailangan ng matinding desiplina sa pera at halos napagdadamotan mo na ang sarili mo dahil naka laan na ang pera mo sa business na gusto mong buksan o gawin ,lalo na kung napa ka agresibo mo sa isang bagay. Payo, lang kung may pera ka at may gusto kang gawing business at nasa puso at utak mo ito ,gawin mo agad at wag nang magsayang ng oras. Naisip kong mag business nang sa ganon ay magkaroon ako ng financial freedom sa buhay in the future dahil nakakapagod magtrabahio at lalong mahirap mangibang bansa dahil gusto kong kapiling ang mga mahal ko sa buhay. Buti nalang may crypto, wag lang po nating abusuhin ang forum na ito at mag ambag rin tayo ng mga bagay na makaka tulong sa kapwa nating cryptopreneur.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Tubig on August 28, 2018, 09:56:17 PM
Napakatalinong desisyon ang naibahagi sa thread na to, yung hindi ka lang kikita sa bitcoin dapat karin mag engage sa ibang business yun pinaka magandang gawin sa kinita mo ung mas lalo mo pang mapalago ang income at maging successful. Maganda ang gawaing ito pero wag nating kalimutang mag save lalo na ng bitcoin alam na alam na tin ang importance ng bitcoin. Kaya sana ay may natira parin saiyong bitcoin.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: kibuloy1987 on August 28, 2018, 10:12:00 PM
        Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO. Ako po ay isang salesman lamang sa hardware sa isang maliit na mall dito sa probinsya namin, na may sahod na minimum of 310PHp.
        
          Nakilala ko ang crypto wayback march 2017 at tulad nyo din naranasan ko din ang mga mapapait na karanasan na dulot ng hindi pagsasaliksik ng maayos at napaka agressive ko kasi nuon sa mga investment sites na kala unan ay nagiging scam. Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin . Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
        
         Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito. Hindi ganun kalaki ang kapital ko kaya hindi din ganun kaganda ang kita ko sa tradings madalas marami din akong talo nuon dahil sa ako ay newbie pa.
        
         Naghanap ako ng ibang paraan upang kumita ng mas malaki at napasok ako sa pag bo-bounty hunting sa mga ICO projects. Nung una ay wala akong bilib sa bountyhunting gumawa lang ako ng account ko at pinabayaan ,hanggang sa sinubukan ko ulit nitong november dahil no choice na ako. Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty. Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
          
          Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty. Sumagi sa isip ko na mas magandang may tradisyonal business muna akong magawa at umiwas muna sa mga materyal na bagay dahil di natin alam kung may for ever ba sa crypto. At dahil taga bukid lang kami na isip kong banatan ang  Agri-business.

BACK YARD PIGS
https://i.imgur.com/bPhHR7k.jpg
Medyo mabigat sa bulsa mag alaga ng baboy kaya tiyakin na may sapat na pondo at bawal tipidin ang pagkain ng baboy

PAGSASAKA
https://i.imgur.com/F9Ancha.jpg
dahil nga taga bukid kami, magandang chance ito para sa akin

MUSHROOM FARMING
https://i.imgur.com/xEBvYXb.jpg
Bago pa lamang ako sa larangan na ito,actually kakasimula ko palang nuong august 1 at layunin kong mapalago at mapalaki ko ang business na ito.

Sa ngayon po ay medyo nakaka luwag narin sa buhay konti, sabi nga nila "SALARY WONT MAKE YOU RICH,BUT THE WAY YOU SPEND IT WILL DETERMINE YOUR FUTURE". Ito po ang pinang hahawakan ko sa buhay ko. So, payo lang po isipin nyong mabuti kung saan ba talaga mas mainam ilagay ang perang inyong natatanggap at maging madiskarte po tayo at wag susuko sa buhay. Pray lang lagi kay God. Salamat po sa pagbabsa mga kabayan  naway nabigyan ko kayo ng motivation sa buhay.

Well salamat sa tread na ibinahagi mo kaibigan talagang nagbibigay ito nang magandang idea kong paano pa bigyan halaga ang pera na kinikita mo sa crypto,kaya kaylagan din talaga natin bigyan pansin ang paggawa nang ganitong system upang lahat na kinita natin mailagay sa tama at hindi puro gastos lang kaya salamat uli kaibigan binahagi mo godbless.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: EverydayBtc on August 29, 2018, 02:29:35 AM
ito ang isa sa patunay na marami ang umuunlad sa crypto lalo na kung mapapalago mo pa ang mga kinita mo dito. balang araw sana ay maranasan ko din ang ganyan at ma ishare ko din sa inyo ang aking karanasan.  :D

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Adriane14 on August 29, 2018, 02:36:34 AM
Di talaga tayo pababayaan sa taas basta may paniniwala na aahon ka din ay mag kakatotoo din naman. Sipag at tyaga ika nga basta may tinanim may ani din at depende na sa pag alaga mo sa aanihin.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: TamacoBoy on August 29, 2018, 03:30:49 AM
ito ang isa sa patunay na marami ang umuunlad sa crypto lalo na kung mapapalago mo pa ang mga kinita mo dito. balang araw sana ay maranasan ko din ang ganyan at ma ishare ko din sa inyo ang aking karanasan.  :D

Nakakatuwa nga na Yung kinita niya dito ay may magandang napuntahan Kasi kadalasan sa mga kilala Kong kumita dito ay Wala ring napupuntahan Yung nakukuha nila.

Sana ganito Yung maging mindset NG mga pilipino, mas magandang may bahagi NG iyong Kita na nakalaan para sabusiness na gusto mong pasukin, Hindi puro sa luxury lang napupunta Yung pera.

Keep up the good work!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: DigitalMoneyBits on August 29, 2018, 04:45:47 AM
Sarap basahin sir hehe halos parehas tayo ng ginawa. Kaso hindi ako sa bounty hunting kumita sa trading ako namuhunan ako sa trading tapos buy hold lang lagi ginawa ko then sumasabay ako minsan sa pump ng mga coin namuhunan ako ng 5k hanggang sa napalago ko ng halos 250k-300k ang ginawa ko nagtayo ng kagad ako ng shop ng mga overrun sa damit para sa asawa ko  so far so good ayus naman ang kita. Ung iba nasa trading padin. Nagbabalak naman akong magtayo ng comp shop kung sakaling kumita pa ulit talagang bagsak padin ang market hirap kumita ngayun buti nalang may pinag kukunan na kameng ibang income

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on August 29, 2018, 10:55:58 AM

Wow lakas paps ng gains mo. Sobrang swerte mo naman,hindi biro ang nakuha mong pera tsaka tama lang kabayan ang ginawa mo dapat i diversify tlga ang iba nating income para hindi lang isa ang source of income natin dahil hindi natin alam at walang kasiguraduhan sa mundo ng crypto lahat pwedeng mangyari dahil napaka volatile ng market. Napaka smart ng choice mo, atleast may napagkukunan ka ngayong bagsak ang market kesa sa nilustay mo lang sa walang kabuluhan ang profit mo, isa ka ding cryptopreneur, mabuhay!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: cedrixperez on August 29, 2018, 04:27:15 PM
Nawa'y marami pang mainspired sayo paps and maganda talaga nag crypto kung ito ay pag aaralan at seseryosohin dahil maarai ka talagang kumita ng malaki talagang malaking tulong talaga ang crypto lalo na sa mga pilipino dahil nanga sa hirap maghanap ng trabaho and di naman nakakapag tapos ng pag aaral pero sa crypto basta lang masipag matyaga at marami kang alam tiyak na makakatulong ito sayo ng malaki.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: laluna24 on August 29, 2018, 11:06:03 PM
Isa ka sa inspirasyon sa larangan ng crypto na ngayon ay mayroon ng negosyo nasimulan. Nakakatuwang makita na ang iyong pera na kinita mo sa crypto ay napunta sa negosyo mo. Kailangan mo dito ay management at kung pano mo mapalago ito. At sa katas ng crypto maganda ang naisip mo na magnegosyo.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: darkangelosme on August 30, 2018, 01:09:24 AM
Magaling ang paraan ng pag papalago mo ng pera sir. Ako nga isang taon na ako sa crypto wala pa ring napundar  ;D. Mabuti nalang ginawa mo tong thread nato na challenge tuloy ako  8), sana magawa ko rin nagawa mo. ako naman kapag naka ipon na ako ng medyo sapat sapat dito sa crypto ay balak ko mag titime deposit sa banko na mapipili ko  sa ganung paraan tutubo ang pera ko kahit pa unti unti lang atleast wala akong ginagawa nag gogrow lang sya doon sa banko, then kukunin ku nalang yug profit pag gusto ko na ;D, hahays sarap mangarap sana magawa ko lahat ng plano ko, gaya ng pag kamit mo sa mga plano mo sir  :).

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: malibubaby on August 30, 2018, 01:31:41 AM
Very inspiring, ipagpatuloy mo lang ang pagsali sa mga signature campaign. Dito hindi ka naman kailangan maglabas ng pera, pure sipag lang. Sana marami din tayo kababayan ang kumita ng malaki dito sa bitcointalk at guminhawa ang buhay. Ako pabarya barya lang kinikita pero nakakaahon naman.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: DigitalMoneyBits on August 30, 2018, 01:51:17 AM
Sarap basahin sir hehe halos parehas tayo ng ginawa. Kaso hindi ako sa bounty hunting kumita sa trading ako namuhunan ako sa trading tapos buy hold lang lagi ginawa ko then sumasabay ako minsan sa pump ng mga coin namuhunan ako ng 5k hanggang sa napalago ko ng halos 250k-300k ang ginawa ko nagtayo ng kagad ako ng shop ng mga overrun sa damit para sa asawa ko  so far so good ayus naman ang kita. Ung iba nasa trading padin. Nagbabalak naman akong magtayo ng comp shop kung sakaling kumita pa ulit talagang bagsak padin ang market hirap kumita ngayun buti nalang may pinag kukunan na kameng ibang income

Wow lakas paps ng gains mo. Sobrang swerte mo naman,hindi biro ang nakuha mong pera tsaka tama lang kabayan ang ginawa mo dapat i diversify tlga ang iba nating income para hindi lang isa ang source of income natin dahil hindi natin alam at walang kasiguraduhan sa mundo ng crypto lahat pwedeng mangyari dahil napaka volatile ng market. Napaka smart ng choice mo, atleast may napagkukunan ka ngayong bagsak ang market kesa sa nilustay mo lang sa walang kabuluhan ang profit mo, isa ka ding cryptopreneur, mabuhay!

Hirap lumustay ng pera lalot nat may pinapagatas na anak hehe kaya naisipan ko kagad magtayo ng business para sa extra income incase na bumagsak ang market at di naman ako nagsisi dahil ilang buwan nakong hirap kumita sa trading. Pero malapit na ber months baka sakaling mag bull market na ulit kaya nareready ko puhunan ko

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: topher03 on August 30, 2018, 09:34:25 AM
Grabe ka sir. Sobrang motivational mo. Nakikita ko sarili ko kay sir na nung una parang tinatamad din sa pagbibitcoin kasi una, wala akong kaalam alam at pangalawa, parang wala naman akong napapala. Pero sabi nga nung nagtuturo sa akin ay, tiyaga lang daw ang puhunan dito. Sa ngayon may sinalihan din ako na Signature Campaign at umaasa din na maging matagumpay ito. At ganito din ang gusto kong gawin na makapagsimula ng kahit maliit na negosyo para hindi lang din sa signature campaign umaasa. Maraming salamat sayo sir! Salute!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: DigitalMoneyBits on August 30, 2018, 11:31:59 AM
Grabe ka sir. Sobrang motivational mo. Nakikita ko sarili ko kay sir na nung una parang tinatamad din sa pagbibitcoin kasi una, wala akong kaalam alam at pangalawa, parang wala naman akong napapala. Pero sabi nga nung nagtuturo sa akin ay, tiyaga lang daw ang puhunan dito. Sa ngayon may sinalihan din ako na Signature Campaign at umaasa din na maging matagumpay ito. At ganito din ang gusto kong gawin na makapagsimula ng kahit maliit na negosyo para hindi lang din sa signature campaign umaasa. Maraming salamat sayo sir! Salute!

Nakakatamad naman talaga sa una kase walang alam sa bitcoin ganyan din ako nung una nasa isip ko parang wala akong mapapala tapos tinigilan ko tapos bumalik ako hehe hanggang sa nagbasa basa lang ako tungkol dito kung pano mag karoon hanggang sa ngayun kumikita nako

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: jsquad on August 30, 2018, 11:44:07 AM
Napaka ganda naman nang karanasan mo dito Sir Nakaka inspired. Member na ako dito 2016 pa kya lang mahirap talaga lalo na sa tulad kung taga Province din kunti lang ang alam sa Cryto. Maraming salamat sa pag share nang Story mo dito.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: john1010 on August 30, 2018, 03:33:10 PM
Nakakainspire naman kabayan ang iyong experience sa crypto, tama yan dapat talaga yung kikitain natin dito ay mapunta sa isang negosyo na mas lalong pwedeng makatulong sa ating pamilya, interesado ako sa mushroom mo kabayan, sana makapaglagay ka ng link na pwedeng mapag-aralan ito.. Salamat!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on August 30, 2018, 10:48:19 PM
Nakakainspire naman kabayan ang iyong experience sa crypto, tama yan dapat talaga yung kikitain natin dito ay mapunta sa isang negosyo na mas lalong pwedeng makatulong sa ating pamilya, interesado ako sa mushroom mo kabayan, sana makapaglagay ka ng link na pwedeng mapag-aralan ito.. Salamat!

Magandang negosyo ang mushroom kabayan para kang nag ma-mining rig ng Bitcoin pero kabote nga lang ang dumarami hehe. Maganda ang bentahan ng kabote nasa 200php ang per kilo ,hindi masyado mahirap alagaan ang kailangan lang ay kalinisan at maayos na pag lalagyan mo. Kung gusto mo matuto mag alaga kabayan marami kang mapapanuod sa youtube at pwde ka ring sumali sa page ng Facebook marami duon. Kung interesado ka matuto pm mo lang ako sa telegram ko @eugenefonts. Maraming salamat sa merit kabayan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: john1010 on August 31, 2018, 01:15:26 AM

Walang anuman, sensya na yan lang available kong merit kung meron baka 5 up merit pa binigay ko sau :) Oo interested ako sa mushroom malaki kasi yung space namin dito na pwedeng paglagyan ng mushroom, sige magsearch ako sa youtube, tapos kapag may time pm kita sa tele. Thanks

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Gette on August 31, 2018, 01:23:19 AM
Ang galing nmn,  sana magkaron dn ako ng ganito balang araw.. Nkaka inspire tlga mga ganitong kwento.. Pagpatuloy nyo po at GODBLESS😊😊😘😘

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: DigitalMoneyBits on August 31, 2018, 02:44:25 AM
Nakakainspire naman kabayan ang iyong experience sa crypto, tama yan dapat talaga yung kikitain natin dito ay mapunta sa isang negosyo na mas lalong pwedeng makatulong sa ating pamilya, interesado ako sa mushroom mo kabayan, sana makapaglagay ka ng link na pwedeng mapag-aralan ito.. Salamat!

Magandang negosyo ang mushroom kabayan para kang nag ma-mining rig ng Bitcoin pero kabote nga lang ang dumarami hehe. Maganda ang bentahan ng kabote nasa 200php ang per kilo ,hindi masyado mahirap alagaan ang kailangan lang ay kalinisan at maayos na pag lalagyan mo. Kung gusto mo matuto mag alaga kabayan marami kang mapapanuod sa youtube at pwde ka ring sumali sa page ng Facebook marami duon. Kung interesado ka matuto pm mo lang ako sa telegram ko @eugenefonts. Maraming salamat sa merit kabayan.

Sir yung tanim ba nyang kabote eh ung mga bilog na nilalagay sa lata? Yun kasi ung masarap na maushroom e kaso parang plat na mushroom yung tanim nya haha. Ang mahal pala ng mushroom per kilo mukang magandang hanap buhay kaso di marunong magtanim

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: icemantaurus on August 31, 2018, 10:59:46 AM
Magandang motibasyon ito sa ating mga cryptocurrency enthusiast. Ito ang katibayan na kung sabi nga sa bibliya na "kumilos ka at ikay tutulongan". Mabuhay ka kabayan yan ang tatak pinoy. Sipag at tyaga...

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: anamie on August 31, 2018, 12:18:48 PM
I'm sure na marami na namang mga members dito ang magsisipag mag post sa kanikanilang mga bounty, nakakagana kasi mag trabaho kung makaka kita ka ng ganitong experience sa mundo ng crypto.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: CASTIEL05 on August 31, 2018, 12:37:01 PM
Buti na lang pumasok ako saglit sa Local Board. Atleast na motivate ulit ako na ipagpatuloy ang aking nasimulan sa cryptocurrency. Sa ngayon, 2 failed projects at 4 scam project ang sinalubong ko. Halos bagsak lahat ng coins na nakuha ko sa pagbabounty at ni isa wala akong nakuha magandang project. Almost 8 months na din ako sa crypto ngunit mukang masungit sakin ang kapalaran. Sa kabila nito, may nakukuha naman ako yun nga lang ay hindi kalakihan, minsan 3K, minsan 6K. Sa kabila nito, gusto ko na sang huminto sa pagbabounty at pagbutihin na lamang ang aking pag-aaral, pero iniisis ko mayroong perfect timing para sa lahat ng bagay kaya go lang! Idagdag pa ang motibasyong nabasa ko sa OP.

Ika nga sa kasabihan: "if you want to quit, think why you started!"

Hindi naman masasabing successful ang isang tao kung hindi ito dadaanan sa pagsubok.

Difficulties give us the strength to continue our journey and surpass all of challenges we will encounter.

Thanks OP,
It is a wonderful thought and lesson para sa mga aspiring crypto newbie jan at sa inaalat na hunter katulad ko.

Anyways, remember guys there is no bad luck to us, all of what we need to have is a perfect time.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: jemarie20 on August 31, 2018, 02:10:06 PM
Kailangan talagang may plano ng sa ganun ay hindi masayang ang iyong pera, dahil kong gagamitin natin ito sa tama ay maari pa itong lumago ngunit kung basta gastos ng gastus lng habang kumikita darating ang araw na mauubos lang sa wala.

salmat sa halimbawa na iyong pinakita kabayan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: jomz on August 31, 2018, 04:56:37 PM
nakaka inspire ang kwento mo sir, sana balang araw matutonan korin ang pag nenegosyo sa ngayon kasi napupunta pa sa mga utang ang kinikita ko dito at hindi pa ako maalam pag dating sa pag manage ng business pero gusto korin paikotin ang perang kinikita ko dito sa ngayon wala pa akong naiisip na magandang business na pwede nang umpisahan kahit sa maliit na kapital muna.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: miyaka26 on August 31, 2018, 05:40:02 PM
The best way kung san babagsak ang pera galing ng bounty ay sa business, dyan talaga ang long term profit at assurance na maganda yung kinalabasan ng pagkita mo, sa ngayon hindi pa ako makapagbusiness nagpapagawa kasi ako ng bahay namen so dun napupunta yung portion ng earnings ko both for crypto and real life job but I was thinking for a business na.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Edraket31 on August 31, 2018, 06:37:20 PM
Super proud ako sayo brad na nagawa mo sa tama ang iyong income sa cryptocurrency, tama yan dapat  lang talaga na ilaan sa tama ang mga income natin sa mundo ng crypto dahil hindi natin masabi lalo na ang bounty pero sa ngayon naniniwala talaga ako na magtatagal to ng husto, super ganda ng mga susunod pang mangyayari kaya habang may income tayo ilaan natin to sa tama.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Labay on August 31, 2018, 08:25:25 PM
Ayos bossing muka gumiginhawa ka na sa crypto saakin binalik ko lang din ang mga naging earnings ko sa pag buo ng miner pero ngayun mukang mababa na ang mining profit after bumagsak ang presyo ng mga coins na inbenta ko ang ibang miner at graphics card ko pero nag tira ako kahit papano yung kaya kong budget para sa kuryente since libre lang kuryente sa computer shop ng friend ko dun ko muna pinapaandar para kumita kahit papano.

Hindi naman agad agad ka yayaman kung hindi mo rin pinapaikot ang perang kinita mo wala rin.
Business at leverage lang talaga ang sa palagay ko na mag bibigay ng ginahawa sa buhay.

Tama nga naman siya, mahirap naman kung magfofocus ka sa crypto kaya tingin ko dapat sa ibang bagay ka nalang muna naginvest or nagbusiness like dapat nagpatayo ka nalang ng computer shop then hanap ka pwesto kung wala man dahil malakas ang kita don.

Nakakatakot kasi kung magmimine ka sa bansa natin eh dahil bukod sa mainit ay mahal pa ang kuryente kaya swerte ka dahil nakakalibre ka ng kuryente.  Pero I think mas maganda kung magchachange ka ng business sa susunod.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: zynan on September 01, 2018, 03:43:04 AM
Maraming salamat sir at nabasa ko itong post mo, na inspired na naman ako, naging medyo matamlay kasi ako ngayon sa pag ba-bounty dahil halos lahat ng aking sinalihan this year ay hindi pa nakakapagbigay sa akin ng magandang kita yung ibang bounty ko, buwan na ang inabot at di parin nagbabayad sa pinaghirapan ko at sabayan pa ng pagbagsak ng presyo ng mga coins ngayon sa market, ang mga hawak kong coins sa sobrang liit na ng value nagmumuka ng shitcoins nalang. Sa pagka basa ko nitong post mo naalala ko ang mga bagay na pina plano ko at mga goals ko this year ang talagang una kong pinagarap nun ay makaipon manlang sana ng kahit 100k pesos para magkaroon ng puhunan sa isang bigasan business. Sa nalalabing apat na buwan bago matapos ang taon nato, hiling ko ay ma achieved ko sana ang goal na yun para naman mapatunayan ko na may ibubuga rin akong yaman kahit nasa bahay lang ako lagi at walang regular na trabaho at ng sagayon makatulong ako sa pamilya ko.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: lienfaye on September 01, 2018, 04:12:43 AM
Nakaka inspire yung mga ganitong kwento, maganda talaga na alam mo kung pano i handle yung income mo dito at hindi inuuna ang luho.

Ilang taon na din ako sa mundo ng crypto at malaki na rin ang kinita ko mula noon, sa umpisa mahirap at marami ka pagdadaanan (isa na dyan ang ma scam) pero habang tumatagal mas lalo ka matututo.

Dahil sa pag invest, pag trade at pagsali sa mga bounty naparenovate ko na ang bahay namin sa probinsya at nakabili na din ng mga gamit. Meron na rin kaming business na cp repair/accessories na mag 4 years na, nakatulong yung income ko dito para pangdagdag puhunan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: minerteddy on September 01, 2018, 05:05:14 AM
salamat sa pag share.  very inspiring.... 

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: jheipee19 on September 01, 2018, 06:36:37 AM
salamat sa npakagandang experience ng buhay m. Katulad mo nag daan din ako sa ganyan, ang kaso lng dahil sa sobrang pagmamadali ko na umangat agad ayon nadadapa ako, nsa 100k+ na ang natalo sa akin., pero ganun tlga ang buhay. lesson learned. Keep moving lng. Ngayon lam ko na kung ano na gagawin sa susunod at hindi na ulit madadapa pa.. Kung nilagay ko nlng sna sa mga business mas mgnda pa sana nag naging bunga.. Dahil sa post m mas luminaw pa lalo ang aking pagpupursige para mkamit ko ang tagumpay.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Ianbadz2000 on September 01, 2018, 06:39:42 AM
Sa ngayon hindi pa kami kumikita sa cryptocurrency, meron na kaming mga tokens pero hindi pa namin napa exchange kasi wala pang  bumibili sa market kaya sa ngayon wala pang katas nang crypto..

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Grace037 on September 01, 2018, 07:11:42 AM
Kasisimula ko pa lang dito hindi pa ako kumikita kaya wala pang katas siguro pag makasali na ako sa bounty campaign at magiging successful siguro bibili ako nang laptop para hindi na ako mahirapan pa sa mga post ko..

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Dyanggok on September 01, 2018, 07:29:34 AM
Nakakamangha ang nagawa ng crypto sa iyong buhay kaibigan. Isa kang inspirasyon sa mga katulad namin na nangangarap matupad ang mga mithiin sa buhay sa pag sisikap sa industriyang ito. Nawa ay mabiyayaan din kami ng iyong mga natamo.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Edraket31 on September 01, 2018, 09:20:46 AM
hindi malabong mangyari sa ating lahat ang katulad ng resulta na nakikita natin ngayon sa ibang tao, basta maging matiyaga lamang tayo dito. ako marami na rin naging resulta dito kung wala sana akong mga pagkakautang. pero hindi pa naman huli ang lahat at malaki rin ang paniniwala ko na magkakaroon ako ng maraming negosyo pagdating ng araw.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: sally100 on September 01, 2018, 09:52:44 AM
nakaka inspire talaga sir ang post mo sana ako din eh palarin kagaya mo tyaga lang talaga ang kailangan at disiplina sa sarili para maging matagumpay sa buhay .

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: tambok on September 01, 2018, 10:05:32 AM
lahat tayo ay papalarin na magkaroon ng magandang negosyo kung lahat tayo ay magsisikap dito kasi lahat ng matagal na dito ay may resulta na talaga syempre hindi rin naman naging madali sa kanila kaya magsikap tayo para marating rin natin ang tugatog ng tagumpay. sa aking mga naririnig mas marami daw talaga ang yumayaman sa trading lalo na kung alam mo na ang galawan nito

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: LoadCentralPH on September 01, 2018, 11:25:04 AM
pagpapatunay lamang na may pakinabang ang crypto sa buhay natin ngayon.

sana'y maging inspirasyon ka sa iba nating kababayan na pwede umangat ang buhay sa pagpupursige, pagiging wais sa pag invest at pagkakaroon ng disiplina sa paghawak ng pera.

+1 merit para sayo  ;)

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: roxbit on September 01, 2018, 02:42:09 PM
        Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO. Ako po ay isang salesman lamang sa hardware sa isang maliit na mall dito sa probinsya namin, na may sahod na minimum of 310PHp.
        
          Nakilala ko ang crypto wayback march 2017 at tulad nyo din naranasan ko din ang mga mapapait na karanasan na dulot ng hindi pagsasaliksik ng maayos at napaka agressive ko kasi nuon sa mga investment sites na kala unan ay nagiging scam. Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin . Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
        
         Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito. Hindi ganun kalaki ang kapital ko kaya hindi din ganun kaganda ang kita ko sa tradings madalas marami din akong talo nuon dahil sa ako ay newbie pa.
        
         Naghanap ako ng ibang paraan upang kumita ng mas malaki at napasok ako sa pag bo-bounty hunting sa mga ICO projects. Nung una ay wala akong bilib sa bountyhunting gumawa lang ako ng account ko at pinabayaan ,hanggang sa sinubukan ko ulit nitong november dahil no choice na ako. Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty. Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
          
          Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty. Sumagi sa isip ko na mas magandang may tradisyonal business muna akong magawa at umiwas muna sa mga materyal na bagay dahil di natin alam kung may for ever ba sa crypto. At dahil taga bukid lang kami na isip kong banatan ang  Agri-business.

BACK YARD PIGS
https://i.imgur.com/bPhHR7k.jpg
Medyo mabigat sa bulsa mag alaga ng baboy kaya tiyakin na may sapat na pondo at bawal tipidin ang pagkain ng baboy

PAGSASAKA
https://i.imgur.com/F9Ancha.jpg
dahil nga taga bukid kami, magandang chance ito para sa akin

MUSHROOM FARMING
https://i.imgur.com/xEBvYXb.jpg
Bago pa lamang ako sa larangan na ito,actually kakasimula ko palang nuong august 1 at layunin kong mapalago at mapalaki ko ang business na ito.

Sa ngayon po ay medyo nakaka luwag narin sa buhay konti, sabi nga nila "SALARY WONT MAKE YOU RICH,BUT THE WAY YOU SPEND IT WILL DETERMINE YOUR FUTURE". Ito po ang pinang hahawakan ko sa buhay ko. So, payo lang po isipin nyong mabuti kung saan ba talaga mas mainam ilagay ang perang inyong natatanggap at maging madiskarte po tayo at wag susuko sa buhay. Pray lang lagi kay God. Salamat po sa pagbabsa mga kabayan  naway nabigyan ko kayo ng motivation sa buhay.

Napakagaling ng naisip mong gawin sa katas ng crypto mo sa halip na mga material na bagay gaya ng mga gadgets, cellphones, damit, sasakyan at kung anu-ano pang luho ay sa ang negosyo mo ito ibinuhos. Bravo sayo sana maging ehemplo ka para sa iba. Bilib ako sayo at gagayahin talaga kita. Salamat sa pag share ng iyong kwento dito.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: The Cryptologist on September 03, 2018, 03:16:20 AM
Ako rin kabayan, ganyan rin ang balak ko. Ibang business nga lang dahil alam ko rin an wala pa ring kasigaruduhan ang crypto at butin na lang malaki-laki ang naitabi ko na pera na sasapat sa gastos sa napili kong tahakin at sigurado ko na sa maikling panahon ay bibilis ang pagyaman ko.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on September 03, 2018, 03:59:46 AM
Ako rin kabayan, ganyan rin ang balak ko. Ibang business nga lang dahil alam ko rin an wala pa ring kasigaruduhan ang crypto at butin na lang malaki-laki ang naitabi ko na pera na sasapat sa gastos sa napili kong tahakin at sigurado ko na sa maikling panahon ay bibilis ang pagyaman ko.

Im looking forward to the business that you want to explore, nasa desiplina sa pera , mindset at tiwala sa Diyos ang susi sa tagumpay. Advice ko lang is 4th quarter na ng taon dapat ay wag bale walain din ang crypto sapagkat napaka unpredictable  ng mga ito baka sa susunod na araw magising nalang sila bigla. Try mo din mag invest kahit yung nasa coins.ph lang na crypto which is Ripple,Ethereum at BCH may future yang tatlong yan dahil hindi magsasayang ng panahon ang coins.ph kung wala silang mapapala sa coin na yan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: jimely0907 on September 03, 2018, 08:30:32 AM
san ka tumitingin ng mga weekly payment? gusto ko kasing mag ka signature na weekly payement para atleast hindi mahirap.
baguhan pa ako dito sa mundo ng crypto, nahihirapan kasi ako dahil mag isa lang ako hindi ko alam kung san yung magandang project. hanggang ngayon hindi ko pa nababawi yung mga na invest ko. hirap pag wala kang kasama na mapag tanungan mo. Sana mabigyan mo ako ng mga tips at advice sir. para maging isang tulad mo ako.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: kaizerblitz on September 03, 2018, 08:34:24 AM
Magandang pinakita mong ihimplo kabayan sapagkat sa panahon ngayun mahirap talaga magkapera sa crypto mas madali at di gaano kabigat ang trabaho pero ito ay makakatulong sa huli upang maging puhunan sa gusto mo pasukan na negosyo Salamat sa hatid na inspirasyon kabayan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: paulo013 on September 03, 2018, 10:03:30 AM
Nakakainspire naman kabayan yang naipundar mo. Sayang nga lang noong nagpump ang bitcoin at altcoin. Hindi ko naisip na maginvest ng panghanap buhay ng katulad ng sayo. Next pump ito na talaga uunahin ko.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: dlaniger31 on September 03, 2018, 02:20:31 PM
Napakaswerte nyo naman po at malaki agad naipon nyo ng dahil sa crypto. Ako nung nagstart sa crypto naging scam agad, bitconnect yung sinalihan ko. Ininvite ako nv kaibigan ko na sumali noong Nobyembre 2017 pagkalipas ng tatlong buwan bumagsak na ang Bitconnect, wala ni piso akong nagwithdraw dahil nireinvest ko lahat sa pag-aakalang lalaki ang kita ko. Di ako tumigil at sumubok parin ako ng iba pero ganun parin bumagsak at nawala. Ngayon nagtratrading nalang ako, bounty at airdrop. Sumali din ako sa forum na nakaipon ako ng 1 ETH at un ginamit ko na puhunan para sa trading at legit investments ko. Ngayon medyo bumabawi na ako sa mga nawala sakin ng dahil sa mga scams.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: hachiman13 on September 03, 2018, 03:50:55 PM
Nakakainspire naman kabayan yang naipundar mo. Sayang nga lang noong nagpump ang bitcoin at altcoin. Hindi ko naisip na maginvest ng panghanap buhay ng katulad ng sayo. Next pump ito na talaga uunahin ko.
Dito na rin papasok kasi ung pag-diversify ng investments mo. Sad to say na marami ang hindi parin naiintindihan ang napakahalagang bagay na ito. Marami kasing nagsasabi na solid investment ang bitcoin o iba pang crypto pero ang totoo talaga, hindi.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Adreman23 on September 04, 2018, 02:28:44 AM
Ayos ang diskarte mo kabayan sana ay lumaki pa lalo ang iyong agri business. Kapag may tyaga talaga ay may nilaga. Magandang motivation eto kasi yung iba ay binibili agad ng mga gadget o kung ano anong mga bagay na pampayabang lang tama na ipang business na lang muna para lumago pa ang pera na kinita sa crypto.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: AlaEhBTC on September 04, 2018, 09:15:53 AM
nakakainspire nman to sa mga tulad ko na baguhan pa lang lalo na sa pagsali sa mga bounty, kanina lang yung isa kong sinalihan na signature campaign ay nawala na at di daw naabot ang softcap. Sana sa mga natitira kong bounty ay makaswerte din ako bago man lang matapos tong taon.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: kaya11 on September 04, 2018, 09:22:06 AM
Nakakaantig ng puso ang iyong karanasan, ngayon napag isip isipan ko na ring mag ipon para sa pagpatayo ng aking magiging negosyo. Dati rati ay walang humpay ang pagbili ko ng gamit para sa aking sarili ngayon ay naiba ang ihip ng hangin at marami na ding nagbibigay ng payo sakin. Hirap ng walang perang mapagkukunan ngayon pa man ay may pamilya ka nang bubuhayin, sa crypto space din ako tumatambay at sa forum na to. Laking tulong na naibigay nito sakin kaya pagpapatuloy ko ang paglahok sa forum na ito.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: congresowoman on September 04, 2018, 09:47:18 AM
Wow kabayan. Napagandang testimony mo itong pinost mo. Really nakakamotivate na magong respinsable at maging masinop tayo maging sa paggastos ng pera na sinasahod natin dito. Though masasabi mong di talaga ganun pinaghirapan ang pagkita, napatunayan lang nito na malayo ang mararating ng taong may ambisyon sa buhay. Okay na naging daan ang cryptocurrency sa pag angat ng kalidad di lang ng buhay mo, kundi nating lahat.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: BitNotByte on September 04, 2018, 05:34:33 PM
Magandang aral to para sa iba, para na din sakin. hehe kasi yung kinita ko sa mga past bounty reward ko, ibinili ko ng mga token kaya ngayon stand by pa din ako kasi sobrang baba ng halaga ng mga token, siguro tatagal pa ng mga taon bago ko mabawi yung kita ko sa mga binili ko na token. Di ko naisip na mag business na ng actual na business talaga para nakikita mo ng aktuwal kung saan umiikot ang pera. galing kabayan!  ;D ;)

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Edraket31 on September 04, 2018, 08:13:43 PM
Magandang aral to para sa iba, para na din sakin. hehe kasi yung kinita ko sa mga past bounty reward ko, ibinili ko ng mga token kaya ngayon stand by pa din ako kasi sobrang baba ng halaga ng mga token, siguro tatagal pa ng mga taon bago ko mabawi yung kita ko sa mga binili ko na token. Di ko naisip na mag business na ng actual na business talaga para nakikita mo ng aktuwal kung saan umiikot ang pera. galing kabayan!  ;D ;)
Dapat lang po yan na huwag natin sayangin ang mga oras natin dito sa mundo ng crypto ngyayari na sa buhay natin ang ganitong opportunity at alam natin na hindi na to mawawala pero mainam pa din na kahit papaano ay magamit natin sa tama lahat ng mga ginagawa natin at mga kinikita natin tulad ni OP na nagamit nya sa tama ang kanyang pinaghirapan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on September 04, 2018, 11:03:28 PM

Mas maganda kung tripple source of income ka, may trabaho ka,Crypto, at business mindset at determination lang ang kailangan para saan bat kung talagang naka focus ka sa tagumpay ay dun ka talaga pupunta. Tyiaga,sipag ,karunungan at diskarte tiyak na aahon tayo.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: darchelleXI on September 05, 2018, 01:12:46 AM
Yan ang katas ng crypto! Nakakatuwang makakita ng umaasensong pinoy dahil dito sumali ako ngayon sa signature campaign at sana makatulong din ito sa pang araw araw kong gastusin. Good job po marami kayong maiinspire dito sapagkat nagbunga ang lahat ng iyong pinaghirapan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: TamacoBoy on September 05, 2018, 03:00:46 AM
Nakakatuwa nga din at may mga estudyante din dito. Nagagamit nila Yung kinikita nila dito para kahit papaano ay nagagamit sa mga gastusin say mga project na Hindi na kailangan pang humingi Mula sa kanilang magulang. Ipagpatuloy Lang natin Ang pagbibigay NG wastong impormasyon upang mas marami pang kababayan natin ang Makita Ang tunay na potensyal ng crypto.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: mindsstoner.05 on September 05, 2018, 06:59:40 AM
https://i.imgur.com/g3HnBMt.jpg

Resulta ng aking pagtatyaga sa loob ng ilang buwan at pag lalaan ng oras nakalikom ako ng sapat ng pera para sustentuhan ang aking pagangailangan sa pang araw araw at dahil dito na eenganyo ako na ipagpatuloy ko ang aking pag kicrypto. marami na din akong nabili na noon pinapangarap ko lamang at nabibigyan ko na din ng pera ang magulang ko at nakakatulong ako sa kanila kahit papano sa mura kong edad malaking tulong talaga ang crypto sa kahit na sinong tao na nangangarap na makuha ang gusto nila at gustong makatulong sa pamilya tulad ko. Nagawa ko na din tustusan yung pagaaral ko ng dahil sa crypto kaya malaki ang utang na loob ko sa Crypto dahil dito.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: shinharu10282016 on September 05, 2018, 08:54:59 AM
Nice sa mga katas ng crypto. Ako marami na rin napundar may sariling built na PC for bounty, nakabili ng double deck, nakabili ng TV etc., Masaya nga actually kumita sa crypto. Ang problema lang baka sa sobrang laki ng kita mo e siraan ka ng mga kapitbahay mong makakakita. Ganyan kasi mga pinoy, konting angat mo sa buhay ngalngal e. May kilala ako, nakapagpatayo na ng bahay yun nga lang kulang pa. Wala pang yero pero may pundasyon na. :)

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on September 05, 2018, 12:06:40 PM
https://i.imgur.com/g3HnBMt.jpg

Resulta ng aking pagtatyaga sa loob ng ilang buwan at pag lalaan ng oras nakalikom ako ng sapat ng pera para sustentuhan ang aking pagangailangan sa pang araw araw at dahil dito na eenganyo ako na ipagpatuloy ko ang aking pag kicrypto. marami na din akong nabili na noon pinapangarap ko lamang at nabibigyan ko na din ng pera ang magulang ko at nakakatulong ako sa kanila kahit papano sa mura kong edad malaking tulong talaga ang crypto sa kahit na sinong tao na nangangarap na makuha ang gusto nila at gustong makatulong sa pamilya tulad ko. Nagawa ko na din tustusan yung pagaaral ko ng dahil sa crypto kaya malaki ang utang na loob ko sa Crypto dahil dito.

Mahusay ka kabayan, madiskarte ka rin sa pera dapat ay isipin mo narin ang iyong future at wag magpadala sa pansamantalang biyaya bagkus ay pag isipian kung paano pa ito dodoblehin. Mabuti ka ring anak dahil hindi ka madamot sa iyong pamilya at ikaw narin ang nagtutustos sa pag aaral mo. Wag ka lang makaka limot sa Diyos at wag puro Bounty ang atupagin mag ambag ka rin para sa ikaka buti ng forum.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: sheng01 on September 05, 2018, 01:56:40 PM
wow! nakaka inspire naman ang mga kuwento nyo rito tungkol sa crypto, sana tulad ninyo maging maganda rin sana ang maging kahihinatnan ko rito, sipag, tyaga, at diskarte, at syempre sahugan din ng talino para makamit ang minimithing bounty! tagumpay!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Andy_kho on September 05, 2018, 03:07:11 PM
Astig talaga ang bitcoin  na mangha aku sa kaibigan ko na naka bili na siya nang motor at nag papagawa n siya ng bahay. Kaya nagiging porsigedo na aku sumai sa bitcoin para maka tulong dn aku sa pamilya ko.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: EastSound on September 05, 2018, 03:24:18 PM
mabuting may napupuntahan ang pag sali natin sa mga investments sa crypto at hindi lumilipad lang sa bisyo o sa walang kwentang bagay ang ating mga kinita dito, tulad mo ako din ay sumubok nang iba pang mga bagay at nag invest sa FOREX, nag tayo nang maliit na tindahan na maaring ko pading pagkunan nang income at ito ay masasabi ko ding katas ng crypto.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: herminio on September 05, 2018, 03:26:02 PM
Ibang klase ang diskarte mo Op, dahil nagtayo kana ng negosyo sa kunting kita mo sa crypto, kasi yung iba kahit ang laki na ng kita dito wala paring negosyo ang natatayo nauubos lang sa mga personal na gawiin, ka gaya ko, kutse lang ang nabili ko wla pa akong negosyo na naipapatayo pero balak kunang mag start pag nka tsamba ulit sa bounty.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Emersonkhayle on September 05, 2018, 07:14:54 PM
Ibang klase ang diskarte mo Op, dahil nagtayo kana ng negosyo sa kunting kita mo sa crypto, kasi yung iba kahit ang laki na ng kita dito wala paring negosyo ang natatayo nauubos lang sa mga personal na gawiin, ka gaya ko, kutse lang ang nabili ko wla pa akong negosyo na naipapatayo pero balak kunang mag start pag nka tsamba ulit sa bounty.

tama nga ung ginawa ni op dahil hindi sa lahat ng oras e mataas at my profit ung crypto tulad ngayon bearish ung market tapos ang dami pang scam na bounty so pano nalang tayo mabubuhay. Sabi nga e mag impok ng mag impok para sa oras ng kagipitan e meron tayo mahuhugot tulad ni OP kahit mahina ung crpyto e meron cya pinag huhugutan ng pang gastos sa pang araw araw nila at hindi nagagalaw ung altcoins nya dahil pag binenta mo ng palugi malaki ang iyong talo kaya maganda talaga mag icip ng bisness para talaga my pang soporta sa  gastos sa araw araw.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Hagmonar on September 06, 2018, 12:10:22 AM
~snip~
Just WOW :o, How could you earn that large amount of money? Can you specify what are you doing in cryptocurrency? Bounties? Trading? Mining? This is unbelievable cause until now I am patiently waiting for my bounties payment and currently waiting for the exchanges of my recent bounty rewards.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: tambok on September 06, 2018, 07:28:57 PM
~snip~
Just WOW :o, How could you earn that large amount of money? Can you specify what are you doing in cryptocurrency? Bounties? Trading? Mining? This is unbelievable cause until now I am patiently waiting for my bounties payment and currently waiting for the exchanges of my recent bounty rewards.
Ako din masaya ako sa naging journey ng mga pinoy dito marami na din akong naging kakilala at mga kaibigan na talagang nagtagumpay pero syempre pinaghihirapan din nila lahat ng kung anong meron sila ngayon, nagstart naman tayo lahat sa walang wala kaya pag nagtyaga tayo eto na tayo ngayon kahit papapano nagkakaroon ng chance na mabuhay ulit.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: doraemon26 on September 06, 2018, 11:59:22 PM
Nakapagpudar kana g magandang hanapbuhay ako kaya makakpundar g dahil sa crypto congrats sayo napakalaking income nyan pagnagkataon sana ituro mo din sa iba ang iyong kaalaman para kumita din sila at para umahon ag Pilipinas sa hirap.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: conanmori on September 07, 2018, 01:07:35 AM
Wow any swete mo naman sa mga nasalihan no na SIG at malaki ang kinita mo. Sana ako at tulad mo na paladin at kumita ng ganyan kalaki.
Good thing na may naipondar ka ngnegosyo at sana mapakalaki mo pa yan at masabi mo na crypto yan ng galing. Gusto ko din magnegosyo kapag nakakuha ako ng malaki dito at maswertehan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: danice15 on September 07, 2018, 02:14:47 AM
Isa ito sa mga magagandang halimbawa na naiidudulot ng cryptocurrency. Isa kang mautak at madiskarteng tao kaibigan. Ang iyong kinita ay lalo mo pang naipalago. Dahil sa nabasa kong ito, lalo ako or hindi lang ako ngunit lahat ng nakabasa dito ay nainspire at lalong nahumaling sa mundo ng crypto. Salamat sa pagshare ng iyong napakagandang karanasan.Kudos to you bro!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Rhizchelle on September 07, 2018, 12:23:48 PM
I've felt envy to the person in this thread that they have already a business just because of the digital currency. I just want to know how...cuz I want to have it also soon..
But because I'm a newbie I'm willing to learn more.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: shimbark123 on September 07, 2018, 03:21:29 PM
Wow, congratulations po sa inyo! Nawa'y matulungan pa po kayo ng cryptocurrency para sa pagangat sa buhay. Ganto po talaga yung bounties dito. Malaki din yung kitaan. Kaya sa mga tao dyan na gusto pa pumasok sa crypto, feel free guys!

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: tambok on September 07, 2018, 04:13:45 PM
Usapang achievement lang hindi rin naman ako papahuli dyan kasi matagal na rin ako dito at nakapagpundar na rin ako ng maliit na computer shop 10units at nakabili na rin ako ng mga mamahaling appliances at hindi lang yan napagaaral ko sa magandang skul ang 2 kong anak yun pa lamang malaking goal na saken kasi hindi ko inakala na kaya ko silang pagaralin sa private skul

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Script3d on September 07, 2018, 05:21:08 PM
sana hindi titigil yung mga tao sa ano mang ginagawa nila sa business kahit funded yung business mo galing sa crypto palakihin mo lang, lahat nga ng mga billionaire o millionaire nag simula sila sa pinaka una, hindi sila tumigil na palakihin ito kaya sila naging successful.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: kumar jabodah on September 08, 2018, 04:31:41 AM
Congrats sa iyo bro. Katulad mo psrehas tayo ng pinag daanan. Ako ay naging biktima rin ng mga scam at nawalan na ng tiwala sa Bitcoin at Crypto Currency. Ngunit  nabago ang lahat ng ito ng magsimula ulit ako at humanap ng magandang opurtunidad dito sa bounty.

Sa ngayon malaki na rin ang kinita ko at nakapagpatayo na ako ng sariling bahay at may sariling negosyo na rin ako na pisonet

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: ofelia25 on September 08, 2018, 10:07:27 AM
galing ng naging resulta ng crypto currency sayo bro sana maging successful rin ako dito balang araw kasi ang hirap ng palaging nag wowork na lamang tatanda ako nagtatrabaho pa rin para sa pang araw araw na panggastos at pangbayad ng mga expenses. masarap kasi na habang medyo bata pa tayo magkaroon ng financial freedom

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: tsinelas on September 08, 2018, 03:20:55 PM
nakakatuwa na may mga umaasenso sa bitcoin, hindi ung gumagasta lang ng gumagasta, kundi nilalagay nila sa tama at mapapakinabangan. nakakinspire sana ako rin maging ganito.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: jomz on September 08, 2018, 03:49:24 PM
nakakatuwa na may mga umaasenso sa bitcoin, hindi ung gumagasta lang ng gumagasta, kundi nilalagay nila sa tama at mapapakinabangan. nakakinspire sana ako rin maging ganito.
tama ka sir kagaya ko sa kinita kona dito sa pag ccrypto bukod sa pinambayad ko ng utang ko hindi ko napapansin kung san napupunta ang iba kong kinita dahil sa material na bagay, mas maganda talaga na mag ipon para maka pag patayo ng business kahit sa maliit na kapital muna atleast pwedeng dumoble kesa mapunta sa mga bagay na sa huli hindi naman napapakinabangan.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Corvin17 on September 09, 2018, 02:30:27 AM
Ako kakasimula ko lang sa bounty hunting nitong July unang kong sinalihan na bounty na may 1 month reporting at natuwa naman ako dahil nagbunga ang effort ko nung nareceive ko na sa wallet ung katas ng crypto. Di ganun kalaki pero pwede na pandagdag sa gastusin. Marami na akong sinalihan na bounty almost 20 may mga natapos na din at hinintay ko na lang ang distributions ng token.. sana kumita din ako tulad mo at makapag simula ng business.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Lady Coquet on September 09, 2018, 08:35:52 AM
Halos maramimg tao na din ang nakapagtayo ng sarili nilang negosyo dahil sa bitcoin. Kaya napalaking tulong ng bitcoin sa isang tao na walang trabaho at nangangailangan ng pera dahil mabibigyan siya ng tsansa na umangat sa buhay.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: reil2014 on September 09, 2018, 09:04:45 AM
Marami talaga ang nabago ng cryptocurrency, dahil sa crypto, nakapagpatayo ako ng kunting sari-sari store at nabili ko lahat ng gamit sa bahay

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on September 09, 2018, 11:07:38 AM
Tunay nga napakaraming kumita na sa pamamagitan ng  crypto at sa forum na ito kaya, wag kakalimutan na ishare ang mga nalalaman at mga does and donts sa mga newbies. Sikapin din natin mag post ng mga informative post para maka tulong at makapag bigay ng ideas para maka iwas sa scam ang mga baguhan. Wag din dedepende sa bounty lang,nakaka hiya naman if yung post natin is bounty reports lang  kaya nag diversify ako ng pera para kahit walang bounty may kita parin. Sana ay magtulungan tayong pilipino para sa ika uunlad nating lahat.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Jeprox23 on September 09, 2018, 11:15:10 AM
Very inspiring kabayan..

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: fcklife on September 09, 2018, 12:43:20 PM
napagandang gawing motivation ito kabayan. may mga campaign na ako nagbigay sa akin ng 6 digits na kita pero nauwi lang sa inom pagkain at barkada. bike lang ang napundar ko. sana next bounty mahawakan ko na ng maayos ang kikitain ko.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: xena2 on September 09, 2018, 11:49:15 PM
napakandang resulta ito. Sa aking palagay malaki ang naitutulong ng crypto sa kabuhayan ng mga pilipino.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: goldcoinminer on September 10, 2018, 01:34:50 AM
Wow, This is a success story.
I am amazed by the way you spend your income from trading and bounty hunting, you really are good in planning.
I believe as long as you stick with crypto you will grow your business and of course you will earn more, ika nga nila, sipag at tyaga lang talaga.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: mikaeltomcruz12 on September 10, 2018, 11:32:50 AM
Nakaka hanga ang ginawa mong diskarte kabayan. Kagaya mo ganyan din sana ang nasa aking isip kung sakaling ako ay magkakaroon na nang income sa bitcoin napakalaking tulong nito sa amin na maging inspirado kaapag kami ay nakahawak na nang pera galing sa bitcoin.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Melon12 on September 10, 2018, 02:33:46 PM
Madami na akong nakitang mga kababayan  natin na gumadan Ang buhay dahila sa crypto, hoping na dumami pa Ang katulad natin Ang maka join dito sa crypto world at nang gumaba din Ang  kanilang pamumuhay at gumanda  din Ang future nang kanilang mag anak.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: ruthbabe on September 10, 2018, 04:07:35 PM
Kumita rin ako sa ETHLend (https://bitcointalk.org/index.php?topic=2078686.0) (Signature, Facebook, Twitter Campaigns) ng halos Php 800,000 nitong last week of April ko lang natanggap. Nag-down ako Php 100,000 sa 4 na lote (90 sqm per lot) dito sa lugar namin, bumili ng laptop, cellphone, etc...meron pa rin naman natitira sa wallet. Kung nagawa ni OP at ako, magagawa rin ninyo na kumita, basta't i-research lang ninyo ng husto ang inyong sasalihan at kung maari kapag sumali kayo sa Signature isama ninyo ang lahat na pwede ninyong salihan para mas malaki ang rewards at menus gastos kapag dadalhin ninyo sa exchange para ipalit.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Edraket31 on September 10, 2018, 07:40:28 PM

Wow! super na amaze po ako sayong kinita, ako wala pa akong kinikitang ganun, pero one time kumita na ako ng 50k sa isang bounty, pinagawa ko ang kusina namin, doon palang tuwang tuwa na ako yon pala meron pang mga better, nakakatuwa talaga super magiingat na din ako ngayon kung saan ako sasali and make sure ko na din na mas magiging maingat na ako sa pipiliin kong campaign. Super inspiring ang kwento niyo nakakatuwa.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: zynan on September 11, 2018, 03:28:59 AM
Wow! na-amaze po ako sa kumita ng halos 800k, sana mas maaga ko pang nakilala noon itong forum, para nakapag pataas ako ng rank, sayang kasi at naabutan nako ng merit policy. Pero okay lang, kahit barya nalang kung tutuusin ang kita ngayon sa social media campaign dahil sa dami ng participants di parin ako susuko, kahit maka 100k pesos manlang sana ako bago matapos itong taon, magiging sobrang maligayang maligaya nako.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: ruthbabe on September 11, 2018, 08:59:17 AM
Kumita rin ako sa ETHLend (https://bitcointalk.org/index.php?topic=2078686.0) (Signature, Facebook, Twitter Campaigns) ng halos Php 800,000 nitong last week of April ko lang natanggap. Nag-down ako Php 100,000 sa 4 na lote (90 sqm per lot) dito sa lugar namin, bumili ng laptop, cellphone, etc...meron pa rin naman natitira sa wallet. Kung nagawa ni OP at ako, magagawa rin ninyo na kumita, basta't i-research lang ninyo ng husto ang inyong sasalihan at kung maari kapag sumali kayo sa Signature isama ninyo ang lahat na pwede ninyong salihan para mas malaki ang rewards at menus gastos kapag dadalhin ninyo sa exchange para ipalit.

Wow! super na amaze po ako sayong kinita, ako wala pa akong kinikitang ganun, pero one time kumita na ako ng 50k sa isang bounty, pinagawa ko ang kusina namin, doon palang tuwang tuwa na ako yon pala meron pang mga better, nakakatuwa talaga super magiingat na din ako ngayon kung saan ako sasali and make sure ko na din na mas magiging maingat na ako sa pipiliin kong campaign. Super inspiring ang kwento niyo nakakatuwa.

Salamat. I appreciate it. Pero ang totoo muntik nang mapunta sa iba ang aking pinaghirapan. Member ang aking rank ng sumali at iyan ang pangalawa kong sinalihan, ang una WAVES (isa ring successful project) per 2 weeks lang aking inabot pero Bitcoin ang reward direct sa wallet kada linggo. Di pa ako marunong, di ko nga alam ang kung ano ang Stakes, naimbita ako ng isang Pinoy Sr. Member na sumali sa WAVES na napakaganda daw na project, tinuturuan niya ako via PM kung ano gagawin. So, WAVES ang una at 2 x 0.0009BTC kinita ko for 2 weeks.

Kaya ko nabanggit na muntik ng mapunta sa iba ang aking kinita kasi January 31st pa pala nag-kakabigayan ng di ko alam, ang akala ko automatic na ipinapadala sa wallet katulad ng aking unang sinalihan. Kaya sige lang hintay ko at sige bukas ng aking wallet wala namang dumarating. Tamad kasi akong puntahan ang thread dahil tapos na nga at dahil baguhan di ko alam at saka busy na ako sa ibang campaign. Mabuti na lang mayroong 2 nagmalasakit na nag-padala ng PM noong April, "bakit di kinukuha ang rewards ko na sobrang tagal na at malaki at marami raw ang intersado" sa wikang Pilipino. Kaya dali-dali kong tiningnan ang thread ng ETHLend (https://bitcointalk.org/index.php?topic=2078686.0) at ang spreadsheet, nagimbal ako na napalitan ang wallet address ko, kaya nag-padala ako ng PM sa campaign manager na isa ring team member. Pasalamat ako at nag-reply agad, ipadala ko raw ang patunay na ako talaga ang may-ari ng account at doon kami nag-uusap sa Telegram account ng ETHLend. Kung nakuha ko lang siya ng on-time o ng maaga, 1st week of February 2018 baka mas malaki ang aking natanggap kasi computation ko ay over $16,000 ang equivalent ng 293762 LEND tokens na aking rewards. Pero ok lang, pasalamat na rin ako at may natanggap kahit papaano kaysa napunta sa iba... Ang pasasalamat ko sa Campaign Manager na tumulon sa akin dito, https://bitcointalk.org/index.php?topic=2078686.msg38416760#msg38416760

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: Leanna44 on September 11, 2018, 10:56:25 AM
Simula nung nagparank up palang ako dito hanggang sa sumali na ako sa mga campaign hanggang ngayon hindi pa ako kumikita, meron na ang mga coins sa wallet ko pero wala pang mga exchange sa market kaya hanggang ngayon wala pa akong mga katas..

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: princess22 on September 11, 2018, 11:08:53 AM
Kapag kikita ako dito sa crypto ang uunahin ko ay laptop para mapadali ko ang aking transaction dito at maisave ko nang maigi yung mga important at restricted files ko, isusunod ko ying bahay namin kaso lang masyadong mahina ang merkado nang crypto ngayon.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: benres on September 11, 2018, 12:12:37 PM
Maraming salamat sa iyong detalyeng panunulat tungkol sa iyong pagiging successful na agri-business nakakapagbigay ito ng good motivation na talagang ang pagkakaroon ng isang tradisyonal na negosyo at di umaasa lang sa pagtratrabaho sa crypto currency ay isang pagiging isang masinop at matyagang Pinoy na dapat nating di kinakalimutan na isa nating magandang kaugalian. Sa survey sa ngayon maraming porsyento ng millenials ang may kaalaman na sa crypto currency at alam nating nakakalimutan na nila ang mga dapat na mga magagandang katangian ng isang tunay na Pilipino sana po ay magakaroon pa ng pagkakalat ng magandang karanasan sa pagtratrabaho sa crypto sabay sa pagkakaroon ng isang tradisyonal na negosyo.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: eugenefonts on September 11, 2018, 03:01:39 PM
Kumita rin ako sa ETHLend (https://bitcointalk.org/index.php?topic=2078686.0) (Signature, Facebook, Twitter Campaigns) ng halos Php 800,000 nitong last week of April ko lang natanggap. Nag-down ako Php 100,000 sa 4 na lote (90 sqm per lot) dito sa lugar namin, bumili ng laptop, cellphone, etc...meron pa rin naman natitira sa wallet. Kung nagawa ni OP at ako, magagawa rin ninyo na kumita, basta't i-research lang ninyo ng husto ang inyong sasalihan at kung maari kapag sumali kayo sa Signature isama ninyo ang lahat na pwede ninyong salihan para mas malaki ang rewards at menus gastos kapag dadalhin ninyo sa exchange para ipalit.

wow galing mo naman kabayan, sana nga ay hindi tuluyang mawala ang crypto at sana ay mas lumakas pa ito ng sa gayon ay tuloy parin ang extra income at investment. Mas madami na namang ma iinspire sa pina kita mo, pero sana ay wag puro bounty ang atupagin nila maging responsable din tayo sa forum na ito at tulungan ang  mga newbie para maka iwas sa scam at magka isa tayong lahat na pinoy. Salamat sa ambag mong experience

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: justsimpleram on September 12, 2018, 12:05:04 AM
Nasa part palang ako ng kwento mo dun sa part na tapos na ako maiscam at mag invest sa kung anu anu nag bobounty na ako ngayon pero wala pa akong kinikita kasi kakamulat ko palang sa katotohanan. Medyo tinatamad na nga ako eh kasi ayon wala parin akong nakukuhang pera pero dahil sa post mo na to nag karoon ako ulit ng lakas ng loob na sa simula talaga mahirap kasi paghihirapan mo talaga bawat bounty project para may makuha tayong sweldo. So ayon plaplanuhin ko ngayon kung pano ako kikita dito at san ko ilalagay mga pera ko para lumago pa para habang student palang ay ready na ako sa buhay ko sa future. Sana patuloy mo lang po yung pag shashare ng ganto kasi tulad ko meron narin mga taong nawawalan na ng pag asa sa crypto pero dahil dito nag kakalakas loob ulit kami. Good bless at good luck po satin.

Title: Re: Katas ng Crypto
Post by: mhine07 on September 12, 2018, 12:47:21 AM
Nung unang salang ko sa crypto eh nag aalangan din ako , marami ako tanong lung paano nila nagagawang kumita sa pamamagitan lamang ng pagdotdot sa mga cellphone nila at sa internet through bitcoin nga. At dito ko lahat nasagot ang mga tanong kong iyon nung sumali ako dito sa forum , gumawa ako acvount at nagbasa basa tungkol sa bitcoin at iba pang cryptocurrencies. At nagsimulang sumali sa mga bounty campaigns , unang naging sahod ko naipagbili ko lamang sa halagang 300php dahil nga baguhan nangjinayang ako nung tumaas ang value ng token na naipagbili ko. Dun ko natutunan na maghintay ng tamang panahon para kumita ng mas malaki. Yung mga sumunod na kita ko sa bounty campaign ay malaki laki na at yun ang naipagawa ko sa bahay namin at nakapagpundar din ako ng motor ko.