Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: clear cookies on September 17, 2018, 06:55:56 AM



Title: Libreng edukasyon para makaiwas sa mga scam.
Post by: clear cookies on September 17, 2018, 06:55:56 AM
Magandang araw,

Libreng edukasyon para makaiwas sa mga scam at mapag balatkayong mga investment.

Ipinakikilala ko sainyo at isinapubliko na ang XPONZ awereness program,
Ang programang pumupuksa sa mga kompanyang nag sasagawa ng scam investment,ponzi/fraud scheme.

Ang mga kompanyang nakapaloob dito ay masusi na pinag aaralan at ineimbistigahan ng mga kasapi sa programang ito, bago ipag bigay alam sa publiko.
https://i.imgur.com/6MUiZ0c.jpg

Q-So anu nga ba ang xponz,at para saan ito?
A- Ang xponz ay isang blockchain technology na ituturo sa mga tao (lalong lalo na sa mga baguhan) kung papaano magagamit ang blockchain at crypto sa mga sumusunod:
Anti fraud
Anti piracy
Anti counterfient certificate
Financial transaction
Financial tool, at marami pang iba.

Sa panahon ngayon napaka hirap mag akusa ng mga scam site lalong lalo na kulang ang iyong mga ibendensya para makapag sagawa ng pag aakusa sa site na alam mong scam. Ang magiging kalaban mo dito ay ang mga taong nakapag invest dito. Dahil ayaw nilang tanggapin na ang kanilang nasalihan ay isang scam o ponzi scheme.

Kaya mas maganda, sa pamamagitan ni xponz ay mag kakaroon tayo ng kaalaman kung papano natin ito maiiwasan at para hindi na maloko ng mga mapanlinlang na mga investment.

Tamang gabay at tamang kaalaman ang kailangan para ang perang pinaghirapan ay hindi maibulsa ng nino man.

Maari lang bisitahin ito para sa karagdagang impormasyon, https://www.xponz.com/


Ps, inspired by Mr,cliff isang kaibigang mula sa social media.



Title: Re: Libreng edukasyon para makaiwas sa mga scam.
Post by: jheipee19 on September 17, 2018, 08:34:14 AM
bakit po walang mga mukha ang development team? unlike sa mga successfull project regarding digital coin. Hindi rin malinaw kung pano bumili at pano makakasigurado yung mga buyers or investors sa xponz eh mismong founder walang credibility.


Title: Re: Libreng edukasyon para makaiwas sa mga scam.
Post by: carlou on September 17, 2018, 09:22:50 AM
maganda ang layunin pero parang walang linaw kulang sa mga detalye ang kanilang site walang white paper paano po natin mabigyan ng magandang advice ang ating mga kakabayan kung ang team mismo ay na bumubuo ng xponz ay kulang ng pagkakilanlan dumaan na ba ito sa SEC? sapagkat lahat ng aktibidad patungkol sa crypto ay sakop na ng SEC at bangko sentral ng Pilipinas.


Title: Re: Libreng edukasyon para makaiwas sa mga scam.
Post by: Benito01 on September 18, 2018, 09:23:09 AM
Sa paanong paraan po makakatulong ang proyektong ito, kahit sinabi ninyong ang layunin ng proyektong ito ay magbigay ng lebreng kaalaman, binisita kong website na iyong inihain ngunit wala akong nakitang paraan upang magbahagi ng kaalaman sa iba.