Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: popkiko on September 17, 2018, 07:07:31 AM

Title: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: popkiko on September 17, 2018, 07:07:31 AM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: herminio on September 17, 2018, 07:28:17 AM
Wala na finish na.! Haha I'm sure na maraming malulungkot dito lalo't na sa mga account farming, at mababawasan narin ang mga spamming post ng mga jr.member kasi hindi na sila makakasali sa mga signature campaign, kaya mapipilitan talaga sila na gumawa ng constructive post para ma bigyan ng kahit isang merit.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: justsimpleram on September 17, 2018, 07:47:15 AM
Wala na finish na.! Haha I'm sure na maraming malulungkot dito lalo't na sa mga account farming, at mababawasan narin ang mga spamming post ng mga jr.member kasi hindi na sila makakasali sa mga signature campaign, kaya mapipilitan talaga sila na gumawa ng constructive post para ma bigyan ng kahit isang merit.

Finish na talaga ako kamuntikan na buti nalang may nag merit sakin noon. Kaya dito narin ako nag tatambay at nag popost sa ph kasi mas nakakapost and replay ako ng maayos kasi tagalog. At mas okay narin dito mag post para tulungan tayo at share share ng mga kaalaman. Pero ayon medyo nakakagulat parin yung announcement nayan pero para naman sa ikabubuti yan ng forum. Sipagan nalang natin at gandahan ang mga post natin lalu na yung mapupulutan aral at makakatulong.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: popkiko on September 17, 2018, 07:47:47 AM
Wala na finish na.! ...

tama ka kabayan at sa tingin ko maraming mga kababayan natin ang naapektuhan nito kaya sana maraming useful tips or topic ang magawa ng mga naging newbie para mapaganda ang local section natin.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: kumar jabodah on September 17, 2018, 08:32:40 AM
Pahirap na ng pahirap ang pagkakaroon ng rank sa Forum, Ngunit sa aking opinyon ayos lang ito para mas maging constructive ang bawat post ng mga meyembro ng forum. Hiling ko lang na sana ay gamitin din ng may mga smiret ang kanilang mga merit sa tama. At ibigay ito sa karapatdapat na makatanggap.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Louise0910 on September 17, 2018, 08:47:57 AM
Wala na talaga pero ayos na din yung ganun mas konti ang sasali sa sig camp at mas lalaki ang makukuha nating reward pero nakakalungkot pa din dahil dahil mga kabayan natin ang mas naapektuhan dito

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: LogitechMouse on September 17, 2018, 09:11:27 AM
Ang mostly affected dito ay ang mga spammers na hindi makakuha ng merit dhil sa kanilang one line shitposting at ang mga users na kasali sa sig. campaign pero walang merit.

Magandang feature to na naidagdag sa kadahilanang,
- kokonti ang mga sasali sa sig campaign therefore mas konti ang mag hahati hati na mga participants na kasali sa sig campaign
- mas lalaki ang revenue ng forum dahil mas marami na ang bibili ng copper membership.
- mas mapapadali ang pagcheck ng Bounty Campaign Managers dahil nabawasan na ng mga participants sa sig. campaign.
-etc.

Maraming naapektuhan nito sa atin for sure pero un ay ang mga taong andito lang para sa sig. campaign. Wala taung magagawa kundi sumunod :). Para din ito sa ikakabuti ng tahanan natin (ang forum) :)

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: paulo013 on September 17, 2018, 09:12:33 AM
Maganda ang epekto nito kung ang paguusapan ay para mabawasan ang mga tinatawag na farmers o dummy account. Pero apektado dito yung mga tunay namang nagsusumikap magkamerit at nag uumpisa palang sa larangan ng cryptocurrency. Wala tayong magagawa diyan kung hindi tanggapin ang bagong rules. Wag po tayo basta mawalan ng pag asa mga kabayan.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: llvroyxd on September 17, 2018, 09:57:26 AM
sumasang ayon ako sa bagong rules at aking tinatanggap ng buong puso para naman maiwasan yung mga basura na post at mabasa yung post na may SENSE.

Ito na ung chance na katulad kong newbie na mag rank up hindi lang puro tambay sa isang section kung maari mag explore tayo sa iba upang makakalap ng magandang impormasyon at maibahagi sa mga kabayan at mapaganda yung komunidad ng bitcointalk  at ang maganda dito sa new rules ay upang mabawasan yung mga greedy na nasa bounty section yung tipong gagawa ng maraming account tapos sasalihan lang yung signature campaign. Inaabuso yung lumang sistema.

Kaya mas maganda to tama lang ang ginawa ni theymos! ;)

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: demonic098 on September 17, 2018, 10:05:02 AM
Okay na okay ako diyan sobrang dami kasi ng hoarders for sure maraming mababawas na spammers dahil need na nilang magka merit pero sigurado rin mga ilang araw lang magkakaroon ng paraan yang mga yan para magkamerit kasi hello isang merit lang kelangan eh ang dami dami ngang nag mga legendary na nag papalevel ng 2nd 3rd 4th account niya :D.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: helen28 on September 17, 2018, 10:51:58 AM
Tingin ko lahat ng ginagawa ni theymos ay para sa ikagaganda ng ating community, sana maging agree ang lahat para dito, mababasawan talaga ang mga shitposter at mas mainam na rin yan para dun sa mga deserve ng merit. Sana lang maging patas ng paghusga nila

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: nngella on September 17, 2018, 11:33:15 AM
w0ah.

I agree na lahat ng ginagawa ni Theymos at ang intention nya ay para sa ikagaganda ng forum pero kapag ganito ay masyado na nalilimitahan ang mga newbies.  Kawawa naman yung mga bagong member.  Isipin nyo na lang ang libo libong newbies kompara sa kakarampot na merit sources.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: karagun125 on September 17, 2018, 11:57:17 AM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.

Dapat nating matanggap, kung para sa ikabubuti ng bitcointalk. Pero sana may konsiderasyon naman at kung paano yung mag post na may saysay. Kasi may nakakatanggap ng merit kahit naman di gaanong kagandahan ang post.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: jemarie20 on September 17, 2018, 11:58:35 AM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.

Kahit anung sabihin natin patungkol sa bagay na ito kong itoy ginawa na ng ating masipag na admin wala tayong magagawa, dahil iyan ang kanyang naisip upang linisin ang forum na ito at gawing maayos.

Patungkol naman sa mga bounty hunters, wag nyo naman masyadong ibaba sila dahil hindi naman masamang kumita bilang kabayaran ng kanilang effort, ngunit oo kailangan nilang maslalong magsumikap upang magkamerit at maging isa sa karapat-dapat sa forum na ito.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: r1a2y3m4 on September 17, 2018, 12:31:28 PM
Actually yung bagong patakaran na yan is parang hindi naman magdudulot nang maganda yan sa forum na to. Kasi, sabi nila dati, sobrang dami na daw ng mga jr member na nagliparan sa forum nato. Pero, sila din naman may kagagawan nun eh. Kung di nila binago diba? Tapos, ngayon 1 merit para sa jr member? Well, it's fine kase wala naman akong alt account. I think they're just making unnecessary actions. Well, it's their own forum not ours. They can do whatever they want. Just saying :D. Sorry na lang sa mga kababayan nating mga jr member.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: melch100 on September 17, 2018, 12:33:30 PM
Ako, sang ayon man ako o hindi wala na akong magagawa kundi tanggapin at sundin ito. Nakakalungkot nga lang kasi kahit matitinong jr member nadadamay. Dati tanggap ko na lang na jr member ako kasi wala ng chance makakuha ng 10 merits, pero bakit ganito kahit jr member pinagkait pa. Sana nga lang may mabait na magchecheck ng mga post ko kasi hind naman mahabang post pero sure ako na hindi spam. Mas pag bubutihan ko na lang mabuti ang pag gawa ng helpful and constructive post.  :'(

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: anamie on September 17, 2018, 12:57:17 PM
Ang laki ng epekto nito sa mga jr.member na walang pang merit na may mga signature campaign  dahil ma didisqualified sila sa campaign na sinasalihan nila, pero tama lang naman ito para mabawasan na yung mga spamming post, pero nakakalungot isipin parin na ma aapektohan rin ang mga matitinong jr.member dito.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Benito01 on September 17, 2018, 01:35:11 PM
Noon palang ay naisip kunang darating ang araw na mangyayari ito, dahil nabasa ko ang isang post sa meta section na nagsasabi na dapat ay magkaroon din ng merit requirements para maging jr members.

Isang bagong hamon na naman ito  para sa mga bagong myembro ng forum upang lalo pang magsumikap at makabilang sa community, sa kabilang banda maganda ang magiging dulot nito sa forum ngunit malaking problema sa mga jr member pa lamang na wala pang merit.

May guide naba sa pag gawa ng good quality post dito sa ating board ?Hindi kopa kasi nakikita at sa tingin ko kailangang maslalong pagsikapan na gumawa ng katanggap-tanggap na post dito sa forum kaya kailangang maglaan ng oras upang mapuno ng kaalaman.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: ice18 on September 17, 2018, 01:41:09 PM
Sa totoo lang dapat nuon pa ito ginawa ni thymos nung umpisa ng merit para naiwasan yung sobrang abusado dyan na mga account farmer ngayon malamang mahirapan na sila magparank pero yung mga jr member na nagsusumikap magkaron ng merit at nag uumpisa palang apektado den, tulungan nalang natin yung mga quality poster at deserving bigyan ng merit dito para atleast umangat naman rank nila ulit sa Jr member.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: jemarie20 on September 17, 2018, 02:00:23 PM
Sa tingin ko, may advantage at dis-advantage ang new meta update ng bitcointalk.org ngayon. Marami sa mga jr.member noon ang naalis sa sinalihan nilang signature campaign.

Advantage: sa dami ng jr.member, kinakailangan ng ganitong update para maiwasan at mawala ang gumagamit ng madaming account.

Disadvantage: di pabor sa gaya kong jr.member dati na wala pang merit, pero ayos lang.

Sa kabilang banda maganda ang layunin ng bagong rules ng forum para sa ikagaganda ng forum na ito,  ngunit malaki ang epikto nito sa mga myembro ng forum lalot higit ay sa mga jr member na wala pang merit dahil kailangan muna nilang magsikap na magkamerit kahit isa upang bumalik sa jr member para makasali muli sa mga advertising program dito sa forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Flexibit on September 17, 2018, 02:02:18 PM
pra sakin lang mas maganda kasi na talgang di na din isama ang jr member sa mga campaign kasi may chance pa din yung mga spammer e sorry bro ha kasi junior ka din pero yun ang tingin ko na di naman lahat ng jr member e basura pero nagkakaroon pa din kasi ng abuse kaya mas maganda na mabawasan yan kung makikita nyo yung spreadsheets talagang madami pa din ang mga jr na nag aabuse sa system.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Zurcermozz on September 17, 2018, 02:15:57 PM
Mahihirapan ang mga bagong papasok sa negosyong ito, at kaialngan nila talaga maghanap ng magandang topic dahil halos karamihan ng mga knowledgeable na topic ay na discuss na , pero worth din ito dahil isa rin itong dahilan para mas pagtuunan ng pansin ang mga bagay sa forum na to, pero wish them luck !

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: carlou on September 17, 2018, 02:25:42 PM
haha ang saklap naman kung kailan pa ako naging aktibo saka pa nagkahigpitan ginawa ko ang account ko noong Desyembre 2017 dahil medyo busy sa hanap buhay kaya hindi ko natapunan ng panahon ang forum na ito. Ang nakapagtataka lamang ay kung bakit ngayon lang nila ginawa ito bakit hindi nila ginawa ito noong umpisa pa lamang alam nman nila na talagang babaha ang mga spammer kahit saan mang forum

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Tramle091296 on September 17, 2018, 02:46:32 PM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
Hindi naman sa mawawala anjan padin yan ang kagandahan lang nito mababawasan lang sila unang una sa lahat maganda yung naisip talaga ni boss theymos about dito. di na kaya na mag multi account para mag kabuhayan ang forum. magigigng jr member padin yung iba jan kasi unang una may mga nabibili lang na merit at maaring maka earn nito kung maganda post mo kaya sa mga naging newbie simulan nyo na mag post kasi sure yan matatanggal kayo sa mga campaign na sinalihan nyo.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: bitcoinmee on September 17, 2018, 02:51:42 PM
Madami ang maapektohan dito,  naiisip ko tuloy yun mga coin and bounty announcement ng mga Jr. Members ma-aalis lahat ng mga image kung babalik sila ng newbie. Pero ganun pa man sundin nalang natin ang mga rules kung makakatulong sa community natin dito.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Vermouth07 on September 17, 2018, 02:58:35 PM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
Ang mga unang apektado dito ay yung mga nagspam posting para makaabot ng jr. member para makasali ng campaign, sayang effort nila kasi kailangan na ng merit. Pati yung mga matagal ng kasali pero hindi parin nakakakuha ng merit, disadvantage para sa kanila yun kasi andami nilang post pero ni isa wala man lang nagbigay ng merit. Ngayon nanghihinayang sila sa mga post nila, tho may advantage naman yun nga yung dahil ngayon ang iniisip na nila ay kung paano magkamerit imbes na magspam, iniisip na nila ngayon pano magkakaron ng magandang post which is good for the forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: rockzu07 on September 17, 2018, 03:05:53 PM
Wala na finish na din ako, wala na ako makukuha na bounty pahirapan na nga sa pag construct ng english dagdagan pa ng merit. Saan naman tayu mang lilimos ng merit? Ahay buhay nga naman.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: cedrixperez on September 17, 2018, 03:15:03 PM
Malaki talaga ang epekto nito lalo na sa mga jr. members na di nakakalap ng merit na ngayon ay newbie members na pero kung tutuusin ito ay magandang rules dahil sa noong nagkaroon ng merit system dumami ang mga farming accounts para kpag kakitaan ang forum ngayon ay di na nila ito magagawa dahil need na ng atleast ng 1 merit to be jr. member.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: markdario112616 on September 17, 2018, 03:28:55 PM
Actually yung bagong patakaran na yan is parang hindi naman magdudulot nang maganda yan sa forum na to. Kasi, sabi nila dati, sobrang dami na daw ng mga jr member na nagliparan sa forum nato. Pero, sila din naman may kagagawan nun eh. Kung di nila binago diba? Tapos, ngayon 1 merit para sa jr member? Well, it's fine kase wala naman akong alt account. I think they're just making unnecessary actions. Well, it's their own forum not ours. They can do whatever they want. Just saying :D. Sorry na lang sa mga kababayan nating mga jr member.

Medyo malabo ang punto mo dito kabayan.

"Sobrang dami ng JR member at sila ang may kagagawan" - Sinong sila? At ano ang tinutukoy mong bago? Merit system? Kaya dumami ang JR Member dahil wala itong restriction simula ng nagkaron ng Merit system, May Lapses ba? Meron dahil nakakapag suot pa din ng mga signature ang JR member at inaabuso ang forum na to.

"Hindi maganda ang maidudulot" - Sa anong paraan? Hindi bat makakatulong ito para mawalan ng gana ang mang aabuso sa forum na ito? Bakit? Hindi bat karamihan ng pumapasok o tumatangkilik dito sa forum na ito ay para kumita at magkatrabaho? Ngunit hindi trabaho ang nandidito, eto ay lugar kung saan prioridad dapat ng bawat isa sa community na to ang magbigayan ng impormasyon at kaalaman.

Para kay OP:

"Di pabor sa JR member" sa paanong paraan? sa pag sali ng Bounty?

Sorry mga kabayan pero ang tunay purpose ng forum na to eh nawawala kung lagi nating iisipin ang bounty na yan. Oo, hindi nadin ako mag papa hiprokrito o ano man, umasa din ako sa bounties na yan pero kalaunan mas maigi na din na natutuon ko ang sarili ko para matuto, sasali minsan sa bounty pero gawin itong negosyo o trabaho? Mali na yata iyon.

Huli:
"It's there forum" - Well, technically speaking yes sa kanila to. Pero, tayo ang nakikinabang, It's a forum for all.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: julerz12 on September 17, 2018, 04:04:58 PM
Wala na finish na din ako, wala na ako makukuha na bounty pahirapan na nga sa pag construct ng english dagdagan pa ng merit. Saan naman tayu mang lilimos ng merit? Ahay buhay nga naman.

First of all, hindi dapat hinihingi yung merits, kusang binibigay yan given na constructive and may sense 'yung post mo. Just keep on posting, marami din namang high ranked members dito sa Local section natin na for sure has lots of merits to spare sa mga karapat-dapat bigyan.

As for OP's topic. We'll kung wala lang sanang mga abusado at super greedy na bounty hunters, this wouldn't happen. Sad to say, may mga gagawa talaga ng paraan para lang magkapera without even thinking the consequences. 'Eto na yung consequence nung mga abusado 'dyan.

Payo ko nalang sa mga baguhan dito sa forum. Don't give up and keep on making high quality posts but please stick to one account. 'Wag 'nyo na sayangin panahon 'nyo on building an army of alts, mababan ka lang and you'll get nothing out of it.  :D

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: mk4 on September 17, 2018, 04:10:15 PM
Ang bagong rule na ito ay para mabawasan ang bounty spammers dito sa forum, ung mga tao na andito lang mismo para lang sa bounty at wala ng iba pa; dahil pwedeng gumawa ng multiple accounts ang isang tao at magpost ng magpost hanggang ito ay umabot sa Jr member rank, ng walang ka effort effort sa content ng post.

Full support ako sa rule na ito. 1 merit lang naman ang requirement? Hindi dapat mahirap maabot un. Kung di ka makakuha ng 1 merit, e hindi na sa systema ang may problema. Ibig sabihin lang ay kulang ang kaalaman mo tungkol sa bitcoin o cryptocurrencies in general. No offense.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: tambok on September 17, 2018, 04:59:34 PM
Masyado ng nagiging strict dito sa forum pero wala naman tayong magagawa tignan na lang natin ang magiging disadvantage, para sa akin ay ayos lang na dumami ang mga users and members dito sa forum basta ginagawa ang tama, dun pa lang sa merit sobrang bigat na yon para sa lahat kasi may mga deserving ng mabigyan ng merit pero hindi lahat ay binibigyan ng chance na mabigyan.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: deguzmanwacky on September 17, 2018, 05:15:28 PM
Excited pa naman akong pataasin ung rank ko to jr then nabasa ko ung bagong rule. may nakita akong mga 300++  activities na pero wala paring merit then ibig sabihin ba nun kulang padin kaalaman nila? in my opinion, medyo unfair yung rule pero 1 merit isnt bad. kailangan mo lang pagsikapan makuha yun

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: deguzmanwacky on September 17, 2018, 05:27:03 PM
mejo unfair din sa iba na kahit may sense ung post rh hindi parin nakakakuha ng merit. tulad nung nabasa ko sa thread na even one liner shit post merong merit. tignan nalang natin ung future outcome kung makakabuti nga talaga sa btt forum. to my fellow newbies out there, tara magpajr na tayo. goodluck mga kapatid

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: clear cookies on September 17, 2018, 07:19:11 PM
-snip
Sa tingin ko pwede pa naman nilang makuha yung reward nila sa signature bago sila na demote, dahil to ang sabi in theymos.
P.S. I copied all of the signatures and personal texts before wiping them from the demoted users. If bounty managers need info about this, send me a PM like "Please send me a list of all demoted users who had '_______' in their signature".

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: conanmori on September 17, 2018, 07:48:15 PM
Magandang idea ito naisip ni Theymos para maiwasan na din and mga shitposter at account farmer sa forum at kailngan ng isang sistema na mahigpit katulad neto.

Mapapansin nyo sa kada forum thread at nadodominate into ng Jr. Member at Newbie at wala ring mga saysay ang mga sinasabi nila. Karamihan ay mga Lima hangang sampong salita lamang ito.

Kaya para malinis ang forum at kailangan na magkaroon ng konstraktibong pahayag at makabuluhang mga sagot sa mga thread sa forum. Kaya agree ako sa rules na ito.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: karagun125 on September 17, 2018, 09:24:37 PM
Masyado ng nagiging strict dito sa forum pero wala naman tayong magagawa tignan na lang natin ang magiging disadvantage, para sa akin ay ayos lang na dumami ang mga users and members dito sa forum basta ginagawa ang tama, dun pa lang sa merit sobrang bigat na yon para sa lahat kasi may mga deserving ng mabigyan ng merit pero hindi lahat ay binibigyan ng chance na mabigyan.

Tama ka talaga kabayan, may mga deserving din na may magandang kalidad ang kanilang post dito sa forum pero hindi nabibigyan, subalit sa kabilang dako naman may nabibigyang merit kahit hindi naman katuwatuwa, parang nakalilitong isipin. Subalit wala na tayong magagawa.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: justsimpleram on September 17, 2018, 10:47:24 PM
Advantage nito ay malilinis yung forum mawawala yung mga nag popost ng mga walang quality na post lalo na yung mga dummy account lang. Maiiwasan na din ang merit abuse na nakasira lalo sa forum nato.

Disadvantage naman to sa mga kakasimula palang tulad ko na jr. member na walang merit kahit may quality naman ang mga post at hindi dummy account.

Buti nalang dati may nag merit sakin kaya hindi bumaba ang rank ko pero kung sakaling bumaba rank ko mahihirapan na ako sa mga bounties ko. At baka mapilitan ako bumili ng copper account. Isa papala to sa mga advantage ng bct na maraming pwedeng bumili ng gantong rank para sa mga bounties nila. Pero disadvantage narin dahil karamihan ng mga tao iisipin na pinag kaperahan sila ng forum na hindi naman talaga dahil ang purpose naman talaga ng bagong patakaran na ito ay mas maging malinis at fair sa lahat ang forum na to.  Pero ayon nga enjoy lang tayo dito sa forum explore and learn lang wag masyadong paapekto sa mga kaganapan na tulad nito tulay lang ang buhay mga kabayan.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Insanerman on September 17, 2018, 11:03:45 PM
The wave is coming and there will be a lot of crybabies who are complaining about the implementation of just 1 merit in order to be promoted as a Jr. Member.

1 helpful post would be enough in order to rank up, it might not hurt you drastically as it is a very minimal requirement in this community. It's just we are maintaining the quality of the forum and curb out the increase of bounty farmers and ANN bots thus it will reduce spamming especially in ANN sections.

Soon you will realize how this system is really important.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: crypto-bit on September 17, 2018, 11:04:13 PM
Ganun talaga mga brother,minsan kasi hindi tayo makuntento kung anung meron tayo.gagawin ang lahat para lang mandugas..kaya ayan tuloy may bagong rules dito..hirap no! but anyway rules is rules so follow nalang natin to. Based naman sa aking observation halos ng mga new account mapa junior man o newbie ay  alt account din ng mga higher members...nagkukunwari lang na mga baguhan..pero sanay na mandugas hehe.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: bisdak40 on September 17, 2018, 11:24:36 PM
Ganun talaga mga brother,minsan kasi hindi tayo makuntento kung anung meron tayo.gagawin ang lahat para lang mandugas..kaya ayan tuloy may bagong rules dito..hirap no! but anyway rules is rules so follow nalang natin to. Based naman sa aking observation halos ng mga new account mapa junior man o newbie ay  alt account din ng mga higher members...nagkukunwari lang na mga baguhan..pero sanay na mandugas hehe.
Tama ka dyan kabayan, you can see 1 million accounts in this forum but the real people visiting this forum is only a thousand (just exaggerating). Multi-accounts and spamming are main the problems of BTT and we should do our part to sanitize the forum.

Soon you will realize how this system is really important.
 
Agree, the merit system is a very effective way of combating spammers and make the forum great again. Baka mawala ang forum na ito dahil sa mga spammers at doon pa lang tayo maka-realize na mahalaga pala ang BTT sa mga bounty hunters.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Nellayar on September 18, 2018, 12:04:36 AM
Actually yung bagong patakaran na yan is parang hindi naman magdudulot nang maganda yan sa forum na to. Kasi, sabi nila dati, sobrang dami na daw ng mga jr member na nagliparan sa forum nato. Pero, sila din naman may kagagawan nun eh. Kung di nila binago diba? Tapos, ngayon 1 merit para sa jr member? Well, it's fine kase wala naman akong alt account. I think they're just making unnecessary actions. Well, it's their own forum not ours. They can do whatever they want. Just saying :D. Sorry na lang sa mga kababayan nating mga jr member.

Medyo malabo ang punto mo dito kabayan.

"Sobrang dami ng JR member at sila ang may kagagawan" - Sinong sila? At ano ang tinutukoy mong bago? Merit system? Kaya dumami ang JR Member dahil wala itong restriction simula ng nagkaron ng Merit system, May Lapses ba? Meron dahil nakakapag suot pa din ng mga signature ang JR member at inaabuso ang forum na to.

"Hindi maganda ang maidudulot" - Sa anong paraan? Hindi bat makakatulong ito para mawalan ng gana ang mang aabuso sa forum na ito? Bakit? Hindi bat karamihan ng pumapasok o tumatangkilik dito sa forum na ito ay para kumita at magkatrabaho? Ngunit hindi trabaho ang nandidito, eto ay lugar kung saan prioridad dapat ng bawat isa sa community na to ang magbigayan ng impormasyon at kaalaman.

Para kay OP:

"Di pabor sa JR member" sa paanong paraan? sa pag sali ng Bounty?

Sorry mga kabayan pero ang tunay purpose ng forum na to eh nawawala kung lagi nating iisipin ang bounty na yan. Oo, hindi nadin ako mag papa hiprokrito o ano man, umasa din ako sa bounties na yan pero kalaunan mas maigi na din na natutuon ko ang sarili ko para matuto, sasali minsan sa bounty pero gawin itong negosyo o trabaho? Mali na yata iyon.

Huli:
"It's there forum" - Well, technically speaking yes sa kanila to. Pero, tayo ang nakikinabang, It's a forum for all.

"Individual ambition serves the common good"
Ika nga ni Adam Smith.

All of us here have our own purpose. Kaya pinaigting ni Theymos ang merit system dahil isa ang kanyang hangarin, ang magkaroon ng quality post ang bawat indibidwal sa atin. Marahil maraming hindi pabor sa bagong patakaran na ito lalo na yung mga junior member na nasa campaign at naghahanggad din ng kaunting biyaya mula sa bounty pero hindi lahat ng oras kailangan natin umasa sa bounty. Kung gusto man natin, kailangan natin paghusayan.

Sa totoo lang, hindi naman masama na nagkaroon ng 1 merit lalo na't kaya itong makuha ng bawat isa sa atin. Mas nahihirapan nga ako magFull Member dahil ang kailangan ko ay 90 merits para magpa rank up. 1 lang yan mga bro, once na nafigure-out mo na may nagbigay saiyo na isang merit, mapapagtanto mo na ang kaalaman mo sa Cryptocurrency ay lumalalim na.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: biogesic on September 18, 2018, 12:08:02 AM
sa kuripot na nga magbigay ng merit i ddowngrade pa yung iba. pano ba, newbie nga ano ba alam sa crypto nang maka post nang sinasabi niyong "quality" content.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Wallflower28 on September 18, 2018, 12:18:08 AM
sa kuripot na nga magbigay ng merit i ddowngrade pa yung iba. pano ba, newbie nga ano ba alam sa crypto nang maka post nang sinasabi niyong "quality" content.
Sa tingin ko bro, hindi naman sapat ang 1 buwan para malaman natin ang lahat sa cryptography o ano man na bagay. Kung ang technician nga nag-aaral ng kalahating taon para magkaroon ng sapat na skills at knowledge, paano pa kaya sa atin na self-development lamang. Pero kung mapapansin natin,bakit ba tayo nagmamadali? Dahil para kumita ng pera sa crypto? Kung gusto natin kumita, maghirap tayo para dito. Hindi lahat ng pagkakataon, easy money go lucky ang motto natin. Para sa mga newbie, magpost na lang tayo ng substantial. Kung ako nga nakaearn, kayo pa kaya!

Isa pa, part of changes is development. If we would not develop ourselves, probably we cannot adapt the certain changes. We are now in technological era and information is always around us. Never stop to learn, that is one step to fulfill our dreams.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: biogesic on September 18, 2018, 12:23:36 AM
waste of time lang pag ppost ng sinasabi niyong "quality" content. xempre ung mga luma, kahit mga basura nilang posts nabigyan na ng merit lolz

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: biogesic on September 18, 2018, 12:26:27 AM
sa kuripot na nga magbigay ng merit i ddowngrade pa yung iba. pano ba, newbie nga ano ba alam sa crypto nang maka post nang sinasabi niyong "quality" content.
Sa tingin ko bro, hindi naman sapat ang 1 buwan para malaman natin ang lahat sa cryptography o ano man na bagay. Kung ang technician nga nag-aaral ng kalahating taon para magkaroon ng sapat na skills at knowledge, paano pa kaya sa atin na self-development lamang. Pero kung mapapansin natin,bakit ba tayo nagmamadali? Dahil para kumita ng pera sa crypto? Kung gusto natin kumita, maghirap tayo para dito. Hindi lahat ng pagkakataon, easy money go lucky ang motto natin. Para sa mga newbie, magpost na lang tayo ng substantial. Kung ako nga nakaearn, kayo pa kaya!

Isa pa, part of changes is development. If we would not develop ourselves, probably we cannot adapt the certain changes. We are now in technological era and information is always around us. Never stop to learn, that is one step to fulfill our dreams.

EH anu pang topic about crypto ang gagawan mo ng content na hindi pa nagawan dito, at para masabi itong "quality". waste of time lang, sila sila na lang magffarm ng high stakes sa mga bounty/AD

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: karagun125 on September 18, 2018, 01:18:05 AM
waste of time lang pag ppost ng sinasabi niyong "quality" content. xempre ung mga luma, kahit mga basura nilang posts nabigyan na ng merit lolz

Tumpak! tama ka kabayan, madali sakanila magsalita na magpost ng 'quality' subalit kung hindi lang sila old members, baka pare pareho tayo dito. Di ko nilalahat ah, pasintabi sa iba.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: imyashir on September 18, 2018, 02:14:57 AM
Siguro ang bagong patakaran na pinatupad na upang makontrol ang mga jr. member dito sa forums open naman ang Forum natin sa mga baguhan kaso nga lang sa nakikita ko sa mga jr. member ay halos na sa Bounty section na lamang ito. Marami ang nabulag o mga gahaman sa Bounty dahil puro na lng halos newbie at jr. member ang nasasangkot na lamang. Ako pabor ako dito sa bagong batas dahil makakaiwas talaga ito sa masamang polusyon dito sa forum.

Dahil sa bagong batas na ito asahan natin lalaganap na ang cooper member o bentahan ng merits o high rank.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: mk4 on September 18, 2018, 02:24:00 AM
waste of time lang pag ppost ng sinasabi niyong "quality" content. xempre ung mga luma, kahit mga basura nilang posts nabigyan na ng merit lolz

Tumpak! tama ka kabayan, madali sakanila magsalita na magpost ng 'quality' subalit kung hindi lang sila old members, baka pare pareho tayo dito. Di ko nilalahat ah, pasintabi sa iba.

Rason rasonan ng mga di makapag post ng quality content. May mga ilan akong kakilalang kakastart lang sa bitcointalk pero dahil marami silang alam tungkol sa blockchain, in one week may enough merits na sila para sa "member" rank kahit kulang pa ang kanilang activity points. Matamaan na ang matamaan.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: burner2014 on September 18, 2018, 03:35:12 AM
nag higpit sila sa kadahilanang panget ang ngyayari sa forum at marami talaga ang mga bagong member ang nagkakalat ng hindi magandang thread, masakit man sa iba kailangan ninyong tanggapin ito kasi dumaan naman kayo sa masusing pagsusuri bago kayo hatulan ng ganyan, hindi naman basta lamang ibababa ang rank nyo kung deserving talaga kayo sa posisyon nyo.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: ofelia25 on September 18, 2018, 04:51:44 AM
Sa tingin ko, may advantage at dis-advantage ang new meta update ng bitcointalk.org ngayon. Marami sa mga jr.member noon ang naalis sa sinalihan nilang signature campaign.

Advantage: sa dami ng jr.member, kinakailangan ng ganitong update para maiwasan at mawala ang gumagamit ng madaming account.

Disadvantage: di pabor sa gaya kong jr.member dati na wala pang merit, pero ayos lang.

oo kawawa talaga yung mga user na kasali sa campaign bigla na lamang silang nawala dun kasi biglaang bumaba ang mga ranggo nila. pero wala tayong magagawa kasi para naman sa ikauunlad ng forum yun, dapat sa sunod maging aral ito sa mga ibang baguhan na magpost ng nararapat at naaangkop sa topic

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: llvroyxd on September 18, 2018, 05:27:33 AM
Pansin ko lng din dito sa BTT kailangan mo maging perfect at yung mga nagbibigay ng MERIT eh para lng sa may mga MERIT din madalang lang nagbibigay sa Newbie kahit na may sense at quality na yung post.

Ewan ko ba sadyang madamot or hindi lang nila feel magbigay ng merit sa mga katulad namin.

Dpat pa nga na mas mapagbigay yung higher rank sa lower rank parang yung mayayaman lang nakikihalubilo lng sa mayayaman at nagtutulungan pero yung mahihirap kahit anong gawa at sikap wala pa din nasa baba pa din yung ung tingin ko dito.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: julerz12 on September 18, 2018, 07:17:33 AM

Hindi totoo yan. Even yung mga kilalang high ranked members dito sa forum nagbibigyan ng merits to lower level ranks, even brandnew ranked accounts nabibigyan.
Example:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=4434156.msg45735366#msg45735366
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030495.msg45824220#msg45824220
Take note, si Pharmacist pa mismo nag merit sa mga yan.
Point is, Nasa quality lamang talaga ng post yan.
Hindi dapat negatibo and tingin natin sa bagong restriction na ibinigay ni theymos,
it should serve as a challenge to those who doesn't have a single merit awarded to them to create more great quality posts.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: zynan on September 18, 2018, 07:23:37 AM
Nung mabalitaan ko ang sudden changes na ito, nagulat ako at dagli kong tinignan ang profile ko baka from Member status eh bumaba ako bigla sa Jr. Member sa kadahilanang mula nung naipatupad yung Merit rules ay di pako nakakatanggap ng kahit isang merit sa mga posts ko, haha. Buti nalang po at hindi damay ang Member Rank. Well I feel sad sa ibang Jr. Members na nagsisikap naman sa pag post ng maganda, wala tayong magagawa kailangan din kasi matuto ng leksyon yung mga mapanlamang na myembro nitong forum, para din naman ito sa ikabubuti nating lahat dito sa forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: tobatz23 on September 18, 2018, 07:41:18 AM
Pabor ako sa bagong restriction na ito, dahil sa lumalalang populasyon ng mga Jr. Member na sumasali dito sa BTT ay dahil lang sa bounties at kitaan na maaring makuha sa mga bounty campaign. Para din naman sa ikabubuti nyo yan, isipin nyo na lng na pinapangaralan kayo na para pagtuunan nyo ng pansin at unahin pag aralan ang cryptocurrency, pero di ko naman nilalahat dahil yung ibang mga newbie at hr. members bago pa sumali sa BTT ay may alam na talaga sa crypto, halos karamihan lang talaga eh walang alam dahil sa bounty at kitaan nakatuon ang pag iisip.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: markdario112616 on September 18, 2018, 09:47:27 AM
waste of time lang pag ppost ng sinasabi niyong "quality" content. xempre ung mga luma, kahit mga basura nilang posts nabigyan na ng merit lolz

Then this prove na isa lang talaga ang pinunta mo dito, Sir. At yung ang gawin hanap buhay ang pagbbounty, sa komento ding eto pinapakita mo na masyado mong minamaliit mo ang kakayanan mo. Oo, siguro nga may edge ang mga matagal ng nandito, pero bakit naman ang ibang nagsimula lang din baba eh onti onti nakakaangat?  Ang point dito is, bat natin lilimitahan ang sarili natin sa pag unlad kung kaya naman natin makipag sabayan sa kanila? At  dapat kung sa simpleng pag gawa ng quality content eh nageexpect tayo agad ng kapalit tulad ng merit, Hindi dapat ganun.

Do post in the intent of sharing your knowledge and for the benefit of all, Hindi yung puro pansarili lamang ang iniisip. This a forum to start with, not an employer.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: DonFacundo on September 18, 2018, 10:43:50 AM
of course mababawasan din ang mga spammers at multi accounts dito sa forum, halos marami ako nakikitang jr members dito at medyo pareho lang yung comment parang iisa lang ang may-ari.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: biogesic on September 18, 2018, 11:23:30 AM
waste of time lang pag ppost ng sinasabi niyong "quality" content. xempre ung mga luma, kahit mga basura nilang posts nabigyan na ng merit lolz

Then this prove na isa lang talaga ang pinunta mo dito, Sir. At yung ang gawin hanap buhay ang pagbbounty, sa komento ding eto pinapakita mo na masyado mong minamaliit mo ang kakayanan mo. Oo, siguro nga may edge ang mga matagal ng nandito, pero bakit naman ang ibang nagsimula lang din baba eh onti onti nakakaangat?  Ang point dito is, bat natin lilimitahan ang sarili natin sa pag unlad kung kaya naman natin makipag sabayan sa kanila? At  dapat kung sa simpleng pag gawa ng quality content eh nageexpect tayo agad ng kapalit tulad ng merit, Hindi dapat ganun.

Do post in the intent of sharing your knowledge and for the benefit of all, Hindi yung puro pansarili lamang ang iniisip. This a forum to start with, not an employer.

anong pansarili? tanga ka ba? iniisip ko nga ung mga newbie na baguhan na limited ang knowledge about crypto or blockchain? malamang ikaw 100+ merit mo, kung current na pamantayan ang basehan ilan kaya merit mo ngayon?  ;D oh ano sino ngayon ang makasarili. palibhasa mga basura mong posts nabigyan ng merit.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: crocus on September 18, 2018, 11:35:28 AM
Para sakin okay ito dahil ang dami ng farming accounts dito sa forum na sinisira ang tunay na layunin ng forum na to oo nandito ang karamihan dahil sa pera pero bukod dun dapat pa din na ituring ang forum na learning site about cryptocurrency mabuti nga ay one merit lang para sa jr member ang kailangan kaya sa mga nag rereklamo diyan ay dapat mag pasalamat pa din tayo kasi hindi ganon kadaming merits ang kailangan always be thankful po tayo.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Charlescepeda on September 18, 2018, 01:16:57 PM
Wala talaga tayong magagawa dahil iyan ang kanilang rules at kailangan lang nating sundin at para sa akin ito ay okay lang ito dahil ang dami na ng mga farming accounts kung saan nagiging malala na

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Dyanggok on September 18, 2018, 01:20:25 PM
Ang pinaka malaking apektado dito is yung mga Jr. members na nag si-signature campaign na biglang na demote. Wala naman magagawa yung mga bounty managers sa mga sinalihan nilang bounty para ma solusyunan yung issue dahil hindi naman makakapag suot ng siggy yung newbie diba? Good luck and sana makabalik agad yung mga na demote lalong lalo na sa mga kababayan natin na lumalaban ng parehas.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: markdario112616 on September 18, 2018, 02:07:27 PM
waste of time lang pag ppost ng sinasabi niyong "quality" content. xempre ung mga luma, kahit mga basura nilang posts nabigyan na ng merit lolz

Then this prove na isa lang talaga ang pinunta mo dito, Sir. At yung ang gawin hanap buhay ang pagbbounty, sa komento ding eto pinapakita mo na masyado mong minamaliit mo ang kakayanan mo. Oo, siguro nga may edge ang mga matagal ng nandito, pero bakit naman ang ibang nagsimula lang din baba eh onti onti nakakaangat?  Ang point dito is, bat natin lilimitahan ang sarili natin sa pag unlad kung kaya naman natin makipag sabayan sa kanila? At  dapat kung sa simpleng pag gawa ng quality content eh nageexpect tayo agad ng kapalit tulad ng merit, Hindi dapat ganun.

Do post in the intent of sharing your knowledge and for the benefit of all, Hindi yung puro pansarili lamang ang iniisip. This a forum to start with, not an employer.

anong pansarili? tanga ka ba? iniisip ko nga ung mga newbie na baguhan na limited ang knowledge about crypto or blockchain? malamang ikaw 100+ merit mo, kung current na pamantayan ang basehan ilan kaya merit mo ngayon?  ;D oh ano sino ngayon ang makasarili. palibhasa mga basura mong posts nabigyan ng merit.

Read between the lines sir ;). "Waste of time ang pag ppost ng quality content" kung naiitindihan mo lang din sana yung sinulat mo. Defend mo ng maayos yung pinost mo, You didn't even address those newbies. Naka general ang post so anong basis mo nun? Wala ka ngang din binangit na "knowledge..."

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: GDragon on September 18, 2018, 02:38:43 PM
Masasabi kong ang restriction na ito ay malaking bagay para sa ikagaganda ng forum na sapagkat matutulungan nitong tanggalin ang mga walang kwentang account na wala ng ginawa kundi mag spam. Ayun naman ang pinakaproblema ng forum natin diba? ang walang kamatayang spam, siguro sa restriction nato di man mapuksa ng tuluyan ang mga spammer pero mabawasan ang karamihan sa kanila ay sapat na.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: spadormie on September 18, 2018, 02:42:51 PM
I think it's better to put it this way. Jr member, grabeng kalat na to sa forum na to. And puro jr member kasi yung mga nagbobounty. Pero, di naman natin sila masisisi. Kasi napagkakakitaan tong forum and nagiging opportunist sila.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: princess22 on September 18, 2018, 03:25:19 PM
Ang hirap talaga kung galung sa baba,hinihila pababa parin di mabigyan nang chance,eh kahit piso wala pa akong natanggap tapos ganito pa,talagang masakit sakin dahil hirap kayang magload dahil binigyan mo nang pagmamahal at sinsiridad ang ginawa mo,sanay ng iba ay huwang masyadong magpanghusga o mag underestimate nang baguhan dahil galing rin kayu diyan di lahat ay walang katuturan ang sinabi namin dahil pinaghirapan rin nang iba.,cguro nadamay nalang lahat.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: merlyn02 on September 18, 2018, 04:53:11 PM
para sa akin ayos lang. wala naman tayo magagawa rules nila yan eh sumunod nalang tayo. mas masakit nangyari sakin hero na nahack mas ok na sa akin ang newbie di masyadong mainit sa mata ng mga hacker. active ako sa bitcointalk pero nag babasa basa lang ako kaya di ako masyado apektado ng merit system na yan. nakakalungkot lang din kasi marami jr account dito  ang bumalik sa newbie. pag husayan nyo nalang guys ang post para mabigyan kayo ng 1 merit at makabalik kayo sa jr.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: crwth on September 18, 2018, 05:17:42 PM
waste of time lang pag ppost ng sinasabi niyong "quality" content. xempre ung mga luma, kahit mga basura nilang posts nabigyan na ng merit lolz
Probably you don't understand why the merit system was implemented here in the first place. There are a lot of people like you who are just here for bounties. A lot of people say they are doing Bitcoin; it's not this forum, it's a currency. It's just that this forum lets you do some work and get paid in Bitcoin. Yun na Kasi naging mentality dito ng Pinoy eh, puro pera puro bounty. Nothing more nothing less. That kind of thinking is what makes the Local board such a waste. Masaya mag improve. Masaya matuto, especially for our kababayan. Diba nga sabi nila ang pinoy daw mahilig tumulong? Bakit hindi natin tulungan gandahan ang ating local? Hindi puro negative na ganyan?

Siguro if you posted the right content with the right kind of post (where it is not plagiarized)  and helpful siya, kung merit source na ko, imemerit kita eh. But you said that waste of time yung “quality” content. Lakas mo makapag sabi ng tanga, hindi tama yang ganyan.

~snip
anong pansarili? tanga ka ba? iniisip ko nga ung mga newbie na baguhan na limited ang knowledge about crypto or blockchain? malamang ikaw 100+ merit mo, kung current na pamantayan ang basehan ilan kaya merit mo ngayon?  ;D oh ano sino ngayon ang makasarili. palibhasa mga basura mong posts nabigyan ng merit.

We should all be helping together, not bashing each Other. There’s nothing wrong with participating in bounties; the problem is shit posting.

P.S. I was reading the content of this thread, and I managed to stumble upon this golden post.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: darkangelosme on September 19, 2018, 07:25:19 AM
Kung ako tatanungin ok lang naman yan atleast mababawasan na yung mga may multiple accounts sa mga bounties, yan kasi yung main reason e kaya dumadami ang tinatawag nilang shits post. Ang mapait lang sa bagong system nato kawawa talaga yung mga real na newbies na hindi naman hinangad ang mang mag multiple accounts, pati sila apektado ng systemang ito, nakakalungkot lang talagang isipin na ganyan talaga ang ang mundo kailangan mag sakrepisyo ang iilan para sa ikakabuti ng mas nakararami. Saludo talaga ako sa mga newbies at jr. members na matapat

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: rommelzkie on September 19, 2018, 08:40:44 AM
Wow ang dami na palang nag bago dito ah. grabe pahigpit ng pahigpit ang system ng btc talk. from merit system ngayon newbie restriction na

sigurado mauubos na yung mga bot nyan unless dun sa mga biniling account

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Sleepy18 on September 19, 2018, 08:50:42 AM
Sa tingin ko, may advantage at dis-advantage ang new meta update ng bitcointalk.org ngayon. Marami sa mga jr.member noon ang naalis sa sinalihan nilang signature campaign.

Advantage: sa dami ng jr.member, kinakailangan ng ganitong update para maiwasan at mawala ang gumagamit ng madaming account.

Disadvantage: di pabor sa gaya kong jr.member dati na wala pang merit, pero ayos lang.
hahah may resolba naman dito partner ee!
Dapat yung mga high rank na kapwa natin pilipino, kapag nakikita nila na good poser, pwede naman siguro makatulong at magdonate ng merit :) kase yung mga high rank ang mga sources na talaga ng merits.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: lienfaye on September 19, 2018, 09:15:49 AM
Maraming naapektuhan na jr. member sa new rules na ito pero wala tayong magagawa kundi ang sumunod dahil mayroon namang valid reason kung bakit ito pinatupad. Kalimitan kasi ng mga shitposter, multi accounts na sumasali sa bounties mga jr. member (although hindi lahat dahil may nakikita naman akong matitino).

Ang edge lang naming matagal na dito sa forum hindi kami affected sa merit system kaya may mga nagsasabi na unfair sa kanila o wala naman kasi kami sa kalagayan nila na naapektuhan ng new rules na ito. 1 merit lang naman ang kailangan at madali itong makuha kung quality content ang pinopost mo o basta useful para sa mga members. Meron pa akong smerit at willing akong magbigay sa mga kababayan natin na deserving mag rank up base sa post.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: AMHURSICKUS on September 19, 2018, 11:44:49 AM
Noong unang labas ng merit marami na ang na apektuhan, anu pa kaya ngayon na dinagdagan pa nila at mas pinahigpit.
Ang bagong sistema na ito ay maganda kasi lalong mababawasan ang mga spamers at mga shitposter.
Pero sa kabilang banda masama para sa mga newbie kasi kailangan na mas pagsikapan pa nila ang pag post dito upang mabigyan sila ng merit. Minsan kasi matataas ang standard ng mga nag bibigay kaya mahirap makakuha, good luck na lang po sa lahat.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: burner2014 on September 19, 2018, 02:27:00 PM
Noong unang labas ng merit marami na ang na apektuhan, anu pa kaya ngayon na dinagdagan pa nila at mas pinahigpit.
Ang bagong sistema na ito ay maganda kasi lalong mababawasan ang mga spamers at mga shitposter.
Pero sa kabilang banda masama para sa mga newbie kasi kailangan na mas pagsikapan pa nila ang pag post dito upang mabigyan sila ng merit. Minsan kasi matataas ang standard ng mga nag bibigay kaya mahirap makakuha, good luck na lang po sa lahat.

marami talaga ang apektado nito lalo na dun sa mga baguhan na kasali sa isang campaign, pero magkaganun man para naman ito sa ikagaganda ng ating forum, oo mas pinahirap lalo na sa mga baguhan pero ok na rin yun para yung mga post nila mas mapagisipan nila hindi basta lamang may masabi

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Aying on September 19, 2018, 02:30:00 PM
Noong unang labas ng merit marami na ang na apektuhan, anu pa kaya ngayon na dinagdagan pa nila at mas pinahigpit.
Ang bagong sistema na ito ay maganda kasi lalong mababawasan ang mga spamers at mga shitposter.
Pero sa kabilang banda masama para sa mga newbie kasi kailangan na mas pagsikapan pa nila ang pag post dito upang mabigyan sila ng merit. Minsan kasi matataas ang standard ng mga nag bibigay kaya mahirap makakuha, good luck na lang po sa lahat.

pinahigpit naman nila ito sa kadahilanan na marami pa rin na mga baguhan ang hindi sumusunod sa rules, at marami talaga ang mga baguhan na basta makapagpost ay ok na, yung memasabi lang baga. yun ang iniiwasan ng mga bossing natin dito sa bitcointalk.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: shadowdio on September 19, 2018, 02:49:12 PM
bumabaha kasi ang mga multi accounts para lang makasali sa signature campaign pag maraming account malaki ang kikitain tapos ang post nila konti lang at copy paste pa yung iba, ayan tuloy hinihigpitan na ang forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: EverydayBtc on September 19, 2018, 03:48:33 PM
Nung una nagulat ako sa bagong sistema dahil madami sa mga kakilala ko na jr. member ang mga natakot dahil sa bagong rules pero para sakin ayos lang ito dahil malaki naman ang maitutulong nito at napansin ko din ngayon na marami ang mga na demote ang gumagawa ng bagong topic para mag earn ng merit at maka balik sa dati nilang rank.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: escalante28 on September 19, 2018, 11:15:37 PM
Sa palagay ko maganda naman ang maidudulot nito. Isang paraan din para mabawasan yong mga account farming at spam. Pero nakakalungkot para sa iba natin mga kabayan na walang pang merit. Sana meron mga opisyalis dito natutulong sa atin mga kababayan. Sana po sa mga account farmer Jan lumaban naman kayo ng patas masyado na kayong abusado wag niyo naman sana kapalan mukha niyo.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Sandy25 on September 20, 2018, 04:06:46 AM
Sa nkikita ko na campaign now mas malaki na minsan allocation sa social media kyasa sa sigcamp sa dme na kc nagsisig now pero dahil sa new system mdme din mwawala na sig unless avail sila ng copper o merit..  Plan ko din magcopper nlng pag sinipag na ulit magsigcamp.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: llvroyxd on September 20, 2018, 06:14:17 AM
Pansin ko lng din dito sa BTT kailangan mo maging perfect at yung mga nagbibigay ng MERIT eh para lng sa may mga MERIT din madalang lang nagbibigay sa Newbie kahit na may sense at quality na yung post.

Ewan ko ba sadyang madamot or hindi lang nila feel magbigay ng merit sa mga katulad namin.

Dpat pa nga na mas mapagbigay yung higher rank sa lower rank parang yung mayayaman lang nakikihalubilo lng sa mayayaman at nagtutulungan pero yung mahihirap kahit anong gawa at sikap wala pa din nasa baba pa din yung ung tingin ko dito.

Hindi totoo yan. Even yung mga kilalang high ranked members dito sa forum nagbibigyan ng merits to lower level ranks, even brandnew ranked accounts nabibigyan.
Example:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=4434156.msg45735366#msg45735366
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030495.msg45824220#msg45824220
Take note, si Pharmacist pa mismo nag merit sa mga yan.
Point is, Nasa quality lamang talaga ng post yan.
Hindi dapat negatibo and tingin natin sa bagong restriction na ibinigay ni theymos,
it should serve as a challenge to those who doesn't have a single merit awarded to them to create more great quality posts.

Alam ko madaming higher rank member na generous isa na dun si Pharmacist hindi ko naman nilalahat may isa pa si roslinpl nag bigay ng 42 merits sa isang bounty hunter
eto yung post.
One side, senior members are talking about the cleaning of spam poster from this side and another side senior member is giving 42 merits for one post for bounty hunter...
merit giver :roslinpl (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=158505 (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=158505))
merit receiver: i7claufe (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1719874)  you can see his post, he is doing the only bounty...

Suportado ko po yung bago panukala ni theymos since ikakaganda din yan dito sa forum maalis na yung mga basura na post at abusado.

Alam ko isa to sa mga challenges sa mga katulad ko ang point ko lang is sana naman maging considerate or generous din yung mga higher rank sa mga newbie since dadaan kami sa karayom bago mag rank up kung baga kailangan mo pa mag pa impress para mabigyan ka ng merit sa post mo kahit na super good quality post pag hindi feel ng isang tao yung post mo hindi ka talaga bibigyan.

Iwasan nating yung crab na ugali kasi kapag generous ka it will create a ripple effect, yung mga newbie na nag higher rank na gagawin din nila yan sa mga newbie

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: jhenz20 on September 20, 2018, 06:40:36 AM
Ok sakin yung paraan ni Theymos, suportado ko parin iyon kahit na damay ako sa pagbaba nang rank ko sa forum, dahil alam naman natin na kahit anong reklamo pa yung ibato natin sa forum, la rin naman tayo magagawa. Kailangan na lang talaga natin sumunod sa rules at kailangan nang doubleng sipag sa pag post. Ipikita na lang natin sa kanila na deserve rin tayo na mabigyan nang MERits sa pagpost ng mga positibong topic patungkol sa bitcoin. Tanggap ko nang buong-buo yung pinatupad na rules ni Theymos, kaya sipag lang at tiyaga ang kailangan.  ;)

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: PDNade on September 20, 2018, 07:19:49 AM
Para sakin okay lang yan dahil para fair lang naman itong bagong patakaran sa iba. At oo napapansin kong madaming newbie at jr.member ang nag kalat at nag sspam lng sila. Lalo na ang mga may multi accounts. Ginawa naman talaga ang forum na ito dahil gusto lang makita or matutunan ang crypto currencies kumbaga dapat is walang bounty dito...pero dahil kumikita din sila dito nilagyan nila at dahil na din sa nakilala ito na may pagkakakitaan madaming tao na din ang sumali at nag karoon nang havoc just like spamming at multi accounts.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: popster22 on September 20, 2018, 09:06:20 AM
Nakakalungkot. Lang dahil downgraded ako sa newbie pero ganun pa man ganun talaga ang batas ay batas kaya wala tayong magagawa kundi sumang ayun dito.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: warcrydr3 on September 20, 2018, 10:46:58 AM
para sakin na newbie pa lang mahirap kasi kelangan na ng merit para maging jr pero ok lang kasi may mga advantage naman tulad ng kelangan maging active sa forum hindi lang yung puro report post lang ng mga bounty campaign.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: AteenaD on September 20, 2018, 01:55:55 PM
Tingin ko lahat ng ginagawa ni theymos ay para sa ikagaganda ng ating community, sana maging agree ang lahat para dito, mababasawan talaga ang mga shitposter at mas mainam na rin yan para dun sa mga deserve ng merit. Sana lang maging patas ng paghusga nila

Kabayan, hindi ako sumasang-ayon sa iyo. Wala akong nakitang ginawang tama ni minsan man iyang c theymos... pasensya na po. My first account was banned by this individual. It was a Full Member rank by then. He accused me of copy paste. To think na it was my post that someone copied, based on date and time. Nag e-mail ako sa kanya ng ilang beses, para sana i-review niya yung post ko. But my pleas fell on DEAF EARs. That account was my bread and butter, intended sa school needs ng anak ko. So what i did, eto gumawa ako ulit ng new account. I am already a Jr. Member but because of this new rule of this ever so noble man, eto balik na naman ako sa newbie. I am not in any way a "shitposter". I do my postings constructively and intelligently. I do my homework diligently.
Tanong ko lang makukuha ko pa ba yung mga rewards tokens ko dun sa mga signature campaigns na nasalihan ko back when my account was Jr. Member then? Please mga kabayan, i need an enlightenment about this.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: mk4 on September 20, 2018, 03:37:59 PM
Alam ko isa to sa mga challenges sa mga katulad ko ang point ko lang is sana naman maging considerate or generous din yung mga higher rank sa mga newbie since dadaan kami sa karayom bago mag rank up kung baga kailangan mo pa mag pa impress para mabigyan ka ng merit sa post mo kahit na super good quality post pag hindi feel ng isang tao yung post mo hindi ka talaga bibigyan.

Iwasan nating yung crab na ugali kasi kapag generous ka it will create a ripple effect, yung mga newbie na nag higher rank na gagawin din nila yan sa mga newbie

Maniwala kayo saamin kung sinabi kong gusto namin ibigay ang merits sa lower ranks; at sa totoo lang e mas gusto nga ng karamihan na sa lower ranks nalang ibigay kaysa sa high ranks. Ang problema lang talaga ay iilan lang ang may deserve. Palibhasa ang karamihan puros sa bounty threads lang ang posts/replies tapos magrereklamo na walang nagbibigay ng merit.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: creepyjas on September 20, 2018, 03:53:43 PM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.

Sang ayon ako dito. Madaming mga account ang iisa lang ang may-ari upang bombahin ang mga campaign at wala talagang enthusiasm sa industriya. Ang tanging alam lamang ay kumita kaya nadadamay ang ibang mga forum users. Lumiliit ang bounty prize at sila rin ang nagda-dump ng coins once na maibahagi na ang mga premyo pagkatapos ng isang campaign.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: kumar jabodah on September 21, 2018, 07:29:20 AM
Siguradong mahihirapan na ang mga bagohan dito sa forum at ang mga rapist. Dahil mas mahirap na ang patakaran sa forum. Kaya dapat na nilang pagbutihan ang kanilang mga ginagawa at mag ambag ng mga constructive post dito sa forum dahil yun lang ang tanging paraan upang magkaroon sila ng rank sa pamamagitan ng merit.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: doraemon26 on September 21, 2018, 12:09:25 PM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
Ganun talaga ang buhay dami kasi nang sspam sa forum kaya ganun kaya ayan junior demoted sa newbie 😅, pero hindinpa din ako nawawalan ng pag asa na dadating din ang panahon na magbabago din patakaran saka knowledge naman ang habol ko dito sa forum mga tips pano sila magimg successful dito sa larangang ito nakakainspire kasi.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Script3d on September 21, 2018, 12:21:04 PM
Siguradong mahihirapan na ang mga bagohan dito sa forum at ang mga rapist. Dahil mas mahirap na ang patakaran sa forum. Kaya dapat na nilang pagbutihan ang kanilang mga ginagawa at mag ambag ng mga constructive post dito sa forum dahil yun lang ang tanging paraan upang magkaroon sila ng rank sa pamamagitan ng merit.
mahihirapan talaga lalo na yung mga spammer at account farmer dito sa forum wala ng spamming para sa kanila so sad, kung interesado talaga yung mga bagong members makaka labas sila sa newbie kung gagawa lang constructive post at hindi masama yung intention dito sa forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: miyaka26 on September 21, 2018, 06:47:49 PM
para sakin na newbie pa lang mahirap kasi kelangan na ng merit para maging jr pero ok lang kasi may mga advantage naman tulad ng kelangan maging active sa forum hindi lang yung puro report post lang ng mga bounty campaign.
Isang merit lang ang kelangan para magrank up to Jr. member which is kaunting effort lalo na at nadagdagan ang merit sources kayang kaya yan kabayan tama din yung new policy dahil malaking kabawasan sa mga spammer at scammers to may limitations pa ang mga newbie ngayon hindi na pwedeng magsuot ng signature so need na talaga magrank.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: tambok on September 21, 2018, 07:13:26 PM

Advantage na lang din kasi marami talagang hindi din nasunod sa mga rules, at least now susunod na sila sa rules, buti na lang yong mga rank up na ay hindi na naging Jr Member kahit na wala pa silang dagdag merit kapag ngyari yon kawawa lalo and kunti na lang ang mangyayari pero posible din nilang gawin yon kaya galingan na lang natin dito sa forum para lahat tayo ay makajoin sa mga campaigns.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: xFaith on September 21, 2018, 11:56:27 PM
may positive and negative effect sya. positive effect nya is tama nga naman makakatulong nga tong pag babago nila sa system para sugpuin yung mga spammer na nag popost lang ng shitpost. kaso negative effect naman is paano naman yung mga matitinong Jr.member dati na ngayon ay naging newbie ulit na katulad na may mga nasalihan na din bounty campaign na nasa #11 reports na so wala na ma didisqualified nalang. sayang yung effort. finish na talaga! 😅😢

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: mhine07 on September 22, 2018, 12:44:50 AM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
Tama lang naman ginawa ng admin na iupdate ang patakaran para maiwasan nga ang mga multi accounts farming , marami na kasi ang mga bagong member dito at karamihan puro mga newbie na nagkakalat lang dito sa forum. Pahirapan na talaga ang pagtaas ng rank dito sa bitcointalk kasi need mo pa ng merits just to rank up hindi gaya dati na hintayin lang tumaas ang activity at magrarank up na.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Muzika on September 22, 2018, 12:53:16 AM

yan kasi ang di makita ng iba na magiging maayos ang forum talgang may pros and cons lang talaga yang ganyang bagay, kasi kung titignan natin ang mga bounty campaign tlagang naaabuso kung titignan kasi puro jr member ang kasali madaling mag pajunior kaya makikita natin na talagang naabuso kahit na di na mapataas ang mga rank bumabawi yung iba sa dami ng jr member nila at makikita naman din natin na maayos na yung forum dahil talgang nawala yung mga spammer di tulad dati.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: deeofficialx on September 22, 2018, 09:03:17 AM
Para sa akin, may magandang epekto, mababawasan ang spammer at ang mga multi-account user para sa mga bounty. Pero, tulad ng sinabi ko sa isang diskusyon dito sa PH Section, maaaring mas humigpit sila:

Baka nga may sumunod pang update tungkol sa merit requirement na iyan, e. Sa thread, kung saan nai-announce ni theymos ang nasabing pagbabago, may ilang mga panibagong suhestiyon na maaaring mailathala rin. Isa sa mga iyon ay ang pagdadagdag na merit requirement para maging Jr. Member, hindi lang basta 1 merit:

Kaya dapat talaga, para sa mga ayaw maulit ang pagka-demote, magsimula nang sumabay sa kung ano kinakailangan at hinihingi ng forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: jameskarl on September 22, 2018, 10:56:52 AM
Ganyan talaga ang buhay minsan swerte minsan malas kaya tatanggapin nalang natin yong nangyare kasi di naman tayo pwede mag reklamo, Sa garbage post totoo naman po yon sa dami dami naman po talaga nag popost nang mga walang kwentang topic para lang makaka activity o kahit ano kaya ginawa nila yan para narin sa kabubuti ng forum na ito, marami malulungkot pero tatanggapin nalang at hahanap nalang ng bago pagkakikitaan.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: iamlds08 on September 22, 2018, 06:35:36 PM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.

tama ka dyan kabayan kasi marami ngang multiple accounts na panay basura ang post ang nagkalat sa forum lalo na siguro kung wala pang merit system at hnd pa ganito ang patakaran sa jr. members. para sa akin pabor ako.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: onlygodknowsx on September 22, 2018, 07:39:19 PM
Ok na sa new update ng forum don naman tayo sa mga scam bounty campaign gusto ng maayos na post pero palpak sa pag bayad kaya yong iba spam talaga ksai walng kasiguradohan kong babayaran ka or hinde even nag research ka sa pag sali minsan sablay rin talaga

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: Musiclover on September 22, 2018, 09:58:16 PM
Wala ganun talaga hindi naman natin hawak ang mundo. Kung makakabuti ito para sa forum bakit naman hindi. Pasensyahan nalang sa mga wala pang merit tulad ko, talagang pahirapan na to lalo na at beginner palang.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: CryptoBalds on September 23, 2018, 10:59:43 AM
Wala na finish na.! Haha I'm sure na maraming malulungkot dito lalo't na sa mga account farming, at mababawasan narin ang mga spamming post ng mga jr.member kasi hindi na sila makakasali sa mga signature campaign, kaya mapipilitan talaga sila na gumawa ng constructive post para ma bigyan ng kahit isang merit.

kahit napakaganda at very informative ng iyong mga pinost at malaki ang maitutulong nito sa mga gumamit ng forum ay sadyang madalang kang mabigyan ng merit. Kahit pinagpuyatang at niresearch mo ang iyong ipinost kung hindi naman ito papansinin ay bali wala parin.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: tambok on September 23, 2018, 07:57:52 PM

Sad  to say pero ganun nga po ang ngyayari sayang lang pero ayos lang yan tuloy tuloy lang po dapat ang pagpopost ng mga informative para po sa atin din yon, anong malay natin yong iba willing diba, ako pag nakakita talaga ako ng helpful ay kusa kong binibigay ang merit ko ng maluwag sa kalooban ko dahil para sa atin din naman yon, pangit kasi pag nagdamot tayo.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: andreijoaquin on September 23, 2018, 09:14:50 PM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  ???? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
Malaki sigurado impact nito sa mga bounty hunters pero sa tingin ko tama lang na magkaroon ng ganitong systema kasi masyado na din naabo itong forum, isa pa kaya siguro hindi mabigyan ng chance ang karamihan sa mga junior rank kasi nag oover flow na tayo sa newbie pati tuloy yung ibang lower rank napag iinitan. Sana lang after nito mas maging maayos na ulit ang bitcointalk forum tulad ng dati.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: congresowoman on September 25, 2018, 12:59:57 PM
Pero di kaya na mas maenganyo sila na mag farm ng multiple accounts? Syempre lahat naman yan di gagawa ng multi accounts kung wala silang layon na kumita ng mas malaki. Ang lagay kasi downtrend din ang market ngayon kaya lalong kailangan kumita. E kung sa ganitong paraan ay makakakita sila ng malaki, baka di na sila mangahas na mag farm pa ng account para magpasahan ng merit kung sakali?
Pero sa akin naman, okay ang hakbang na ito para lalong masala pa yung talagang marunong sumunod sa mga rules and regulations ng forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: criz2fer on September 26, 2018, 11:49:46 PM

Hanggang kayang lumusot ng iba lulusot. Maparaan din talaga ang account farmers. Meron iba jan may bot pa na ginagamit. Pero sa restriction ngayon, mahuhuli na yung nagbibigay sa mga alt account nila dahil nanjan n yung mga list ng newbies to jr members. Mahahalata mo nman kasi firstime lang sila nabigyan sa tagal n nila dito sa forum.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: kaya11 on September 27, 2018, 10:27:52 AM
Ok lang naman basta di kami damay diyan. Mabuti na yan mababwasan na ang mga multi accounts. Nang sa  gayon ay malinis na ang forum, Dami na nagkalat na mga abuser ng mga bounty campagins diyan. Yung iba rin naman ay gawa-gawa mismo ng mga ponzi at scam ICO para i up ang kanilang thread. Meron naman eh nag popost ng di nila alam kung anu ano sinasabi nila eh. Pag yan antuloy malamang ubus ang alts. Sinu ba naman ang magmemerit sa sarili nilang account na wala namang saysay ang post at matratrack lang sila.

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: burner2014 on September 27, 2018, 11:45:30 AM
Pero di kaya na mas maenganyo sila na mag farm ng multiple accounts? Syempre lahat naman yan di gagawa ng multi accounts kung wala silang layon na kumita ng mas malaki. Ang lagay kasi downtrend din ang market ngayon kaya lalong kailangan kumita. E kung sa ganitong paraan ay makakakita sila ng malaki, baka di na sila mangahas na mag farm pa ng account para magpasahan ng merit kung sakali?
Pero sa akin naman, okay ang hakbang na ito para lalong masala pa yung talagang marunong sumunod sa mga rules and regulations ng forum.

ang nagiging problema kasi kapag sobrang daming hawak na account ay ang pagpopost ng hindi naayon sa topic o minsan lumalayo na sa usapan, gawa nga ng sa sobrang dami ng iniisip, ganito sasabihin sa isang account, ganito naman sa pangalawang account, sa pangatlo diba. kaya apektado talaga kapag sobrang daming accounts. hindi na nagiging maayos ang pagsagot sa mga thread. yung iba dyan minsan obvious na kinakausap na nila yung ibang nilang account

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: john1010 on September 27, 2018, 02:23:09 PM
Payong kapatid lang, maging stick to one kasi yung iba dito, mahalin ninyo ang kaisa-isang account, dahil may alam ako na sa isang tao ay may higit 20 accounts sila, oo nga naman kung isasali sa isang bounty campaign ay harvest talaga, ang problem itong mga account na ito ay di nakapag-focus upang mapataas ang rank, at ang focus lang talaga ay mag-farm.. at sila sila din ang nagbibigayan ng merit, alam po yan ng mga programmer dito, kung matalino daw ang mga Pinoy, pero hawak nila lahat ng logs dito sa loob.. Kaya ito ay isang consequence na pinagbabayaran pati ng mga matitinong account holder dito.. Sana po ay natuto na tayo sa lesson na ito..

Title: Re: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo?
Post by: john1010 on September 27, 2018, 02:26:41 PM
Pero di kaya na mas maenganyo sila na mag farm ng multiple accounts? Syempre lahat naman yan di gagawa ng multi accounts kung wala silang layon na kumita ng mas malaki. Ang lagay kasi downtrend din ang market ngayon kaya lalong kailangan kumita. E kung sa ganitong paraan ay makakakita sila ng malaki, baka di na sila mangahas na mag farm pa ng account para magpasahan ng merit kung sakali?
Pero sa akin naman, okay ang hakbang na ito para lalong masala pa yung talagang marunong sumunod sa mga rules and regulations ng forum.
Naku brod di na rin pupwede yan, dahil pati mga campaign manager ngayon ng matitinong project ay itinaas na rin ang criteria sa mga sasali, mauumpisa ito sa member pataas, yung iba nga ay full member na nagsisimula, kaya talagang itong mga account na ito ay mapipilitang magtino at makihalubilo sa mundo ng maayos at magandang discussion, kasi pansin mo, yung mga farm account na yan eh parang mga addict at lasing lang na di alam ang sinasabi sa isang topic hehehe! Kaya ayun sapul sila ngayon..