Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: NavI_027 on December 29, 2018, 01:52:15 PM



Title: Local Board: Pilipinas
Post by: NavI_027 on December 29, 2018, 01:52:15 PM
Mga kababayan, napansin nyo rin ba na binago ang pangalan ng local board natin switching from "Philippines" to "Pilipinas"?  Ano sa palagay nyo? Sang ayon ba kayo kayo dito?
https://i.imgur.com/kYuqekr.jpg

In my opinion, mainam na binago na ang pangalan ng local board natin at ibinase sa sarili nating lenggwahe (katulad sa case ng Poland, Russia atbp.) dahil mas lumalabas ang pagiging tatak Pinoy nito. Para sa akin ay good sign din ito dahil ibig sabihin lamang nito na patuloy pa rin tayong binibigyang pansin ni theymos at ng ating mga moderators (o sinumang responsable sa nasabing pagbabago) :). Proud to be a Filipino!


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: zupdawg on December 29, 2018, 02:26:52 PM
sakin ok naman yang ginawa nilang Pilipinas yung name ng local board natin kasi yung ibang local board ay hindi naman bansa ang pangalan kungdi lenggwahe din kaya naging parehas lang tayo sa iba pero mas ok pa din kung gawin na Filipino :)


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: kopipe on December 29, 2018, 03:01:32 PM
Gusto ko ang bagong pangalan  ;D


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: bL4nkcode on December 29, 2018, 03:55:05 PM
I just noticed it yesterday and, yup okay naman siya, no big deal since Filipino language meron tayo, edi gawing filipino term din ang ipangalan sa local kesa sa english term.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: sheenshane on December 30, 2018, 05:37:49 AM
Nagtaka nga ako noong nakaaraang araw kasi Philippines ang hinahanap ko pag nais kung bumisita dito sa local board natin ngayon napalitan na pala ng Pilipinas which is mainam pakinggan para sa atin. Hindi lang naman tayo pati din yung ibang local boards pinalitan ang name tulad ng Russia language nila nakalagay pero may word na Russia sa gilid.
Tulad nito.
https://i.imgur.com/YaOZnYz.jpg



Gusto ko ang bagong pangalan  ;D
Paano mo nasabi? ;D ;D :D


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: Mr. Big on December 30, 2018, 07:37:57 AM
Philippines - Pilipinas
+Altcoin ANN
Kahapon lang yan nagawa dahil busy si Theymos nitong mga nakaraan...   :)


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: mk4 on December 30, 2018, 10:12:00 AM
It's a cool change, pero whatever. haha. Astig lang pero hindi naman siya major change na gaganda/papangit ang experience natin dito sa local section na to.

Para saakin weird lang kung bakit pa nila pinalitan.  :D


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: shadowdio on December 30, 2018, 01:03:21 PM
ngayon ko lang ito nakita, ayos na ayos na pinalitan ni theymos ang pangalan para pinoy talaga ang salita sa section natin hehe..


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: zenrol28 on December 30, 2018, 01:13:41 PM
Maganda sana kung Filipino / Pilipino, may punto nga naman yung mga naunang comments. Bansa kasi ang Pilipinas, kung sa lenggwahe naman Filipino / Pilipino. Pero kahit ano pa yan ok saken basta hindi tayo naiispaman galing sa ibang bansa.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: Muzika on December 30, 2018, 02:56:58 PM
Maganda sana kung Filipino / Pilipino, may punto nga naman yung mga naunang comments. Bansa kasi ang Pilipinas, kung sa lenggwahe naman Filipino / Pilipino. Pero kahit ano pa yan ok saken basta hindi tayo naiispaman galing sa ibang bansa.

Pwede din naman na "PILIPINAS (FILIPINO)" tulad ng mga local boards ng ibang bansa, pero anyway wala naman issue sa ganong usapin marerecognized pa din naman tayo as pinoy sa local thread natin.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: cleygaux on December 30, 2018, 04:44:11 PM
Akala ko namali lang ako kasi nagtataka ako nung isang araw bat Pilipinas nakalagay napaisip tuloy ako kung nagbago nga ba or nalito lang ako yun pala ngpalit nga siya from Philippines mas ok na rin yan sa tingin ko.



Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: Matimtim on January 01, 2019, 01:32:15 PM
Magandang palatandaan ito na ang pinoy ay hindi nahuhuli maging sa larangang ng crypto bilang palatandaan ay tayoy binibigyan rin ng pagkilala sa simpling pamamaraan na sarili nating wika ang ipinangalan sa ating local board.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: shinharu10282016 on January 03, 2019, 08:57:38 AM
Nakita ko ito last time pa. Appropriate na sya dahil yung ibang local board sa sarili nilang wika nakalagay yung names ng countries nila.

 I think this is fair enough for us too.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: BlackMambaPH on January 03, 2019, 06:30:08 PM
Ngayon ko lang napansin kasi usually pag pupunta ako ng local section or thread ang ginagawa ko Ctrl + F then type Philippines nagulat ako walang Philippines na lumalabas kaya pala pinalitan na.  ;D
Sa tingin ko wala namang problema. Parang mas mainam na din kasi parang sariling lengguwahe na rin natin yung na "Pilipinas" kumpara sa salitang "Philippines".


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: nakamura12 on January 04, 2019, 01:30:14 AM
For me it doesn't matter kung pilipinas man o philippines dahil same lang naman ang tinutukoy na isang bansa na ang tawag ay pilipinas in tagalog and philippines in english. Mas maganda at  mas masarap parin pakinggan ang meron tayong local board dito kahit filipino term or english term man ang nakadisplay as long as meron tayong mga filipino na isang board na ating magagamit ang sarili nating wika.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: abnosial on January 04, 2019, 12:47:00 PM
Ok lang naman na napalitan ang name natin from Philippines to Pilipinas. Ginamit nila ang sarili nating lenggwahe. At kahit na ano pa man, ang mahalaga hindi ito nawala sa Local Board.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: Freddie Aguiluz on January 05, 2019, 08:21:12 AM
Ok lang naman na napalitan ang name natin from Philippines to Pilipinas. Ginamit nila ang sarili nating lenggwahe. At kahit na ano pa man, ang mahalaga hindi ito nawala sa Local Board.

Sang-ayon ako sa iyo kabayan. Para sa akin, hindi malaking isyu kung binago nila ang local board name natin. Tinagalog lang naman niya eh. Okay din sana kung "Pilipino or Tagalog" ang ipinalit di ba? Pero again no big deal sa akin iyan. Ang pinakamahalaga lang naman talaga dito eh iyong hindi tayo nawala o natanggal sa forum na ito.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: eagle10 on January 06, 2019, 05:35:46 AM
sakin ok naman yang ginawa nilang Pilipinas yung name ng local board natin kasi yung ibang local board ay hindi naman bansa ang pangalan kungdi lenggwahe din kaya naging parehas lang tayo sa iba pero mas ok pa din kung gawin na Filipino :)
Tama. Wala namang problema kung baguhin sa tamang lenguwahe na natin, gandang pakinggan. Pero wala ding problema kung hindi binago hindi naman yun ang magiging basehan kung maka pilipino ka o hindi ang mahalaga ay puso kahit pa nasa mundo ka ng crypto.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: cabalism13 on January 06, 2019, 02:56:27 PM
It looks okay, but for me the previous one is still appropriate PHILIPPINES (Filipino) because this is an English Forum (in majority). It's way more formal and way better to read (Just My Opinion). In such case, there is no problem on having it as PILIPINAS, its kinda classic for me, for I'm not that patriotic. :)


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: herminio on January 08, 2019, 03:12:50 PM
It looks okay, but for me the previous one is still appropriate PHILIPPINES (Filipino) because this is an English Forum (in majority). It's way more formal and way better to read (Just My Opinion). In such case, there is no problem on having it as PILIPINAS, its kinda classic for me, for I'm not that patriotic. :)
Agree ako sayo,kasi mas maintindihan ng mga foreigners  kung Philippines ang name ng local forum natin, pero hindi ako against dito, maganda naman siya at tayo2x lang naman ang nagpopost dito sa local forum natin.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: ruthbabe on April 06, 2019, 04:56:27 AM
Tama dahil bansa ang Pilipinas, sa English 'Philippines', ang Pilipinas ay nagmula sa Hispanized word Filipinas, ang old Spanish name ng bansa ay Las Islas Filipinas. Subalit may kaunting kalituhan kapag pinag-uusapan ang Filipino at Pilipino... ano nga ba ang kaibhan ng dalawang kataga sa bawat isa? Ang Filipino ay ang Hispanized o Anglicized na pamamaraan na tumutukoy sa parehong mga tao at wika sa Pilipinas. Tandaan na tama rin sabihin na ang Filipino ay para sa isang lalaki at ang Filipina para sa isang babae. Sa kabilang panig, ang Pilipino ay kung paanong tinutukoy ng mga naninirahan sa Pilipinas ang kanilang sarili, o sa kanilang pambansang wika. Pero kung ia-apply natin ito, ang Pilipino ay magkasingkahulugan sa Tagalog o ang wikang ginagamit sa Metro-Manila, Bulacan, Bataan, at CALABARZON.

Ang "P" o "Ph" ay ginagamit sapagkat ang karamihan sa mga wikang Filipino ay walang tunog na "F" (maliban sa ilang katutubong tao sa Cordillera at Mindanao, tulad ng Ifugao at Teduray). Ang "Ph" ay mula kay Philip, ang Ingles na katumbas ng haring Espanyol na si Haring Felipe II.




Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: Daboy_Lyle on April 06, 2019, 09:24:59 AM
Okay naman ang Pilipinas dahil wikang pambansa naman ang ginagamit sa local na board na ito. Philippines kung sa ibang bansa pero may mga foreigners padin na ang tawag a Pilipinas dahil sa imuwensya nating mga pinoy. Sa pagkakaobserba ko sa Local board hindi lang yung Philippines and napalitan dahil nagpalit ng pangalan ang isa sa ating mga moderators na si rickbig na ngayon ay si Mr. Big. Mabuti na din na Pilipinas ang pangalang ng local board natin kse pinoy naman lahat ang nagpopost/reply dito.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: Jevslasher on April 08, 2019, 04:08:12 PM
Ok naman ang pilipinas ah, kasi filipino ang ginamit sa local board


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: bitcoin31 on April 08, 2019, 10:43:37 PM
Para sa kin ayos naman kung nabago na yung name ng board natin.  Parehas lang naman ng Meaning chaka wala namang mawawal sa atin at nabago sa Board natin at kung makikita mo na mas nagiging maayos ang Board ng Pilipinas.


Title: Re: Local Board: Pilipinas
Post by: Zurcermozz on April 09, 2019, 08:04:23 AM
Okay lang naman kahit mabago, dahil nandun parin ang word na kumikilala sa ating bansa, wala din naman mababago sa forum na ito , dahil local board lang naman natin. Ang masama pag binago ulit ito at ginawang MAHARLIKa, mag kakaroon ng pagkalito ang ibang miyembro natin  ;D ;D