Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: eagle10 on February 19, 2019, 08:33:03 AM



Title: What do you think of JPM coin? Panira ng mood ng cryptocurrency?
Post by: eagle10 on February 19, 2019, 08:33:03 AM
Parang ayaw tigilan ni Jamie Dimon cryptocurrency ano? Noong una napaka intrimitido nya na patayin ang bitcoin. Isang napakalaking scam daw tapos nung bumaba ang halaga ng bitcoin bumili naman sya. Ngayon naman maglulunsad ng sariling crypto ang JPM, pamatay daw ng XRP. Para syang isang master showman o master tactician? Ano ang masasabi nyo? He loves bitcoin pero sadista ang paraan nya para mapansin?


Title: Re: What do you think of JPM coin? Panira ng mood ng cryptocurrency?
Post by: mk4 on February 19, 2019, 09:22:46 AM
Noong una napaka intrimitido nya na patayin ang bitcoin. Isang napakalaking scam daw tapos nung bumaba ang halaga ng bitcoin bumili naman sya.
Disadvantages of unregulated markets. For now pwede niya ito gawin ng gawin legally. Pero sa totoo lang, ang kelangan magbago e ung mga investors mismo; dapat hindi sila masyadong nagpapaniwala sa kung sino sino. Tinawag lang ni Jamie Dimon na "scam" ang bitcoin, nag drop na agad ng price. Very obvious na angdaming tao sa cryptocurrency space na di nila alam ang ginagawa nila.

Ngayon naman maglulunsad ng sariling crypto ang JPM, pamatay daw ng XRP.
To be fair, hindi si Jamie Dimon or JPMorgan ang nagsabing "XRP killer" ang JPM; mga media outlets ang nagsasabi.

Para syang isang master showman o master tactician? Ano ang masasabi nyo? He loves bitcoin pero sadista ang paraan nya para mapansin?
Well, obviously, alam niya ginagawa nya upang kumita through manipulation. CEO siya ng investment bank so malamang marunong sa pera yan.


Title: Re: What do you think of JPM coin? Panira ng mood ng cryptocurrency?
Post by: mcnocon2 on February 19, 2019, 03:04:40 PM
Sa tingin ko master tactician yan si Jamie Dimon, alam nyang maimpluwensyang tao sya kaya pilit nyang winawasak ang impresyon ng bitcoin sa mga tao para lalong bumaba ang presyo nito para makabili sya. Tingin ko naman sa JPM coin ay hindi panira sa mood ng cryptocurrency dahil malaking tulong yan para mas Lalo pang makilala ito.