Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: eagle10 on February 24, 2019, 10:32:33 AM

Title: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: eagle10 on February 24, 2019, 10:32:33 AM
Marami akong nababasa na malapit na ang bull run kc umaakyat na si bitcoin at breaking resistance na sya sa mga punto pero parang di pa rin ako natitinag na tataob na si bear market kc madalas overnight lang mangyari ang biglang pagtaas at pagbaba ng presyo. Sa palagay nyo ba ay bullish sentiment na nga ang nararamdaman nating unti unting pagtaas?

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: mk4 on February 24, 2019, 01:46:43 PM
I'm personally definitely not a TA expert, pero I expect na hindi $3200 ung lowest na pwedeng maabot ng price this year. Yes, knowing bitcoin, pwede tayong bumalik sa $5,000+- range at bumagsak a few weeks later; but at the same time, baka $3200 na ung lowest. Slightly leaning against bearish parin ako personally. But then again like always, no one knows.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: DonFacundo on February 24, 2019, 02:50:42 PM
medyo duda pa rin ako kasi pwede pa itong bumaba baka trap lang ito, siguro pag bumulusok ng $4500 senyales ito para sa akin na mag bull run.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: superving on February 24, 2019, 03:41:54 PM
Hindi pa cguro panahon ng mga bulls ,  kanina lng nasa 4189$ ang btc lumipas lng ang 30 minutes naging 3840$ napakabilis bumaba ng price pero sa pagtaas napakabagal.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: mcnocon2 on February 24, 2019, 04:14:44 PM
Sa ngayon masasabi kong manipulation lang ang mga nangyayari sa merkado natin ngayon. Ang bull run ay hindi basta basta mangyayari yan, kailangan nyan ng magandang basis o panghahawakan kung bakit tataas ang presyo katulad ng ETF approval at yung halving na malapit ng mangyari.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: dark08 on February 25, 2019, 02:41:49 AM
Hindi pa cguro panahon ng mga bulls ,  kanina lng nasa 4189$ ang btc lumipas lng ang 30 minutes naging 3840$ napakabilis bumaba ng price pero sa pagtaas napakabagal.

Ganyan talaga pahirapan na ang pag taas dahil kung papansinin mo maraming investor ang nagsilipatan na sa mga potential altcoinbut the good thing is you can buy bitcoin in a low price dahil kapag tumaas ulit ito panigurado malaki ang kikitain mu.
Well ang masasabi kulang hindi pa ito ang simula ng bull run para jay bitcoin in just a minute biglang bawi nya at unti unting bumaba nanaman, its better to observe the market relax lang at darating din ang bull run.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: crwth on February 25, 2019, 02:44:21 AM
I think medyo bias yung mga prediction, knowing na all the people want is to sell high, maybe the market is moving a lot knowing that a lot of major corporations are going in, and a lot of investors are encouraged to invest in it. It’s just how it works. Maganda mag hope na umakyat pero some indicators say it’s not yet going to go up ever since the drop in price.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: ice18 on February 25, 2019, 04:23:55 AM
Again market is heavily manipulated pagdating ng 4,200 bumaba na sa 3800 so wala pa akong nakikitang bull run kung ganito ang mangyayari sa crypto market mga whales lang talaga ng ngmamaniobra sa ngayon kung makapasok na ang institutional investors mas malapit na sa katotohanan na manumbalik na ang market kasi mahihirapan na ang mga whales kung mas malaki ang kakompetensiya nila sa market. 

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Westinhome on February 25, 2019, 09:32:17 PM
Sa tingin parang hindi pa siguro tataas man lang yan pero hindi pa natin matatawag na bull run or bullish sentiment. Nakita natin ngayon tumaas siya pero bigla naman ito bumagsak agad. At kailangan pa siguro na ilang buwan na makaka recover ito ulit sa mataas na halaga.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: harizen on February 25, 2019, 09:41:26 PM
Ako sa inyo wag niyo na lang isipin yang mga ganyang concern. I admit ganyan din ako dati and then I realized something...

Bakit? Kasi nagkakaroon lang kayo ng mga expectations. Karamihan sa mga tao ngayon tumaas lang ng biglaan; "bull run is coming" "is this the start of bull run" "yan na tumataas na sya, simula na" -_-. Lahat ng sagot ay Speculation pa rin. Or mas magandang tema is "opinyon".

Go with the flow lang at hayaan muna natin magprogress ang BTC ng walang halong speculation. If bibili, go. If magbebenta go. Stay on your goal while doing some realistic analyzation. Magkakaroon lang kayo ng confusion nyan kung anong gagawin if kada sudden change, may kaakibat na tanong.

Focus on accumulation para kung sakaling dumating na iyong pangarap na bull run ng lahat, e di lahat makakapag take advantage. Kahit maglapag ako ng TA dito useless din once na spoiled ng certain trend. Maraming propesyonal na TA ang nawasak last year. Ganyan ka volatile ang crypto.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: GreatArkansas on February 26, 2019, 12:32:18 AM
Walang makakapag sabi niyan, para sa akin tuloy parin ang accumulating ko ng bitcoin, just buy the every dip. Hindi ako nagmamadali sa pag taas ng presyo ng Bitcoin. Ang aking inaasahan ay ang adoption ng bitcoin o blockchain.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: steampunkz on February 26, 2019, 04:21:11 AM
medyo duda pa rin ako kasi pwede pa itong bumaba baka trap lang ito, siguro pag bumulusok ng $4500 senyales ito para sa akin na mag bull run.

Sa tingin ko ngayon meron parin nag mamanipula ng prices ng BTC and iba pang altcoins, as of ngayun ang price ng btc ay nasa 3,8k$ samantalang nung isang araw lang nasa 4.1k$ na. Pero atleast good news parin kasi tumaas kahit papano ang price this past 2 months.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Lassie on February 26, 2019, 08:04:50 AM
umakyat na ang presyo around 4,100 pero bumagsak din agad down to 3,700 medyo magulo pa kung iisipin kung san range pupunta ang presyo ni bitcoin basta ang maganda ay mag tabi lang tayo ng coins na extra natin para kung sakali na pumalo ay malaki ang magiging pera natin

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: sheenshane on February 26, 2019, 04:08:30 PM
snip-
Focus on accumulation para kung sakaling dumating na iyong pangarap na bull run ng lahat, e di lahat makakapag take advantage. Kahit maglapag ako ng TA dito useless din once na spoiled ng certain trend. Maraming propesyonal na TA ang nawasak last year. Ganyan ka volatile ang crypto.
You are definitely right, last year there's too many proclaiming themselves as an expert on speculation that by the last quarter of the year Bitcoin will go up like what happened in 2017. But since nothing happens besides, natawa pa sila na nagkamali lang sa pag speculate.
In that case, even how an expert on TA it seems doesn't work because as what you've said the market is unpredictable and we must go on the flow.
As of now, we should have patiently wait when the market recovers itself and hoping that our goal profit was there.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: xenxen on February 26, 2019, 08:35:50 PM
hindi parin malinaw kung bull run nanga kasi hindi parin maganda yung takbo nang presyo parang minamanipula parin parang trap lang saglit lang yung pag taas tapos biglang baba..

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: letecia012 on February 27, 2019, 11:04:49 AM
hindi parin malinaw kung bull run nanga kasi hindi parin maganda yung takbo nang presyo parang minamanipula parin parang trap lang saglit lang yung pag taas tapos biglang baba..
Pina excite lang tayo ng mga whales pinakagat ng ilsng araw and all of a sudden bigla sila mag dump. Kaya mhirap sumakay minsan pag kunting rally sa market baka ma trap sa taas.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Experia on February 27, 2019, 03:23:14 PM
hindi parin malinaw kung bull run nanga kasi hindi parin maganda yung takbo nang presyo parang minamanipula parin parang trap lang saglit lang yung pag taas tapos biglang baba..
Pina excite lang tayo ng mga whales pinakagat ng ilsng araw and all of a sudden bigla sila mag dump. Kaya mhirap sumakay minsan pag kunting rally sa market baka ma trap sa taas.

bakit sa tuwing gagalaw yung presyo lagi na lang whales ang sisisihin natin? Madaming factor kung bakit gumagalaw ang presyo ng bitcoin at ng mga alts sa markets, di lang whales ang nakakapag pagalaw nyan.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Lpim01 on February 27, 2019, 08:08:27 PM

Oo nga, pero kadalasan sila ang gumagawa ng mga hypes nuon kaya pwede ring masasabi natin na hanggang ngayun ay ginagawa parin nila. Though, makikita naman natin that they capable of doing it pero sa tingin ko, itong nga pagbabago sa market ay hindi kagagawan ng mga whales, ito lang ay isang normal na market fluctuations.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: cydrix on February 28, 2019, 03:04:25 PM
Marami akong nababasa na malapit na ang bull run kc umaakyat na si bitcoin at breaking resistance na sya sa mga punto pero parang di pa rin ako natitinag na tataob na si bear market kc madalas overnight lang mangyari ang biglang pagtaas at pagbaba ng presyo. Sa palagay nyo ba ay bullish sentiment na nga ang nararamdaman nating unti unting pagtaas?
Lahat at biglaan pag si bitcoin ang pinaguusapan pero wag tayo mabahala di pa naman katapusan ng bitcoin eh. Sa sinabi mo nga medyo napapadalas lang ang pag bago bago ng presyo nito na hinde maiiwasan ngunit ito rin ay nakaka apekto sa mga gusto bumili. Stay base lang mga pre tataas at tataas yan tiwala lang wag umasa hehe goodluck mga pre.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Dadan on February 28, 2019, 03:14:57 PM
Sa tingin ko hindi ito bullish sentiment kasi bigla na lang bumababa ang presyo ni bitcoin, tingin ko hindi pa ito ang tamang oras o panahon para mag invest kasi hindi pa natin alam ko ito ba ay tataas na ng tuloy tuloy o bababa din agad. Tingin ko pag dating ng april nasa $5000 o higit pa ang magiging presyo ni bitcoin, pero ngayon hindi ako sigurado kung tataas ba o hindi kasi biglang tataas tapos bigla ding baba kaya wala pang kasiguradohan ang pagtaas nito.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Carrelmae10 on March 06, 2019, 02:14:41 AM
..sa tingin ko lang,,hindi pa napapanahon ngayon ang bullrun,,ang biglaang pagtaas ng Bitcoin sa market ay malamang manipulasyon lang ng karamihan para dumami muli ang tumangkilik nito,,kasi sa agarang pagtaas ng halaga nito,,bigla rin itong bababa..pero magandang senyales na rin ito para sa tuloy tuloy na pagtaas ng halaga ng Bitcoin,,sa tingin ko rin,,malayo muli ang mararating ng Bitcoin ngayong taon,,at habang lumilipas ang araw,,tataas ng tataas ang halaga nito basta magtiwala lang tayo..

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: pinoycash on March 06, 2019, 05:58:48 AM

Kung titingan mo ang volume almost 100% ang itinaas ng trading volume and overall cryptocurrency market.

Ito ang isang indikasyon kung maganda ang atmosphere ng market or hindi. Madami din nagsasabi na ang bullrun ay malapit na pero wag masyado umasa :D

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: coin-investor on March 06, 2019, 11:59:13 AM
Mahirap pa ring umasa kala ko nga papunta na tayo nung pumalo sa $4klevel pero hindi pa pala at bumagsak uli at ngayun para ulit to yo nag uumpisa, ganun ng ganun tayo ng konti bagsak uli parang nagiging one step forward two step backward kaya parang nasanay na ako darating din naman basta magparami ka lang ng stocks.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Lpim01 on March 07, 2019, 02:43:38 PM
Mahirap pa ring umasa kala ko nga papunta na tayo nung pumalo sa $4klevel pero hindi pa pala at bumagsak uli at ngayun para ulit to yo nag uumpisa, ganun ng ganun tayo ng konti bagsak uli parang nagiging one step forward two step backward kaya parang nasanay na ako darating din naman basta magparami ka lang ng stocks.
Mahirap talaga kapag nag-expect tayo nang sobra, kasi sa uri ng market natin talagag napaka volatile nito hindi natin alam kung saan patungo either pababa  or pataas na naman. Siguro kailangan lang natin na prepare tayo always and always take advantage for every pumps na mangyayari, kasi yun lang ang pag-asa natin na kumikita.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: letecia012 on March 08, 2019, 11:12:53 AM
Tumataas blna trading volume ni btc  morethan 9bln$ na ang 24 hour trading volume. Good indication na meron ng pressure for going up sana maka hold man lang kahit  sa 4k$ level.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: Lassie on March 08, 2019, 12:54:36 PM
medyo mabagal pa ang galaw hopefully these coming weeks will be a good news sa mga crypto holders na katulad ko :)

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: pinoycash on March 08, 2019, 03:38:08 PM
medyo mabagal pa ang galaw hopefully these coming weeks will be a good news sa mga crypto holders na katulad ko :)

This slow upward price movement is better compare to one shot to the moon that happen last 2017. In this way we can reach an organic price growth and preven't another 2018 bear market disaster.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: bitcoin31 on March 08, 2019, 03:59:41 PM
Sa mga nakalipas na linggo ang presyo ng bitcoin ay nananatili sa kanyang presyo na mahigit $3800 . Makikita natin kung talagang magaganap ang bull run sa mga susunod na mga linggo or buwan kung tataas ang presyo ni bitcoin na talaga namang inaasan asam ng lahat.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: rnchavez19 on March 09, 2019, 05:27:09 AM
medyo mabagal pa ang galaw hopefully these coming weeks will be a good news sa mga crypto holders na katulad ko :)

This slow upward price movement is better compare to one shot to the moon that happen last 2017. In this way we can reach an organic price growth and preven't another 2018 bear market disaster.

well yeah, you are right. it can provide more "observational" data rather than being too volatile which is highly risky.
by that more preparations can be done and traders wont be surprised (or even just have a heart attack)

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: pinoycash on March 09, 2019, 07:39:20 AM
well yeah, you are right. it can provide more "observational" data rather than being too volatile which is highly risky.
by that more preparations can be done and traders wont be surprised (or even just have a heart attack)

People learned already from their past mistakes during the last bull run and retail investors are now too cautious and skeptical in cryptocurrency. But this is where FOMO strikes in and they will rush in buying crypto's when its already too late and the same scenario happens in early 2018

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: mcnocon2 on March 09, 2019, 12:23:04 PM
Marami akong nababasa na malapit na ang bull run kc umaakyat na si bitcoin at breaking resistance na sya sa mga punto pero parang di pa rin ako natitinag na tataob na si bear market kc madalas overnight lang mangyari ang biglang pagtaas at pagbaba ng presyo. Sa palagay nyo ba ay bullish sentiment na nga ang nararamdaman nating unti unting pagtaas?
Mahirap masabi na nasa bullish state na tayo dahil madalas ding nagdudump ang market. Sa tingin ko ang kailangan natin ay isang magandang balita na magaalis ng duda sa mga namumuhunan sa merkado ng crypto. ETF approval, isa ito sa magtitrigger ng bull run kaya subaybayan natin ito.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: aimata27 on March 09, 2019, 02:54:38 PM
Marami akong nababasa na malapit na ang bull run kc umaakyat na si bitcoin at breaking resistance na sya sa mga punto pero parang di pa rin ako natitinag na tataob na si bear market kc madalas overnight lang mangyari ang biglang pagtaas at pagbaba ng presyo. Sa palagay nyo ba ay bullish sentiment na nga ang nararamdaman nating unti unting pagtaas?

Walang makakaalam kung kailan mangyayari ulit ang bull run.Tayo'y maging handa na lang sa kung ano man ang mangyayari. Mag ipon lang tayo ng mga altcoin hanggang sa kung anong kayang maipon ngayon para kapag dumating na ang panahon na tumaas na ulit ang mga presyo ay magkakaroon tayo ng kita sa ating mga puhunan.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: letecia012 on March 11, 2019, 03:04:58 AM
Marami akong nababasa na malapit na ang bull run kc umaakyat na si bitcoin at breaking resistance na sya sa mga punto pero parang di pa rin ako natitinag na tataob na si bear market kc madalas overnight lang mangyari ang biglang pagtaas at pagbaba ng presyo. Sa palagay nyo ba ay bullish sentiment na nga ang nararamdaman nating unti unting pagtaas?
Current price range of bitcoin is at 3.9k$ parang ito na yung string support ni bitcoin at consolidation stage parin ito ngayon. Hindi nstin masasabi kung tspod na ang bear season pero palagay ko malapit ns malapit na. Wala pa balita sa ETF application sa U.S. sec siguro ito pa ang inaantay ng mga investors bago mag pump hard.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: rnchavez19 on March 11, 2019, 05:42:33 AM
medyu maagap pa na sabihin na matatapos na ang bearish market, mahirap talaga maging sigurado
pero i expect na ang bitcoin will moon out by the last quarter of 2019. just saying. sana nga mga pips. panahon na

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: lienfaye on March 11, 2019, 11:24:55 AM
Lahat naman ng nababasa natin o sinasabi ng mga "expert" dyan ay mga predictions lang, walang assurance kung mangyayari o hindi kaya wag rin tayo dumipende sa mga ganyan para hindi madismaya.

Mas maganda kung wag mo na lang isipin yung lagay ng market ngayon, kasi kung maka recover man ang value ng mga coins na hawak mo i expect mo pa din yung pagbaba ulit dahil sa mga investors na magbebenta. Hanggat hindi consistent ang galaw pataas ng market wag na lang i assume na bull run na para hindi masyado umasa.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: crairezx20 on March 11, 2019, 02:00:14 PM
Sa palagay ko hindi pa dahil ang layo pa ng blockchalving. Next year baka masabi nating parating na ang bull market after block halving at 2021 ang taon na sa palgay tuloy tuloy ang pag akyat ng presyo ng bitcoin at ibang crypto same sa nang yari last 2016 after block halving tuloy tuloy ang pag akyat ng presyo hanggang 2017 at bumagsak ang presyo ng bitcoin after 2018.

Kaya sa palagay ko malayo pa ang bull run.

Title: Re: Tumataas ang bitcoin bullish sentiment na ba?
Post by: pinoycash on March 11, 2019, 06:30:22 PM
Lahat naman ng nababasa natin o sinasabi ng mga "expert" dyan ay mga predictions lang, walang assurance kung mangyayari o hindi kaya wag rin tayo dumipende sa mga ganyan para hindi madismaya.

Mas maganda kung wag mo na lang isipin yung lagay ng market ngayon, kasi kung maka recover man ang value ng mga coins na hawak mo i expect mo pa din yung pagbaba ulit dahil sa mga investors na magbebenta. Hanggat hindi consistent ang galaw pataas ng market wag na lang i assume na bull run na para hindi masyado umasa.

Cryptocurrency market is unpredictable that's why Technical analysis wont work in crypto market. The same reason we cannot predict if the bull is coming or not.

The same principle applies Do not HODL that you cannot afford to lose. Invest wisely and exit at the right time.