Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: lienfaye on May 03, 2019, 08:30:43 AM

Title: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: lienfaye on May 03, 2019, 08:30:43 AM
Hindi pa rin natin masasabi na tapos na ang bearish trend pero kahit papano nagkaron naman ng minor recovery dahil from $4k nasa 5600$ na ang current value ng bitcoin ngayon.

As of now bitcoin, eth at IOST tokens ang hawak ko. Yung iost kinita ko siya last year sa sig campaign at umabot ng 23k ang weekly na value nya that time, bale 6500 iost tokens kasi ang weekly na sahod. Kaya still waiting sa time na worth it na sya para i sell.

Sa nagdaang mababang value ng btc at altcoins meron ba kayong nabili para i hold? Kung meron anong reason bakit mo ito binili?

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Bttzed03 on May 03, 2019, 09:03:11 AM
Marami akong hawak na tokens ngayon na nakuha ko sa mga bounties mula pa noong 2017. Aabot din ng mga 200 pero iilan lang sa kanila ang mga may value talaga at active ang development. Pagdating naman sa coins, may konting holdings ako ng btc, eth, at syscoin.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: bhadz on May 03, 2019, 09:29:43 AM
Pagkakacheck ko lang ngayon sa CMC, presyo ng bitcoin ay $5,700 na at sana tuloy tuloy na ito hanggang next year pagtapos ng halving.  :)
As of now bitcoin, eth at IOST tokens ang hawak ko. Yung iost kinita ko siya last year sa sig campaign at umabot ng 23k ang weekly na value nya that time, bale 6500 iost tokens kasi ang weekly na sahod. Kaya still waiting sa time na worth it na sya para i sell.
Awts, saying bakit hindi mo binebenta agad kapag nare-receive mo yung IOST mo kada lingo? Mukhang madami dami kang iOST na hawak.
Sa nagdaang mababang value ng btc at altcoins meron ba kayong nabili para i hold? Kung meron anong reason bakit mo ito binili?
Kanina lang bumili ako ng XLM(Stellar). Ilan lang altcoin na meron ako, syempre number 1 na si ethereum.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: bitcoin31 on May 03, 2019, 09:38:43 AM
Presyo ngayon ni bitcoin ay umabot na sa mahigit $5700 which is good progress to the market. May mga coins din akong nabili na talaga namang napakababa ng presyo katulad ng litecoin almost few years ko na rin siyang hinihold at waiting na lang sa pagtaas para kumita ulit ng malaki. Marami akong coin na hawak katulad nang bitcoin at ethereum na iyong nabanggit may iilan rin akong IOST sa tingin ko naman tataas ito kaya wait lang tayo.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Lassie on May 03, 2019, 09:49:28 AM
may ilan ilan akong tokens na hawak ngayon pero sobrang baba pa ng value nila so hindi ko na muna sila pinapakiaalaman, galing sila sa bounty na sinalihan ko dati before pa ako nag stop, siguro nsa 2 -3 tokens din yun

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: dameh2100 on May 03, 2019, 10:23:52 AM
Sa coin, mayroon akong hinohold na ethereum at bitcoin. Di ko sya binebenta kasi hinihintay ko pa na magbullish ang merkado. Sa token naman, mayroon akong hinohold na Hybridblock, Jet8 at Syncfab na ininvestan ko noong 2018 na hanggang ngayon mababa ang presyo kaya  di ko binebenta. Mayroon din akong Sparkster na until now nakalock pa ang token, na sana umabot man lang ng ROI kapag inunlock na nila. Binili ko sila last year at hanggang ngayon, waiting for bullish market.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: efrenbilantok on May 03, 2019, 11:03:46 AM
Ang hawak kong coins at tokens ngayon ay una ang bitcoin tapos absolute, casinocoin, sakurabloom, saka openweb token sana mag pump sila this year mabababa lang mga price neto pero sana mag pump naman mga to, yung casinocoin talaga pinaka inaasahan ko dito dahil na fomo ako dito ngayon hodl ako haha.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: lienfaye on May 03, 2019, 11:07:29 AM
Awts, saying bakit hindi mo binebenta agad kapag nare-receive mo yung IOST mo kada lingo? Mukhang madami dami kang iOST na hawak.
Naka 4 times akong benta sa peak price nya, month ng May yun kaya lang yung huling 5 weeks na sahod kasi namin na delay, nag out of the country kasi yung manager na humahawak ng campaign.

Kaya ayun nung na received na namin late June yung tokens mababa na ang value at di na naka recover ulit.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Bitkoyns on May 03, 2019, 11:17:37 AM
Hindi pa rin natin masasabi na tapos na ang bearish trend pero kahit papano nagkaron naman ng minor recovery dahil from $4k nasa 5600$ na ang current value ng bitcoin ngayon.

As of now bitcoin, eth at IOST tokens ang hawak ko. Yung iost kinita ko siya last year sa sig campaign at umabot ng 23k ang weekly na value nya that time, bale 6500 iost tokens kasi ang weekly na sahod. Kaya still waiting sa time na worth it na sya para i sell.

Sa nagdaang mababang value ng btc at altcoins meron ba kayong nabili para i hold? Kung meron anong reason bakit mo ito binili?

di sa nakikielam ako sa desisyon mo bro, pero since last year mo pa naacquire yung iost mo bakit ayw mo pang ibenta kasi baka malugi ka pa kapag mas tumagal pero since hinohold mo yan ano ang nkikita mong potential na lalaki ang presyo nya soon?

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Script3d on May 03, 2019, 01:49:45 PM
The one with most value ang hawak ko ay bitcoin lamang, other than ay mga ico coins na walang mga value dahil walang market volume, i kinda wish i just stick with signature campaigns daming oras na waste ko dahil sa mga scam, kung may capital ako para mag hold ng coins and pipiliin ko na coin ay turtlecoin.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: BossMacko on May 03, 2019, 01:54:47 PM
I have many crypto coins which i currently holding. Ang mga ito ay:
-Bitcoin natatanging coin ko sa wallet n my malaking value.
-Banca meron akong daang libong mahigit nito waiting timaas ulit
-Rev coin daang libo mahigit waiting na mag pump bgo ko ibenta
-Soferox or sfx coin - Inaasahan kong mag aahon saken tong coin na to. Looks promising eh haha.
-meron p ko ibang coins kaso no values na or sobrang baba ung value.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: crzy on May 03, 2019, 02:16:03 PM
Only BTC and ETH. Naniniwala ako na sa oras ng kagipitan, this top 2 coins will help you to survive. Actually natatakot ako right now kase pwedeng bumagsak ulit ang presyo ng bitcoin kapag hinde sya nagsucceed malagpasan ang $6k level. Marami ang nasasabe na this is a bull trap kaya dapat tayong magingat.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: lienfaye on May 04, 2019, 06:02:22 AM
di sa nakikielam ako sa desisyon mo bro, pero since last year mo pa naacquire yung iost mo bakit ayw mo pang ibenta kasi baka malugi ka pa kapag mas tumagal pero since hinohold mo yan ano ang nkikita mong potential na lalaki ang presyo nya soon?
Mababa pa kasi ang value nya sa ngayon although naka recover naman ng konti dahil na rin sa pag angat ng bitcoin.

Continue ang progress ng dev para sa project at IMO may potential ang iost tokens. Dati syang erc20 pero ngayon ay may sarili na sila mainnet kaya recently ay nag token swap at supported sya ng major exchanges.

Hindi naman ako nagmamadali na ibenta kasi willing naman ako maghintay ng tamang pagkakataon para i sell.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: asu on May 04, 2019, 06:25:57 AM
I only have bitcoin sa ngayon kase hindi stable ang market para saakin kaya hindi muna ako bumibili ng altcoins pero minsan pag alam kong may potential tumaas dahil  may magandang news na padating yon bumibili ako. Mas okay na sa bitcoin muna kase hindi talaga stable ang market ngayon

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: mirakal on May 04, 2019, 06:27:14 AM
You are lucky to earn that big amount on a weekly basis but it's understandable that time that people can be greedy since it'st the first time after many years we saw a bull run .

I earn bounty tokens also that time, not IOST because I did not participate on the signature campaign, my tokens were valuable that time and I sold some to re invest in other tokens, IOST was part of my portfolio and until I'm still holding it, but the value now is really low but it's alright, I accepted it already.

We will wait until it rises again, that's the game here, hodlers will win.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: bhadz on May 04, 2019, 06:52:36 PM
Awts, saying bakit hindi mo binebenta agad kapag nare-receive mo yung IOST mo kada lingo? Mukhang madami dami kang iOST na hawak.
Naka 4 times akong benta sa peak price nya, month ng May yun kaya lang yung huling 5 weeks na sahod kasi namin na delay, nag out of the country kasi yung manager na humahawak ng campaign.

Kaya ayun nung na received na namin late June yung tokens mababa na ang value at di na naka recover ulit.
Ay ganun ba, sayang naman pero okay lang yan at least nakapagbenta ka naman pala ng apat ng beses habang mataas pa yung price niya. Hayaan mo kapag naging bull run na ulit panigurado naman na lahat ng altcoins susunod lang sa galaw ng bitcoin. Kapag tumaas na ulit bitcoin, tataas na din karamihan sa mga altcoin pero hindi lahat kasi merong mga hindi na nakakasurvive kapag nag peak ulit bitcoin. Ang maganda dyan nakuha mo siya sa campaign at ang investment mo ay pagod at oras.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: TravelMug on May 06, 2019, 04:28:54 AM
Bitcoin lang talaga ang hawak ko sa ngayon. Meron akong hawak na INF (Infinitus) token na nasalihan ko pero di pa maibenta, ang kagandahan lang eh medyo maganda ang presyo antay lang talaga kung paano ma transfer sa ETH wallet o talagang atomic swap ang gagawin nila.

So hopefully sana gumanda na ang presyuhan ng bitcoin para at least tumaas naman ang value sa fiat.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: qwertyup23 on May 06, 2019, 04:36:37 AM
Hindi pa rin natin masasabi na tapos na ang bearish trend pero kahit papano nagkaron naman ng minor recovery dahil from $4k nasa 5600$ na ang current value ng bitcoin ngayon.

As of now bitcoin, eth at IOST tokens ang hawak ko. Yung iost kinita ko siya last year sa sig campaign at umabot ng 23k ang weekly na value nya that time, bale 6500 iost tokens kasi ang weekly na sahod. Kaya still waiting sa time na worth it na sya para i sell.

Sa nagdaang mababang value ng btc at altcoins meron ba kayong nabili para i hold? Kung meron anong reason bakit mo ito binili?

So far dalawang coins ang HODL ko, Ripple and Bitcoin. I believe na ang Ripple will soar its price in the near future since I acquired it 2 years ago. Till now, nag hihintay lang ako ng tamang opportunity to sell and convert it to cash.

Sa bitcoin naman, since nababayaran ako sa campaign signature ko weekly, I save and use it for my post-graduate funds and books para matulungan ko na din pamilya ko sa mga gastusin. So far, parang bull run na ata ang bitcoin pero nag lalaro ang presyo niya sa P270-P290,000 kaya maganda din ito for day trading.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: meldrio1 on May 06, 2019, 09:27:24 AM
maraming coins ako inihold pero yung marami lang sa akin is yung ESH pero maliit lang yung value niya di pa mataas yung presyo kahit tumaas na nga yung bitcoin. Maghihintay ako na malilist naman sa pinakasikat na exchanges baka tataas pa ang presyo.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: asu on May 06, 2019, 09:42:00 AM
Hindi pa rin natin masasabi na tapos na ang bearish trend pero kahit papano nagkaron naman ng minor recovery dahil from $4k nasa 5600$ na ang current value ng bitcoin ngayon.

As of now bitcoin, eth at IOST tokens ang hawak ko. Yung iost kinita ko siya last year sa sig campaign at umabot ng 23k ang weekly na value nya that time, bale 6500 iost tokens kasi ang weekly na sahod. Kaya still waiting sa time na worth it na sya para i sell.

Sa nagdaang mababang value ng btc at altcoins meron ba kayong nabili para i hold? Kung meron anong reason bakit mo ito binili?

So far dalawang coins ang HODL ko, Ripple and Bitcoin. I believe na ang Ripple will soar its price in the near future since I acquired it 2 years ago. Till now, nag hihintay lang ako ng tamang opportunity to sell and convert it to cash.

Sa bitcoin naman, since nababayaran ako sa campaign signature ko weekly, I save and use it for my post-graduate funds and books para matulungan ko na din pamilya ko sa mga gastusin. So far, parang bull run na ata ang bitcoin pero nag lalaro ang presyo niya sa P270-P290,000 kaya maganda din ito for day trading.

So, 2years mo ng hawak si ripple and still nice ah  ;) makikita naman natin pang no.3 siya sa coinmarketcap at hawak ng mga kilalang banks ang ripple. Naalala ko yung mga hawak ko na altcoin 2 or 3 years ago kung mag hodl ako until now siguro ang laking talo kase bumagsak halos mga altcoins kasabay ng bitcoin

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Muzika on May 06, 2019, 09:43:33 AM
Hello bago lang ako. As in bagong bago. Yung tokens niyo ba ay saan nakastore? I mean saan sila nakalagay? Sa website ba nung bounty? o may wallet kayo para dun?
 Di ko parin magets konsepto ng bounties. Btw, kagabi ko lang nalaman ang bounties. Hahaha

Depende, kasi may mga bounty campaign na kapag nagbayad sila ilalagay nila yung bayad sa account mo sa site nila pero napaka dalang nyan, minsan naman nakalagay yan sa hiningi nilang ETH wallet address depende pa sa contract nung bounty kung under sila ng eth platform tapos ikaw na bahalang magconvert ng mga coins na makukuha mo kung sakaling mabayadan ka ng bounty na nasalihan mo.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: _Django05_ on May 06, 2019, 11:25:11 AM
Yung tokens niyo ba ay saan nakastore? I mean saan sila nakalagay? Sa website ba nung bounty? o may wallet kayo para dun?
 Di ko parin magets konsepto ng bounties. Btw, kagabi ko lang nalaman ang bounties. Hahaha

ang Bitcoin ko sa Blockchain.com, ETH sa Coins.ph yung ibang token nasa exchange. May mga Token bounties na sa sarili nilang wallet sinesend like for example meron silang sariling wallet na may website. Meron din naman na may wallet program na kelangan mo idownload para makuha mo yung reward mo. Meron din namang bounty na BTC o ETH ang binabayad so kelangan mo ng BTC at ETH wallet para dun.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Dreamchaser21 on May 06, 2019, 11:39:02 PM
Bitcoin at eth lang sa ngayon pero inaantay ko lang bumaba ang price ng BNB then i will invest again. Its actually good to have 2 or more coins and never to go all in kase masasayang lang yung opportunity sa other coins which is usually moves faster kumpara sa bitcoin kaya mag diversify ng investment.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Russlenat on May 07, 2019, 03:10:17 AM
Usually bounty tokens, konte lang investment ko, karamihan bounty coins and tokens.

Meron pa ako Deeponion, credits, waves at lisk and nag dagdag ako ng ibang coin like holo, DGB, at siacoin.
Hintay hintay lang talaga, ika nga nila HODL.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: GreatArkansas on May 07, 2019, 03:51:16 AM
Ask ako sa inyo, mas malaki ba loss niyo if nag stay kayo sa BTC kesa sa bumili kayo ng mga altcoins noon?
Or mas na minimize niyo loss niyo nung bumili kayo altcoins kesa nasa BTC lang?

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: crwth on May 07, 2019, 10:28:04 AM
Ask ako sa inyo, mas malaki ba loss niyo if nag stay kayo sa BTC kesa sa bumili kayo ng mga altcoins noon?
Or mas na minimize niyo loss niyo nung bumili kayo altcoins kesa nasa BTC lang?
Ang problem dito, sa tingin ko, is yung mag Pump si BTC tapos naka altcoins ka, sayang yung earning or percent na inaangat ni BTC. Kasi wala ka naman BTC. On the otherhand, kung bumaba naman ang price ni BTC tapos naka altcoin ka, baba din yung value ng Altcoin mo kasi dun naka base si ALT sa price ni BTC, like any other except kung nag pump naman yung coin. Mag dedepend na lang talaga yun sa amount na hawak mo and kung anong coin ang pipiliin mo, medyo mahirap kasi umasa sa alts kung hindi ka sure sa TA mo.

Sa mga i-hold mo, depende na lang talaga. Sakin naman XEM ngayon, pero d ko sure kung aangat. Lol. (Don't take my advice, you have been warned)

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Astvile on May 07, 2019, 10:41:15 AM
Sa dami ng token sa wallet ko mostly galing lahat sa bounty since di naman ako trader talaga,nagtetrade ako nuon pero di ko siya talaga trip so mahina ako kumita sa trading kaya ayaw ko siya kaya focus ako sa bounty,sa dami ng token sa wallet ko ang natatandaan ko lang talaga is ETH,LTC,at BTC lang ang may malaking % ng hold ko

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: aizen10 on May 07, 2019, 11:20:36 PM
Hindi pa rin natin masasabi na tapos na ang bearish trend pero kahit papano nagkaron naman ng minor recovery dahil from $4k nasa 5600$ na ang current value ng bitcoin ngayon.

As of now bitcoin, eth at IOST tokens ang hawak ko. Yung iost kinita ko siya last year sa sig campaign at umabot ng 23k ang weekly na value nya that time, bale 6500 iost tokens kasi ang weekly na sahod. Kaya still waiting sa time na worth it na sya para i sell.

Sa nagdaang mababang value ng btc at altcoins meron ba kayong nabili para i hold? Kung meron anong reason bakit mo ito binili?

Sakin ang hawak ko rvn, iost, btc eto lang yung mga hold kasi nakikita ko yung potential ng coin at pakiramdam ko maganda ihold ito for long term base on technical analysis maganda yung candle pattern tapos yung volume malaki din kaya gold for holding dun sa coin na yun.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: bhadz on May 07, 2019, 11:55:25 PM
Sakin ang hawak ko rvn, iost, btc eto lang yung mga hold kasi nakikita ko yung potential ng coin at pakiramdam ko maganda ihold ito for long term base on technical analysis maganda yung candle pattern tapos yung volume malaki din kaya gold for holding dun sa coin na yun.
Yung RVN isa sa biggest gainer ngayong last quarter at mas okay yan kung nakabili ka. IOST naman katulad din ni OP, mas okay yan kung medyo malaki laki yung nabenta mo, kung pagsasamahin yan kung medyo marami hinohold mo dati tapos nabenta mo sa magandang presyo, tiba tiba ka niyan. Sa bitcoin naman, wala na tayong problema dito, goods talaga ito at okay na okay para sa long term holding. Hanap lang ng magandang timing sa pagbebenta.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: pinoycash on May 08, 2019, 10:59:27 PM
Aside from BTC, Cosmos(ATOM) talaga ang pinaka best investment ko sa ngayun, Maganda ang takbo ng development at dahil trending ito sa ibat ibang cryptocurrency FB groups napabili ako last april sa $3.50 and after a few days nag pump na sa almost $7 :D As a trader benta agad then buy back ulit ako ngayun at $4.50.

Also may ilang LTC din ako for Speculation on the next halving nila sa August,. Alam naman natin ang nangyayari sa price kapag halving na :D Baka madoble bigla ang price at maging ka level ng BCash

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Roukawa on May 18, 2019, 02:09:12 AM
Ako mostly mga top coins hawak ko like btc, eth , xrp & trx.. meron mga maituturing na mga dust tokens din nman ako galing sa airdrop kaso di pa din tumataas.. nasa ledger ko lang halos lahat..konti lang pang trade ko

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: finzyoj on May 18, 2019, 02:33:06 AM
Ngayon, ang coin lang na hawak ko ay btc. Dun na lang kasi ako nagtitiwala (medyo tiwala din ako sa eth) kasi natuto na ako sa past experience ko. To be honest meron akong 10 etn sa wallet ko na nabili sa crowdsale nila, ayos naman sya nung una but since small hodler lang ako di ako makasabay sa agos compare mo dun sa mga nag coin hoard back on those days. Ayun, dinelete ko na yung wallet app ko for etn pero alam ko pa naman username and password ko kaso parang wala na akong plano buksan ulit yun ;D.

Ang hirap na magtiwala sa mga ICOs, sayang sa pera at oras. Maaring taliwas ang iba sa pananaw ko pero yun talaga na pinaniniwalaan ko sa ngayon.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: lienfaye on May 18, 2019, 04:17:07 AM
Ask ako sa inyo, mas malaki ba loss niyo if nag stay kayo sa BTC kesa sa bumili kayo ng mga altcoins noon?
Or mas na minimize niyo loss niyo nung bumili kayo altcoins kesa nasa BTC lang?
Yung bitcoin at iost kasi na acquire ko sya sa pagsali ko sa mga signature campaign, kaya bumaba man o tumaas ang value nasa mindset ko na hindi naman ako talo since nakapag take profit na din ako bago i hold tsaka hindi ako gumamit ng sariling capital.

Pero sa tingin ko mas ma minimize ang loss kung mas malaki ang hawak mo na btc kumpara sa altcoins kasi maganda ang naging galaw ng bitcoin at kita ang pag akyat ng value na dumoble pa mula nung january this year.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: mirakal on May 18, 2019, 05:22:28 AM

Ang hirap na magtiwala sa mga ICOs, sayang sa pera at oras. Maaring taliwas ang iba sa pananaw ko pero yun talaga na pinaniniwalaan ko sa ngayon.

Dati maganda ang ICO, and honestly, I still have a lot of ICO tokens, I regret not selling it during the last bull run, I would have cash out a lot.
Until now, I am still holding it, maybe more than 10 different ICO coins are still in my MEW wallet now, and I have no plan of selling them under the current condition. It's almost impossible for this tokens to rise again but I should believe one day it will happen.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: dark08 on May 18, 2019, 05:55:10 AM

Masasabi ko na hindi lang siguro ikaw ang nagsisisi na hindi binenta ang kanilang nakuhang token during Bull run last 2017 kahit ako meron pang mga natirang altcoin galing ico bounty campaign na kung tutuusin halos wala ng value ang mga ito.

Sa ngayon ang hawak kong altcoin ay IOST, BNB, EOS AT IET(iost platfrom) sana lang maging maganda ang value nila balak ko kasing ihold ito ng lobg termnpero yung IET once na matrade na sya sa iost platform trade ibebenta kunadin agad sa ngayon wala pa syang exchange site.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: dameh2100 on May 18, 2019, 06:37:47 AM
Bitcoin at eth lang sa ngayon pero inaantay ko lang bumaba ang price ng BNB then i will invest again. Its actually good to have 2 or more coins and never to go all in kase masasayang lang yung opportunity sa other coins which is usually moves faster kumpara sa bitcoin kaya mag diversify ng investment.

Yes, pagbumaba ulit market ni BNB, maglagay ulit ako ng konti kasi maganda ang future ni BNB, may rumour kasi dito na papasukin na ni ebay ang crypto at gagamitin ang BNB coin for payments, at possibleng madoble ang presyo ni BNB pag nangyari ito.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: blockman on May 18, 2019, 09:32:56 AM
Dati maganda ang ICO, and honestly, I still have a lot of ICO tokens, I regret not selling it during the last bull run, I would have cash out a lot.
Until now, I am still holding it, maybe more than 10 different ICO coins are still in my MEW wallet now, and I have no plan of selling them under the current condition. It's almost impossible for this tokens to rise again but I should believe one day it will happen.
Ito talaga feeling ng karamihan na merong mga ICO tokens. Nung kalakasan noong 2017 ang ganda ng value halos lahat ng ICO token kasi boom na boom ang market. Magiging boom naman ulit ang market yun nga lang hindi alam kung pati yung mga ICO token na hawak ng karamihan madadamay. Kahit ako nasa kalagayan mo mas pipiliin ko nalang makipagsapalaran na i-hold yan hanggang tumaas ulit saka ko na ibebenta, okay lang sakin kahit mababa ang value ngayon basta di ako magbebenta.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: nngella on May 18, 2019, 09:42:45 AM
may mga tokens ako na ERC20 (hindi ko kabisado lahat) pero ang ilan sa mga sikat na hawak ko ay
1. Monero - dahil nga sa privacy nito
2. stellar and ripple - medyo same concept sila regarding sa money transfer and exchange.

Pero matagal ko na sila hawak and nung peak pa.  sobrang bumaba na ang price nila and hoping na bumalik ulit sila at tumaas.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: serjent05 on May 18, 2019, 10:22:29 AM
Sa ngayon ang hawak kong coins at token ay ang mga sumusunod:

Utrust : isa sa mga project na maging payment processor na tulad ng paypal, ang good thing is they protect both the client and supplier sa bawat transaction na gagawin ng parehong kampo.  Sa ngayon nasa stage sila ang paglulunsad ng kanilang platform na nakaschedule ngayong katapusan ng Mayo.  Naaprubahan din sila para maging kasapi ng VQF at makasunod sa Anti Money laundering ng naayon sa patakaran ng FINMA.

LoyalCoin :  Mababa siya ngayon but sabi nga patronize your own kasi gawa siya ng kapwa natin Pinoy :).  Aside from that, isa ang loyalcoin na nagpupursugi upang maging isa sa nangungunang project para sa loyalty program na gamit ang blockchain technology.    Isang napakalaking industriya ng loyalty reward industry kaya hindi masamang pumasok o maginvest dito habang ito ay nasa mababang presyo.

Ethereum : alam naman natin kung bakit need nating maghold nito.  Mas maganda if we can accumulate at least 32 ETH para sa preparasyon sa kanilang staking.

Bitcoin : hindi na kailangan mag-isip kung bakit need nating maghold nito.

at marami pang mga tokens pero ang mga nandyan ang major part ng portfolio ko.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Question123 on May 18, 2019, 02:21:59 PM
Sa ngayon may more than 30 cryptocoins akomg hawak sa aking wallet at ako ay nanalangin na sana ay tumaas ang mga hawak kong coin. Marami ng mga investors ngayon ang malaki ang pagsisi sa kanilang mga sarili dahil nila kaagad naibenta ang mga coin na kanilang mga hawak noong bull run pero hindi naman natin alam na babagsak ng napakalaki ang cryptocoins noon.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: lienfaye on May 19, 2019, 02:47:18 AM
Sa ngayon may more than 30 cryptocoins akomg hawak sa aking wallet at ako ay nanalangin na sana ay tumaas ang mga hawak kong coin. Marami ng mga investors ngayon ang malaki ang pagsisi sa kanilang mga sarili dahil nila kaagad naibenta ang mga coin na kanilang mga hawak noong bull run pero hindi naman natin alam na babagsak ng napakalaki ang cryptocoins noon.
Unpredicted talaga ang market kaya bago mo pa ma realize na kailangan mo na magbenta eh pababa na ang value.

Ganun talaga parang gambling din walang assurance pero less risky. Wala naman tayo gagawin kung hindi ang maghintay lang na tumaas ulit ang value pero nakadepende yan sa patience ng investor kung hanggang san sya tatagal.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: GreatArkansas on May 19, 2019, 04:16:13 AM
Ask ako sa inyo, mas malaki ba loss niyo if nag stay kayo sa BTC kesa sa bumili kayo ng mga altcoins noon?
Or mas na minimize niyo loss niyo nung bumili kayo altcoins kesa nasa BTC lang?
Pero sa tingin ko mas ma minimize ang loss kung mas malaki ang hawak mo na btc kumpara sa altcoins kasi maganda ang naging galaw ng bitcoin at kita ang pag akyat ng value na dumoble pa mula nung january this year.
Ito yung gusto ko malaman, kasi ako yan yung pinaka malaking mali ko, pinaka malaki ang hawak kong alt coins last year kompara sa  Bitcoin, dun lng lumaki ang BTC portion ng portfolio ko nung umabot below $6,000 si Bitcoin kasi dun na ako nag umpisa bumili ng Bitcoin using fiat, tapos yung mga altcoins ko, as in lang sila, di ko binenta kasi sobrang laki ng loss ang iba, halos 90% kaya mas better na hold ko na lang muna.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Question123 on May 19, 2019, 05:02:03 AM
Sa ngayon may more than 30 cryptocoins akomg hawak sa aking wallet at ako ay nanalangin na sana ay tumaas ang mga hawak kong coin. Marami ng mga investors ngayon ang malaki ang pagsisi sa kanilang mga sarili dahil nila kaagad naibenta ang mga coin na kanilang mga hawak noong bull run pero hindi naman natin alam na babagsak ng napakalaki ang cryptocoins noon.
Unpredicted talaga ang market kaya bago mo pa ma realize na kailangan mo na magbenta eh pababa na ang value.

Ganun talaga parang gambling din walang assurance pero less risky. Wala naman tayo gagawin kung hindi ang maghintay lang na tumaas ulit ang value pero nakadepende yan sa patience ng investor kung hanggang san sya tatagal.
Oo nga ganun talaga ang market. Kaya dapat ang ginagawa natin ay ang best natin para malaman kung tataas ba ang isang coin na hinahawakan natin para naman hindi tayo malugi kung sakali. Pero dahil hindi natin hawak ang future need natin magtake ng risk para dito at sana maganda ang maging resulta sa mga coin na pinanghahawakan natin sa ngayon.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Lassie on May 19, 2019, 06:52:37 AM

Ganun talaga e wala tayo magagawa dyan normal na yan halos sa lahat ng bagay kahit nga sa stock market talagang taas baba e kaya dapat maging swerte tayo

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Fundalini on May 19, 2019, 10:49:51 AM
Sa ngayon may more than 30 cryptocoins akomg hawak sa aking wallet at ako ay nanalangin na sana ay tumaas ang mga hawak kong coin. Marami ng mga investors ngayon ang malaki ang pagsisi sa kanilang mga sarili dahil nila kaagad naibenta ang mga coin na kanilang mga hawak noong bull run pero hindi naman natin alam na babagsak ng napakalaki ang cryptocoins noon.
Unpredicted talaga ang market kaya bago mo pa ma realize na kailangan mo na magbenta eh pababa na ang value.

Ganun talaga parang gambling din walang assurance pero less risky. Wala naman tayo gagawin kung hindi ang maghintay lang na tumaas ulit ang value pero [1] nakadepende yan sa patience ng investor kung hanggang san sya tatagal.
Hindi unpredictable ang market. Pwede mo gamitan ng TA ang mga charts at magkakaroon ka ng more-or-less good estimate kung kailan ung breakout tulad nito.

[1] Patience plays a huge part pero mas maganda kung magtakda ang investor ng isang price level kung kailan sya magbebenta o bibili. Kasi minsan sa sobrang greedy imbis na profit na sa "x" price level, nag-antay pa ulit tumaas pero bumaba ung price.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: mcnocon2 on May 19, 2019, 01:21:07 PM
Yes hindi matitiyak na natapos na talaga ang bear market. Pero madami din akong hawak na tokens ngayon na binili ko na sa tingin ko ay may future in the long run, hindi pa dito kasama yung mga nakuha ko sa bounty. Ang mga hold ko na token ngayon ay BNB, ETH, ATOM at EOS.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Hypnosis00 on May 19, 2019, 10:19:26 PM
Yes hindi matitiyak na natapos na talaga ang bear market. Pero madami din akong hawak na tokens ngayon na binili ko na sa tingin ko ay may future in the long run, hindi pa dito kasama yung mga nakuha ko sa bounty. Ang mga hold ko na token ngayon ay BNB, ETH, ATOM at EOS.
Oo nga, we are in the bull run pero napakasakit tingnan na yung nga token natin ay hindi parin tumaas ang presyon, parang natutulog parin sa wallet ko.
Hinihintay ko lang na tumataas ng kunti ang presyo nito at ibenta ko nha. Mas maganda kasi kung mag-iinvest ka sa mga know coins kagaya yung nasa top 10 kasi siguradong tataas ang presyo.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: dameh2100 on May 19, 2019, 10:24:44 PM

Ibaon mo muna sa limot yung mga hodl mong coins/token pards.  ;D kung may tiwala ka talaga sa fundamental ng coins mo in long run, talagang tataas at tataas yan. Kahit 1-2 years mo syang ihold, magugulat ka na lang sa presyo ng coins mong hawak.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: lienfaye on May 19, 2019, 10:36:42 PM

Basta listed sa exchanges na mataas ang volume may pagasa yan.

My ibang tokens din ako n nasa exchanges na di kilala pero bukod sa mababa na nga ang volume wala pa bumibili kaya parang useless din, maghihintay na lang ako ng milagro.  ;D

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: BossMacko on May 19, 2019, 11:14:19 PM

Tip lang po pag mataas volume mag ingat paren dahil nsranasan ko na po nag hold sko ng token na mataas volume. After months of holding pababa ng pababa parang spaghetti gsng mawalan ako ng choice kundi i hold nalang dahil kung bebenta ko eh talo pa ko at walang bawi. Ngaun umaasa paren slo tumaas ung token n un eh ung banca.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: sheenshane on May 19, 2019, 11:49:12 PM
Tip lang po pag mataas volume mag ingat paren dahil nsranasan ko na po nag hold sko ng token na mataas volume. After months of holding pababa ng pababa parang spaghetti gsng mawalan ako ng choice kundi i hold nalang dahil kung bebenta ko eh talo pa ko at walang bawi. Ngaun umaasa paren slo tumaas ung token n un eh ung banca.

I personally dont hold token, kung meron man akong hinahawakan 'yon yong until now not listed and nonsense token kasi walang halaga sa market. Meron din akong token 1 year na mahigit hindi pa rin listed kaya once na maging listed na siya sell agad huwag mo na hintayin may itataas pa.

Ethereum lang at Bitcoin sa ngayon ang hawak ko, kapag may ibang altcoins ako binta ko agad and hold ako sa Eth. At ang Bitcoin naman nasa secure place na siya sa hardware wallet.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: pinoycash on May 21, 2019, 03:08:47 PM
I personally dont hold token, kung meron man akong hinahawakan 'yon yong until now not listed and nonsense token kasi walang halaga sa market. Meron din akong token 1 year na mahigit hindi pa rin listed kaya once na maging listed na siya sell agad huwag mo na hintayin may itataas pa.

Ethereum lang at Bitcoin sa ngayon ang hawak ko, kapag may ibang altcoins ako binta ko agad and hold ako sa Eth. At ang Bitcoin naman nasa secure place na siya sa hardware wallet.

After 2018 never na akong bumili na mga random coins/tokens. Mas maganda talaga long term HODL ang Bitcoins and other top 10 currency sa CMC. Mas secure and mas liquid ang market compare sa mga ICO tokens na wala ng value sa ngayun. Ang last remaining tokens ko nalang sa ngayun ay TheMovement tokens, Umabot na ng 800k php ang value last 2017 bull run hindi ko agad nbenta :D Kaya ngayun HODL pa din.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: blockman on May 21, 2019, 10:17:29 PM
After 2018 never na akong bumili na mga random coins/tokens. Mas maganda talaga long term HODL ang Bitcoins and other top 10 currency sa CMC. Mas secure and mas liquid ang market compare sa mga ICO tokens na wala ng value sa ngayun. Ang last remaining tokens ko nalang sa ngayun ay TheMovement tokens, Umabot na ng 800k php ang value last 2017 bull run hindi ko agad nbenta :D Kaya ngayun HODL pa din.
Long term holding talaga nagpapanalo sakin sa 2018, kasi hindi ako nadala ng damdamin ko na makipagsabayan sa mga nagbebenta at patalo na investor. Ngayon na medyo gumaganda na ulit ang crypto market sulit ang paghohold. Katulad ng nabasa kong suggestion dati na ang paghohold talaga matalo ka man pero makakabawi at makakabawi ka sa bandang huli. Ano itong themovement tokens? parang ngayon ko lang ito narinig at bakit parang sobrang taas ng value?

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: dameh2100 on May 21, 2019, 10:29:58 PM
Tip lang po pag mataas volume mag ingat paren dahil nsranasan ko na po nag hold sko ng token na mataas volume. After months of holding pababa ng pababa parang spaghetti gsng mawalan ako ng choice kundi i hold nalang dahil kung bebenta ko eh talo pa ko at walang bawi. Ngaun umaasa paren slo tumaas ung token n un eh ung banca.

Hindi din ako naghohodl ng token lalo na’t kung hindi ito pasok sa top 100 sa coinmarketcap. Mababa ang tyansa na tumaas ang volume nito at maaaring bumbaba din ang presyo nito, may times pa na mag exit scam sila at unti unti nawawala ang kanilang project. Kalimitan kapag token, sa token sale lang ako sumasali at di ko hinohold ito ng matagal  lalo na nga kung hindi ito pumasok sa top 100 cmc

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: lienfaye on May 21, 2019, 10:30:28 PM
Long term holding talaga nagpapanalo sakin sa 2018, kasi hindi ako nadala ng damdamin ko na makipagsabayan sa mga nagbebenta at patalo na investor.
Effective talaga ang pag hold ng long term pero nakadepende ito sa coins na hawak mo. Kaya nga advisable na kung pang long period ang strategy mo sa pag invest mas wise kung yung pipiliin mong i hold ay yung mga well-established gaya ng bitcoin, eth at iba pang nasa CMC.

Long term hodler din ako, yung ibang tokens ko almost a year ko ng hawak yun nga lang yung iba sadyang walang value pero who knows baka sumabay din ang iba sa pag akyat ni bitcoin di ba.  ;)

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: blockman on May 21, 2019, 10:48:53 PM

Super effective, mabuti nalang hindi ako nakinig nung payo ng ilang mga kaibigan ko na sinabi na hindi na ulit tataas pero heto tayo ngayon mukhang magandang taon uli para sa crypto. At sa 2020 talaga ako umaasa at sa mga susunod na taon pagkatapos ng halving.
Okay din ang ibang altcoin na pang long term hold lalo na yung may mga matatag na community kasi sila talaga yung bumubuhay na coin na yun.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Bitkoyns on May 22, 2019, 01:10:04 AM

yung mga nagsasabi naman ba sa mga kaibigan mo e marurunong talaga sa crypto o basta nasa crypto lang, kasi kung nasa crypto lang they are just speculating what would be the future for crpyto.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: blockman on May 22, 2019, 09:05:19 PM

Yung tipong 'basta may bitcoin din ako'.

Technically, hindi nila alam kung ano ba talaga nangyayari at hinahayaan ko nalang sila sa mga sinasabi nila. Kasi ayaw ko ng gulo at ayaw ko ng mahabang diskusyunan kasi parang ikaw lang mismo ang bababa sa level nila. At kapag hindi na nila alam sasabihin nila bigla bigla ka nalang i-ignore, kaya ako na mismo gumawa ng paraan para hindi ko nalang sila pansinin.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: TravelMug on May 22, 2019, 09:30:40 PM
I personally dont hold token, kung meron man akong hinahawakan 'yon yong until now not listed and nonsense token kasi walang halaga sa market. Meron din akong token 1 year na mahigit hindi pa rin listed kaya once na maging listed na siya sell agad huwag mo na hintayin may itataas pa.

Ethereum lang at Bitcoin sa ngayon ang hawak ko, kapag may ibang altcoins ako binta ko agad and hold ako sa Eth. At ang Bitcoin naman nasa secure place na siya sa hardware wallet.

After 2018 never na akong bumili na mga random coins/tokens. Mas maganda talaga long term HODL ang Bitcoins and other top 10 currency sa CMC. Mas secure and mas liquid ang market compare sa mga ICO tokens na wala ng value sa ngayun. Ang last remaining tokens ko nalang sa ngayun ay TheMovement tokens, Umabot na ng 800k php ang value last 2017 bull run hindi ko agad nbenta :D Kaya ngayun HODL pa din.

Yikes, laki nung bro 800k php nung 2017, hehehe. kaya no choice ka rin talaga kungdi mag hold lang.

Ako mga few tokens pero katulad ng nasabi ko nasa bitcoin talaga karamihan ng portfolio ko. Actually hindi ako ng bounty nun 2017, 2018 na lang ako pumasok nung tumumal din ang bitcoin paying signature campaign. At kunting bili pag nag didip or bumababa ang price nito lalo na ung nasa $3k ang bitcoin.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: tenstois on May 23, 2019, 03:15:52 PM
sakin TRX since yung price niya is minsan bumababa at tumataas halos day trading naman ang ginagawa ko kaya monitored ko yung price buy low and sell high kahit konti lang nagiging profit oks lang

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: Bitkoyns on May 23, 2019, 04:08:33 PM
sakin TRX since yung price niya is minsan bumababa at tumataas halos day trading naman ang ginagawa ko kaya monitored ko yung price buy low and sell high kahit konti lang nagiging profit oks lang

may mga coins talaga na magandang pangtrading at pang holding,tulad ng hawak mo ngayon madalas gumagalaw ang presyo kaya mas maganda sa day trading mas magiging profitable yung ibang coins naman kasi mas maganda pang holding tulad ng eth at btc.

Title: Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak?
Post by: blockman on May 23, 2019, 04:59:17 PM
sakin TRX since yung price niya is minsan bumababa at tumataas halos day trading naman ang ginagawa ko kaya monitored ko yung price buy low and sell high kahit konti lang nagiging profit oks lang

may mga coins talaga na magandang pangtrading at pang holding,tulad ng hawak mo ngayon madalas gumagalaw ang presyo kaya mas maganda sa day trading mas magiging profitable yung ibang coins naman kasi mas maganda pang holding tulad ng eth at btc.
Pang day trader kasi laging pa-hype yung developer niyan kung sa long term holding, hindi ko pinili yan kasi mukhang delikado kapag nagdecide ako na ihold ng pangmatagalan yan at baka maipit lang ako sa kalagitnaan. Sa day trading, kahit mga 5%-10% lang ang kita mo ok lang yan at ulit ulitin mo lang yung process at matututo ka din. Kahit ganung porsyento lang pero kung yung puhunan mo medyo malaki parang ok ok na din di ba?