Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: yazher on May 08, 2019, 02:32:06 AM

Title: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: yazher on May 08, 2019, 02:32:06 AM
Ngayong araw nais kong ipakita sa inyo kung pano gamitin ang isang Centralized Exchange, para ito sa mga kababayan ko na nagsisimula palang sa Crypto Industry. ang gagawin natin ngayon magtetrade tayo ng Coins to BTC. Halimbawa may nakuha na kayong stakes sa mga sinalihan nyong bounties, kadalasan pag coins ang binibigay sa inyo may dalawang posibilidad na ipapagawa ito sa inyo:
No.1 ipapadownload kayo ng kanilang Software Wallet para sa Windows or Phone para dito i sesend ang inyong mga Stakes sa Software Wallet na to.
No.2 hihingan lang kayo ng Wallet Address sa mga Exchanges at dito nila isesend ang stakes ninyo.

Pag No.1 ang pinagawa sa inyo, kinakailangan pa i send ang mga coins na ito sa mga Exchanges na kung saan nakalist ang Coins na natanggap nyo. halimbawa nakalista ang Coins ninyo sa https://hitbtc.com ang una ninyong gagawin ay gumawa ng account sa Hitbtc.

Step 1: Gumawa ng Account

https://i.imgur.com/TCQuFNK.jpg

Step 2: pumunta sa iyong Account

https://i.imgur.com/eywsrc4.jpg

Step 3: Hanapin ang Coins na isesend mo dito, Like for example DAI ang isesend natin.  i click mo lang ang Deposit.

https://i.imgur.com/gjgfC4B.jpg

Step 4: I copy mo ang iyong Receiving Address sa Hitbtc at pumunta sa itong Software wallet

https://i.imgur.com/WZ5HmcB.jpg

Step 5: Buksan ang iyong Software Wallet (Halimbawa: DAI Wallet ito)

https://i.imgur.com/nSOqrFj.jpg

Step 6: Pagka bukas mo ng Wallet hintayin mo muna matapos ito mag Synchronized, tapos makikita mo na ang Total Balance mo. I Click mo ang Send.

https://i.imgur.com/Id1qnym.jpg

Step 7: I paste mo na ang na copy mong Address kanina i double check mo para sigurado. tapos ilagay mo kung ilan ang isesend mo tapos send.

https://i.imgur.com/QspBaT3.jpg

Step 8: Habang nag sesend ito hintayin mo lang doon sa HitBtc medyo matagal yan umaabot ng 20 minutes kaya wag matakot.

Step 9: Pagnakita mo ng dumating na sya, Makikita mo na ang Total Balance mo na DAI

https://i.imgur.com/F6HJCDV.jpg

Step 10: I click mo ang Right Arrow Icon na makikita mo sa larawan para ma transfer mo ito sa Trading Account mo

https://i.imgur.com/rplRbyf.jpg

Step 11: Pag na transfer mo na I click mo na ang go to Trading

https://i.imgur.com/hhSoagD.jpg

Step 12: 1. piliin mo ang pinakataas para mataas ang presyo, 2. ilagay ang total DAI mo 300 3. tignan kung ok na sayo ang presyo 4. click mo na ang Buy. (Note: dito kasi bibili tayo ng BTC gamit ang DAI so Buy ang i click natin, sa ibang mga exchanges Ibinebenta naman ito sa BTC so Sell naman dapat. Explore lang kayo malalaman nyo rin yan)

https://i.imgur.com/aZAszcT.jpg

Step 13: Pag nagawa mo yan ng tama mapupunta na ang 0.05089 sa Trading Account mo, tapos click mo ang Left Arrow icon para mapunta naman ito sa Main account mo para ready kana sa pag withdraw.

https://i.imgur.com/8skjiTV.jpg

Step 14: Pagnapunta na ang balance mo sa Main Account pwede mo na ito i withdraw.

https://i.imgur.com/f4rH8jZ.jpg

Step 15: i withdraw mo na ito, 1. ilagay mo ang total amount ng BTC mo = 0.05089 2. ito ang transaction fee 3. ito ang total na makukuha mo 0.04939 4. i paste mo ang BTC address ng Coins.ph mo 5. click mo ang withdraw.

https://i.imgur.com/wJaELU2.jpg

Step 16: Pag nagawa mo yan lahat ng tama. mapupunta na yan sa Coins.ph mo.

https://i.imgur.com/lst6lMH.jpg

Kadalasan ganito rin ang mga paraan ng paggamit sa mga Centralized Exchanges na nakalist sa taas kaya pag na master mo na ito madali na sayong mag trade sa ibang Centralized Exchanges.

Itong Guide na ito ay ginawa para sa mga Newbie O Baguhan para hindi sila mahirapan. sa mga Veterano kung meron akong pagkakamali ay tulungan niyo akong maitama ito, sa pagkat kayo ang mas may alam kaysa sa akin. gayumpaman kung may katanungan kayo i post lang sasagutin namin yan ng mga kakabayan.

Source:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=2906237.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=3989132

Title: Re: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: dameh2100 on May 08, 2019, 08:55:20 AM
At Huwag na huwag kakalimutan Secure ang iyong account sa pamamagitan ng paglalagay ng 2fa authentication, sms authentication, at anumang security practices. Hangga’t maaari, buwan buwan din sana ang pagpapalit ng mga security password upang maiwasan din ang pagkahack ng iyong account. Sana magkaroon din ng tutorial nito paps. Keep it up para sa ating mga kababayan na bagong pasok sa crypto.

Title: Re: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: bitcoin31 on May 08, 2019, 01:00:22 PM
At Huwag na huwag kakalimutan Secure ang iyong account sa pamamagitan ng paglalagay ng 2fa authentication, sms authentication, at anumang security practices. Hangga’t maaari, buwan buwan din sana ang pagpapalit ng mga security password upang maiwasan din ang pagkahack ng iyong account. Sana magkaroon din ng tutorial nito paps. Keep it up para sa ating mga kababayan na bagong pasok sa crypto.
Tama dapat alam natin kung papaano ito magiging ligtas sa mga hacker lalo na ngayon talamak ang paghahack ng account sa exchanges site kaya dapat once na gumawa ka ng account siguraduhin na may mahaba at kakaibang password at laging gumamit 2Fa para everytime na once na gustong magopen ng account mo ay nawawarning ka dahil pwede mo ito idecline.

Title: Re: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: Bttzed03 on May 08, 2019, 05:51:05 PM
At Huwag na huwag kakalimutan Secure ang iyong account sa pamamagitan ng paglalagay ng 2fa authentication, sms authentication, at anumang security practices. Hangga’t maaari, buwan buwan din sana ang pagpapalit ng mga security password upang maiwasan din ang pagkahack ng iyong account. Sana magkaroon din ng tutorial nito paps. Keep it up para sa ating mga kababayan na bagong pasok sa crypto.

Dapat lang na dagdagan ang seguridad ng mga account natin. Ayos sa akin ang 2fa authentication, sa halip na sms mas maganda siguro email notification na lang. Isa pang pwedeng idagdag eh huwag mag-iwan ng malalaking halaga sa mg exchanges kung wala ka din balak ibenta agad.

Title: Re: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: yazher on May 11, 2019, 03:46:21 AM

2FA talaga yung mahalaga para hindi agad2x makuha nila mga Crypto Assets natin kung sakaling ma hack man ito. yun nga lang eh pag nawala mo naman phone mo, malaking problema yun. kaya masmabuti kung meron ka ring Email verification kagaya nung sa Coins.ph meron kang dalawang pagpipilian Email or SMS verification.

Title: Re: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: bhadz on May 11, 2019, 09:49:03 PM
Dapat lang na dagdagan ang seguridad ng mga account natin. Ayos sa akin ang 2fa authentication, sa halip na sms mas maganda siguro email notification na lang. Isa pang pwedeng idagdag eh huwag mag-iwan ng malalaking halaga sa mg exchanges kung wala ka din balak ibenta agad.
Pwede din namang sms at email kaso ang pangit lang sa SMS pwede kasi masira yung phone o di kaya manakaw at mawala. Sa email okay din naman pero para sakin ok din talaga kung meron kang google authenticator o authy. Yan ang nirerequired talaga kapag i-on yung 2FA feature ng mga exchange.
2FA talaga yung mahalaga para hindi agad2x makuha nila mga Crypto Assets natin kung sakaling ma hack man ito. yun nga lang eh pag nawala mo naman phone mo, malaking problema yun. kaya masmabuti kung meron ka ring Email verification kagaya nung sa Coins.ph meron kang dalawang pagpipilian Email or SMS verification.
Kumbaga, lahat ng pwedeng i-allow mo para sa 2FA gawin mo yun nga lang lahat yan back-upan mo din.

Title: Re: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: efrenbilantok on May 12, 2019, 06:40:48 AM
Ayus tong guide na to, napaka liwanag ng pagkaka explain  sa paggamit ng cex hehe. Paalala lang po mga kabayan mayrong mga coins o tokens na same ng ticker pero magkaibang project tulad ng Holo Token at Hot Token ang ticker nila ay parehong HOT pero magkaiba sila, minsan po bago mag deposit ay siguraduhing tama ang coins na pag dedepositan para maiwasan ang pagkawala ng funds sa exchange.

Title: Re: (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog)
Post by: yazher on May 12, 2019, 06:49:55 AM
Paalala lang po mga kabayan mayrong mga coins o tokens na same ng ticker pero magkaibang project tulad ng Holo Token at Hot Token ang ticker nila ay parehong HOT pero magkaiba sila, minsan po bago mag deposit ay siguraduhing tama ang coins na pag dedepositan para maiwasan ang pagkawala ng funds sa exchange.

Tama nga ito, minsan din halos magkapareho naman tulad ng "Tron" at "Treon" kung hindi ka maingat at aksidente mong maisend sa ibang address ang tokens or coins wala ng undo ito hindi mo na mababawi pa, kaya wag na wag mong kalimutan na basahin ito ng mabuti at kung maari ay tignan mo sa coinmarketcap kung sakaling nakalista man ito doon para hindi masayang ang pinagpaguran mo kung maisend mo ito sa ibang Coins na magkapareho sa coins mo.