Title: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: biogesic on May 09, 2019, 01:44:19 AM Para sa mga sobrang dami nang niffollow sa Twitter!!! May mga posts ba ni lodi na minsan hindi mo na nababasa? Reco na hindi ka nakasabay? O kaya importanteng announcement ng paborito mong altcoin na hindi mo napansin??
Ang solusyon diyan ay linisin at ayusin ang iyong timeline gamit ang list feature ni twitter at pag gamit ng tweetdeck.com Steps: 1. Pumunta sa iyong profile, pindotin ang Lists na nasa hilera ng iyong Twitter stats. Create List at ngayon lagyan ng pangalan ng iyong gusto pati na ng description. Mas mainam na gawin itong Private para hindi maistorbo ang tao na inadd mo, katulad ng nasa larawan sa ibaba. Pwede kasi na iblock ka nito kung hindi nagustuhan ang pag add mo sa kanya sa list. LOL Magpatuloy sa paggawa ng iba't ibang lists depende sa mga category na gusto mong paglagyan ng mga account na sinusundan mo sa Twitter. 2. Ngayon naman ay pag-add ng account sa nagawa mong lists. Pumunta sa account ng taong ilalagay mo, sa setting sa baba ng follow button makikita ang option na Add or Remove From List. Piliin ang pangalan ng list na gusto mong paglagyan. O kaya naman ay pumunta ka sa Following section ng iyong account at doon isa-isang mag add ng mga account sa iyong nagawang list. 3. Itesting muna ang mga nagawa mong list at siguraduhin na naayon sa gusto mong makita na timeline. Pumunta ka ulit sa Lists category sa iyong profile. Pumindot ka ng isa sa mga nagawa mong list o kaya naman i-open mo sa panibagong tab ng browser. Kada list ay may sarili nitong timeline. Mapapansin mo ang posts lang na lalabas sa timeline na ito ay mula sa mga accounts na in-add mo dito. Maaring iopen ang bawat list sa bawat magkahiwalay na tab ng browser o kaya naman ay gagamit tayo ng Tweetdeck bilang mas mainam na option. 4. Pumunta sa tweetdeck.com. Siguraduhin na nakalog-in sa iyong Twitter account. Makikita na may mga column na nakalaan sa bawat feature o category ng iyong twitter account. Ayusin natin ito sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga hindi natin kailangan. Pindutin ang option button sa isang category at i-click ang remove. Ngayon, gamitin na natin ang mga lists na nagawa natin. Pindotin ang + sa may tagiliran, i-add isa-isa ang mga list na nagawa natin. Finally, ganito na ang itsura ng timeline natin. Maayos, malinis at madaling makita ang mga tweets na inaabangan natin. LOL Bahala na kayong magdagdag, bawas pa ng category na ilalagay niyo bilang column sa tweetdeck. Sana nakatulong ang post na ito :D Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: yazher on May 11, 2019, 02:34:01 AM Ang hirap ayusin ang twitter ngayon konting kamali lang magagawa mo, Banned kaagad kaya past na muna ako jan sa Twitter na yan FB nalang muna ang pigtutuunan ko ng pansin. mahirap din kasi yung marami ka ng Followers tapos bigla bigla kanalang ma block. maraming account na ang na block ng twitter dito sa Bitcointalk kaya maganda kung hindi tayo masyado nag fofollow araw2x para walang problema.
Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: Lassie on May 11, 2019, 09:53:47 AM Napakalaking tulong nito lalo na nung mga mahilig gumamit ng twitter at madaming minamanage na accounts kasi may kakilala ako nag mamanage ng multiple project at hawak nya twitter ng mga project na yun
Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: biogesic on May 11, 2019, 03:01:22 PM Ang hirap ayusin ang twitter ngayon konting kamali lang magagawa mo, Banned kaagad kaya past na muna ako jan sa Twitter na yan FB nalang muna ang pigtutuunan ko ng pansin. mahirap din kasi yung marami ka ng Followers tapos bigla bigla kanalang ma block. maraming account na ang na block ng twitter dito sa Bitcointalk kaya maganda kung hindi tayo masyado nag fofollow araw2x para walang problema. 3x++ na ko na ban sa twitter, and I found out ang reason nang mga ban saken ay ang pag mention ng cashtag ng isang coin ex.. $LSK sa isang twitter thread and ang pag comment ng anumang wallet address ng isang coin sa mga promo, airdrop or whatever thread. Swerte may account ako na na-appeal pa pero meron yung isa perma na. So kapag may mga airdrop, giveaways or bounty na need mag input ng wallet address as comment ingat na kayo. Napakalaking tulong nito lalo na nung mga mahilig gumamit ng twitter at madaming minamanage na accounts kasi may kakilala ako nag mamanage ng multiple project at hawak nya twitter ng mga project na yun Yes po kapag marami kasi na ikaw ni follow ang cluttered na ng timeline. Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: efrenbilantok on May 12, 2019, 03:08:16 PM Salamat po sa magandang tutorial, mas maayos na natin makikita ang mga post ng mga napili nating mga twitter page or profile,
3x++ na ko na ban sa twitter, and I found out ang reason nang mga ban saken ay ang pag mention ng cashtag ng isang coin ex.. $LSK sa isang twitter thread and ang pag comment ng anumang wallet address ng isang coin sa mga promo, airdrop or whatever thread. Swerte may account ako na na-appeal pa pero meron yung isa perma na. So kapag may mga airdrop, giveaways or bounty na need mag input ng wallet address as comment ingat na kayo. Ako naman isang twitter ko naban din sayang 9k followers pa naman, siguro nga dahil yon sa pagsali sa mga airdrop na katulad nyang pag lalagay ng wallet address, salamat sa impormasyon ngayon ay iiwasan ko na sumali sa mga ganyang airdrop. Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: BossMacko on May 12, 2019, 06:09:16 PM Thanks dito ngaun pwede ko na update twitter ko. Gumagamit ako dati ibang software para mag add ng followers kaso bannable kaya tinigil ko. Try ko tong guide pag uwi ko sa work.
Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: biogesic on June 03, 2019, 10:37:29 PM kung gusto mo mag tanggal ng follower sa ff list mo, pwede mo i block tapos unblock mo. wala kasi unfriend sa twitter.
Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: blockman on June 05, 2019, 04:49:04 AM Ganito pala yung gamit ng feature na yan ni twitter. Salamat sa very detailed tips biogesic!
Active parin ba yung pag disable ni twitter sa mga accounts na nag-bobounty? Title: Re: [Guide]Organize your Twitter(CryptoTwitter)Feed Using List Feature and Tweetdeck Post by: biogesic on June 07, 2019, 06:41:10 AM Ganito pala yung gamit ng feature na yan ni twitter. Salamat sa very detailed tips biogesic! Active parin ba yung pag disable ni twitter sa mga accounts na nag-bobounty? May latest account ako na ban hahaha :D Hindi ko alam kung yung reply ko sa crypto related thread, account number ang ni reply ko hindi wallet address, or baka ung #followback. |