Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: paul00 on June 10, 2019, 01:21:45 PM

Title: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: paul00 on June 10, 2019, 01:21:45 PM
As per PDEA yung mga drug syndicates ay ginagamit ang bitcoin para sa kanilang transaction. Tingin nyo maapektuhan ba ang community natin dito at mag lead sa pagka ban ng bitcoin sa pilipinas. Sana ay wag naman ito humantong sa ganon. Kung may maiitulong tayo upang masugpo ang mga masasamang aktibidad marahil ipagbigay alam lamang sa kinauukulan para satin din ito upang maiwasan ang pagkawala ng bitcoin sating bansa.

Source: Philippine Star https://www.facebook.com/134752476678442/posts/1371205506366460?s=100000219380959&sfns=mo (https://www.facebook.com/134752476678442/posts/1371205506366460?s=100000219380959&sfns=mo)

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: sheenshane on June 10, 2019, 02:14:20 PM
Yes, kung meron lang tayo maitutulong why not diba?

Ipagpalagay natin bitcoin nga ginagamit ng drug syndicates for payment and yes not traceable because it is digital currency and how about the drugs through internet din ba? Trabaho na yan ng PDEA kung mahina intelligence makakapuslit talaga ang drugs sa ating bansa kahit free delivery pa yan patungo sa atin. And why they blame bitcoin on that such crime para masira ang image nito? 

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: mk4 on June 10, 2019, 03:47:24 PM
Are they actually referring to drug syndicates in the Philippines? Ang statement lang dun sa post "PDEA said drug syndicates are now using the Dark Web and Bitcoin in their operations." Anyway, if they're referring to the Philippines, I'm pretty sure na maliit lang na percentage ay through bitcoin. Mostly is through Philippine peso parin. If referring to international, mejo huli na sila sa balita.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Bttzed03 on June 10, 2019, 03:54:59 PM
Sana naman alam ng PDEA na matagal ng ginagamit ang dark web sa illegal activities at sana naman matagal na nilang nabalitaan na ginagamit ng iba ang bitcoin bilang pambayad.

Ilang palitan ba dito sa Pinas ang hindi required ang KYC sa malakihang amount? Meron ba kayong alam?
Kailangan lang siguro maki-coordinate ng PDEA sa lahat ng palitan thru the Central Bank.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: mk4 on June 10, 2019, 04:07:18 PM
Ilang palitan ba dito sa Pinas ang hindi required ang KYC sa malakihang amount? Meron ba kayong alam?
If you're referring to exchanges like Coins.ph, daily cash-in limit of ₱2,000 with email verification lang. Probably easily bypassed by simply creating multiple accounts and buying multiple sim cards.

https://i.imgur.com/bppZIIg.jpg

As for cash outs(excluding BTC withdrawals), kelangan ng at least selfie verification para makapag withdraw.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: serjent05 on June 10, 2019, 04:24:44 PM
I don't think na sigurado ang PDEA sa sinasabi nila.  Sa palagay ko it is just a guess that these illegal stuff is using Bitcoin for their transactions.  Parang nakikitrend lang.  Bitcoin is not fully anonymous, even coin mixing can be traced.  Parang nakikiuso lang si PDEA sa mga balita tungkol kay Bitcoin.  If they stated that these drug syndicates are using the Dark Web at anon coins and token like monero, dash etc..., mas may meat ang kanilang sinasabi at mag mumukhang kapani-paniwala.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: spadormie on June 10, 2019, 04:37:17 PM
-snip-
Eto yung narinig ko sa news pero wala naman sinabi in Ph.

Para sakin napaka late naman or delayed etong PDEA pagdating sa gantong balita. Jusko, sa umpisa palang ginagamit na sa dark web tong bitcoin at sobrang tagal na nun. Ngayon may gumagamit pa ba? Of course, dark web includes drug selling and the money they are using is bitcoin sometimes other crypto. I'm not saying that  I dive sa dark web, just stating what I know.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: mk4 on June 10, 2019, 04:44:30 PM
Para sakin napaka late naman or delayed etong PDEA pagdating sa gantong balita.

Napa shutdown na ng FBI 6 years ago at lahat lahat ang Silk Road at iba pang similar Tor websites, tapos ngayon lang irereport ng Philippine media.  Hayahay Pilipinas nga naman. Naka internet explorer.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: rhomelmabini on June 10, 2019, 09:58:51 PM
Baka wala ring maipost ang Philippine Star sa social media o di kaya yung PDEA sa mga pages nila and they just guessing onto it. By the way ang bitcoin ay traceable at using it will be a waste for this syndicates.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: bisdak40 on June 10, 2019, 10:17:32 PM
Hindi naman binanggit sa article na involve yong Bitcoin sa illegal activities na ito. Yong Darkweb ay matagal nang na-shut down at may nabasa akong article na may nahuli na dito ang American authorities, nalimutan ko lang kung FBI or DEA ba ito. Ipagpalagay lang natin na gumagamit ng Bitcoin yong sindikato, it would be idiotic for them to do so and this could favor our authorities since they leave a trail and this could be use as evidence against them. Yong sindikato ng droga ay hanggat maari ay ayaw nila ng ganitong, bank transaction nga ay ayaw nila kasi evidence yan. Fiat pa rin ang magandang paraan para pambayad sa illegal na activities if you don't want to leave a trail, so i don't think bitcoin will be affected by this news.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: harizen on June 10, 2019, 10:35:11 PM

Wala bang bago? Bakit ngayon lang nila binalita? Or alam ko nabalita na yan dating dati pa. I mean usual naman yan at possible.

Anways I didn't read the link at baka may mga maling info na naman gaya nung sa Failon Ngayon.

Nakakatawa tuloy ibang comments ng ibang tao na walang alam about bitcoin ng ilabas ang news na yan sa mga Facebook local news portal page. Mga teoryang walang nutrisyon at puro haka-haka lang. Ok sana makipag argument pero kung wala silang alam about bitcoin, paano nila maiintindihan ang punto natin.

Sa way e parang kasalanan pa ng bitcoin lol.

Ilang palitan ba dito sa Pinas ang hindi required ang KYC sa malakihang amount? Meron ba kayong alam?

Wala. Imposible walang KYC dahil mas humigpit pa ang regulation about crypto.

Bypass exchange ang transaction nyan. About sa cashout, maraming way.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: goaldigger on June 11, 2019, 10:59:29 AM
As per PDEA yung mga drug syndicates ay ginagamit ang bitcoin para sa kanilang transaction. Tingin nyo maapektuhan ba ang community natin dito at mag lead sa pagka ban ng bitcoin sa pilipinas. Sana ay wag naman ito humantong sa ganon. Kung may maiitulong tayo upang masugpo ang mga masasamang aktibidad marahil ipagbigay alam lamang sa kinauukulan para satin din ito upang maiwasan ang pagkawala ng bitcoin sating bansa.

Source: Philippine Star https://www.facebook.com/134752476678442/posts/1371205506366460?s=100000219380959&sfns=mo (https://www.facebook.com/134752476678442/posts/1371205506366460?s=100000219380959&sfns=mo)

Kung pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang mga ganitong bagay kaysa sa ikauunlad ng financial life ng mamamayan at talagang may posibilidad na i ban ang cryptocurrency sa bansa. Alam naman nating lahat na ang kasalukuyang pinunonng bansa ay tinututukan ng maigi ang drugs. Umasa nalang tayo na isasa alang alang nya padin ang kapakanan ng iba.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: HatakeKakashi on June 11, 2019, 11:33:54 AM
Hala grabe naman ang nangyayari pati ang bitcoin ginagamit na sa mga ganyan,  walang kasalanan diyan ang bitcoin ang mga taong yan  na addict at pati bitcoin nadadamay. Hindi natin alam ang epekto nito sa atin pero sana wala. Ang ganda na ng imahe ng bitcoin dito sa Pilipinas tapos ganyan lang gagawin nila.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: serjent05 on June 11, 2019, 12:06:14 PM
Hala grabe naman ang nangyayari pati ang bitcoin ginagamit na sa mga ganyan,  walang kasalanan diyan ang bitcoin ang mga taong yan  na addict at pati bitcoin nadadamay. Hindi natin alam ang epekto nito sa atin pero sana wala. Ang ganda na ng imahe ng bitcoin dito sa Pilipinas tapos ganyan lang gagawin nila.

Matagal ng ginagamit ang Bitcoin underground. Ginamit nga  yang Bitcoin sa silkroad trades (https://blockexplorer.com/news/silk-road-timeline-bitcoin-drugs-dark-web/) Dati, akala kasi ng mga tao na talagang anonymous ang Bitcoin at hindi matitrace ang mga transactions nila.  Pero ang totoo ang Bitcoin ay hindi totally anonymous dahil natitrace nito ang mga pinanggalingan ng transaction.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Shinpako09 on June 12, 2019, 11:24:48 AM
News outdate ang ginawa nila. LOL. Ano? ngayon lang nila na discover ang tungkol dyan? No wonder, haha ang top react sa post nila. Labas na ang btc o kahit ano pang crypto currency dyan, kahit pa fiat. Mapa crypto or fiat man, ginagamit yan sa illegal. Yung mga gumagawa ng illegal ang pagtuunan nila hindi yang kung ano pang crypto dyan.

Malaking kawalan sa akin kung ma ban sa Pinas ang paggamit ng cyrpto. Hindi na ako gagamit ng kahit anong crypto pag nagkataon, kahit pa sabihing may paraan para makapag cashout. No way, kesa magkaron ng conflict.

Pero sa tingin ko matatagalan pa bago maaksyonan ang crypto satin, ban man o hindi. Parang kaka-discover nga lang nila na ginagamit ng mga may gawaing illegal ang darkweb at btc. Pinas pa ba. Sing bagal ng internet kung umaksyon.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Bes19 on June 12, 2019, 02:38:23 PM
Laganap na talaga yan sa black market. Actually may kilala ako umoorder ng MJ sa ibang bansa at bitcoin ang pinambabayad nya. Wala naman kasalanan ang bitcoin or cryptocurrency dyan kaya ndi nila dapat iban dito sa atin. Ginagamit yan ng kawatan kasi since decentralized ang bitcoin ndi matetrace ang transaction.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Muzika on June 12, 2019, 03:29:08 PM
Matagal na tong issue. Ginagamit talaga ang cryptocurrency sa dark web at black market transaction dahil mabilis na at the same time anonymous pa ang transaction kaya madami din ang kontra dito dahil sa ganitong gamit ng cryptocurrency.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Theb on June 12, 2019, 06:31:57 PM
The worst thing that could PDEA and the government of the Philippines can do is ban Bitcoin and kill the entire crypto community in the Philippines, and dun palang isa na sa pinaka malalang scenario na gagawin ng gobyerno satin. Pero dahil huli na para sa ganung paraan dahil tumatanggap na nga ng crypto-related investments and Pilipinas siguro ang magagawala nalang nila is changes with the KYC as well as the modes on paano natin maliliquidate ang BTC natin, baka maging hassle sa parte natin yun pero sa tingin ko wala naman tayong choice pag ginawang Executive Order ito.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: GreatArkansas on June 13, 2019, 02:35:44 AM
Ilang palitan ba dito sa Pinas ang hindi required ang KYC sa malakihang amount? Meron ba kayong alam?
If you're referring to exchanges like Coins.ph, daily cash-in limit of ₱2,000 with email verification lang. Probably easily bypassed by simply creating multiple accounts and buying multiple sim cards.

https://i.imgur.com/bppZIIg.jpg

As for cash outs(excluding BTC withdrawals), kelangan ng at least selfie verification para makapag withdraw.
Additional with this they can use Abra. As far as I know, mas less strikto si Abra kompara kay Coins.ph.
Sa una sa Abra, parang kahit magkano siguro pwede ka mag cash in, kompara sa Coins.ph na email verification lang which is P2,000 lang daily cash-in limit.
Lalo na dito sa Pilipinas na di gaano strikto ang regulation about cryptocurrency dito, kaya medyo malabo na hihingan ka ng mga personal information mo sa Abra.

Is any documentation required for bank deposits and withdrawals?
While most customers will not need to provide any documentation, in select cases we may be required to ask for additional documentation, which will vary from customer to customer. If additional documentation is required from you, we will let you know via app notification or via email.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Remainder on June 13, 2019, 10:54:22 AM
They can't ban bitcoin for this reason, illegal activities will continue to exist, only a strong enforcement of law will minimize it but it will not stop it.
Bitcoin being use for illegal transactions is not new in the business, not only in the Philippines but in some big countries as well, in fact it's more easier to track compared to paper money used in this kind of activity, the government can investigate this and they can use the blockchain to track all transactions.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Dreamchaser21 on June 13, 2019, 11:36:36 AM
Yes, kung meron lang tayo maitutulong why not diba?

Ipagpalagay natin bitcoin nga ginagamit ng drug syndicates for payment and yes not traceable because it is digital currency and how about the drugs through internet din ba? Trabaho na yan ng PDEA kung mahina intelligence makakapuslit talaga ang drugs sa ating bansa kahit free delivery pa yan patungo sa atin. And why they blame bitcoin on that such crime para masira ang image nito? 

That's how they work, they will ruin bitcoin just to mislead the news. Wala talaga tayo magagawa dito, kase ang government parin ang may kapangyahiran sa mga desisyon na gagawin nila. Sana lang talaga maging tapat tayo sa paghusga, patuloy parin naten suportahan ang bitcoin kampante naman ako na magiging maganda ang mga panghusga ng Pilipinas at ng BSP.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: ice18 on June 13, 2019, 02:20:24 PM
Ibig ba sabihin nito ng upgrade na rin ang mga drug sellers dito satin at gumagamit na rin sila ng bitcoin ngayon well talagang sumsikat na rin talaga ang bitcoin as a mode of payment yun nga lang sa illegal na transaction nagagamit pero hindi naman nawawala yan talagang magagamit sa msama ang isang teknolohiya gaya ng bitcoin.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: harizen on June 13, 2019, 08:56:11 PM
Ibig ba sabihin nito ng upgrade na rin ang mga drug sellers dito satin at gumagamit na rin sila ng bitcoin ngayon well talagang sumsikat na rin talaga ang bitcoin as a mode of payment yun nga lang sa illegal na transaction nagagamit pero hindi naman nawawala yan talagang magagamit sa msama ang isang teknolohiya gaya ng bitcoin.

Upgrade isn't the right term kasi lahat naman ng any means of payment puwede namang gamitin sa illegal activities. Matagal na yan.

Ang resulta kasi ng mga ganyang balita, sumasama ang image ni BTC dito sa atin kasi nagagamit sa illegal without knowing na lahat naman may possibility na magamit. Kung ano-anong mga conclusion na ang ginagawa ng ilan (mismong walang alam sa crypto) na walang valid pointers at waste of time makipagsagutan. 

Di ko kasi maalala kung saang Facebook local news portal page iyong may mga sh*t comments about BTC. Well, lahat aman may sh*t comments pero malupit tong nakita kong conversation e. I'm noy sure if sa Philstar or sa News5.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Hemady17 on June 14, 2019, 09:35:28 AM
Ang ganitong mga isyu ay talagang makakahadlang sa pagiging legal ng Bitcoin sa Pilipinas. Nababahiran ng negatibong pananaw, kung palalawakin natin ang pag iisip walang kinalaman ang btc dito nagiging masama lang ang dahilan ng paggamit nito. Ito ay ginawa para sa ikagagaan ng mga tao hindi para sa kasamaan.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: serjent05 on June 14, 2019, 09:54:05 AM
Ang ganitong mga isyu ay talagang makakahadlang sa pagiging legal ng Bitcoin sa Pilipinas. Nababahiran ng negatibong pananaw, kung palalawakin natin ang pag iisip walang kinalaman ang btc dito nagiging masama lang ang dahilan ng paggamit nito. Ito ay ginawa para sa ikagagaan ng mga tao hindi para sa kasamaan.

Sa tingin ko hindi isyu ito para malegalize ang Bitcoin sa Pilipinas.  Bakit ko nasabi ito dahil mas maraming isyu ang fiat currency pagdating sa drug syndicate.  Alam mo ba na mas anonymous ang pera kaysa kay Bitcoin?  Bakit?  Once na mapasa ang pera gamit ang peer 2 peer transaction, wala ng trace kung sino ang nakakuha ng perang ginamit.  Unlike kay Bitcoin kahit na peer 2 peer yan, matitrace pa rin yan kapag tiningnan sa blockchain.  Ang isyu kung ano ang makahahadlang kay Bitcoin ay ang mga bangko na may sariling interest dahil pinapahina ni Bitcoin ang kanilang impluwensiya sa mga tao.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Clark05 on June 14, 2019, 01:11:39 PM

Pero dahil sa masamang gawain ito magkakaroon ang Idea ang gobyerno na pwede nilang iban ang bitcoin or crypto dito dahil sa mga ginagawa ng mga tao na yan. May epekto pa rin ito sa atin panigurado ako dahil alam natin na once na may negative na pangyayari at sangkot dito ang crypto magiging negative din ang tingin ng karamihan at possible na ang gobyerno pero ngayon ayos pa naman hindi pa naman nila pinapakeelaman ang crypto sa ating bansa pero huwag sana dumating ang araw na yon..

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: CalliBabe on June 14, 2019, 04:38:24 PM
Kung nabalitaan nyo tungkol sa pedofile last 2017 sa cebu ata nangyari, bitcoin ang ginagamit na pambayad bawat transactions at isa ito sa kasiraan ng imahe ni btc, halos lahat na ngaun ginagamit sa masama yun ang nakakatakot at kinakatakot natin na masira imahe ng bitcoin.Well ang tanging magagawa natin ngayon ay patuloy na pagsuporta sa hari ng cryptocurrecy at praying na patuloy na maadopt ito sa ating bansa

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Question123 on June 14, 2019, 04:58:18 PM
Iba iba talaga ang ginagawang paraan ng mga drug syndicate para hindi madetect ang transaction nila kaso nabuko sila ang masama doon ay ginamit nila ang bitcoin. Sana masugpo na itong ganito at mahuli yang mga ganyan para iwas issue si bitcoin sa mga tao lalo na sa gobyerno.

Hindi agad agad mababan ang bitcoin dito dahil ginamit lang naman siya ng mga sindikato at alam naman nila na legit ang bitcoin at wala talaga itong kinalaman sa mga addict na yan.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: dark08 on June 14, 2019, 05:04:53 PM
Kung nabalitaan nyo tungkol sa pedofile last 2017 sa cebu ata nangyari, bitcoin ang ginagamit na pambayad bawat transactions at isa ito sa kasiraan ng imahe ni btc, halos lahat na ngaun ginagamit sa masama yun ang nakakatakot at kinakatakot natin na masira imahe ng bitcoin.Well ang tanging magagawa natin ngayon ay patuloy na pagsuporta sa hari ng cryptocurrecy at praying na patuloy na maadopt ito sa ating bansa

Ou nabalitaan ko ito dati kaya hindi narin bago dito na mayroon mga drug syndicate ang gumagamit ng Bitcoin para sa transaction nila hindi lang naman sa Pilipinas nangyayari ito dahil ginagamit naman talaga ang Bitcoin sa mga ganitong transaction para nadin hindi sila matrace kaya nga hindi sang ayon yung ibang bansa sa pag gamit ng cryptocurrency.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: nngella on June 15, 2019, 07:40:57 AM
so far ang alam ko wala pang known cases na ginagamit ang bitcoin sa mga illegal trading sa Pilipinas.  And if ever, I think hindi bitcoin ang gagamitin dahil may ibang mas private than bitcoin (e.g. monero).  Pero ang alam ko may news before na ginagamit ang bitcoin for money laundering para hindi ma trace ang corruption sa politics.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: CryptoBry on June 15, 2019, 04:15:33 PM
Yes, kung meron lang tayo maitutulong why not diba? Ipagpalagay natin bitcoin nga ginagamit ng drug syndicates for payment and yes not traceable because it is digital currency and how about the drugs through internet din ba? Trabaho na yan ng PDEA kung mahina intelligence makakapuslit talaga ang drugs sa ating bansa kahit free delivery pa yan patungo sa atin. And why they blame bitcoin on that such crime para masira ang image nito?  

Marami ng kaso sa USA na ginamit ang bitcoin sa pagbili ng mga illegal na druga at napatunayan nila doon na ang mga transactions sa bitcoin ay hindi pala totally anonymous as they were able to traced them using the usual technologies they have in hand. I think PDEA should look into that report...which I think the conclusion is that using cryptocurrency like bitcoin even made the whole thing easier to investigate...compared to the use of the fiat money.

We in the cryptocurrency community in the Philippines are hoping that they will not use some cases as the scapegoat to curtail the use and trade of bitcoin here in the Philippines in the same breath that nobody will ever proposed that we restrict the use of the peso all because drug syndicates are accepting peso as payment for their illegal wares. Let's hope that rational minds prevail...

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: HatakeKakashi on June 15, 2019, 05:09:40 PM
Ang ganitong mga isyu ay talagang makakahadlang sa pagiging legal ng Bitcoin sa Pilipinas. Nababahiran ng negatibong pananaw, kung palalawakin natin ang pag iisip walang kinalaman ang btc dito nagiging masama lang ang dahilan ng paggamit nito. Ito ay ginawa para sa ikagagaan ng mga tao hindi para sa kasamaan.
Alam natin na si bitcoin ay wala kinalaman sa ganitong uri ng masamang gawain ng mga taong iyan.

Dahil sa pinagkakagawa ng mga taong iyan magkakaroon ng Idea ang mga tao na maaaring masa ang dulot kung sila ay gagamit ng bitcoin. Hindi natin maipagkakaila na maraming mga tao ang ginagamit ito hindi lang sa ganitong sitwasyon sa iba iba pang masasamang gawain na sana mahuli sila.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: spadormie on June 15, 2019, 05:25:23 PM
Napa shutdown na ng FBI 6 years ago at lahat lahat ang Silk Road at iba pang similar Tor websites, tapos ngayon lang irereport ng Philippine media.  Hayahay Pilipinas nga naman. Naka internet explorer.
True. Eto yung mahirap sa Pilipinas eh, outdated. Pero magpasalamat na lang tayo yung bitcoin dito sa bansa natin hindi binan. May agency ba tayo na nagdidive sa deep web? I think yung us meron eh, CIA yata.

Title: Re: Drug Syndicates using Bitcoin in Philippines
Post by: Muzika on June 15, 2019, 05:42:35 PM
Napa shutdown na ng FBI 6 years ago at lahat lahat ang Silk Road at iba pang similar Tor websites, tapos ngayon lang irereport ng Philippine media.  Hayahay Pilipinas nga naman. Naka internet explorer.
True. Eto yung mahirap sa Pilipinas eh, outdated. Pero magpasalamat na lang tayo yung bitcoin dito sa bansa natin hindi binan. May agency ba tayo na nagdidive sa deep web? I think yung us meron eh, CIA yata.

Kung titignan naman natin kasi parang wala naman ginagawa ang ahensya hanggat walang nangyayareng dapat aksyunan at limitado pa ang teknolohiyang ginagamit natin para makita yung ganyang bagay o limitado pa yung kaalaman ng mga experts dito sa atin. Matagal na yung black market sa deep web hindi lang talagang nabibigyan ng pansin at the same time mahirap masawata.