Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: Darker45 on July 20, 2019, 03:57:24 PM



Title: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: Darker45 on July 20, 2019, 03:57:24 PM
Mga kababayan, katuwaan lang to. Alam kong karamihan sa atin sa ngayon masyado ng abala sa iba't ibang gawain at usapin dito sa forum. Nariyan ang paghahabol ng bounty post requirements, gambling, prediction, betting, at iba pa. Pero pagka bakante naman kayo o baka trip niyo lang, maaari nating alalahanin ang nakaraan at mamangha.

Wala kasi akong magawa sa ngayon kaya binabrowse ko ang mga posts ni Satoshi Nakamoto (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=3). O di ba, alam kong marami pa rin sa atin ang hindi nakabasa sa kanyang personal na mga posts.

Ang galing! Parang hindi kapani-paniwala na ang taong tinitingala nating lahat na parang diyos ay minsan din palang parang tayo, nakikipag-discuss ng mga bagay-bagay na parang ordinaryong tao lang din. Bago siya naging parang legend na lang at biglang naglaho, inayos niya muna ang Bitcoin pati ang forum na ito at nakipag-usap din sa mga members.

Una niya palang post (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5.msg28#msg28) ay ang pagwelcome nya sa lahat dito sa forum. Tapos nagrereply pa sya sa kung paano hahatiin ang isang Bitcoin (https://bitcointalk.org/index.php?topic=44.msg267#msg267), kung hanggang ilang decimals ba pwede. Tsaka gumawa din sya ng thread (https://bitcointalk.org/index.php?topic=64.msg561#msg561) upang pag-usapan kung anong magandang logo para sa Bitcoin.

Tapos sa ngayon masyado ng kumplikado ang usapin tungkol sa kung ano ba talaga ang Bitcoin. May mga nagsasabing asset, o speculative asset. Para sa iba ito ay isang cryptocurrency o digital currency. Sa iba naman ito ay isang security. Itinuturing naman ito sa iba bilang virtual property. Tinatawag din itong digital gold. Pero sa napakaikling whitepaper (https://bitcoin.org/bitcoin.pdf) ni Satoshi Nakamoto, ang Bitcoin talaga ay isang electronic cash.

Sobrang makasaysayan ng forum nating ito na ginawa mismo ni Satoshi. Kung sa ngayon, halos 50 Sats na lang ang binibigay ng Bitcoin faucets at itinuturing natin itong walang kwenta at aksaya lamang sa oras, noong araw ang isang faucet (https://bitcointalk.org/index.php?topic=183.0) na dinivelop ni Gavin Andresen (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=224) ay nagbibigay ng 5 BTC.

At kung sa ngayon halos magkandarapa tayo makabuo lamang ng 0.1 BTC, noong araw may thread (https://bitcointalk.org/index.php?topic=92.0) pa dito na nagpa-auction ng 10,000 BTC para sa $50 lang. At guess what! Palpak pa! Hanggang $25 lang ang pinakamataas na bid (https://bitcointalk.org/index.php?topic=92.msg840#msg840). Masyado daw mataas ang $50 starting bid. Isang napakalaking LOL!  ;D

Ika nga (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5110927.msg50520855#msg50520855) ni Boy Cobra (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=249495), itong forum na ito ay mailalagay sa ating history books sa mga darating na araw. At napag-uusapan man ang Bitcoin sa napakaraming social media sites kahit saan, itong forum na ito ay mananatiling kakaiba dahil lahat ng mga social media sites ay maglalaho din at makakalimutan balang araw. Pero hindi ang forum na mismong si Satoshi Nakamoto ang gumawa. At taas-noo nating sabihin sa ating mga apo na minsan tayo ay nakasama dito (https://bitcointalk.org/) sa kung saan ang lahat ay nagsimula.





N.B.: The blue words in bold are links. Click on it for more info.
Much credit to xtraelv (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=897509), his signature, and this thread (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4322078.0) for most of the info and links.
Please delete this thread mods if this is considered nonsense.
A little dose of history every now and then is always interesting.


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: Muzika on July 20, 2019, 04:34:32 PM
Pinaka nagustuhan ko sa naging kwento mo e yung tungkol sa auction ng btc, naiisip ko tuloy kung paano na lang kung ako o tayo yon hindi na natin kailangan makipag sapalaran sa bawat oras dahil di biro ang ganong dami ng btc ngayon.

Sa simpleng kwento mo naibalik at nabigyan mo ng brief history ang mga terminolohiyang ginagamit natin ngayon.


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: rosezionjohn on July 20, 2019, 04:35:26 PM
Konting mungkahi lang kabayan, mas maganda yata sa mata basahin kung default size lang yung font at blue yung mga may mga hyperlink. Pasensya na, malaki din factor sa akin yung format kung babasahin ko o hindi ang isang post. Mungkahi lang naman  :)


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: Darker45 on July 21, 2019, 05:31:53 AM
Konting mungkahi lang kabayan, mas maganda yata sa mata basahin kung default size lang yung font at blue yung mga may mga hyperlink. Pasensya na, malaki din factor sa akin yung format kung babasahin ko o hindi ang isang post. Mungkahi lang naman  :)

Pinalitan ko na lang ng kulay para sa 'yo, pare. Hayaan mo na lang yung font, sinadya ko yun. Nakakatamad basahin pag masyadong maliit at dikit-dikit ang mga letra, lalo na't mahaba-haba ang post.  ;D


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: Dreamchaser21 on July 21, 2019, 07:47:44 AM
May mga nakakaexcite pa na kwento about the origin of bitcoin, yung iba talaga kapani paniwala and this one is good also, kase makikita mo talaga kung pano trinabaho ni Satoshi ang bitcoin. Siguro kung nagstart tayo ng maaga, maraming Pilipino na ang sobrang yaman at dahil yun kay bitcoin. Nakakamangha kung paano ito ginawa at sana naman ay magtagal pa si Bitcoin.


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: LbtalkL on July 21, 2019, 10:11:12 AM
Salamat sa iyong post kabayan para ma aware din yung ibang hindi pa aware at proud ako dahil naging member ako dito last 2017 until forever  ;D
na curious din ako dati at nahalungkat ko na ang mga ito at ako ay namangka at bumilib talaga kay satoshi itong ginawa niya ay may malaking impact sa buong mundo.

May mga nakakaexcite pa na kwento about the origin of bitcoin, yung iba talaga kapani paniwala and this one is good also, kase makikita mo talaga kung pano trinabaho ni Satoshi ang bitcoin. Siguro kung nagstart tayo ng maaga, maraming Pilipino na ang sobrang yaman at dahil yun kay bitcoin. Nakakamangha kung paano ito ginawa at sana naman ay magtagal pa si Bitcoin.
May paghihinayang din ako konti pero ayos lang swerte parin. 2013 ako nagkainterest sa mga forum site like symbianize now mobilarian na dahil na din sa paghahanap ng online jobs. Kung nagkainterest sana ako agad dito mura pa ang bitcoin nuong June 2013 nasa $100 lang sana. Last 2017 na ako nakasali sa forum na ito at na aware sa cryptocurrency, blockchain technology. Pero ang nakikita ko sa bitcoin malayo pa ang lalakbayin nito.  ;D


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: meldrio1 on July 21, 2019, 10:30:02 AM
imagine na nagfaucet ka nung panahon na iyon at hinihold mo lang hanggang ngayon milyonaryo kana sana ngayon ng dahil sa faucet lang hehe. Ang masasabi ko lang kay Satoshi Nakamoto ay isa siyang genius, tignan mo na ngayon maraming cryptocurrencies na sa merkado ng dahil sa bitcoin.


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: darklus123 on July 21, 2019, 02:22:56 PM
I love to point out my thoughts with regards to the social media thing. Why cobra is right that the forum is a very important part of bitcoin history and why it still remains as one of the very important bitcoin assets. It's not that because social media will end someday but the fact that most of the things that you can read from there actually came from here.

Also in social media it's either you get the right information (which came from here) else you get alot of bullsh*ts. I've been a member in a lot of groups in social media and to be very honest it does not help me at all. It only gives scam informations and there are alot of new members who got scammed.


One last thing why this forum is very valuable is because most of the bitcoin veterans who knows a lot of things about crypto are here and have been teaching, debating, scolding newbies or liars or fakes. And guess what you cannot find it to any social medias. What you will only see there are mostly assholes like Craig, Mcafee and a lot more.


Title: Re: [Kwento]Lumingon sa Pinanggalingan at Mamangha
Post by: Darker45 on July 21, 2019, 03:02:30 PM
One last thing why this forum is very valuable is because most of the bitcoin veterans who knows a lot of things about crypto are here and have been teaching, debating, scolding newbies or liars or fakes. And guess what you cannot find it to any social medias. What you will only see there are mostly assholes like Craig, Mcafee and a lot more.

I guess the world is much bigger out there. The handful of "Bitcoin veterans" are terribly outnumbered by "newbies or liars or fakes." No veteran could always guide or guard them, scolding them when the need arises.

It is not only the social media where disinformation or misinformation about Bitcoin or crypto is spreading. As a matter of fact, both the print media and broadcast media, here in the Philippines at least, are guilty of it.

However, the virus is still on the process of spreading. The good thing is that it is moving now a bit faster than before.