Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: maxreish on August 05, 2019, 06:24:20 AM

Title: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: maxreish on August 05, 2019, 06:24:20 AM
https://i.ibb.co/3TPnNzp/university-of-san-carlos-cebu.jpg (https://bitpinas.com/news/students-university-san-carlos-usc-cebu-wins-international-blockchain-olympiad/)
Click the image for the source

Bilang isa sa mga nasa larangan ng Pharmaceutical field,. I am very much happy and proud that these students from University of San Carlos (Cebu City, Phillippines) made a blockchain technology leveraging healthcare field in Pharmaceutical supply. Their team called, "MediSure" compete in  2019 International Blockchain Olympiad (IBCOL) at the Hong kong Science and Technology Parks, InnoCentre and won 2nd place with silver medal.

The main goal is to integrate blockchain-based technology in the Pharmaceutical system to bust and prevent all the counterfiet drugs. It was amazing that these young minds think of a good way on how to stop the spreading of fake medicines. There are so many counterfeit drugs that are still proliferating and widespread in different pharmacy outlets.

I do hope this is the solution to finally put an end to this kind of illegal actions. As we all know these counterfeit drugs may cause danger because it may contain different or wrong active ingredient that may have no effect or worst be the cause of death of an individual.

Salute to the Students of USC “MediSure” who made this anti-drug counterfeiting platform.

Full link here. (https://bitpinas.com/news/students-university-san-carlos-usc-cebu-wins-international-blockchain-olympiad/)

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawang PILIPINO
Post by: sheenshane on August 05, 2019, 07:22:49 AM
Unti-unti na talaga sumisikat ang blockchain technology dito sa Pinas, sana may iilan pang gifted people na katulad nila.
At a young age, they are very knowledgeable when it comes to blockchain technology. Sakatunayan nga kilala ko isa sa kanila. :D

In addition:
These are their names,

https://i.imgur.com/3aII3OM.jpg
Source: (https://www.dfa.gov.ph/dfa-news/news-from-our-foreign-service-postsupdate/23964-ph-team-wins-silver-medal-in-international-blockchain-olympiad)
From left: Rannzel Tongco, Jeremiah Valero, Consul Sheila Monedero-Arnesto, Louise Lumapas and Cris Militante during the awarding ceremony. (Hong Kong PCG photo)

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawang PILIPINO
Post by: maxreish on August 05, 2019, 12:28:55 PM
-snip-

Maraming salamat sa pagshare ng mga pangalan nila. Napaka swerte mo na kilala mo pala ang isa sa kanila, para saken isang malaking karangalan na makilala ang isa sa pride ng ating bansa pagdating sa blockchain technoloy. 

Malaki ding maitutulong ang idea nila sa larangan ng pharmaceutiko upang tuluyan ng masawata ang lahat ng gumagawa ng pekeng gamot. I hope mapansin ito ng kinauukulan like FDA and DOH para na rin sa ikabubuti ng nakararami.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: chaser15 on August 05, 2019, 08:29:42 PM

Kung sana iyong mga health related projects na nagpa-ICO eh ganitong tema ang ginamit, siguro mas may used case pa ang mga projects nila.

Halos majority ng mga health related ICO bumagsak e kahit nung 2017 na halos lahat ng ICO naging success.

Kudos sa mga Pinoy na sumali dyan at 2nd place pa. Di biro ang manalo sa mga ganyang klaseng competition. Congratulations.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: meanwords on August 06, 2019, 12:46:55 AM
Nakaka-amazed talaga ang talento ng pinoy. Akalain mo iyon? Pharmaceutical pa ang basehan ng project nila eh halos lahat ng mga project dito sa Bitcointalk bumagsak kahit legit pa. Magandang exposure to sa mga pinoy para lalo pang sumikat ang cryptocurrency dito sa Pilipinas. Salamat sa pag share nito bro.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Darker45 on August 06, 2019, 10:24:10 AM
Ayos! Ang galing naman. Sana naman ma-explore talaga ng gobyerno natin yung potensyal ng blockchain. Napakaraming maaaring pagagamitan ng blockchain eh. Never mind na lang cryptocurrency kung talagang ayaw nila pero the benefit of the blockchain technology is very vast. Maaaring gamitin ang blockchain sa agriculture, elections, national data, budgeting, transactions sa customs, at iba pa.

Kung ang mga bata ngang ito kayang ipakita ang malaking benepisyo ng blockchain laban sa counterfeit drugs, ano pa kaya ang kayang gawin ng gobyerno? Kung ang mga batang ito na may limited amount of time and money para sa kanilang pag-aaral tungkol sa capabilities ng blockchain, ano pa kaya ang gobyerno na may napakaraming pera na maaaring gastusin?

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Rufsilf on August 11, 2019, 11:50:19 AM
Nakakatuwa naman at nka second place sila, sana binalita to satv or kaya radyo at sana hindi lang to dito sa forum na share para naman malaman ng ating mga kababayan ang tulong ng blockchain in terms sa medical na aspect at para din mas maintindihan ng iba nating kababayan na ang block chain has more good than bad.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Ryker1 on August 11, 2019, 02:20:47 PM
Galing! Well, talented talaga yong mga taga Cebu ano. At sana maisip na nila imbintuhin yong PCOS machine na gumamit ng blockchain para sa halalan ulit. Yong fake medicine nga pwedi nila ma-stop yon pa kayang fake votes. Sa tingin ko kasi mas maganda ang voting machine kapag gumagamit ng blockchain para wala ng dayaan. Indeed, nakaka amaze naman sila sa tingin ko kaya na nilang gumawa ng isan project na base sa blockchain technology.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: maxreish on August 12, 2019, 05:36:50 AM
Sa tingin ko kasi mas maganda ang voting machine kapag gumagamit ng blockchain para wala ng dayaan. Indeed, nakaka amaze naman sila sa tingin ko kaya na nilang gumawa ng isan project na base sa blockchain technology.

Oo nga no! Napaisip ako tuloy bigla dito sa nasabi mo na bakit hindi gumamit ng blockchain voting technology para matigil na ang anumang uri ng pandaraya sa mga halalan na gagawin. Malay nating sa mga susunod na mga araw ay may gagawa nito tulad ng nagawa nilang ito para sa mga peke na gamot ay hindi malayong may makakaisip din na gumawa ng para sa halalan para tuluyan na talagang malinis ang halalan sa tulong ng blockchain

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: NavI_027 on August 13, 2019, 01:05:40 AM
[snip]
Oo nga no! Napaisip ako tuloy bigla dito sa nasabi mo na bakit hindi gumamit ng blockchain voting technology para matigil na ang anumang uri ng pandaraya sa mga halalan na gagawin. Malay nating sa mga susunod na mga araw ay may gagawa nito tulad ng nagawa nilang ito para sa mga peke na gamot ay hindi malayong may makakaisip din na gumawa ng para sa halalan para tuluyan na talagang malinis ang halalan sa tulong ng blockchain
Good idea kabayan, malay mo maging gateway pa yan para mas mahikayat ang mga tao na sumubok sa crypto! But aside from innovating things, ang dapat din nating bigyan ng pansin ay yung mismong namamahala. Like on the case of PCOS Machines, ayos naman talaga siya para sa akin; hi-tech and mas mabilis compare to the usage of ballot boxes (kasi nga automated na. But if you may noticed, may nangyayari pa ring mga anomalya, right? May mga case ng uncounted votes, biglang nasisira na machines and pati ang iba sa mga balota ay pre-shaded na daw. Talagang mapapaisip ka na lang talaga kung talaga bang technical error or may tinatagong baho ang Smartmatic ::).

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Ryker1 on August 13, 2019, 10:36:28 AM

Well, medyo malayo na tayo sa topic ni OP pero gusto ko ituloy ang diskusyon na ito.
Kasi sa pagkakaalam ko kagagawan din ng tiwaling staff ng Smartmatic eh, yong technical team nila binabayaran raw para manipula yong votes. Pero kapag gagamit ng blockchain, lahat ng votes sa bawat voters ay merong transparency sa bawat napipiling tumatakbong kandidato. Doon na talaga magkaalaman kong sino yong voters na nagpa vote buying. Well, opinyon ko lang to at hindi ko rin alam paano magwo-works kapag gumagamit ng blockchain technolgy. At sana may mag abot sa kanila nitong magandang opportunity ng blockchain para ma innovate naman yong voting system sa ating bansa.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: darklus123 on August 26, 2019, 01:51:04 PM
I've always been admiring the quality of education that San Carlos do always provide to their students. Sulit tlga ang kamahalan ng paaralan na iyan maramihil i nagagamit ng tama ang pundo na nakukuha ng management.

Now they are even exploring more of the technology, providing students a syllabus for blockchain for some related courses way back 2017 kaya hindi nakakapagtaka na for this year may na aachieve nanaman cla paunti unti.

https://web-app.usc.edu/soc/syllabus/20173/32087.pdf

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Danieller on August 27, 2019, 12:39:58 AM
Wow Maxreish, I am so proud of seeing these young people win this award..it brings a smile to my face.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: ice18 on August 27, 2019, 03:10:04 PM

Kung sana iyong mga health related projects na nagpa-ICO eh ganitong tema ang ginamit, siguro mas may used case pa ang mga projects nila.

Halos majority ng mga health related ICO bumagsak e kahit nung 2017 na halos lahat ng ICO naging success.

Kudos sa mga Pinoy na sumali dyan at 2nd place pa. Di biro ang manalo sa mga ganyang klaseng competition. Congratulations.
Nakakaproud tlaga sila may mga schools na palang tumatangkilik ng blockchain technology ibig sabihin tlagang may potential talaga ang teknolihiyang ito kasi kahit sa mga top universities sa US may mga curriculum na rin ng Blockchain kahit saan pwede natin e integrate ang teknolohiyang ito para iresolba ng mga problema sa ngayon sa ibat ibang larangan.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: maxreish on August 30, 2019, 01:47:44 PM
Nakakaproud tlaga sila may mga schools na palang tumatangkilik ng blockchain technology ibig sabihin tlagang may potential talaga ang teknolihiyang ito kasi kahit sa mga top universities sa US may mga curriculum na rin ng Blockchain kahit saan pwede natin e integrate ang teknolohiyang ito para iresolba ng mga problema sa ngayon sa ibat ibang larangan.

Tama ka bro, talaga namang kahanga hanga ang kanilang tagumpay na ito. First time ko nga din makakita ng blockchain technology related sa healthcare field lalo na at nga estudyante ang nag create ng idea na ito. Isa lang ang patunay na talagang hindi pahuhuli ng mga Pinoy sa kahit saang larangan lalo na sa blockchain technologies.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Clark05 on August 31, 2019, 11:23:56 PM

Matalino talaga ang mga Pinoy at kahit hindi ko kilala yang student na yan proud ako sa kanya dahil pinatunayan niya hindi papahuli ang mga Pinoy pagdating sa larangan ng crypto na kung saan ginamit si blockchain sana marami pang maimbento or madevelop gaya nito sana maging successful itong batang ito dahil isa siyang tunay na kahanga hanga pagdating sa gabyang larangan.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: bharal07 on October 17, 2019, 06:43:49 PM
Napaka galing talaga ng mga pinoy, sana'y ipag patuloy natin ang pag tangkilik sa blockchain technology ng mga pinoy upang masuportahan din natin ang mga kababayan natin, marami pa sana ang gumaya sa inyo talaga may potential ang teknolihiya upang makatulong sa bawat tao. That's is a great job

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Hippocrypto on October 17, 2019, 10:48:12 PM
Napaka galing talaga ng mga pinoy, sana'y ipag patuloy natin ang pag tangkilik sa blockchain technology ng mga pinoy upang masuportahan din natin ang mga kababayan natin, marami pa sana ang gumaya sa inyo talaga may potential ang teknolihiya upang makatulong sa bawat tao. That's is a great job

Dapat sana magkaroon ang bansa natin nag alyansa na mag tutugon sa pag develop ng crypto na gumagabay sa mga bagong teknolohiya. Pag marami nag may inspirasyon na gumaya nito at palaguin kung ano ang konsepto ng blockchain sa ating bansa, talagang malaking tulong ito sa bawat isa para maintindihan talaga kung anong nais sa ganitong sistema.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: matchi2011 on October 18, 2019, 04:29:50 AM

Sang ayon ako dyan sana mapansin na ito ng government natin para tutukan din ang sistema ng blockchain, makakatulong talaga ito sa economiya natin sakaling magkarooon ng ibat ibang konsepto na tatalakay sa pag adopt ng blockchain. Hindi lang naman basta investment ung crypto sana we
go deeper since hindi naman tayo against sa sistema ng blockchain. Hopefully magkaroon pa ng madaming katulad nito at tuluyang mapansin ung existence ng blockchain/crypto sa bansa at maadopt ng mas nakararami.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: yazher on October 18, 2019, 05:27:15 AM
Napakagandang infulence ang na accomplished ng mga kabataan na ito. Ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga Government natin. Marami pa sana tayong makikita na katulad nito. Malaking tulong yung nagawa nila, lalo na ngayong maraming mga gamot naglilipana tapos ang mura, yun pala fake. malaking tulong din ito kapag na implement na talaga sa bansa natin para mas ganahan ang iba pang mga kabataan na mag research din tungkol dito.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Katashi on October 18, 2019, 06:14:07 AM

Kung sana iyong mga health related projects na nagpa-ICO eh ganitong tema ang ginamit, siguro mas may used case pa ang mga projects nila.

Halos majority ng mga health related ICO bumagsak e kahit nung 2017 na halos lahat ng ICO naging success.

Kudos sa mga Pinoy na sumali dyan at 2nd place pa. Di biro ang manalo sa mga ganyang klaseng competition. Congratulations.

Nakakapang-hinayang nga naman yung mga proyektong patungkol sa kalusugan dahil sila pa yung hindi masyadong nasuportahan sa industriya ng crypto. may isang proyekto kasi ako nasalihan patungkol sa kalusugan noong 2017 pa, napakaganda ng kanilang layunin para sa ika-uunlad ng industriyang pang-kalusugan ngunit hindi sila nabigyan ng pagkakataon para mai-develop ang platform sapagkat halos walang crypto investor ang tumangkilik sa kanilang proyekto.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: panganib999 on October 18, 2019, 12:26:29 PM
Nakaka-amazed talaga ang talento ng pinoy. Akalain mo iyon? Pharmaceutical pa ang basehan ng project nila eh halos lahat ng mga project dito sa Bitcointalk bumagsak kahit legit pa. Magandang exposure to sa mga pinoy para lalo pang sumikat ang cryptocurrency dito sa Pilipinas. Salamat sa pag share nito bro.
Napaka-ganda ng magiging impact nito sa pharmaceutical industry at sa adaptasyon ng blockchain. may mga nabasa na din ako noon tungkol sa technological innovations kung saan ang blockchain ang pangunahing sangkap o gamit sa pag-gawa. Ito ay ginamit din para sa pag-kontra sa pagka-counterfeit ng mga pagkain, pera, gamot at mga ginto upang maibsan ang pagka-lugi ng ekonomiya, sa tulong din nito maitatabi ang mga nawala at nanakaw dahil sa pamemeke. Ang mga gantong proyekto ay magandang senyales na ang tunguhin ng blockchain na massive adaptation.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: clickerz on October 18, 2019, 01:21:21 PM
Napakagandang infulence ang na accomplished ng mga kabataan na ito. Ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga Government natin. Marami pa sana tayong makikita na katulad nito. Malaking tulong yung nagawa nila, lalo na ngayong maraming mga gamot naglilipana tapos ang mura, yun pala fake. malaking tulong din ito kapag na implement na talaga sa bansa natin para mas ganahan ang iba pang mga kabataan na mag research din tungkol dito.

Magandang gabay sa mga  mga kabataan dyan na nagsisimula pa  lang o naghahanap ng proyekto. Dapat na mas amrami pang mga kabataan ang mag interes sa blockchain technology dahil  maging demand  ang aplikasyon nito sa hinaharap.

Nakaraan ang Unionbank ay nagbikas ng kanilang Blockchain Institute  para sa mga gustong mag aral at marami ag nag sign up sa kanilang launching. Maganda na marami na ang nagkakainteres  na dito.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Katashi on October 19, 2019, 12:57:59 AM

Sang-yon ako sayo kabayan, base nga sa kasabihan na ang kabataan ay pag-asa ng bayan. malaking pagbabago ang maidudulot nila sa hinaharap kung ngayon palang ay mamumulat na ang kanilang mata tungkol sa teknolohiya ng blockchain. sana patuloy pa tayong makakita ng mga ganitong balita na kung saan ang mga kabataan o millenials ang nai-involve.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: carlisle1 on October 20, 2019, 01:04:50 AM
malaking bagay to para sa pharmaceutical community ng Piilipinas dahil sa Hanay nila nabibilang ang mga matatalinong studyante na ito,pero mas makikinabang dito ang kalusugan ng ating mga kababayan at sanay kilalanin at magamit din sa buong mundo,hindi lang natin nalalaman na ang mga counterfeit na gamot ay isa sa dahilan ng paglala ng sakit or kamatayan na din ng mga nakaka inom/gamit nito,at dahil sa nalikha ng ating mga batang kababayan ay maiiwasan na at maaring mahuli na ang mga masasamang loob na nagpapakalat nito,ganun na din ang mga kasabwat nila sa loob ng medical Field para maging malinis ang kanilang hanay.,Mabuhay kayo mga kababayan

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: airdnasxela on October 20, 2019, 11:30:47 AM
Talagang kahanga-hanga ang kakayahang meron ang mga Pilipino. Hindi man gaanong ka developed ang bansa natin pagdating sa mga technology unlike sa ibang bansa, ay kaya parin nating makipagsabayan, lalo na ang kabataan pagdating sa ganitong mga larangan. Malaki din ang maitutulong nito kung sakali. Dahil sa Pilipinas, marami ang naghihirap at naghahanap ng murang ganot, ang iba naman ay ginagawa itong pagkakakitaan sa pag gawa ng mga counterfeit products ng mga gamot which is maaaring lalong makasama sa kalusugan ng tao.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: blockman on October 20, 2019, 11:48:16 AM
Kahit ilang buwan na ang nakalipas matapos nilang matanggap yung award masasabi ko lang na ang galing nitong mga batang ito. May future sila sa blockchain technology at dapat ito yung tinututukan ng gobyerno natin. Kasi itong industry na ito ang isa sa magiging malaki at trending na industry sa mga susunod na taon. Isang edge sa bansa natin na may mga ganito tayong mga talented na aspiring professionals. Sana bigyan sila ng pansin ng gobyerno natin tulad ng DICT.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Edraket31 on October 20, 2019, 11:55:32 AM
Hindi maitatanggi na ang mga Pinoy ay meron ding talentong tinatago para sa ganitong larangan, nakakatuwa at masarap isipin na maraming pinoy ang umaangat at patuloy ang pumapayagpag sa iba't ibang larangan. Sadyang pabata ng pabata ang mga natututo sa teknolohiya, kapag ikaw talaga ay determinado sa isang bagay, walang bata o walang matanda.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: tambok on October 20, 2019, 04:32:48 PM
iba talaga ang galing ng pinoy kahit saang larangan pwede tayong isabak, proud ako sa mga kataan ito maganda ang adhikain nila para maisulong ang pagsugpo sa mga fake na gamot na malaki ang nasisira sa buhay ng tao. sana magtuloy tuloy at maging successful pa ito.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: john1010 on December 04, 2019, 04:09:57 PM
Mas marami pang maeexplore na technology using blockchain, ito lang ang di alam ng nakararami napakalaki ng advantage ng technology na ito kapag maiaadopt at maiintindihan ng husto, akala kasi ng iba kapag sinabing blockchain eh Bitcoin na agad o ibang crypto currency, hindi nila alam na ang bitcoin ay isa lang sa produkto ng blockchain technology.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: gunhell16 on December 05, 2019, 08:15:41 PM
Olympiad ang tawag sa mga malalaking contest na sinasalihan kadalasan ng mga estudyante nang iba't-ibang eskwelahan.
Isa na naman hakbang pasulong ang natamo ng blockchain technology ang magiging daan upang buksan ang mga pinto ng bawat Unibersidad o paaralan upang maimulat ang mga estudyante sa blockchain technology.

Hanga ako sa galing nga mga estudyanteng sumali at nag angat ng bandera ng Pilipinas at nakakuha pa ng medalya.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Ailmand on December 07, 2019, 07:47:21 AM
Nakaka proud ang achievement  ng mga students at naisipan nilang iintegrate ang blockchain technology sa larangan ng medisina. Sana mag silbi itong inspirasyon at magandang exposure ng blockchain technology sa ating bansa. Malaki ang maitutulong nito sa atin hindi lang sa aspeto ng finance, medisina, at marami pang iba.

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: Distinctin on December 08, 2019, 10:27:05 PM
It was so inspiring na naiisipan nila ng ganitong bagay. Sa palagay ko may marami pang bagay na pwedeng ma-iintegrate using blockchain technology.
At sa unti-unti mas naappreciate narin ng mga kababayan nating and kahalagahan nito sa pamumuhay natin ngayun. Kung sa palagay ng iba ay puron lang negatibo pero naipapakita ng mga studyanteng ito ang kahalagan nito. 

Title: Re: ( WAGI )Blockchain-based anti-counterfiet drugs gawa ng Pinoy
Post by: clickerz on December 11, 2019, 11:36:04 AM
It was so inspiring na naiisipan nila ng ganitong bagay. Sa palagay ko may marami pang bagay na pwedeng ma-iintegrate using blockchain technology.
At sa unti-unti mas naappreciate narin ng mga kababayan nating and kahalagahan nito sa pamumuhay natin ngayun. Kung sa palagay ng iba ay puron lang negatibo pero naipapakita ng mga studyanteng ito ang kahalagan nito. 

Dapat na pagtuunn din  ito ng ating gobyero na maexplore pa at magkaroon ng maraming blockchain developer para mas  marami pang projects ang magawa. Ang unionbank mayroon atang schloarship para sa blockchain development.Mas maganda itong blockchain technology na matutunan kasi nagsisimula pa lang at  mas marami pa ang ma develop na mga pagagamitan.