Title: [DISCUSSION] InfoTech Lounge - Programming Languages Needed on Blockchain Post by: cabalism13 on August 27, 2019, 08:50:47 AM Hello Guys,
Just wanted to start a thread where we can discuss about programming just like what @jackg has done before. Matagal ko ng gustong matutunan kung pano ba ang mga bagay bagay sa ating industriya ng Crypto,... Marahil ang ilan sa inyo ay may alam na rito, tulad na lang ng naibahagi ni @finaleshot2016 sa kanyang thread, ngunit hindi ko ito nasubukan sapagkat kulang pa ako sa kaalaman sa python language. Sa mga nais magbahagi ng kanilang kaalaman ukol sa programming ay lubos ko kayong pinasasalamatan. Ang talakayang ito ay maari rin maging tulong sa mga estudyanteng bago pa lang nakikibahagi dito. Kung kaya malaking bagay ang maitutulong nito sa bawat isa. Kahit kaunting kaalaman ay sapat na, Brainstorming ika nga ang pwede nating gawin upang makabuo ng mga bagong ideya. -cabalism13 P.S. Basic pa lang ang aking nalalaman (Java, C++, CSS, JAVASCRIPT, HTML) Title: Re: [DISCUSSION] InfoTech Lounge - Programming Languages Needed on Blockchain Post by: rhomelmabini on August 27, 2019, 03:29:23 PM I came from the field of education and shifting your learning to a technical environment is totally laggy but still I'm persistent and eager to learn, knowledge is power and knowing this skill will boost your life and career. We're in the same position at the moment kasi most I learn is from the basic, in terms sa HTML at CSS better na sa freecodecamp.org matuto I get a transcript there but still stagnant sa JavaScript. To be honest, I am learning right now Python programming as I want to learn more in-depth sa data science, at I guess na better we focus on one area one at a time para talagang mahasa tayo.
Right now I am learning at https://www.dataquest.io as I've read your thread, at gusto ko tapusin kung ano man ang nasimulan ko rito at ang pinaka the best sa platform ay no need na ng python packages upang ika'y matuto, though meron naman talaga ako especially ang Anaconda package 'cause I'm still diversifying yung mga nalalaman ko at i-test din sa Jupyter Notebook. You can sign-up via email or just log-in sa social account mo. Searching for some online education na nag-offer ng short courses sa mga programming languages but always end up finding the pricey courses, what I want is transcripts because you know mga job workplace rito sa atin kung wala kang maipakitang dokumento balewala even if you have knowledge on a specific area. Self-taught is really hard better talaga na may nakakausap ka naman lang at may nakakapagsabi sayo kung ano man yung mali or what needs for improving. Still sa area ko mukhang wala namang mga meetups na nagaganap so just more on self-taught talaga ako. Maybe sa paggawa mo ng thread na ito baka magkaroon ng kulay. Echossss! ;D Title: Re: [DISCUSSION] InfoTech Lounge - Programming Languages Needed on Blockchain Post by: finaleshot2016 on August 27, 2019, 05:18:12 PM It's not hard to learn to program especially when you can easily familiarize the codings of different programming language. As of now ang daming free courses online na nagtuturo ng Python since marami ang use nito ngayon especially sa mga modules and OS, madalas rin ito magamit sa industry ngayon. If you're familiar with some social media platforms like fb, twitter atbp pang website, some of its structure are made of python.
If you're referring about blockchain, I think hindi python ang best way to use kung interesado talaga kayong gumawa ng blockchain. The reason why I used python sa thread (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5174520.0) ko is because gamit ko yung Raspberry Pi ko that includes built in Python Language. If you're interested in creating blockchain, it's better to learn C++ nalang kaysa sa iba, the pioneer language and the second is Java. Silang dalawa lang naman ang Languages na kayang gumawa at magpalabas ng product with minimal codes. Ang python kasi is more on prototypes, halos lahat ng modules na mabibili mo sa elex market, even microcontrollers, ay makakapag-program ka using Python. Actually, I'm currently making some simulation para mapalabas naman yung Lightning Network kasi gusto kong makita yung connectivity map nito. Ito naman ay omnet, ginagamit lang siya for simulation at open source siya kaya madali gamitin pero hindi siya makakagawa ng blockchain na gusto natin but you can simulate the process at makikita mo yung flow how the network works. Sa ngayon kasi i don't find it useful kahit aralin natin yung mga languages, hindi rin naman tayo makakagawa ng working or existing blockchain since ang daming factor na kailangang i-consider. I mean, hindi lang naman naka-rely lang sa python or kung ano mang language yung blockchain kasi may mga interface pa na dapat gawin. Kung may nagbabalak mang kumapit sa industry ng blockchain, it requires ideas din lalo na ang mga artificial intelligence or predictive models kapag i-aapply mo na lahat lahat. Kaya goodluck nalang din at need rin ng funds to implement your own blockchain. :D Title: Re: [DISCUSSION] InfoTech Lounge - Programming Languages Needed on Blockchain Post by: spadormie on August 27, 2019, 06:26:17 PM As of now ang daming free courses online na nagtuturo ng Python Pwede po ba makahingi ng link for this free courses? May other languages po ba na free na itinuturo? Title: Re: [DISCUSSION] InfoTech Lounge - Programming Languages Needed on Blockchain Post by: GreatArkansas on August 28, 2019, 12:49:08 AM Sa mga aspiring developer jan, mas ok learn muna natin yung basic or foundation. Like wag muna agad mag jump sa mga complex na ginagamit without knowledge sa basic.
Halimbawa, Logic muna (pwede ito sa any programming language kasi ang syntax lang mag iiba pag nasa iba't ibang programming languages ka na). Syntax - particular programming language na ito, bali ang mangyayari aaralin mo yung mga syntax, pano ba gumawa ng loop/function sa ganitong programming language. After niyan, pag natutunan mo na ang mga basic, pwede ka na mag jump sa mga framework or libraries which is ang basis nila ay yung native = halimbawa, PHP (native) = Laravel (framework). Kaya napaka importante mag start sa native/basic bago mag jump sa mga framework. Then pag tapos na sa mga basic, pwede mo na unti untiin pag aralan about data structure and Object-Oriented Programming (OOP) which is one of the best foundation sa programming. |