Bitcoin Forum

Other => Archival => Topic started by: lionheart78 on September 20, 2019, 01:34:30 PM



Title: [Balita] 6000 outlet ng 7 - ELEVEN pwede nang Bilhan ng Bitcoin
Post by: lionheart78 on September 20, 2019, 01:34:30 PM
Mas madali ng bumili ng Bitcoin ngayon dahil maari na tayong maginquire upang bumili sa anumang  7-Eleven branch.  Ang minimum na pwedeng nating Bilhin ay nagkakahalaga ng P500, at ang maximum ay P100,000. Ito ay isang proyekto ng Abra sa pakikipagtulungan ng ECPay.

Karagdagang Impormasyon: https://cointelegraph.com/news/all-7-eleven-stores-across-the-philippines-now-sell-bitcoin



Isa itong malaking hakbang para mapalapit sa mga tao ang Bitcoin.  Pinadali kasi nito ang access upang makabili tayo ng Bitcoin.  Malaking tulong din ito upang kahit papaano ay malaman ng tao na hindi na kinakailangang sumali pa sa isang kumpanya upang magkaroon lamang ng Bitcoin na nagiging sanhi ng pagkawala ng pera na sanhi ng scam.


Title: Re: [Balita] 6000 outlet ng 7 - ELEVEN pwede nang Bilhan ng Bitcoin
Post by: rosezionjohn on September 20, 2019, 01:43:42 PM
May kaparehong topic na na-post kahapon
ABRA.COM add money at 7/11 stores NATIONWIDE. (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5185881.0)