Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: harizen on October 15, 2019, 12:58:03 AM

Title: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: harizen on October 15, 2019, 12:58:03 AM

Before anyone got mislead, this isn't the typical direct BTC payment to Lazada unlike the DragonPay option in Shopee.
You will convert your BTC funds into PHP via coins.ph. No need to cashout your bitcoin unless you will stick to the most preferred payment method by others which is Cash-On-Delivery.

Basic lang to and I think alam na ng iba to.

Requirements:
Lazada account
Coins.ph (at least Level 2 account)
GCASH verified account

Step1: Magpondo sa inyong GCASH account gamit ang COINS.PH INSTAPAY feature kung magkano iyong bibilhin mong item sa Lazada + total shipping fees.
(Go to Coins.ph > Cash-Out > Bank > G-Xchange (GCASH) then wait na ma-credit to sa GCASH account niyo )

https://i.postimg.cc/3wpcm1bZ/72699748-1403710396443697-6222516041117859840-n.jpg

Step2: Go to Lazada and purchase the item of your choice. Click BUY NOW. Check your shipping details or apply vouchers if you have then PLACE ORDER.

https://i.postimg.cc/cLWmPWDf/73110390-463802060902465-1699402942802558976-n.jpg https://i.postimg.cc/X7kFGC8y/72338821-526976461461178-1154057746794938368-n.jpg

Step3: Select G-CASH e-WALLET sa Payment Method.

https://i.postimg.cc/NF4MM1cs/72324763-1367846743378598-34418802758254592-n.jpg

Step4: Login to your GCASH (don't worry it's safe via Alipay payment portal). You will be asked for Authentication Code on your GCASH registered number then your 3-digit MPIN on the next window.

https://i.postimg.cc/Vk3Yz7C9/72573493-3030140103876839-2374827635755712512-n.jpg https://i.postimg.cc/6qDH8GLP/72489266-394624621213345-6739648657814978560-n.jpg

That's it. Automatic ng ma-process ang payment mo.

NOTE: Please used this for small transactions only or kung saan kaya mo irisk. 10 days kasi ang maximum period ng Lazada kapag nag-file kayo ng refund. In case of refund, sa Lazada Wallet mababalik iyong amount.

Another one is via Lazada Wallet on which I will make the guide baka mamaya. Pero mas maganda kasi saka na lang kapag marami ng option kasi 2 pa lang nakita kong method na puwede gamitan ng coins.ph (via bank and gcash) sa pag top-up ng Lazada wallet.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: chaser15 on October 15, 2019, 01:02:59 AM

Ngayon ko lang na-explore iyong Payment section sa Lazada kung di ko pa nabasa tong guide mo na to. ;D

Tama ka nga aside sa Gcash puwede ring gamitin iyong banko dun sa top-up ng Lazada wallet gaya ng sabi mo. Kaya lang 2  banko lang nandun tapos Metrobank lang yata iyong may Instapay kasi di ba sa BDO wala.

Ubos ang BTC dito kaka-convert haha. Coins.pro is the key talaga para mamaximize ang puwedeng iconvert sa PHP.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Ailmand on October 15, 2019, 01:08:52 AM
Salamat sa pag share, mas magiging convenient na ang pag order online gamit ang bitcoin thru gcash. Pero sana pag tagal mas dumami pa ang online store na tumatanggap ng direct bitcoin payment para mas mabilis ang proseso ng pagbayad at pag order online, at sana mag karoon din ng ibang wallet app ang gcash para may malaking competitor ang coins.ph pag dating sa online wallet services.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: yazher on October 15, 2019, 01:40:09 AM
Ok na yan dahil kahit papaano magagamit na natin ang ating Gcash sa Lazada, pero kung natatandaan ko matagal ng meron nito sa Lazada ah yung pwede kang magbayad thru Gcash may promo pa nga sila noon. as of now ba OP na try mo rin bang bumili gamit ang iyong Gcash? at tsaka may promo pa ba sila ngayon or wala na?

Sana meron na silang direct payment method sa coins.ph tulad ng shopee para hindi na masyadong hassle yung pagbabayad marami pang dadaanan.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Coin_trader on October 15, 2019, 02:11:52 AM
Ok na yan dahil kahit papaano magagamit na natin ang ating Gcash sa Lazada, pero kung natatandaan ko matagal ng meron nito sa Lazada ah yung pwede kang magbayad thru Gcash may promo pa nga sila noon. as of now ba OP na try mo rin bang bumili gamit ang iyong Gcash? at tsaka may promo pa ba sila ngayon or wala na?

Sana meron na silang direct payment method sa coins.ph tulad ng shopee para hindi na masyadong hassle yung pagbabayad marami pang dadaanan.

Wala kcng refund feature ang BTC kaya nahihirapn ang mga merchant na iaccept to as direct payment method. Oks nmn yung tutorial sa taas using GCash wallet. Less hassle. Pero kung gusto mo tlga ng mabilis na transaction e gumamit ka ng bank account like metrobank. Pwede na kcng maginstant withdrawal sa metrobank. May fee nga lng na 25php pero minimal lng yun. Saka mu gamitin ung ATM card mo na mode of payment sa lazada. Save mo lng sa bill and payment details mo para automatic na nka connect. Para kung bibili ka, Cashout using metrobank sa coins then punta kna agad sa lazada then shopping spree.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: harizen on October 15, 2019, 02:29:07 AM
Ok na yan dahil kahit papaano magagamit na natin ang ating Gcash sa Lazada, pero kung natatandaan ko matagal ng meron nito sa Lazada ah yung pwede kang magbayad thru Gcash may promo pa nga sila noon. as of now ba OP na try mo rin bang bumili gamit ang iyong Gcash? at tsaka may promo pa ba sila ngayon or wala na?

Sana meron na silang direct payment method sa coins.ph tulad ng shopee para hindi na masyadong hassle yung pagbabayad marami pang dadaanan.

Yes matagal na yan kaya lang di advisable yang method na yan dati if galing coins.ph ang fund kasi 2% ang fees sa cashout. Sayang ang fees.

Recently ko lang yan tinry dahil mas tipid na mag transfer from coins.ph to Gcash which is Php 10 pesos via Instapay. Honestly di yan hassle kasi segundo lang ang kakainin sa proseso tapos one click lang ang pagpondo.

Wala kcng refund feature ang BTC kaya nahihirapn ang mga merchant na iaccept to as direct payment method. Oks nmn yung tutorial sa taas using GCash wallet. Less hassle. Pero kung gusto mo tlga ng mabilis na transaction e gumamit ka ng bank account like metrobank. Pwede na kcng maginstant withdrawal sa metrobank. May fee nga lng na 25php pero minimal lng yun. Saka mu gamitin ung ATM card mo na mode of payment sa lazada. Save mo lng sa bill and payment details mo para automatic na nka connect. Para kung bibili ka, Cashout using metrobank sa coins then punta kna agad sa lazada then shopping spree.

Tama via Metrobank. Thanks ulit sa coins.ph Instapay feature kasi mas madali na magpondo sa Laz Wallet from coins.ph. Iyong isa naman si BDO pero currently di kasi sya kasali sa list ng may Instapay sa coins.ph.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: bL4nkcode on October 15, 2019, 02:41:02 AM
Been using this since na ma accept yung gcash sa lazada.

If gusto niyo, you can use this voucher if paying gcash through lazada , 10% less pag ordinary buy lang, 20% naman pag special sale at 50% pag every 18th ng month ata yan, pero syempre may cap yan.

[Edit] Ito yun https://www.gcash.com/gcash-on-lazada

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Wexnident on October 15, 2019, 03:10:11 AM

NOTE: Please used this for small transactions only or kung saan kaya mo irisk. 10 days kasi ang maximum period ng Lazada kapag nag-file kayo ng refund. In case of refund, sa Lazada Wallet mababalik iyong amount.
Wait sa lazada wallet napupunta yung refund? Bakit napunta sa gcash ko yung akin? Na double kasi yung pagbili ko nung mouse pad dati kaya nagrefund ako, sa gcash account ko pa rin siya napunta.

https://i.imgur.com/UsEwskQ.jpg
https://i.imgur.com/onLHoaw.jpg

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Baby Dragon on October 15, 2019, 03:10:21 AM

Before anyone got mislead, this isn't the typical direct BTC payment to Lazada unlike the DragonPay option in Shopee.
You will convert your BTC funds into PHP via coins.ph. No need to cashout your bitcoin unless you will stick to the most preferred payment method by others which is Cash-On-Delivery.

Basic lang to and I think alam na ng iba to.

Requirements:
Lazada account
Coins.ph (at least Level 2 account)
GCASH verified account

Step1: Magpondo sa inyong GCASH account gamit ang COINS.PH INSTAPAY feature kung magkano iyong bibilhin mong item sa Lazada + total shipping fees.
(Go to Coins.ph > Cash-Out > Bank > G-Xchange (GCASH) then wait na ma-credit to sa GCASH account niyo )

https://i.postimg.cc/3wpcm1bZ/72699748-1403710396443697-6222516041117859840-n.jpg

Step2: Go to Lazada and purchase the item of your choice. Click BUY NOW. Check your shipping details or apply vouchers if you have then PLACE ORDER.

https://i.postimg.cc/cLWmPWDf/73110390-463802060902465-1699402942802558976-n.jpg https://i.postimg.cc/X7kFGC8y/72338821-526976461461178-1154057746794938368-n.jpg

Step3: Select G-CASH e-WALLET sa Payment Method.

https://i.postimg.cc/NF4MM1cs/72324763-1367846743378598-34418802758254592-n.jpg

Step4: Login to your GCASH (don't worry it's safe via Alipay payment portal). You will be asked for Authentication Code on your GCASH registered number then your 3-digit MPIN on the next window.

https://i.postimg.cc/Vk3Yz7C9/72573493-3030140103876839-2374827635755712512-n.jpg https://i.postimg.cc/6qDH8GLP/72489266-394624621213345-6739648657814978560-n.jpg

That's it. Automatic ng ma-process ang payment mo.

NOTE: Please used this for small transactions only or kung saan kaya mo irisk. 10 days kasi ang maximum period ng Lazada kapag nag-file kayo ng refund. In case of refund, sa Lazada Wallet mababalik iyong amount.

Another one is via Lazada Wallet on which I will make the guide baka mamaya. Pero mas maganda kasi saka na lang kapag marami ng option kasi 2 pa lang nakita kong method na puwede gamitan ng coins.ph (via bank and gcash) sa pag top-up ng Lazada wallet.

Sa totoo lang matagal na akong gumagamit ng lazada at nag oorder dito pero hindi ako familiar dito, siguro kasi hindi ko ineexplore yung iba't ibang options pero maganda nga ito dahil mas madali. Kadalasan kasi pag nag oorder yung iba sa atin COD yung gamit. Salamat dito dahil nadagdagan yung kaalaman ko at malaking tulong ito para sa mga interesadong gamitin yung btc nila bilang pangpurchase ng isang item sa online shop. Sobrang detailed din kaya mas madaling intindihin kaya hindi na mahihirapan yung mga taong interesado dito.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Clark05 on October 15, 2019, 03:14:34 AM
Ok na yan dahil kahit papaano magagamit na natin ang ating Gcash sa Lazada, pero kung natatandaan ko matagal ng meron nito sa Lazada ah yung pwede kang magbayad thru Gcash may promo pa nga sila noon. as of now ba OP na try mo rin bang bumili gamit ang iyong Gcash? at tsaka may promo pa ba sila ngayon or wala na?

Sana meron na silang direct payment method sa coins.ph tulad ng shopee para hindi na masyadong hassle yung pagbabayad marami pang dadaanan.
Tama marami pang dadaanan mas maganda kasi kung direct na sa bitcoin. Kaya ako mas ptepare kong gamitin ang cash on delivery nila baka mamaya magkaproblem. Hindi ko natetesting gumamit ng gcash account sa lazadakaya hindi ko alam na safe ba ito gamitin sa Lazada na walang magiging problem in the end. Kaya dapat mas maigi kung gawin natin share niyo kung successful naman ito o hindi.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Experia on October 15, 2019, 03:21:14 AM
Been using this since na ma accept yung gcash sa lazada.

If gusto niyo, you can use this voucher if paying gcash through lazada , 10% less pag ordinary buy lang, 20% naman pag special sale at 50% pag every 18th ng month ata yan, pero syempre may cap yan.

[Edit] Ito yun https://www.gcash.com/gcash-on-lazada

Magandang promotion to ng gcash sa paggamit ng voucher sa pag pupurchase ng items, i usually use COD pero dahil sa ganitong promotion magagamit ko Gcash ko as mode of payment. Pero magpapatong kaya yan kung may voucher ka na galing sa lazada tapos magagamit mo pa ba yung off from gcash?

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: harizen on October 15, 2019, 07:03:31 AM

Wait sa lazada wallet napupunta yung refund? Bakit napunta sa gcash ko yung akin? Na double kasi yung pagbili ko nung mouse pad dati kaya nagrefund ako, sa gcash account ko pa rin siya napunta.

Nice share. Di ko pa nasubukan iyong sa refund na Gcash ang ginamit sa payment method. Sa wallet kasi mismo iyong source dun sa last refund ko kaya I assume in general na sya.

Tama marami pang dadaanan mas maganda kasi kung direct na sa bitcoin. Kaya ako mas ptepare kong gamitin ang cash on delivery nila baka mamaya magkaproblem. Hindi ko natetesting gumamit ng gcash account sa lazadakaya hindi ko alam na safe ba ito gamitin sa Lazada na walang magiging problem in the end. Kaya dapat mas maigi kung gawin natin share niyo kung successful naman ito o hindi.

Wala na tayo magagawa dyan kung ayaw pa iconsider ng Lazada ang direct payment kahit man lang via DragonPay or rekta sa coins.ph portal.

Ang point ng thread na ito is para dun sa mga gustong magpurchase sa Lazada pero nasa coins.ph ang funds. Kumbaga nilapit lang natin para no need na magwithdraw to cash at mas napaganda pa kasi tipid na amg feea ng Gcash cashout via coins.ph. Di yan hassle sa mga regular na gumamit ng Gcash sa payment method ng Lazada.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: adpinbr on October 15, 2019, 07:25:28 AM
Nice move para Kay coins.ph na nagdadag sila ng madaming options para saatin. ;D

Kailangan ko pa pala maging verified sa gcash para makapag-send ako ng payment thru lazada.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: blockman on October 15, 2019, 08:21:23 AM
Waa! ayos to, tuwang tuwa misis ko habang binabasa ko itong thread. Napatingin nalang bigla sa Lazada app niya, sa shoppee lang ako madalas mag online shop kapag may mga kailangan kasi nga pwede bitcoin thru dragonpay. Ang ganda ng nangyayari sa coins.ph sana hindi magbago yung services nila. Dalawang kilalang online shopping sa Pinas accessible na sa pamamagitan ng wallet nila.

Kailangan ko pa pala maging verified sa gcash para makapag-send ako ng payment thru lazada.
KYC din yan pero ayos lang din naman yung feature.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Vaculin on October 15, 2019, 10:54:50 AM
This payment method of GCASH has become better because we can enjoy the instapay with a very small amount of charge.
With this method, its like we are paying in BTC as all these procedures can be done in just 1 minute.

Thank you for this tutorial although personally I only choose COD everytime I shop at Lazada.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Beparanf on October 15, 2019, 11:11:52 AM
This payment method of GCASH has become better because we can enjoy the instapay with a very small amount of charge.
With this method, its like we are paying in BTC as all these procedures can be done in just 1 minute.

Thank you for this tutorial although personally I only choose COD everytime I shop at Lazada.
Ako din COD prefer lalo na kapag shopee pero pag sobrang laking amount mainam tong tutorial as long as sa lazmall or positive lahat ng feedback sa seller since ok naman na ang support ng lazada pagdating sa refund ibabalik thry lazada wallet and pag returns sa LBC lang fifill-up and free shipping na as long as mareport mo agad yung item. Sakto tong tutorial and instapay methods sa 11.11 since bago nanaman icon ng lazada alam na this.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: d3nz on October 15, 2019, 11:23:06 AM
Ayos to' mas mabilis talaga kung ganyang payment method ang gagawin mo at prefer mo na magbayad agad. Mabilis talga ang pag transact gamit ang combination ni Coins.ph ast Gcash dahil sa Instapay. Mababa lang ang fee at realtime yung pagpasok ng pera din.

Okay din toh talaga pero mas prefer ko din ang COD kasi chcheck ko pa yung item bago ako magbayad para hindi rin hassle sa pag refund.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: GreatArkansas on October 15, 2019, 11:34:18 AM
https://i.imgflip.com/3dctkp.jpg (https://imgflip.com/i/3dctkp)
Oh, nice may bagong method na para maglipat ng funds from coins.ph to gcash, but how about the fees? Same rin ba like sa picture na 'to? (Which is by percentage)
Kasi jan nakasanayan ko mag lipat ng funds from coins.ph to gcash.

Another question, yung paglipat mo ng funds mo na from gcash to lazada, magkano ang fee (if meron)?
Tapos, posibili kaya na sa lahat na ng supplier ito, hindi kagaya ni shopee na selected supplier lang ang may mode of payment na coins.ph.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Oasisman on October 15, 2019, 12:17:24 PM

Parang medyo mataas yung transfer fee ah?
 Hindi kasi ako gumagamit ng Gcash kaya hindi ko rin masyadong alam kung anung meron si Gcash na feature na wala si Coins specifically sa pag purchase online. Pag ganitong online shopping, always COD din kasi ako eh.
Sa remittances din kasi ako nag ca-cashout para pambayad sa mga inorder ko, lalo na ngayun mas mabilis at mas mababa ang cash out fee sa MLhuillier.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: carlisle1 on October 15, 2019, 12:39:52 PM
Been using this since na ma accept yung gcash sa lazada.

If gusto niyo, you can use this voucher if paying gcash through lazada , 10% less pag ordinary buy lang, 20% naman pag special sale at 50% pag every 18th ng month ata yan, pero syempre may cap yan.

[Edit] Ito yun https://www.gcash.com/gcash-on-lazada
nice share mate though i prevent paying instantly sa mga online kasi pag may problema sa items matagal bago mapalitan not like kung cash on deliver pag sablay ang items pwede kumuha sa ibang sites(pero dahil dito sa share mo Boss baka i consider ko na ang gcash payment kasi sayang ang 50% kung sakaling makapasok sa cap  :D)

to OP thanks for sharing medyo na enlighten ako sa advantage ng pag gamit ng Gcash either shopee or lazada .

.

Okay din toh talaga pero mas prefer ko din ang COD kasi chcheck ko pa yung item bago ako magbayad para hindi rin hassle sa pag refund.
parehas tayo ng stand dyan kabayan pero sa laki ng discount na share ni bl4nkcode baka mahiyang tayo sa pag gamit nito  ;D

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: danherbias07 on October 15, 2019, 01:06:43 PM
Woohh nice.

Sa wakas makakamura na sa withdrawal ng Gcash.
Salamat sa step by step na information din.

Lazada and Shoppee user ako, kahitt ano basta kung sino may promo, specially pag free shipping.
Kaso mostly COD ako.
Mukhang first time ko matry na bayad agad. Sana lang walang bad experience na magkamali ng item like what happened to me before.
But all in all, magandang simula ito.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Eugenar on October 15, 2019, 01:30:28 PM
https://i.imgflip.com/3dctkp.jpg (https://imgflip.com/i/3dctkp)
Oh, nice may bagong method na para maglipat ng funds from coins.ph to gcash, but how about the fees? Same rin ba like sa picture na 'to? (Which is by percentage)
Kasi jan nakasanayan ko mag lipat ng funds from coins.ph to gcash.

Another question, yung paglipat mo ng funds mo na from gcash to lazada, magkano ang fee (if meron)?
Tapos, posibili kaya na sa lahat na ng supplier ito, hindi kagaya ni shopee na selected supplier lang ang may mode of payment na coins.ph.

Parang medyo mataas yung transfer fee ah?
 Hindi kasi ako gumagamit ng Gcash kaya hindi ko rin masyadong alam kung anung meron si Gcash na feature na wala si Coins specifically sa pag purchase online. Pag ganitong online shopping, always COD din kasi ako eh.
Sa remittances din kasi ako nag ca-cashout para pambayad sa mga inorder ko, lalo na ngayun mas mabilis at mas mababa ang cash out fee sa MLhuillier.

Kabayan kung titignan natin, yung panahon ngayon ay may binibigay na promo si lazada to gcash transactions. Kung medyo nalalakihan ka sa fees na need mong bayaran, maaari itong pababain ng 10 percent cashback kung gcash ang iyong gagamitin. Nang sa gayon, mas makikita mo ang mahalagang advantage kung bakit natin idederetso sa BTC ang transactions natin from Lazada. Sana'y makatulong ito sayo kabayan.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: matchi2011 on October 15, 2019, 02:56:05 PM
Woohh nice.

Sa wakas makakamura na sa withdrawal ng Gcash.
Salamat sa step by step na information din.

Lazada and Shoppee user ako, kahitt ano basta kung sino may promo, specially pag free shipping.
Kaso mostly COD ako.
Mukhang first time ko matry na bayad agad. Sana lang walang bad experience na magkamali ng item like what happened to me before.
But all in all, magandang simula ito.
Yan lang din naman ang nakikita kong magiging negative side ng payment first kesa sa COD, pero nice to know na pwede na pala itong gawin with the combo ng Coins.ph and G-cash, acceptable naman ung small fees lalo na if tinatamad ka mag withdraw ng cash, madali ung process then wait ka na lang after mong ma go ung order mo.

Tip lang: ingatan tutruan si misis kung ayaw nyo maubos mga iniipon nyong funds sa coins.ph hahaha... :P ::)

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Quidat on October 15, 2019, 03:41:58 PM

Legit  advise hahaha. Kaya nga di ko tinuturuan kung paano gamitin ang coins.ph for lazada.Hilig pa naman ni misis mang wishilist sa lazada
kaya sureball na yun pag nalaman niya na may fund ang coins account ko since alam niya pwede fundingan ang gcash.

Na try ko na ang ganitong transaction and i can say that this is less hassle pero as said ang negative side is yung refund or if my problema yung item.
Tagal ng processo kaya nag C-COD nalang ako anytime.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: harizen on October 15, 2019, 08:55:09 PM

Oh, nice may bagong method na para maglipat ng funds from coins.ph to gcash, but how about the fees? Same rin ba like sa picture na 'to? (Which is by percentage)
Kasi jan nakasanayan ko mag lipat ng funds from coins.ph to gcash.

That's the old method bro, 2% of the cashout amount ang fees.

Mas tipid na ngayon Php10 lang up to the max amount allowed per transaction via Instapay. Follow mo lang yang nasa noticed (via Bank cashout then hanapin mo G-exchange).

Another question, yung paglipat mo ng funds mo na from gcash to lazada, magkano ang fee (if meron)?
Tapos, posibili kaya na sa lahat na ng supplier ito, hindi kagaya ni shopee na selected supplier lang ang may mode of payment na coins.ph.

Either:

-via GCASH as payment
-via Lazada Wallet as payment (top-up via GCASH)

No fees parehas.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: chaser15 on October 15, 2019, 10:09:03 PM
Tama marami pang dadaanan mas maganda kasi kung direct na sa bitcoin. Kaya ako mas ptepare kong gamitin ang cash on delivery nila baka mamaya magkaproblem. Hindi ko natetesting gumamit ng gcash account sa lazadakaya hindi ko alam na safe ba ito gamitin sa Lazada na walang magiging problem in the end. Kaya dapat mas maigi kung gawin natin share niyo kung successful naman ito o hindi.

Paanong maraming dadaanan e para ka lang nagcashout sa Gcash? Tapos puwede ka na rin mag-sobra ng balance.

Puwede mo rin i-save para one click na lang sa next purchase mo. Iyong sa Shoppee wala yatang save dun. Need mo mag-login sa coins.ph tapos iyong authentication code pa sa email. Gaya nga ng sabi ni OP, para to sa mga regular na gumagamit ng Gcash sa pagbili sa Lazada pero may pondo sa coins.ph.

Been using this since na ma accept yung gcash sa lazada.

If gusto niyo, you can use this voucher if paying gcash through lazada , 10% less pag ordinary buy lang, 20% naman pag special sale at 50% pag every 18th ng month ata yan, pero syempre may cap yan.

[Edit] Ito yun https://www.gcash.com/gcash-on-lazada

Tested mo to? Galing nito a. Wala limit per month? Malaki rin iyong cap. Laking tipid. :o

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: deadsilent on October 15, 2019, 10:19:11 PM
Malaking tong guide mo OP. Sana gawin ni Coins na direct nalang yung funds sa Lazada walllet para walang hassle. Pero ok na rin to kesa pumunta kapa sa remittance center para lang magpa-recharge ng wallet. Doon pipila kapa, dito wala na. And no fees at all? Wow.. parang nae-enganyo na naman akong bumili sa Lazada. Kaso wala pa akong pera.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Japinat on October 15, 2019, 11:05:46 PM
Ayos to' mas mabilis talaga kung ganyang payment method ang gagawin mo at prefer mo na magbayad agad. Mabilis talga ang pag transact gamit ang combination ni Coins.ph ast Gcash dahil sa Instapay. Mababa lang ang fee at realtime yung pagpasok ng pera din.

Okay din toh talaga pero mas prefer ko din ang COD kasi chcheck ko pa yung item bago ako magbayad para hindi rin hassle sa pag refund.
We have to carefully review the feedback talaga because scammers are also using GCASH accounts since one can easily make a GCASH account unlike a bank account where we really have to comply with the KYC and we will have to personally go with the bank, so we buyer, maaring maghabol sa seller dahil alam natin na tama ang info nila.

But as a payment method, I like it, it makes transaction cheaper.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: epis11 on October 16, 2019, 12:57:20 PM
Or kung gusto ng iba sa mga paymaya users at walang gcash pwede rin lalot pwede na rin magcashout from Coins.ph to Paymaya account via instapay den like gcash gamitin nio nalang yong virtual credit card ng Paymaya sa Lazada instant den processing niyan kasi mastercard/visa ang paymaya.
https://i.postimg.cc/fRsRjxwh/totoooooo.jpg

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Ashong Salonga on October 16, 2019, 01:11:15 PM
Sa ngayun hindi kopa natatry ang umorder sa lazada dahil kadalasan sa shoppee talaga ko bumibili dahil mas mura pero baka itry konarin umorder sa lazada para matesting kona ipambayad yung laman ng coins.ph ko and gcash.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Gotumoot on October 16, 2019, 02:01:24 PM
Salamat sa pag share, mas magiging convenient na ang pag order online gamit ang bitcoin thru gcash. Pero sana pag tagal mas dumami pa ang online store na tumatanggap ng direct bitcoin payment para mas mabilis ang proseso ng pagbayad at pag order online, at sana mag karoon din ng ibang wallet app ang gcash para may malaking competitor ang coins.ph pag dating sa online wallet services.

Sa tingin ko mahihirapan tayo na i adopt ang bitcoins sa pagbabayad dahil nga sa volitile na presyo nito. Kaya nga kahit sa shoppe konikonbert muna yung Btc sa peso dahil hindi tumatanggap ang mga seller ng BTC ang bayad.
 
Nice move para Kay coins.ph na nagdadag sila ng madaming options para saatin. ;D

Kailangan ko pa pala maging verified sa gcash para makapag-send ako ng payment thru lazada.

Yea kailangan mo muna maging verify sa GCash pero madali lang naman mag kyc saka instant lang.
Wag lang mag blured pag kuwa mo sa pic para wala problem

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: abel1337 on October 16, 2019, 03:19:51 PM
Sa ngayun hindi kopa natatry ang umorder sa lazada dahil kadalasan sa shoppee talaga ko bumibili dahil mas mura pero baka itry konarin umorder sa lazada para matesting kona ipambayad yung laman ng coins.ph ko and gcash.
True, I don't know kung bakit mas mura ang items sa shopee kesa kay lazada.

I've used it once, Less hassle ang ganitong transaction especially if ang funds mo naman na ipangbabayad ay kukunin mo pa sa bank mas maganda pang ganitong method nalang ang gawin atleast di ka mag papanic once na mag ideliver na sayo ng rider ang parcel mo.

I even used coins.ph as a payment method sa shopee but as OP said it is Dragonpay option in shopee.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: JanpriX on October 16, 2019, 03:50:07 PM
Sa ngayun hindi kopa natatry ang umorder sa lazada dahil kadalasan sa shoppee talaga ko bumibili dahil mas mura pero baka itry konarin umorder sa lazada para matesting kona ipambayad yung laman ng coins.ph ko and gcash.
True, I don't know kung bakit mas mura ang items sa shopee kesa kay lazada. . .
I've been wondering that also. Hindi pedeng dahil sa quality ng product kasi pareho lang naman ng items na binebenta sa Lazada at Shopee. Baka mas may malaking patong na fees na si Lazada kasi mas kilala ito and their reach is much wider than other e-commerce business.

@harizen - Good job on this guide. A well-deserved merit. Tama ka, simple lang nga ito pero honestly, ngayon ko lang naisip gamitin si Coins.ph (Gcash) sa pagbili ng items sa Lazada. And as you pointed out, the pros of using this method outweighs the cons. Will most likely use this when buying items from Lazada. Saktong sakto pa naman, malapit na ang malalaking sale sa website nila at malapit na din ang pasko.  ;D

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: alexsandria on October 16, 2019, 07:57:18 PM
Sa pagkakaalam ko ay pwede na ring magbayad sa pagbili ng isang produkto sa shoppee gamit ang ating cryptocurrencies gaya ng bitcoim, ethereum at iba pa. Gayunpaman, napakaganda ng mga ganitong pagbabago sapagkat nabibigyan ng oportunidad ang mga gaya natin na gamitin ang ating crypto at hindi na magconvert para bumili at gayundin ay na ipapakilala ang crypto sa ibang tao ng kaparehas na sandali.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: harizen on October 16, 2019, 09:44:56 PM
Or kung gusto ng iba sa mga paymaya users at walang gcash pwede rin lalot pwede na rin magcashout from Coins.ph to Paymaya account via instapay den like gcash gamitin nio nalang yong virtual credit card ng Paymaya sa Lazada instant den processing niyan kasi mastercard/visa ang paymaya.

Thanks. Honestly, I want to include a TUT for that but I see it's not necessary since madali lang makita kung paano.

Up din for MetroBank since kasama sya sa Instapay feature. Other one is BDO pero wala sya sa Instapay so ang applicable dito is iyong ginawa mong tutorial na GCASH to BANK instead.

Update natin to pag may mga nadagdag na additional options sa Lazada na pasok sa Instapay cashout feature ng coins.ph.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: Hippocrypto on October 17, 2019, 03:05:56 AM
Sa pagkakaalam ko ay pwede na ring magbayad sa pagbili ng isang produkto sa shoppee gamit ang ating cryptocurrencies gaya ng bitcoim, ethereum at iba pa. Gayunpaman, napakaganda ng mga ganitong pagbabago sapagkat nabibigyan ng oportunidad ang mga gaya natin na gamitin ang ating crypto at hindi na magconvert para bumili at gayundin ay na ipapakilala ang crypto sa ibang tao ng kaparehas na sandali.

Papaano kaya gumamit upang makabili ng produkto gamit ang ating bitcoin or ethereum balance? Ngayun ko lang narinig yan at nasanay kasi ako COD ginagamit ko upang maka purchase. Mabuti kung nag adopt na ang shoppe gamit ang cryptocurrency, malaking tulong ito para maraming mag cash in tapos bibili sila independently gamit ang coins.ph wallet.

Title: Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada)
Post by: gunhell16 on October 17, 2019, 07:39:57 AM
Ok na yan dahil kahit papaano magagamit na natin ang ating Gcash sa Lazada, pero kung natatandaan ko matagal ng meron nito sa Lazada ah yung pwede kang magbayad thru Gcash may promo pa nga sila noon. as of now ba OP na try mo rin bang bumili gamit ang iyong Gcash? at tsaka may promo pa ba sila ngayon or wala na?

Sana meron na silang direct payment method sa coins.ph tulad ng shopee para hindi na masyadong hassle yung pagbabayad marami pang dadaanan.

Yes matagal na pwede gamitin ang GCASH sa Lazada at nagkaroon pa ng iba't ibang promo si Gcash para gamitin ito sa LAZADA.
siguro ang pinagkaiba lang ngayon ay pwede ka magsend ng GCASH balance sa LAZADA wallet at pwede mo na dun store yung pera mo.
Pero para sakin stay ako sa Gcash wallet then send payment nalang pag bibili!