Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: lionheart78 on October 16, 2019, 08:01:52 AM



Title: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: lionheart78 on October 16, 2019, 08:01:52 AM
Marami sa atin ang nasanay ng gumamit ng iisang address sa lahat ng transaction sa kadahilanang mas convenient kapag iisa lang ang ginagamit natin dahil pwede nating ilagay ito sa isang notepad at icopy paste na lang kapag tatanggap ng bayad.  Pero alam nyo ba na mahalagang gumamit ng ibang address o ibang pre-generated address ng wallet kapag tumatanggap ng anumang bayad?  Hindi lamang sa upang bigyan tayo ng karagdagang protection at privacy kung hindi para  hindi rin tayo magkaproblema sa mga binabayaran nating services na may duration window sa pagtanggap ng ating bayad.   Kapag hindi nagconfirmed ang incoming transaction hindi rin macoconfirm ang mga upcoming send transaction gamit ang fund na nasa address na iyon.

Isang halimbawa dito ay ang pagcacashout sa mga platform tulad ng rebit.ph.  Sa isang scenario na kung saan lahat ng paparating na bayad sa iyo ay tinatanggap lamang ng isang BTC address, at may isang nagbayad na ang transaction fee ay lubhang napakababa, maaring mastock ang buong Bitcoin balance ng naturang address.  Meaning, hindi macoconfirm ang mga susunod na send transaction ng iyong address dahil may isang transaction na hindi pa nacoconfirm prior sa iyong bagong sent transaction.  Bakit?  Dahil kada send natin ng transaction pinapadala ang kabuoang balance ng wallet address na iyon at mapupunta ang parte ng amount na binayad natin dun sa address na pinadalhan natin at ang natitira naman ay mapupunta sa ibang pre-generated address ng ating wallet.  Lalabas na unconfirmed parent ang magiging issue.

https://i.imgur.com/TvCzcLZ.png

Sample sa electrum wallet

https://miro.medium.com/max/1546/1*pME6CFPcA6Fx2aJqSf2Mew.png
Source: https://miro.medium.com/max/1546/1*pME6CFPcA6Fx2aJqSf2Mew.png

Though may mga paraan para maayos ito tulad ng nasasaad sa article na ito (https://bitcointechtalk.com/stuck-transaction-how-to-fix-this-dreaded-problem-using-the-power-of-bitcoin-d3961d6879ac), mas mainam pa rin na gumawa tayo ng preventive measure para maiwasan ang ganitong problema.

GUIDE PARA SA SOLUSYON NG UNCONFIRMED PARENT TRANSACTION (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5193340.msg52781854#msg52781854)


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: Ailmand on October 16, 2019, 08:32:10 AM
Salamat sa pag post OP, makakatulong ang impormasyon na ito lalo na sa may mga active na bitcoin wallet pag dating sa transactions. Siguro mataas ang chance na mangyari ito kapag ang fee na binayaran sa transaction ay napakababa, nasubukan ko na dati na nadelay ang withdrawal at deposit ko ng halos ilang oras. Mas mainam na may preventive measure para hindi maipit ang funds sa BTC.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: Wexnident on October 16, 2019, 08:32:56 AM
So parang nagpadala ka nang pera at ineexpect nang receiver na makukuha niya kinabukasan. Pero sa sobrang kuripot mo ay nakikipag bargain ka pa para bumaba ang presyo kaya kinabukasan, nalagay na nga sa pangalan ng receiver ang pera pero hindi niya pa ito magamit kasi wala pa nga talaga sa kaniya. Ganoon ba iyon?

May mga wallet naman na supported ang RBF at CPFP kaya't try niyo muna if yung wallet na ginagamit ninyo ay sinusupport yung dalawang features na ito. If not, then proceed dun sa guide na sinabi ni OP. Almost all wallets naman ay gumagamit ng BIP 39 and BIP 32 so should be easy to fix kapag nangyari yung katulad sa scenario ni OP.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: Bttzed03 on October 16, 2019, 08:37:16 AM
Magkahiwalay dapat ang wallet para sa pag-receive ng mga incoming payments at para naman sa wallet na madalas gamitin pambayad para hindi magka-aberya. Top up mo na lang regularly yung wallet na madalas gamitin for payment, tama ba yun?


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: lionheart78 on October 16, 2019, 09:53:47 AM
So parang nagpadala ka nang pera at ineexpect nang receiver na makukuha niya kinabukasan. Pero sa sobrang kuripot mo ay nakikipag bargain ka pa para bumaba ang presyo kaya kinabukasan, nalagay na nga sa pangalan ng receiver ang pera pero hindi niya pa ito magamit kasi wala pa nga talaga sa kaniya. Ganoon ba iyon?


Bale may babayaran kang subscription using BTC, then may  nagpadala syo ng payment dun sa address na ginagamit mo, pagpadala mo ng payment, nasama yung pinadalang payment syo na unconfirmed dun sa transaction kaya kalalabasan ay unconfirmed  parent.  Ngyayari ito mostly dun sa isang address lang ang ginagamit sa pagreceive ng payment at iyon din ang ginagamit nya sa outgoing transaction nya.

Magkahiwalay dapat ang wallet para sa pag-receive ng mga incoming payments at para naman sa wallet na madalas gamitin pambayad para hindi magka-aberya. Top up mo na lang regularly yung wallet na madalas gamitin for payment, tama ba yun?

Tama much better if iba-iba ang address na gagamitin natin to received for payment, kung napapansin nyo, every time na nagoopen tyo ng electrum, iba iba ang receiving address natin, ngyari kasi sa akin iyan, lahat ng winiwidraw ko ay sa iisang address ko lang pinapadala, nagkataon nung nagwidraw ako from a casino sobrang baba ng tx fee nila kaya ayaw magconfirm, eh nagkataon nagsend ako ng remittance through rebit.ph, akala ko walang magiging problema dahil ang balance ko ay sobra sobra pa dun sa pinadala ko, then after  ko masend ng transaction, lumabas yung unconfirmed parent, buti na lang at nakuha sa tx accelerator kung hindi mapipilitan akong gamitin yung child pay for parent (cpfp).


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: dothebeats on October 16, 2019, 10:17:28 AM
Using change addresses when transacting is actually more on the privacy aspect. Alam naman natin na yung issue ng mga personal thefts concerning bitcoin has been on the rise lately, at once na ma-trace ng ibang tao yung address mo at nailink sa ‘yo yun, may possibility na maaaring maging target tayo ng mga personal thefts. Sa laki ng key space ng public address for bitcoin na hindi naman agad nae-exhaust, mas mainam nang gamitin lahat ng bagong addresses kesa mag stick sa iisa at irisk ang ating safety.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: lionheart78 on October 16, 2019, 11:22:36 AM
Using change addresses when transacting is actually more on the privacy aspect. Alam naman natin na yung issue ng mga personal thefts concerning bitcoin has been on the rise lately, at once na ma-trace ng ibang tao yung address mo at nailink sa ‘yo yun, may possibility na maaaring maging target tayo ng mga personal thefts. Sa laki ng key space ng public address for bitcoin na hindi naman agad nae-exhaust, mas mainam nang gamitin lahat ng bagong addresses kesa mag stick sa iisa at irisk ang ating safety.


Indeed, it was mentioned on the OP, the discussion here is about the possible discomfort na mabibigay nito sa atin kapag merong nagpadala ng fund na may maliit na transaction fee at matagal magconfirm at need nating magbayad ng bill at ang fund natin ay nandun lang sa address na iyon, which can cause unconfirmed parent scenario.  Mabuti kung ang may-ari ng address is knowledgeable about replace by fee o di kaya ay child pays for parent solution.  Malaking discomfort yan lalo na't need magconfirm ang payment in a certain period of time.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: ecnalubma on October 16, 2019, 11:53:56 AM
Hindi ko pa masyado na eencounter sa Bitcoin ito pero sa Ethereum same then kapag tinipid mo yung gas fee maghihintay ka ng 24 hours bago ma confirm transactions mo. Ang Jaxx wallet may magandang feature, automatic meron siyang mga pre generated address hindi lang Bitcoin kundi pati ibang coins na activated sa wallet mo.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: Sadlife on October 16, 2019, 12:46:45 PM
  Kapag hindi nagconfirmed ang incoming transaction hindi rin macoconfirm ang mga upcoming send transaction gamit ang fund na nasa address na iyon.


ganun pala yon?buti nalang di ako nag send ulit now dahil nagka problema ang transaction ng cash out ko from coins.ph papuntang M.lhuiller halos 10 hours na now ang processing samantalang instant lang naman sila tuwing ginagamit ko

salamat dito OP  atleast hindi na muna ako mag try mag send ulit para di magkapatong patong ang pending transactions ko
Hindi ko pa masyado na eencounter sa Bitcoin ito pero sa Ethereum same then kapag tinipid mo yung gas fee maghihintay ka ng 24 hours bago ma confirm transactions mo. Ang Jaxx wallet may magandang feature, automatic meron siyang mga pre generated address hindi lang Bitcoin kundi pati ibang coins na activated sa wallet mo.
hindi ka siguro gumagamit ng ibang wallets mate kaya di mop[a nasubukang ma delay,may mga wallet na optional ang pag send kung anong pipiliin mo may economy,normal at costum at High para kung saan ka mas kumportable


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: lionheart78 on October 16, 2019, 01:56:42 PM
  Kapag hindi nagconfirmed ang incoming transaction hindi rin macoconfirm ang mga upcoming send transaction gamit ang fund na nasa address na iyon.


ganun pala yon?buti nalang di ako nag send ulit now dahil nagka problema ang transaction ng cash out ko from coins.ph papuntang M.lhuiller halos 10 hours na now ang processing samantalang instant lang naman sila tuwing ginagamit ko


Ang alam ko walang problema kung sakaling nadelay ang cash out mo from coins.ph to M. Lhuiller, at gusto mo ulit magcash out since cash naman ang pinapadala nila at ang Bitcoin mo ay hawak na nila.  Ang pinag-uusapan natin dito is sending fund from the same address na may unconfirmed transaction,


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: d3nz on October 16, 2019, 02:22:54 PM
Salamat sa pagshare nito. Hindi ko pa naman naranasan yung ganitong issue na ma unconfirmed pero madami din akong bifcoin wallet address para makasigurado din at para sa mga personal na transaksyon.

Mahirap talags kung maddelay o hindi agad macconfirm ang transaksyon dahil magjging aberya ito kung nag aantay ka ng iyong pondo o pagbaysd.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: dimonstration on October 16, 2019, 02:46:13 PM

hindi ka siguro gumagamit ng ibang wallets mate kaya di mop[a nasubukang ma delay,may mga wallet na optional ang pag send kung anong pipiliin mo may economy,normal at costum at High para kung saan ka mas kumportable
Ayos din tong OP post para aware yung mga hindi pa nakakaexperience. Sa myetherwallet talaga ako kadalasan ganito nagbounced back or fail yung transactions even hindi out of gas or ifast mo yung transaction speed, minsan ganito reason ERC-20 Token Transfer Error (Unable to locate corresponding Transfer Event Logs) masaklap dito bawas gas padin kahit hindi nasend. So far wala pa naman ako sa BTC problem maliban sa delay.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: carlisle1 on October 16, 2019, 03:54:31 PM
napakagandang topic at napapanahon lalo pat dumadami na ang issue ng mga kung ano anong panlalamang sa kapwa gamit ang internet kaya nararapat na ang bawat isa ay may gamit na tatlo hanggang apat na wallets
sa dami ng phishing at malware attacks now pag hindi pa tayo nag ingat ng maige malamang isa tayo sa mga susunod na mag create ng topic about being hacked
sana mas madami pa ang sharing ng mga nabiktima para dagdag kaalaman sa ating lahat kung paano iiwas ng hindi mapabilang sa mga naiisahan


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: lionheart78 on October 16, 2019, 09:57:41 PM
If ever na naranasan natin ito may mga solution naman na maaring gawin tulad ng RBF, yan ay kung tayo mismo ang nagsend ng transaction, at ang tinatawag na CPFP, kung tayo naman ang nakareceive ng payment at stucked up ang pinadala sa atin due to very low fee. 

Heto ang link para sa RBF guide (https://freedomnode.com/blog/75/how-to-fix-slow-bitcoin-transactions-with-replace-by-fee)  samantalang heto naman ang guide for CPFP (https://bitcointechtalk.com/stuck-transaction-how-to-fix-this-dreaded-problem-using-the-power-of-bitcoin-d3961d6879ac).


More info about Replace By Fee (RBF):
https://themoneymongers.com/replace-by-fee-rbf-bitcoin/

More info about Child Pays For Parent (CPFP)
https://themoneymongers.com/child-pays-for-parent/

Here is the video tutorials :

Bitcoin - Replace By Fee (RBF) (https://www.youtube.com/watch?v=im2rH2U9MEg)

How To Get Your Bitcoin Transaction Confirmed with CPFP (https://www.youtube.com/watch?v=dUJyfz0QQXw)


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: chaser15 on October 16, 2019, 11:27:17 PM

The reason why others is using same address to all transaction is because dahil sa gamit nilang nakasanayang wallet na walang feature to add generated address.

Like here in PH, for I will assume majority is using coins.ph which doesn't have a feature of generating new addresses unlike in Coinbase. Others also found it hassle if gagamit sila ng Electrum or any desktop wallets.

Pero mga kabayan, mas maganda ugaliing wag mag-stick sa isang wallet para na rin for your own safety.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: lionheart78 on October 16, 2019, 11:57:11 PM
Its good to have more bitcoin addresses as long as you have the control over it pero kung wala naman, i think medyo risky ito. I always use one bitcoin address on all my transactions not unless I need to use other bitcoin address especially if the withdrawal is coming from a gambling site since medyo hinde safe if direct transfer sya to coins.ph.

This does not include exchanges at platform like coins.ph, dahil pwede tayong magpadala ng sunod sunod sa gusto nating padalhan dahil sila (management) na mismo ang nagmamanage nag pagpapadala.  The discussion is about unconfirmed parent at paano ito maiiwasan at masusulusyunan not about sending from gambling sites.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: Baofeng on October 17, 2019, 11:09:54 PM
Nais ko rin idagdag ang isang kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang BTC address, ito ay ang Security. Lalo na kung malaki ang bitcoins mo, at alam nating daming naglipana na mga cyber criminals jan na nagmamatyag lang sa isang pagkakamali natin. Kaya maganda ang iba iba para hindi ka nila basta basta ma track at syempre obfuscate o kaya hide ka sa mga ibang tao dyan.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: Bitkoyns on October 18, 2019, 03:51:29 AM
Sa paanong paraan ba nakatutulong ito? Hindi ba masakit sa bulsa ang tx fees kapg iba-iba gamit mong address if kung sakaling ililipat mo din ito sa main wallet mo? Taas pa naman tx fee pagpasa-pasa ng BTC

Medyo may karagdagang tx fees kung madaming inputs ang isang transaction pero makakatulong ito para sa anonimity at privacy mo. Depende na lang sayo kung ano mas mahalaga pero kung malilit na amount lang para sakin ok na sa isang address lang store


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: bharal07 on October 18, 2019, 04:59:37 AM
Salamat sa pag post OP, makakatulong ang impormasyon na ito lalo na sa may mga active na bitcoin wallet pag dating sa transactions. Siguro mataas ang chance na mangyari ito kapag ang fee na binayaran sa transaction ay napakababa, nasubukan ko na dati na nadelay ang withdrawal at deposit ko ng halos ilang oras. Mas mainam na may preventive measure para hindi maipit ang funds sa BTC.

Oo malaking tulong ito para sa mga newbies, pero hindi naman kailangan paiba-iba ng address para lang hindi mag ka problema nasasayo iyan kung iingatan moba yung address na palagi mong ginagamit mag doble ingat nalang for safety.

Pero sang-ayon rin naman ako sayo OP dahil madami nang kumakalat ng scammer, siguro dipende nayun sa gumagamit, naka dipende na iyon sa gumagamit.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: carlisle1 on October 18, 2019, 06:17:25 AM
Sa paanong paraan ba nakatutulong ito?
sa dami ng sagot sa taas Kabayan Nagawa mo pa itanong to?minsan di naman masamang magbasa muna ng ibang post lalo na at iilan palang naman ang replies sa thread na to
Quote
Hindi ba masakit sa bulsa ang tx fees kapg iba-iba gamit mong address if kung sakaling ililipat mo din ito sa main wallet mo? Taas pa naman tx fee pagpasa-pasa ng BTC
wala naman nagsabing kailangan mo ilipat,ang sinasabi "Gumamit tayo ng maraming wallets"meaning sa bawat transactions at least ibang wallets ang gagamitin natin para dun ma lagak ang nasabing amounts,kung sakali namang nasa iisang wallet na lahat ng bitcoins mo at ngaun mo lang sisimulan gumamit ng ibang address,hindi ka naman siguro mawawalan ng masyadong malaki sa TX fees kumpara sa mawawala sayo kung sakaling "Ma Hack ka"


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: lionheart78 on October 18, 2019, 11:15:19 AM
Sa paanong paraan ba nakatutulong ito? Hindi ba masakit sa bulsa ang tx fees kapg iba-iba gamit mong address if kung sakaling ililipat mo din ito sa main wallet mo? Taas pa naman tx fee pagpasa-pasa ng BTC

Medyo may karagdagang tx fees kung madaming inputs ang isang transaction pero makakatulong ito para sa anonimity at privacy mo. Depende na lang sayo kung ano mas mahalaga pero kung malilit na amount lang para sakin ok na sa isang address lang store

Kung ang padadalhan mo ay kaya naman ng amount sa isang wallet address wala ring pinagkaiba sa normal na transaction, ang electrum kasi ay sumusuporta para piliin mo ang wallet address na may balance  na gagamitin mo para pagpapadala ng coins sa ibang address.  Maliban lang kung plano mong imove lahat ng coins mo into 1 address medyo me dagdag na tx fee yan tulad ng nasabi mo.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: GideonGono on November 01, 2019, 04:04:00 PM
Magkahiwalay dapat ang wallet para sa pag-receive ng mga incoming payments at para naman sa wallet na madalas gamitin pambayad para hindi magka-aberya. Top up mo na lang regularly yung wallet na madalas gamitin for payment, tama ba yun?

Pero ang disadvantage lang nito ay ang pagbabayad ng fee na kung saan mas malaki ang magagastos mong fee dahil sa dami ng wallet pero at least mas safe ang gantong mga pamamaraan.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: ralle14 on November 02, 2019, 02:48:14 AM
Magkahiwalay dapat ang wallet para sa pag-receive ng mga incoming payments at para naman sa wallet na madalas gamitin pambayad para hindi magka-aberya. Top up mo na lang regularly yung wallet na madalas gamitin for payment, tama ba yun?

Pero ang disadvantage lang nito ay ang pagbabayad ng fee na kung saan mas malaki ang magagastos mong fee dahil sa dami ng wallet pero at least mas safe ang gantong mga pamamaraan.
Depende kung gaano ka busy yung bitcoin network kasi bihira ka lang mapapagastos ng malaking transaction kahit malaki pa yung size ng transaction or kahit ilang inputs pa yung pagsasamahin mo kung hindi naman busy mapipilitan yung mga miners na kunin yung transaction mo at paniguradong confirmed agad yan. Mapapamahal ka lang sa transaction fees kung ang wallet mo ay fixed ang mga fees at walang customization.


Title: Re: Kahalagahan ng paggamit ng iba't-ibang Bitcoin address sa pakikipagtransact.
Post by: White Christmas on November 02, 2019, 12:21:07 PM
Salamat sa pag post mo ng ganitong topic kabayan, marami ang magkakaroon ng sapat na idea at way para maiwasan nila ang pag delay ng mga transactions nila at para rin mababa ang transaction fee nila kung sakaling magkaroon sila ng malakihang transaction sa ibang tao. Naranasan ko ito noong malaking bitcoin na ang ginawa kong transaction ay ang tagal nito at umabot ng ilang araw ang naging transaction ko dahil sa busy ang bitcoin network at hindi ang bagal nila ma provide at ma process ang transaction na ginawa ko.