Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: Bttzed03 on October 17, 2019, 08:20:02 AM

Title: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Bttzed03 on October 17, 2019, 08:20:02 AM
Mga kababayan na bago lamang sa forum at sa mga hindi pa nakaalam ng mga ganitong bagay, merong pekeng Bitcointalk forum ngayon na kumakalat sa internet. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nameke o ngangopya ng orihinal at lehitimong Bitcointalk. Ugaliing tignan ng mabuti yung website bago ipasok ang username at password ninyo. Kung maari ay i-bookmark din ang tunay na website
Code:
https://bitcointalk.org

Edit: Paraan paano i-block ang phishing site sa pc mo mismo (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5193651.msg52790856#msg52790856)

Narito yung scam report ni @dkbit98 patungkol sa pekeng website:

What happened:  SCAM fake Bitcointalk forum

Fake Bitcointalk forum used for SCAM giveaways and Phishing !

Website: https://bitinfo.cc/
Archived: http://archive.is/LtqYx

Quote
Domain Name: bitinfo.cc
Registry Domain ID: 144490543_DOMAIN_CC-VRSN
Registrar WHOIS Server: whois.rrpproxy.net
Registrar URL: http://www.reg.ru
Updated Date: 2019-09-10T15:03:43Z
Creation Date: 2019-09-10T15:03:26Z
Registrar Registration Expiration Date: 2020-09-10T15:03:26Z

They are sending PM fake giveaways in Discord and directing to this fake forum now.
Looks like they scrapped all that from original forum

https://i.imgur.com/oZ3x7By.jpg

https://i.imgur.com/BsEXJND.png  

https://i.imgur.com/Dixag93.png  https://i.imgur.com/Zfpijcj.png

Always double check your address bar to avoid phishing

[LEARN] Phishing Quizzes - Beginners & Experts (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5178375) 👈

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: CarnagexD on October 17, 2019, 08:48:59 AM
May iilan na din akong website na nakita na kamukhang kamukha ng bitcointalk.org pero ang ilan sa nakita ko hindi .org ang nasa dulo kaya doon mo palang mapapansin mo na kung tunay ba to na website or hindi. Ugaliin muna natin ang pag check ng link dahil once na nagsign in ka sa mga pekeng website maaring di mo na ito mabawi. Salamat kabayan dahil agad mong ibinahagi ang nakita at sana walang kabayan natin ang mabiktima.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: yazher on October 17, 2019, 09:01:20 AM
Ang lakas talaga ng tama ng mga scammers na yan, hindi nila alam na nakakaperwisyo na sila sa mga users ng Bitcointalk. Isa yan sa mga magiging dahilan na kaya konti nalang ang mga nagpopromote ng kanilang project sa bitcointalk. kung titignan mo obvious na talaga sa una palang scam na talaga sya pero kahit ganyan yan marami parin ang nagiging biktima. kasi hindi po lahat ng mga ibang lahi ay nakakaintindi ng English yung iba naman tatalon kaagad sa tuwa kapag nakakita ng ganyan kaya nagiging biktima kaagad. ingat nalang tayo mga kabayan.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Baby Dragon on October 17, 2019, 09:17:29 AM

Dapat talagang mag ingat sa panahon ngayon kasi mahirap na malaman yung totoo sa peke dahil yung mga pekeng website maliban nalang kung magcoconduct ka ng research para madetermine which is the legit one. Marami talagang nabibiktima ngayon especially newbies kasi hindi enough yung knowledge nila pagdating sa ganitong bagay at mabilis silang mapaniwala. Dapat kasi kahit papaano mayroon silang kaalaman about safety and security at aware sila sa mga possible problems na pwede nilang kaharapin. Helpful talaga yung mga ganitong posts kasi mas nadadagdagan yung knowledge natin tapos mas nagiging cautious pa tayo.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: d3nz on October 17, 2019, 09:30:20 AM
Wala talagang pinipili ang mga scammer kahit forum gusto pekein. Iba talaga ang mga naisip nila ay manloko sa kapwa nila at linlangin sa panamagitan ng pag gawa ng fake website pa.

Mas mabuti na lagi talagang titignan ang wrbsite na nasa address bar para makasigurado na nasa tamang website ka at hindi ka maloloko. Dahil mahirap na maloko at hindk na mababawi ang pera.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: bharal07 on October 17, 2019, 09:41:12 AM
Wala talagang pinipili ang mga scammer kahit forum gusto pekein. Iba talaga ang mga naisip nila ay manloko sa kapwa nila at linlangin sa panamagitan ng pag gawa ng fake website pa.

Mas mabuti na lagi talagang titignan ang wrbsite na nasa address bar para makasigurado na nasa tamang website ka at hindi ka maloloko. Dahil mahirap na maloko at hindk na mababawi ang pera.
Ganyan na talaga ang mga scammers walang pakialam sa kapwa nila tao gusto nila lamang na lamang sila pati ang forum gusto pang pekein hindi talaga nila alam na madami silang napeperwisyo, pero sa tingin ko sinadya talaga nila yan upang makapang loko ng tao at sila ang kumita ng malaki at mang hack ng mga acc at ibenta sa iba upang kumita.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Palider on October 17, 2019, 09:50:45 AM
Ang lakas talaga ng tama ng mga scammers na yan, hindi nila alam na nakakaperwisyo na sila sa mga users ng Bitcointalk. Isa yan sa mga magiging dahilan na kaya konti nalang ang mga nagpopromote ng kanilang project sa bitcointalk. kung titignan mo obvious na talaga sa una palang scam na talaga sya pero kahit ganyan yan marami parin ang nagiging biktima. kasi hindi po lahat ng mga ibang lahi ay nakakaintindi ng English yung iba naman tatalon kaagad sa tuwa kapag nakakita ng ganyan kaya nagiging biktima kaagad. ingat nalang tayo mga kabayan.

Kaya ginawa nila yan para ma hacked ang ating mga Bitcointalk account, At maari nila itong ibenta. Kaya wala silang pakialam kahit makaperwesyo pa sila. At totoo marami parin mabibiktima ang mga iyan lalo na kapag nagmamadali mag online yung mga nabiktima nila syempre hindi nila mapapansin na phising ang website na pinupuntahan nila dahil tiningnan ko din yung website, Sobrang magkaperahas talaga ng original na Bitcointalk Forum.

https://i.imgur.com/1CuDAhO.png

https://i.imgur.com/aXW4KNz.png

Makikita talaga natin kung gaano kahirap malaman ito lalo kapag nagmamadali tayo mag open ng ating mga account.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: dothebeats on October 17, 2019, 09:53:23 AM
This is actually not the first time na may ganitong pangyayari na may gumaya ng layout ng bitcointalk para gamitin sa phishing. Just a few years ago, may mga newbies na mag-ppm sa mga user na manghihingi ng inputs regarding a certain topic. The discussion seems to be relevant and somewhat belongs to bitcointalk nga pero the moment na icheck mo yung url eh dun ka na magtataka dahil hindi siya akma sa totoong url ng forum na ito.

The only way to combat this is to stay vigilant at all times.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Vaculin on October 17, 2019, 09:55:35 AM
There's a lot of tricks created by the hackers now, hopefully this will help the newbies to protect their account.

If I still remember correctly, I was a victim of this kind of trick before, I think that was 2017 when someone send me a link and I click it and I log in using my info, after that I noticed that why I still have to log in when I'm already log in in bitcointalk, so I check the url and there I found out that is a phishing attempt, so after that I immediately change my password and thankfully nothing happen to my account.

Also, I found one of the solution to secure your account and that is by staking your address in the forum.

Code:
I am referring to bitcointalk.to

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Edraket31 on October 17, 2019, 10:22:01 AM
Marami na po ang mga kumakalat na fake websites ng Bitcointalk, meron minsan, giveaway daw ni Satoshi, then halos hindi mo mapapansin yong differences ng website, bitcointallk.org pala, buti na lang hindi ako nag log in, or pag click ko hindi naka auto log in, kundi goodbye forum na ako, anyway, lesson learned sa akin and sa lahat, wag masyadong magtiwala sa mga give aways.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Katashi on October 17, 2019, 10:22:53 AM
Mas naging aktibo na ang mga manloloko ngayon para lang makapang-hack ng account at maibenta, lalo't nagkaroon na ng merit system sa bitcointalk kaya medyo may kahirapan na ang mag rank-up. lagpas 3 years na tong account at talagang nakakapang-hinayang kung mabiktama ako sa ganyan modus, salamat OP sa babalang ito kasi madalas ang mag-login sa iba't ibang device at buti nalang hindi ko pa na-encounter yung mga pekeng bitcointalk website na yan.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Polar91 on October 17, 2019, 10:42:38 AM
Kamukang-kamuka nga talaga ng orihinal yung pekeng website at kahit gaano katagal ka na sa forum, maaari ka pa ding mabiktima. May isang pekeng Bitcointalk din akong napag-sign upan dati pero buti na lamang ay napansin ko ang url nito at nabago ko ang aking password kaagad-agad. Siguro kung hindi ko napansin yun, nahacked na din ang account ko. Mahalaga talaga na icheck muna ang url bago mag log-in. Sana ay walang mabiktima ang mga taong gumawa ng pekeng website na ito.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Sadlife on October 17, 2019, 11:06:41 AM
Ang lakas talaga ng tama ng mga scammers na yan, hindi nila alam na nakakaperwisyo na sila sa mga users ng Bitcointalk. Isa yan sa mga magiging dahilan na kaya konti nalang ang mga nagpopromote ng kanilang project sa bitcointalk. kung titignan mo obvious na talaga sa una palang scam na talaga sya pero kahit ganyan yan marami parin ang nagiging biktima. kasi hindi po lahat ng mga ibang lahi ay nakakaintindi ng English yung iba naman tatalon kaagad sa tuwa kapag nakakita ng ganyan kaya nagiging biktima kaagad. ingat nalang tayo mga kabayan.
kabayan wala silang pakialam kung ano man ang perwisyo nilang magawa sa bitcointalk man or sa kahit alin at sino pa,dahil ang main objective naman talaga nila ay makapag samantala ng kapwa
imagine ang maidudulot nitong perwisyo pag di natin naiwasan?ma hahack mga accounts natin at maaring masisira ang ating career sa forum ng dahil lang sa mga masasamang tao na ito
mabuti nalang at masisipag ang mga kababayan nating katulad ni OP para magshare agad ng bawat mahahalagang informasyon galing sa mainboards

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: blockman on October 17, 2019, 11:41:12 AM
Ang ginawa para hindi ako mabiktima ng pekeng forum, bookmark lang ang katapat. Kapag hindi ka naman nagbookmark, check lang lagi yung mismong URL para sigurado ka sa pinagla-loginan mo ng username at password. Madaming mga phisher at scammer sa kung saan saan at ginagawa ang lahat ng makakaya nila para makapanloko.

kabayan wala silang pakialam kung ano man ang perwisyo nilang magawa sa bitcointalk man or sa kahit alin at sino pa,dahil ang main objective naman talaga nila ay makapag samantala ng kapwa
Tama, yan na ang pinaka-trabaho nila ang manloko sa mga tao.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: matchi2011 on October 17, 2019, 11:53:37 AM
Dapat ilagay talaga ang complete address kahit sa myetherwallet. Mahirap kasi kapag sinearch lang sa google tapos pagclick nagdidirect sa website na hindi naman pala kaparehas like meron yung .com naman ng bitcointalk, masaklap dun kapag nalagay natin username at password. Double check kaya nahahack ibang account dito sa forum.
Kaya paulit ulit man tayong lahat na magsabi na mas mainam na i-bookmark yung website mismo para hindi ka magkamaling mapasok sa phishing sites. Hindi lang doble ingat dapat triple ingat sa pag checheck nung pinasukan mong sites, madami ng nabiktima at nanakawan ng account lalo na
ung account dito sa forum na matagal mong iningatan, isang sablay lang mawawala lahat un.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: gunhell16 on October 17, 2019, 12:00:34 PM
May lumutang na naman na manloloko sa komunidad! walang alam kundi manloko ng tao para sa ikabubuti nya.
Mag ingat nalang tayong lahat mga kabayan! Lalo na sa mga di konektado sa email ang Bitcointalk account nila!
Maaaring makuha ang mga impormasyon mo! username at password! maaari na nilang maibenta ang iyong account!

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: creepyjas on October 17, 2019, 12:23:07 PM
Nakapagandang makita na vigilant ang mga kabayan. Maging mapagmayyag tayo palagi sa bawat link na ating pipindutin. Kahit obvious na obvious na yung mga phishing site e, marami pa ring nabibiktima sa ganyan. Ingatan natin ang mga account at mabuting i-bookmark na ang mga importanteng links na ating pinupuntahan sa araw-araw.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Bttzed03 on October 17, 2019, 12:30:52 PM
~
so after that I immediately change my password and thankfully nothing happen to my account.

~
May isang pekeng Bitcointalk din akong napag-sign upan dati pero buti na lamang ay napansin ko ang url nito at nabago ko ang aking password kaagad-agad. ~

Maswerte pa din kayo kahit papaano at napansin niyo agad. Pagkakaalam ko marami ang mga hindi pinalad,

Also, I found one of the solution to secure your account and that is by staking your address in the forum.
I think this was covered in another thread here also pero tama, isa ito sa paraan para sa account recovery kung sakali man may hindi kanais-nais na mangyari sa account.

The only way to combat this is to stay vigilant at all times.
We can also add educating ourselves sa mga ganitong bagay.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: ecnalubma on October 17, 2019, 12:35:36 PM
Kaya maganda talaga na ugaliin natin na lagiin e-bookmark ang mga website na madalas nating bisitahin, para hindi ma biktima ng mga ganitong klaseng phishing. Huwag rin basta-basta mag click ng mga links lalo na yung mga sineshare sa mga chatrooms or thru PM's. Kung may mabibiktima man or ma hack ang Bitcointalk account make sure na naka stake ang iyong BTC address para marekober nyo pa account.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0 (https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0)

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Oasisman on October 17, 2019, 12:59:46 PM
Kaya maganda talaga na ugaliin natin na lagiin e-bookmark ang mga website na madalas nating bisitahin, para hindi ma biktima ng mga ganitong klaseng phishing. Huwag rin basta-basta mag click ng mga links lalo na yung mga sineshare sa mga chatrooms or thru PM's. Kung may mabibiktima man or ma hack ang Bitcointalk account make sure na naka stake ang iyong BTC address para marekober nyo pa account.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0 (https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0)

Eto, pinaka tamang solusyon jan.
Palagi ko ring sinusuggest dito na mag bookmark talaga ng mga website na mahalaga at ginagamit natin araw-araw. Well, kung may extra ingats lang hindi siguro mang yayaring may ma biktima pa itong mga phishing websites, which is kadalasan lumalabas sa email.

Pero sigurado basta pinoy, malabong ma biktima dito lalo nat maingat at sigurista sa lahat ng hakbang na gagawin.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Clark05 on October 17, 2019, 01:00:05 PM
Mga walang originality,  lahat naman tayo ay may mga kanya kanyang isip pati na rin sa pagdedesign. Alam natin na dito sa mundo ng online marami talagang mga tao ngayon ang nangagaya alam nila kasing sikat ang forum natin kaya nila ginagawa yan pero ang hindi nila alam matalino tayo kaya alam natin kung saan dapat tayo papasok na forum at kung ano ang legit at hindi kaya sa mga newbie ingat sa pekeng forum.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Question123 on October 17, 2019, 01:11:07 PM
Kaya maganda talaga na ugaliin natin na lagiin e-bookmark ang mga website na madalas nating bisitahin, para hindi ma biktima ng mga ganitong klaseng phishing. Huwag rin basta-basta mag click ng mga links lalo na yung mga sineshare sa mga chatrooms or thru PM's. Kung may mabibiktima man or ma hack ang Bitcointalk account make sure na naka stake ang iyong BTC address para marekober nyo pa account.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0 (https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0)
Itong forum na ito ay nakasave sa akin dahil hindi na bago talaga ang ganitong taktika ang hirap kaya kung maglologin ka diyan baka mamaya makuha ang information ng accoint natin at mahack nila. Kaya talaga always doubke check kung saang site tayo napasok o kaya talaga ay dapat nakasave ito na madali nating makikita na.   Ang stake address ay makakatulong sa pagrecovery ng account ng na hack na avccount dito sa forum.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: carlisle1 on October 17, 2019, 01:15:27 PM
Kaya maganda talaga na ugaliin natin na lagiin e-bookmark ang mga website na madalas nating bisitahin, para hindi ma biktima ng mga ganitong klaseng phishing. Huwag rin basta-basta mag click ng mga links lalo na yung mga sineshare sa mga chatrooms or thru PM's. Kung may mabibiktima man or ma hack ang Bitcointalk account make sure na naka stake ang iyong BTC address para marekober nyo pa account.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0 (https://bitcointalk.org/index.php?topic=996318.0)
ganyan ang ginagawa ko na dapat ginagawa din ng lahat dahil ito ang magliligtas satin sa pagkakaligaw ng sites dahil ang mga hackers ay likas na mas mahusay sa karamihan and actually andami ng domain na naglabasan mula noon na nang aagaw ng sites at dadalhin ka sa kanilang patibong pero kung lage tayo naka book mark mas less ang chance of becoming a victim.sana magsilbi tong thread na to sa bawat same issues na lalabas p[
a sa mga susunod para Local natin.dahil mas madaming kababayan ang maililigtas kung i uupdate tong thread from time to time in regards sa mga phishing sites at malware's .

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: spadormie on October 17, 2019, 01:59:42 PM
Sobrang dali naman i spot nung pekeng site na yan. Although napakaraming gullible parin sa cryptocurrency kahit marami na rin yung nagbibigay ng babala sa mga tao na maagingat nang mag ingat. Pero, di rin kase mawawala yung mga ganyang scams eh. Pero sana just understand the basic:
- Yung address dapat tanda na natin since lagi naman tayong tambay dito, bitcointalk.org
- Yung mismong forum sana ibookmark na naten para mas maadali nating malalaman.
- Next is yung secured connection, if you have this, in MOST known sites, ibigsabihin safe ka na gumawa nang kahit ano sa site na yun since you are secured.

https://i.imgur.com/s6M6VZt.jpg

Itong padlock-like icon, dyan mo naman malalaman eh kung safe ka. As you can see nakabookmark yung ethplorer and MEW sakin, para di na nagkakalituhan.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: dark08 on October 17, 2019, 02:03:50 PM
Sobrang dali naman i spot nung pekeng site na yan. Although napakaraming gullible parin sa cryptocurrency kahit marami na rin yung nagbibigay ng babala sa mga tao na maagingat nang mag ingat. Pero, di rin kase mawawala yung mga ganyang scams eh. Pero sana just understand the basic:
- Yung address dapat tanda na natin since lagi naman tayong tambay dito, bitcointalk.org
- Yung mismong forum sana ibookmark na naten para mas maadali nating malalaman.
- Next is yung secured connection, if you have this, in MOST known sites, ibigsabihin safe ka na gumawa nang kahit ano sa site na yun since you are secured.

Madali nga malaman na peke ito pero still meron at meron parin nabibiktima ang ganitong klaseng phising site, sa telegram maraming nagsesend ng mga pekeng website kaya double ingat nalang tayo mga kababayan lagi natin icheck ang website url para malaman if legit site ba ang pinapasok mo.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: airdnasxela on October 17, 2019, 02:06:18 PM
Sa totoo lang talaga, nakakatakot yung mga ganito. Pera kasi ang sangkot sa ganito. Perang pinaghirapan natin ang pwedeng mawala dahil sa mga scammer na yan. Kaya dapat nating gawin para maiwasan ang ganitong panloloko, maging aware tayo sa mga balita related sa crypto, at ating ishare sa ating kapwa mga Pilipino para hindi din sila mabiktima. Isa pa, wag tayong basta-basta na lamang mag click ng mga link na hindi natin alam at mula sa mga hindi katiwa-tiwalang site or account. Lets' all be aware and help each other to avoid this kind of modus. Thankyou for sharing this with us OP

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Bttzed03 on October 17, 2019, 02:26:30 PM
~
- Next is yung secured connection, if you have this, in MOST known sites, ibigsabihin safe ka na gumawa nang kahit ano sa site na yun since you are secured.

https://i.imgur.com/s6M6VZt.jpg

Itong padlock-like icon, dyan mo naman malalaman eh kung safe ka. ~

No, having that padlock-like icon is not a guarantee na safe ang mga websites na bisitahin. As you can see in the original post, kahit yung pekeng bitcointalk forum ay meron din nyan.

https://i.postimg.cc/rydwzH8X/Untitled.png

"https" doesn't protect you from phishing sites.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: finzyoj on October 17, 2019, 02:29:17 PM
Jusko po naman, parang imposible sila maka biktama sa ginawa nila kahit sabihin na kahawig ng interface ng forum nila ang interface ng forum natin lol. Dapat kasi ginawa man lang nilang katunog yung domain nila sa domain dito. Nice try scammers, nice try ::)! Sana naman walang nabiktima sa scam attempt nila because if you do 100% careless ka. Aside from the right domain, also make sure na yung pinapasukan niyong sites ay may green padlock sa gilid ng url kasi ibig sabihin nun secured yung pinapasok mo. Keep safe mga kabayan :).

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: panganib999 on October 17, 2019, 02:33:44 PM
May iilan na din akong website na nakita na kamukhang kamukha ng bitcointalk.org pero ang ilan sa nakita ko hindi .org ang nasa dulo kaya doon mo palang mapapansin mo na kung tunay ba to na website or hindi. Ugaliin muna natin ang pag check ng link dahil once na nagsign in ka sa mga pekeng website maaring di mo na ito mabawi. Salamat kabayan dahil agad mong ibinahagi ang nakita at sana walang kabayan natin ang mabiktima.
Ngayon ko lamang nabalitaan na pati ang forum ay napepeke na din, pero ang kasong ito ay hindi na nakagugulat sapagkat naglipana na talaga ang mga gawain ng mga masasamang loob at scammers at hindi na alintana kung paano ito isasagawa. Noon ay ginagamit nila ang mga malwares at viruses upang makapang-biktima, pag-mumukhaing may pakinabang at nakatutulong ito para oras na bisitahin at gamitin na ng mga users ay saka papasukin ang system o device na ginamit, mukang sumasabay sa pag-kilos ng teknolohiya ang mga scammers na ito at ngayon ay nagawa na ding gayahin ang forum. Matinding pag-iingat at pagsusuri ang kailangan upang hindi mabiktima.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Kupid002 on October 17, 2019, 03:48:37 PM
Jusko po naman, parang imposible sila maka biktama sa ginawa nila kahit sabihin na kahawig ng interface ng forum nila ang interface ng forum natin lol. Dapat kasi ginawa man lang nilang katunog yung domain nila sa domain dito. Nice try scammers, nice try ::)! Sana naman walang nabiktima sa scam attempt nila because if you do 100% careless ka. Aside from the right domain, also make sure na yung pinapasukan niyong sites ay may green padlock sa gilid ng url kasi ibig sabihin nun secured yung pinapasok mo. Keep safe mga kabayan :).
May ng yari ng ganyan dati ka pangalan talaga tapos may pa giveaway din post daw ni satoshi  pag hindi mo tiningnan na maayos ung url talagang mapapaniwala ka.
Actually nag deposit ako 🤣 pero maliit lang namam pang testing kung totoo.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: spadormie on October 17, 2019, 04:34:17 PM
~
- Next is yung secured connection, if you have this, in MOST known sites, ibigsabihin safe ka na gumawa nang kahit ano sa site na yun since you are secured.

https://i.imgur.com/s6M6VZt.jpg

Itong padlock-like icon, dyan mo naman malalaman eh kung safe ka. ~

No, having that padlock-like icon is not a guarantee na safe ang mga websites na bisitahin. As you can see in the original post, kahit yung pekeng bitcointalk forum ay meron din nyan.

https://i.postimg.cc/rydwzH8X/Untitled.png

"https" doesn't protect you from phishing sites.
Yep, that's why I used the word MOST.

Also, I took a glimpse on that site and yes, kamukha nga ni bitcointalk yung site pero it's so easy to spot na phishing to.

https://i.imgur.com/BaXnLqV.png

Gumamit ako ng ibang browser to look at this site and yes kamukhang kamukha nga. Pero as you can see, medyo light yung site and di siya yung medyo dark and dun sa may table ng Home|HELP|SEARCH|PROFILE... wala siyang blue and all topics are in white, which means that you already viewed.

Another point is when you click on one topic and diba nandun sya sa may bitcoin discussion, but when you click it, mapupunta ka dun sa may beginners and help. Kagaya neto.

https://i.imgur.com/hTsjrlV.png

As you can see, yung topic about How can I increase bitcoin is nasa bitcoin discussion siya(makikita sa first picture). Pero, after nun madidirect ka sa iba.

Another point, the names of members are in numbers. And there's no coin on our names just like this:
https://i.imgur.com/FSNDCds.png

This concludes that the creator of the phishing site is lazy enough to code the remaining details. And if you have a keen eye in spotting such it's easy to say that it's fake. One more thing, pag nagpunta ka sa bitcointalk.org and dun ka laging nagoonline and you put check on the checkbox ng always stays logged in ata yun, automatic nandun agad account mo eh. 

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Bitkoyns on October 17, 2019, 04:43:41 PM
Guys aware ba kayo dun sa forum na kamukha mismo ng bitcointalk at ang akala ng iba at phising site pero hindi naman talaga dahil parang si theymos din ang may ari nun at kinonfirm nya dati pero parang saved images lang talaga yung sa kamukha na forum. Meron ba sa inyo nakakaalam nung link nung forum na yun?

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: npredtorch on October 17, 2019, 05:18:49 PM
Sa mga di pa nakakaalam pwede nyong i block mismo sa pc nyo yung mga phishing site or site na ayaw nyo mavisit (for windows users).

Steps:
1. Press windows button sa keyboard or start button
2. Search for notepad
3. Right click notepad app and select "Run as Administrator"
4. May mag pop up na notepad window, choose File -> Open
5. Select file location - C: > Windows > System32 > drivers > etc
6. Change file type to all files
7. Select "hosts" and click open button or double click the hosts file

http://i.epvpimg.com/tgvxdab.jpg

8. Lagay nyo yung gantong format sa baba ng hosts file.

Code:
127.0.0.1      bitinfo.cc
127.0.0.1      www.bitinfo.cc

http://i.epvpimg.com/NshJeab.jpg

9. Press CTRL + S or click on File > Save .

Result:
http://i.epvpimg.com/AnG4bab.jpg

Safe na kayo nyan. Di na mag loload yung mga site na ibablock nyo sa hosts file.
Wala ng chance na ma phish yung mga accounts nyo lalo na if madalas kayo mag browse sa google.

Additional info:
Isa ito sa steps ng software cracking. Ganito ginagawa ng mga nagkacrack para yung mga apps hindi maka konek sa server nila para magcheck ng license.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Beparanf on October 18, 2019, 12:37:36 AM
^thanks sa info above , very useful to para dina kabado kapag sa google nagsesearch. Will list websites na need ko iblock this weekend or masearch sa mga thread dito. Though binobookmark ko yung forum, myetherwallet and binance mas maganda kung tuluyan ng mablock yung ganitong phishing site lalo na kung nahihiram minsan ang laptop nyo ng iba kahit wala naman sila alam sa crypto masyado o sa forum , maganda mag-ingat padin or mablock na ng tuluyan.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: ecnalubma on October 18, 2019, 01:15:40 AM
Additional info:
Isa ito sa steps ng software cracking. Ganito ginagawa ng mga nagkacrack para yung mga apps hindi maka konek sa server nila para magcheck ng license.
Na intrigue ako dito, pero anyway sir thank you sa tips yun nga lang kailangan ng manual input parang naka blacklist lang yung mismong websites. Maganda rin to para marami tayong options in securing our account, dapat talaga may routine check din tayong ginagawa at maging aware lang sa mga pinipindot natin online.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Bttzed03 on October 18, 2019, 03:37:19 AM
~snip
Salamat dito. Guide added to the OP.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: NavI_027 on October 18, 2019, 04:33:19 AM
Safe na kayo nyan. Di na mag loload yung mga site na ibablock nyo sa hosts file.
So any site na ilagay mo dun sa host file ay hindi maaaccess? I see :o. Maganda nga ito kabayan kasi naisip ko na hindi lang ito maganda ipang-block sa mga unsecured websites which are sources ng malwares and viruses pati na rin pang-block sa mga websites with adult contents. Upang sa ganoon ay hindi na ito maaccess ng mga anak or nakababatang kapatid niyo if ever macurious na bisitahin :D. I'll keep this tutorial in mind.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: carlisle1 on October 18, 2019, 05:02:27 AM
Sa mga di pa nakakaalam pwede nyong i block mismo sa pc nyo yung mga phishing site or site na ayaw nyo mavisit (for windows users).

Steps:
1. Press windows button sa keyboard or start button
2. Search for notepad
3. Right click notepad app and select "Run as Administrator"
4. May mag pop up na notepad window, choose File -> Open
5. Select file location - C: > Windows > System32 > drivers > etc
6. Change file type to all files
7. Select "hosts" and click open button or double click the hosts file

8. Lagay nyo yung gantong format sa baba ng hosts file.

9. Press CTRL + S or click on File > Save .

Safe na kayo nyan. Di na mag loload yung mga site na ibablock nyo sa hosts file.
Wala ng chance na ma phish yung mga accounts nyo lalo na if madalas kayo mag browse sa google.

Additional info:
Isa ito sa steps ng software cracking. Ganito ginagawa ng mga nagkacrack para yung mga apps hindi maka konek sa server nila para magcheck ng license.
any sites ba na gusto ma iblocked pwede dito?like for example Pornsites para wala ng makapasok sa mga ganung sites gamit ang PC or Lappy?sorry medyo off topic but minsan kasi pag na sa office nagagamit ng pamangkin ko Lappy ko baka kasi kung ano ang pinag gagawa mas mainam ng safe sa mga masasamang site

but thanks dito Boss laking bagay nito so mag Dig na ako ng mga nakaraang linked sites sa main threads para  maiblocked na agad.
mas maganda ng advance kesa mabiktima

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Inkdatar on October 18, 2019, 05:19:44 AM
Very informative. Salamat karagdagang kaalaman ito sa atin at talagang makikita mo na gayang gaya nya ang forum na ito. Kaya nakabookmark lahat sa akin ang site para hindi tayo maligaw at mapunta sa phishing site. Madami na talagang scammer ngayon at buti nalang naipost mo ito at maging aware din ang iba sa atin. Lalo na sa mga newbie maganda mavisit nila itong thread.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Genemind on October 18, 2019, 06:41:51 AM
Kung sa diskarte lang, may mga pagkakataong hahangaan mo ang strategy ng mga scammers na ito dahil talagang gagawin nila ang lahat makapanloko lang ng tao. Sa kabilang banda, hindi pa rin lulusot ang ganitong pamamaraan sa mga BCT users na mas matatalino sa kanila. Salamat at may mga kaibigan tayong nagpapaalala sa atin at nagwawarning ng mga ganitong klaseng phishing. Maging mapagmasid at maingat na lang tayo sa lahat ng oras.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Peashooter on October 18, 2019, 07:14:46 AM
Ang lakas talaga ng tama ng mga scammers na yan, hindi nila alam na nakakaperwisyo na sila sa mga users ng Bitcointalk. Isa yan sa mga magiging dahilan na kaya konti nalang ang mga nagpopromote ng kanilang project sa bitcointalk. kung titignan mo obvious na talaga sa una palang scam na talaga sya pero kahit ganyan yan marami parin ang nagiging biktima. kasi hindi po lahat ng mga ibang lahi ay nakakaintindi ng English yung iba naman tatalon kaagad sa tuwa kapag nakakita ng ganyan kaya nagiging biktima kaagad. ingat nalang tayo mga kabayan.
Nakakainis kamo talaga ang mga scammer na mga yan dahil sa mga ginagawa nila ay pati tayong mga inosente dito sa larangan na ito ay nadadamay, kasalukuyan ko ngang binisita ang website na ito at walang duda sobrang magkaparehas nga talaga sila ng original nating forum. Isa din talaga ito sa mga dahilan kung bakit nauubos ang mga tao dito sa ating forum at dumarami ang nag popromote ng mga scam na project. Marapat na gumawa tayo ng mga pananaliksik upang maiwasan natin ang mga scammer na ito.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Ailmand on October 18, 2019, 07:27:12 AM
Doble ingat lang at maraming beses na rin ako nakakita g phishinhmg site at mga gumaya sa forum. Maaaring manakaw ang credentials mo dito at mahack ang iyong bitcointalk account. Mas mainam na i-bookmark ang link ng lehitimong website para masiguradong lehitimong website ang iyong bubuksan na forum.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: sheenshane on October 18, 2019, 07:55:07 AM
snip-
Sa mga di pa nakakaalam pwede nyong i block mismo sa pc nyo yung mga phishing site or site na ayaw nyo mavisit (for windows users).
That is a very informative reply and thanks for the heads up. Mas maganda book mark nalang talaga kasi baka mawala pa account natin na matagal nating pinag hirapan para mag rank up. Our responsibility to keep our account safe at hindi mapunta sa phishing site na yan.

Marami na akong nakitang thread na may warning about sa fake Bitcointalk.org. Please on these links.
⚠️ BITCOIN-TALK FORUM PHISHING WEBSITE! BE AWARE!! ⚠️ (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5122733.0)
Scam Bitcointalk Sites Be Safe !!! (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5111305.0)

Code:
https://bitcointalk.to

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Hippocrypto on October 18, 2019, 08:03:17 AM
Kung sa diskarte lang, may mga pagkakataong hahangaan mo ang strategy ng mga scammers na ito dahil talagang gagawin nila ang lahat makapanloko lang ng tao. Sa kabilang banda, hindi pa rin lulusot ang ganitong pamamaraan sa mga BCT users na mas matatalino sa kanila. Salamat at may mga kaibigan tayong nagpapaalala sa atin at nagwawarning ng mga ganitong klaseng phishing. Maging mapagmasid at maingat na lang tayo sa lahat ng oras.

Hindi yan magpapatuloy ang ganyang mga scheme ng mga mapanlinlang na scammers, kung tutuusin lang yung fake site nila ay di trusted kung titingnan ang ayus nito. Talagang walang binatbat ang kanilang dating sa akin, hinding nila na kopya lahat ng aspeto nito. Hindi naman talaga bitcointalk ang nakalagay kundi bitcointalk forum. Yung mga gahaman na gusto sumali na mga insosente palang yung ang mabibiktima nila hinding yung mga matatalino.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: meldrio1 on October 18, 2019, 08:34:48 AM
wow may panibagong pekeng bitcointalk forum, mag ingat na tayo ngayon, kailangan e bookmark yung original para naman maiwasan pumasok sa peke. Sigurado may nabibiktima na yan lalo na sa mga newbies..

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Yatsan on October 18, 2019, 09:11:58 AM
wow may panibagong pekeng bitcointalk forum, mag ingat na tayo ngayon, kailangan e bookmark yung original para naman maiwasan pumasok sa peke. Sigurado may nabibiktima na yan lalo na sa mga newbies..
bookmark talaga ang solution, kase lahat naman may mga pekeng sites kaya lahat ng mga mahahalaga na website ay naka bookmark sakin, meron pa nga isang malaing spell lang mapupunta kana sa mga scam na website gagawin nila ay kukunin lang ang user at pass mo tapos nun hack na ang account mo. Lalo na sa myether, maraming beses na ako naka kita ng peke na site nito pag na capital mo lang ang isang letter sa myether mapupunta kana sa fake na website nila. Mag ingat nalang talaga at basahin mabuti ang url bago mag log-in sa ano mang website.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: npredtorch on October 18, 2019, 10:14:41 AM
So any site na ilagay mo dun sa host file ay hindi maaaccess?
---
any sites ba na gusto ma iblocked pwede dito?
---

Yes po. Common way po siya for parental control.
I list lang sa hosts file lahat ng sites na ayaw nyo mabisita ng mga chikiting.

________________________________________

bitcointalk. to yung pinaka malapit sa itsura ng original bitcointalk site pero sa ngayon down na siya.
Itong bitinfo kinulang, may mga missing images pa kaya halatang halata na peke.

Probably, inaayos pa ito dahil 38 days old palang yung domain name nila.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: lionheart78 on October 18, 2019, 11:28:04 AM
Para sa karagdagang info, itong thread na ito ay galing sa META pero naka lock na siya:

List of scam / fake bitcointalk sites (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5130480.0)

Important Notes:

Quote
Fake sites
The list is a bit messy now, but I will edit it later.
Code:
Code:
bitcointalk.to
bitcointalk.com
thebitcointalk.net
fonstavka.com
lawcommonentrance.com

Kaya need talaga nating mag-ingat sa mga pagclick ng links.  Kadalasan kasi di natin napapansin yan lalo na kapag naka hyperlink.  Lagi nating tingnan at idouble check ang site address bago tayo magpatuloy lalo na kung may login details na nirerequire.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: spadormie on October 18, 2019, 12:41:46 PM
-snip-
Yep, gumagana siya. I tried blocking y8.com and www.y8.com as per the instruction said and it worked! Probably, maboblock din yung mga other sites dito. Thanks to the instruction btw.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: crisanto01 on October 18, 2019, 01:03:24 PM
Para sa karagdagang info, itong thread na ito ay galing sa META pero naka lock na siya:

List of scam / fake bitcointalk sites (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5130480.0)

Important Notes:

Quote
Fake sites
The list is a bit messy now, but I will edit it later.
Code:
Code:
bitcointalk.to
bitcointalk.com
thebitcointalk.net
fonstavka.com
lawcommonentrance.com

Kaya need talaga nating mag-ingat sa mga pagclick ng links.  Kadalasan kasi di natin napapansin yan lalo na kapag naka hyperlink.  Lagi nating tingnan at idouble check ang site address bago tayo magpatuloy lalo na kung may login details na nirerequire.

Yes po, itriple check lang to lagi, dahil hindi lang Bitcointalk forum ang may phising sites, better to be safe than be sorry later, wala naman mawawala kung iccheck ng mabuti ang website na pinaglologinan natin, hindi naman tayo aabutin ng ilang minuto, Then, kapag hindi sigurado, mararapat lang na mag research kahit papaano or magtanong sa ibang tao.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Baofeng on October 19, 2019, 01:12:27 AM

[..snip..]

Sa mga Mac users naman na katulad ko:

[1] I click nyo ang "Finder" icon,

https://i.ibb.co/m4v4fSS/Screen-Shot-2019-10-19-at-8-46-43-AM.png (https://imgbb.com/)

[2] At punta kayo sa "Go" then click ang "Go to Folder"

https://i.ibb.co/n6Fngy1/Screen-Shot-2019-10-19-at-8-52-20-AM.png (https://imgbb.com/)

[3] At i type ang "/private/etc/hosts" sa text box at i click ang "Go".

https://i.ibb.co/Wcrq8Z5/Screen-Shot-2019-10-19-at-8-54-05-AM.png (https://imgbb.com/)

[4] At idagdag ang mga bitcointalk phishing site:

https://i.ibb.co/tzkZwg3/Screen-Shot-2019-10-19-at-9-01-19-AM.png (https://ibb.co/5ktYXm2)

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Aying on October 19, 2019, 02:03:00 AM
wow may panibagong pekeng bitcointalk forum, mag ingat na tayo ngayon, kailangan e bookmark yung original para naman maiwasan pumasok sa peke. Sigurado may nabibiktima na yan lalo na sa mga newbies..

Newbies talaga ang unang punterya nila kaya siguro ginawa ang ganyang kopyang forum. some of newbies now are not just only readers na gusto lang matuto madami nading traders.. kaya mas dumadami na talaga ang mga ganyang gawain ngayon. dilang doble ingat gawin ngayon dapat triple na talaga para mas makaiwas sa mga ganyang modus. need na talaga e guide kahit mga newbie friends natin na gusto pumasok sa crypto.

Title: Re: Pekeng Bitcointalk forum
Post by: Bttzed03 on October 19, 2019, 04:38:44 AM
I'm locking this topic now at mukhang wala ng bago data pa na pwedeng idagdag sa discussion. PM me kung meron pa may gusto mag-add ng guide/s.