Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: creepyjas on October 18, 2019, 10:13:35 AM



Title: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: creepyjas on October 18, 2019, 10:13:35 AM
Magandang gabi mga kabayan! Maaari ko sanang hingin ang konting panahon mula sa inyo at ang inyong kaalaman dito sa forum para sa aking proyekto.  

Saan ba nagsimula ang forum na ito? Brief history
Anu-anong ang mga relevant ideas na pumapasok sa isip niyo kapag sinabing bitcointalk.org?
Ano ang mga remarkable na mga thread para sainyo
-can be a famous scenario sa forum
-terms/mga salita
-mga kilalang tao
-mga bagay na natutunan
-memes na dito nagsimula
-kahalagahan ng forum
-mga kaganapan
-at iba pang bagay na relevant dito lamang sa forum

Maraming salamat mga kabayan.






Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: yazher on October 18, 2019, 10:30:52 AM

Saan ba nagsimula ang forum na ito? Brief history


Makikita mo dito ang simula ng Bitcoin at ang pagsisimula ng lahat. Mula sa sino ang gumawa ng bitcoin hanggang sa pagbagsak ng Mt. Gox dito mo makikita ang lahat ng pinagdaanan ng Bitcoin at iba pang mga tao na may kaugnayan dito. pati na rin ang simula ng forum na ito.
basahin mo lang lahat para marami kana ring matutunan.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5138618


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: asu on October 18, 2019, 10:36:02 AM
Forum starts here - Welcome to the new Bitcoin forum! (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5.msg28#msg28)
Brief history - https://bitcointalk.org/index.php?topic=5145936.0
Bitcointalk.org - Bitcoin, cryptocurrency..
Famous scenario - Pizza for bitcoins? (https://bitcointalk.org/index.php?topic=137.msg1141#msg1141)
Terminology - https://bitcointalk.org/index.php?topic=126798.0

Yung iba hindi na need sagutin dahil spoonfeed na masyado at kung kaya naman I-search sa “friend” natin na si google like: how we do our research paper and assignment.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: Ailmand on October 18, 2019, 10:40:19 AM
Para sa akin mahalaga itong forum na ito dahil isa ito sa main source of information ko patungkol sa crypto, hindi lang cureent events and development, maganda rin itong source of information at knowledge about sa cryprocurrency. Maliban dito, isa rin itong magandang paraan para kumita, source of information, at maaari ring maging way para makahanap ng trabaho o kaya iba't ibang service dahil marami ring professional dito na nag ooffer ng kanilang skills.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: Bttzed03 on October 18, 2019, 10:59:09 AM
Saan ba nagsimula ang forum na ito? Brief history
https://en.wikipedia.org/wiki/Bitcointalk

Quote
Ano ang mga remarkable na mga thread para sainyo
  • HODL (https://bitcointalk.org/index.php?topic=375643.0)
  • SILK ROAD (https://bitcointalk.org/index.php?topic=175.0)

Marami pang magagandang thread dito.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: ecnalubma on October 18, 2019, 11:16:46 AM
Anu-anong ang mga relevant ideas na pumapasok sa isip niyo kapag sinabing bitcointalk.org?
Ang Bitcointalk forum para sa akin ay isang kumonidad ng mga bitcoin, crypto at blockchain enthusiasts na nagtutulungan para sa iisang layunin ang palaguin at pagyamanin ang industriyang ito. Sa lawak ng kumonidad na ito maiituturing ito na isa sa pinaka maimpluwensyang forum sa buong mundo sa larangan ng industriyang cryptocurrency.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: rosezionjohn on October 18, 2019, 06:39:31 PM
Maari bang malaman kung anong klaseng proyekto iyan? Proyekto ba sa paaralan? Kung ganun kasi, para yatang hindi angkop yung ibang mga tanong mo kagaya na lang ng mga "kilalang tao". Nagtatanong lang at baka makapagbigay din ng mga magandang mungkahi para sa iyong projekto.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: ralle14 on October 18, 2019, 08:01:53 PM
May isang user na gumawa ng mga hinahanap mo nilista niya ang mga mahahalagang thread, mga users at marami pang iba kumbaga parang timeline of events. Sobrang haba ng thread post pero napakadaming impormasyon worth checking.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=4322078.0


Maari bang malaman kung anong klaseng proyekto iyan? Proyekto ba sa paaralan? Kung ganun kasi, para yatang hindi angkop yung ibang mga tanong mo kagaya na lang ng mga "kilalang tao". Nagtatanong lang at baka makapagbigay din ng mga magandang mungkahi para sa iyong projekto.
In terms of kilalang tao siguro katulad nila Hal, Sirius, Cobra, Master p, Tradefortress, etc. Basta mga users within the forum lang.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: creepyjas on October 19, 2019, 12:10:47 AM

Makikita mo dito ang simula ng Bitcoin at ang pagsisimula ng lahat. Mula sa sino ang gumawa ng bitcoin hanggang sa pagbagsak ng Mt. Gox dito mo makikita ang lahat ng pinagdaanan ng Bitcoin at iba pang mga tao na may kaugnayan dito. pati na rin ang simula ng forum na ito.
basahin mo lang lahat para marami kana ring matutunan.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5138618

Thanks, bro. I shouldn't have included na pala dapat 'tong tanong na ito since may kaalaman na ko dito but still, thanks sa pag-provide ng link.




Yung iba hindi na need sagutin dahil spoonfeed na masyado at kung kaya naman I-search sa “friend” natin na si google like: how we do our research paper and assignment.

Thanks, man. Will extend my research kay "friend".



Maari bang malaman kung anong klaseng proyekto iyan? Proyekto ba sa paaralan? -snip

Hi bro, pretty like a personal project lang. Kailangan ko lang ng ifi-feed sa isip ko. Will probably share the outcome here. Not so grand and not that special pero kailangan ko ng refreshers and more knowledge, yung mga bagay na hindi ko pa alam probably makikita ko sa mga comments thread na ito.



-snip

https://bitcointalk.org/index.php?topic=4322078.0

-snip
In terms of kilalang tao siguro katulad nila Hal, Sirius, Cobra, Master p, Tradefortress, etc. Basta mga users within the forum lang.


Thanks, bro. This one is a bomb. Mabuti't may compilation na katulad nito.



Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: Baby Dragon on October 19, 2019, 05:44:50 AM
Para sa akin mahalaga itong forum na ito dahil isa ito sa main source of information ko patungkol sa crypto, hindi lang cureent events and development, maganda rin itong source of information at knowledge about sa cryprocurrency. Maliban dito, isa rin itong magandang paraan para kumita, source of information, at maaari ring maging way para makahanap ng trabaho o kaya iba't ibang service dahil marami ring professional dito na nag ooffer ng kanilang skills.
Gaya mo, dito din ako kumukha ng mga details na kailangan ko kasi alam kong legit yung mga pinrprovide nilang information unlike sa ibang sites. Kaya nga mas okay na magbasa at tumingin sa perspective ng iba kasi alam mong may makukuha kang aral mula sa kanila lalo na sa experiences nila about scam, nagbibigay sila ng mga idea para makaiwas at maging aware sa mga ganoong problema. Marami akong natutunan sa forum lalo na sa mga strategies and techniques when investing, how to cope up with some problems regarding about hackers annd scammers, sa mga fraud na projects and etc. Sobrang mahalaga naman talaga itong forum kasi dito mo malalaman yung mga bagay na hindi mo makikita sa google or any other sites, dito mo din malalaman yung mga exprriences ng mga tao na makakatulong sayo para gumawa ng tamang desisyon lalo na sa mga newbies kasi madami sa kanila anghindi enough yung understanding about everything and they easily believe in some things kaya andito yung forum at nandito tayo to help them, to guide them and to help each other.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: adpinbr on October 19, 2019, 05:59:11 AM
May isang user na gumawa ng mga hinahanap mo nilista niya ang mga mahahalagang thread, mga users at marami pang iba kumbaga parang timeline of events. Sobrang haba ng thread post pero napakadaming impormasyon worth checking.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=4322078.0

Eto complete list na para sayo mate at need na lang ng iyong sariling research at nanjan na lahat ng links na hinahanap mo :D

Dagdag kaalam isa sa famous na scenario dito
• I AM HODLING (https://bitcointalk.org/index.php?topic=375643.msg4022997#msg4022997)
• https://bitcointalk.org/index.php?topic=5193860.0


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: Baofeng on October 19, 2019, 06:08:31 AM
Mga nakita ko dati:

Top 5 Bitcointalk accounts (https://bitcointalk.org/index.php?topic=2883503.0)
Legendary profiles of bitcointalk. (https://bitcointalk.org/index.php?topic=3247239.0)


Terms o Salita:

Cryptocurrency Lingo/Slang (https://bitcointalk.org/index.php?topic=3250658)

Ang nagpasimula ng lahat, ang bagong Merit System:

Merit & new rank requirements (https://bitcointalk.org/index.php?topic=2818350.0)

Mga Trolls/Scandals sa community:

Bitcointalk trolls, dysfunction and all out flame wars. Guide to the scandals. (https://bitcointalk.org/index.php?topic=4736673.0)

Meme's:

Bitcoin memes! (https://bitcointalk.org/index.php?topic=90138.0)

Yan lang muna ma-share ko, pag may naalala pa ako update ko na lang tong post ko na to.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: bharal07 on October 19, 2019, 07:47:32 AM
Forum starts here - Welcome to the new Bitcoin forum! (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5.msg28#msg28)
Brief history - https://bitcointalk.org/index.php?topic=5145936.0
Bitcointalk.org - Bitcoin, cryptocurrency..
Famous scenario - Pizza for bitcoins? (https://bitcointalk.org/index.php?topic=137.msg1141#msg1141)
Terminology - https://bitcointalk.org/index.php?topic=126798.0

Yung iba hindi na need sagutin dahil spoonfeed na masyado at kung kaya naman I-search sa “friend” natin na si google like: how we do our research paper and assignment.
Nandyan lahat, kung may mga gusto kayong malaman about sa bitcoin at sa history nito, maigi nang basahin ang tungkol dyan upang may maidagdag sa kaaalam natin.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: airdnasxela on October 19, 2019, 10:49:22 AM
Madaming pwedeng maging purpose at dahilan ang forum na 'to. Una ay, madami kang pwedeng matutunan dito lalo na kung nagsisimula ka pa lang. Magbasa ka lang ng magbasa ng mga thread, madami ka ng makukuhang information. Mayroon ding mga threads for newbie na mas madalu nilang maintindihan. Dito kasi, magiging aware ka din sa mga latest news, lalo na oag wala kang time to check for everyday updates. Marami ka ding maeencounter na mga experience dito, which is kung hindi maganda, pwede mong maiwasan. One thing na pwede din magawa dito is to interact with others.
Kung may tanong ka, madami kang makukuhang iba't ibang opinyon na makakatulong sayo mag decide para sa isang bagay... Malaki ang naitutulong ng forum na ito sa atin when it comes to information.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: White Christmas on October 19, 2019, 05:23:10 PM
Saan nga ba nagsimula itong bitcointalk forum at makikita din natin na nagcecelebrate ito ng ika sampung taong anibersaryo kung saan ay marami ng natulungan ang forum na ito sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman para sa mga tao dito sa forum at nakatulong din ito upang malaman pa ang iba pang mga nagaganap sa cryptocurrency. Itong bitcointalk.org ay naidevelop ni satoshi ngunit hindi rin natin alam kung siya nga ba si Satoshi Nakamoto ang nag develop ng buong crypto at pati na rin ang mga coins. Makikita natin sa welcome to bitcointalk na thread kung sino nga ba ang nagdevelop nitong forum na ito. Sa bitcointalk ko nalaman ang mga bounty na pwede pala tayong kumita dito sa pamamagitan lamang ng pagsali sa mga ito.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: creepyjas on October 20, 2019, 05:10:25 AM
Maraming salamat sa contributions.. Okay na ito para sa mga info na kailangan ko.

Ayokong i-lock yung thread dahil alam kong may mga mag-aambag pa ng mga kaalaman at impormasyon dito.



Panatilihin po sana nating maayos ang thread na ito at puro useful posts and link nalang ang mga ilalagay natin.


Title: Re: Experiment: Mga kaalaman sa Bitcointalk.org
Post by: finzyoj on October 20, 2019, 05:45:57 AM
-mga kilalang tao
satoshi (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=3)
Hal Finney (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=2436)
Yan ang ilan lamang sa mga most well-known members of this forum. Pero kung kung gusto mo makita yung mga recent rh tambay ka lang sa Meta, nandoon sila madalas.
-memes na dito nagsimula
Aside from Bitcoin and 2 pizzas, Origin of HODL (https://bitcointalk.org/index.php?topic=375643.0) ay makikita din dito.
-mga kaganapan
ang pinakamemorable na kaganapan dito sa forum ay wala ng iba kundi ang pagkakatatag ng Merit System. Medyo nakakalungkot siya dahil nastock na ako sa sr. member pero masaya dahil hindi na ganun ka dumi ang forum :).