Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: zenrol28 on October 23, 2019, 02:07:46 PM

Title: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 23, 2019, 02:07:46 PM
https://www.eosracing.io/eosracing/images/KakaoTalk_20190808_112041255.png
Pinagmulan ng imahe: https://www.eosracing.io/eosracing/images/KakaoTalk_20190808_112041255.png

Website: https://www.eosracing.io/eosracing/index_en.html
Twitter: https://twitter.com/eosracing_en
Telegram: https://t.me/joinchat/MMrnVExeG1pjkjpsSQFHPw
Medium: https://medium.com/eosracing-en

Laruin sa PC browser: https://www.eosracing.io/game/
Laruin sa Android: gamitin ang tokenpocket browser

Blockchain: EOS

Wallet Apps:

(PC)
Scatter: https://get-scatter.com/
Guide: https://support.get-scatter.com/collection/14-getting-started

(Mobile)
Token Pocket: https://www.tokenpocket.pro/
Guide: https://help.mytokenpocket.vip/hc/en-001/categories/360001557752-User-Guide

Buod
Nalaro mo na ba yung "Minion Rush" o mga katulad nitong laro sa playstore?
Mabilis ba ang  mga mata at reflexes mo?
Kung oo, bagay sayo 'tong larong ito.
Sa umpisa ay bibigyan ka ng stock na kotse na may 100% fuel.
Gamitin ang libreng fuel para sumali sa kompetisyon.
Maaring manalo ng EOS / car parts / fuel.
Ang layunin ng laro ay makatawid sa finish line sa pinakamabilis na oras.
Pwede ka mag-draft sa likod ng mga sasakyan para makakuha ng karagdagang bilis.
Maari mong iupgrade ang kotse mo sa halagang 0.2 EOS kada upgrade.
Ito'y opsyonal lamang at kung sa tingin mo ay mababawi mo ito na may kasamang tubo.
Goodluck  :)

Mga Imahe:

https://i.imgur.com/7di6PaI.png (https://ip.bitcointalk.org/?u=https%3A%2F%2Fi.imgur.com%2F7di6PaI.png&t=606&c=-M6KYHU-vpfS7w) https://i.imgur.com/7QK5DPb.png (https://ip.bitcointalk.org/?u=https%3A%2F%2Fi.imgur.com%2F7QK5DPb.png&t=606&c=oI4hKLfTNlMDTw) https://i.imgur.com/EUUwEWu.png (https://ip.bitcointalk.org/?u=https%3A%2F%2Fi.imgur.com%2FEUUwEWu.png&t=606&c=MfVjnM4cxyxz9w) https://i.imgur.com/Wq2xm2g.png (https://ip.bitcointalk.org/?u=https%3A%2F%2Fi.imgur.com%2FWq2xm2g.png&t=606&c=n5AUQKEMTMSlSA) https://i.imgur.com/O44wil1.png (https://ip.bitcointalk.org/?u=https%3A%2F%2Fi.imgur.com%2FO44wil1.png&t=606&c=z1GigG91dAcccw)

Ang mga blockchain games ay isang uri ng DAPP (Decentralized App).
Kung maghahanap pa kayo ng ibang games / dapps sa iba't ibang blockchain, maaari kayong maghanap sa mga site na ito;

https://dappradar.com/
https://www.stateofthedapps.com/
https://dapp.review/
https://www.dapp.com

Tandaan lang na mas mainam na puntahan mismo ang site ng laro / dapp na iyong maiinteresan.
Dahil yung ibang site ay nagbibigay ng hindi accurate na review upang i-promote ang isang dapp.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: lionheart78 on October 23, 2019, 02:34:26 PM
Uy di ko napansin itong game na ito, may bago nanaman akong susubukan.  Mukhang magaganda ang mga blockchain game ng EOS ah.  Will check this out and will give feed back once I have the initial experience with this game.

Played the first batch of the race, may timer pala ito per batch ng opponent, hindi ka  makakapaglaro to your heart content na ichallenge ang mga ibang player.  At most 5 players at a time (1 hour cooldown),  Then kapag natalo ka balik ang fuel na ginamit ng car pero kapag nanalo, may drops na parts pero ang fuel na ginamit ay hindi mababalik.  Bale ang pinaka energy dito is ang fuel  hindi ko lang alam if nagreregen ang fuel kapag nadeplete o need ng bumili.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 23, 2019, 02:54:07 PM

Sa experience ko walang regen ng fuel.
Meron kasi sa competition race na fuel ang prize.
Tapos sa market may fuel din na tinitinda ang mga players na nananalo dun sa race.
Kaya medyo budget lang sa pag gamit ng fuel.
Malaki pa naman ang fuel consumption sa competition, 15 fuel ang bawas.
Sa 100% fuel makaka 6 competition race lang ang pwedeng malaro.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: lionheart78 on October 23, 2019, 03:10:44 PM

Ang bawas sa fuel manalo matalo tama ba?  Nagtry ako kanina ng competition, natalo ako tapos pagtingin ko sa fuel ko halos 20% ang nabawas.  Isa pang tanong, meron bang option para mapabilis yung cooldown ng timer dun sa Match race?

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 23, 2019, 03:21:27 PM

Ang bawas sa fuel manalo matalo tama ba?  Nagtry ako kanina ng competition, natalo ako tapos pagtingin ko sa fuel ko halos 20% ang nabawas.  Isa pang tanong, meron bang option para mapabilis yung cooldown ng timer dun sa Match race?
Oo win or lose sa competition di na babalik yung fuel na nagamit.
Parang walang ibang way para mapabilis yun, talagang hihintayin na mag cooldown.
Kaya bagay 'to sa mga natural na mabilis reflexes kasi konti lang ang resources.
Mapapagastos kapag hindi sanay.
Wala pa naman sila nung practice race lang.  :(

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: yazher on October 24, 2019, 01:08:42 AM
Oo win or lose sa competition di na babalik yung fuel na nagamit.
Parang walang ibang way para mapabilis yun, talagang hihintayin na mag cooldown.
Kaya bagay 'to sa mga natural na mabilis reflexes kasi konti lang ang resources.
Mapapagastos kapag hindi sanay.
Wala pa naman sila nung practice race lang.  :(

Kailangan ba kaagad sa simula pa lang gumastos kana kaagad sa paglalaro? katulad nung 0xUniverse, kailangan bumili ka muna ng package bago ka makalaro. Soguro naman dapat nilang i implement na since bago palang sa masa yung mga blockchain games, magpalaro muna sila na hindi masyadong gumagamit ng pera o ytung tinatawag natin na free to play muna. kasi mahirap na rin kapag gumastos ka kaagad sa kauumpisa mo palang ang mangyayari baka magsawa ka naman kaagad, masasayang din pera mo.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Bitkoyns on October 24, 2019, 03:31:59 AM
May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 24, 2019, 03:35:13 AM
~snip

Kailangan ba kaagad sa simula pa lang gumastos kana kaagad sa paglalaro? katulad nung 0xUniverse, kailangan bumili ka muna ng package bago ka makalaro. Soguro naman dapat nilang i implement na since bago palang sa masa yung mga blockchain games, magpalaro muna sila na hindi masyadong gumagamit ng pera o ytung tinatawag natin na free to play muna. kasi mahirap na rin kapag gumastos ka kaagad sa kauumpisa mo palang ang mangyayari baka magsawa ka naman kaagad, masasayang din pera mo.
May libre namanng 100% fuel kung saan pwede mo magamit ng hanggang 6 na competition.
Sa 6 na yun dapat masigurong makakuha ng mataas na pwesto para may makuhang sapat na EOS pang-dugtong sa laro.

Opinyon ko lang ha, wala naman yatang free-to-play-to-earn na laro.
Meron at meron talagang mag-iinvest kahit papaano.
Hindi man tayo, pero yung ibang players malamang nag-invest sila, kasi siguro alam nila na mababawi nila yun.
Saka kailangan din ng mga devs ang support para mapanatili ang laro.
Pwera na lang kung may ibang source ng revenue ang mga devs tulad ng paglagay ng ads sa laro nila.
Tulad ng Ragnarok dati, na pay-to-play, pero ang value ng zeny to php nun malaki.
Kaya nasa atin na lang siguro kung may ilalabas tayo o wala.  :)

May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?
Yung mga imahe sa built-in browser ng tokenpocket yun.
Oo, kapag wala ka nang fuel, mapipilitan ka nang bumili.
Kaya sulitin ang free fuel, pilitin manalo sa bawat competition.  :)

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Bitkoyns on October 24, 2019, 04:51:07 AM
May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?
Yung mga imahe sa built-in browser ng tokenpocket yun.
Oo, kapag wala ka nang fuel, mapipilitan ka nang bumili.
Kaya sulitin ang free fuel, pilitin manalo sa bawat competition.  :)

bale kailangan talaga skilled ka sa game na to para hindi ka gumastos or else mapapagastos ka talaga para lang makapag laro which is on the other hand magiging malakas ang kitaan kapag magaling ka sa racing game na to kasi magbebenta ka lang lagi ng fuel sa mga mahihina maglaro hehe.

itry ko siguro to kapag nakabili na ako ng EOS, yung scatter kasi kailangan pa lagyan muna ng balance para maactivate

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 24, 2019, 05:04:13 AM

Oo, kailagan mo mag stake para makagawa ka ng account name.
Yung na-stake mo mapupunta yun sa resources (RAM, CPU, NETWORK)
Kapag may EOS account ka naman na eh lahat ng DAPPs sa EOS chain magagamit mo na.
Yung na-stake mo naman pwede mong i-refund kung gusto ayaw mo na sa EOS.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Hippocrypto on October 24, 2019, 09:27:44 AM
May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?

Maganda siguro kung ang developer nito ay gumawa ng pang mobile para mas convenient laruin. Di pa ako nakapag try nito, siguro subukan ko pag hindi busy at pag may spare time ako. Mukhang magandang laro ito, di ka lang nag enjoy kikita kapa ng EOS rewards pag nanalo ka sa racing game.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Kupid002 on October 24, 2019, 05:35:40 PM
May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?

Maganda siguro kung ang developer nito ay gumawa ng pang mobile para mas convenient laruin. Di pa ako nakapag try nito, siguro subukan ko pag hindi busy at pag may spare time ako. Mukhang magandang laro ito, di ka lang nag enjoy kikita kapa ng EOS rewards pag nanalo ka sa racing game.
Mukhang mas ok nga to kesa sa ibang eos game kasi gagalaw tlaga kay racing eh.
Mas malaki sana market nila kung meron na sila na available android or ios app mas madali kasi makahatak un ng player compare sa website ka lang maglalaro.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Bitkoyns on October 24, 2019, 05:39:45 PM
May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?
Yung mga imahe sa built-in browser ng tokenpocket yun.
Oo, kapag wala ka nang fuel, mapipilitan ka nang bumili.
Kaya sulitin ang free fuel, pilitin manalo sa bawat competition.  :)

bale kailangan talaga skilled ka sa game na to para hindi ka gumastos or else mapapagastos ka talaga para lang makapag laro which is on the other hand magiging malakas ang kitaan kapag magaling ka sa racing game na to kasi magbebenta ka lang lagi ng fuel sa mga mahihina maglaro hehe.

itry ko siguro to kapag nakabili na ako ng EOS, yung scatter kasi kailangan pa lagyan muna ng balance para maactivate
Oo, kailagan mo mag stake para makagawa ka ng account name.
Yung na-stake mo mapupunta yun sa resources (RAM, CPU, NETWORK)
Kapag may EOS account ka naman na eh lahat ng DAPPs sa EOS chain magagamit mo na.
Yung na-stake mo naman pwede mong i-refund kung gusto ayaw mo na sa EOS.

medyo confused ako pagdating dyan sa "stake" na yan kung paano ba dapat gawin exactly dyan. bago lang ako sa mundo ng EOS kasi at confusing para sakin yung words na "stake" tapos may CPU at NETWORK pa. importante din ba yung CPU power ng ating device na ginagamit saka yung speed ng internet for the network?

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 24, 2019, 09:38:06 PM

medyo confused ako pagdating dyan sa "stake" na yan kung paano ba dapat gawin exactly dyan. bago lang ako sa mundo ng EOS kasi at confusing para sakin yung words na "stake" tapos may CPU at NETWORK pa. importante din ba yung CPU power ng ating device na ginagamit saka yung speed ng internet for the network?
Yung EOS chain parang isang malaking computer.
Ang kapalit ng pag gamit ng EOS chain ay ang pagrenta sa kanila ng resources.
Yung pag "stake" = pag "rent" ng resources.
Ang advantage, 0 transaction fees.
Ang disadvantage, minsan nagiging congested din ang network.
Kapag congested ang network, di ka makakagamit ng mga DApps.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Bitkoyns on October 25, 2019, 01:50:30 AM

bale kung congested ang network at kung gusto mo makagamit ng mga DApps dapat ay meron kang sapat na staked coins tama ba? parang ganito kasi nabasa ko pero confirm ko lang.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 25, 2019, 03:55:05 AM
Oo ganun na nga.
May mga services naman na nagpapa-renta ng resources nila kapalit ng EOS.
Sulit naman kung active ka sa EOS chain.
Kasi mababawi mo naman pinangrenta mo.
Eto yung isa sa mga nagpaparenta ng resources.
https://eosrex.io/ (https://eosrex.io/)

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: carlisle1 on October 25, 2019, 01:03:06 PM
parang padami na ng padami ang mga Games and Gambling na gumagamit ng EOS platform no wonder how promising EOS this next year
may ilang games na ako nakita dito sa local na EOS based din but sa racing parang di yata ako mahusay kasi medyo slow ako magtype at mag tantiya haha.anyway will check the game later mate looks interesting and simple

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: serjent05 on October 25, 2019, 01:10:47 PM
parang padami na ng padami ang mga Games and Gambling na gumagamit ng EOS platform no wonder how promising EOS this next year
may ilang games na ako nakita dito sa local na EOS based din but sa racing parang di yata ako mahusay kasi medyo slow ako magtype at mag tantiya haha.anyway will check the game later mate looks interesting and simple

I checked this game , parang stand alone lang ang dating nya, you just need to beat the time on the match, have not I think it is the same sa tournament.  Para siyang laro sa family computer, yung larong  road fighter o di kay ayung pole position.medyo mas ok nga lang ang graphics ng larong ito.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: carlisle1 on October 25, 2019, 01:22:24 PM

really?wow halos kabisado ko dati ung Road Fighter na maliit ng Kotse at may mga truck at putik na pwede makasagabal sayo.

thanks sa info kabayan later pag uwi mukhang lalaruin ko to,reminds me of Nintendo Games.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Cherylstar86 on October 30, 2019, 10:16:30 AM
parang padami na ng padami ang mga Games and Gambling na gumagamit ng EOS platform no wonder how promising EOS this next year
may ilang games na ako nakita dito sa local na EOS based din but sa racing parang di yata ako mahusay kasi medyo slow ako magtype at mag tantiya haha.anyway will check the game later mate looks interesting and simple

Malamang kung pagpalarin ng swerte ang EOS ay magiging isa sa dominanting crypto currency. Siguro ang team ay nagiisip pa ng panibagong pakulo para lalong maging kainganyo ng marami didto sa mundo ng crytpo currency. Sa paglipas ng maraming panahon ang teknolohiya ay naging mas maganda at ako ay naniniwala na ang EOS platform ay paganda ng paganda sa mata ng mga gaming gamblers.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: Sadlife on October 30, 2019, 10:33:40 AM

Malamang kung pagpalarin ng swerte ang EOS ay magiging isa sa dominanting crypto currency. Siguro ang team ay nagiisip pa ng panibagong pakulo para lalong maging kainganyo ng marami didto sa mundo ng crytpo currency. Sa paglipas ng maraming panahon ang teknolohiya ay naging mas maganda at ako ay naniniwala na ang EOS platform ay paganda ng paganda sa mata ng mga gaming gamblers.
tama lumalaki na talaga ang EOS at dun sa nakita kong thread  ay sa China daw ang number cryptocurrency is EOS at ang bitcoin ay pang number 11 lang kaya siguro parami na ng parami ang gumagamit ng platform nila,dito lang sa local natin parang 3 eos based games na ang na i share ng mga kababayan natin this month alone i think ganun na nga kalaki ang network nt EOS

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: lionheart78 on October 31, 2019, 05:42:30 AM

So far sa nakikita ko puro active ang EOS sa dapps, ang dami nilang mga games na integrated sa blockchain, kung hindi lang naglilimit sa  CPU/RAM/Network at need magstake, mas maraming mga tao ang matutuwa dito but then I realized ginawa iyon for the ecosystem of the cryptocurrency.

Medyo mahirap magbenta ng mga parts dito sa EOS racing, since newbie pa lang ang level ko dito, kadalasan sa mga nakukuha ko ay puro patapong parts ng sasakyan na binibigay sa pagsisimula ng laro.  Need talagang maglaan ng oras dito dahil may cooldown every 5 race na 1 hour if i am not mistaken.  Kapag sumali naman sa tournament ilalampaso lang ng kalaban dahil mabagal pa ung car na pang race.

Title: Re: [Blockchain Game] EOS Racing
Post by: zenrol28 on October 31, 2019, 01:14:32 PM

So far sa nakikita ko puro active ang EOS sa dapps, ang dami nilang mga games na integrated sa blockchain, kung hindi lang naglilimit sa  CPU/RAM/Network at need magstake, mas maraming mga tao ang matutuwa dito but then I realized ginawa iyon for the ecosystem of the cryptocurrency.

Medyo mahirap magbenta ng mga parts dito sa EOS racing, since newbie pa lang ang level ko dito, kadalasan sa mga nakukuha ko ay puro patapong parts ng sasakyan na binibigay sa pagsisimula ng laro.  Need talagang maglaan ng oras dito dahil may cooldown every 5 race na 1 hour if i am not mistaken.  Kapag sumali naman sa tournament ilalampaso lang ng kalaban dahil mabagal pa ung car na pang race.

Kaya minsan kapag dumaan yung oras na maraming users ang sabay sabay na gumagawa ng transaction ay nagiging congested ang network.
Kung saan ang may mga mas malaking nai-stake ang magkakaroon ng priority.
Nariyan ang mga REX (Resources EXchange) sites na maaasahan sa oras ng pangangalaingan.
Maaari kang makahiram ng "staked EOS" sa murang halaga.
Halimbawa na lang nito, nakahiram ako ng "361 EOS staked" sa loob ng 30 araw sa halagang 0.1 EOS lamang.
Ang 0.1 EOS ay maliit na bagay na kumpara sa maaari mong magawa dahil hindi ka na limitado sa resources.

https://i.imgur.com/prImqZf.png

Mahirap na nga makabenta ng parts sa EOS racing.
Madalas kasi yung "tier 2" pataas na ang binibili nila.
Saka karamihan sa mga players ay bumibili ng upgrades para manalo sa competition.
Talagang nag-iinvest sila para makuha ang 1st prize.
Sino ba namang hindi matatakam sa 20EOS na 1st prize.
Kaya di na sapat yung skills lang ang puhunan.

Pero may ibang way naman para kumita pero mabagal syempre.
Laruin lang ang 5 matches kada 2 oras.
Tapos kapag naubos na ang fuel ng kotse ay i-disassemble para makakuha ng 100 fuel.
Sigurado naman kasing may mabubuo ka na ulit na kotse mula sa mga nakukuhang parts sa matches bago maubos ang fuel ng main car mo.
Ayun repeat the process hanggang makabuo ng higher tier na kotse at ibenta sa market.

Sa ngayon yan na lang ginagawa ko kasi di na talaga kayang makipagsabayan sa mga tier 2 pataas na fully upgraded.
Kaya bentahan na lang naten sila.  :D