Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: josephrioveros123 on December 10, 2019, 06:22:47 AM



Title: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: josephrioveros123 on December 10, 2019, 06:22:47 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Peashooter on December 10, 2019, 06:34:24 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?
Mas mainam na salihan mo parehas para since di ka pa naman high rank dito sa forum, may pinagkakakitaan ka pa din sa crypto talk. Kung tutuusin, mas malaking ang oportunidad dito since mas kilala ang forum na ito kumpara dun sa cryptotalk. Bagamat hindi din dapat nating maliitin ang website na iyon, iba pa din ang forum na ito since ito ang kauna-unahang forum na ginawa para sa crypto enthusiast.

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?
Dipende yan kabayan sa galing at quality ng posts mo. If content creator ka at useful ka sa forum, may 100% na tsansa na tumaas ang iyong rank.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: josephrioveros123 on December 10, 2019, 06:37:06 AM
Sa palagay ko tama ka subalit kakaunti lamang ang aking oras para igugol sa crypto industry. Sa palagay mo sa konte kong oras na iyon. Saan ko mas mabuting gamitin ang oras ko? Dito o sa Cryptotalk?


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: acroman08 on December 10, 2019, 06:40:19 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank?
para sa rank mo pinakamagandang way na kumita ay mag offer ka ng services mo or humanap ka ng mga tao na nag ooffer ng odd jobs.

Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?
sa opinyon ko mas ok kung dito ka na lang mas maraming opportunity dito at mas marami kang mtututunan dito kasi maraming members ang expert or alam na ang pasikot sikot sa crypto kaysa sa mga members cryptotalk.org. pero pwede mo rin naman subukan yung forum nila.
At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?
ang chance ay depende sa bawat member. as long as helpful ka sa mga members at sa forum makakakuha ka ng merit pero hindi guaranteed na sa bawat pag tulong mo ay mabibigyan ka ng merit.

tsaka since bago ka suggest ko lang na basahin mo ang forum rules Unofficial list of (official) Bitcointalk.org rules, guidelines, FAQ (https://bitcointalk.org/index.php?topic=703657.0)


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: ice18 on December 10, 2019, 06:47:08 AM
Mas maganda magpataas ka muna ng rank kung gusto mo talagang kumita kasi kung sa cryptotalk forum masyadong mababa atleast dito kung mataas rank mo kikita ka talaga ng maganda mabilis lang nman magka merit dito kilangan mo lang mag effort tlga research ka ng kapakipakinabang na topic at ishare mo dito.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Bttzed03 on December 10, 2019, 06:50:05 AM
Sa palagay ko tama ka subalit kakaunti lamang ang aking oras para igugol sa crypto industry.
Nagbigay na sila ng mungkahi at sa tingin ko mga valid naman mga iyon. Walang ibang makakasagot niyan sa tanong mo kundi ikaw lang. Ano bang kaya mong gawin sa kaunting oras na iginugugol mo sa crypto?


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: josephrioveros123 on December 10, 2019, 06:51:08 AM
Maraming salamat po susubukan ko ang iyong sinasabi. Subalit alam kong hindi iyon ganon kadali kasi merong hindi naman pinapansin ang mga post kahit ginawan ng effort.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Bttzed03 on December 10, 2019, 07:14:43 AM
~
Subalit alam kong hindi iyon ganon kadali kasi merong hindi naman pinapansin ang mga post kahit ginawan ng effort.
Effort + Quality + Time siguro?

Marami sa amin ang umaangat ang rank dahil binibigyan talaga namin ng oras ito at dinagdagan ang aming kaalaman tungkol sa crypto, blockchain, at sa forum rules. Sa tingin ko yun naman talaga and sikreto sa pag-angat dito, walang shortcut. Well, may rare occassions nga lang kagaya ng Art competition at yung pagboto sa sa mga iconic posts pero kahit dun, mukhang hindi ka din nag-participate.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: maxreish on December 10, 2019, 08:10:49 AM
Eto ang mga dapat mong unahin muna. Set aside muna ang earnings because you will gonna benefit with it at the end.
 Una, mag focus ka muna sa pag earn ng merits. The higher rank you are the higher pay you will get in a signature campaign.
 Pangalawa, para ma achieve eto. Mag isip ng mga topic na kapaki pakinabang sa lahat. Or mga thread na makatulong sa forum at sa forum members.
 
 Note: Huwag tayong magmadali. Kung kaya mo namang mag earn through trading, why not? Pero kung pagdating sa forum earnings, bukod sa free lance job na need ng mga skills, signature campaigns is very well suggested.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Bohxz M4p4gm4h4l25 on December 10, 2019, 08:43:17 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?
Sa panahon ngayon, mahirap na rumanggo nang hindi pinag-hihirapan dahil nga sa aplikasyon ng merit system. Mas okay na na gumawa na lang threads para mas makakuha ng maraming merit o di kaya mag-effort nang todo sa mga post mo regardless kung may signature campaign ka na o wala pa. Yung cryptotalk kasi parang panandalian lang yan, di natin alam kung kelan titigil at di ako natutuwa sa payrate nila per post. Mas okay talaga na magtiyaga dito para mas sulit yung mga posts mo in the future


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: mk4 on December 10, 2019, 09:58:27 AM
Maraming salamat po susubukan ko ang iyong sinasabi. Subalit alam kong hindi iyon ganon kadali kasi merong hindi naman pinapansin ang mga post kahit ginawan ng effort.

90% of the time, pag ang topic/reply ay hindi pinansin, either:

  • redundant
  • unnecessary
  • below-average quality
  • halatang dinagdagan ng kung ano anong hindi kailangan na info para lang humaba ung message

Kung gusto mong mapansin, sa dami dami ba namang poster ng Bitcointalk at dahil tumataas rin ang kompetisyon, dapat maiba ka talaga. Dapat maging mas magaling ka kumpara sa maramihan.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: john1010 on December 10, 2019, 09:59:59 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?

Medyo mahirap na talagang magpataas ng rank ngayon dito sa btt, I suggest na paramihin mo follower mo sa twitter, facebook, instagram, IG at reddit, magaral ka rin ng VBlogging kasi yan ngayon ang mga indemand na offer ng mga bounty campaign, kaya kahit mababa pa rank mo dito, bawiin mo na lang sa mga social media account mo.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Question123 on December 10, 2019, 10:02:51 AM
Kabayan walang makakasagot niyan kundi ikaw lamang at kung ako papaliin between sa dalawang forum ay siyempre dito sa ako sa forum ng bitcointalk dahil subok ko na ito. Kaya naman maliit lamang ang kita dahil depende sa rank yan kabayan pero kung mangtitiyaga ka dito sa forum natin ay maaari kang kumita ng malaki kung ikaw ay magrarank up kung may magbibigay sa yo ng merit pero bago mo makuha yan need mo ng magandang post.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Experia on December 10, 2019, 10:15:23 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?

Magkaiba ang cryptotalk at forum na ito kaya ang suggestion ko sayo na kung kaya mong pagsabayin gawin mo, gumawa ka ng thread dito na makakatulong dahil yun ang malaki ang tsansa na magkaroon ka ng merit at makatulong para tumaas ang rank mo at the same time nasa cryptotalk ka din kung kaya mo para kahit papano may pumapasok sayong coin pag naipon naman yan malaki ang magiging value nyan.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: bitcoin31 on December 10, 2019, 10:24:20 AM
Nasasabi mo lang yan kabayan dahil ang rank mo ay low at hindi ka makakajoin sa campaign dito sa forum na ito dahil mostñy ang minimum rank na tinatanggap ng mga campaign sa ngayon kaya naman kung gusto mo mapataas yang rank mo ayusin mo at gawin mo lahat pa mamaraan para ikaw ay makamit mo ang goal o minimithi mo . Pero kung gusto mo sa kabila choice mo yun.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Kupid002 on December 10, 2019, 10:28:54 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?
Kung may option ka na pwede mo sila pag sabayin mas maganda sana. Kasi kung tataas ung rank mo dito pwede kanadain sumali ng campaign dito.
Pero kung talagang matyaga ka pwede nadin ung sa crypto talk perp kahit papano sana pataasin mo din ung rank ng account mo dito.
Ung chance na tumaas ung post mo is depende nadin sa post quality at dun sa magbibigay sayo. Aminin ka sayo medyo mahirap talaga sa ngaun.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: arwin100 on December 10, 2019, 10:29:03 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?

Kung mag rely kalang sa mga signature campaigns at sa cryptotalk ay maliit talaga kikitain mo dahil una sa dahil sa rank mo at tsaka maliit lang din ang bigayan sa cryptotalk forum at kung gusto mo kumita ng higit pa e mas mainam na magsaliksik ka sa service section or sa altcoins announcement at apply ka bilang telegram moderator,Social media management or di kaya baka may skills ka na pwede mong pag kakitaan at yan ay e offer mo.

Sa chances naman sa pag rank up medyo mahirap yan dahil kailangan mo ng super quality at helpful post para mapansin ito at mabigyan ng merit kaya kailangan talag sipag at tiyaga dito.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: kotajikikox on December 10, 2019, 10:46:40 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?
kung mabilis na kita gusto mo?walang ganyan dito kabayan lalo na sa ganyang rank mo(maniban na lang kung meron kang ibang skills katulad ng mga makikita mo sa service section)

siguro mas maganda kung dun ka nalang mananatili sa Cryptotalk site dahil mas mabilis ang chance mo na mag rank up,an samahan mo ng prayers na magkaron na din ng mga investors dun para magkaron na din ng mga ICO at mga campaigns.

or else kayanin mo ditong magpa rank(bagay na siguradong matatagalan ka dahil ang hirap na magka merit dito)


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Genemind on December 10, 2019, 10:57:28 AM
Pwede mo namang kagatin ang offer ng cryptotalk.org habang nagpaparank kabayaan para kahit papaano ay kumita ka din. Mahalagang magpataas ka muna ng rank dito para gumanda din ang kita mo sa mga susunod pang projects. Mgpost ka ng may informative content at magipon ng merit para tumaas ang rank mo. Tyaga lang kabayan, masusuklian naman lahat ng effort mo pagdating ng panahon.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: NavI_027 on December 10, 2019, 11:43:26 AM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?
Okay, I'll give you a direct answer first. Of course mas kikita ka sa cryptotalk campaign. Wala kang makukuhang short term benefits kasi kung magpopost ka lang dito. PERO, tingin ko hindi ka rin makakasali sa cryptotalk dahil Member ata ang minimum na tinatanggap dun, (I can't really remember so correct me if I'm wrong na lang :))

But actually pwede mo naman sila pagsabayin since allowed din naman sa campaign na magpost sa local boards. There's nothing wrong of creating threads din but always make sure na makabuluhan ito. As much as possible wag mga generic topics gawin mo para naman mas maganda ang macreate na discussion plus get a higher chance of earning merits.
At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?
It depends, kung medyo baguhan ka pa lamang sa forum and less pa ang technical knowledge mo about crypto then talagang mahihirapan ka. Pero kung isa ka ng pro investor simula nung una pa lang then sisiw sayo ang pagrank ;D. Nonetheless, one thing is for sure, possible ang pagrank. May 2 merits ka na kabayan, just keep up the good work.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: akirasendo17 on December 10, 2019, 11:49:42 AM
Kung gusto mo na mabilis ka magrank up, sa totoo lang there is no shortcut, kasi kahit ako hirap din
pero ang masasabi ko sau kung gusto mo magrank up, kailangan mong maging masipag, gumawa
ng kapakipakinabang na post kung saan madaming mapupulot na aral ang mga members natin,
sa pamamagitan ng paggwa ng guides na makabuluhan, at madaming nagugustuhan ito, dahil kung ang gagawin
mo ay magpost lang ng magpost malabo mangyari na magrank up ka kasi, wala naman silang napupulot na aral
or tulong sa iyo baka spam pa nga gingawa mo mainis pa sila, kaya ang payo ko makabuluhang post at may natutunan ang
ating mga members dba tama ako guys?


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: lienfaye on December 10, 2019, 01:03:36 PM
Saan mas mabilis kumita kung sa katulad kong mababa ang rank? Mas makakabuti ba na dito ako mag lage at mag post at gumawa ng threads? O kung mas mabuti na mag lagi ako sa cryptotalk.org at mag tyaga sa 1k satoshi sa kada lathala doon? Saan mas malaki ang oportunidad?

At sa panahon ngayon gaano kalaki ang tyansa na tumaas ang rank dito sa forum na ito?
Mas maganda kung magpa rank up ka muna kasi kadalasan sa mga campaign ngayon full member pataas ang tinatanggap. Ang alam ko sa cryptotalk senior pataas din ang required na rank bago ka makasali, bumaba na ba?

Anyway kung kaya mo naman pagsabayin why not di ba? Mas maganda din yun na habang nagpo post ka ng constructive may incentives ka din natatanggap kahit mababa lang kasi ma inspire ka na pagbutihin yung ginagawa mo.


Title: Re: Pag kita kapag mababa ang rank at pag pataas ng rank.
Post by: Aying on December 10, 2019, 01:07:40 PM
You can choose both forums to learn and earn. ang kaibahan lang sa dito is need mo talaga ng quality posts at need mo talaga ng time at effort para dito. kung gusto mo malaman lahat about crypto at kumita at the same time, then no need to compare both forum kasi pag masipag ka kikita ka naman. unahin mo lang ang kaalaman kasi mas nakakatulong yon.