Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: Bttzed03 on January 07, 2020, 06:24:40 AM

Title: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Bttzed03 on January 07, 2020, 06:24:40 AM
Kung meron dito ang mahilig pa magtago ng kanyang crypto assets sa mga custodial wallets kagaya ng coinsph, malamang meron din mga taong ginagawang parang bangko ang mga palitan. Marami ng paalala ang mga naisulat dito sa forum pero mukhang hindi pa din talaga sapat. Marami sa atin ang natututo lamang kapag tayo na mismo ang nabiktima.

Mapa-big exchange man o mga small at medium, laging tandaan na no system is safe. Kahit pa mag-updgrade ng mga security system ang mga palitan, nag-uupgrade din ang mga hackers. Noong nakaraan taon, nasa $292,665,886 na halaga ng cryptocurrency mula sa labing isang palitan ang napunta sa mga hackers ayon sa article (https://cointelegraph.com/news/most-significant-hacks-of-2019-new-record-of-twelve-in-one-year) na ito.

#NoFundsAreSAFU

https://s3.cointelegraph.com/storage/uploads/view/3bad93c0c72ec6927663fe0efeeb4c86.png

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: bitcoin31 on January 07, 2020, 06:50:47 AM
Sumatotal ang ang nawala sa mga exvhanges site na yan lahat ay daang million at sana wala nang mahack oang exchanges sites sa mga susunod na buwan at sana lahat ng system ng mga exchanges site ay pag-igtingin ang kanilang seguridad para naman ay wala nang madamay pang mga ordinaryong trader na  Kawawa talaga dahil nawalan sila ng mga pera.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Question123 on January 07, 2020, 07:51:38 AM
Wala namang secure ngayon lahat kayang pasukin ng mga hacker  ay dapat gawin natin ay iwasan natin ang mga dapat nating iwasan. Pati mga ordinaryong mga trader nadadamay dahil sa kanila kaya dapat yung mga team ng exchange site ay dapat gawin ay mas taasan pa ang kanilang secuity dahil kung mahahack sila bukod sa mawawalan ng mga pera ang kanilang mga user kasama rin sila doon.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: jakelyson on January 07, 2020, 12:19:51 PM
[...] sana wala nang mahack oang exchanges sites sa mga susunod na buwan at sana lahat ng system ng mga exchanges site ay pag-igtingin ang kanilang seguridad para naman ay wala nang madamay pang mga ordinaryong trader na  Kawawa talaga dahil nawalan sila ng mga pera.

Hindi mangyayari ito. Kahit paigtingin pa ang security nang isang exchange, may chance pa rin na mahack ito. Hindi 100% secured ang exchange kahit sabihin pa high ang security level nito. Hindi rin naman kasi tumitigil ang mga hacker sa paghahanap ng butas upang mapasok ang mga exchange. Kaya nga ang laging paalala sa mga trader, wag gawing bangko ang exchange. Hanggat maari, limited lang ang naka lagay na crypto sa exchange at dapat nasa secured wallet mo mismo ang karamihan ng crypto mo.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Distinctin on January 07, 2020, 12:20:44 PM
Target talaga nila yung mga exchanges na may malaking volume...at sa palagay ko hindi talaga masusugpo ang mga ganitong gawain kahit palaging naka upgrade yung security codes ng mga exchangers.

katulad rin sa atin, kahit gaano ka secure ang account natin, meron pang 2FA eh meron talagang butas na makikita itong mga scammers na nagbibigay daan para mahack ang account natin. Kaya mas maganda kung iiwasan natin ang pagiibak ng coin/crypto's sa mga online wallet.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Periodik on January 07, 2020, 01:49:52 PM
Ang daming exchanges ang na-hack ngayong taon lang na to. Hindi pa kasama nyan yung mga recorded successful hacks noong mga nakaraang taon. At sobra laki ng damages in terms of US dollar. Malamang ay hindi na marecover ang mahigit sa 90 porsyento ng mga funds na yan. Kailangan ma-upgrade ang sistema ng security sa mga exchanges ngayon. Mukhang napapasok na sila ng mga hackers.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Rosilito on January 07, 2020, 05:01:48 PM
Mapa-big exchange man o mga small at medium, laging tandaan na no system is safe.

Parang 'yong sa movie lang na Who Am I.

Anyway wala naman talaga sistema ang safe, maging sa gobyerno man may mga nabubukin na korapsyon  at iba pa. Sa madaling sabi 'yong mga hackers ay resourceful naga-upgrade at nagi-innovate rin sila ng mga posbile nilang gawin para ma-passthrough 'yong mga security at 'yong mga bagong kalakaran mayroon 'yong isang system. It is just for me ha, labanan na lang kung paano made-detect agad at maba-block sila to the point na pi-pin down at mapipiitan 'tong mga hackers na mag-retreat at gumawa na lang ulit ng panibagong approach. Wala rin naman kasing ending 'to, at kung mahuli man sila at makulong mayroon pa rin naman na mga uusbong na mga new hackers.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: gunhell16 on January 07, 2020, 05:28:12 PM
Grabe talaga mga naging epekto nitong hacker sa buhay cryptocurrency.
Unang-una na talaga yung Cryptopia na yan, hanggang ngayon sarado parin kaya di na ako umaasang marerecover ko pa yung mga tokens ko doon.
Isa rin sa dahilan ng pagtagal ng bear season o pagbaba ng mabilisan ng presyo yang hacking na yan, kasi binebenta nalang ng hacker yung mga crypto basta-basta.
Hindi natin talaga maiiwasan ito, kaya huwag na huwag tayong mag-iimpok sa mga exchange accounts natin ng mga token, kahit gaano pa kalakas ang security nila gagawa at gagawa ng paraan ang mga hacker na mapasok yan.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Bttzed03 on January 08, 2020, 05:07:58 AM
~ sana lahat ng system ng mga exchanges site ay pag-igtingin ang kanilang seguridad ~
~ kaya dapat yung mga team ng exchange site ay dapat gawin ay mas taasan pa ang kanilang secuity ~
Hindi na siguro kailangan na paalalahan sila tungkol sa security. Isa talaga yan sa priority ng mga palitan. Imbes na sabihan sila kung ano ang dapat gawin, isipin na lang natin kung ano ang dapat gawin. Hindi naman natin kontrolado kung ano ang mangyayari sa mga palitan.

~
Hanggat maari, limited lang ang naka lagay na crypto sa exchange at dapat nasa secured wallet mo mismo ang karamihan ng crypto mo.
Ganun na nga. Huwag masyadong maging dependent sa security ng mga palitan.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Vaculin on January 08, 2020, 06:44:57 AM
That's a huge amount if we total it, anyone who likes to guess which exchange will be hack first this year?

Upbit used to be a good site as they are partner with bittrex if I am not mistaken ,but when they get hacked, things change.
About Binance, that was a big hack but it seems there's no effect in the market, maybe they are just too strong and people trusted them.
That hack if it didn't happen, I would not know about SAFU.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: rosezionjohn on January 08, 2020, 02:53:37 PM
Dapat siguro isama pa sa listahan mga palitan na nag exit scam kagaya ng IDAX.

anyone who likes to guess which exchange will be hack first this year?
Magandang tanong ito  :D Pero sa dami na ng palitan ngayon, mahirap ng mamili ng isa. Yung iba nga sa listahan ng na hack nung nakaraan taon ay hindi pa ako pamilyar. Hula ko lang isa sa mga palitan mula sa Japan o sa South Korea, mukhang paborito mga yun dahil na din siguro sa magandang volume.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Hippocrypto on January 08, 2020, 11:06:41 PM
~ sana lahat ng system ng mga exchanges site ay pag-igtingin ang kanilang seguridad ~
~ kaya dapat yung mga team ng exchange site ay dapat gawin ay mas taasan pa ang kanilang secuity ~
Hindi na siguro kailangan na paalalahan sila tungkol sa security. Isa talaga yan sa priority ng mga palitan. Imbes na sabihan sila kung ano ang dapat gawin, isipin na lang natin kung ano ang dapat gawin. Hindi naman natin kontrolado kung ano ang mangyayari sa mga palitan.

~
Hanggat maari, limited lang ang naka lagay na crypto sa exchange at dapat nasa secured wallet mo mismo ang karamihan ng crypto mo.
Ganun na nga. Huwag masyadong maging dependent sa security ng mga palitan.

Dapat talaga wag i asa ang asset natin sa exchange, keep it at your safe wallet na offline at hindi dyan sa kahit anong exchange. Di natin sigurado ang exchange kung tuloyan yan maka ensure ng iyong siguridad, kasi maraming mababago sa pagdating ng panahon na hindi natin kontrolado.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: blockman on January 08, 2020, 11:53:33 PM
Kung meron dito ang mahilig pa magtago ng kanyang crypto assets sa mga custodial wallets kagaya ng coinsph, malamang meron din mga taong ginagawang parang bangko ang mga palitan. Marami ng paalala ang mga naisulat dito sa forum pero mukhang hindi pa din talaga sapat. Marami sa atin ang natututo lamang kapag tayo na mismo ang nabiktima.

Mapa-big exchange man o mga small at medium, laging tandaan na no system is safe. Kahit pa mag-updgrade ng mga security system ang mga palitan, nag-uupgrade din ang mga hackers.
Ganitong ganito ako dati, dahil nga naging BSP certified at licensed ang Coins.ph mas lalong lumakas ang loob ko magtiwala sa kanila at itago lang dati doon yung hinohold ko. Kaso nung magsimula ng magkaroon ng mga balita tungkol sa mga hacking ng mga iba't-ibang mga exchanges, doon na ako nagsimula mag-alala kaya yung maliit na halaga para ma-invest mo para sa isang hardware wallet para maprotektahan yung assets mo ay sulit naman. Kung wala namang pambili, meron dyang mga desktop wallets na safe naman basta itago lang ang private keys o ang tinatawag na seed.
Grabe yung stats na yan pang 2019 pa lang yan di pa kasama yung mga nakaraan na mas malalaki din.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: chaser15 on January 09, 2020, 12:11:05 AM

Sa Crytopia ako nadali. Nandyan iyong ibang mga coins at tokens ko na taon ko na rin hawak pero actively trading. Alam ko naman ang risks kaya lang kasi reputable naman kasi dati ang Cryptopia saka licensed exchange pa while at the same time no choice din ako at dyan lang nakalista ang mga coins/tokens na hawak ko. Iyong ibang exchange kung saan mga yan is nasa DEX na which is wala namang volume so dyan lang worth i-trade.

Wala na ring update sa kanila kahit hawak na ng mga authorities iyong case kaya move on na lang.

Kaya lagi tatandaan, kahit gaano ka-reputable talagang may chance mawala. Ok lang naman may magtabi sa mga custodial exchange iyon ay kung lagi niyong ginagamit since hassle magdeposit and withdraw lalo sa trading. Pero kung literal na naka-hold lang di wise magtabi sa mga ganyan.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: matchi2011 on January 09, 2020, 12:18:17 AM
Grabe talaga mga naging epekto nitong hacker sa buhay cryptocurrency.
Unang-una na talaga yung Cryptopia na yan, hanggang ngayon sarado parin kaya di na ako umaasang marerecover ko pa yung mga tokens ko doon.
Isa rin sa dahilan ng pagtagal ng bear season o pagbaba ng mabilisan ng presyo yang hacking na yan, kasi binebenta nalang ng hacker yung mga crypto basta-basta.
Hindi natin talaga maiiwasan ito, kaya huwag na huwag tayong mag-iimpok sa mga exchange accounts natin ng mga token, kahit gaano pa kalakas ang security nila gagawa at gagawa ng paraan ang mga hacker na mapasok yan.
Palagi naman paalala na wag na wag mag iiwan ng assets sa wallet na hindi mo pag aari private key, alam natin na ang mga hacker eh matatalino
konting lapses lang ng security ng exchange tiyak lulusubin na agad. Pero minsan mapapaisip ka rin dahil merong mga na hacked na reputable
at highly secured na exchange tapos biglang maglalaho parang may inside job na naganap.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Cherylstar86 on January 09, 2020, 02:34:57 AM

Dapat wag magtiwala kahit na gaano ka reputable ang exchange site, mag transact lang kung importante at hindi emergency. I store and iyong holdings sa stand alone wallet na hindi konektado sa exchange.
Mas mabutin nang mag ingat kaysa babalewalain ang mga posibilidad na masadlak sa kasamaang palad.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: akosiMalakas on January 09, 2020, 05:29:45 AM
Actually may pinned post na tayo para dito mga boss

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5215182.0

Upang mas madaling maintindihan kung bakit hindi mabuti na maglagay ng bitcoin sa nga exchange at ano mang platforms na Centralize lalo nasa pag hold ng bitcoin.  Dahil kahit gaano pa katibay ang siguridad ng exchange ay makakagawa parin ng paraan ang mga hackers upang ito ay pasukin.

Title: Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019
Post by: Bttzed03 on January 09, 2020, 05:51:30 AM
~ Wala na ring update sa kanila kahit hawak na ng mga authorities iyong case kaya move on na lang.
Nag-file ka ba? Matagal talaga ang proseso ng liquidation kaya mas mabuting move na lang muna.
Meron palang dedicated thread para sa update/news sa Cryptopia hacking kung interesado ka sundan Cryptopia - ONLINE ARTICLES related to hack & theft of funds 2019 (non discussion thread) (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5097916.0)