Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: arwin100 on January 26, 2020, 01:45:10 PM

Title: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: arwin100 on January 26, 2020, 01:45:10 PM

Ito na Kaya ang simula ng pagbagsak ng America? Lomobo na Kasi ang utang ng US at umabot na Ito ng 23 Trilyon dollars at sa tingin nyo magbibigay talaga to NG malaking impact Kay Bitcoin?

Source: https://www.google.com/amp/s/cointelegraph.com/news/united-states-national-debt-hits-23-trillion-over-1m-per-bitcoin/amp

Credits: Cryptomaniaks for the pic.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Experia on January 26, 2020, 02:35:32 PM
Malabo para sakin dahil yung pera na utang is fiat so hindi ito papasok sa crypto issue. At madaming nagsasabi na talagang bumabagsak na ang amerika kaya gusto nila ng giyera kasi dyan nila gustong patunayan sarili nila at para makapag supply sila ng kagamitang pangiyera at maibenta ito sa ibat ibang kaalyadong bansa.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Kambal2000 on January 26, 2020, 02:35:44 PM
Ayon nga sabi nga po sa ibang mga balita, baon na talaga ang US sa utang, masyado daw kasing naging kampante ang US kaya ayon nabaon sila and sabi pa po, wala na daw silang gold reserves, kaya siguro isa to sa mga magiging topic sa impeachment ni Trump kung bakit nabaon ng tuluyan ng husto ang bansa nila.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: lionheart78 on January 26, 2020, 02:38:41 PM
Ayon nga sabi nga po sa ibang mga balita, baon na talaga ang US sa utang, masyado daw kasing naging kampante ang US kaya ayon nabaon sila and sabi pa po, wala na daw silang gold reserves, kaya siguro isa to sa mga magiging topic sa impeachment ni Trump kung bakit nabaon ng tuluyan ng husto ang bansa nila.

Matagal ng walang gold reserve ang US,  malakas lang sila dahil napagkasunduan na gamiting ang pera nila bilang international money.  Tungkol naman sa epekto nito sa Bitcoin, wala dahil nagawa ang Bitcoin ay may malaking pagkakautang na ang US.  Ibig sabihin hindi naman nagbago ang sitwasyon kaya kung ano ang nangyayari ganoon pa rin mula't sapul pa ng nagawa ang BTC.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Gotumoot on January 26, 2020, 02:52:29 PM
Wala naman epekto ito sa presyo ng bitcoin matagal ko na itong nababasa at hanggang ngayon ang presyo ng bitcoin ay nanatili paring matatag. 
Ayon nga sabi nga po sa ibang mga balita, baon na talaga ang US sa utang, masyado daw kasing naging kampante ang US kaya ayon nabaon sila and sabi pa po, wala na daw silang gold reserves, kaya siguro isa to sa mga magiging topic sa impeachment ni Trump kung bakit nabaon ng tuluyan ng husto ang bansa nila.
Bagsak na talaga ang America ngayon at ito ay dahil Kay Trump kaya naman ngayon e gusto na ng gyera para makapagnakaw muli katulad ng ginawa nila sa ibang bansa. 

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: ralle14 on January 26, 2020, 04:29:54 PM
Maliit lang ang epekto nito sa presyo ng Bitcoin kung meron mang epekto na mangyayari, sang ayon ako sa sinabi ng iba walang epekto dahil mataas pa rin ang presyo ng dolyar. Hindi rin maiiwasan yung pagakyat ng utang nila dahil hilig nila gumastos pero kumpara sa laki ng utang nila noon parang hindi pa naman seryosong problema ito sa ngayon.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Theb on January 26, 2020, 04:42:38 PM
Investment is a choice sa mga ganitong periods pa, matagal ng may utang ang USA even before natamaan sila ng financial crisis nung 2008 pero did it make their citizens shift to Bitcoin or other modes of investment? Hindi kasi it doesn't affect their daily lives lalo na yung mga kumikita pa ng pera at may kabuhayan, ma-aaring maapektuhan yung macroeconomy nila pero kung yung mga tao may trabaho, business, at basic needs pa din hindi sila apektado right away sa crisis na mangyayari. As of right now investment for them is a choice pag may pera, pero kung may nangyaring crisis mas lalo silang mahihirapan mag invest kasi ito yung time na nag-liliquidate ng kanilang mga assets ang mga tao. If you want some major demand to happen for the industry lalo na sa Bitcoin ang dapat mong i-expect is for them to have laws and regulations in favor of the industry, dito mo lang makikita na ang demand ay mag-iincrease.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: tambok on January 26, 2020, 04:45:24 PM
Walang epekto para sa akin dahil sa gobyerno naman to Hindi naman sa tao, may usap usapan nga dito na posibleng gumagawa sila ng gyera para manakop sila, ewan gaano katotoo dahil naghihirap na daw nga ang bansa nila kaya need nila ng makakapitan..

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Boov on January 26, 2020, 05:57:49 PM
Walang epekto para sa akin dahil sa gobyerno naman to Hindi naman sa tao, may usap usapan nga dito na posibleng gumagawa sila ng gyera para manakop sila, ewan gaano katotoo dahil naghihirap na daw nga ang bansa nila kaya need nila ng makakapitan..
I dont think na makakaapekto ang pagkakautang ng US sa bitcoin kase unang una magkaiba ang system ng dalawang ito at pangalawa hindi naman hawak ng pamahalaan nila ang mundo ng crypto kaya paano natin masasabing makaaapekto ito sa bitcoin? tsaka isa pa marami ang gumagamit ng bitcoin at hindi lang naman citizens ng US.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: crzy on January 26, 2020, 11:33:51 PM
Makakaepekto yan kapag nag ka financial crisis na naman and take note even China has a huge debt and yung world debt is tumataas talaga. If ever magkaron ng financial crisis i think its the time for bitcoin to take over and I’m sure its value will increase because of that. Even a rich country has a big debt like that, nakakapagtaka.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: arwin100 on January 27, 2020, 08:38:16 AM
Makakaepekto yan kapag nag ka financial crisis na naman and take note even China has a huge debt and yung world debt is tumataas talaga. If ever magkaron ng financial crisis i think its the time for bitcoin to take over and I’m sure its value will increase because of that. Even a rich country has a big debt like that, nakakapagtaka.

Sa tingin ko ganun nga ang posibleng mangyari pero pag bumagsak ang dolyar tiyak malaki din ang epekto nito sa pangkalahatang ekonomiya dahil tiyak bagsak din ang ekonomiya ng mga bansang naka rely sa US at take note Ito ang main currency globally at maaari mating gawing basehan talaga ang global financial crisis na kung saan nagbigay ng malaking issue  pero tingnan nalang natin at wag Sana umabot sa worse case scenario dahil posible din na makaka epekto rin Ito sa market ng bitcoin.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Astvile on January 27, 2020, 10:33:35 AM
Kung babagsak ang halaga ng dolyar dahil sa utang na yan maaring oo. Pero kung mananatili sa highest point ang presyo ng dolyar malabong maka apekto ang utang na yan sa presyo ng bitcoin not unless magkaron ng crisis sa US pag iyon ang nangyare sigurado pa sa sigurado na malaki magiging effect nito sa presyo ng bitcoin.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: serjent05 on January 27, 2020, 10:36:18 AM
Walang epekto para sa akin dahil sa gobyerno naman to Hindi naman sa tao, may usap usapan nga dito na posibleng gumagawa sila ng gyera para manakop sila, ewan gaano katotoo dahil naghihirap na daw nga ang bansa nila kaya need nila ng makakapitan..

Posible dahil nagbebenta sila ng armas.  Kapag may giyera may kita sila. Tapos may mga bansan silang pagbibintangan na terorista at kanila iton gigyerahin at papatawan ng economic sanction ang siste hindi natin alam na inexploit na pala ng US ang natural resources ng bansang ito.  O di man ay kokontrolin ito through puppet government dahil sila na ang maglalagay kung sino ang mamumuno dito.  

May napanood ako sa youtube tungkol sa pananalapi ng US, dahil ang pera nila ay circulated around the world, mas malaki raw ang magiging devaluation ng pera nila once na yung mga nasa labas ng US na dollar ay magsipagbalikan sa kanilang bansa.  

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Periodik on January 27, 2020, 10:55:20 AM
Hindi basta basta babagsak ang US. Ang laki ng utang ay nagpapahiwatig na malaki din ang kanyang ekonomiya. At ang US ay isa din namang lender country so marami ding mga bansa ang may utang sa kanila.

Kung may epekto ang utang ng US sa Bitcoin, hindi ko alam. Hanggat hindi babagsak ang halaga ng US Dollar, hindi urgent na kailangan ng mga tao na lumipat totally sa Bitcoin.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Eclipse26 on January 27, 2020, 02:02:55 PM
Hindi agad naman lulubog ang USD dahil sa utang nito. Kung tutuusin, di hamak na mas mataas parin ang value ng dollars kesa sa Philippine Peso. At yung US debt have nothing to do with Bitcoin. I think ang utang ng isang bansa ay normal lang as long as kaya nila ihandle. At naniniwala naman ako na hindi hahayaan ng US na lumubog sila dahil sa utang. Masyadong malayo ang pagitan natin kumpara sa kanila. Kung titignan pa, patuloy pa nga na lumalaki ang palitan ng piso kontra dolyar

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: keeee on January 27, 2020, 02:43:40 PM
Malabo para sakin dahil yung pera na utang is fiat so hindi ito papasok sa crypto issue. At madaming nagsasabi na talagang bumabagsak na ang amerika kaya gusto nila ng giyera kasi dyan nila gustong patunayan sarili nila at para makapag supply sila ng kagamitang pangiyera at maibenta ito sa ibat ibang kaalyadong bansa.
Sa palagay ko din hindi kasi ibang usapin naman yung utang ng US e.  Wala namang koneksyon yon sa cryptoworld especially sa bitcoin.  Kahit sabihin nating may mga big investors ss kanila I think hindi pa rin ganoon maapektuhan ang bitcoin. 

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: tambok on January 27, 2020, 04:49:15 PM

Wala talaga, besides utang naman ng governement yan, kaya siguro ang magiging solution nila ngayon ay tataasan nila ang kanilang tax, sabi ng ilang experts, darating daw yong time na baka maghirap ang Amerika kung magkataon talaga na hindi na sila makakabangon sa kanilang utang, magkakaroon din daw ng financial crisis.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: blockman on January 27, 2020, 08:55:45 PM
Oo, magkakaroon ng impact yan sa bitcoin. At kung maalala niyo ang dahilan kung bakit ginawa ni satoshi ang bitcoin, yun ay dahil sa financial crisis. Posibleng magkaroon nanaman tayo ng global financial crisis dahil sa laki na ng utang ng America. Kaya yung mga tao na ayaw nilang makain ng inflation yung value ng wealth at assets nila, gagawan nila ng paraan na matransfer sa isang investment vehicle o di kaya asset na pwedeng malabanan yung posibleng medyong mabigat na inflation na magaganap.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: ecnalubma on January 28, 2020, 12:51:00 AM
Ayon nga sabi nga po sa ibang mga balita, baon na talaga ang US sa utang, masyado daw kasing naging kampante ang US kaya ayon nabaon sila and sabi pa po, wala na daw silang gold reserves, kaya siguro isa to sa mga magiging topic sa impeachment ni Trump kung bakit nabaon ng tuluyan ng husto ang bansa nila.
In short malapit ng lumubog ang US, wala na silang gold reserve at ang dollar ay backed by oil na ngayon. Unless kung ang dollar ay pwede maging back by Bitcoin siguradong papalo ang presyo ng Bitcoin, pero sa ngayon malabo yan. As matter of fact maraming bansa ang lumulubo ang utang at kasama na tayo dun.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: arwin100 on January 28, 2020, 03:17:22 AM

Yung interest nung mga nakaraang utang ay lumolobo at sa tingin ko Hindi na Ito nabayaran ng gobyerno dahil sa laki ba naman by halaga nun at tsaka pinangangambahan na babagsak na ang US dahil dito at tiyak ang mag hahari ay ang China at Russia dahil sa ngayon sila ang Pinaka makapangyarihan.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: matchi2011 on January 28, 2020, 03:26:04 AM

Kaya din siguro gusto nila ng gyera para makasamsam, back to the topic. May chance na maging reason ito na magbilihan yung mga economista
at gawing reserve assets yung bitcoin. Kung magkakaganun malaki ang magiging impact sa pagtaas ng valus ng bitcoin at yung ibang known alts
na pwedeng mging diversion.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: BountyHunter08 on January 28, 2020, 07:41:56 AM
Dati na itong issue na ito, dapat ang gawin nila mag bitcoin sila para yumaman sila ng husto un lamang.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: serjent05 on January 28, 2020, 09:01:47 AM
Dati na itong issue na ito, dapat ang gawin nila mag bitcoin sila para yumaman sila ng husto un lamang.

Ano naman kinalaman ng pagbibitcoin nila para yumaman ng husto?  Kung alam mo lang na lahat ng nagsimulang magbitcoin noong 2017 ay nasa pagkalugi ngayon.  Hindi porke sinabing nagbibitcoin eh yayaman na.  At hindi rin naman ito gagawin ng US upang mabayaran ang utang nila.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: Edraket31 on January 28, 2020, 09:25:42 AM
Dati na itong issue na ito, dapat ang gawin nila mag bitcoin sila para yumaman sila ng husto un lamang.

Ano naman kinalaman ng pagbibitcoin nila para yumaman ng husto?  Kung alam mo lang na lahat ng nagsimulang magbitcoin noong 2017 ay nasa pagkalugi ngayon.  Hindi porke sinabing nagbibitcoin eh yayaman na.  At hindi rin naman ito gagawin ng US upang mabayaran ang utang nila.

Siguro dahil sa maraming hold din ang mga taga US na Bitcoin kaya baka magbentahan ang mga to kapag nagkaroon ng crisis, pero sa ngayon naman malabo pa at matagal pang mangyari yon, kaya huwag po tayong masyadong mangamba for sure may ginagawang paraan ang mga US government dio.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: bitcoin31 on January 28, 2020, 10:22:08 AM
Malaki pala yung utang nila yung tipong akala natin isa sila sa pinakamayamang bansa sa buong mundo, hindi ko alam kung makakaapekto ba ito sa pagbaba ng presyo ng bitcoin sa mga susunod sa mga araw pero sana naman huwag dahil sabe nga nlila na wala naman daw o kaya maliit lang pero wala pa ring nakakasigurado kung ano ba talaga ang magaganap.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: makolz26 on January 28, 2020, 12:17:15 PM
Malaki pala yung utang nila yung tipong akala natin isa sila sa pinakamayamang bansa sa buong mundo, hindi ko alam kung makakaapekto ba ito sa pagbaba ng presyo ng bitcoin sa mga susunod sa mga araw pero sana naman huwag dahil sabe nga nlila na wala naman daw o kaya maliit lang pero wala pa ring nakakasigurado kung ano ba talaga ang magaganap.

Ilan po sa mga sources sinasabi nila na nagpabaya daw masyado ang USA dahil masyado silang naging complacent hanggang sa lumaki na ng lumaki ang kanilang utang, kaya nga daw nagawa sila ng ibang ingay ngayon para siguro hindi mabaling yong usapin sa utang nila and yong power pa din nila ang iiral.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: shadowdio on January 28, 2020, 01:55:31 PM
Di yan maapektuhan ang bitcoin, hindi naman gobyerno ng US ang humawak sa bitcoin so yung meron lang. Kala ko mayaman ang US yun pala may utang pagkalaki laki, meron pa ring corrupt sa kanila.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: cabalism13 on January 28, 2020, 02:08:28 PM
Medyo naaning ako sa nabasa ko although alam ko na may utang ang US. Pero parang ang bilis ata... kamakailan lang din nagpost ako about dito... And AFAIK, sa China sila may malaking utang.kung susumahin talaga mayamn ang bansang China... pero hindi lang talaga makatarungan pamamalakad ng mga hayop na ito, lalo na pagdating sa pagkain...

Kung makakaapekto man ito sa market, what more pa sa ekonomiya natin may malaki ding pagkakautang sa kanila. Expect na din natin na kasama tayo sa pagbagsak nyan just in case mang magkatotoo. Sa lagay ng estafong yan di malabong magkaroon ng corrupt sa crypto... (although meron na, kumbaga lalala pa...)

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: clickoutsourcing on January 28, 2020, 02:26:55 PM
23 Trillion na utang ng US, hanggang pa kaya nila ito mababayaran at saka sino ba pinagkakautangan nila na lumobo ang utang nila ng ganyan kalaki. Kung sabagay printing money is just so easy but maintaining the economy is not.

Title: Re: 23 Trilyong Utang ng US makaka apekto kaya sa bitcoins?
Post by: yazher on January 28, 2020, 02:28:36 PM
Grabe naman kalaking utang yan, hindi na ako magtataka dahil grabe sila mag develop ng kanilang bansa lalo na sa mga gamit sa pang digmaan. Kung epekto ng BTC pirce ang pag-uusapan, tingin ko wala itong magiging epekto or kung meron man hindi ito gaano kalaki. Ang BTC kasi ay pang buong mundo yan, hindi nangangahulugan kung babagsak ang ekonomiya ng ibang bansa ay magiging malaki ang epekto nito sa BTC.