Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: cryptoaddictchie on March 23, 2020, 10:44:58 AM



Title: Wall Observer Pinoy Version: Mga patungkol sa presyo at galaw ng BITCOIN
Post by: cryptoaddictchie on March 23, 2020, 10:44:58 AM
Filipino Version Wall Observer

Ang topic na ito ay inspired sa original na Wall Observer (https://bitcointalk.org/index.php?topic=178336.msg1858442#msg1858442)

Maganda na rin na may update or sariling analyses tayong mga pinoy Traders. Obviously ang purpose ng thread na ito ay para malaman natin ang mga spekulasyon at teknikal na analyses ng mga charts ng bitcoin. Sana ay gawin nating malinis ang thread na ito at limitahan ang mga post na hindi naman konektado sa mga discussion tungkol sa trading. Spot trading, margin, at future trading ay welcome sa teknikal na discussion.


Mga rules na dapat sundin sa thread na ito:

  • Kung magpopost ng mga charts, ay siguraduhin na tungkol sa bitcoin lamang ang inyong ipopost. Ilimit na natin sa coin na ito ang ating usapan dahil siya naman ang inaabangan ng mga traders compared sa altcoins.
  • Off topic post ay aking idedelete (self moderated)na hindi related sa bitcoin trading
  • Bawal ang mag-away o seryosong discussion na maaaring umabot sa personalan. Lahat ay may kalayaan na magpost pero ating ipreserba ang pagiging professional pagdating sa trading


NOTE:Kung may maidadagdag kayo na mga magandang rules ay maaari ninyong Isuggest sakin para mas maging malinis ang thread na ito.

Salamat ako ay baguhan lang din sa trading at nais ko din malaman at makita ang inyon mga suhestyon sana ay magtulungan tayo na matuto ng mas malalim sa trading. Madami akong nakikitang magagaling na pinoy traders na sana ay magbahagi ng kanilang teknikal na analyses sa galaw at presyo ng bitcoin.