Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: plvbob0070 on April 03, 2020, 08:21:04 AM

Title: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on April 03, 2020, 08:21:04 AM
Alam naman nating laganap ang Ponzi scheme sa mundo, hindi lang sa ating bansa. Pero ilang pag-iingat na ang ipaalala ng mga awtoridas, meron at meron pa rin talagang nahuhulog at naloloko sa mga ganitong pakulo. Umaasa na kikita sila ng malaki sa mabilisan at madaliang paraan.

Noong Marso 30, 2020 binalaan ng SEC ang nga gumagawa ng crypto Ponzi scheme kung saan kadalasan nilang binibiktima ay ang nga Filipino, Australian, and European investors.

Isa na dito ang Bitcoin Revolution kung saan nag o-offer sila ng malaking return sa bawat pagdeposit ng investment. Ang Bitcoin Revolution din daw ay may software na nag po-produce ng succes rate sa mga trade ng 85% to 95%. They also claimed na mula sa initial investment mo na nagkakahalagang $250, kikita na silanng mahigit 300% per day o 9000% per month.

Ayon sa SEC, ang mga kasapi at nag aact bilang salesmen, brokers, dealers, o agent ng Bitcoin Revolution ay maaaring makulong ng 21 taon at/o mula na aabot ng $100,000.

Ang Bitcoin Revolution ay hindi registered sa SEC at walang license mula sa Banko Sentral ng Pilipinas para mag operate ng digital assets. Isa pa ay gumagamit din sila ng mga fake accounts ng celebrities, fake news para ipromote ang kanilang scheme. Pinopromote nila ito sa pag gawa ng mga hindi legit na news articles, ang posts from the celebrities sa Facebook. Ayon sa article ay ang company na ito ay mayroong nakuha na mahigit $70 million noong 2019 sa pang i-iscam mula sa iba't-ibang tao sa ibang bansa.

Source:
Code:
https://cointelegraph.com/news/philippine-sec-warns-of-international-ponzi-offering-300-daily-returns

Kung hindi ako nagkakamali, eto ang binanggit dati ni Boy Abunda na investment na wala syang kinalaman pero ginagamit ang kanyang pangalan para maipromote ito. Ibig sabihin ay nagwawagi sila sa pangloloko ng mga tao dahil may naniniwala dito. Yung kakilala ni Boy Abunda ay nag invest daw dahil pinromote nya, kaya nga nabahala si Tito Boy patungkol dito.
Code:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5219968.0

Mayroon ding balita dati, tungkol naman ito kay Manny Villar na nagsabi na hindi sya related sa ano mang crypto trading program. Kahit hindi tukoy kung ano ang pinopromote nito, isa parin ito sa mga Ponzi scheme kung saan ginagamit nila ang pangalan ng kilalang tao para makahikayat ng investors.
Code:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5217584.0

Nakakabahala talaga ang mga ganitong bagay lalo na para sa mga taong mabilis mapaniwala ng nga fake information at ng mga promotion na nakikita lamang nila sa social media. Malaki rin talaga ang nagiging impact ng mga artista para mapaniwala ang mga tao. Kaya dapat mag iingat tayo sa bawat desisyon natin lalo na pag sa investment kasi madali lang naman gumawa ng mga fake accounts at mag panggap na isang kilalang tao.

PS: I'm not posting this to promote the site, I just want to share the news with everyone.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: mk4 on April 03, 2020, 09:39:25 AM
Nung January pa nung huling nabalitaan ko tong website ah. Nagpost pa ako dito about yang Bitcoin Revolution scam na yan. Unfortunately mukhang up parin ung mga website nila, di kinaya ng reporting powers natin.

Topic: Bitcoin Revolution Scam https://bitcointalk.org/index.php?topic=5221799

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: yazher on April 03, 2020, 09:50:17 AM
Malakas mag recruit yung mga scammers na yan lalo na yung mga tauhan nila expert sa sales talk, yung mga baguhan karamihan nauuto ng mga yan. kahit pa mga professional, napapa invest pa rin nila sa kanilang ponzi schemes. ang hirap talaga magpaliwanag sa mga taong nakapag invest na sa mga ganyan yung tipong paniwalang paniwala sila sa mga pangako na malaki ang kikitain kapag malaki rin ang inimvest. hindi nila alam na pera lang pala nila lahat yung pinapaikot. tapos pag-nag-invest na sila ng malaking halaga, sa kalagitnaan bigla itong maglalaho na parang bula.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: Vaculin on April 03, 2020, 11:44:58 AM
They also claimed na mula sa initial investment mo na nagkakahalagang $250, kikita na silanng mahigit 300% per day o 9000% per month.

Dito pa lang dapat alam na ng mga tao na scam lang ito.
Sa ibang bansa siguro konte lang ang maloloko kasi mas aware sila, dito talaga sa atin sa daming gustong yumaman, pumapatol sa mga ganito.
As usual, parang pyramid scheme rin ito, swerte yung mauuna, kawawa yung nasa baba.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: blockman on April 03, 2020, 01:31:44 PM
Malakas mag recruit yung mga scammers na yan lalo na yung mga tauhan nila expert sa sales talk, yung mga baguhan karamihan nauuto ng mga yan. kahit pa mga professional, napapa invest pa rin nila sa kanilang ponzi schemes. ang hirap talaga magpaliwanag sa mga taong nakapag invest na sa mga ganyan yung tipong paniwalang paniwala sila sa mga pangako na malaki ang kikitain kapag malaki rin ang inimvest. hindi nila alam na pera lang pala nila lahat yung pinapaikot. tapos pag-nag-invest na sila ng malaking halaga, sa kalagitnaan bigla itong maglalaho na parang bula.
Yan na kasi ang hanap buhay nila at dyan sila magaling. Kaya kapag hindi naging mahigpit ang SEC at hindi nakulong yang mga yan, tuloy tuloy lang yan at magpapalit lang ng pangalan. Kung makulong man, dahil nga may mga pera na sila, mag-bail lang sila at cycle lang ulit.
Ganyan ang ginagawa nila kaya madami pa rin silang nabibiktima. Ang mali lang naman din sa mga kababayan natin, gusto kasi ng easy money at hindi naniniwala kapag binabalaan silang scam yung pinaglagakan na ng pera nila. Jina-justify nalang nila kasi nga andun na yung pera nila.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: peter0425 on April 03, 2020, 02:17:12 PM
hanggat merong mga taong gustong kumita ng madalian kahit wala manlang silang ganon kalalim na kaalaman sa bagay na pinapasok nila ay hindi talaga mawawalan ng biktima ang mga scammers na ito.

Wag lang tayong magsawang mag share ng mga ganitong klaseng post at ikalat din natin sa mga social medias natin dahil meron tayong mga kakilala na hindi member ng forum nato pero interesado sa online investing at sigurado minsan din silang maalok ng mga scammers na ito.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: Adriane14 on April 03, 2020, 04:16:53 PM
Did you read about the Philippines regulatory board corruption? About CEZA and caught in the act and still denied because well greed takes his soul, I just hope that we invent something like an A.I who can make these rules absolute without the greed part.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: Rosilito on April 03, 2020, 04:43:37 PM
They also claimed na mula sa initial investment mo na nagkakahalagang $250, kikita na silanng mahigit 300% per day o 9000% per month.

Dito pa lang dapat alam na ng mga tao na scam lang ito.
Sa ibang bansa siguro konte lang ang maloloko kasi mas aware sila, dito talaga sa atin sa daming gustong yumaman, pumapatol sa mga ganito.
As usual, parang pyramid scheme rin ito, swerte yung mauuna, kawawa yung nasa baba.

No matter how obvious 'yong appearance nung scheme pag talaga easy to get 'yong investor, mape-persuade talaga sila. Siguro sa case sa ibang bansa kaya konti kasi 'di naman sila tulad sa bansa natin na pahirapan kumita ng pera at makaipon. I mean maraming job na inoopen don, decent 'yong profit kaya 'di na sila nabobother pa at wala sa kanila 'yong worry at urge pa para mag-invest sa mga ganito unless may iba silang plan like big plan na require mag risk sa ganito. Compare naman sa bansa natin nabibigyan lang madalas ng privilege makapagwork sa big companies 'yong mga graduate sa big school. Bukod pa roon, siguro 'yong 'di pagiging observant nagiging hobby na rin karamihan ng mga Pinoy, 'wag na tayo lumayo katulad na lang sa mga click bait marami na victim diyan.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: danherbias07 on April 03, 2020, 04:55:08 PM
Nung January pa nung huling nabalitaan ko tong website ah. Nagpost pa ako dito about yang Bitcoin Revolution scam na yan. Unfortunately mukhang up parin ung mga website nila, di kinaya ng reporting powers natin.

Topic: Bitcoin Revolution Scam https://bitcointalk.org/index.php?topic=5221799

Oo nga medyo matagal na yata ito.
Napanood ko din yung video na yan ni Boy Abunda.
Parang ang dahilan kaya napunta ako sa video na yun ay dahil nga sa isang thread din dito na nabalita si Boy Abunda na nagpromote.
Pero na-clear naman.
Maganda na din na ipaalala nga ito.

Isang pang nag-warn thru text message ay ang Gcash.
At may bago din silang rule which is OTP.
https://i.imgur.com/swxkbPk.jpg?1

Ingat tayo guys. Medyo lively mga scammer ngayon dahil alam nila na ang mga tao babad sa internet.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: dothebeats on April 03, 2020, 05:45:43 PM
Matagal na ang mga ganitong usapin pero ang nakakalungkot lang dito ay hindi naman lahat ng nagpapakana sa mga ganitong klaseng ponzi scheme sa ating bansa ay nahuhuli. Marami pa rin sa Visayas at Mindanao ang ginagamit ang pangalan ng bitcoin at iba pang cryptocurrency para makapanloko ng mga normal na mamamayan na gusto lamang kumita ng extra para sa kanilang pamilya. Nakakalungkot ding isipin na magpalabas man ng kung anu-anong memo si SEC tungkol sa mga ganitong bagay ay maaaring hindi ito makaabot sa lahat ng mga taong maaaring mabiktima ng ganitong klaseng mga panloloko.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: JanpriX on April 03, 2020, 05:58:43 PM
Buhay pa din pala sila? Mukhang hindi pa din nasusugpo ng government or nahuhuli yung mga kawatan na namumuno nitong Ponzi Scheme na ito ah? Well, mukhang lalong malabong mahuli tong mga to ngayon lalo na sa nangyayari sa ating bansa ngayon dahil sa COVID-19. Halang din talaga yung bituka ng mga taong nagpapatakbo nitong Bitcoin Revolution ano? May pandemic na sa buong mundo pero nasisikmura pa din nilang manloko ng kapwa nila at gumamit ng mga pangalan ng mga artista para lang makahikayat sila ng marami pang taong maloloko. Grabe lang.  >:(

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: DevilSlayer on April 04, 2020, 01:49:21 AM
Malakas mag recruit yung mga scammers na yan lalo na yung mga tauhan nila expert sa sales talk, yung mga baguhan karamihan nauuto ng mga yan. kahit pa mga professional, napapa invest pa rin nila sa kanilang ponzi schemes. ang hirap talaga magpaliwanag sa mga taong nakapag invest na sa mga ganyan yung tipong paniwalang paniwala sila sa mga pangako na malaki ang kikitain kapag malaki rin ang inimvest. hindi nila alam na pera lang pala nila lahat yung pinapaikot. tapos pag-nag-invest na sila ng malaking halaga, sa kalagitnaan bigla itong maglalaho na parang bula.
Marketing skills kaya puro silang bukang bibig at patuloy na naghihikayat ng ibang tao na mag invest sa kanilang bulok na proyekto. Dapat tayong maging matalino palagi dahil madami ang taong mapagsamantala na kung saan patuloy silang nangangako na hindi naman nila kayang tuparin. Kung gusto natin mapalago ang ating capital, matuto muna tayo kung paano natin ito proprotektahan.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: joshy23 on April 04, 2020, 04:36:40 AM
Nakakamangha lang minsan kasi dahil sa kagreedihan ng mga tao kahit na alam nila na nagtatake sila ng risk eh patuloy pa rin silang nagbabakasakali, kawawa palagi ung huling mabibiktima since wala na syang mapapala while ung mga nauna eh masayang nakibang sa pera ng mga narecruit nila, sana lang makaiwas ang mas maraming tao at maishare itong simpleng kaalaman patungkol sa mga ganitong klaseng business.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: yazher on April 04, 2020, 04:36:50 AM
matagal na ngang isyu ito at noong kasagsagan nang pag taas nang presyo nang mga crypto noon ei balita ko maraming nahikayat yang mga yan... kahit na dito sa amin dati may mga flyers pa silang binibigay at mga siminar at nag aalok nang mga crypto investment.

Yan nga yung mahirap eh, akala nung mga tao ay legit na ito sa pagkat marami din kasali sa kanila na mga opisyal ng gobyerno na hindi nila alam niloloko din pala sila. kaya naman mahirap sila paliwanagan na ito ay isang malaking scam. meron na rin akong nakausap na isang tao tungkol dito. sya ay sumali sa isang ponzi scheme investment na kung saan kung malaki ang ininvest mong pera, malaki din ang matatanggap mo araw2x. kaya naman binalaan ko sya kaagad sa pwedeng mangyari sa kanyang pera, perro sa kasamaang palad ayaw nya pa rin maniwala. ang palaging reason ng mga biktima nito kaya sila naniniwala ay matagal na daw ito mga 1-2 years na. hindi nila alam, mas matagal pa dyan yung ibang ponzi scheme pero nawala pa rin sila parang bula.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on April 04, 2020, 09:20:13 AM
Nung January pa nung huling nabalitaan ko tong website ah. Nagpost pa ako dito about yang Bitcoin Revolution scam na yan. Unfortunately mukhang up parin ung mga website nila, di kinaya ng reporting powers natin.

Topic: Bitcoin Revolution Scam https://bitcointalk.org/index.php?topic=5221799
Dati pa naman natin nababalitaan ang tungkol dito sa Bitcoin Revolution, pero sadyang mukhang matatag sila at nakakapangloko pa rin ng iba kahit bali-balita na ang pagiging scam nito. Kung hindi sila mahuhuli, ay malamang na patuloy lang nilang gagawin ang panloloko nila sa iba.

They also claimed na mula sa initial investment mo na nagkakahalagang $250, kikita na silanng mahigit 300% per day o 9000% per month.

Dito pa lang dapat alam na ng mga tao na scam lang ito.
Sa ibang bansa siguro konte lang ang maloloko kasi mas aware sila, dito talaga sa atin sa daming gustong yumaman, pumapatol sa mga ganito.
As usual, parang pyramid scheme rin ito, swerte yung mauuna, kawawa yung nasa baba.
Hindi rin natin masasabi. Kasi ayon sa article, international Ponzi scheme sila at malaki din ang perang nakukuha nila mula ibang bansa. Ibig sabihin kayang kaya parin nila mangloko hindi lang mga Pilipino, pati na rin nga foreign investors. Siguro sadyang magaling talaga sila magpaniwala ng mga tao na malaki ang return once na mag invest sila.

Tungkol naman sa kanilang marketing, talaga namang kahinahinala na ito. Hindi naman kasi ganun kabilis at kadali kumita ng ganon kahit sa investment pa. Pero ewan ko ba, bakit nahuhulog parin sila dito.

hanggat merong mga taong gustong kumita ng madalian kahit wala manlang silang ganon kalalim na kaalaman sa bagay na pinapasok nila ay hindi talaga mawawalan ng biktima ang mga scammers na ito.

Wag lang tayong magsawang mag share ng mga ganitong klaseng post at ikalat din natin sa mga social medias natin dahil meron tayong mga kakilala na hindi member ng forum nato pero interesado sa online investing at sigurado minsan din silang maalok ng mga scammers na ito.
Tama ka dyan. Dahil mas vulnerable yung mga baguhan at wala masyadong alam, yun yung pangunahin nilang nabibiktima. Kaya ang magagawa lang natin ay iaware sila or balaan ang iba patungkol dito. Hindi naman kasi lahat ay willing mag research bago mag invest. Kumbaga nagpapaniwala agad sila sa mga mabubulaklak na salita.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: Baby Dragon on April 04, 2020, 09:43:06 AM
Buhay pa din pala sila? Mukhang hindi pa din nasusugpo ng government or nahuhuli yung mga kawatan na namumuno nitong Ponzi Scheme na ito ah? Well, mukhang lalong malabong mahuli tong mga to ngayon lalo na sa nangyayari sa ating bansa ngayon dahil sa COVID-19. Halang din talaga yung bituka ng mga taong nagpapatakbo nitong Bitcoin Revolution ano? May pandemic na sa buong mundo pero nasisikmura pa din nilang manloko ng kapwa nila at gumamit ng mga pangalan ng mga artista para lang makahikayat sila ng marami pang taong maloloko. Grabe lang.  >:(
Hindi naman na bago sa mga taong mapansamatala yan, hindi nila palalagpasin yung pagkakataon na gaya nito na paniwalain ang mga tao kikita sila sa madaling paraan. Lalo na't marami sa atin ngayon ang namomronlema financially. Hindi ko nga lubos maisip kung gaano sila kagahaman kasi kahit sa panahon ng crisis ay hindi naging hadlang para ituloy nila yung mga plano nila. Ito yung dahilan kung bakit dapat maging aware tayo kasi kahit yung awtoridad ay nahihirapan na sugpuin sila. Dapat matuto ang mga tao na maging wise kasi hindi lahat sa panahon ngayon ay totoo, maraming tao diyan ang naghahanap lang ng tyempo para mahulog kayo sa mga patibong nila. Kung tutuusin nga hindi ito kapani paniwala pero kung desidido ka talaga na magkapera, hindi malabong mahulog ka sa ponzi scheme na ito.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: Theb on April 04, 2020, 06:18:11 PM
Hindi lang si Boy Abunda at Manny Villar yung ginagamit nilang panagalan, may na-create din akong thread (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5221738.msg53734001#msg53734001) tungkol naman kay Enrique Razon na ginamit din yung pangalan niya ng Bitcoin Revolution dun palanga sa walang pa-alam na pag-gamit ng pangalan nila alam mo ng scam ito. But yung problema ko dito why SEC and BSP until now is just issuing warnings about this website kasi hindi enough/sapat na action ito kung alam nilang illegally operating yung website and lalong lalo na na identified as scam ito. And alam ko may kapangyarihan silang mang-block ng domain or website katulad ng ginawa nila sa several porn sites dapat din ganito yung aksyon nila bukod sa mag-bigay ng pa-alala sa mga tao, mas effective kasi ito and alam mo ng di pa dadagdag yung mabibiktima nila sa Pilipinas.

Title: Re: Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on April 06, 2020, 02:10:56 PM
After mag warning ng SEC regarding Bitcoin Revolution, meron na naman silang bagong winarningan sa pang i-iscam ng mga tao ngayong may kinahaharap tayong crisis.

Mag Invest Ka Online (MIK.O)
-They trade Bitcoin against US dollars na nagsasabi na mula sa iyong i-invest, magkakaroon ng 2% daily returns for 100 days, or in total of 200%. However, cina-claim nila na Hindi l sila nag o-offer ng membership sa public since March 5, 2020.

SEC Warning against MagInvest Ka Online (MIKO) here (http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/04/2020Advisory_MAG-INVEST-KA-ONLINE-MIKO_20200403.pdf).

photo not mine

AZENZO-ONLINE
-Habang ang Azenzo Online naman ay nagsasabi ng 30% return in as early as 5, 10, or 15 days and a 100% “Donation Return” after 20 days. Pero, hindi sila registered as corporation or partnership.

SEC Warning against Azenzo Online here (http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/04/2020Advisory_AZENZO-ONLINE_20200403.pdf).

Quote
AZENZO ONLINE boasts that they have a KAPA style system of Deposit-Donation, Withdrawal-Blessing

photo not mine

President: Rodrigo Duterte  Charity Foundation.
 - Eto naman ay isang text scam na nagsesend ng text message saying na ang receiver ay nanalo ng P750,000 mula sa Charity. Usual na text scam na manghihingi ng information at papatawagin ka sa isang atty sa BSP. BSP confirmed na fake ito, well obvious naman kasi ang nag text ay isang cellphone number lang din. I think no one will believe in this modus since sobrang luma na ng ganitong paraan.

SEC Warning against President: Rodrigo Duterte Charity Foundation here (http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/04/2020Advisory_PRESIDENT-RODRIGO-DUTERTE-CHARITY-FOUNDATION_20200403.pdf).

photo not mine

Binalaan ng SEC ang mga mapagsamantalang ito na pwede silang makasuhan at makulong ng 2 months and/or maximum fine ng P1Million dahil sa mga violations at nilalabag nitong batas tulad ng bagong batas na RA 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act. Eto yung mga nag ta-take advantage ng current situation, pwedeng scams, phishing, fraudulent, emails, etc.

Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/sec-warns-against-groups-scamming-investors-during-covid-19-pandemic/

Madami talagang umuusbong na pangloloko lalo na sa panahon ngayon. Wala na tayong magagawa para sa kanila kaya iwasan nalang talaga natin at ishare ang nalalaman natin para hindi na sila makapang biktima ng iba. Karma nalang ang bahala sa ginagawa nilang panloloko.

Usually same lang ang mga modus nila, papangakuan ka ng return pero ang totoo hindi naman talaga sila registered or licensed. Gagamitan ng strategy para maka attract ng investors at mapag invest ang mga kapwa Pilipino. Unlike ng sa Bitcoin Revolution na nag ooperate din sila sa ibang bansa, etong mga scams na to ay mukhang mga Pilipino lang din ang gumawa. Sana lang talaga ay wag na magpaloko ang iba, aralin muna nila kung ano ang pinapasok nila.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: Peanutswar on April 07, 2020, 03:03:34 AM
Nais ko lang idagdag dito kabayan ang bagong listahan ng Davao City (PIA) patungkol sa mga bagong schemes na naman at ito ang mga listahan na iyon
E-COMMERCE, HOUSE OF ENTREPRENEURS INC. (HOE), BITCOIN REVOLUTION,  BITRADE/BITRADE BITCOIN TRADING LTD./BITRADE LIMITED PH,  PRESIDENT: RODRIGO DUTERTE CHARITY FOUNDATION. kung saan na ibigay na ni OP ang ilan.

Kung saan ang HOE naman ay isang public investment na dapat ay mayroong capital na PHP 5,000 at mayroon din silang package offer na depende sa papasukin mong investment mas mataas na package mas mataas na kita (Gold, Silver at Bronze Packages).

https://i.imgur.com/SR9D8Ce.jpg
Source: 2020Advisory_E-COMMERCE-HOUSE-OF-ENTREPRENEURS-INC.pdf

at ito ang mga paraan para kumita ka sa HOE
Direct Selling – kumita nang 30% kaba binibiling producto galing sa HOE
Referral Cycle Bonus – kumita nang 10% kada makakuha ng sponsor
Sales Match Bonus – karagdagang kita na PHP 5,000 bawat transaksiyon na magagawa.;
Redundant Cycle/Matching Bonus – kumita ng 5000 points bonus sa mula sa benta ng left at right group at karagdagang kita kung sila ay mag dadagdag ng bagong packages.
Unilevel Bonus – Pag bili ng mga binibenta sa HOE
Royalty Bonus – Pag kuha ng mga iba pang maaring gawing miyembro.

Ang HOE ay naka lista sa SEC noong March 12 pa lamang ngunit hindi sila autorisado mag benta o mag offer para sa seguridada ng mga investors nila. Kung mahuhuli nila ang mga taong kasabwat sa investment na ito ay bibigyan sila ng parusa na 21 years na pag kakakulong o  Five Million Pesos (Php5,000,000.00) na multa. Iminumungkahi ng SEC na huwag na mag invest sa scheme na ito.

Source:
Code:
http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/03/2020Advisory_E-COMMERCE-HOUSE-OF-ENTREPRENEURS-INC.pdf

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on April 08, 2020, 01:29:14 PM
Isa pang binalaan ng SEC ang CryptoPeso (PHPc) tungkol sa pag operate ng kanilang entity kahit hindi licensed at authorized para sa soliciting investment sa publiko. Kagaya ng mga nakaraang binalaan ng SEC, nilalabag nito ang bagong panukala na Bayanihan to Heal as One Act kung saan bawal ang pag take advantage sa publiko sa panahon ng pandemic.

Ayon sa website ng CryptoPeso, ito daq ay stablecoin na backed up by PHP at Decentralized Finance. Ayon din sa kanila ay licensed sila from BSP ngunit hindi sila mahanap ng BSP sa kanilang listahan.

Ang CryptoPeso ay nag launch ng isang mobile app na PHP Staking Program. Ayon dito, kailangan ng investment fee na halagang P2,000 at activation fee na P500. Aabot muna ng 3 months bago mag gain ng profit.

"Simply stake and lock in a minimum 2,500 PHPc for at least 3 months, you will earn profit shares from all of our product sales and other sources of income” and “the longer you lock  in your PHPc, the bigger your shares will be.”

Quote
CryptoPeso website listed the following packages:

1. Manager Package (Upgrade Fee Php 2,000)
  • Builder Bonus: ₱300
  • Leveraged Bonus: ₱150 (Level 2 CPAs) and ₱100 / ₱50 (Level 3 / 4 to 7 CPAs)
  • 2-Up Level 1: ₱75
  • 2-Up Level 2: ₱75

2. Director Package
  • Upgrade fee Php 4,500 from Associate, Php 2,500 from Manager.
  • “Upgrading to Director Package will activate your PayChain UniMatrix and you will be auto-spilled in our 5×5 UniMatrix where each PayNode that comes after you in the tree will earn you ₱1,000 once you complete your 5 frontliners (Level 1 PayBlock). Similarly once all your downlines in the UniMatrix tree completes their Level 1 PayBlock with 5 PayNodes, you will again earn the same ₱1,000 down to Level 5. So in our 5×5 PayChain UniMatrix program, you can potentially earn maximum of ₱781,000 once you fill up your UniMatrix. 5×5 means you can have maximum of 5 frontliners (Level 1) and the succeeding ones will be auto-spilled below you, and you can earn down to 5 Levels deep.”

Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/sec-advisory-cryptopeso/

Bukod sa punishment na kakaharapin ng mga kasapi dito, madadagdagan pa ito ng penalty dahil sa panibagong act na nagpoprotekta sa publiko. Ilang babala na ang binigay ng SEC sa mga ganitong pakulo lalo na at nasa kasagsagan tayo ng krisis. Kung titignan, kahit na may sakit na kumakalat, hindi nababawasan ang ganitong pangloloko ng mga tao. Nakakalungkot lang dahil madami na ang nag hihirap dahil sa sitwasyon, dadagdag pa sila sa problema ng iba.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: finaleshot2016 on April 10, 2020, 03:51:00 AM
Bakit kaya ngayon lang sila naghigpit ng ganito? Noong 2018, may kumakalat na BNL investment sa facebook groups. Madaming pinoy ang nagtiwala sa ponzi scheme investment na 'yon at nagtagal siya ng ilang months.

Maraming tao ang pamilyar sa BNLimited dati or tinatawag nilang Bitrobo. Yung platform nila walang customer support sa kadahilanang scammer sila at hindi mawithdraw yung pera naipon nila doon. Too good to be true kasi yung profit na makukuha sa small amount of time lang kaya kahit ako nagtaka rin nung umpisa palang. 0.7% – 1.5% and ROI sa loob ng 24 hours, masyadong malaki para sa isang hindi gaano kaganda ang platform.

I also created a thread about this way back 2018. BNL scam or not? What's your thought? [ponzi scheme] (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5082845.0)

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: maxreish on April 10, 2020, 11:08:31 AM
Nung January pa nung huling nabalitaan ko tong website ah. Nagpost pa ako dito about yang Bitcoin Revolution scam na yan. Unfortunately mukhang up parin ung mga website nila, di kinaya ng reporting powers natin.

Topic: Bitcoin Revolution Scam https://bitcointalk.org/index.php?topic=5221799

Oo nga naalala ko nga na may mga website sila na nireport na. Yon pala ay on going pa din sila at may mga nabibiktima pa din sila for sure. Hindi paba natututo ang mga kapwa natin Pinoy sa mga ganitong networking scheme?

 And to think na ginagamit nila ang bitcoin to scam people. Kung mabilis at malaking return investment, sana ay nagduda na ang mga biktima. Nahihikayat pa din sila lalo siguradong ginagamit  nila ang sitwasyon ngayon para may mabiktima pa. Naalala ko tuloy ang tessline scam. Parang ganito din kasi yon.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on April 16, 2020, 12:18:01 PM
Nag warning ang SEC patungkol sa cryptocurrency scam, particularly sa "The Billion Coin" (TBC).

Quote
SEC said in an advisory on April 14 that TBCoin’s promoters present the asset as a decentralized cryptocurrency that “aims to revolutionize the global financial system in order to eradicate world poverty.”

photo not mine

May claim ang TBC na once maka gather sila ng 1 billion investors, ang bawat coin will worth 1 billion euros. Isa pa, ay ang pangakong 100% return in every 25 days. Ngunit tulad ng ibang scam projects na nawarningan ng SEC kamakailan, hindi rin ito registered sa SEC o sa BSP at kulang din sa lisensya. Kagaya ng mga punishment na maaaring matanggap once na mahuli na involved sa ganitong project, kasama rito ang paglabag sa batas na nagpoprotekta sa publiko ngayong may kinahaharap na sakuna dulot ng COVID-19.

Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/ph-sec-advisory-billion-coin-tbc-scam/

Dati palang ay marami nang nag usbungan na nga crypto related scam dito sa Pilipinas. Nadadagdagan lang ng nadadagdagan habang mas lalong nakikilala ang crypto sa bansa knowing na madaling mauto ang ibang mga Pilipino. Siguro nabibigyan sila lalo ng opportunity para makahanap ng biktima sa panahon ngayon na ang lahat ay nasa tahanan lamang kung saan mas madaming prone sa online scams.

Hindi na bago sa iba ang TBC dahil matagal na syang napag uusapan dito sa forum. May mga nabasa na din akong mga post related dito, asking kung scam or legit ba talaga ito.  Obviously, scam talaga ang TBC. Sino ba ang maniniwala sa nga marketing nila? Siguro yung mga nag aakala na easy money ang investment sa crypto. Nagbabala na din dati ang ibang members dito sa local board about sa TBC para makapag ingat ang iba. Matagal na itong napag uusapan, yet hanggang ngayon ay tuloy parin sila sa panloloko. Ang galing kasi nakakapag tagal sila kahit na alam na ng iba ang tungkol sa kanila. Sana lang ay mahuli ang mga taong nasa likod ng mga scams na ito, at hindi nalang puro warning dahil ang kawawa ay yung mga nabibiktima. Kahit aware na ang iba na scam ito, nakakabiktima parin sila ng investors. I wanna know kung anong actions ng SEC dito sa mga crypto related and online scammers para mahuli, kasi hanggang ngayon hindi pa sila napupuksa at malaya parin silang nakakapag operate.

Mga thread na nakita dito sa forum na patungkol sa TBC (The Billon Coin):
Code:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1592288.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1702780.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1600724.20
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1600724.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1790915.0

PS: I'm not posting this to promote the site

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: Debonaire217 on April 17, 2020, 04:57:57 PM
Bakit kaya ngayon lang sila naghigpit ng ganito? Noong 2018, may kumakalat na BNL investment sa facebook groups. Madaming pinoy ang nagtiwala sa ponzi scheme investment na 'yon at nagtagal siya ng ilang months.

Marahil siguro hindi ganoon ka updated ang ating gobyerno at mga taga gawa ng batas para matutukan maigi ang mundo ng digital transactions. Madami talagang scams na kumakalat at kahit pa magkaroon ng mga batas patungkol dito, hindi padin ito maiiwasan lalo na't kung tayo ang talagang lumalapit dito. Hindi masamang mag take ng risk but merong mga measures or signs para malaman natin na scam ang isang investment. Kinakaialngan lamang natin na maging maalam at updated sa mga nangyayari sa ating paligid.

Well, ultimo bitcoin noon ay nag sisilbing scam. Anong patunay? Nagkwento ako sa bago kong kaibigan noon at ang kanyang unang ekspreson nang marinig niya ang bitcoin ay Scam. Pero sa tagal ng panahon, nakikilala naman na itong legit at mabisa.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: joshy23 on April 20, 2020, 04:43:59 PM

Dapat talaga alamin ng maigi kung asa investment part tayo, mahirap kasi sumabak lalo't madaming manloloko lalo na sa ating bayan, pati ung malapit na kaibigan or kamag anak pagdating sa pagrerecruit wagas, pera pera ang habol kaya naman sa mga taong naka experienced ng scam talagang tumatak yung impression na yun sa kanila, hindi pa ganun kaigting yung batas pero darating din yung araw na magiging bukas ang mga tao pati na ang gobyerno pagdating sa usapin patungkol sa crypto.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: lienfaye on April 21, 2020, 05:23:41 AM
Nag warning ang SEC patungkol sa cryptocurrency scam, particularly sa "The Billion Coin" (TBC).
Matagal na itong TBC sikat na sikat nga sya dati dahil sa patuloy na pagtaas ng value. Marami talaga ang naakit bumili dahil nga sa pagtaas ng price nya. Unfortunately isa din ako sa taong naging greedy kumita ng malaki dahil worth 5k ang hinold ko na tbc sa pag aakalang totoo nga yung claim na yayaman ka. Well obviously walang ganon, parang 2016 ata ito naging hype.

Yung mga ponzi scheme hindi yan mawawala hanggat may mga taong greedy kumita agad ng malaki at madalian. Kaya lang sa kagustuhan natin ng easy money, imbis na mag gain eh lalo ka lang mawawalan kaya pag isipan mabuti ang desisyon dahil walang easy money sa online.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on April 23, 2020, 10:15:03 AM
Another warnings na naman ang binigay ng SEC sa iba't-ibang activity na ginagawa even without license mula sa SEC.

NEXUS P CAPITAL by GK MARKETING LIMITED

Nagpe-perform sila ng investment activities sa Pilipinas kahit hindi authorized at hindi licensed.

Quote
Based on SEC’s investigation, Nexus P Capital promotes their investment activities through the domain, www.nexuspcapital.com. They offer a number of account types and credit token schemes, touting its lucrative returns for trading its web-based cryptocurrency and forex trading platforms.

kagaya ng ibang claims, makakatanggap daw ng malaking return ang investor kahit na may maliit lang itong deposit. They also claim that their online trading platform can help reduce the possibility of unsuccessful trade.

Read the SEC Advisory here (http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/04/2020Advisory_NEXUS-P-CAPITAL04212020.pdf).
Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/ph-sec-advisory-nexus-p-capital-gk-marketing-limited/

My Profit Robot (MPR)

Involve din sa investment activities sa Pilipinas na hindi naman authorized to perform such activity.

Quote
Based on SEC’s investigation, MPR claims to have a unique trading bot that executes trades automatically at some exchanges using BXTCoins and Property Arbitrage as their trading platforms. MPR also claims to be involved in buying and selling of cryptocurrencies across markets to generate profit from the price differences.

They can give back a daily average of 1%, and a total of 365% annually. Kailangan muna mag purchase ng MPR for US$200. After mag purchase, kailangan nag deposit ng Bitcoin sa kanilang BXT wallet then sila na ang mag proceed ng trading. If i-compute sya, initial investment na worth PHP 5,000 ay kayang maka earn ng PHP 1,739 daily (PHP 20,022 half a year).

Read the SEC Advisory here (http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/04/2020Advisory_My-Profit-Robot04212020.pdf).
Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/ph-sec-advisory-profit-robot-mpr-scam/

Eto yung isa sa mga rason kung bakit dapat tayo lalong mag ingat. Ang daming online activity na ginagawa sa bansa na nagpapangako ng magandang return para sa mga investors pero hindi naman pala licensed to do so.

Btw, I'll keep on updating this thread pag may mga news related dito just to make awareness sa iba dito sa forum.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: arwin100 on April 23, 2020, 11:56:57 AM
Nag warning ang SEC patungkol sa cryptocurrency scam, particularly sa "The Billion Coin" (TBC).
Matagal na itong TBC sikat na sikat nga sya dati dahil sa patuloy na pagtaas ng value. Marami talaga ang naakit bumili dahil nga sa pagtaas ng price nya. Unfortunately isa din ako sa taong naging greedy kumita ng malaki dahil worth 5k ang hinold ko na tbc sa pag aakalang totoo nga yung claim na yayaman ka. Well obviously walang ganon, parang 2016 ata ito naging hype.

Yung mga ponzi scheme hindi yan mawawala hanggat may mga taong greedy kumita agad ng malaki at madalian. Kaya lang sa kagustuhan natin ng easy money, imbis na mag gain eh lalo ka lang mawawalan kaya pag isipan mabuti ang desisyon dahil walang easy money sa online.

Isa sa mga ginagamit nilang front sa kanilang coin ay tumataas ang presyo nito habang lumilipas ang mga araw at ginagamit nila ang statistic ng bitcoin bilang example na ganito din ang mangyari sa price at ma swerte ang early adopter nila.

ewan ko lang sa taong ito kung meron pabang nahihikayat mag invest sa TBC since super kalat at overused na ito at tiyak marami nang aware kung anong klaseng coin pero dapat parin mag ingat ang mga baguhan dito lalo na yung mga naghahanap ng coin na bibilhin at pagkakitaan.

At madami pang ganitong coin ang lumabas na same style ingat-ingat lang, at isipin natin na kahit anong offer na to good to be true ay markahan nyo agad na scam ito.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: joshy23 on April 23, 2020, 11:37:58 PM

Kawawa din talaga yung mga taong nabibiktimang patuloy ng mga nanghihikayat sa pag invest sa mga ganitong klaseng project. Nagtatago sa likod ng crypto at patuloy na hinahatak yung mga walang alam para maidamay. Sayang yung pera kaya dapat maging aware sa mga ilalabas na babala ng gobyerno at palagi sanang maging mabusisi bago maglabas ng pera.

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on April 29, 2020, 07:55:55 AM
Aside sa SEC, nag warning din ang Department of Finance (DOF) sa publiko patungkol sa kumakalat na cryptocurrency investment platform. Ang platform na ito ay tinatawag na "Bitcoin Lifestyle" claiming na ginawa ito ng government para mag invest ang public sa cryptocurrency na ito. May fake news din na kumakalat kung saan hinihikayat ni Pangulong Duterte ang pag-iinvest sa Bitcoin Lifestyle na ito which is dineny ng DOF.

Photo not mine

Quote
“The article also suggests that “The Government of Philippines asserts that tax revenues (from Bitcoin Lifestyle) will be huge and will benefit all citizens, and most of it will go to the financing of Philippines’s retirement and to counteract the crisis of learning support services.” This is false.” said the DOF.
Dahil dito, binalaan ng DOF ang publiko sa Bitcoin Lifestyle, pati na rin ang pag iinvest sa mga ganitong platform. Ayon din sa DOF na ireport agad ang nga suspicious investment scheme.

Quote
“We warn unscrupulous individuals and groups attempting to lure the public into unauthorized and deceptive investment schemes that the government is monitoring the public space for such schemes, and will take appropriate legal and regulatory action.” – Department of Finance

Lagi namang binabalaan ang publiko pagdating sa mga ganitong investment scheme. At wag dapat tayong mabilis magtiwala kahit pa na gumamit sila ng kilalang tao para ipromote ito. Tulad nalang nito, talagang malaking tao pa ang ginamit nila para lang mapaniwala ang tao. Dapat talagang mag-ingat tayo sa mga ganito, alamin muna kung licensed at authorized ba talaga sila para dito. Alam din naman natin na once mahuli ay doble dobleng punishment ang maaaring isampa sa kanila, lalo na ngayon na mayroong Bayanihan to Heal as One Act.

Hindi ko alam kung bagong usbong lang ito o matagal na, pero sa iba, maaaring magdulot ito ng kalituhan dahil nakadikit sa pangalan nila ang pangalan ng Bitcoin. Maaaring maging tingin na din ng iba na pati ang Bitcoin ay scam.

Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/dof-warns-public-fake-cryptocurrency-news-using-president-duterte/

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on May 07, 2020, 08:17:48 AM
Another advisory from SEC against Won Project, Won Network, and Won Foundation. Just like the other scheme mentioned before, nagsosolicit sila ng investment sa publiko even though they are not authorized.

Photo not mine

Quote
Won Project maintains that they have a mobile application project and a multi-level marketing (MLM) platform that aims to tokenize OFW remittances, airline ticketing, digital loading, and even travel and tours

This Won Coin project ay isa na namang cryptocurrency na may aim na ibenta at itrade sa public na sinasabing tataas ang value nito. Ayon sa investigation ng SEC, ang Won Coin ay mula sa Singapore na nag ooperate sa Philippines.

Just like any other scheme, they use social media para ipromote ang kanilang project at mangangako ng magandang return sa mga investors. 1.5% profit during weekdays for 100 days (150% ROI), Referral commission na pwedeng iconvert sa cash or ibang incentives such as android phone, iPad Pro, sedan, or local/international travel.

They will also face the same penalties kagaya ng ibang investment scheme na namention before since ginagamit nila ang current situation para makapangloko ng mga tao. This Won Project even offers 50% ngayong may pandemic para mas maakit ang mga tao na nag invest dito.

Read the SEC Advisory here (http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/05/2020Advisory_WON-PROJECT-WON-NETWORK-and-WON-FOUNDATION.pdf).
Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/ph-sec-advisory-woncoin/

Isa pa ang (CIWU) o ang Crypto Investment With Us na isang crypto investment na wala ding licensed. Ayon sa investigation ng SEC, sila ay ang previous na (MIKO) Mag Invest Ka Online na binalaan na din ng SEC kamakailan.

Photo not mine

Kung sa MIKO, nangako sila ng 2% return, ang CIWU naman ay nangangako ng 1% return after 6 days (360% per annum).

Quote
SEC said this scheme involves the sale of securities in the form of investment contracts to the public. This must first be registered with the Commission before being offered to the public. CIWU doesn’t have such a license to offer securities. It is also not registered as a corporation or partnership.

Pinayuhan naman ng SEC ang publiko na iwasan ang pag invest dito sa CIWU at ibang related crypto investment scheme na walang license para mag operate . Kung ikaw naman ay skeptical, hindi ka aagad magtitiwala sa mga ganitong pakulo lalo na kung titignan mo palang ang ROI na pinapangako nila, talaga namang kaduda duda na.

Sana lang talaga ay maging maingat ang mga tao sa pag iinvest, at pag pili ng kanilang pagkakatiwalaan sa kanilang pera.

Read the SEC Advisory here (http://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/05/2020Advisory_CRYPTO-INVEST-WITH-US.pdf).
Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/sec-advisory-vs-crypto-invest-us-ciwu/

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: plvbob0070 on May 20, 2020, 04:10:57 PM
SEC Advisory on PayAdStars

Ang Pay Ad Star ay isa sa mga investment scheme na wala namang lisensya para gawin ito.  Hindi rin sila registered bilang isang partnership o corporation. According sa mga Facebook posts, nangangako sila ng 1.8 - 2% ROI daily in 100 days (180-200%)

Quote
PayAdStars has 3 types of entry plans where users can earn direct referral ranging from 1% – 7%

Plan Alpha
1.8% daily
in 100 days
Min 10 – 1000
Plan Beta
1.9% daily
in 100 days
Min 1001 – 5000
Plan Chrome
2% daily
in 100 days
5001 above

In relation sa Bayanihan to Heal as One Act, kung sino man ang mahuli na kasama o related sa ganitong scam activities kung saan sinasamantala ang current situation para sa sariling benifit ay mapaparuhasan. Same thing sa mga previous warning ng SEC.

Maganda na binabalaan ng SEC ang publiko na wag magtitiwala agad agad sa mga investment scheme lalo na kung nangangako ng malaking return at sinasabing may mababa o walang risk. Halata naman na sa ganitong pangako palang nila ay too good to be true na. Wag agad tayong magpapadala sa mga magandang pangako na binibigay nila kapalit ng pag iinvest ng ating pera.

Pero siguro, mas maganda din kung maraming tao ang nakakakita ng mga paalala na ito ng SEC. Pwede silang magbabala sa Facebook lalo na at maraming mga investment scheme ang kumakalat ngayon sa Facebook.

Source:
Code:
https://bitpinas.com/news/ph-sec-advisory-payadstars/

Title: Re: [Updated]Philippine SEC warns of crypto Ponzi Scheme
Post by: john1010 on June 22, 2020, 03:25:18 AM
Marami talagang scheme na akala mo totoong totoo, kaya katungkulan natin na magverify ng mga sinasabi nila sa kanilang program kagaya ng mga tao na ikinakabit nila, palibhasa kasi ang mga pinoy kapag may nakita ng mukha ng kilalang tao eh maniniwala na agad, kaya mas marami ang nasscam. Yun lang offer na 1% daily malayona yan sa katotohanan dahil kahit nga ako na trader na mahirap ipangako na kaya kong kumita ng 1% daily sa tinititrade ko..