Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: skaikru on August 31, 2020, 07:52:53 AM

Title: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: skaikru on August 31, 2020, 07:52:53 AM
Hirap na talaga ng panahon ngayon. Dapat dobleng ingat. Madiskarte na ang mga hackers/scammers. Dapat talaga i-update palagi ang app/website lalo na pag may mga security updates.

Hackers Nab $16 Million In BTC Through Bitcoin Wallet Exploit (https://www.newsbtc.com/2020/08/31/hackers-bitcoin-wallet-exploit/)

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: mk4 on August 31, 2020, 11:53:43 AM
Ang bitcoin at cryptocurrency industry ang isa sa mga susubukang pasukin ng mga tao, kung saan dito nila matututunan ang pinaka malaking security lesson nila. Crazy to think na may mga taong may ganito karaming bitcoin pero Electrum lang ang gamit nila, hindi man lang gumastos ng konti para bumili ng reputable na hardware wallet.

https://i.imgur.com/siptpwE.png

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Debonaire217 on September 03, 2020, 03:11:48 AM
Kung papansinin, matagal na iniwan ng user ang kanilang bitcoin kumbaga, long term hodling, ibig sabihin ba nito,may risk din talaga kung mag hohodl tayo ng bitcoin? Especially kung mapag iiwanan tayo ng mga updates sa software na ginagamit natin? what about compatibility issues? imagine, kung bibili tayo ng hardware wallet para mag imbak ng BTC for about 10 years at isstore ito sa sobrang safe na place, mayroon kayang kasiguraduhan na compatible parin ang firmware at software na nakainstall sa laptop natin at siguradong maacccess padin ang bitcoins?

nag tataka lang ako dahil old electrum software ang na download niya base sa OP, kaya nag prompt ang new update pero nakuha padin ang BTC's nya.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: pealr12 on September 03, 2020, 12:43:17 PM
Hirap na talaga ng panahon ngayon. Dapat dobleng ingat. Madiskarte na ang mga hackers/scammers. Dapat talaga i-update palagi ang app/website lalo na pag may mga security updates.

Hackers Nab $16 Million In BTC Through Bitcoin Wallet Exploit (https://www.newsbtc.com/2020/08/31/hackers-bitcoin-wallet-exploit/)
Ang gagaling ng mga hackers ngayon need tlaga ng matinding security, hindi lng sa mga online wallets pati sana exchanges. Nakakalungkot kapag ung pinagpaguran mo eh kukunin lng ng ibang tao.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: dothebeats on September 03, 2020, 02:25:11 PM
This is a security issue that electrum conveyed a year ago. May pop-up message na sasabihing: "The current version of Electrum you're using is outdated.. Get it here *insert malicious download link*" then bam, your coins are gone. The only thing na marerevert mo to is to do a double-spend once nanotice mong may outgoing transaction sa wallet mo, and hopefully mababa lang yung fee para hindi agad ma-confirm sa network ito.

Ang bitcoin at cryptocurrency industry ang isa sa mga susubukang pasukin ng mga tao, kung saan dito nila matututunan ang pinaka malaking security lesson nila. Crazy to think na may mga taong may ganito karaming bitcoin pero Electrum lang ang gamit nila, hindi man lang gumastos ng konti para bumili ng reputable na hardware wallet.

I've been using electrum since 2014. Not a single hack nor exploit was used on my wallets na nagkaroon din ng hefty sum kahit papaano. Naging habit ko muna kasing tumingin sa documentation ng electrum at dito sa forum kung may new releases ba sila, kaya never akong naging victim ng ganitong exploit. Also, nakakatikim lang ng internet yung luma kong laptop every time na need ko kumuha ng funds, so yeah.

Electrum is safe enough for users who are practicing extra caution at marunong tumingin sa community for updates and such. I do not despise having a hardware wallet as clearly that is the superior option, though I just don't see any practical uses of it for me.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: mk4 on September 03, 2020, 02:32:24 PM

Yep. Not necessarily that Electrum is the problem per se; more of that people are using Electrum as their main holdings wallet, on a personal computer. Kahit sabihin nating hindi pala download ng kung ano ano ung isang tao, things can go wrong parin.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Rosilito on September 03, 2020, 04:03:24 PM
This is a security issue that electrum conveyed a year ago. May pop-up message na sasabihing: "The current version of Electrum you're using is outdated.. Get it here *insert malicious download link*" then bam, your coins are gone. The only thing na marerevert mo to is to do a double-spend once nanotice mong may outgoing transaction sa wallet mo, and hopefully mababa lang yung fee para hindi agad ma-confirm sa network ito.
Good thing if mano-notice agad 'yon nung user or kung pala-check sila  :-\. Kaso diba wala naman certain time para sa isang confirmation? Pero I imagine lang, may mga circumstansces ba na it would take a several days just to have a single confirmation? And wala bang RBF options ang electrum? Sorry po for noob question haha   ;D I haven't much use such wallets rin, so 'di ko rin masyado na explore dahil more on custodial wallet (coins.ph) ako.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: mk4 on September 03, 2020, 04:08:49 PM
Kaso diba wala naman certain time para sa isang confirmation? Pero I imagine lang, may mga circumstansces ba na it would take a several days just to have a single confirmation?

Completely depends sa fees na ginamit ng hacker. And yes, pwedeng days ang transaction kung sobrang baba ng fee na ginamit. Chances are though, dahil pwede ngang maisalba ng victim ung funds through doublespending, chances are, obviously gagamit ng higher fees ung hacker para ma-confirm agad ung transaction at the next block.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: skaikru on September 05, 2020, 01:36:15 AM
it is mainly the fault of the owner. if you have that kind of btc sitting around in a free wallet, the least thing you can do is to buy the hardware wallet or visit your account as often as possible.

On the other hand, it seems that the hacker who stole the btc has a binance account according to report.  Binance had already blacklisted the addresses involved.

https://cointelegraph.com/news/binance-may-know-who-is-behind-the-1-400-btc-electrum-wallet-hack (https://cointelegraph.com/news/binance-may-know-who-is-behind-the-1-400-btc-electrum-wallet-hack)

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: maxreish on September 11, 2020, 01:51:52 AM
https://i.ibb.co/xswMnRp/Screenshot-2020-09-11-07-42-12-74.jpg
 
 My nabasa akong thread ng ganitong issue dito sa forum. It's possible daw na ang na download nyang update ay may malware na kasama. Prone daw ang old version ng electrum sa ganitong issue. Well, im not sure about it. You can read and check it out here;
 
 - https://bitcointalk.org/index.php?topic=5272416.0
 
 Sad to say pero irreversible na ang transaction at hindi na mababawi ng may ari ang stored bitcoin nya.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Baofeng on September 12, 2020, 10:18:06 PM
As @ mk4 said, hindi talaga problema to ng Electrum, again ang problema eh masyadong nag trust dun sa link na pwedeng i download ang latest Electrum without verifying. So another lesson para sa tin to, magkaroon din tayo ng magandang safety practice. Bumili ng hardware wallet, kung limpak limpak na BTC ang hawak natin. Regardless yung iblock ng Binance ung address, gagagawa lang ng bagong address yang hacker, gagamit ng mixer para maitago ang identity nya.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Theb on September 12, 2020, 11:22:52 PM
Lesson: Don't install or use older versions of wallets even if it's not Electrum

Sa akin mga nakita in the past masasabi ko na hindi lang ito ang naging kaso sa pagnanakaw gamit ang lumang version ng Electrum. From what I have seen people who mostly use the older/outdated versions of Electrum are the most vulnerable, why? Hackers mainly target outdated versions of Electrum and try to hijack it by putting a notice for the users that they need to update to a "newer version" of Electrum in order to access their wallet. Yung "newer version" na ito is yung malicious version na gawa ng mga scammer na kung saan once na ilagay mo yung private keys mo ay mayayari ka na. Kaya always practice to update your Electrum application as well as read some announcements found in their website, crucial announcements are always announced by them right after the header of their website, just like this one.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Lorence.xD on September 13, 2020, 03:57:58 AM
Sana magsilbing lesson ito sa mga developers ng mga wallet, ang mga exploit ay magsisilbing aral sa pagpapatibay ng security nila. Para sa akin dapat mag hire sila ng white hat para sa penetration testing kase malaking tulong ito sa pag identify ng loopholes ng hindi nadadamage ang mga customers.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Shimmiry on September 13, 2020, 09:57:28 AM
Security issues ng mga wallet, sana mas maglagay pa sila ng maraming authentication para sa pag access ng wallet.

Kung papansinin, matagal na iniwan ng user ang kanilang bitcoin kumbaga, long term hodling, ibig sabihin ba nito,may risk din talaga kung mag hohodl tayo ng bitcoin? Especially kung mapag iiwanan tayo ng mga updates sa software na ginagamit natin? what about compatibility issues? <cut>

nag tataka lang ako dahil old electrum software ang na download niya base sa OP, kaya nag prompt ang new update pero nakuha padin ang BTC's nya.

Naiisip ko rin yan, hanggang ngayon may kaunting kaba parin ako na baka mawala yung funds na nasa softwre kung sakaling magupdate. Pero may mga nakikita at nababasa rin naman ako na kinocontact nila yung customer service ng wallet tas nababalik yung laman. Ganun, pagka-update daw nawala yung laman.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: arwin100 on September 13, 2020, 10:31:35 AM
Sana magsilbing lesson ito sa mga developers ng mga wallet, ang mga exploit ay magsisilbing aral sa pagpapatibay ng security nila. Para sa akin dapat mag hire sila ng white hat para sa penetration testing kase malaking tulong ito sa pag identify ng loopholes ng hindi nadadamage ang mga customers.

Sa tingin ko ginawa naman ng mga wallet provider ito pero ang problema lang kung patuloy ba nilang pinapatatag ang security nila dahil kung maganda lng sila sa una at hindi nag uupdate palagi sa seguridad for sure mahahanapan talaga sila ng butas gaya nito, At lesson learn talaga ang ganitong pangyayari kaya as costumer/user wag tayong masyadong maging kampante at always withdraw our funds lalo na kung wala naman tayong pagagamitan at makaka sigurado pa tayo na ligtas na natutulog ang ating pera sa bangko pag nag cashout tayo agad.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Baofeng on September 18, 2020, 11:22:56 PM
Sana magsilbing lesson ito sa mga developers ng mga wallet, ang mga exploit ay magsisilbing aral sa pagpapatibay ng security nila. Para sa akin dapat mag hire sila ng white hat para sa penetration testing kase malaking tulong ito sa pag identify ng loopholes ng hindi nadadamage ang mga customers.

Open source ang Electrum at hindi ko alam kung kumikita ang developer nito, most likely hindi so baka mahirapan syang mag hire ng white hacker to perform penetration testing. Kaya sa mundo nila eh talagang mouse and game ika nga, habulan ng habulan, kaya lang huli na lagi eh kaya nasa atin na talaga ang bola. Lagi mag check and mag verify.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Binance-Chief Analyst on December 25, 2020, 12:24:15 PM
good job!

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: 0t3p0t on December 25, 2020, 01:58:27 PM
Hirap na talaga ng panahon ngayon. Dapat dobleng ingat. Madiskarte na ang mga hackers/scammers. Dapat talaga i-update palagi ang app/website lalo na pag may mga security updates.

Hackers Nab $16 Million In BTC Through Bitcoin Wallet Exploit (https://www.newsbtc.com/2020/08/31/hackers-bitcoin-wallet-exploit/)
Talagang mahirap na panahon ngayon kabayan lalo na sa cryptocurrency industry at kapag may malalaking funds dahil hindi natin alam na isa na pala tayo sa next na biktima lalo na kapag hindi tayo maingat sa mga wallets natin online. Sobrang nakakalungkot kung sa atin nangyari yung ganyan dahil sa laki ng funds na nahack at pandemic pa naman. Dobleng ingat talaga dapat.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Asuspawer09 on December 26, 2020, 06:49:08 AM
Medjo nakakatakot tuloy kapaag may update ang Electrum, kaya double check ako ng double check kung tama ba ang website na pinagdodownloadan ko.

And minsan pinapalipas ko muna baka kase magkaroon ng feedback ung ibang gumagamit, and madalas din ang nagkakawalaan ng funds kapag nagupdate na ng Electrum app.

But so far naman di pa naman ako nakaencounter ng issue sa Electrum, I think as long as nauupdate mo ang application ay masmaganda dahil updated ang app.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: peter0425 on December 26, 2020, 09:17:10 AM
Medjo nakakatakot tuloy kapaag may update ang Electrum, kaya double check ako ng double check kung tama ba ang website na pinagdodownloadan ko.
Lage naman may mga  ganitong issue electrum kaya nga binitawan kona wallet na to and sumubok gumamit ng Abra and year worth trying  naman.
Quote
And minsan pinapalipas ko muna baka kase magkaroon ng feedback ung ibang gumagamit, and madalas din ang nagkakawalaan ng funds kapag nagupdate na ng Electrum app.
Better use other wallet mate. Meron din maganda now yong bagong inaadvertise sa service,yong BITAMP  maganda and safe sa tingin ko.
Quote
But so far naman di pa naman ako nakaencounter ng issue sa Electrum, I think as long as nauupdate mo ang application ay masmaganda dahil updated ang app.
Pinaka sikat noon pero now madami na tayong option mate.,try mo din yong mga bago baka mas worth using.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: jacobyyy on January 09, 2021, 05:33:21 PM
Hirap na talaga ng panahon ngayon. Dapat dobleng ingat. Madiskarte na ang mga hackers/scammers. Dapat talaga i-update palagi ang app/website lalo na pag may mga security updates.

Hackers Nab $16 Million In BTC Through Bitcoin Wallet Exploit (https://www.newsbtc.com/2020/08/31/hackers-bitcoin-wallet-exploit/)
Ang gagaling ng mga hackers ngayon need tlaga ng matinding security, hindi lng sa mga online wallets pati sana exchanges. Nakakalungkot kapag ung pinagpaguran mo eh kukunin lng ng ibang tao.

kaya dapat dobleng pagiingat ang ating pairalin. Ugaliing magcheck ng ating mga account oras oras hanggat maari. Ugaliin din magcheck ng updates ng mga applications at programs upang mas mapatibay ang ating seguridad. Sa panahon ngayon, di na uso ang pagtitiwala. Maging mapagmatyag at wais tayong lahat.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: king_marvin on May 14, 2021, 02:22:24 AM
Hello po sa inyo, gusto ko lang e voice out po yung concern ko. Dito ko nalang e tatanong kasi medyo related din naman yung thread sa concern ko. I was planning to hodl all my crypto sa isang exchanger enough na po ba yung security nyan sa tingin nyo? May idea naman po ako dyan sa mga phising, malicious links or kung ano-anong ways ma hack yung account di naman siguro ma hahack basta2 yung ma exchanger lalo na yung ma well known. But I am planning to buy a hardware kaya lang medyo alanganin ako kasi feeling ko mas safe kung nasa online lang naka lagay yung coins kasi pag hardware may tendency ma sira or mawala.
 
May mga balita naba before ng security breach na nangyari sa mga sikat na exchanger like coinbase or binance? wala kasi ako mahanap sa net.

If kung may ma suggest kung kayong software wallet paki lapag nalang din po. thanks.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: mk4 on May 14, 2021, 04:04:19 AM

1. May tendancy talagang mawala o masira ang hardware wallets, kaya meron tayong 12-24 word backups
2. Mukhang safe ang Coinbase at Binance, pero un rin ang tingin ng mga tao sa mga top exchanges dati: https://cryptosec.info/exchange-hacks
3. Read: https://NotYourKeys.org
4. Next time create a new thread instead :)

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: king_marvin on May 14, 2021, 09:28:10 AM

1. May tendancy talagang mawala o masira ang hardware wallets, kaya meron tayong 12-24 word backups
2. Mukhang safe ang Coinbase at Binance, pero un rin ang tingin ng mga tao sa mga top exchanges dati: https://cryptosec.info/exchange-hacks
3. Read: https://NotYourKeys.org
4. Next time create a new thread instead :)
[/quote]

Nadali narin pala ang binance. dapat talaga naka secure nalang sa hardware wallet yung coins kung hindi naman laging nag tatrade.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: mk4 on May 14, 2021, 01:27:16 PM
Nadali narin pala ang binance. dapat talaga naka secure nalang sa hardware wallet yung coins kung hindi naman laging nag tatrade.

Oo, pero user-side mass hacking un, not necessarily problem sa side ng Binance. But still, it shows kung gaano ka vulnerable ung user-side accounts palang.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: Cling18 on May 14, 2021, 02:42:26 PM
Hirap na talaga ng panahon ngayon. Dapat dobleng ingat. Madiskarte na ang mga hackers/scammers. Dapat talaga i-update palagi ang app/website lalo na pag may mga security updates.

Hackers Nab $16 Million In BTC Through Bitcoin Wallet Exploit (https://www.newsbtc.com/2020/08/31/hackers-bitcoin-wallet-exploit/)

Kung nagiimprove and security ng mga exchange sites, mas lalo namang gumagaling ang mga hacker na ito. Siguro ang dapat nating gawin ay laging icheck ang security update ng ating apps or sites na ginagamit maging ang wallets natin. Mas gumagaling sila pero dapat mas maging wais at mautak tayo sa mga hackers na yan lalo na at pinaghirapan nating pera ang target nila.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: iTradeChips on May 14, 2021, 02:49:31 PM
Ang bitcoin at cryptocurrency industry ang isa sa mga susubukang pasukin ng mga tao, kung saan dito nila matututunan ang pinaka malaking security lesson nila. Crazy to think na may mga taong may ganito karaming bitcoin pero Electrum lang ang gamit nila, hindi man lang gumastos ng konti para bumili ng reputable na hardware wallet.

https://i.imgur.com/siptpwE.png

Lastik naman yan, kung totoo man yan, nawalan siya ng lagpas 3.3 bilyong piso. Yun ang nakitang kong komputasyon kaya nung nakita ko iyon napakamot ako sa ulo bigla at napamura sa malaking kamalasan na sumapi sa kanya. Napakalaki naman ng pwede niyang ilabas para nga bumili ng hardware wallet para safe ang mga bitcoins niya. Sayang naman yan, nawala na ang pinakaiingatan niyang asset. Kaya magingat tayo palagi pagdating sa mga wallet natin baka mamaya wala nang laman.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: ecnalubma on May 20, 2021, 05:03:34 PM
Sayang ilang million na rin yun, sana ang ginawa hinati-hati niya yung BTC through different wallets para in-case na mangyari ang mga ganito pero yun na nga huli na ang lahat unless ma trace niya kung saang platform napunta. Dapat talaga seryosohin ang seguridad sa pag store ng crypto lalo na kung life savings ang nakasalalay dito pero minsan human neglect at human error ang nagiging dahilan ng pagkawala ng holdings ng iba.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: AicecreaME on May 24, 2021, 01:23:46 PM
Nakakatakot talaga kapag ang gagamitin mong wallet eh hindi ganun kaganda ang security, kaya dapat maging segurista palagi. Since pera ang usapan, kailangan dapat palaging secured ito sa wallet na gagamitin natin, safest is hardware wallet. Kadalasan ang mga nahahack rin ay mga exchangers, kaya wag rin dapat maglalagay ng malaking pera sa exchange account nyo para iwas sa ganitong problema.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: iTradeChips on May 25, 2021, 09:29:08 AM
Nakakatakot talaga kapag ang gagamitin mong wallet eh hindi ganun kaganda ang security, kaya dapat maging segurista palagi. Since pera ang usapan, kailangan dapat palaging secured ito sa wallet na gagamitin natin, safest is hardware wallet. Kadalasan ang mga nahahack rin ay mga exchangers, kaya wag rin dapat maglalagay ng malaking pera sa exchange account nyo para iwas sa ganitong problema.

Ang Bitcoin at this point, ay kailangang turingin na ring isang valuable asset, na kailangang proteksiyonan at pahalagahan na parang ginto o diamante. Tama yung sinabi ng isa dito na dapat nalang sana ay nilagay siya sa iba't ibang wallet, especially mga hardware wallets ang gagamitin para mas secure niya ang Bitcoins niya. Kung hindi kaya ang hardware wallet at least maraming wallets tapos yung computer mo ang secure. Tapos at least nakasulat or nakatago ang mga private keys and seed phrases.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: SacriFries11 on October 10, 2021, 02:05:55 PM
Hirap na talaga ng panahon ngayon. Dapat dobleng ingat. Madiskarte na ang mga hackers/scammers. Dapat talaga i-update palagi ang app/website lalo na pag may mga security updates.

Hackers Nab $16 Million In BTC Through Bitcoin Wallet Exploit (https://www.newsbtc.com/2020/08/31/hackers-bitcoin-wallet-exploit/)

Isa sa mga pinakamasakit na nangyare sa akin ay ng mahack ang investment. Kasalanan ko din naman ang nangyari kaya naginstall na ako ng antivirus na may kasamang protection na din kapag ako'y nag-a-access online. Hindi ko pa matanggap noon ang nangyari kasi nakabookmark naman lahat ng mga legit na website na need i-access kapag may ginagawa akong related sa crypto. Pero sa pagbabasa ko maraming mga same case sa akin, narealize ko yung pagkukulang ko at iniiwasan ko ng maulit iyon. Kaya doble ingat na talaga.

Title: Re: Hackers Nab $16 Million Worth of BTC Through Wallet Exploit
Post by: mirakal on October 10, 2021, 02:38:46 PM
Napaka laking pera mayroon sa electrum wallet niya ngunit hindi siya nag iingat sa pag install ng app. Old trick na yan, kung minsan may pop up talaga pero pag click mo, sa ibang website ka pala dadalhin, kung bago parang phishing site or clone site. Napaka sakit nyan, sana natuto siya ng risk management, hindi dapat naka lagay sa isang wallet lang ang ganyan ka laking amount ng BTC.