Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: iTradeChips on September 24, 2020, 01:19:33 AM

Title: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: iTradeChips on September 24, 2020, 01:19:33 AM
Marami sa aking mga kaibigan at dating katrabaho ang medyo nahihiwagaan sa Bitcoin at sa cryptocurrency. Usually may mga pagkakataon na ineexplain ko sa kanila ang mga basics nito at aaminin kong na sho-shock sila to the point na parang gusto na nilang umayaw eh hindi pa nila nasusubukan. Madalas na tanong nila ay kung may mabilis ba na paraan na magsend ng Philippine peso papunta sa isang exchange para makabili sila kaagad ng crypto? Tipong ang gustong mangyari ay madaling paraan para maging crypto agad ang ilalagay mong piso tapos ayun na parang investment mo na siya na wala ka nang gagawing extra. Napagisip kong mabuti yan at parang wala naman yata. Sa akin kasi ang crypto ko matagal nang nasa exchange at dun nalang ako nagiinvest tapos ilalabas nalang thru coins.ph.

Ibabato ko sa community ang tanong, mayroon bang mabilis na paraan ng paglagay o pagconvert ng Philippine peso to cryptocurrency na parang investment mo na siya. Kumbaga few actions, immediate investment na. Salamat sa oras ninyo mga kasama.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: mk4 on September 24, 2020, 02:59:50 AM
Kung "pinaka madali" ang pinag uusapan, talagang centralized exchanges through Coins.ph/Abra talaga ang pinaka madali; simply dahil focused sa pagiging "nooby-friendly" ang mga centralized exchanges kaya hanggang ngayon centralized exchanges parin ang ginagamit ng karamihan kahit na maaaring mas mura ang prices sa mga P2P exchanges.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: maxreish on September 24, 2020, 06:19:51 AM
Kakailanganin naman talaga ang local exchange wallets para mgconvert ng php to btc. Kung gusto nila ng madali at direct magkaroon ng btc sa wallet nila, try nilang bumili sayo or sa kakilala nila ng btc na isesend agad sa wallet nila, diba? As easy as that. Kailangan lang nilang intindihin na kapag magka cash in via 7 eleven and other remitances, via fiat or php muna ito na papasok sa wallet.

Kung open minded ay eager ang mga kasamahan mo, maiintindihan nila ang flow at paggamit ng bitcoin. Kung ang layunin nila ay mag invest ng btc, dapat din ay aware sila sa mga possible risks.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: AicecreaME on September 24, 2020, 03:20:04 PM
Kung "pinaka madali" ang pinag uusapan, talagang centralized exchanges through Coins.ph/Abra talaga ang pinaka madali; simply dahil focused sa pagiging "nooby-friendly" ang mga centralized exchanges kaya hanggang ngayon centralized exchanges parin ang ginagamit ng karamihan kahit na maaaring mas mura ang prices sa mga P2P exchanges.

I agree.

Kaso ang kadalasang nangyayari ay once na mag-invest na sila, tinitingnan nila palagi yung price kung tumutubo na ba or nalulugi sila, nagpapanic kapag bumababa yung price ng Bitcoin haha. Ganyan din yung sinabi ko sa kuya ko noon pero ilang araw lang at winithdraw na rin nya kasi baka raw malugi. Di naman natin sila masisisi kasi wala silang tiyaga pag-aralan kung ano talaga ang Bitcoin.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: mk4 on September 24, 2020, 03:34:00 PM
I agree.

Kaso ang kadalasang nangyayari ay once na mag-invest na sila, tinitingnan nila palagi yung price kung tumutubo na ba or nalulugi sila, nagpapanic kapag bumababa yung price ng Bitcoin haha. Ganyan din yung sinabi ko sa kuya ko noon pero ilang araw lang at winithdraw na rin nya kasi baka raw malugi. Di naman natin sila masisisi kasi wala silang tiyaga pag-aralan kung ano talaga ang Bitcoin.

Yea, to be fair ano mang service o wallet ang gagamitin nila, kung wala talaga silang experience at kaalaman tungkol sa trading/investing, then chances are ganyan talaga ang kalalabasan. To be fair, back in 2016 ganyan rin naman ako umasta sa trading and investing kasi nag dive in ako without research.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Bttzed03 on September 24, 2020, 05:06:30 PM
Parang madali lang naman sagot dyan lalo na sa isang datihan na gaya mo. Dito ka kasi yata nalito eh
Quote
~tapos ayun na parang investment mo na siya na wala ka nang gagawing extra.

^ Pakipaliwanag ano ibig nilang sabihin dito. Parang ponzi/scam kasi ang datingan ng mga "wala ka ng gagawin" eh  ;D

Ano bang inaasahan nila sa salitang investment? Tingin ba nila magkakaroon sila ng passive income kapag nakabili na sila ng bitcoin at hinayaan lang nila sa wallet?

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Twentyonepaylots on September 24, 2020, 06:19:54 PM
Kung sa beginner highly advisable talaga ang coins.ph kase sobrang simply nya lang talaga, with several clicks lang ay macoconvert mo na agad yung pera mo into bitcoin and any other available crypto sa coinsph. Kase kung tutuusin, kung ipapasubok mo agad ang mga exchange like coinbase mas mahihirapan sila kase mukang kumplikado sa kanila yung interface baka maligaw ligaw lang sila doon.

Anyone here na hindi nagumpisa sa coins.ph? meron ba ?

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: ralle14 on September 25, 2020, 02:44:55 AM
Kung mabilisang investment ang habol I guess Abra over coins.ph dahil pede agad bumili sa kanila pagkatapos gumawa ng account sa app at sigurado hindi naman kalakihan yung ipapasok ng mga kaibigan mo if ever na mag invest sila. Pero worth din yung KYC sa coins.ph if willing sila dahil marami ring payment options hindi katulad sa abra na limited lang sa bank at remit center.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: mk4 on September 25, 2020, 03:12:31 AM
Anyone here na hindi nagumpisa sa coins.ph? meron ba ?

Ako. Back in 2016 nakakapag "purchase" lang ako ng bitcoin through selling game items(RuneScape, DOTA2, CS:GO) for bitcoin sa mga ibang communities/forums. Early 2017 ko na ata nalaman ung Coins.ph dahil hindi pa ata nila masyadong minamarket nung 2016.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: jaypiepie on September 25, 2020, 01:37:32 PM
para sa akin pinaka madaling mag convert ay ang coins.ph dahil yan lamang ang may access dito sa pilipinas na pwedeng ipagbili o ibenta gamit ang php sa btc sa ngayon wala pa ako nakikitang iba site na pedeng magconvert ng php sa btc kundi coins.ph lamang mas madali ang transaksyon nito at meron ding ether ,xrp,ang coins.ph

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Baofeng on September 25, 2020, 11:05:04 PM
Meron isang guide si @GreatArkansas na baka makatulong sa yo o sa ibang mga baguhan pa dyan, [GUIDE] Sekretong Malupit sa Pag Benta/Bili ng BTC sa Coins.ph! (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5127937.0).

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: chrisculanag on September 26, 2020, 02:16:55 AM
Gaya nga ng sabi ng iilan, ang coins.ph o abra ang pinakamabilis at pinakamadali para magkaroon ng bitcoin, una ang paglagay ng peso sa pamamagitan ng pag top-up sa mga piling merchant store at remittances at pagkatapos ay iconvert ito to bitcoin. Ang problema nga lang sa ganitong palitan ay napakalaki ng conversion fees nila at doon palang ay talo ka na kaya halos karamihan ng mga baguhan ay umaatras dahil dito.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Kong Hey Pakboy on September 26, 2020, 08:52:16 AM
Gaya nga ng sabi ng iilan, ang coins.ph o abra ang pinakamabilis at pinakamadali para magkaroon ng bitcoin, una ang paglagay ng peso sa pamamagitan ng pag top-up sa mga piling merchant store at remittances at pagkatapos ay iconvert ito to bitcoin. Ang problema nga lang sa ganitong palitan ay napakalaki ng conversion fees nila at doon palang ay talo ka na kaya halos karamihan ng mga baguhan ay umaatras dahil dito.
Para saakin mas madali at mas mabilis magpasok ng pera sa Coins.PH upang makapagconvert o makabili ng bitcoin dahil kailangan mo lamang magpasok ng pera gamit ang iyong bank account, o pagpunta sa mga piling remittances o kaya sa cliqq machine sa 7/11. Ang proproblemahin mo nga lang ay ang conversion fee ng Coins.PH dahil medyo malaki ang halaga nito depende sa amount na i-coconvert mo.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: meanwords on September 26, 2020, 11:57:14 AM
Para sa akin, ang pinakamadali talagang way para makapag exchange ka ng php to Bitcoin is thru coins.ph. Not only na sobrang smooth and bilis ng conversion niya, sobrang user-friendly pa ito at madali i-explain sa iyong mga kaibigan. Though may disadvantage nga lang ito kasi nga custodial wallet ito at sila ang may hawak ng iyong wallet, nasa kanila din ang kapalaran ng iyong mga pera.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: bitcoin31 on September 26, 2020, 12:07:25 PM
Ang coins.ph ang siyang pinakamadaling way para maconvert ang peso to crypto. Dahil sa wallet na ito ay mapapabilis ang pagkakaroon mo ng crypto kung nais mo bumili o magkaroon . Maraming payment option na maari mong gamitin para ikaw ay magkalaman ang wallet mo gaya lamang sa 7/11 isa sa pinaka dabest na maari mong ok pillin para makabili ng crypto yan lamang ang nakikita kong mabilis na pamamaraan para mapabilis ang pagbili mo ng crypto pero ang disadvatanges lamang nito ay kaunti lang ang coins ng coins.ph so need mo pa iconvert ang peso mo sa bitcoin or available coins kung nais mo bumili ng ibang coins sa ibang exchanges .

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: pilosopotasyo on September 26, 2020, 01:08:57 PM

Ibabato ko sa community ang tanong, mayroon bang mabilis na paraan ng paglagay o pagconvert ng Philippine peso to cryptocurrency na parang investment mo na siya. Kumbaga few actions, immediate investment na. Salamat sa oras ninyo mga kasama.

Para sa akin ok ang Abra kasi maraming coins na pwede mong pa investan o i deposit dito kumpara sa PDAX at Coins.ph na apat o limang coins lang pwede sa Abra pwede umabot hangang bente, kaya nga kahit LBRY at Tron pwede ko na i direkta sa Abra at convert ko na agad in  pesos, ang bad side lang nga ay konti lang ang outlet kung saan mo pwede i withdraw ang pesos Tambunting lang pero sa banko pwede rin at zero fee pa.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: SacriFries11 on September 26, 2020, 01:21:07 PM
Para sa akin, ang pinakamadali talagang way para makapag exchange ka ng php to Bitcoin is thru coins.ph. Not only na sobrang smooth and bilis ng conversion niya, sobrang user-friendly pa ito at madali i-explain sa iyong mga kaibigan. Though may disadvantage nga lang ito kasi nga custodial wallet ito at sila ang may hawak ng iyong wallet, nasa kanila din ang kapalaran ng iyong mga pera.
Sa tingin ko makakapagkatiwalaan naman natin ang coins.ph pagdating sa ating pera pero kung hindi pa din tayo kumbinsido dito kahit na isa sila sa regulated na nang pamahalaan natin. Wag na lang siguro tayo maglagay nang malalaking pera para di natin pagsisihan sa huli. Magandang gamitin si coins.ph at sa tingin ko sila yung nangunguna dito sa Pinas pagdating sa mga services na related ang crypto. Madami ding features si coins.ph na sa kanila lang makikita. Pinakamadali si coins.ph na madaling magwithdraw din into fiat.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: molsewid on September 26, 2020, 01:44:09 PM
Ang tested kona is coins.ph kung pabilisan in a few actions ang usapan madaming ways kung paano mag cash-in at cash-out ng mabilis. Ang problema lang sa coins.ph yung mga ibang instant option sa cash-in halos may bayad na, pero hindi natin masisisi napakabilis naman din kasi ng kanilang serbisyo. Kaya kung yung investment ng mga kasama mo ay mababa lang baka sa fees palang baka mawalan na sila ng gana at kokonti din mga pwedeng coins na pagconvertan.

Para sa akin ok ang Abra kasi maraming coins na pwede mong pa investan o i deposit dito kumpara sa PDAX at Coins.ph na apat o limang coins lang pwede sa Abra pwede umabot hangang bente, kaya nga kahit LBRY at Tron pwede ko na i direkta sa Abra at convert ko na agad in  pesos, ang bad side lang nga ay konti lang ang outlet kung saan mo pwede i withdraw ang pesos Tambunting lang pero sa banko pwede rin at zero fee pa.
Mas maganda nga ito kung ang hanap ay madaming pag iinvestan na coins, dahil dito sa naishare mo mapapapagamit nadin ako ng Abra.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Shimmiry on September 26, 2020, 03:00:14 PM
~

Para sa akin ok ang Abra kasi maraming coins na pwede mong pa investan o i deposit dito kumpara sa PDAX at Coins.ph na apat o limang coins lang pwede sa Abra pwede umabot hangang bente, kaya nga kahit LBRY at Tron pwede ko na i direkta sa Abra at convert ko na agad in  pesos, ang bad side lang nga ay konti lang ang outlet kung saan mo pwede i withdraw ang pesos Tambunting lang pero sa banko pwede rin at zero fee pa.

Need din ba ng KYC para sa pagwithdraw dyan sa Abra? Di ko pa kasi na tatry yan eh, medyo curious akong gamitin. Tinignanko review sa Play store medyo may issue sila lately, maraming nagrereklamo. Maganda sana kung makapagwithdraw ng hindi na need ng KYC, sa coins.ph kasi meron eh.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Theb on September 26, 2020, 11:33:37 PM
There's really no "best way" out there kasi naka depende pa din yan sa tao mismo kung magugustuhan niya yung paraan ng pag-bili nito. Like what others have already said we have crypto exchanges where you can buy from them at tsak may mga local crypto wallet apps like Coins.ph at Abra na may various deposit methods (cash-in) methods sakanila para makabili ka ng cryptocurrency sakanila both of which requires you to do some kind of KYC process mandated by the government which I think mag-require sayo mamigay ng selfie, billing statement, valid ids, at proof of income pa. P2P exchanges like localbitcoin will also require you to have some KYC kaya if gusto mo mag-skip ng KYC process sa tingin ko dapat may kakilala kang tao kaibigan or kapamilya na kung saan pwede ka nilang pag-bentahan ng Bitcoin which is also legal in the Philippines.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: chrisculanag on September 28, 2020, 01:28:15 AM
Gaya nga ng sabi ng iilan, ang coins.ph o abra ang pinakamabilis at pinakamadali para magkaroon ng bitcoin, una ang paglagay ng peso sa pamamagitan ng pag top-up sa mga piling merchant store at remittances at pagkatapos ay iconvert ito to bitcoin. Ang problema nga lang sa ganitong palitan ay napakalaki ng conversion fees nila at doon palang ay talo ka na kaya halos karamihan ng mga baguhan ay umaatras dahil dito.
Para saakin mas madali at mas mabilis magpasok ng pera sa Coins.PH upang makapagconvert o makabili ng bitcoin dahil kailangan mo lamang magpasok ng pera gamit ang iyong bank account, o pagpunta sa mga piling remittances o kaya sa cliqq machine sa 7/11. Ang proproblemahin mo nga lang ay ang conversion fee ng Coins.PH dahil medyo malaki ang halaga nito depende sa amount na i-coconvert mo.
Totoo naman na itong si coins ay napakabilis pag-usapang conversion dahil makikita naman natin na malaki ang kanilang kikitain sa palitan palang kaya pag dating sa ganun ay siguradong hindi ka nila pag hihintayin. Yun nga lang malaki talaga ang mababawas sayo lalo na't malaki ang pinalit mo at kung baguhan ka ay baka magulat ka sa naibawas sayo. Masakit pa dito kung ang plano mo ay paghohold lang ng bitcoin para kumita dahil alam naman natin na ang bitcoin ay sobrang mahiwaga at hindi natin alam kung kailan ba ito muling tataas , at kung sakaling dumating man yun ay siguradong panalo ka na.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: ralle14 on September 28, 2020, 08:12:24 PM
Need din ba ng KYC para sa pagwithdraw dyan sa Abra? Di ko pa kasi na tatry yan eh, medyo curious akong gamitin. Tinignanko review sa Play store medyo may issue sila lately, maraming nagrereklamo. Maganda sana kung makapagwithdraw ng hindi na need ng KYC, sa coins.ph kasi meron eh.
Afaik sa una walang KYC pero eventually manghihingi rin sila ng ID kaya your mileage may vary.

Maliban sa Abra I think Paxful na lang ata yung isa pang alternative para makapag trade ng walang KYC.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: sheryllanka on September 29, 2020, 08:51:16 AM
para sa akin coins.ph ang pinakamadali gamitin na paraan para makapag convert ng php tp btc , meron din php to ether , php to xrp at marami pa iba ang tangi mo loang gawin ay iverify ang iyong coins.ph account mula level 1 to level 3 para sa withdrawal transaction

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: ArIMy11 on October 05, 2020, 01:07:43 PM
Marami sa aking mga kaibigan at dating katrabaho ang medyo nahihiwagaan sa Bitcoin at sa cryptocurrency. Usually may mga pagkakataon na ineexplain ko sa kanila ang mga basics nito at aaminin kong na sho-shock sila to the point na parang gusto na nilang umayaw eh hindi pa nila nasusubukan. Madalas na tanong nila ay kung may mabilis ba na paraan na magsend ng Philippine peso papunta sa isang exchange para makabili sila kaagad ng crypto? Tipong ang gustong mangyari ay madaling paraan para maging crypto agad ang ilalagay mong piso tapos ayun na parang investment mo na siya na wala ka nang gagawing extra. Napagisip kong mabuti yan at parang wala naman yata. Sa akin kasi ang crypto ko matagal nang nasa exchange at dun nalang ako nagiinvest tapos ilalabas nalang thru coins.ph.

Ibabato ko sa community ang tanong, mayroon bang mabilis na paraan ng paglagay o pagconvert ng Philippine peso to cryptocurrency na parang investment mo na siya. Kumbaga few actions, immediate investment na. Salamat sa oras ninyo mga kasama.

Sa aking mga naging wallet, coins.ph na yung pinakamadaling matutunan at pinakasimpleng klase ng wallet na rin. Ilan sa mga unang wallet na nagamit ko at ay ang hitbtc na hirap na hirap akong intindihin pati na ang etherdelta na ngayon ay wala na. Wala din sobrang laking mga fees kaya maganda talaga gamitin ang coins.ph. Pero limitado lang ang crypto na pwedeng ilagay dito. Alam kong maswerte tayo na sa ngayon ay may eth, xrp at bitcoin cash na coins.ph hindi tulad dati na btc lang.
May mga kasamahan din ako sa opisina na interesado sa bitcoin. Coinsph din agad ang una kong pinakikilalang wallet sa kanila kasi madali ito matutunan at magagamit na din nila sa pagbayad ng bills, padala ng pera , pangload at iba pa.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: k@suy on October 31, 2020, 10:04:50 AM

Coins.ph din ang aking ginagamit na wallet. Ilang taon ko na itong ginagamit safe and secured naman at wala pa kong nabalitaang cases na nawalan o nahack na account sa Coins.ph. Ito rin ang pinakaunang wallet na ginamit at hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin. Tama easy and convenient gamitin ang wallet na ito at hinding hindi ka magsisisi kapag ito ang ginamit mo.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: ice18 on October 31, 2020, 10:51:41 AM
Coins.ph, Abra at ang pinakabago at mabilis ang Binance P2P mas mababa rate diyan kumpara sa dalawang nauna at maganda den naman ang volume dahil may big players den kaya diyan na ako lagi nagcoconvert kapag may nagpapabili sakin ng btc via gcash to Binance p2p.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: TGD on October 31, 2020, 10:57:14 AM
Coins.ph, Abra at ang pinakabago at mabilis ang Binance P2P mas mababa rate diyan kumpara sa dalawang nauna at maganda den naman ang volume dahil may big players den kaya diyan na ako lagi nagcoconvert kapag may nagpapabili sakin ng btc via gcash to Binance p2p.

Ang isa pang kagandahan ng Binance P2p especially para sa mga newbie ay dahil rekta na sa exchange ang funds nila. Tipid na sa napaka mahal na transaction sa pag deposit at withdraw sa exchange. Karaniwan kasi ng mga newbie crypto ay trading ang habol kaya sila bumibili sa coins.ph ay makapag trade sa mga exchange. Yun nga lang ay napaka mahal tlaga ng fee.

Hindi naman lahat ay malaking pera ang pinapasok sa crypto. Yung iba ay pa 1K to 2k lng kaya lugi sila sa mga fee.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: peter0425 on October 31, 2020, 02:00:27 PM
Marami sa aking mga kaibigan at dating katrabaho ang medyo nahihiwagaan sa Bitcoin at sa cryptocurrency. Usually may mga pagkakataon na ineexplain ko sa kanila ang mga basics nito at aaminin kong na sho-shock sila to the point na parang gusto na nilang umayaw eh hindi pa nila nasusubukan. Madalas na tanong nila ay kung may mabilis ba na paraan na magsend ng Philippine peso papunta sa isang exchange para makabili sila kaagad ng crypto? Tipong ang gustong mangyari ay madaling paraan para maging crypto agad ang ilalagay mong piso tapos ayun na parang investment mo na siya na wala ka nang gagawing extra. Napagisip kong mabuti yan at parang wala naman yata. Sa akin kasi ang crypto ko matagal nang nasa exchange at dun nalang ako nagiinvest tapos ilalabas nalang thru coins.ph.

Ibabato ko sa community ang tanong, mayroon bang mabilis na paraan ng paglagay o pagconvert ng Philippine peso to cryptocurrency na parang investment mo na siya. Kumbaga few actions, immediate investment na. Salamat sa oras ninyo mga kasama.
matanong ko lang mate since puro baguhan ang binabanggit mong kaibigan or ka trabaho na gusto mag invest or mag hold ng Crypto,
bakit kalngan pa idaan sa ibang exchange platform kung andyan naman ang Coins.ph na may inooffer na 4 kinds of crypto na tingin
ko alam mo ding magagandang hawakang currencies tulad ng Bitcoin,Ethereum,Ripple at bitcoincash.
7/11 or palawan lang ang katapat at meron kana agad Peso sa wallet mo at pwede mona i convert agad sa crypto,though medyo mababa nga lang ang
makukuha mo but at least pinaka Madali tulad ng hinahanap mo.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Asuspawer09 on October 31, 2020, 06:03:20 PM
Coins.ph, Abra at ang pinakabago at mabilis ang Binance P2P mas mababa rate diyan kumpara sa dalawang nauna at maganda den naman ang volume dahil may big players den kaya diyan na ako lagi nagcoconvert kapag may nagpapabili sakin ng btc via gcash to Binance p2p.

Agree, siguro ito na ang mga pinakareliable na paraan para makapagconvert from PHP to cryptocurrency like Bitcoin. Gamit lang ang website or application ng coins.ph tapos cash-in sa 7/11 para mapasok mo ang pera mo sa coins.ph since 7/11 ang pinakamadaling puntahan dahil na rin halos lahat ng barangay ay mayroon ng 7/11, tapos convert mo lang ang PHP mo sa Bitcoin or anything na gusto mong investsan.

Still, ang coins.ph,Abra at Binance ay mga pinakamadaling paraan lahat sa pagconvert pero kung nagbabalak ka ng long term investment masmaganda na humanap ka ng wallet na mayroong private key like Electrum,Mycelium etc.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: manfredmann on November 16, 2020, 12:34:40 AM
Meron nga naman pero gaya ng sinabi ng ibang miyembro na ang coins.ph at iba pang centralized na exchange ang pinakamadaling paraan sa pag convert ng fiat to bitcoin or sa mga mapiling crypto.

Matagal2x na rin ang nga centralized exchange na ito at hindi pa napabalita na mayroon hacking na nangyayari dahil sa tingin ko napakasecure ng app nato dahil sa 2 way factor authentication. Mas okay nga kumpara sa ibang decentralized exchange.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Astvile on November 18, 2020, 09:50:52 AM
Ibabato ko sa community ang tanong, mayroon bang mabilis na paraan ng paglagay o pagconvert ng Philippine peso to cryptocurrency na parang investment mo na siya. Kumbaga few actions, immediate investment na. Salamat sa oras ninyo mga kasama.
Byfar Abra and Coinsph ang marerecommend sayo kasi sila padin ang easiest way to convert padin talaga, napaka user friendly at madali lang magpasok ng pera sa 2 app nato. And kung ang balak mo naman sa bitcoin na iinvest mo is mag trade, Binance all the way one of the most trusted and reliable exchange na online ngayon. At sa coinsph, abra at binance napakadali lang ding magcash out if ever mag eexit kana in just minutes makakakuha kana ng referrence para maclaim mo ang pera mo.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Peanutswar on November 18, 2020, 11:53:05 AM
Para sakin ay ang pinaka mabilis padin na paraan ng pag convert with the use of PHP to BTC ay coins.ph because by just depositing to your coins.ph account even if 7/11 or with the use of the bank ito ay mas madali, also one of the reliable exchange right now is the binance so mabilis lang.
Right now di pa ako nakaka gamit ng Abra at curious ako paano gamitin ito para din ba itong coins.ph wallet pwede ka mag converts ng BTC to PHP?.  Mostly kasi mga transaction ko is electrum to coins.ph lang.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: chaser15 on November 19, 2020, 02:53:36 AM
Pag naging supported ni Paypal at Coinbase ang Pilipinas, isa rin yan sa madaling paraan ng pag-convert ng PHP to BTC.

At dahil linked sa bank mas madali ang pag-transfer.

Pero matagal pa yan at mukhang maraming taon pa ang bibilangin. If ever mangyari, I'd rather choose Paypal kaysa sa Coinbase. Usual na kasi sa transaction ang between sa mga local banks at Paypal kaya mas user-friendly kapag crypto-related ang transaction so in case of question, mas madali magpaliwanag.

Right now di pa ako nakaka gamit ng Abra at curious ako paano gamitin ito para din ba itong coins.ph wallet pwede ka mag converts ng BTC to PHP?.  Mostly kasi mga transaction ko is electrum to coins.ph lang.

Same interface lang din pero mas marami lang talagang supported withdrawal options si coins.ph.

Title: Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC?
Post by: Hippocrypto on November 19, 2020, 01:36:51 PM
Pag naging supported ni Paypal at Coinbase ang Pilipinas, isa rin yan sa madaling paraan ng pag-convert ng PHP to BTC.

At dahil linked sa bank mas madali ang pag-transfer.

Pero matagal pa yan at mukhang maraming taon pa ang bibilangin. If ever mangyari, I'd rather choose Paypal kaysa sa Coinbase. Usual na kasi sa transaction ang between sa mga local banks at Paypal kaya mas user-friendly kapag crypto-related ang transaction so in case of question, mas madali magpaliwanag.

Right now di pa ako nakaka gamit ng Abra at curious ako paano gamitin ito para din ba itong coins.ph wallet pwede ka mag converts ng BTC to PHP?.  Mostly kasi mga transaction ko is electrum to coins.ph lang.

Same interface lang din pero mas marami lang talagang supported withdrawal options si coins.ph.

Isa na dyan ang yung egive cash using security bank atm dispenser na kasama sa withdrawal options ng coinsph. Dyan akoa nagsimula noong bago palang ako sa cryptocurrency, nakaka excite nga noong unang withdrawal kasi di pa gaano familiar sa bitcoin na pwede pala maging physical money. Hindi pa kasi pumasok sa isip ko noon mag hold ng btc, kaya pinakamadali na ang mag convert to php cash out.