Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: Peanutswar on October 13, 2020, 09:29:12 AM

Title: Cryptocurrency scam.
Post by: Peanutswar on October 13, 2020, 09:29:12 AM
Recently ay may na experienced na tayong different hacking of youtube account at mga kilalang mga twitter internationally na biglang na lamang nag po-post ng mga di inaasahang pag supporta sa mga cryptocurrency scam. Ngayon nais ko lamang ibahagi sa ating mga bagong miyembro sa forum na nais mag invest sa cryptocurrency dahil ngayon ay talamak pa din ang pagkakaroon ng mga youtube live vidoes about bitcoin, ethereum, ripple at ibang pang give away.

Sa pag lilibot ko sa youtube ay biglang may ni-recommend nitong live at ito nga ay ang ethereum give away.
Sa mga baguhan pa lamang, iniiwasan natin ang mga ganitong klase ng scam.

Ano nga ba ang kadalasan nilang nilalagay sa mga ganitong bidyo para mang inganyo ng mga viewers at investors?
Ilan lamang ang mga ito sa mga gasgas na nilang nilalagay para mag promote ng scam.
  • This is safe
  • 100% secured
  • Can double/triple your investment
  • within a week cash back
  • We bring the name of elon musk

Ito ang youtube live kung nais nyo din i-report.
Code:
https://www.youtube.com/watch?v=IDYsqvmOJLg

Related topics :
Another Pinoy Vlogger Channel hacked after Dogie's case, Ripple Involved (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5277836.0)

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: acroman08 on October 13, 2020, 04:08:51 PM
I'll be damned kung meron pa ring mga tao and na fafall sa mga gantong klaseng scam sa youtube. tsaka it's surprising yung amount na "tao"(karamihan siguro ay bots) nanonood sa channel.

curious ako if live ba talaga yung interview na naka stream or replay lang? di ko kasi finafollow masyado mga interview ni vitalik kaya di ko alam kung live or replay lang. nag search kasi ako ng saglit at wala ako makitang ibang live video sa interview ni vitalik bukod sa channel na yan.

channel reported.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Theb on October 13, 2020, 10:20:24 PM
Usually bro mag-susulputan lang yung mga live video na ito ng fake giveaway is kung madalas or recently ka nanuod ng cryptocurrency related videos lalong-lalo na yung mga "how to earn cryptocurrencies" na video kasi siguro na din sa algorithm ng Google. Pero yung nakakapagtaka dito is kung bakit nai-sasama pa ito ng Google para sa mga suggested video nila na papanuorin natin. Siguro masyadong traffic focus ang Google kaya hindi na nila pinapansin na tanggalin kaagad yung mga fake giveaway videos na ito, di sila gagawa ng aksyon hanggat walang nangyayaring reporting sa mga channel na ito.

I'll be damned kung meron pa ring mga tao and na fafall sa mga gantong klaseng scam sa youtube. tsaka it's surprising yung amount na "tao"(karamihan siguro ay bots) nanonood sa channel.

Madami pa ngang naloloko dito, to check it out by yourselves you can try copying the one of the addresses they are presenting sa kanilang "giveaway" and makikita mo yung daloy ng cryptocurrency na papasok. Para mag-mukhang kapanipaniwala ang kanilang scam may ipapakita sila na peke na daloy ng cryptocurrencies na pinapamigay nila minsan maglalagay pa sila ng timer para kunwari ay limited nalang ang chance nila na dumoble pera nila.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Baofeng on October 13, 2020, 11:17:25 PM
I'll be damned kung meron pa ring mga tao and na fafall sa mga gantong klaseng scam sa youtube. tsaka it's surprising yung amount na "tao"(karamihan siguro ay bots) nanonood sa channel.

Wag kang ma surprise, at marami parin ang naloloko at nabibiktima kahit gasgas na tong klaseng trick. Maraming nanonood parin, so malamang talaga may isa or dalawang mga tao na akala totoo ito at biglang mag send the ETH. At pagtapos sisisihin ang crypto dahil sila ay naloko, pero kung sisilipin mo eh naging greedy sila. Kaya ang pang laban talaga dito ay 'education', lalo na sa mga beginners.

curious ako if live ba talaga yung interview na naka stream or replay lang? di ko kasi finafollow masyado mga interview ni vitalik kaya di ko alam kung live or replay lang. nag search kasi ako ng saglit at wala ako makitang ibang live video sa interview ni vitalik bukod sa channel na yan.

channel reported.

It's just a replay lang or kahit na live, ganun parin pangloloko lang talaga ang tema kasi nila nilalagay tong sa Youtube.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Hippocrypto on October 13, 2020, 11:27:53 PM
Hindi lahat ng gumagamit ng pangalan ni Vitalik ay maituturing natin na legit, minsan kasi ginagawa lang silang front ng mga scammers na ito. At kung pagbabasihan ang mga video na makikita dito sa sa Youtube, ay parang enhanced lang ito at presentation materials upang maka kuha ng attention sa karamihan. Kung ang isang tao ay may karanasan na sa mga ibat ibang scam tactics, imposible na maging biktima sya sa ganitong sistema.
Kawawa lang ang baguhan, lalo na yung taong may pera at gusto kumita gamit ang pundo na ang nasa isip lang ay money works for you. Marami na ang na brainwash sa ganitong mindset, kaya kung may mga promise na ganyan kalaki ang profit sa isang investment; hindi malabo na scam ang kahihinatnan ng isang business platform.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: snapee11 on October 14, 2020, 12:20:11 AM
para paraan na lang talaga ang pang sscam these days, and ang nakakagulat lang naman bakit may mga nahuhulog pa rin sa mga ganitong klaseng obvious na patibong, anyways marami ng mga crypto people ang nagiging matalino due to their past experiences. Just be aeare lang at all times pag involved na ang pagtratransfer ng crypto, investigate para di malinlang.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: mk4 on October 14, 2020, 02:33:04 AM
Really really common for a while now. Mostly it looks like hacked YouTube accounts ang ginagamit nila. Kahit ung sikat na YouTuber sa Pinas na si Paolo Tomenes nabiktima narin netong ganitong kalokohan.

Topic: Paolo Tomenes, famous pinoy sneaker YouTuber, nahack ang YouTube account (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5227737)

P.S. Always make sure to report the channel pag may nakikitang ganito, para mabawasan sana ang maperwisyo.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: rhomelmabini on October 14, 2020, 04:59:58 AM
I think hindi na bago sa akin to recently nga lang may na encounter din akong ganitong pakulo but it was shared on YouTube via short videos kung mapapansin niyo YouTube app meron ng ganyan. Here's my reply sa thread ni cryptoaddictchie https://bitcointalk.org/index.php?topic=5256837.msg55301469#msg55301469.

I don't know bakit ina-allow parin ng platform yung mga ganito but possible they are just into the monetization and they aren't reviewing ads na may kapahamakan sa ibang user.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: SFR10 on October 14, 2020, 07:27:07 AM
Ito ang youtube live kung nais nyo din i-report.
Code:
https://www.youtube.com/watch?v=IDYsqvmOJLg
Salamat kabayan sa post/report mo, tinangal na yung video.

Idagdag ko lang na may dalawa pang live ngayon:
- Paki report din guys para mawala agad.

  • ADA scam (https://i.imgur.com/E8j9TK0.jpg)
    Quote
    https://www.youtube.com/watch?v=OCKZi8TQh4k
  • Ripple scam (https://i.imgur.com/SljcfxB.jpg)
    Quote
    https://www.youtube.com/watch?v=A4vNfH0ARBw

curious ako if live ba talaga yung interview na naka stream or replay lang?
Minsan live, minsan hindi.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Adreman23 on October 14, 2020, 09:10:25 AM
Totoo nga na gasgas na yung mga technique nila para makapang scam pero tingin ko ang target talaga nila ay yung mga wala pang alam o karanasan sa mga scam na ganyan. Halimbawa doon sa nahack na mga youtube accounts kung ang mga subscribers ng youtube channel na yun na hinack ay talagang maniniwala dahil akala nila iniindorse nung may ari ng youtube channel. Siguro ang maitutulong nalang natin dito ay mag warning na lang sa pamamagitan ng pag komento o kaya ay sa pagreport mismo kung ano mang platform ang hinack o ginagamit nila.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: maxreish on October 14, 2020, 10:20:27 AM
Madalas mabiktima dito yong mga nag uumpisa pa lamang matuto at baguhan  pa lang sa cryptocurrency na naghahangad ng dagdag kaalaman kung paano kumita through cryptocurrency. Madalas silang mahooked sa easy doubling giveaways. Wag sana magpapadala sa mga ganito. It is obviously and absolutely scam at ginagamit na naman ang name ng Ethereum founder Vitalik.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: erikoy on October 14, 2020, 10:34:24 AM
Meron pa rin talagang ma fall sa ganitong scheme. Sa atin ay hindi dahil alam natin to na scam pero sa mga bagohan na hindi pa masyado maraming alam sa cryptocurrency at ang alam lang nila na madali ang kumita ng pera dito ciguro papatulan nila ang mga ganitong scam na sa tingin nila ay isa rin itong madaling paraan para kumita. Maganda din naman kasi ang offer tingnan natin na kung mg send ka ng 2 eth magiging 4 eth ito sino ba naman ang hindi bagohan ang hindi magustan ang ganitong paraan para kumita? Pero kung may common sense sila hindi sila ma uuto sa ganitong paraan pwera na lng kung marami silang pera ang parang wala lang sa kanila ang mag try na mg send ng 2 eth para malaman kong totoo ang giveaways. 2 eth is malaki na rin yan cguro mga .2 eth yan pwede yan pang sampol.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: plvbob0070 on October 14, 2020, 10:45:54 AM
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman kung paano ito nangyayari at kung anong mga platform ang ginagamit ng mga scammers upang makapanloko ng iba. Hindi din dapat ipinagsasawalang bahala ang ganitong pangyayari lalo na at laganap ito, hindi lamang sa YouTube kundi maging sa Twitter at Telegram. Ang maaari nating gawin upang makaiwas sa ganitong klase ng scam ay ang maging mapanuri at mag conduct ng sarili nating research. Mas mabuti na maghanap pa ng ibang source na magpapatunay na legitimate yung giveaway. At, Para magkaroon kayo ng idea yung iba kung paano nila mapoprotektahan ang kanilang sarili sa iba't ibang klase ng fake giveaway scams, I suggest na basahin ito.

Link: How to protect yourself from fake giveaways. (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5222603.0)

Target talaga nila yung may maraming subscribers para mas madaming makakita at makapanood. Gaya nitong Thai YouTuber na kamakailan lang ay na-hack ang kanyang YouTube channel at gaya nung nangyari kay Dogie, napalitan din ang pangalan nito into "Live News" at ginawang private yung mga videos para magmukhang nadelete ang mga ito. At kahit madami na kilalang personalidad na ang nag file ng complaint sa YouTube dahil sa ganitong klase ng scam ay mapapansin na patuloy pa din ang paglaganap nito.

Source:
Code:
https://www.supercryptonews.com/bitcoin-scammer-hijacks-multiple-thai-youtube-channels/

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: peter0425 on October 14, 2020, 10:55:34 AM
Sandamakmak na talaga ang gumagamit ng Ethereum platform or Name para gamitin sa pang scam or hack,siguri dahil mas makatotohanan ang presyo ng Ethereum kaya mas madali paniwalaan kesa sa bitcoin na kalahating milyon ang halaga.

pasasaan ba at matututo na din ang lahat ng nasa internet business regarding sa mga possible hacks or scams.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: dothebeats on October 14, 2020, 01:45:29 PM
Suspetsa ko e similar lang ito sa mga Twitter hacking schemes na tinatarget ang mga sikat na personalities upang makapanggamit ng ibang tao at magpapasend ng x amount para dumoble. Ang nakakainis lang siguro sa ganitong schemes eh hindi kino-call out ng mga personalities na nakalagay sa gantong mga live video ang ganitong gawain, gaya na lang ni Vitalik. Personally sila dapat ang nagpapakalat na wag maniniwala sa ganitong klase ng mga schemes, pero silent sila sa issue na ito for the longest of time. Just one statement is enough, I think, dahil hindi pa rin maiiwasan na may ilang tao talaga na mag-sesend pa rin dahil nga akala nila ito ay totoo.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Baofeng on October 14, 2020, 11:00:06 PM

As far as taking action isa si Steve Wozniak na nag file ng kaso sa Youtube na pag allow platform na gamitin ang kanya litrato at imahe para makapag scam.

https://arstechnica.com/tech-policy/2020/07/woz-sues-youtube-over-bitcoin-giveaway-scam-videos-using-his-name/

At si Brad Garlinghouse rin ay sumunod.

https://www.coindesk.com/ripple-sues-youtube-for-allowing-scams-that-promise-free-xrp

Pero hindi natin sure kung may papatunguhan din tong mga kasong to.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: pilosopotasyo on October 15, 2020, 07:17:51 AM
Totoo nga na gasgas na yung mga technique nila para makapang scam pero tingin ko ang target talaga nila ay yung mga wala pang alam o karanasan sa mga scam na ganyan. Halimbawa doon sa nahack na mga youtube accounts kung ang mga subscribers ng youtube channel na yun na hinack ay talagang maniniwala dahil akala nila iniindorse nung may ari ng youtube channel. Siguro ang maitutulong nalang natin dito ay mag warning na lang sa pamamagitan ng pag komento o kaya ay sa pagreport mismo kung ano mang platform ang hinack o ginagamit nila.
Tama ka dyan, kaya kung yung newbie ay walang kilala na nasa Cryptocurrency na tiyak ma scam sya dyan, kung sa atin lang report agad yan dito sa Bitcointalk, halos magsawa na ako sa naparaming hacked Youtube account na ginagamit sa scam na airdrop pero habang nag popost sila report lang tayo ng report, kung hindi sila mag sawa di tayo magsawa rin.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: arwin100 on October 15, 2020, 09:57:42 AM
Suspetsa ko e similar lang ito sa mga Twitter hacking schemes na tinatarget ang mga sikat na personalities upang makapanggamit ng ibang tao at magpapasend ng x amount para dumoble. Ang nakakainis lang siguro sa ganitong schemes eh hindi kino-call out ng mga personalities na nakalagay sa gantong mga live video ang ganitong gawain, gaya na lang ni Vitalik. Personally sila dapat ang nagpapakalat na wag maniniwala sa ganitong klase ng mga schemes, pero silent sila sa issue na ito for the longest of time. Just one statement is enough, I think, dahil hindi pa rin maiiwasan na may ilang tao talaga na mag-sesend pa rin dahil nga akala nila ito ay totoo.

As far as taking action isa si Steve Wozniak na nag file ng kaso sa Youtube na pag allow platform na gamitin ang kanya litrato at imahe para makapag scam.

https://arstechnica.com/tech-policy/2020/07/woz-sues-youtube-over-bitcoin-giveaway-scam-videos-using-his-name/

At si Brad Garlinghouse rin ay sumunod.

https://www.coindesk.com/ripple-sues-youtube-for-allowing-scams-that-promise-free-xrp

Pero hindi natin sure kung may papatunguhan din tong mga kasong to.

Sa tingin ko walang patutunguhan ang kasong to dahil hindi naman si youtube ang nag upload o humanity Ng litrato nila at ang may kasalanan naman at yung mga identity theft na gumagamit ng kilalang personalised para makapang scam. Siguro ang magagawa ng youtube dyan is e moderate ang platform at tanggalin ang mga crypto currency giveaway videos dahil kadalasan Yun ang gumagamit na front ng mga scammer.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Lorence.xD on October 15, 2020, 11:39:23 AM
Kahit anong assumption pa natin at sabi na hindi ako magpapadala sa scam na yan, walang mangyayari. May maniniwala diyan at maniniwala, pinapatunayan nlang nila yung theory ni Charles Darwin na lahat ng mahihina ay mapagiiwanan. Minsan nakakapagod din talaga mag inform sa mga tao about sa scams and disinformation on the Internet, especially mga Pinoy alam natin at sana hindi lang ako na madaling matrigger ang mga Pinoy sa mga bagay sa Internet na sumasalungat sa paniniwala nila.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Asuspawer09 on October 15, 2020, 06:42:05 PM
It seems like effective ang mga live videos sa youtube ng mga crypto scammers since madalas ito ang ginagawa nila kapag nagpopromote ng mga scams project, giveaways etc.

I guess wala naman magririsk ng 5 ETH kung beginner ka lang sa cryptocurrency lalo na sa mga ganitong scams and 100 percent profit return in 1 week is a big sus, so kahit papano naman siguro magaalinlangan ang mga newbies sa ganitong deal. Wag lang maging greedy sa mga newbies for sure mababawasan ang mga nasscam dito kung hindi lang greedy ang ibang mga users or newbies na malaking madalas na sscam sa mga ganitong giveaways.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Baofeng on October 15, 2020, 11:08:35 PM
Suspetsa ko e similar lang ito sa mga Twitter hacking schemes na tinatarget ang mga sikat na personalities upang makapanggamit ng ibang tao at magpapasend ng x amount para dumoble. Ang nakakainis lang siguro sa ganitong schemes eh hindi kino-call out ng mga personalities na nakalagay sa gantong mga live video ang ganitong gawain, gaya na lang ni Vitalik. Personally sila dapat ang nagpapakalat na wag maniniwala sa ganitong klase ng mga schemes, pero silent sila sa issue na ito for the longest of time. Just one statement is enough, I think, dahil hindi pa rin maiiwasan na may ilang tao talaga na mag-sesend pa rin dahil nga akala nila ito ay totoo.

As far as taking action isa si Steve Wozniak na nag file ng kaso sa Youtube na pag allow platform na gamitin ang kanya litrato at imahe para makapag scam.

https://arstechnica.com/tech-policy/2020/07/woz-sues-youtube-over-bitcoin-giveaway-scam-videos-using-his-name/

At si Brad Garlinghouse rin ay sumunod.

https://www.coindesk.com/ripple-sues-youtube-for-allowing-scams-that-promise-free-xrp

Pero hindi natin sure kung may papatunguhan din tong mga kasong to.

Sa tingin ko walang patutunguhan ang kasong to dahil hindi naman si youtube ang nag upload o humanity Ng litrato nila at ang may kasalanan naman at yung mga identity theft na gumagamit ng kilalang personalised para makapang scam. Siguro ang magagawa ng youtube dyan is e moderate ang platform at tanggalin ang mga crypto currency giveaway videos dahil kadalasan Yun ang gumagamit na front ng mga scammer.

Yan din hinala ko eh unless talaga mag step in ang regulators at pwersahin ang Youtube o Google na higpitan otherwise papatawan sila ng malaking fines kung hindi nila malilinis ng mga scams ang bakuran nila or at least malimitahan ang mga nag appear na scams. Pero sa ngayon iba ang puntirya, katulad ng SEC, mga ICO's na nang scam ang inuuna nila dahil sangdamakmak din ang mga naging biktima at sa tingin ko bilyon bilyon din ang nadale sa mga investors kaya dun sila naka focus ngayon.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Debonaire217 on October 16, 2020, 10:00:38 AM
Masyadong halata na scam talaga ito, mayroon akong nabasa sa launch ng ETH 2.0, we are allowed to stake 32 ETH na makikita sa cointelegram (https://cointelegraph.com/explained/ethereum-20-staking-explained) which I can say na ito yung legit announcement regarding Ethereum. Hindi ka basta basta makakareceive ng airdrop of Eth but kailangan mong magparticipate sa pagmimina nito which is considerably naman na legit talaga. Though, mayroong mga project na nag papamigay talaga ng pera, kung talagang hindi scam ang project na iyon, hindi nila kailangan humingi ng ETH kapalit. Imagine what Uniswap does sa UNI airdrop.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: kotajikikox on October 17, 2020, 05:07:49 AM

Sa pag lilibot ko sa youtube ay biglang may ni-recommend nitong live at ito nga ay ang ethereum give away.
Sa mga baguhan pa lamang, iniiwasan natin ang mga ganitong klase ng scam.

na i recommend din sakin to recently pero binalewala ko lang since alam ko naman na scam,though mali pala ako dapat pala ikinalat ko sa mga kakilala ko at dito sa forum para mailigtas ang ibang tao lalo na mga mahihilig sa youtube.

Ano nga ba ang kadalasan nilang nilalagay sa mga ganitong bidyo para mang inganyo ng mga viewers at investors?
Ilan lamang ang mga ito sa mga gasgas na nilang nilalagay para mag promote ng scam.
  • This is safe
  • 100% secured
  • Can double/triple your investment
  • within a week cash back
  • We bring the name of elon musk

Ito ang youtube live kung nais nyo din i-report.
Code:
https://www.youtube.com/watch?v=IDYsqvmOJLg

Related topics :
Another Pinoy Vlogger Channel hacked after Dogie's case, Ripple Involved (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5277836.0)
Reported already mate and hope di ganon kadami ang naniwala at nabiktima nito.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: GDragon on October 17, 2020, 05:39:35 AM
Madalas na ako nakakakita ng mga ganto dati pa before pa ako fully na involve sa crypto world. Naalala ko kahit newbie ako nun e alam ko na agad na scam at hindi katiwa-tiwala yung ginagawa nila, kasi may mga ganyan ding galawan sa fiat e. Siguro yung mga nauuto nito e yung mga hayok talagang kumita ng pera at hindi masyado nag-iisip basta makakita na may chance kumita. Kahit newbie ka malalaman mo naman na peke e, lalo kung nagresearch ka pa. Sa sobrang dami nang ganyan sa youtube, hindi na nila ma-block kung ano yung scam sa totoo. Siguro wala din naman paki ang youtube basta nagbabayad sa kanila yung ads.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: ice18 on October 17, 2020, 08:23:43 AM
Yung ibang bago pa lang sa mundo ng crypto for sure nahuhulog pa rin sa mga ganyang klase ng scam sa YT lalo na mukhang totoo na LIVE pero replay lang naman ang galing nila gumawa ng ganyan parang totoo pero kahit siguro medyo matagal kana gumagamit ng crypto kung mapunta ka sa site nila tapos makita mo yung mga fake transactions na kala mo totoo bka maniwala ka den kawawa lang mga nagiging biktima dito bakit kaya hindi ito i flag-down agad ng YT halos daily meron ako nakikita na ganito.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: samputin on October 17, 2020, 09:16:23 AM
I'll be damned kung meron pa ring mga tao and na fafall sa mga gantong klaseng scam sa youtube. ~
Well, marami pa rin talagang ignorant na mga tao. So I think it's not that much surprising kung may mabiktima dyan sa ganyang scheme.  Although nakakalungkot nga lang 'cause despite the never ending reminders, they still choose to become a victim of such. Hindi pa din siguro nagsisink in yung kasabihan na, "If it's too good to be true, it probably is."

Channel reported, though. Still hoping na wala masyadong kumagat dyan.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Boov on October 17, 2020, 03:51:21 PM

Ganyan naman talaga ang kalaban gagawa ng paraan para makasira at makauto ng mga tao. At syempre dahil sa ginagawa ng mga lokong yan, mas marami na ang matatakot na sumubok sa crypto trading at mining ganun din sa pagiinvest kasi iisipin nila na lahat ng crypto related agendas ay scam. Kaya mas mabuti rin na tayo mismong mga crypto users ay magpalaganap rin ng positive thoughts about crypto world lalong lalo na sa mga kakilala natin para mabago yung mindset nila at makahikayat tayo ng new members.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: erikoy on October 17, 2020, 11:45:06 PM
Totoo nga naman na marami talaga ang scam sa cryptocurrency kahit pa nga yung ibang members dito sa forum gumagawa ng projects para sa crowdfunding eh wala naman nangyayari. Pinupuna natin ang nasa labas na mga scam eh kahit dito sa board natin ang dami na di kahit napuna ay pinabayaan na lang. Sa dami kasi nahihirapan ang mods sa pag verify at kahit na verify pa patuloy pa rin sila sa pag eescam dahil yun lang yung alam nila na madaling paraa para kumita. Sad pero totoo na mas mabigyan pansin pa natin ang scam sa labas kesa sa dito mimo nandito yung ulo ng scammers.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: NeilLostBitCoin on October 30, 2020, 08:04:22 AM

Yung iba naman kasi kaya sumasali sa mga project para makahanap ng mga prospect victims na pwede nilang malinlang at maloko. Kumabaga naghahanap sila ng mga taong alam nilang madali nilang madadale. Kaya dapat maging maingat tayo sa pagiinvest at pagtitiwala kasi even kakilala natin pwede tayong lokohin. Sa social media rin marami akong nakikita na biglang nagcocomment sa mga pages para manghikayat ng mga tao na sumali sa isang campaign at tumangkilik ng bitcoin pero di ko pa natry at wala akong balak kasi baka mamaya scam pala.

Title: Re: Cryptocurrency scam.
Post by: Astvile on October 30, 2020, 08:43:18 AM
I'll be damned kung meron pa ring mga tao and na fafall sa mga gantong klaseng scam sa youtube. tsaka it's surprising yung amount na "tao"(karamihan siguro ay bots) nanonood sa channel.
Surprisingly madami padin talagang nabibiktima ng ganto, usually mga newbies na panay hop in sa hype and sige lang ng sige tapos iiyak online kesyo ganto ganyan. Ilan naman is yung mga taong alam naman nilang too good to be true na sige padin, andun na yung sense pero tinutuloy padin nila kasi mga sabik sa easy money.

curious ako if live ba talaga yung interview na naka stream or replay lang? di ko kasi finafollow masyado mga interview ni vitalik kaya di ko alam kung live or replay lang. nag search kasi ako ng saglit at wala ako makitang ibang live video sa interview ni vitalik bukod sa channel na yan.

channel reported.
Madalas sa mga videos na gamit sa pangiiscam is either tampered/replay or edited. Minsan tricky din talaga i analyze at matukoy kung legit ba yung video, pero madali naman makaiwas sa ganto wag kalang masyado magfocus dun sa video kundi sa mismong context kung ano yung pinopromote nila.