Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: bitcoin31 on November 09, 2020, 10:31:44 PM

Title: My Plan if ever happens again ATH
Post by: bitcoin31 on November 09, 2020, 10:31:44 PM
Gusto ko lang ishare ang mga Plano ko kung sakaling matuloy ang ATH alam naman natin na marami sa mga crypto investors ang naghihintay na mangyari muli ang pinakamataas na value ng mga coin sa kasaysayan ng cryptocurrency. Kung maganap man ito 50 porsyento ng coin na hawak ko ngayon ay ibebenta ko for the security purposes na rin , the rest naman ay ang ihohold at iinvest sa mga project na alam kong makakatulong sa paglaro muli ng coins ko.

Sana rin sa mga may hawak ng malalaking coin diyan if ever na mangyari man ang ATH this year or kahit next year sana naman huwag ibenta lahat ang coins na hawak niyo bagkus ihold ang ilang poryento dahil alam naman natin na once makita ng mga investors na bumagsak ng bahagya ang presyo ng mga coins nagpapanic selling na sila agad kaya mas lalong nababa ang presyo nito na sana huwag ulit mangyari.

Kayo ang plano niyo kung sakaling maganap ang ATH?

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Baofeng on November 09, 2020, 11:20:02 PM
Sa akin continue lang ang accumulate kahit pa sats sats lang, konting kita sa signature campaign, konting panalo sa sugal hehehe and then sa trading. Natuto narin ako nung 2017, d ako nag ipon at ibenenta ko lahat. Kaya nasabi ko na mas mabuti siguro na hindi rin ako magbebenta sa susunod na ATH, kung 2021 o beyond. Basta hold muna lang kung kaya at sa susunod na ATH na ako magbebenta or at least yung projection ng 6 digits na ang presyo ng bitcoin.  ;D

Pero gusto ko yung kalahati lang ang ibenta nyo sa susunod na ATH, wag sagarin dahil pahirapan na talaga ang makaipon ng BTC.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Peanutswar on November 10, 2020, 03:11:49 AM
This is my first time na makaka abot sa ATH ng bitcoin and nakaipon nako ng ilang bitcoin galing sa mga signature campaign also with an investment through coins.ph, also nanalo din naman ako ng ilang laro sa gambling at trading im not a good player with these but still i have some earnings, and ito na nga waiting ako sa pag taas ng market price ng bitcoin and after ko ma reach ang tingin kong profit ko na ay balak ko nadin talaga mag sell halos lahat, pero dahil sa statement ni OP at Baofeng nag doubt tuloy ako, oo nga medyo mahirap na nga mag ipon ng bitcoin, this gives me an idea of sell 50% at invest 50%, I already bought some bitcoin sa market price palang ng 3k at 5k and I think good enough na to to earn profit.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: rhomelmabini on November 10, 2020, 03:52:12 AM
If we're talking about ATH kasunod talaga niyan bear season IMO lang naman. This is for the risks takers and have some risky appetites and this just a suggestion not an advice. What if you play it in futures trading? Well, hindi naman yung pinakamataas na leverage more on the long term one like 3x - 10x na hindi kataasan yung risks kung talagang risk taker ka you can do 15x above.

Plano ko lang Kung maganap man ang new ATH (sana 30k/BTC, lol) ay maglaan for trading at iba regalo ko narin sa sarili ko baka bumili ng gamit at pag ipunan na kasi mag apply sa trabaho ng magkaroon ng stable income, pisti kasi nitong COVID sana nga mawala na. By the way, this is some good news just recently about the vaccine for awareness: https://www.cnbc.com/2020/11/09/covid-vaccine-pfizer-drug-is-more-than-90percent-effective-in-preventing-infection.html

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: meanwords on November 10, 2020, 04:27:08 AM
To be honest, nag-sisimula na akong mag benta ng paunti-unti kahit hindi na ma reach ang ATH. Hindi mo din kasi masasabi kung ma rereach ba agad natin ang ATH ngayon, sa kasalukuyan kasi ay maganda ang presyo para magbenta lalo't malapit na ang pasko. So kaya kahit na ma reach man or hindi, may kita parin ako ngayon at may pang aginaldo pa.  ;D

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: mk4 on November 10, 2020, 06:55:56 AM
To continue stacking sats na parang as if walang nangyari sa price. Though all-time high price ang $20k, it's still really cheap compared to potential long-term price increases in my opinion.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: ralle14 on November 10, 2020, 07:15:49 AM
Kung papalo ulit ang bitcoin ng $20k ibebenta ko siguro 60% to 70% ng stash ko tulad ng dating ATH dahil may balak din ako bumili ng regalo. Tapos yung matitira itatabi ko muna at tulad ng nabanggit ni rhomel yung bear season hindi maiiwasan ang pagbaba ng presyo sa mga susunod na buwan. Once na dumating yung tamang oras bibilhin ko na lang ulit yung nabawas or dadahan dahanin ko yung pag buy back like once or twice a month if hindi bibigay yung presyo.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: peter0425 on November 10, 2020, 07:27:52 AM
sa bawat ATH meron siguradong parating an Correction at alam din nating lahat na ganyan ang trend ng crypto,dahil walang permanenteng pag taas lang,
siguradong bababa ulit ang presyo.

Kaya ako ang plano ko when time comes na ATH ulit?ibebenta ko lahat ng assets ko now at yong 25% ay magiging additional sa Real life business naming mag asawa,
10% ay mapupunta sa bank savings,at yong 15% ay para sa time deposit para sa mga anak ko.

The remaining 50% ay ipaghihintay ko ng tamang timing para i re invest at i hold ulit for the next Bull run.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: ice18 on November 10, 2020, 08:46:01 AM
Nice one OP medyo marami na rin akong na accumulate na low-cap tokens pero solid project which is sa bull run inaasahan ko ang ATH ng mga ito naka accumulate den ako sa pinakamababang price sa tingin ko kung hindi man mangyari ito this year I really hope na sa 2021 na talaga ang pinkaaasam natin na another bull run dahil sa taong ito sana makabangon na lahat sa pandemic at sa huling balita ko sa news e successful naman ang trials sa vaccine kagaya mo OP natuto naku I will definitely sell my crypto assets maybe mga 80% of my holding hindi ko na hihintayin ang bear nakakadala haha laki den talaga nawala sakin nung 2018 talo pa ang buong kita ko sa 5 years na sahod ko sa trabaho ko dati.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Astvile on November 10, 2020, 09:48:10 AM
Ako ioout ko agad 70% ng holdings ko if mareach na nag new ATH. Kasi for sure kasunod niyan bearish season nanaman and long term price correction katulad nung nangyare ng 2017-2018. Magtitira lang ako ng 30% in bitcoin balance para kung sakaling mapansin ko na parang stop na dun sa price na yon is oout ko na at di ako masyadong lugi..

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: bisdak40 on November 10, 2020, 10:52:46 AM
Kakainggit naman kayo ,ako as in walang hawak  pero shitcoin madami. Nasa huli tlaga ang pag sisisi,  kung naging matalino lng ako nung 2017 bullrun , hanggang ngayon sna may pera, ipon at may nakainvest n din. Pero hindi , sobrang tanga ko hinangad ko ung mas malaki, kaya ayun nung bumaba ang bitcoin , naubos lahat ng pinaghirapan ko.

Hindi pa naman huli ang lahat kabayan dahil sa tingin ko magkakaroon ulit ng ATH at bago pa man yon dumating kailangan na paunti-unti tayong mag-iipon ng coins para malanghap natin ang sarap ng bullrun  ;D.

Like some of the veterans here, nag-iipon na rin ako ng crypto galing sa signature campaign at saka profit na rin sa gambling  :).

Target ko makaipon ng 0.50BTC bago matapos ang taon pero parang hindi kakayanin dahil ang liit pa naiipon ko hehe.

Tanong ko lang mga kabayan, ano ang magandang altcoin beside Ether na magandang bilhin at i-hold, yong tipong may future ba. Share naman kayo dyan.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Adreman23 on November 10, 2020, 12:46:39 PM
Ang malaking tanong po ay kung hanggang saan papalo ang price ng bitcoin sa next  ATH kasi halimbawa na reach na ng bitcoin ang ATH price katulad noong 2017 ay hindi natin masasabi na eto na ang ATH ng price ng bitcoin at halimbawa nakabenta na tayo ng 50%  sa price na 20k usd yun pala ay nag 10x pa ang itataas ng bitcoin which is magiging 200k usd ang isang bitcoin na posible naman mangyari kung ebi base natin sa history price chart ng bitcoin. Siguro po ay nangingiti kayo sa estimate ko kasi masyadong mataas naman pero kung titingnan natin noong march 2017  mga nasa 50k pesos lang ang bitcoin pero pumalo ng mahigit isang milyon peso noong december 2017, limang buwan lang ang gap at ganoon na kalaki ang itinaas ng price ng bitcoin. Hindi naman po sa pagiging greedy pero sayang po ang bitcoin natin kung magbebenta tayo sa 20k usd at yung makakabili ng bitcoin natin ang kikita ng malaki sa bitcoin na pinaghirapan nating ipunin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: arwin100 on November 10, 2020, 01:01:53 PM

Walang sino man ang makakasagot nito dahil hindi natin alam kung hanggang san ang itatakbo nito dahil lahat naka depende sa demand kaya ipagdasal natin na walang balakid na dumating upang maging tuloy-tuloy ang pump na nararanasan natin ngayon at maabot narin ung nakaraang ATH na pinaka hihintay natin. At tiyak mapapangita pa tayo lalo kung tumaas man ang presyo kagaya noong 2017 at may balanse pa tayong naimbak. Pero ung mga hindi nakapag handa ay tiyak mapapa sana all nalang kapag naabot na naman ni bitcoins ang panibagong ATH nito.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: plvbob0070 on November 10, 2020, 02:31:56 PM
Kung mahihit ulit ang ATH siguro magsesell ako kahit paano sa aking mga holdings at yung matitira ay patuloy ko lang ihohold or gagamitin sa investment at trading. Gagamitin ko nalang pangpuhunan sa magulang ko yung mga isesell na portion sa aking portfolio para may pandagdag kita at tulad ng sinabi ng iba ay bibili rin ako ng pang regalo sa sarili tulad ng magandang computer set up. Sa ngayon magdadagdag pa ako sa mga holding para pagnangyari talaga yung ATH magiging mas maganda ang kikitaain ko at sana tumuloy-tuloy na ang pag-angat ni bitcoin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Asuspawer09 on November 10, 2020, 05:58:32 PM
Siguro, pagpapatuloy ko lang ang pagsasaving ko sa Bitcoin hanggang kailanganin sa ATH. Since wala naman akong paggagastusan pa ng Bitcoin and most of the time kahit ung sahod ko sa campaign ay di ko din nagagalaw.

Probably, save lang ng save at bawas sa gastos dahil umaangat ang presyo ng bitcoin masmalaki ang chance na magkaprofit, will sell 50% of my saving kung sakaling makaabot ATH and magaabang nalang ulet kung tuloy tuloy pa ba ang pagangat kahit lagpas na sa ATH.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: molsewid on November 10, 2020, 06:08:22 PM
Convert nako pag nag ATH pero siguro kalahati lang din or mga 3/4 ng aking hawak ngayon. Hirap nadin kasi mag ipon ng bitcoin sa panahon ngayon kaya hindi ko icoconvert lahat para narin pag mas tumaas pa may maconvert pa ako. Pinagsisisihan ko mga panahong dati napakamura ng bitcoin hindi ko man lang naisipang mag ipon pero sana makaipon pa muna ng maraming bitcoin ngayon bago umangat pahirap na ng pahirap mag ipon habang tumataas ang presyo nito.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Baofeng on November 10, 2020, 10:59:07 PM
This is my first time na makaka abot sa ATH ng bitcoin and nakaipon nako ng ilang bitcoin galing sa mga signature campaign also with an investment through coins.ph, also nanalo din naman ako ng ilang laro sa gambling at trading im not a good player with these but still i have some earnings, and ito na nga waiting ako sa pag taas ng market price ng bitcoin and after ko ma reach ang tingin kong profit ko na ay balak ko nadin talaga mag sell halos lahat, pero dahil sa statement ni OP at Baofeng nag doubt tuloy ako, oo nga medyo mahirap na nga mag ipon ng bitcoin, this gives me an idea of sell 50% at invest 50%, I already bought some bitcoin sa market price palang ng 3k at 5k and I think good enough na to to earn profit.

Napakahirap talaga lalo na nitong halving at sa susunod na dalawa pang halving, kaya nga natuto na ako nung 2017, kaya ang goal ko talagang mag ipon kahit pa sats lang malaking bagay na rin yan sa future, lalo na kung medyo bata bata pa dyan. Wala naman masama na magbenta para makita ang kinita o kaya may bibilhin kayo (kotse, bahay, hehehe), then reserved ulit ang 50%, then ipon. Sa experience ko kasi mahirap sagarin at mawalan ng bitcoin sa wallet.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: In the silence on November 10, 2020, 11:07:47 PM
Ang malaking tanong po ay kung hanggang saan papalo ang price ng bitcoin sa next  ATH kasi halimbawa na reach na ng bitcoin ang ATH price katulad noong 2017 ay hindi natin masasabi na eto na ang ATH ng price ng bitcoin at halimbawa nakabenta na tayo ng 50%  sa price na 20k usd yun pala ay nag 10x pa ang itataas ng bitcoin which is magiging 200k usd ang isang bitcoin na posible naman mangyari kung ebi base natin sa history price chart ng bitcoin. Siguro po ay nangingiti kayo sa estimate ko kasi masyadong mataas naman pero kung titingnan natin noong march 2017  mga nasa 50k pesos lang ang bitcoin pero pumalo ng mahigit isang milyon peso noong december 2017, limang buwan lang ang gap at ganoon na kalaki ang itinaas ng price ng bitcoin. Hindi naman po sa pagiging greedy pero sayang po ang bitcoin natin kung magbebenta tayo sa 20k usd at yung makakabili ng bitcoin natin ang kikita ng malaki sa bitcoin na pinaghirapan nating ipunin.
depende naman sa tao kung paanong management ang gagawin nila sa mga digital assets nila, tama lahat ng nabasa ko.

Para sakin kung meron man ako, mas maganda mag hodl talaga ng ilang years eh, take profit lang then invest sa iba ulit.

Literal na natuto naman ang lahat sa nakaraan, sana makaipon tayong lahat at walang mapag-iwanan. :)

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: lienfaye on November 11, 2020, 01:55:33 AM
Nung nkaraang bullrun ang naging diskarte ko kalahati lang ang binenta ko kasi mas naghangad pa ko ng mataas na price pero hindi naman nangyari. Pagpasok ng 2018 unti-unti sya bumaba at nagkaron ako ng panghihinayang na hindi ko pa tinake advantage at binenta lahat.

Kung sakali man na maabot ulit natin ang ATH sa btc at altcoins ang plan ko ay ibenta lahat. Dont get me wrong pero yun ang way na naisip ko para ma maximize yung profit na matagal kong hinintay. Then mag buy back ako once bumaba na ang price. Hindi kasi natin malalaman kung hanggang saan ang itataas ng value ng mga coins kaya mas mabuting magdesisyon na alam mong wala ka pagsisihan dahil kumita ka naman.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: maxreish on November 11, 2020, 02:15:40 AM
Sa akin continue lang ang accumulate kahit pa sats sats lang, konting kita sa signature campaign, konting panalo sa sugal hehehe and then sa trading.

 Pareho tayo, bro. Since 2018 pa ako nag iipon at naghohold. Yong tamang kita lang din sa trading at gambling ay  iniipon ko din. At kung sakali mang ma reach natin ang ATH, kung papalarin na tumubo ng malaki, of course yong tubo muna ang i coconvert at magtitira pa din ng panghold.
 
 Yong iba nga ay mag cashout ng buo sa holdings nila ng coins at aantayin nilang bumaba para makabili ulit, ako naman ay unti unti lamang din nagbabawas sa hold btc ko kada pump.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: pealr12 on November 11, 2020, 08:59:23 AM
Nung nkaraang bullrun ang naging diskarte ko kalahati lang ang binenta ko kasi mas naghangad pa ko ng mataas na price pero hindi naman nangyari. Pagpasok ng 2018 unti-unti sya bumaba at nagkaron ako ng panghihinayang na hindi ko pa tinake advantage at binenta lahat.

Kung sakali man na maabot ulit natin ang ATH sa btc at altcoins ang plan ko ay ibenta lahat. Dont get me wrong pero yun ang way na naisip ko para ma maximize yung profit na matagal kong hinintay. Then mag buy back ako once bumaba na ang price. Hindi kasi natin malalaman kung hanggang saan ang itataas ng value ng mga coins kaya mas mabuting magdesisyon na alam mong wala ka pagsisihan dahil kumita ka naman.
kung pwede nga lng balikan ung nakaraan para maitama ung maling ginagawa ko gagawin ko tlaga. Mukhang babaunin ko hanggang sa pagtanda ko ung pagkakamaling iyon. Sna bigyan ulit ako ng blessing ng panginoon.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: erikoy on November 11, 2020, 03:57:20 PM
Mahirap ba talaga bumili ng bitcoin kung sakali mgkaroon ng ATH? Sa tingin ko ang mangyayari kasi babagsak ang presyo ng bitcoin malamang at itoy mgkakaroon ng cycle kung saan makikita na naman natin ang pinakamababang presyo ng bitcoin. Ito siguro ang pinakainam na panahon kung mg invest ng bitcoin. Alam namn natin na sa lahat ng crypto sa market ang bitcoin lang talaga ang may pinakamalaking market cap at ito ay patunay na ang bitcoin ang pinakamainam na crypto investment.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: dothebeats on November 11, 2020, 04:27:41 PM
Meron akong sizable holdings way back 2017 na naipon ko from 2014. Maraming lows at umabot pa nga sa $190 per coin noon.  Ang ginawa ko ay binenta ko lahat at nagtayo ng isang business, kasama pa ang ilang holdings sa ilang stocks na ngayon eh kapatid ko na ang nagmamanage. Perhaps isa siya sa best decision na nagawa ko dahil ramdam ko ang financial freedom ngayon. Sa tingin ko ay ganun din ang gagawin ko ngayon kung sakali mang umabot muli sa ATH ang coin, at bibili na lang ulit pagkatapos humupa ng presyo. Rinse and repeat, ika nga, at napapaikot ko namang mabuti ang coins na naibebenta ko sa tuwing nag ca-cash out ako.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: serjent05 on November 11, 2020, 07:45:53 PM
Gusto ko lang ishare ang mga Plano ko kung sakaling matuloy ang ATH alam naman natin na marami sa mga crypto investors ang naghihintay na mangyari muli ang pinakamataas na value ng mga coin sa kasaysayan ng cryptocurrency. Kung maganap man ito 50 porsyento ng coin na hawak ko ngayon ay ibebenta ko for the security purposes na rin , the rest naman ay ang ihohold at iinvest sa mga project na alam kong makakatulong sa paglaro muli ng coins ko.

Sana rin sa mga may hawak ng malalaking coin diyan if ever na mangyari man ang ATH this year or kahit next year sana naman huwag ibenta lahat ang coins na hawak niyo bagkus ihold ang ilang poryento dahil alam naman natin na once makita ng mga investors na bumagsak ng bahagya ang presyo ng mga coins nagpapanic selling na sila agad kaya mas lalong nababa ang presyo nito na sana huwag ulit mangyari.

Kayo ang plano niyo kung sakaling maganap ang ATH?

Same here but I think magbebenta ako ng 75% ng holdings ko, then wait ako na bumagsak ulit ang presyo at ibibili ko yung 50% ng napagbentahan ko.  That way nakakuha na ako ng panggastos posibleng mabawi ko pa ang ibinenta ko.  Hindi ko lang talaga nagawa itong plan na ito noong 2017 dahil unexpected na babagsak ng ganun kababa ang cryptocurrency.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: chaser15 on November 11, 2020, 09:55:11 PM
Since na-experience ko na at ng ilan dito ang feeling under the ATH last 2017, mas magiging wise na ako sa pakikipaglaro sa mga whales at speculation.

No doubt, sa sobrang expectation last 2017, hold until kaya pa ng damdamin ang nangyari kaya inabot ng 2018 ng di pa rin nagbebenta then suddenly the worst happened which is global bleeding ng lahat ng crypto coins.

Kaya mas magandang strategy na this time para ma-take advantage ang high price while may pangbala pa rin just in case mag sold ako ng maaga.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: finaleshot2016 on November 12, 2020, 03:08:27 AM
For me, siguro ibebenta ko nalang din lahat once na malagpasan yung ATH. Last 2017 kasi, unti lang din ang naipundar kong profit dahil puro altcoins lang ang meron ako non dati kaya gusto kong bumawi this time. Di naman ako hardcore na trader at need ko rin ng profit for my review so ayun, I'll guess ibebenta ko fully then bibili nalang ulit incase na bumaba ulit ang cryptocurrency next year. Hindi na ako manghihinayang if nag-exceed lalo ang price value ng cryptocurrency dahil nakapag-ipon na rin from $5k pa value until now.

Natuto naman na tayo nung bull run 2017, kaya may iba iba tayong way kung paano natin ihahandle ang BTC especially right now, pandemic at may bagyo pa. We need income para lang maka-survive ngayong taon dahil sobrang lala ng mga nangyayari this year, yung profit ko sa BTC, yun nalang makakapagsalba.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Janation on November 12, 2020, 04:28:18 AM
Continue what Im doing, I guess.

Ngayong pandemic and this last quarter kung saan parang family reunion ng mga bagyo, kelangang-kelangan talaga ng extra income and wala akong choice kundi ang gamitin ang porsyento ng kinikita ko sa signature campaign. Wala din akong magawa so even if magcontinue ang pagakyat ng presyo, I will continue using some percentage of it.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: harizen on November 12, 2020, 05:59:40 AM

No specific plan, iba-iba siguro depende sa sitwasyon.

Ganoon pa rin as usual, kung ano ang nakasanayan, magbebenta ako based sa kung paano ko nakikita ang sunod na mangyayari. Factor din kung kailangan ko talaga mag-withdraw. Tutal nagdaan naman na ako sa last ATH, may mga steps na rin akong kinoconsider na gawin.

Hitting another ATH might take time kahit pa sabihin na nasa bull run tayo. Pero mas maganda na iyong ganitong di agad-agad at baka magkaroon lang ng replay ng 2018. Iba pa rin na aside from hype, makapagestablished muna tayo ng resistance per level. Pero kung mangyari man na ma-hit ang ATH agad-agad, goods na rin at marami ang nangangailangan.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: lienfaye on November 12, 2020, 08:30:24 AM
Nung nkaraang bullrun ang naging diskarte ko kalahati lang ang binenta ko kasi mas naghangad pa ko ng mataas na price pero hindi naman nangyari. Pagpasok ng 2018 unti-unti sya bumaba at nagkaron ako ng panghihinayang na hindi ko pa tinake advantage at binenta lahat.

Kung sakali man na maabot ulit natin ang ATH sa btc at altcoins ang plan ko ay ibenta lahat. Dont get me wrong pero yun ang way na naisip ko para ma maximize yung profit na matagal kong hinintay. Then mag buy back ako once bumaba na ang price. Hindi kasi natin malalaman kung hanggang saan ang itataas ng value ng mga coins kaya mas mabuting magdesisyon na alam mong wala ka pagsisihan dahil kumita ka naman.
kung pwede nga lng balikan ung nakaraan para maitama ung maling ginagawa ko gagawin ko tlaga. Mukhang babaunin ko hanggang sa pagtanda ko ung pagkakamaling iyon. Sna bigyan ulit ako ng blessing ng panginoon.
Ganun talaga ang pagsisisi laging nasa huli pero dont feel bad about it kase meron pang darating na opportunity, at pag dumating yon grab na agad.

Wag mo masyado dibdibin yung nangyari sa nakaraan hindi na rin natin maibabalik yun, move forward na lang tayo pero this time maging wise na at dapat planado ang bawat desisyon na gagawin para walang regrets.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: NavI_027 on November 12, 2020, 10:05:02 AM
Sana rin sa mga may hawak ng malalaking coin diyan if ever na mangyari man ang ATH this year or kahit next year sana naman huwag ibenta lahat ang coins na hawak niyo bagkus ihold ang ilang poryento
Buti sana kung umabot man lang yung coins ko before the possible ATH by the end of this year, kaso wala na! Naiconvert ko na lahat sa php at nakikita ko ring paubos na eventually huhuhu. Kapag minamalas ka nga naman, nataon pa na sobra akong nagipit sa pera dahil lamang sa delay na pagbigay ng sahod. I'm very disappointed to what I've done but on the other side I think that's the wisest decision. Ayoko naman kasi magkanda utang utang para lang magkaroon ng allowance. Peace of mind still matters the most for me :D.

Kay mga kabayan, huwag niyo ako tularan as much as possible. Kung kaya naman maghigpit ng sinturon para mapreserve ang coins niyo eh gawin niyo. Lahat tayo matagal na hinintay ang bull run na ito so you should make the most of it. Siguro subok na lang ako ulit next year once bumaba ang price. Good luck sa inyong lahat.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: mk4 on November 12, 2020, 04:14:10 PM
Mahirap ba talaga bumili ng bitcoin kung sakali mgkaroon ng ATH?
Mahirap in what way?

Sa tingin ko ang mangyayari kasi babagsak ang presyo ng bitcoin malamang at itoy mgkakaroon ng cycle kung saan makikita na naman natin ang pinakamababang presyo ng bitcoin. Ito siguro ang pinakainam na panahon kung mg invest ng bitcoin.
Madaling sabihin in theory na bumili nalang pag bumagsak ang presyo. Pero ang tanong, kelan ang bagsak? Hanggang saan ang bagsak? Gaano katagal ito babagsak? Mga tanong na walang makakasagot kundi oras lamang.

Famous investing quote: "time in the market beats timing the market". Check it out yourself kung bakit DCA ang one of the best options: https://dcabtc.com/

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: goinmerry on November 12, 2020, 10:42:38 PM
Malalaman ko lang ang aking gagawin pag naabot na ulit ni BTC ang panibagong ATH. Pero di ko naman masyadong ieexpect yan.

Ang importante is stick lang sa pag-accumulate no matter what.

Bear or bull, iba pa rin kapag may hawak. Not just in crypto pati na rin sa ating mga fiat savings.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Westinhome on November 12, 2020, 10:43:29 PM
Sa akin lang naman siguro pag hatiin ko lang muna para pag hold at pagbibili ng ibat ibang coins na pwede akong kumita pag dating pag angat nito or di kaya katulad din ng iba na magbibinta din kaunti para din naman may handa rin sa pasko at may pang regalo sa mahal natin sa buhay. Kasi minsan lang ito mangyayari sa isang taon kaya sulitin nalang rin natin at para din naman ito sa ikakasiya sa atin at sa pamilya na rin natin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Kong Hey Pakboy on November 13, 2020, 05:27:46 AM
Sa papalapit na pagdating ng ATH ulit ng bitcoin, ang plano ko naman ay ibenta ang 50% or 70% ng aking bitcoin upang may magamit ako sa oras ng pangangailangan dahil matik na siguro na karamihan sa may mga hawak ng bitcoin ay magsisibentahan kapag tumaas ang presyo nito. Habang ang matira kong holdings sa akin wallet ay iiwan ko lamang ito para may na-iinvestment parin ako sa bitcoin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Vaculin on November 13, 2020, 02:05:11 PM
Parang wala naman akong plan. hahaha..

nasa altcoins kasi ang pera ko, so kung mag ATH tapos hindi naman affected ang altcoins, so parang wala pa rin, boring pa rin ang life ko..
Last bull run kasi naka pag invest ako sa altcoins, kasi ayun nga nag dump, hindi pa rin naka recover until now, so hoping itong bull run na darating ay mag dulot ng positive effect sa mga altcoins natin, kung mangyayari yan, syempre dump all na ako. cash out na.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: john1010 on November 14, 2020, 03:34:36 PM
Ito ang pinakamasap na pangyayari sa mga crypto holders and traders, siguro para sa akin kapag nangyari uli ito, yung kalahati ng kita ipang business ko at yung kalahati lalaruin ko sa trade, tagal na rin natin naghihintay ng ATH sa mga holdings natin, kaya nga ako naniniguro na rin ako na yung mga nasa top 100 sa CMC na lang ang inaalagaan ko, dahil yung mga bagong salta na coin/token eh karamihan eh hype lang.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: acroman08 on November 15, 2020, 11:14:31 AM
Kayo ang plano niyo kung sakaling maganap ang ATH?
gaya ng halos lahat saatin ay I eexchange ko majority ng bitcoin na naipon ko to get a nice profit from it at kung babagsak man ulit ang bitcoin sa affordable na price(para sakin) di na ko mag dadalawang isip na bumili. since nang hihinayang ko pa rin na hindi ako bumili nung bumagsak yung presyo ng bitcoin nung 2018 after ko makakuha ng malaking profit sa pag hohold ng bitcoin na binili ko nung early months ng 2017.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: bL4nkcode on November 15, 2020, 12:58:52 PM
Well, hodl lang, and continue pag accumulate ng bitcoin kahit pakunti kunti (stacking sats). If ever man na ma reach ule ATH then its time to sell, kahit 75% lang ng meron ako, wag lahat. This is a lesson from my past ATH experience, na di nakapag sell while nasa $20k pa yung value ni BTC dahil sa naniniwala na tataas pa ito hanggang sa bumaba na at bumaba pa value ><.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: tukagero on November 15, 2020, 03:54:10 PM
Cguro pag naabot ni btc ung panibagong ATH ibebenta ko ung 40% at ililipat sa altcoins kasi pagtapos ng bitcoin, altseason n ung susunod, sa tingin niyo anong altcoins ung magboboom pagtapos ni btc? Ung mura lng ah at ung altcoins n parecover pa lng.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: GDragon on November 15, 2020, 06:36:24 PM
Siguro kung mag ath ngayon, ang gagawin ko ay kuhain lahat ng btc ko muna. Meron kasi akong pagkakagastusan in the near future kaya hindi ko muna magagawang maghintay ulit at mag continue sa pag stack, kung maabot ang ath at mag umpisang bumaba ulit, doon nalang ulit ako maguumpisang mag ipon. Basta ngayon sure ako na kukunin ko lahat.

Kapag nakaluwag-luwag, mag-iipon ako at mag-aantay ng mas matagal pa lalo dahil sa nakikita kong future ng bitcoin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: manfredmann on November 16, 2020, 12:27:01 AM
Kung meron akong btc holding ay isa lang ang pwde kung gawin at yun ay e benta lahat ng ito kung pagkakataong mgkaroon ng ATH or kahit na hindi ATH kasi mahirap dn mg predict kung kailan ang ATH at kung magkano ang presyo na masasabing yun na nga ang ATH.
Tama rin naman ang OP sa kanyang sinabi pero dahil sa aking palagay ang mga tao ay iniisip ang bitcoin as investment kaya marami ang mgbenta at biglang bababa ang presyo ng bitcoin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: pilosopotasyo on November 16, 2020, 02:26:30 AM
Gusto ko lang ishare ang mga Plano ko kung sakaling matuloy ang ATH alam naman natin na marami sa mga crypto investors ang naghihintay na mangyari muli ang pinakamataas na value ng mga coin sa kasaysayan ng cryptocurrency. Kung maganap man ito 50 porsyento ng coin na hawak ko ngayon ay ibebenta ko for the security purposes na rin , the rest naman ay ang ihohold at iinvest sa mga project na alam kong makakatulong sa paglaro muli ng coins ko.

Sana rin sa mga may hawak ng malalaking coin diyan if ever na mangyari man ang ATH this year or kahit next year sana naman huwag ibenta lahat ang coins na hawak niyo bagkus ihold ang ilang poryento dahil alam naman natin na once makita ng mga investors na bumagsak ng bahagya ang presyo ng mga coins nagpapanic selling na sila agad kaya mas lalong nababa ang presyo nito na sana huwag ulit mangyari.

Kayo ang plano niyo kung sakaling maganap ang ATH?

Magbebenta rin ako pag nagkaroon uli ng all time high pero maliit na porsyento lang ang ibebenta ko mga 10% lang, oobserbahan ko kung tataas pa o bababa katulad nang nangyari nung nakaraang all time high na biglang bumagsak pa derecho and price.

Oobserbahan ko kung ang all time high na ito ay iba o katulad din o magkakaroon tayo ng mga miles stone sa price, di natin dapat ibenta lahat kasi biglang babagsak din ang market pag ganon ang ginawa natin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Vaculin on November 16, 2020, 05:11:36 AM
Siguro kung mag ath ngayon, ang gagawin ko ay kuhain lahat ng btc ko muna. Meron kasi akong pagkakagastusan in the near future kaya hindi ko muna magagawang maghintay ulit at mag continue sa pag stack, kung maabot ang ath at mag umpisang bumaba ulit, doon nalang ulit ako maguumpisang mag ipon. Basta ngayon sure ako na kukunin ko lahat.

Kapag nakaluwag-luwag, mag-iipon ako at mag-aantay ng mas matagal pa lalo dahil sa nakikita kong future ng bitcoin.

Basta kung ano ang plano mo gawin mo, mas maigi na mag plano talaga para hindi ka na mahirapan pagdating ng bull run, baka mag iba pa ang isip mo, alam naman natin yung hype ng FOMO at yung hold, yang mga bagay or salita na yan ang nagbigay problema sa akin sa nakaraang bull run kaya medyo naparami ang hold ko which is almost worthless na now.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Bitkoyns on November 17, 2020, 10:50:49 AM
Matagal tagal na din since walang malaking paggalaw sa presyo. Matagal akong nawala sa forum ang huling presyo ng btc bago ako maging busy sa buhay ay wala pa atang 10k kung di ako nagkakamali, pero kahit papano maganda ganda na pala ulit ang presyo. Plano ko kung makakuha ako ng bonus sa trabaho invest ko na lang sa btc kung sakali at paikutin ito sa trading kahit papano.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: ice098 on November 17, 2020, 01:26:17 PM
Matagal tagal na din since walang malaking paggalaw sa presyo. Matagal akong nawala sa forum ang huling presyo ng btc bago ako maging busy sa buhay ay wala pa atang 10k kung di ako nagkakamali, pero kahit papano maganda ganda na pala ulit ang presyo. Plano ko kung makakuha ako ng bonus sa trabaho invest ko na lang sa btc kung sakali at paikutin ito sa trading kahit papano.
Maganda talaga na kahit papano may bitcoin kang tinatabi para sa future, para tad ngayon pataas yung bitcoin kahit papaano isa ka sa ag aantay na mas tumaas pa bitcoin, kung ako sayo bili ka na ng kaunti ngayon tapos iscalp mo na lang malay mo madagdagan pa di ba. kaya go lang di pa naman nag ath eh.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: abel1337 on November 17, 2020, 07:45:15 PM
Gagawin ko siguro yung ginawa ko nung ATH noong 2017, Yun ay ang pag hati hati ng pag sell ko sa mga nag hold kong BTC. Ang target ko ngayong taon if ever man na ma hit ng bitcoin ang $20000 mark ay ibebenta ko ang 1/3 ng hodlings ko and mag observe ulit para makagawa ng conclusion at dapat gawin. Masyadong mabilis ang galaw ng bitcoin ngayon nasa 17k mark na siya and pwede pa ito tumaas sa mga susunod na araw.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: chaser15 on November 17, 2020, 10:36:34 PM
Glad to hear n meron p ring mag iinvest sa bitcoin, sna sir makahabol ung iinvest mo bago mag ath uli si bitcoin, 17k going 20k by the end of this month cguro to. Grats sa mga may hold ng bitcoin laking profit n yan.

Meron at meron yan kabayan. Di tataas ang bitcoin price kapag walang bibili sa current price.

Ibig sabihin, di lang $20,000 ang expected value kaya marami ang nag-eentry.

Grabe ang buying level if titingnan sa recent chart in 24H, 48H timeframe. Di malabong mahit ang another ATH bago pa man mag December kung magtutuloy-tuloy. Pero mas maganda maging kalmado na muna kahit 1 week for support purpose tapos arangkada na ulit.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: mk4 on November 29, 2020, 03:04:13 AM
kaya nga ako naniniguro na rin ako na yung mga nasa top 100 sa CMC na lang ang inaalagaan ko, dahil yung mga bagong salta na coin/token eh karamihan eh hype lang.

If anything, kahit kung sa top 100 CMC ang pinag uusapan natin, siguro 90/100 ng mga projects sa top 100 e hype lang. Wag nating kakalimutang nasa top 3 parin ang XRP.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: cheezcarls on November 29, 2020, 12:15:17 PM
Yung pinaka mistake ko talaga nung previous all-time high ni Bitcoin at ibang cryptocurrencies is being “too much greed” of holding them. Yung mindset nila dapat hold dahil subrang bilib ako sa lahat ng mga altcoins na kinita ko sa airdrop at bounty. Dapat pala nung early 2018 pa lang I could have sold them dahil grabe na bear market noon. In the end, maliit lang na receive ko dahil sa subrang dump ng market. Kaya as we are on our way ulit sa all-time high, when project resistance was reached at saka ma reject no matter if Bitcoin o altcoin, I would immediately sell profit (pag promising ang project) or benta them all (pag wala na talaga direksyon ang project).

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Asuspawer09 on November 29, 2020, 01:08:33 PM
Gusto ko lang ishare ang mga Plano ko kung sakaling matuloy ang ATH alam naman natin na marami sa mga crypto investors ang naghihintay na mangyari muli ang pinakamataas na value ng mga coin sa kasaysayan ng cryptocurrency. Kung maganap man ito 50 porsyento ng coin na hawak ko ngayon ay ibebenta ko for the security purposes na rin , the rest naman ay ang ihohold at iinvest sa mga project na alam kong makakatulong sa paglaro muli ng coins ko.

Sana rin sa mga may hawak ng malalaking coin diyan if ever na mangyari man ang ATH this year or kahit next year sana naman huwag ibenta lahat ang coins na hawak niyo bagkus ihold ang ilang poryento dahil alam naman natin na once makita ng mga investors na bumagsak ng bahagya ang presyo ng mga coins nagpapanic selling na sila agad kaya mas lalong nababa ang presyo nito na sana huwag ulit mangyari.

Kayo ang plano niyo kung sakaling maganap ang ATH?

Mahirap iassume ang market pero siguro kung maabot ang ATH malaki ang chance na malagpasan pa ang ATH ng market at malaking profit pa ang maaaring maearn.

Kumpara noong 2017 ngayong 2020 ay limited ang supply at dahil na rin sa bitcoin halving, kaya malaki ang chance na malagpasan ang ATH.

It might take a long time pa rin, mahirap din iasume na ngayong 2020 na mangyayari ang ATH, pweding next year or after 2-3 years at magstay lang around 15k$-20k$ ang presyo.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: Cling18 on November 29, 2020, 01:13:18 PM
Yung pinaka mistake ko talaga nung previous all-time high ni Bitcoin at ibang cryptocurrencies is being “too much greed” of holding them. Yung mindset nila dapat hold dahil subrang bilib ako sa lahat ng mga altcoins na kinita ko sa airdrop at bounty. Dapat pala nung early 2018 pa lang I could have sold them dahil grabe na bear market noon. In the end, maliit lang na receive ko dahil sa subrang dump ng market. Kaya as we are on our way ulit sa all-time high, when project resistance was reached at saka ma reject no matter if Bitcoin o altcoin, I would immediately sell profit (pag promising ang project) or benta them all (pag wala na talaga direksyon ang project).

We have the same experience. Greed din ang nagdala sakin ng malaking kalugihan. Masyado akong nagexpect ng sobra sa ATH noon sa pagaakalang mas tataas pa ang presyo ng mga coins na hawak ko hanggang sa ang iba ay nawalan na ng value. Dko manlang naiapply ang basic strategy na buy low sell high dahil sa pagkagreedy ko noon. Well, lesson learned na din. Lahat naman siguro tayo ay dumaan sa ganun bago mabago ang mindset natin.

Title: Re: My Plan if ever happens again ATH
Post by: cola-jere on December 02, 2020, 04:41:40 AM
Gusto ko lang ishare ang mga Plano ko kung sakaling matuloy ang ATH alam naman natin na marami sa mga crypto investors ang naghihintay na mangyari muli ang pinakamataas na value ng mga coin sa kasaysayan ng cryptocurrency. Kung maganap man ito 50 porsyento ng coin na hawak ko ngayon ay ibebenta ko for the security purposes na rin , the rest naman ay ang ihohold at iinvest sa mga project na alam kong makakatulong sa paglaro muli ng coins ko.

Sana rin sa mga may hawak ng malalaking coin diyan if ever na mangyari man ang ATH this year or kahit next year sana naman huwag ibenta lahat ang coins na hawak niyo bagkus ihold ang ilang poryento dahil alam naman natin na once makita ng mga investors na bumagsak ng bahagya ang presyo ng mga coins nagpapanic selling na sila agad kaya mas lalong nababa ang presyo nito na sana huwag ulit mangyari.

Kayo ang plano niyo kung sakaling maganap ang ATH?

1. Set a target price dun sa mga tokens or coins mo. Create a price projection spreadsheet na pag na hit itong price na ito, at ilang % ang pwede mo i-sell. Pag wala kang exit strategy, matatangay ka ulit pababa ng merkado pag bumagsak. Kung DCA ang buy strategy mo, dapat exit or sell strategy mo DCA din, hindi biglang benta. Parang kung tumaas pa ng tumaas, pwede ka pa mag sell. Never sell all you positions, pero nag a-unload ka rin ng bags mo, kasi iba talaga crypto.

2. Use stablecoins! Eto ang hindi ko nagawa ng 2017-2018. Kelangan i-protect mo value ng portfolio mo. Kung wala ka namang immediate need dun sa crypto mo at na hit na nya yung price na gusto mo, convert to USDT, USDC or TUSD then transfer sa wallet that you own the priv key. Protect your gains.