Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: AicecreaME on November 14, 2020, 05:04:48 AM

Title: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: AicecreaME on November 14, 2020, 05:04:48 AM
I assume that all of you guys here knows about what's happening in Isabela and Cagayan right now. I'm just here simply seeking help of you guys for a donation drive that'll be surely given to the victims of Typhoon Ulyses there.

It doesn't matter how much you'll give but even a single peso would do if many will participate. Thank you so much and God bless

PHP ADD: 3C7ArzG1BU1PahXKur15EqPD79kdkWnC4o

If in doubt, you can directly send your help in kayanatin.ph (http://kayanatin.ph)

E D I T: This might not be Bitcoin Related but I hope mods here would reconsider. Please delete if necessary.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Lorence.xD on November 14, 2020, 07:21:14 AM
Our family did their part, donating items to those in need. Good thing na may ganito sa bitcoin community which is very helpful para sa image ng bitcoin as a whole. Meron din charity drive si boss cabalism as far as I know, tumutulong sila right now.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Coin_trader on November 14, 2020, 07:29:15 AM
We have already an official bitcointalk charity that you can find here: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5124375.240

Si @Cabalism13 ang incharge doon at mas maganda na doon nalang tayo mag donate para in BTC ang gagamitin na currency sa donation at para isang bilihan nalang ng mga goods na kailangan para maibahagi sa mga nangangailangan.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Peanutswar on November 14, 2020, 08:43:11 AM
Also I saw a thread nadin created ng ating kababayan na si Insanerman, which is ito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5288720.0 lets help each other mga kabayan. Keep safe everyone.
Also try to visit this thread by cabalism13 din dahil lagi din dito nag update ng mga nangyayari.
We have already an official bitcointalk charity that you can find here: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5124375.24

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: AicecreaME on November 14, 2020, 09:57:17 AM
Thank you guys. My bad I didn't see their post. I hope we all make it together. Sobrang kawawa nung mga nasalanta ng bagyo. Sana mabigyan agad sila ng agarang tulong.

Keep safe y'all and God help us all.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: john1010 on November 14, 2020, 12:57:39 PM
Masarap din sa pakiramdam yung kahit konting tulong ay nagiging bahagi tayo, kahit sa simpleng padala ng pera sa gcash or other source may mga kakabayan natin na maisasalba natin sa pagkalam ng sikmura. Tayong mga Pinoy ay nakikita ang magandang ugali sa mga ganitong panahon. Mabuhay tayong lahat.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Adreman23 on November 14, 2020, 01:20:10 PM
Tayo ng tumulong guys masarap sa pakiramdam ang makatulong lalo na kapwa din pinoy ang ating tutulungan. Nakakalungkot talaga ang nakikita kong mga pictures at video sa mga social media tungkol sa baha sa Isabela at Cagayan lalo na yung mga bata nakakadurog ng puso 😢

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Insanerman on November 14, 2020, 02:56:33 PM
Also I saw a thread nadin created ng ating kababayan na si Insanerman, which is ito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5288720.0 lets help each other mga kabayan. Keep safe everyone.

Thanks for mentioning me, sana lang talaga may magpagawa na but then if wala namang magiging interested mag donate and magpagawa, I'll still continue this journey by just taking a part of my payments sa sig camp na sinasalihan and donate it directly to those who are in need.

Thank you guys. My bad I didn't see their post. I hope we all make it together. Sobrang kawawa nung mga nasalanta ng bagyo. Sana mabigyan agad sila ng agarang tulong.
Keep safe y'all and God help us all.

No problem na triny mo pading mag initiate ng thread to help people. But as of now, I guess it's better to lock this thread kasi you've made your point naman na.

Tayo ng tumulong guys masarap sa pakiramdam ang makatulong lalo na kapwa din pinoy ang ating tutulungan. Nakakalungkot talaga ang nakikita kong mga pictures at video sa mga social media tungkol sa baha sa Isabela at Cagayan lalo na yung mga bata nakakadurog ng puso 😢

Maybe you haven't seen those people na ginamit yung nangyayari for their stupid monkey businesses. I've seen some na tinangay yung donation while some bought for their leisure shits. You should also try to lessen your usage of social media, madami toxic.

Please look at my service thread and kung tingin nyo may in need of designs or vector arts na kakilala nyo paki sabi nalang I'll disclose my personal info sa fb sa mga magiging interesado na pinoy para madali nila kong mareach out.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: arwin100 on November 15, 2020, 10:48:13 AM
I assume that all of you guys here knows about what's happening in Isabela and Cagayan right now. I'm just here simply seeking help of you guys for a donation drive that'll be surely given to the victims of Typhoon Ulyses there.

It doesn't matter how much you'll give but even a single peso would do if many will participate. Thank you so much and God bless

PHP ADD: 3C7ArzG1BU1PahXKur15EqPD79kdkWnC4o

If in doubt, you can directly send your help in kayanatin.ph (http://kayanatin.ph)

E D I T: This might not be Bitcoin Related but I hope mods here would reconsider. Please delete if necessary.

I can vouch OP mabait na tao to pero since meron nang thread para sa charity dapat dun nalang tayo para I was kalituhan at ma organize ng maayos ang charity works galing sa forum para sa pinas dahil kung marami ang gagawa ng thread tiyak papasukan ng scammer ang ganitong gawain at masasayang ang pera ng mga donator.

Kaya kodus din kay cabalism sa successful fund raising at Sana makatulong talaga ang amount sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: akirasendo17 on November 15, 2020, 10:50:35 AM
We have already an official bitcointalk charity that you can find here: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5124375.240

Si @Cabalism13 ang incharge doon at mas maganda na doon nalang tayo mag donate para in BTC ang gagamitin na currency sa donation at para isang bilihan nalang ng mga goods na kailangan para maibahagi sa mga nangangailangan.

yup @cabalism13 i think nagoorganize na sya, or meron na siyang nastart ?, madami na ginagawang drive siya and salute kay sir cabalism13 talagang hanga ako sa tao na yan, support natin siya, kahit kaonting halaga pagsama sama malaki malilikom natin, naiiyak na nga ako kasi pagnapapanuod ko sa tv
maswerte tayo kaya kahit konting ambag masarap sa pakiramdam, sana malaki malikom para mapawi ang nararamdaman ng mga nasalanta

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: tukagero on November 15, 2020, 04:04:57 PM
Need tlaga ng cagayan ang tulong, sobrang awang awa ako nung nakita ko ung video madalim tapos ung maririnig mo lng eh tulong, tulong. Ung kasarapan ng tulog nila eh masisira dahil sa tubig na pinakawalan ng dam. Tutulong din ako may laman pa naman ung coins ko. Un lng talaga ang maitutulog ko sa mga kababayan natin.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Cling18 on November 15, 2020, 07:05:24 PM
Thanks sa paginitiate, Op. Sa panahon talaga ngayon, kailangan ng bawat isang gampanan ang part nila para makatulong. I have relatives from Cagayan at talagang grabe ang damage ng lugar nila ngayon. Nakapag send na kami ng unang batch ng goods at relief. Kailangan tayo ng mga kababayan natin ngayon at mapalad tayo dahil hindi natin dinaranas yung pagsubok sa kanila ngayon. Magiging okay din ang lahat pero sana wag tayo magsawang tumulong kahit panalangin lang hanggang sa makabangon sila.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: bitterguy28 on November 15, 2020, 10:16:47 PM
Rekta mo ng kausapin si Kabayan @cabalism13 mate dahil may nag donate nnman ng 1 bitcoin sa charity program in which tingin ko pwedeng matapyasan para dyan sa request mong tulong.sana makapamahagi kahit maliit na tulong lang dahil alam natin kung gaano kahirap ang sitwasyon nila.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: lienfaye on November 15, 2020, 10:35:15 PM
Isa ang Cagayan sa pinaka apektado ng hagupit ng bagyo kaya its understandable na kailangan nila ng agarang tungkol whether cash or in kind.

Tama ang lahat meron ng thread si @Cabalism13 for charity at sa mga nangangailangan ng tulong kaya much better na kausapin mo na lang sya.

In my own little way naka donate na ko ng mga damit at konting goods sa aming brgy. na dadalhin sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: cabalism13 on November 15, 2020, 11:40:38 PM
I already have plans for CAGAYAN.
Nakausap ko na din ang ating Treasurer 😂 ,
pati ang Big Boss (Waifu) ko ay nag suggest na tumulong s CAGAYAN.
PERO ang focus ko dito ay isa or dalawang item lang : TUBIG AT BIGAS

Kasalukuyan akong naghahanap ng maarkilang Truck dito sa Rizal. Dahil sa kalayuan eh muhkang mapapagastos talaga, wala din ako makitang ibang NGO na naglalayon tumulong nga mga ganitong bagay, halos karamihan eh lumilikom ng pera. Medyo may trust issues kasi ako at baka ma ibulsa pa kaya mas mabuti siguro ung goods na lang at the same time eh irerepack ko na.

Current Plan:
For Cagayan:
-100 Sacks of Rice (50kg ea - @ 1900-2100)
-Bottled Water (500ml  or 1L for every bags of rice)

For Montalban or San Mateo:
-Relief Goods
(Rice, Canned Goods,Bottled Water, Noodles)

Inaantay ko pa din kase yung project ng Binance, upon asking kasi sa representative na si Ms. Arshe nagaantay pa din sila ng approval. Ang meron pa lang daw sila eh yung magpapakain ng mga bata.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: manfredmann on November 16, 2020, 12:23:27 AM
Yeap, Sa panahong ito dapat lang talaga tayo ng tulungan sa kahit konting paraan na makakaya. Sa aming lugar nangangalap kami ng mga tulong na pwdeng maibigay at para mahatid sa kinauukulan.

Alam natin gaano kahirap ang pinagdaanan ng kapwa natin pinoy tapos may pandemic pa tayo ngayon. Mas lalong mahirap kaya hindi talaga mawala sa isip namin na dapat talaga kami tumulong at ito po ang dahilan na mga kasama namin dito ng ambagan at saka naghahanap ng mga tulong sa mga kakilala.

Sana nga lang yung ibang nangangalap ng tulong ay talagang maibigay sa kinauukulan at hindi sa bulsa lalo na kung ito at tulong pinansyal.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: cabalism13 on November 16, 2020, 12:33:08 AM
Just an Update:

Live on ONE NEWS:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=682949639028549&id=385030801902812

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: In the silence on November 16, 2020, 04:25:57 AM
Just an Update:

Live on ONE NEWS:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=682949639028549&id=385030801902812
Nakakalungkot na pinagdadaanan ng mga taga Norte ito, sana may kusa pang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong ulysses.

Update mo kami sa usapan nyo ni Ms. Arshe, at saka kung may kailangan kang mga volunteer na mag aasikaso like packaging and distribution. Para sa mga malapit nating kabayan sa cagayan na willing. :)

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Wicked17 on November 16, 2020, 05:33:25 AM
Just an Update:

Live on ONE NEWS:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=682949639028549&id=385030801902812

sana mapansin agad sila at ng mabigyan ng tulong. For sure di rin naman nila, expect kasi never binaha ung part na yun e. Will donate kapag ngka extra.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: acroman08 on November 16, 2020, 07:44:49 AM
I already have plans for CAGAYAN.
Nakausap ko na din ang ating Treasurer 😂 ,
pati ang Big Boss (Waifu) ko ay nag suggest na tumulong s CAGAYAN.
PERO ang focus ko dito ay isa or dalawang item lang : TUBIG AT BIGAS

Kasalukuyan akong naghahanap ng maarkilang Truck dito sa Rizal. Dahil sa kalayuan eh muhkang mapapagastos talaga, wala din ako makitang ibang NGO na naglalayon tumulong nga mga ganitong bagay, halos karamihan eh lumilikom ng pera. Medyo may trust issues kasi ako at baka ma ibulsa pa kaya mas mabuti siguro ung goods na lang at the same time eh irerepack ko na.

Current Plan:
For Cagayan:
-100 Sacks of Rice (50kg ea - @ 1900-2100)
-Bottled Water (500ml  or 1L for every bags of rice)

For Montalban or San Mateo:
-Relief Goods
(Rice, Canned Goods,Bottled Water, Noodles)

Inaantay ko pa din kase yung project ng Binance, upon asking kasi sa representative na si Ms. Arshe nagaantay pa din sila ng approval. Ang meron pa lang daw sila eh yung magpapakain ng mga bata.

salamat sa effort na ginagawa mo at sa mga tao na nag donate para matuloy ang pag bigay relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.

wala din ako makitang ibang NGO na naglalayon tumulong nga mga ganitong bagay, halos karamihan eh lumilikom ng pera. Medyo may trust issues kasi ako at baka ma ibulsa pa kaya mas mabuti siguro ung goods na lang at the same time eh irerepack ko na.
kaya madalas nag dadalawang isip ako mag donate sa mga NGO dahil may mga nakikita ako na ginagawa lang dahilan yung "pagtulong" para makapang loko at makakuha ng pera sa mga taong nag bibigay ng tulong. netong nakaraang araw lang ay may nabalitaan ako na "stream for a cause" sa facebook na instead ipang tulong yung naipon na pera ay ibinulsa na lang ng streamer(di ko alam name ng streamer).

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: Bitkoyns on November 16, 2020, 10:33:43 AM
Just an Update:

Live on ONE NEWS:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=682949639028549&id=385030801902812
Nakakalungkot na pinagdadaanan ng mga taga Norte ito, sana may kusa pang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong ulysses.

Update mo kami sa usapan nyo ni Ms. Arshe, at saka kung may kailangan kang mga volunteer na mag aasikaso like packaging and distribution. Para sa mga malapit nating kabayan sa cagayan na willing. :)

magandang idea to for those who cant give monetary donation, pwede na yung effort for repacking ng mga goods. Ako personally kung kakailanganin lang ng mga volunteer willing ako kasi wala din akong mabigay para makatulong sa mga kababayan natin.

Salute din kay OP for initiating this drive para makatulong sa mga kababayan natin.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: SoryuMaiden on November 17, 2020, 02:00:14 AM
Thank you for initiating this donation drive, mga boss.

I, myself, am from Cagayan Valley, and I am a witness on this widespread and destructive flood that took some lives and properties.

Matagal akong nawala dito sa forum (almost a year of being away from the forum and I have an old btctalk account that was hacked), and it's my first time coming back here, at nakaka-proud na buhay na buhay pa rin ang sub ng Pilipinas dito. 😊

Thank you nang marami po. 😊

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: mk4 on November 17, 2020, 03:23:10 AM
Thank you for initiating this donation drive, mga boss.

I, myself, am from Cagayan Valley, and I am a witness on this widespread and destructive flood that took some lives and properties.

Matagal akong nawala dito sa forum (almost a year of being away from the forum and I have an old btctalk account that was hacked), and it's my first time coming back here, at nakaka-proud na buhay na buhay pa rin ang sub ng Pilipinas dito. 😊

Thank you nang marami po. 😊

Any updates sa current situation diyan? Been seeing on social media na may lack of resources parin, pero how about the flood? Lubog parin ba ung mga bahay sa mga mababang lugar?

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: SoryuMaiden on November 17, 2020, 09:22:50 AM

Sa awa ng Diyos po, mas bumubuti na ang sitwasyon ngayon dito, although we still need basic needs like water, relief goods, and clothes. May mga isolated areas pa rin po esp. sa lower parts of the province like sa Tuguegarao City, but it gets better as day passes by.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: abel1337 on November 17, 2020, 08:29:48 PM
I am from Bicol, Ilang bagyo ang dumaan saamin at alam ko kung gano kahirap ang situation sa cagayan ngayon, Sobrang major disaster ng taon nato.

Even though na hit kami ng ilang sunod sunod na bagyo ay unti unti na kaming nakakarecover and we did our part in donating old clothes and some personal hygiene needs to our fellow victims in cagayan, May donation drive din kasi dito na nangyari sa city namin. It's unfortunate kasi halos madaming parte ng luzon ngayon ang naapektuhan ng sunod sunod na bagyo. I hope na bigyan muna tayo ng pahinga ng mga disaster na yan para makapahinga kahit papano.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: harizen on November 17, 2020, 09:30:29 PM

Just my own view lang and I suggest puwede iconsider na mag-donate din sa mga may big charity organizations like TV stations or basta mga big groups ang mga donation. Or iyong dedicated talaga sa pagdating sa donation.

Malaking tulong ang napakaraming charity organizations, big or small and kudos to their effort. Saludo ako sa kanila, pero kapag kasi sa big organization gaya ng mga nasa TV stations, marami na silang volunteers e na matagal na sa serbisyo at may sapat na silang resources for everything gaya ng transportation at mas madali sila makipagcoordinate sa mga LGU kaya somehow di katagalan ang pamimigay ng mga donasyon. Ganyan din sa mga personalities. Kumbaga marami silang koneksyon.

Nasaksihan ko kasi hirap ng kawang-gawa. May kaibigan ako sa isang tour group na based dito sa Manila and nag-organize sila recently ng funding at donations mula pa nung Typhoon Quinta. Marami naman silang na-raised gawa ng active ang group pero pahirapan ang pagpapadala sa mga nangangailangan. So ang ending, nakipag-coordinate na lang sa mas malaking organization kasi di biro ang gastos kapag sariling sikap. Take note, kapit kamay lang sa kanila ang layo ng Marikina at Rizal sa kanila pero pahirapan pa rin starting from coordination sa LGU so imagine kung sa Cagayan pa nila ipapadala with their own action. Pero kudos ulit, dami sumuporta. Kaya maganda rin ang impluwensya ng mga group na ito tapos let the big organization handle the service.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: SoryuMaiden on November 18, 2020, 01:25:40 AM

I agree. And as much as possible, huwag sa mga government agencies ibigay ang donations kasi sobrang haba ng proseso ng mga 'yan (baka abutin ng 2021 ang pagdistribute). May mga local non-government organizations (legit) na pwedeng pag-abutan ng donations, and I trust them more than SOME government officials pagdating sa pag-handle ng donations.

Fortunately, tuloy-tuloy naman ang dating ng relief goods at iba pang tulong specifically dito sa lugar namin (I'm from Aparri, Cagayan). May mga isolated areas pa rin dito since ito ang bukana ng Cagayan River. Dito lahat lumalabas ang tubig coming from upstream.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: cuteness on November 18, 2020, 02:05:39 AM
nakakatuwang may makita rin rito sa isang bitcoin organization na makakatulong rin para sa mga nasalanta ng bagyo at mga nilubog.
mas nakakabuting tumulong na may mapupuntahan talaga ang ating mga pera. kesa ibigay sa mga malalaking organization at gobyerno di sa nilalahat ang gobyerno pero sa nakikita ko mas mabilis makatulong ang maliliit gaya ng mga kaibigan ko sa mundo ng crypto. sobrang sakit sa dibdib ang nangyari sa bansa natin ngayon. linubog na tayo sa pandemya nilubog pa tayo ng baha.
sana wala ng sisihan ayoko may nakikita sa socmed na bangayan, natapos na sana alisin muna nating mga filipino ang galit o anumang paniniwala natin. hindi ito nakakatulong sa mga nakakabasa lalo lang lumalaki ang problema. ayoko humantong at alam kung ayaw din ninyo na humantong na nmang bansa natin ay lalong bumagsak dahil sating mga pinaglalaban. magkaisa na lamang. masarap sa pakiramdam na ganun ang nakikita natin sa socmed.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: goinmerry on November 18, 2020, 02:12:36 AM
I agree. And as much as possible, huwag sa mga government agencies ibigay ang donations kasi sobrang haba ng proseso ng mga 'yan (baka abutin ng 2021 ang pagdistribute). May mga local non-government organizations (legit) na pwedeng pag-abutan ng donations, and I trust them more than SOME government officials pagdating sa pag-handle ng donations.

Fortunately, tuloy-tuloy naman ang dating ng relief goods at iba pang tulong specifically dito sa lugar namin (I'm from Aparri, Cagayan). May mga isolated areas pa rin dito since ito ang bukana ng Cagayan River. Dito lahat lumalabas ang tubig coming from upstream.

Ako rin, di ako komportable pag sa mga government agencies. Mas mainam pa nga sa GMA, ABS, TV5 or kahit anong TV station. Kahit bias ang mga yan sa pagbabalita kahit papaano mabilis talaga aksyon nila pagdating sa mga donation. Magastos nga pag maliit na organization ang nag fund drive. Lahat ng cost sasaluhin pero malaking tulong kung mas malapit ang pagbibigyan.

Buti naman kabayan maayos ang dating ng donation dyan. Nag tip na rin ako sa isang charity and I think makakarating sa tamang kamay. Nagbigay na rin ako ng mga damit na di ko na nagagamit dahil medyo lumaki na ako pero makakasiguradong ok na ok ang quality at iyong iba few times ko lang nagamit. May mga kamag-anak kami dyan sa Isabela pero safe naman daw sila although malapit sila sa mga binaha. Ingat kayo dyan kabayan at buti nakakapag internet na kayo means ok kahit papaano ang kuryente at signal.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: peter0425 on November 21, 2020, 03:26:42 AM
Nakikiramay ako sa nararanasan ngmga taga cagayan and my sympathy is with you guys.

Medyo hindi lang ako makapag commit ng tulong dahil mismong dito sa City namin ay apektado din.

Dalawang barangay namin ang lumubog at lubos din nangangailangan ng tulong at kaya naka focus kami now para sa pagtulong.

Naway tulungan tayo ng Dios para maka survive tayo now .

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: cheezcarls on November 21, 2020, 01:13:34 PM
Grabe na talaga itong 2020. Taal eruption, pandemic at mga typhoon. How I wish sana na meron fast forward button para matapos na itong 2020 na ito. My deepest sympathy sa mga nasalanta ng bagyung Quinta, Rolly at Ulysses, especially dyan sa Cagayan. All we can do now is keep praying at faith kay Lord, at tumulong kahit papano.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: SoryuMaiden on November 23, 2020, 08:42:00 AM
I agree. And as much as possible, huwag sa mga government agencies ibigay ang donations kasi sobrang haba ng proseso ng mga 'yan (baka abutin ng 2021 ang pagdistribute). May mga local non-government organizations (legit) na pwedeng pag-abutan ng donations, and I trust them more than SOME government officials pagdating sa pag-handle ng donations.

Fortunately, tuloy-tuloy naman ang dating ng relief goods at iba pang tulong specifically dito sa lugar namin (I'm from Aparri, Cagayan). May mga isolated areas pa rin dito since ito ang bukana ng Cagayan River. Dito lahat lumalabas ang tubig coming from upstream.

Ako rin, di ako komportable pag sa mga government agencies. Mas mainam pa nga sa GMA, ABS, TV5 or kahit anong TV station. Kahit bias ang mga yan sa pagbabalita kahit papaano mabilis talaga aksyon nila pagdating sa mga donation. Magastos nga pag maliit na organization ang nag fund drive. Lahat ng cost sasaluhin pero malaking tulong kung mas malapit ang pagbibigyan.

Buti naman kabayan maayos ang dating ng donation dyan. Nag tip na rin ako sa isang charity and I think makakarating sa tamang kamay. Nagbigay na rin ako ng mga damit na di ko na nagagamit dahil medyo lumaki na ako pero makakasiguradong ok na ok ang quality at iyong iba few times ko lang nagamit. May mga kamag-anak kami dyan sa Isabela pero safe naman daw sila although malapit sila sa mga binaha. Ingat kayo dyan kabayan at buti nakakapag internet na kayo means ok kahit papaano ang kuryente at signal.

Oo, kabayan. Sa awa ng Diyos, di gaanong naapektuhan ang linya ng kuryente at internet dito sa amin, although sobrang kapal ng putik na iniwan ng baha.

So far, in the past few days, sunod-sunod nga ang sating ng relief goods (mostly rice and noodles). At natutuwa ako na mas mabilis ang aksyon ng local government dito kumpara sa mga nakaraang taon. Last week, magkakasunod ang dating ng helicopters dito na nagbibigay ng mga relief goods.

Personally naman, need ng family ko now ng kaunting pera para mapaayos ang mga nasira sa may baba ng bahay namin. Bahagi kasi ng 4Ps ang parents ko, at hanggang ngayon, wala pa ring balita kung ano ang plano ng department na humahawak sa mga 4Ps dito sa amin.

Makakabangon rin kami 😊  #KayaYanCagayan

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: cabalism13 on November 27, 2020, 08:55:44 PM
Grabe na talaga itong 2020. Taal eruption, pandemic at mga typhoon. How I wish sana na meron fast forward button para matapos na itong 2020 na ito. My deepest sympathy sa mga nasalanta ng bagyung Quinta, Rolly at Ulysses, especially dyan sa Cagayan. All we can do now is keep praying at faith kay Lord, at tumulong kahit papano.
Uninstall ika-nga,... bilang lang yata sa kamay ang mga mabubuting ngyari sa bawat indibidwal ngayong 2020, kadalasa ay puro sakuna, mantakin mo papalapit na ang katapusan ng taon humahabol pa ang mga bagyo.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: SoryuMaiden on November 27, 2020, 10:16:59 PM
Grabe na talaga itong 2020. Taal eruption, pandemic at mga typhoon. How I wish sana na meron fast forward button para matapos na itong 2020 na ito. My deepest sympathy sa mga nasalanta ng bagyung Quinta, Rolly at Ulysses, especially dyan sa Cagayan. All we can do now is keep praying at faith kay Lord, at tumulong kahit papano.
Uninstall ika-nga,... bilang lang yata sa kamay ang mga mabubuting ngyari sa bawat indibidwal ngayong 2020, kadalasa ay puro sakuna, mantakin mo papalapit na ang katapusan ng taon humahabol pa ang mga bagyo.

Sa totoo lang, hindi na bago sa aming mga taga-Cagayan Valley ang mga bagyo at baha. Almost every year (during BER months) eh talagang tumataas ang tubig sa ilog dito, pero ngayon lang ulit nangyari yung ganitong sobrang laki at lawak na baha. Ngayon lang din nangyari yung magkakasunod na bagyo ang dumaan at nagpaulan, kaya hindi agad bumaba sa ilalim ng lupa ang binagsak na tubig.

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: cabalism13 on November 27, 2020, 10:53:14 PM
Grabe na talaga itong 2020. Taal eruption, pandemic at mga typhoon. How I wish sana na meron fast forward button para matapos na itong 2020 na ito. My deepest sympathy sa mga nasalanta ng bagyung Quinta, Rolly at Ulysses, especially dyan sa Cagayan. All we can do now is keep praying at faith kay Lord, at tumulong kahit papano.
Uninstall ika-nga,... bilang lang yata sa kamay ang mga mabubuting ngyari sa bawat indibidwal ngayong 2020, kadalasa ay puro sakuna, mantakin mo papalapit na ang katapusan ng taon humahabol pa ang mga bagyo.
Sa totoo lang, hindi na bago sa aming mga taga-Cagayan Valley ang mga bagyo at baha. Almost every year (during BER months) eh talagang tumataas ang tubig sa ilog dito, pero ngayon lang ulit nangyari yung ganitong sobrang laki at lawak na baha. Ngayon lang din nangyari yung magkakasunod na bagyo ang dumaan at nagpaulan, kaya hindi agad bumaba sa ilalim ng lupa ang binagsak na tubig
akala ko talaga isa sa mga matataas na lugar ang Cagayan Region (majority is mataas I mean) or mataas sa mataas sadyang bahain lang talaga ang lugar nyo?
Kung sabagay kasi kung bagyo lang yan hindi naman ganyan kalala ang mangyayari dyan, kung bumaha man siguro eh mga hangang tugod lang ang abot,...
Dusa lang talaga gawa nga nung DAM, pero gaano katotoo na hindi nakikinabang ang mga taga-cagayan sa DAM na nasabing nagpakawala ng tubig?
hindi ba dapat kayo ang unang unang binibigyan ng supply ng DAM kasi kayo ang malapit?

Title: Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
Post by: SoryuMaiden on November 27, 2020, 11:07:23 PM

Actually, ang Cagayan province ay isang valley - ibig sabihin, napapaligiran kami ng mga bundok. So ang tendency talaga dito, kapag maramign ulan ang ibinabagsak ng mga bagyo, bababa ang tubig from the mountains papunta sa mga residential areas. Isa pa, ang Tuguegarao City ay isa sa pinakamababang lugar (below sea level) sa Pinas kung kaya't isa ito sa pinaka-bahaing lugar at pinakamainit na lugar sa bansa.

Yung about sa Dam, di ko sigurado, pero ito raw ang nagsusupply ng kuryente ng NGCP, na siya namang nagsusuplay ng kuryente sa mga ibang electric coops, na binabayaran nating lahat. So technically, hindi kami nakikinabang sa dam in terms of that.