Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Strufmbae on February 03, 2021, 06:27:04 AM



Title: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: Strufmbae on February 03, 2021, 06:27:04 AM
Ginawa ko tong account na to nung nag aaral pa ako pero di ko siya na alagaan masyado kasi nga syempre kasama ako sa sabihin na nating Slow Learners, sa Sobrang Dami ng Opportunity dito na kailangan lang talagang aralin at maranasan. parang napanghinaan ako.   ;D ;D ;D   

Gayunpaman, Ikaw ba ay isang Kolsener  Ahente na nag Trade/HODL ng Cryptocurrency? Tanung ko lang, kasi alam niyo na iba ang kultura sa BPO Company, Ilang porsyento ba Ginagamit niyo dito na sahod ?

Nabigla lang ako sa Balita na umabot pala ng Dalawang Milyon si BTC? me be like '' What?''.

Tips naman mga ka Immortal.  ;D ;D ;D ;D


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: mk4 on February 03, 2021, 08:00:24 AM
Gayunpaman, Ikaw ba ay isang Kolsener  Ahente na nag Trade/HODL ng Cryptocurrency? Tanung ko lang, kasi alam niyo na iba ang kultura sa BPO Company, Ilang porsyento ba Ginagamit niyo dito na sahod ?

Hindi ako, pero may isa akong kakilala dito sa Pilipinas na hinire ng isang kompanya abroad para magtrade. With training and all that kasi hindi rin talaga sya marunong magtrade nung umpisa. And no, ung sa case niya, hindi porsyente based; typical empleyado-style sahod na may set lang na amount na binabayad per month. Not sure kung ganito ung karamihan, pero skl.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: epis11 on February 03, 2021, 03:58:54 PM
haha nice story ts hindi ako sa kolsener pero working den like you umpisa noon na nakilala ko btc at kripto mga 30% ng sahod ko binibili ko ng btc at eth pero last year nagcashout ako pampatayo ng haws syempre for the future malaking hinayang pero andon na di ko lubos akalain na tataas ng tataas this year kasi di ko masyado updated sa crypto pero hindi pa huli ang lahat now 50% ng sahod ko diretso sa crypto na. 


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: blockman on February 03, 2021, 05:35:25 PM
Galing ako sa BPO at ang masasabi ko lang kahit mga at least 10% ng sahod mo. I-treat mo nalang na parang ginastos mo sa pagkain pero babalik din balang araw ng mas malaking halaga. Ang payo ko lang wag ka mapressure sa market araw araw kung makita mo man na tumaas o bumaba yung price. Mag set ka kung magkano yung price na gusto mong maabot hanggang sa ibenta mo ng tuluyan. Patience lang ang kailangan kapag mag iinvest at maghohold ka.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: iTradeChips on February 04, 2021, 07:43:16 AM
Gayunpaman, Ikaw ba ay isang Kolsener  Ahente na nag Trade/HODL ng Cryptocurrency? Tanung ko lang, kasi alam niyo na iba ang kultura sa BPO Company, Ilang porsyento ba Ginagamit niyo dito na sahod ?

Hindi ako, pero may isa akong kakilala dito sa Pilipinas na hinire ng isang kompanya abroad para magtrade. With training and all that kasi hindi rin talaga sya marunong magtrade nung umpisa. And no, ung sa case niya, hindi porsyente based; typical empleyado-style sahod na may set lang na amount na binabayad per month. Not sure kung ganito ung karamihan, pero skl.

Ayos naman yang kakilala mo na hinire ng isang kompanya abroad para magtrade. Ano yun nagtrabaho siya as trader? Anong kumpanya kaya yan, alam mo ba? Kung may ganyang mga oportunidad sa nakakaraming mga Pinoy eh di masagana siguro ang buhay ng karamihan sa mga tao dito. Kasi matratrain ka nila kung papano magtrade at the same time magagawa mo na ipraktis ang mga natutunan mo eh di dadami ang kita.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: peter0425 on February 04, 2021, 08:50:43 AM
Ginawa ko tong account na to nung nag aaral pa ako pero di ko siya na alagaan masyado kasi nga syempre kasama ako sa sabihin na nating Slow Learners, sa Sobrang Dami ng Opportunity dito na kailangan lang talagang aralin at maranasan. parang napanghinaan ako.   ;D ;D ;D   
So meaning malakas na loob mo now ? Good for you and welcome back Kabayan.
Quote
Gayunpaman, Ikaw ba ay isang Kolsener  Ahente na nag Trade/HODL ng Cryptocurrency? Tanung ko lang, kasi alam niyo na iba ang kultura sa BPO Company, Ilang porsyento ba Ginagamit niyo dito na sahod ?
reagrding sa Porsyento ng Sahod ? di ako call center agent pero meron akong ilang taong kilala na call center agent at the same time investor dito sa crypto, yong isa Binata so malaki ang na iinvest nya per payday , but yong iba may mga pamilya na so maliit na porsyento lang ng sweldo nila ang naipapasok nila though nakaaksali naman silas a bounties kaya yon ang pinaka investment nila yong kita nila sa crypto work.
Quote
Nabigla lang ako sa Balita na umabot pala ng Dalawang Milyon si BTC? me be like '' What?''.

Tips naman mga ka Immortal.  ;D ;D ;D ;D
Yeah umabot ng 2 milyon pesos , and yong tips na gusto mo marinig? ipapaalala ko ulit sayo ang Golden Rules ng Crypto Investing at yan ay "Invest what can you afford to lose" .


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: arwin100 on February 04, 2021, 12:11:31 PM
Ginawa ko tong account na to nung nag aaral pa ako pero di ko siya na alagaan masyado kasi nga syempre kasama ako sa sabihin na nating Slow Learners, sa Sobrang Dami ng Opportunity dito na kailangan lang talagang aralin at maranasan. parang napanghinaan ako.   ;D ;D ;D   

Gayunpaman, Ikaw ba ay isang Kolsener  Ahente na nag Trade/HODL ng Cryptocurrency? Tanung ko lang, kasi alam niyo na iba ang kultura sa BPO Company, Ilang porsyento ba Ginagamit niyo dito na sahod ?

Nabigla lang ako sa Balita na umabot pala ng Dalawang Milyon si BTC? me be like '' What?''.

Tips naman mga ka Immortal.  ;D ;D ;D ;D

Kung hindi naman sapat ang sinasahod mo e may iba namang paraan para kumita dito at yun ay mag offer kalang ng services sa mga kliyenteng nangangailangan dito so mainam na dun ka magsimula habang di mupa gamay ang kalakalan dito kasi kapag dumeretso kang kumuha sa hard earned money mo is tiyak madidismaya ka kapag natalo ka sa mga trade mo.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: dothebeats on February 04, 2021, 01:07:55 PM
Naging ahente ako sa BPO nung 2016 - 2017, at kalahati ng sahod ko ay pinambibili ko ng crypto hanggang sa nagpasya akong magresign dahil mahirap yung laging puyat at kulang sa tulog. Yung naipon kong BTC sa isang taon na yun, ginamit kong pampundar ng sarili kong business, at dun na rin ako nagsimula ng kapital para bumili ulit ng bitcoin paunti-unti nung 2018. May kalakihan ang sinasahod bilang isang CSR kung nasa Metro Manila ka at sa isang Sales account ka nailagay. Nasa money management lang talaga yan para makapag-save at invest at hindi puro labas ang pera.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: Oasisman on February 04, 2021, 02:58:55 PM
Ginawa ko tong account na to nung nag aaral pa ako pero di ko siya na alagaan masyado kasi nga syempre kasama ako sa sabihin na nating Slow Learners, sa Sobrang Dami ng Opportunity dito na kailangan lang talagang aralin at maranasan. parang napanghinaan ako.   ;D ;D ;D  

Gayunpaman, Ikaw ba ay isang Kolsener  Ahente na nag Trade/HODL ng Cryptocurrency? Tanung ko lang, kasi alam niyo na iba ang kultura sa BPO Company, Ilang porsyento ba Ginagamit niyo dito na sahod ?

Nabigla lang ako sa Balita na umabot pala ng Dalawang Milyon si BTC? me be like '' What?''.

Tips naman mga ka Immortal.  ;D ;D ;D ;D

Lol. I was once a kol sener sa Makati noong 2015 bro, at ang naging account ko was PayPal. Noon yun noong hindi pa masyado tumatak sa akin ang salitang cryptocurrency or Bitcoin, but I've heard of it when I was still in college back in 2011 pero dedma lang noon lol.
I am in origin from Mindanao at hindi ko masyado na gustohan ang pamumuhay at ang very crowded na lugar sa Maynila kaya napilitan akong bumalik dito sa province ko, at least man lng naka experience ako ng ilang buwan sa Maynila.
Siguro kung andun pa ako sa company ko haggang ngayun, ako cguro ang isa sa pinaka unang mag eentroduce sa mga kasama ko about crypto and Bitcoin before It was being introduced by PayPal itself.

Masasabi ko lang kung nasa BPO industry ka talagang alagang alaga kayu ng employer nyu at kung single ka eh mataas ang porsyenyo mo na makakapag ipon at makapag invest sa Bitcoin.

Tip ko lang sayu bro, invest in Bitcoin while you still can. $30,000 or 1.7m pesos per btc might not be as expensive as today in the future. Just like what happened when Btc was still worth $1,000 feeling nila noon e ang mahal-mahal na pero look how far Bitcoin have come hehehe.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: Insanerman on February 04, 2021, 03:41:30 PM

Hindi ako, pero may isa akong kakilala dito sa Pilipinas na hinire ng isang kompanya abroad para magtrade. With training and all that kasi hindi rin talaga sya marunong magtrade nung umpisa. And no, ung sa case niya, hindi porsyente based; typical empleyado-style sahod na may set lang na amount na binabayad per month. Not sure kung ganito ung karamihan, pero skl.

Meron rin akong kakilalang ganito. Di ko alam yung background ng story kung pano sya nagsimula and di ko talaga sya kaclose, kilala ko lang dahil sa isang trading group na sinalihan ko para na din may community. And yes, totoo na karamihan sa mga traders na hinihire is hindi talaga nasuswelduhan based sa income nila per trade, kundi sa kung ano yung typical salary ng isang broker. Apparently, I don't know kung meron pabang personal brokers sa Pilipinas lalo na with regards to crypto kasi kahit sino tanungin mong magaling na trader di tatanggapin pera mo dahil sa risks involved at sa volatility ng crypto in general.

With regards to op, marami akong kilala na sideline is this forum and some crypto related businesses and yung formal work is callcenter. Nasa dedication na rin yun at wala actually sa kung magkano mo imamanage yung salary mo. Best thing is to use your physical money always for necessities kasi naka PHP na yan at di naman tataas ang price nyan haha. And if you think you want to invest, just invest a little, wag lang mapanghihinaan once na bumaba onte yung price.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: AicecreaME on February 04, 2021, 03:53:15 PM
Sobrang slang naman nung "kolsener" ;D

Anyways, I have a friend that has the same job, pero hindi sila yung Trader talaga na sobrang daming alam in charts and technical analysis. Bumibili lang sila ng Bitcoin tapos binibenta kapag mataas, bumibili kapag mababa, simple strategy lang pero may profit pa rin. Noon sa coins.ph lang sila nagttrade pero sabi ko mas maganda sa mismong exchanger para mas marami silang options at para mas makatipid na rin.

At iyong ginagamit nilang pambili ng Bitcoin ay tira lamang sa mga sahod nila after they paid their bills. Kumbaga libangan lang nila.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: Kong Hey Pakboy on February 06, 2021, 04:18:37 AM
Magandang idea na habang nagwo-work ka as a call center agent, naisipan mong mag-start pumasok sa bitcoin and cryptocurrency. I already tried entering a call center company and I think a good percentage will be 10% of your monthly income, or it really depends on how you will budget your money. Especially kung wala ka naman ganun karaming responsibilities, better if magdagdag ka pa ng share. It will really be worth it. Good luck in your journey :)


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: bL4nkcode on February 06, 2021, 07:06:34 PM
Sobrang slang naman nung "kolsener" ;D
Actually na pa google ako. Haha.

Marami akong kaibigan, kaklase na nasa BPO nag ta'trabaho pero ni isa walang nag ki'crypto/bitcoin trading or invest. At sa laki ng average wage ng nasa BPO I guess 15% or below for investing sa bitcoin is enough, pero sa price ngayon na $40k as of writing parang sasabihin talaga na ang mahal na mag purchase. It's up to them though if nakikita mo future ng bitcoin within 3-5 years, $40k is mababa ng magiging value nito.


Title: Re: Kolsener Ahente na Nag Trade/HODL ng Bitcoin?
Post by: qwertyup23 on February 07, 2021, 05:03:41 AM
Hindi ako isang call-center agent pero isa lang akong simpleng student na napadpad sa forum na last 2018.

Sobra laki din ng panghihinayang ko nun nag simula ako dito sa forum. As early as naging Jr. Member itong account ko, sumali na ako sa mga campaign signatures pero lahat ng mga bitcoins na narereceive ko noon, ni-cash out ko agad. Last month, nakita ko yung buong transaction ID ko and nakita ko yung total received bitcoins ko since 2018, and it amounted to around ~P700,000.

I also have a friend na nag-trade din siya ng bitcoin niya pero hindi siya nagtratrabaho sa mga BPOs. Malaki ang kinikita niya pero malaki din kasi yung puhunan niya (around 10-20 btcs).