Bitcoin Forum

Other => Archival => Topic started by: xLays on March 19, 2021, 10:06:40 PM



Title: Planning to cashout 500K PHP
Post by: xLays on March 19, 2021, 10:06:40 PM
Meron ba dito pwedeng pag cashoutan ng 500K isang bagsak? Or any suggestion para makapag cashout ng 500K isang bagsakan?


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: Peanutswar on March 20, 2021, 02:17:21 AM
Saan ba galing yung funds mo buddy if sa binance meron tayong ilang member na makakatulong sayo sa pag cashout tulad nina. Coin_trader Buying USDT, BUSD and other stablecoins available on Binance. 1:1 rate (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5308628.0) or si Darker45 maari mo ding tanungan Selling BTC & ETH (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5306332.0). Hindi ko lang sure if avail ba yung mga offer nila pero sana makatulong to.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: maxreish on March 20, 2021, 08:21:07 AM
Kung ang location mo mate ay dito sa NCR ay maari mong subukan na puntahan ang mga branch ng moneybees sa mga mall dahil sa pagkaka alam ko ay may (OTC) over the counter at kung wala ka namang time ay mayroon din silang online transaction.

Check out Moneybees bro, at mag inquire ka sa kanila baka kaya nilang ibigay sayo ang 500k ng isang bagsakan lang.
* https://www.moneybees.ph
* https://m.facebook.com/moneybeesofficial/


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: ice18 on March 20, 2021, 12:05:29 PM
Sa Binance P2P lang alam kong pinakasafe mag-cashout ng ganyan kalaki meron dun ke BloomX verified naman yata sila more than 1m php kaya nila ipalit diyan instant isang bagsakan at tru bank pa payment nila kaya mas ok b2b na yan. 


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: blockman on March 20, 2021, 12:39:17 PM
Coins Pro, 500k per day ang maximum easy na easy lang. Pero kung wala ka namang account sa Coins Pro, suggest ko rin ang moneybees. Nakausap ko rep nila at ID lang ang kailangan pag over the counter ka magbebenta.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: Coin_trader on March 20, 2021, 04:08:08 PM
Saan ba galing yung funds mo buddy if sa binance meron tayong ilang member na makakatulong sayo sa pag cashout tulad nina. Coin_trader Buying USDT, BUSD and other stablecoins available on Binance. 1:1 rate (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5308628.0) or si Darker45 maari mo ding tanungan Selling BTC & ETH (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5306332.0). Hindi ko lang sure if avail ba yung mga offer nila pero sana makatulong to.

Warning lang sa paggamit ng binance P2P. Hindi totally hassle free ang paggamit nito dahil prone ka na madawit sa money laundering in case may sabit yung source ng funds ng ka transact mo. Fresh pa kasi yung issue sa kanila. Hanggang ngayon ay naka disable pa din account dahil under investigation. Gusto nila na ibalik ko yung pera na binayad sakin para mawala ako sa loop ng money laundering activity which is absurd dahil nabili ko na yung funds.

Kayo ingat lng ang payo ko at mas mainam na over the counter anfg transaction or face to face sa secured place kapag above 500k ang icacash out nyo guys.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: Vaculin on March 23, 2021, 11:39:51 AM
Pwede naman yan sa coins.ph ata OP, basta fully verified lang yang account mo at complete ka naman sa mga papers, wala naman sigurong problema. Yun nga lang, sa conversion rate mukhang mababa sa coins.ph pero mas madali naman.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: blockman on March 24, 2021, 11:57:32 AM
Pwede naman yan sa coins.ph ata OP, basta fully verified lang yang account mo at complete ka naman sa mga papers, wala naman sigurong problema. Yun nga lang, sa conversion rate mukhang mababa sa coins.ph pero mas madali naman.
Dapat level 4 kapag sa coins.ph wallet para may custom limits. Pero kung level 3 lang, 400k lang ang magiging maximum. Kailangan muna kasing idaan sa PHP wallet tapos ang kakainin nun yung cash in limit na para sa level 3. Kahit na unlimited monthly o 400k a day ang cashout, kapag naubos na yung limit sa cash in, dapat ulit mag hintay ng isang buwan para ma-refresh o replenish yung monthly limit.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: Johnyz on March 24, 2021, 12:26:41 PM
Pwede naman yan sa coins.ph ata OP, basta fully verified lang yang account mo at complete ka naman sa mga papers, wala naman sigurong problema. Yun nga lang, sa conversion rate mukhang mababa sa coins.ph pero mas madali naman.
Verified account doesn't mean free ka from any investigation, so if masyadong malaki ang icacashout wag mo gamitin ang Coinsph, mas ok ang P2P para sa akin since bank to bank naman ang transactions pili ka lang ng certified na seller, and if sa coinsph ka talaga, medyo nakakakaba ito. Other option is to cash out with small amount, until mabuo mo ang 500k though hassle, pero safe naman.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: Text on March 25, 2021, 04:18:42 AM
Verified account doesn't mean free ka from any investigation, so if masyadong malaki ang icacashout wag mo gamitin ang Coinsph, mas ok ang P2P para sa akin since bank to bank naman ang transactions pili ka lang ng certified na seller, and if sa coinsph ka talaga, medyo nakakakaba ito. Other option is to cash out with small amount, until mabuo mo ang 500k though hassle, pero safe naman.
Ito rin naisip ko, kahit verified level 4 na yung account sa coins.ph ay hindi pa rin mawawala ang posibilidad na kwentiyonin nila ang funds lalo na ang source nito. Alam naman natin ang mga ilang kwentong pagdating sa ganitong malalaking transakyon. Baka maipit pa yung pera mo sakanila kung sakaling bumagsak ka sa verification. Pero kung meron man nakasubok na nito at matagumpay naman ay baka mabigyan ka niya ng pahayag.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: cabalism13 on March 25, 2021, 09:17:04 PM
Kung ang location mo mate ay dito sa NCR ay maari mong subukan na puntahan ang mga branch ng moneybees sa mga mall dahil sa pagkaka alam ko ay may (OTC) over the counter at kung wala ka namang time ay mayroon din silang online transaction.

Check out Moneybees bro, at mag inquire ka sa kanila baka kaya nilang ibigay sayo ang 500k ng isang bagsakan lang.
* https://www.moneybees.ph
* https://m.facebook.com/moneybeesofficial/

Trusted na ba yang Moneybees na yan? Parang now ko lang kasi narinig about dyan... Lalo na sa hinibiling ni OP 500k isang bagsak? Di ba kwestyonable din ito sa kahit anong outlet Bangkok man o remittance? xLays recommend ko din Binance P2P pero hindi isang bagsakan dahil tulad ng nabanggit eh baka mapagkamalan ka pa sa pagcashout n malaking pera...


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: Vaculin on March 25, 2021, 10:56:26 PM
Pwede naman yan sa coins.ph ata OP, basta fully verified lang yang account mo at complete ka naman sa mga papers, wala naman sigurong problema. Yun nga lang, sa conversion rate mukhang mababa sa coins.ph pero mas madali naman.
Verified account doesn't mean free ka from any investigation, so if masyadong malaki ang icacashout wag mo gamitin ang Coinsph, mas ok ang P2P para sa akin since bank to bank naman ang transactions pili ka lang ng certified na seller, and if sa coinsph ka talaga, medyo nakakakaba ito. Other option is to cash out with small amount, until mabuo mo ang 500k though hassle, pero safe naman.

Wala namang problema kung mag investigate ang coins.ph, rights nila yun, pero kung wala ka namang nilabag, walang mangyayari sa account mo at magiging successful ang transaction mo. That is why it's suggested na hindi isang bagsakan para di masyadong mabigla ang system nila..

Coins.ph ay parang bank rin, regulated ng BSP, kung walang pagkakaiba kung direct transaction sa bank..

Simple rules, no violation, no problem.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: arwin100 on March 26, 2021, 01:44:39 PM
Meron ba dito pwedeng pag cashoutan ng 500K isang bagsak? Or any suggestion para makapag cashout ng 500K isang bagsakan?

Naka convert naba yan into peso? If makakapag hintay kapa ng ilang araw e mas mainam na gumawa ka ng isa pang wallet gamit ang ID at info ng kapatid mo o sa kaibigan mo at hatiin mo ang balance para safe ang withdrawal mo, at tsaka magagamit mo pa ito for long term if gusto mo mag withdraw ng malakihan. Ganito gawain ko at so far so smooth naman yung mga withdrawal ko at safe pa dahil ako lang din may hawak ng pera ko.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: peter0425 on March 31, 2021, 04:40:44 AM
Meron ba dito pwedeng pag cashoutan ng 500K isang bagsak? Or any suggestion para makapag cashout ng 500K isang bagsakan?
Bakit parang Gigil ka sa word na "ISANG BAGSAKAN " kabayan? when karamihan nga eh gusto ng mas maraming cash out para makaiwas sa pwedeng pagkaka problema?

and san mo ba gusto magwithdraw? Coins.Ph ba yang siansabi mo? kung Max level kana eh amdali mo lang ma cash out yan.


Title: Re: Planning to cashout 500K PHP
Post by: xLays on March 31, 2021, 06:50:50 AM
Locking this thread since nakapagwithdraw na. Salamat sa P2P ng Binance. Solid na solid. Lugi kung sa coins.ph mag convert.