Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: Vaculin on May 06, 2021, 01:50:58 PM

Title: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Vaculin on May 06, 2021, 01:50:58 PM
Sa nakikita natin ngayon, napakalaki ng hype ng DOGECOIN dahil posibling may $1 pa ito soon.
Make this thread mga kabayan as reference para ma document nating ang mga nangyayari sa DOGE.

Alam naman nating lahat na di magtatagal ang pump ni DOGE kaya please share your opinion, speculation, etc here.

Current price is 0.59 usd.
https://coinmarketcap.com/currencies/dogecoin/

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Insanerman on May 06, 2021, 08:55:03 PM
Sa nakikita natin ngayon, napakalaki ng hype ng DOGECOIN dahil posibling may $1 pa ito soon.
Make this thread mga kabayan as reference para ma document nating ang mga nangyayari sa DOGE.

Alam naman nating lahat na di magtatagal ang pump ni DOGE kaya please share your opinion, speculation, etc here.

Current price is 0.59 usd.
https://coinmarketcap.com/currencies/dogecoin/

1USD?? Sobrang labo. Why? Remember how fast it grew in just couple of months? If you would see it in shorter time frames + yung continuous hype nito sa social media, then yes it is bullish. But remember there are tons of whales na anlalaki ng hinold bago pa to sumikat. Also, if you would look in its 1Day time frame chart then mapapansin mo rin na OVERBOUGHT na siya which can be seen by RSI plus may HIdden Bearish Divergence na siya kung titignan naman ang MACD.

https://i.imgur.com/BPcKPaL.png

Therefore, di ko talaga sinusuggest sa iba na pumasok pa sa doge ngayon at nasa overbought section pa ito. Not really anti sa dogecoin, pero once na humina din hype niya alam mo nang back to 0.1 usd yan or less.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Vaculin on May 07, 2021, 10:09:56 AM
Malabo nga pero hindi impossible.

Di ba tawag pa natin sa DOGECOIN before ay shitcoins? Meaning yung value napaka liit or almost worthless, pero dumating sa punto na nag pump na siya into 0.6 usd and we never thought of that. Alam ko namang overbought, pero mas mabuti ring alam natin kung gaano ka hype ang DOGE ngayon, kaya maganda rin sigurong sabayan ito kung merong ka namang mabuting knowledge sa short term trading.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Peanutswar on May 08, 2021, 04:14:38 PM
Sa ngayon isa ako sa nag invest sa Doge nung umangat ito siguro mga hula ko asa .40 yung entry ko nun kasi nung nag pump ng .50 nag share pako ng post ni Binance ang sakin naman di ako umaasa sa 1 usd more than that okay nako mag take profit pag dating sa mga .80-.90 solid nako dito kasi nga isa lang itong meme coin feel ko pinag tripan lang talaga ni Elon Musk to at syempre hype ng social media pa kaya marami naakit ngayon.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: maxreish on May 10, 2021, 04:18:29 AM
Eto nakita ko lang sa twitter ano ang masasabi niyo dito sa tweet (https://mobile.twitter.com/elonmusk/status/1377567762919292938?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1377567762919292938%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fd-81920689800951191.ampproject.net%2F2104240357001%2Fframe.html) ni Elon Musk?

https://i.ibb.co/TtvsM6S/received-162393219219060.jpg

Siguradong magpa pump na naman ito dahil sa tweet na yan ni EM. Binabalak ko din bumili ng kahit ilang dogecoin at i long term hold ito.  Pero pinag iisipan ko pang mabuti at baka isa itong bait at maipit kung sakali

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: samcrypto on May 10, 2021, 06:56:36 AM
Bawat Tweet talaga ni Elon ay nagrereact ang market at panigurado, dahil sa bagong tweet na ito ay makakabangon ulit si DOGE from its recent pump.
I'm also planning to join the hype on DOGE pero nagaalangan paren ako kase masyadong mabilis ang galawan ng DOGE and baka maipit lang den talaga ako.

Marami naba ang nakaride sa DOGE dito at kumita thru pump and dump?

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Bttzed03 on May 10, 2021, 07:21:40 AM
~ Binabalak ko din bumili ng kahit ilang dogecoin at i long term hold ito.
Kung plano mo gawin ito, i-convert mo na lang sa BEP20 (o ibang stakeable na token mula sa ibang blockchain) tapos ipasok mo na lang sa farm para naman kumita habang nag-aantay. Meron DOGE-BNB liquidity pool sa ApeSwap at ang APR sa ngayon ay 136%.

~
Marami naba ang nakaride sa DOGE dito at kumita thru pump and dump?
Okay na ako sa mga Doge na nakuha ko as rewards noon. Hintay-hintay na lang na lumampas ng $1 bago maisipang magbenta ulit.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: goaldigger on May 10, 2021, 12:48:44 PM
Nalate ako sa pump ni DOGE kaya medyo maliit lang den ang kinita pero sobrang volatile ngayon ni DOGE lalo na dahil sa mga tweet ni Elon Musk. Marami ren akong friend na naiipit dahil dito, masyado kase silang greedy and di ko naman sila maturuan ng husto since ang gusto nila is easy money and profit.

Sa tingin ko, maganda paren naman ang future ni DOGE and may chance na mahit ang $1, magiging volatile lang talaga ito and wag lang sana bitawan ni Elon Musk si DOGE or else, back to zero level talaga ito for sure. Kaya if hodler ka ng DOGE, always monitor your twitter account kase isang tweet lang ni Elon, gagalaw na agad si DOGE.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Eureka_07 on May 10, 2021, 02:42:49 PM

Marami kasing mga baguhan pa sa crypto trading ang nagtry sa doge since nga andaming tweets dun ng mga known personalities lalo na ni Elon Musk. Pero yun nga diba neto lang, nagdump din bigla nung time na nasa tv show si Elon tas sinabi nya na mag-ingat parin ang mga investors sa pag invest on cryptocurrencies. Sinabi nya rin na ang Dogecoin is created as meme. Yun nag major reason sa palagayw ko kaya nag dogecoin dumped recently.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: peter0425 on May 11, 2021, 10:23:37 AM
Sa nakikita natin ngayon, napakalaki ng hype ng DOGECOIN dahil posibling may $1 pa ito soon.
Make this thread mga kabayan as reference para ma document nating ang mga nangyayari sa DOGE.

Alam naman nating lahat na di magtatagal ang pump ni DOGE kaya please share your opinion, speculation, etc here.

Current price is 0.59 usd.
https://coinmarketcap.com/currencies/dogecoin/
Babantayan ko mga Update dito , Bookmarking the thread lol ..

Medyo sinuwerte ako na makapagtabi ng Dogecoin mula pa nung isang taon so Kailangan ko nalang abangan ang 1$ value para makapag benta na hehe.

Goodluck sa lahat ng Doge holder.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Chipard on May 11, 2021, 12:38:45 PM
Sa nakikita natin ngayon, napakalaki ng hype ng DOGECOIN dahil posibling may $1 pa ito soon.
Make this thread mga kabayan as reference para ma document nating ang mga nangyayari sa DOGE.

Alam naman nating lahat na di magtatagal ang pump ni DOGE kaya please share your opinion, speculation, etc here.

Current price is 0.59 usd.
https://coinmarketcap.com/currencies/dogecoin/

Nagbabalak na rin ako pasukin si DOGE hinihintay ko lang  yung mgandang entry ;D

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Insanerman on May 13, 2021, 07:10:11 PM
~

Pumping what I've already said a week ago. Dogecoin currently at ~0.37USD from .6 the time I mentioned it will go down. With the current price action plus the BTC's bearish pattern in small time frames, tingin ko malaking chance na umabot nga ito back to 0.1USD and might form a cup or magcreate na ng tuluyang bearish divergence. This claims can still be invalid if and only if meron nanamang hype na maganap ngayon which possibly is malabo dahil nag FUD na si elon sa pag accept ng tesla ng BTC.

https://i.imgur.com/GY7TIwe.png

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: blockman on May 14, 2021, 12:54:53 AM
Nagbabalak na rin ako pasukin si DOGE hinihintay ko lang  yung mgandang entry ;D
Kung naghihintay ka lang rin, simulan mo na bumili ng Dogecoin ngayon. Kung tingin mo magandang entry na yung nasa level ng $0.45-$0.48 dapat bumili ka na. Parang mas focus ngayon si Elon sa Dogecoin lang muna kasi kakatapos niya lang magsabi na hindi na sila maga-accept ng bitcoin payment sa mga tesla cars nila. Pero andun pa rin naman daw yung ininvest nilang $1.5B sa bitcoin pero posibleng nagbenta na din sila ng madami kaya ngayon na-apektuhan yung market at biglang bagsakan lahat.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: julerz12 on May 15, 2021, 11:11:58 AM
LMAO, This dude is either a joke or just plain crazy.  :D
https://i.imgur.com/M4Hnap9.jpg
AFAIK, si Billy Markus and Jackson Palmer 'lang known devs ng Doge and one of them even sold their entire dogecoin for a honda civic  :D
Maybe Elon wants to fork his own Doge? Elonoge? LOL
One thing's for sure, the price pumped 25% after his tweet.

Source: https://twitter.com/elonmusk/status/1392974251011895300

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Johnyz on May 15, 2021, 08:42:57 PM
LMAO, This dude is either a joke or just plain crazy.  :D
https://i.imgur.com/M4Hnap9.jpg
AFAIK, si Billy Markus and Jackson Palmer 'lang known devs ng Doge and one of them even sold their entire dogecoin for a honda civic  :D
Maybe Elon wants to fork his own Doge? Elonoge? LOL
One thing's for sure, the price pumped 25% after his tweet.

Source: https://twitter.com/elonmusk/status/1392974251011895300
Now the price is down again, full of hype lang talaga itong si Elon kaya risky kung sasabayan mo ang hype nito at hinde mo imomonitor after that kase maari talaga ikaw malugi. Ok naman ang DOGE before pero ngayon naging hype project na sya, pump and dump dahil kay Elon. Nagsisimula nang dumami ang naiinis kay Elon, wag na sana syang gumawa ng FUD kase grabe ang ibabagsak ng market pag nagkataon.

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: Baofeng on May 16, 2021, 10:11:46 PM
Palagay ko ang first next leg na target ng mga pumpers eh talagang $1.00 para sa Doge. Kaya grabe ang tweet ni Elon tungkol dito hehehe. For those who are interested,

https://bitinfocharts.com/top-100-richest-dogecoin-addresses.html

So may mangilan ngilan na talagang ang daming Doge na naka hold:

https://i.imgur.com/ruK572f.png

At doon sa mga interesado rin malaman kung meron talagang development na nagaganap o magaganap sa Doge, silipin ang official Github repo:

https://github.com/dogecoin/dogecoin

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: malcovi2 on May 17, 2021, 12:40:38 PM
Sa opinion ko baka sa hinaharap mag announce sila ng rebranding.
Parang suspicious na meron mga seryoso na mag iinvest ng malalaking halaga sa isang memecoin.

https://finance.yahoo.com/news/around-100-people-control-doges-103247173.html
https://markets.businessinsider.com/currencies/news/single-dogecoin-whale-owns-22-billion-elon-musk-february-warning-2021-5-1030404506

tsaka bleeding na ang lahat pero stable lang siya. ???

Title: Re: DOGECOIN Thread (news, prediction, and speculation)
Post by: iTradeChips on June 02, 2021, 03:37:26 PM
Huling check ko sa DOGE eh nasa 34 cents U.S. siya pumapalo ngayon. Isa na ako sa mga nanghinayang na naibenta ang DOGE nung sobrang mura pa nito. Pero ganun talaga hindi natin malalaman naman talaga ang hinaharap. Kung sakali na babalik ang DOGE sa 7 cents U.S. tiyak bibili ulit ako tapos maghihintay tayo ng matagal na matagal hanggang tumaas ang halaga ng coin na ito. Wala na yata ako nakikita na pwede maging bagong DOGE kasi yung iba parang mga scam naman.