Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: AicecreaME on May 09, 2021, 02:19:25 PM

Title: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: AicecreaME on May 09, 2021, 02:19:25 PM
So nakita ko lang 'to mga kabayan sa Facebook ngayong gabi, at nagulat ako kasi magandang balita ito kung tumatanggap na talaga sila ng cryptocurrency as a payment. However, when I checked their website, cryptocurrency is not yet included on their mode of payment. I also checked their page and they have almost 20,000 likes. So what are your thoughts about it? legit kaya ito or ilalagay na kaya nila ito sa mode of payment nila sa kanilang website?

https://i.ibb.co/KWz75Ns/Screenshot-20210509-221214774-1.jpg (https://ibb.co/KWz75Ns)

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: mk4 on May 09, 2021, 04:00:53 PM
Links? Hindi ko mahanap sa Facebook pages.

For some reason though mas kokonti ung page likes, iba ung Facebook page na nakalink sa website nila.

Ito ung nasa website: https://www.facebook.com/BigasPhDelivery/
Ito ung almost 20k likes: https://www.facebook.com/BPhDelivery/
Website: https://www.bigasph.com/

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: bL4nkcode on May 09, 2021, 04:22:18 PM
For some reason though mas kokonti ung page likes, iba ung Facebook page na nakalink sa website nila.
Pansin ko rin, tapus almost the same content din though mag kaibang page

However, when I checked their website, cryptocurrency is not yet included on their mode of payment.
Siguro sa footer icons lang nila di pa included. If kase posted na nila at sponsored pa sa fb sure na implemented na yan. At since gamit nila is shopify website, malamang isa dito yung gamit nila na payment gateway para sa crypto

  • Coinbase Commerce
  • BitPay
  • GoCoin
  • CoinPayments.net

Considering na napaka laki ng fees now marahil kunti lang din gagamit nyan, maliban nalang if e-implement din nila coinsph payment gateway.

EDIT: Checked their app gamit android emulator sa pc ko, and confirmed nga gamit nila is coinpayments

https://i.ibb.co/jWk2YxY/coinspayment.png (https://i.ibb.co/jWk2YxY/coinspayment.png)

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Eureka_07 on May 09, 2021, 05:44:52 PM
Makailang-ulit ko din nakita yung ads niyan sa Facebook. Medyo konti lang ata talaga yung followers at likes ng page nila kasi di naman kagaya ng ibang page yung business nila? Yung page nila na nakita ko nag aaccept sila ng payment sa paypal, di ko nakita yang sa through crypto.
Nice dig for that find tho.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: crzy on May 09, 2021, 09:55:04 PM
I saw this on their ads sa facebook and for me magandang balita ito para sa mga pinoy. Dumadami na ang small businesses na nagaaccept ng cryptocurrency as mode of payment though I’m still not sure kung paano bumili using cryptocurrency and if nagdedeliver ba sila nationwide, anyway this is still a good progress sana may big businesses na ren na magstart mag accept ng cryptos.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: AicecreaME on May 10, 2021, 05:24:17 AM
However, when I checked their website, cryptocurrency is not yet included on their mode of payment.
Siguro sa footer icons lang nila di pa included. If kase posted na nila at sponsored pa sa fb sure na implemented na yan. At since gamit nila is shopify website, malamang isa dito yung gamit nila na payment gateway para sa crypto

  • Coinbase Commerce
  • BitPay
  • GoCoin
  • CoinPayments.net

Considering na napaka laki ng fees now marahil kunti lang din gagamit nyan, maliban nalang if e-implement din nila coinsph payment gateway.

EDIT: Checked their app gamit android emulator sa pc ko, and confirmed nga gamit nila is coinpayments

https://i.ibb.co/jWk2YxY/coinspayment.png (https://i.ibb.co/jWk2YxY/coinspayment.png)

Oh, di ko nacheck yung app nila boss pero siguro nga hindi pa nila nailalagay sa website sila yung payment option na cryptocurrency. Pero I agree, coins.ph pa rin talaga mas magandang gamitin nila.

Links? Hindi ko mahanap sa Facebook pages.

For some reason though mas kokonti ung page likes, iba ung Facebook page na nakalink sa website nila.

Ito ung nasa website: https://www.facebook.com/BigasPhDelivery/
Ito ung almost 20k likes: https://www.facebook.com/BPhDelivery/
Website: https://www.bigasph.com/

Yung may 20K kabayan. Pero sobrang fishy pa rin nung advertisement nila kasi hindi sila nagpoprovide ng karagdagang impormasyon at nakita ko rin na magkaiba nga yung linked website sa magkaibang page. Doble ingat pa rin mga kabayan kung gusto nyong subukan.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: peter0425 on May 10, 2021, 11:37:40 AM
So nakita ko lang 'to mga kabayan sa Facebook ngayong gabi, at nagulat ako kasi magandang balita ito kung tumatanggap na talaga sila ng cryptocurrency as a payment. However, when I checked their website, cryptocurrency is not yet included on their mode of payment. I also checked their page and they have almost 20,000 likes. So what are your thoughts about it? legit kaya ito or ilalagay na kaya nila ito sa mode of payment nila sa kanilang website?

https://i.ibb.co/KWz75Ns/Screenshot-20210509-221214774-1.jpg (https://ibb.co/KWz75Ns)
pagkabasa ko ng post mo now mate sinilip ko nga ang site at wala ako nakikitang Liwanag tungkol dito sa crypto acceptance nila at parang medyo nakaka paghinala dahil walang ganong linaw ang Site nila , mukhang nakikisakay lang sa kasikatan ng Bitcoin/crypto .

Muntik pa naman ako maniwala kasi Negosyo din ni Misis ang pag bibigas at magiging pabor sakin to kung sakaling tumatangap sila ng crypto dahil baka sa kanila nalang ako umangkat .

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: cheezcarls on May 10, 2021, 12:21:55 PM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: maxreish on May 11, 2021, 12:37:13 AM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
 
 Mas maganda nga sana kung i reconsider nila ang coins ph as their payment method. Isa pa, kung same lang din naman ang prize ng mga bigas nila sa market I assume mas convenient pa din na bumili sa malapit nalang considering the high fees + of course delivery charge pa.
 Anyway, naghahanap din ako ng feedback nito pero as of now wala din akong makita kung sino na ang nakasubok.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: agustina2 on May 11, 2021, 06:47:08 AM
Isa pa, kung same lang din naman ang prize ng mga bigas nila sa market I assume mas convenient pa din na bumili sa malapit nalang considering the high fees + of course delivery charge pa.

Ang purpose kasi nila is to support local farmers. Itong Bigas PH is nakipag partner ng rekta sa mga local farmers at millers. Kaya medyo mas mataas price nila. Saka ang convenient na binabayaran dito is di na iyong lalabas pa ng bahay. Maganda ang feedback at less than 24 hours madeliver na iyong bigas.

Free din ang delivery sa 25KG so walang pinagkaiba kung sa palengke bibili.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: quins on May 11, 2021, 06:52:19 AM

parang online shopping po siya kaya lang libre delivery, yun nga lang medyo kamahalan. doon narin tayo papunta pagdating ng panahon.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: blockman on May 11, 2021, 08:49:44 AM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
Tama, isang QR code or email lang para sa payment nila or yung mismong PHP wallet nila, ok na at mas mabilis na ang transaction. Pwedeng nauna lang ang announcement nila pero hindi pa nila naisaayos mismong yung sistema nila. May mga ganyan kasing mga companies na nauuna ang announcement pero yung mismong ina-nounce nila ay hindi pa nila naa-apply sa mismong system nila. Pero maganda yung mga ganitong balita kung legit kasi nga mas dumadami ang tumatanggap ng crypto payments. Biruin mo dati, walang pumapansin pero ngayon ang dami na. Wag lang sana ulit parang biglang manghihina kapag dumating na yung bear market.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Johnyz on May 11, 2021, 11:56:50 AM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
Pag coinsph tapos PHP ang gagamitin ay parang gumamit nalang sila ng ordinaryong online payment apps like gcash and other bank transfer online, pero kung coinsph BTC, XRP, and ETH ang iaaccept nila siguro mas magigin ok pa ito kaya lang talaga malaking problema ang fees lalo na kapag hinde coins to coins. Anyway, maganda ang adoption na tulad na ito na kung saan magagamit mo talaga yung cryptocurrency, sana mas maraming online stores pa at mga businesses ang mag accept ng cryptocurrency.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: abel1337 on May 11, 2021, 06:18:44 PM
Habang tumatagal eh mas marami na ang merchants na nag aaccept ng crypto payments and it is a big deal for us crypto users. Marami na din akong nakikita na ibang merchants sa facebook na nag aaccept ng crypto para sa product nila, Even facebook marketplace may mga ads ako na nakikita dun na direct crypto ang payment method nila.

I can suggest na gumawa tayo ng directory ng merchants na nag aaccept ng crypto dito sa Philippines, I recommend na gagawa is the one who is most active here in local for consistent updates and mag contribute nalang tayo for the content of the thread.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Insanerman on May 11, 2021, 10:01:51 PM
So nakita ko lang 'to mga kabayan sa Facebook ngayong gabi, at nagulat ako kasi magandang balita ito kung tumatanggap na talaga sila ng cryptocurrency as a payment. However, when I checked their website, cryptocurrency is not yet included on their mode of payment. I also checked their page and they have almost 20,000 likes. So what are your thoughts about it? legit kaya ito or ilalagay na kaya nila ito sa mode of payment nila sa kanilang website?

https://i.ibb.co/KWz75Ns/Screenshot-20210509-221214774-1.jpg (https://ibb.co/KWz75Ns)

I won't really prefer to them na tumanggap ng volatile assets like Bitcoin. Imagine magbabayad ako ng bigas na worth 2000PHP ngayon and if BTC yan pedeng 1900 nalang bukas unless they seek for long term. Pero di ko din sure kung pano ang issue naman nila sa BIR with their business na nag aaccept ng crypto tas ibang payment gateway pa gamit nila, ano mano-mano nilang irerecord transaction nila? Kasi pag profit pagbabasehan may chance talaga na lugi yung makukuha nila, Lastly, yung fees pa ng transaction (if meron) eh nakakalugi naman sa user. Mas ok nalang din talaga coins.ph ang gateway or any stable coin ang tanggapin nila. Or just focus sa PHP.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Adreman23 on May 12, 2021, 12:22:19 AM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
Kapag PHP to PHP parang fiat pa din ginamit pang payment kung sabagay pede din ekonvert natin ang ating crypto sa php sa coins.ph pero malaki pa din mawawalang pera kapag derektang convert. Siguro maganda kung crypto talaga ina accept nila at yung pipiliin nilang crypto ay yung mababa lang ang transactions fees.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: peter0425 on May 12, 2021, 12:19:15 PM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
Tingin ko coins or Abra ang option , kasi wala dinf fee pag abra to abra transaction .

But Siyempre Coins.ph lang ang pinaka sikat at gamit na gamit ng mga pinoy cryptonians.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: dothebeats on May 12, 2021, 06:38:24 PM
Nakita ko rin itong ads na to sa FB nung isang araw. If this is really implemented sa kanilang platform, then one can say na talagang nag-gegain na ng traction ang cryptocurrency sa Pinas hindi lang sa investments kundi pati na rin sa commodities and goods. Most probably payment processor ang gagamitin nito to settle transactions dahil nga sa laki ng kasalukuyang fee sa iba't ibang cryptocurrencies, but still it's a step towards the right direction para mas macurious at mas mamulat ang mga kababayan natin sa wonders ng cryptocurrency.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: xSkylarx on May 13, 2021, 02:31:05 PM

Maeencourage din nito ang iba pang businesses na iconsider rin ang cryptocurrencies sa kanilang mode of payment. Mas magiging aware ang mga kababayan natin na hindi ito scam dahil usually ito ay ginagamit ng mga investment schemes dito satin. Kung volatility ang pag uusapan, maaring tumanggang ang isang business ng stablecoin tulad ng USDT or BUSD dahil sila din ay mga crypto pero ang value nila ay nakapantay lang sa USD. Dahil dito maiiwasan nila ang pagkalugi at ang kaylangan na lang nilang bayaran ay ang fee nito which is pagconvert ng stablecoins into fiat.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Theb on May 14, 2021, 02:48:13 PM
It's good to see that an emerging business has taken the step forward pagdating sa pag-accept ng cryptocurrency lalong-lalo na match ito sa kanilang online platform pero pag titignan ninyo mabuti sa tingin ko wala itong epekto sa ating crypto industry. Unang-una sa lahat may option sila for cash on delivery (COD) which I think ito ang magiging preferred ng mga tao dahil ito sa tingin nila ang pinaka "convenient" dahil cash is king pa din sa Pilipinas, pangalawa hindi mismo prinopromote sa kanilang website na tumatanggap sila ng Bitcoin at other cryptocurrencies kumpara sa ibang payment methods like Visa and Paypal payments which para sakin ay parang di nila focus or preferred na tanggapin sa kanilang business kung gusto ninyo makakita ng mass adoption sa Pilipinas sa tingin ko dapat magsimula muna tayo sa digitalization ng payments natin dahil dito mapapadali ang proseso.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Cling18 on May 18, 2021, 02:24:05 PM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
 
 Mas maganda nga sana kung i reconsider nila ang coins ph as their payment method. Isa pa, kung same lang din naman ang prize ng mga bigas nila sa market I assume mas convenient pa din na bumili sa malapit nalang considering the high fees + of course delivery charge pa.
 Anyway, naghahanap din ako ng feedback nito pero as of now wala din akong makita kung sino na ang nakasubok.

Kaya rin siguro hindi ganun katunog yung business dahil masyadong maraming ibang options para mamili ng bigas instead online na gagastos ka pa ng shipping fee pero magandang option na rin ang pagtanggap nila ng cryptocurrency. Sa palagay ko, kailangan pa muna nilang palaguin ang business nila through business ads. Kahit kasi advantage ito sa mga cryptocurrency users, kung hindi rin naman ganun ka convenient ang pagorder ng product sa kanila, mababale wala rin yung bagong mode of payment nila.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: virasisog on May 18, 2021, 11:22:40 PM
Even small business are starting to accept cryptocurrency. Pero sa tingin ko, wala gaanong impact sa business sa ngayon ang pag accept ng crypto as a mode of payment since masyado pa tayong malayo sa massive adaptation lalo na sa ating bansa. Pero maganda pa rin itong initiative para sa mga small businesses at napapansin natin na parami na rin ng parami ang mga pinoy na nahuhumaling at tumatangkilik sa crypto. Sana lang mas mapadali para sa ating mga kababayan ang pag access at withdrawal ng crypto para mas madali itong tangkilikin lalo na ng mga small investors.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: peter0425 on May 19, 2021, 08:54:09 AM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
 
 Mas maganda nga sana kung i reconsider nila ang coins ph as their payment method. Isa pa, kung same lang din naman ang prize ng mga bigas nila sa market I assume mas convenient pa din na bumili sa malapit nalang considering the high fees + of course delivery charge pa.
 Anyway, naghahanap din ako ng feedback nito pero as of now wala din akong makita kung sino na ang nakasubok.

Kaya rin siguro hindi ganun katunog yung business dahil masyadong maraming ibang options para mamili ng bigas instead online na gagastos ka pa ng shipping fee pero magandang option na rin ang pagtanggap nila ng cryptocurrency. Sa palagay ko, kailangan pa muna nilang palaguin ang business nila through business ads. Kahit kasi advantage ito sa mga cryptocurrency users, kung hindi rin naman ganun ka convenient ang pagorder ng product sa kanila, mababale wala rin yung bagong mode of payment nila.
Actually hindi nman yong pag boom ng business dito ang agad na topic mate kundi yong Idea na meron ng business sa Pinas na posibleng tumanggap ng Bitcoin or other cryptocurrencies para sa Bigas literally.
Meaning sa isang Banda ay nagkakaron na ng kamulatan ang mga Sektor ng bansa specially ang pag nenegosyo para ma adopt ang crypto.
Imagine na Bigas ang pinaka pangunahing pagkain ng Pinoy at eto na meron ng pwedeng mabilhan online gamit ang atng pinakamamahal na Bitcoin.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: AicecreaME on May 24, 2021, 01:57:15 PM
Coins PH ang magandang option para sa kanila to accept crypto payments, dahil walang fee pag PHP to PHP. Unfortunately pag gamitin nila Coinpayments for buying their products and services, magbayad pa tayu ng transaction/gas fee on top po sa delivery charges.
 
 Mas maganda nga sana kung i reconsider nila ang coins ph as their payment method. Isa pa, kung same lang din naman ang prize ng mga bigas nila sa market I assume mas convenient pa din na bumili sa malapit nalang considering the high fees + of course delivery charge pa.
 Anyway, naghahanap din ako ng feedback nito pero as of now wala din akong makita kung sino na ang nakasubok.

Kaya rin siguro hindi ganun katunog yung business dahil masyadong maraming ibang options para mamili ng bigas instead online na gagastos ka pa ng shipping fee pero magandang option na rin ang pagtanggap nila ng cryptocurrency. Sa palagay ko, kailangan pa muna nilang palaguin ang business nila through business ads. Kahit kasi advantage ito sa mga cryptocurrency users, kung hindi rin naman ganun ka convenient ang pagorder ng product sa kanila, mababale wala rin yung bagong mode of payment nila.

Ayan yung mahirap kabayan, kahit gaano pa sumikat yung business nila kung onti lang naman sa mga customers nila ang may cryptocurrency, balewala rin yung new payment option nila, kaya dapat talaga magkaroon muna ng massive cryptocurrency adoption sa pilipinas upang masuportahan ng maayos yung mga businesses na tumatanggap ng cryptocurrency as a payment.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Peanutswar on May 24, 2021, 04:42:54 PM
Nakailang beses ko na din to nakita sa facebook eh kala ko parang joke time lang sa ads ko legit pala sana adopt nalang din nila ung coins na payment mas okay sya bukod dun  less hassle pa lalo madalas ngayon congested mahirap makapag send pero like sabihin nating XRP as a mode of payment solid at mabilis pa
May balak ba mag try ang ilan sa inyo or may nakapag try na ?

Kaso medyo risky lang sa business ang crytocurrency kasi nga volatile ito like maiwan mo lang saglit maari ka malugi or kumita

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Text on May 25, 2021, 12:48:03 AM
Pareho ba nilang pages yung sa Facebook? As per checking kasi ng kanilang website, When you click the FB icon ay sa page ng BigasPh (9K+ likes) napupunta, at pag-click naman ng messenger icon ay BPh (20K+ likes) naman lumalabas.

Anyway, mas okay nga kung magkaroon din sila ng gateway ng coins.ph para pwedeng PH to PH, crypto naman ang nature ng service. Mataas pa rin nga ang fee ng BTC at ETH, pero kung XRP ay ayos lang.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: SFR10 on May 25, 2021, 04:22:26 AM
Pareho ba nilang pages yung sa Facebook? As per checking kasi ng kanilang website, When you click the FB icon ay sa page ng BigasPh (9K+ likes) napupunta, at pag-click naman ng messenger icon ay BPh (20K+ likes) naman lumalabas.
Yup, base sa "FAQ (https://www.bigasph.com/apps/help-center#hc-how-to-order)" page nila, may dalawang silang page/account sa facebook:

Chat thru FB Messenger, search for BigasPh or BPh on Facebook and chat anytime, we are open 24/7

Anyway, mas okay nga kung magkaroon din sila ng gateway ng coins.ph para pwedeng PH to PH, crypto naman ang nature ng service. Mataas pa rin nga ang fee ng BTC at ETH, pero kung XRP ay ayos lang.
Last time that I checked [mahigit dalawang taon], limited yung mga cryptocurrencies sa coins.ph kaya mas marami ang options sa CoinPayments. Chineck ko din yung page ng coins.ph para sa mga merchants at mukang may problema [link (https://coins.ph/business/accept-payments)].
- Tungkol sa mataas na fees, hindi na ganun kataas ang fees sa BTCitcoin transactions [link (https://mempool.space/)].

Nakasulat din sa website nila yung pag tangap nila sa BTCitcoin at iba pang cryptocurrencies:

Bitcoin and other Cryptocurrencies

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: qwertyup23 on May 28, 2021, 10:14:49 AM
Actually, may nakita din akong ganitong ad sa Facebook. I also tried visiting yun website pero nakita ko na wala pa nga ang cryptocurrency as their mode of payment.

Regardless, maganda itong balita ito sa bansa dahil nakikita na ng mga business-owners ang potensyal ng bitcoin bilang isang investment for long-term. Maaaring bumaba nga ang presyo nito pero for long-term investment, kapag nag fork ulit ang BTC malamang tataas nanaman persyo nito.

I also hope that businesses follow the same trend na nag didiversify sila ng payment options nila to include BTC. Not only does this help remove the stigma sa bitcoin but it also gives awareness about sa existence ng BTC sa bansa.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: iTradeChips on June 04, 2021, 12:25:50 AM
Hindi ba nakakaganda ng loob na makita na may mga negosyong gumagawa ng kanilang mga paraan para tanggapin ang mga cryptocurrencies. Kung susumahin mo nga naman, eto ang dapat na maging gamit ng bitcoin at ethereum at marami pang mga cryptocurrencies. Maging mode of payment sa pagbili ng goods and services. Siguro hindi pa nila plantsado maigi ang mga platforms na kailangan nila gamitin but I think this is already a good start for mass adoption of cryptocurrencies in the Philippines.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Bitcoinjheta on June 04, 2021, 09:25:41 PM
Searching BigasPh po wala naman nakalagay na they are accepting cryptocurrency payment method. Sa mga nakikita ko doon sa kanila page ay Gcash, Amex, Paypal, at mga bank card lang ang pwede. Sa tingin ko ay wala pa silang ganyan sa payment method kasi hindi pa gaano kasikat ang cryptocurrency o wala pang alam ang karamihan ng digital currency at ang paggamit nito.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: SFR10 on June 05, 2021, 06:51:57 AM
I also tried visiting yun website pero nakita ko na wala pa nga ang cryptocurrency as their mode of payment.
Nandoon yung option kabayan, kailangan iclick mo yung "CoinPayments" option sa listahan.
- Check mo yung "post (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5336319.msg56972997#msg56972997) [screenshot]" ni bL4nkcode.

Searching BigasPh po wala naman nakalagay na they are accepting cryptocurrency payment method.
Matagal na nakalagay sa FAQ page nila:

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Coin_trader on June 05, 2021, 12:35:50 PM
Hindi ba nakakaganda ng loob na makita na may mga negosyong gumagawa ng kanilang mga paraan para tanggapin ang mga cryptocurrencies. Kung susumahin mo nga naman, eto ang dapat na maging gamit ng bitcoin at ethereum at marami pang mga cryptocurrencies. Maging mode of payment sa pagbili ng goods and services. Siguro hindi pa nila plantsado maigi ang mga platforms na kailangan nila gamitin but I think this is already a good start for mass adoption of cryptocurrencies in the Philippines.

Sa tingin ko not good na ang Bitcoin at Ethereum as mode of payment dahil sa volatility at napakamahal na transaction fee nito compared sa mga existing payment method like Gcash. Samahan mo pa ng madalas na pag puno ng mempool ng BTC na nagreresulta sa napakabagal at mataas na fee. Sa tingin ko ay mas mainam na gamitin yung mga stable coin gaya ng USDT(TRC20) dahil ito ay mabilis, stable at mura ang transaction fee.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: chikading2016 on July 16, 2021, 04:44:59 AM
So nakita ko lang 'to mga kabayan sa Facebook ngayong gabi, at nagulat ako kasi magandang balita ito kung tumatanggap na talaga sila ng cryptocurrency as a payment. However, when I checked their website, cryptocurrency is not yet included on their mode of payment. I also checked their page and they have almost 20,000 likes. So what are your thoughts about it? legit kaya ito or ilalagay na kaya nila ito sa mode of payment nila sa kanilang website?

https://i.ibb.co/KWz75Ns/Screenshot-20210509-221214774-1.jpg (https://ibb.co/KWz75Ns)
Well kung totoo man ito at kung talagang tatanggap na sila ng bitcoin as mode of payment sa aking palagay ay maganda naman kung ang layunin ay mapadali at maging mas safe ang ating mga mamimili. pero may dis-advantage din naman ito kagaya ng sa transaction fee siguradong mahal ang transaction fee nito.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: peter0425 on July 17, 2021, 01:31:33 AM

Walang Transaction Fee pag Coins.PH to Coins.PH wallet kabayan kaya kung susumahin eh mas tipid nga to kung tunay nga ang layunin dahil halos lahat naman ng pinoy Coins.ph ang gamit.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: goaldigger on July 17, 2021, 12:58:35 PM

A lot of local companies na ang nagaacept ng cryptocurrency dito sa Pinas and recently, some businesses announced that they already accepting SLP as mode of payment and I believe they understand the risk, the fees and the volatility before making such decisions.

Dumarame na ang nagtitiwala sa cryprocurrency, kaya lang madame paren ang toxic na pinoy na patuloy sa pangloloko, at patuloy sa pagkalat ng nga fake news kaya masyadon naaapektuhan ang iba. Anyway, this is a good start and sooner or later, dadame pa ang magaacept ng crypto.

Title: Re: Bigas PH are now accepting cryptocurrency?
Post by: Ems. on September 24, 2021, 12:26:12 PM
Mas mainam at maganda if magamit s pinas,makakatulong talaga sa pamilya.mabilisang transaksyon din,deliver n lng sa bahay tapos  bayad ,di na mamoblema Mga ibang mamimili din...at malakihang negosyo...mas mainam na allow na po di sa  pilipinas.para sa ganun ,mga ibang tao mashare din nila to spread some knowledge about cryptocurrency.