Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: Mometaskers on September 08, 2021, 06:40:04 PM

Title: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: Mometaskers on September 08, 2021, 06:40:04 PM
Yung tita ko kasi pinipilit ako mag-register daw. Bihira ako magtingin ng mga ganito kaso medyo na-annoy lang dahil isinali ako sa group at paggising ko pinutakti ako ng notifications. Ayoko rin naman mag-open ng links. Naisip ko lang magtanong dito kung meron bang sumali diyan. Kamusta naman siya, may napala ba kayo?

May photos naman sila sa group ng payout daw or whatever. Kaso usually kasi yung mga ganitong project sa Pinas eh parang Ponzi lang.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: blockman on September 09, 2021, 10:57:08 AM
Mukhang hindi yan crypto, kahit ginoogle ko na wala akong nakitang anumang impormasyon tungkol dyan sa SVM gemstone na yan. Siguro mas safe i-assume na huwag mo nalang entertain at sabihin mo nalang sa tita mo na wala kang budget pang invest o pang sali sa kanila. Mukhang ponzi kapag ganyan tapos pinipilit ka pa i-recruit ng kamag anak mo. Tapos kung magle-leave ka naman sa group, sabihin mo lang parang may napindot ka o di kaya nag clean up ka ng phone mo tapos accidentally na-leave group mo. Basta wag ka nalang mag click ng mga links dyan para safe ka.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: mk4 on September 09, 2021, 03:16:31 PM
Nagsearch ako sa Facebook, ito agad bumungad.

May level level thingys with referrals, so 99.9% chance na typical ponzi scheme to.

https://www.facebook.com/jmcolinares01/posts/302339488328307

https://i.imgur.com/tL26SM2.png

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: peter0425 on September 10, 2021, 03:23:04 AM
parang parehas din lumabas sa search namin ni mk4 tungkol dito and claim nila is Blockchain Financial sila.

ganitong ganito ang mga nakaraang scam eh yong financial claims hahaha

https://i.imgur.com/W1T03o0.png

kaya ka yata minamadali ng tita mo dahil dito eh

https://i.imgur.com/UtVQWna.png

kasi withdrawal na daw sa September 13

https://i.imgur.com/UtVQWna.png

in which dyan na magsisimulang malaman kung maraming nabiktima or mas darami pa ang mabibiktima nila.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: Mometaskers on September 10, 2021, 06:21:55 PM
Mukhang hindi yan crypto, kahit ginoogle ko na wala akong nakitang anumang impormasyon tungkol dyan sa SVM gemstone na yan. Siguro mas safe i-assume na huwag mo nalang entertain at sabihin mo nalang sa tita mo na wala kang budget pang invest o pang sali sa kanila. Mukhang ponzi kapag ganyan tapos pinipilit ka pa i-recruit ng kamag anak mo. Tapos kung magle-leave ka naman sa group, sabihin mo lang parang may napindot ka o di kaya nag clean up ka ng phone mo tapos accidentally na-leave group mo. Basta wag ka nalang mag click ng mga links dyan para safe ka.

Ayun nga eh, nadaan na naman yung tita ko "Bakit di ka pa nareregister?" "Iniisip nyo kasi niloloko ko kayo" "Wala namang mawawala, wala naman kayong ilalabas".  ::)

May hirit pa siya na malaki daw yung palit ng tokens, may free 4000 something pag start. Kaso ayun, magwait daw makaipon ng 100k tokens bago mawithdraw. Ewan ko kung may nakapagcash na diyan. Wala namang inaalok na product, magyaya ka lang ng ireregister so feeling ko nag-gagather lang sila ng info na gagamit sa kung anong kalokohan.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: Mometaskers on September 10, 2021, 06:27:10 PM
kaya ka yata minamadali ng tita mo dahil dito eh

kasi withdrawal na daw sa September 13

in which dyan na magsisimulang malaman kung maraming nabiktima or mas darami pa ang mabibiktima nila.

Kaya nga. Hindi nga nabanggit sa akin na may ilalabas na pera. Register lang daw. Baka maglalabas ng pera para umakyat sa ranking? Di ako familiar sa mga ganitong scam since hindi ako naghahanap maliban na lang kapag nabanggit nitong tita kong to.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: rhomelmabini on September 10, 2021, 08:46:22 PM
As usual isa na namang pyramiding scheme ito na kung saan mas nag gain yung mga mauuna at summarization isang scam. I wonder hindi pa rin matuto mga tao kung ano ito at hindi ma analyze kung ano nangyayari sa pera nila o kahit magtanong man lang. Kapag tinanong mo tita mo kung ano nangyayari sa pera mo tiyak ko it's either trading or some sort of investment at wala kang gagawin, never gets old.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: peter0425 on September 13, 2021, 10:36:47 AM
kaya ka yata minamadali ng tita mo dahil dito eh

kasi withdrawal na daw sa September 13

in which dyan na magsisimulang malaman kung maraming nabiktima or mas darami pa ang mabibiktima nila.

Kaya nga. Hindi nga nabanggit sa akin na may ilalabas na pera. Register lang daw. Baka maglalabas ng pera para umakyat sa ranking? Di ako familiar sa mga ganitong scam since hindi ako naghahanap maliban na lang kapag nabanggit nitong tita kong to.
nag search ako sa youtube and ang lumabas is maraming videos regarding this

https://www.youtube.com/watch?v=FHTji-SaqSo

https://www.youtube.com/watch?v=phYcVUUZiik

Parang ang lumalabas is Referral sya in which hindi ina allowed ng forum natin, and kailangan mo mag download ng wallet nila in which isa pa ding para sakin is risky sa mga Mobile or gadgets natin.

So para sakin? scam to and maliwanag pa sa sikat ng buwan na pyramiding lang to.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: Ems. on October 03, 2021, 04:30:27 PM
SVM,Gemstones,sympre gustong gusto kong kulay green,pwede sya pang negosyo,i think ginagamit pang accessories kaya may kamahalan ang dating ,kasi klaseng crystal...different colors ,to attrack to the costumers,lalo sa mga buyers.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: chrisculanag on October 03, 2021, 05:20:34 PM
Pyramiding scam talaga yan sa mga ilang buwan magooperate pa yan pag nakaipon na ng maraming nakulimbat sigurado maglalaho na lang biglaan yan lalo na kung dito yan sa Pinas.Malakas talaga makaengganyo yun mga kitaan na kailangan ng referrals ang hindi nila alam nabiktima na sila nakadamay pa sila kaya kung balak pasukin yan mga klaseng kitaan daw kuno ay mas maiging pagsaliksikan muna gaya ng iba , mas maganda ng magdalawang isip kesa naman yung di nag-iisip. Kudos sa mga magaling magsaliksik diyan sa tulong nang paghahalungkat niyo ay maraming mas maliliwanagan kung ano ba talaga ito.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: peter0425 on October 04, 2021, 09:02:23 AM
SVM,Gemstones,sympre gustong gusto kong kulay green,pwede sya pang negosyo,i think ginagamit pang accessories kaya may kamahalan ang dating ,kasi klaseng crystal...different colors ,to attrack to the costumers,lalo sa mga buyers.
wait kabayan , naiintindihan mo ba ang thread? nabasa mo ba ang conversation sa taas? or dahil lang sa title kaya ka nag reply?  ;D ;D ;D pinatawa mo ako dun ah lol.

eksakto , syempre totoong mag rerelease sila gn funds sa mga pioneering member/recruit para lumabas na legit ang company nila , ang kawawa dyan yong mga papasok sa bandang gitna bago ito magsitakas.

napakadami ng ganitong nangyari sa mga nakaraan at nagiging headline pa ng balita pero hanggang ngayon meron pa ding mga uto uto na nabibiktima.

Title: Re: Sino dito ang may alam sa SVM Gemstone? Another shit token na naman ba to?
Post by: crzy on October 04, 2021, 12:45:35 PM
Kapag may invite invite, para sa akin ay ponzi scheme ito, pero dahil tita mo yun yaan mo nalang pero wag ka lang mag invest basta basta lalo na kapag hinde mo alam yung papasukin mo. Siguto wag mo nalang den iopen na nagcrycrypto ka kase baka mas lalo kang yayain at baka sayo pa magpaturo ng sapilitan.

SVM,Gemstones,sympre gustong gusto kong kulay green,pwede sya pang negosyo,i think ginagamit pang accessories kaya may kamahalan ang dating ,kasi klaseng crystal...different colors ,to attrack to the costumers,lalo sa mga buyers.
wait kabayan , naiintindihan mo ba ang thread? nabasa mo ba ang conversation sa taas? or dahil lang sa title kaya ka nag reply?  ;D ;D ;D pinatawa mo ako dun ah lol.
Napatawa ren ako dito ah, baka nalito lang sya at di nya na nabasa yung mismong OP, anyway newbie mistakes pero sana maging ok naren in time.