Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: Zardous on March 09, 2022, 06:45:26 AM

Title: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Zardous on March 09, 2022, 06:45:26 AM
Sa tingin niyo ano mas maganda?

Mag invest sa Play to earn na mga laro o mag flip ng mga nfts?

Ako kasi nag invest ako sa Axie noong June 2021, tapos maganda naman kinalabasan ng ROI sobrang bilis pero ngayon wala na halos 10php lang araw araw.

Ngayon trinatry ko naman is mag NFT Flipping. Wala pa ako na fliflip kasi ma tight ang budget kaya kayod muna sa libreng mint sa twitter at discord, Hanggang ngayon parin nag hihintay parin ako ng minting nila at sana matagumpay pag public sale nila para kumita ako.

Pabulong naman kung ano masasabi niyo

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: arwin100 on March 09, 2022, 10:45:19 AM

Kung may kapital ka pwede naman both ang gawin mo kasi di din naman natin masasabi na maganda ang kakalabasan ng isa at yung isa naman hindi at tamang risk taking lang talaga ang labanan sa NFT scene at tamang sniping nadin sa twitter kung ano ang masyadong matunog dahil kadalasan dyan mas malakas ang hype. Basta ang gawin mo lang make sure na kapag sinwerte ka makapag mint ng NFT ay wag mag dalawang isip na mag take profit at wag magpadala sa hype. At sa NFT game naman pwede ka mag follow sa malalaking guild at magka idea kung ano ang magandang pasukan na NFT game ngayon.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Johnyz on March 09, 2022, 09:23:27 PM
Medyo alanganin ngayong yung mga Play to earn most of them ay bagsak kaya ok ren na sumubok ng iba since ROI ka naman na.

Nais ko ren subukang yang NFT flipping, pinagaaralan ko na ren ito ay kung may libre sa twitter at discord, sali lang ng sali kase malay mo, makaswerte ka at maging mahal nag value ng nft na meron ka. Magandang ito, unte unte naren nakukuha ang attention ng marame.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Scripture on March 09, 2022, 11:48:09 PM
Dipende sa Play to Earn kung saan ka magiinvest, if Axie paren I think ok naman.
Ok den sumubok ng bago tulad ng NFT Flipping, need mo lang aralin kung paano ba ang pasikot sikot dyan. Mas ok if magiinvest ka talaga pero kung ok den naman ang bigayan ng free sa discord and twitter ay swerte ka. You can do both depends on your capital, magandang strategy lang ang iyong kailangan.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: serjent05 on March 11, 2022, 03:07:05 AM
If may capital ka mas ok mag-invest sa mga established cryptocurrency na mababa ang presyo.  Nakikita ko kasi trending ng NFT, palaging pabagsak ang presyo.  Di ko na siguro need magbanggit ng examples dahil sure ako naranasan nating mga nag-invest both sa nft games at nft items.  Pero kung trip mo nasa sa iyo naman ang desisyon.  Ang masasabi ko lang parehong gimick yan dalawang yan  ;D. Napakadaling gumawa ng nft item daming nagkalat na tutorial sa youtube at may easy nft creation na mga websites and at the same time ay nandun na rin ang market. So bakit hindi ka na lang gumawa ng sarili mong NFT at ibenta mo at least minimized pa ang capital na kailangan mo ;)

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: arwin100 on March 13, 2022, 11:02:30 PM

Sa dami ng art piece na naka display sa opensea malamang mahihirapan ka maka sales kung gagawa ka ng nft mo dahil need mo parin makapag hype at mahal masyado marketing kung mag launch ka ng sayo kaya kung small time investor ka lang mainam mag flip ng mga ito at ang target talaga dito ay ma sell agad ang item kung bullish ka at lipat agad at wag magpapaiwan dahil ipit talaga ang aabutin natin dito kung ganun ginawa mo.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: FlightyPouch on March 14, 2022, 07:14:54 AM
Ako kasi nag invest ako sa Axie noong June 2021, tapos maganda naman kinalabasan ng ROI sobrang bilis pero ngayon wala na halos 10php lang araw araw.

Mas maganda sana kung naging stable yung earnings mo sa Axie since mabilis talaga yung pagimprove ng game when it comes to metas and skills. Although nasa sayo naman mkung gagawin mo ito. Right now, marami pa din naman kumikita sa Axie and most of them still, naghohold pa den since active naman ang community and madami pa den chance na tumaas ang presyo.

Mag invest sa Play to earn na mga laro o mag flip ng mga nfts?

Right now, oo, maganda ang NFTs but with a lot of choices and sobrang dami talagang NFTs na nagkalat, for now keep on flipping kung kaya mo naman isupport yung pagfiflip. There are a lot of ways to get NFTs and even create them so kung may talent kang to create one, you can try but hindi siya advisable since sobrang daming competitors and they have the money para ilagay sa kanilang marketing.

Sangayon ako sa nasa taas na post, sa sobrang sikat ng mga ito napakabilis ng proseso so dapat palagi kang active and you should also have a plan kung ano gagawin mo since baka ka talaga maiwan.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: blockman on March 16, 2022, 11:41:51 AM
Pwede mo ipagsabay yan. Kung saan ka mas epektib doon ka nalang din muna pero kung kaya mo naman ipagsabay na investor sa mga nft games na tiwala ka at may mga scholars ka, go ka lang kung alam mo din naman ang risk. At sa flipping naman anytime mo pwede gawin yan at aware ka naman sa ginagawa mo.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Ararbermas on March 20, 2022, 07:28:41 PM
Actually for me IMO pwedy both, especially ngayun sa sitwasyon na ito na kung saan ang merkado ay tagilid parin at most crypto ay mababa. So magandang mag invest habang ng lalaro and no need ng malaking capital kasi nga mga cheap yung popular NFTs ngayun. Hindi lang kasali si Axs kasi ganun paren sobrang mahal at kailngan mo ng scholar unlike other nft projects.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: qwertyup23 on March 20, 2022, 11:57:36 PM
Sa tingin niyo ano mas maganda?

Mag invest sa Play to earn na mga laro o mag flip ng mga nfts?

Ako kasi nag invest ako sa Axie noong June 2021, tapos maganda naman kinalabasan ng ROI sobrang bilis pero ngayon wala na halos 10php lang araw araw.

Ngayon trinatry ko naman is mag NFT Flipping. Wala pa ako na fliflip kasi ma tight ang budget kaya kayod muna sa libreng mint sa twitter at discord, Hanggang ngayon parin nag hihintay parin ako ng minting nila at sana matagumpay pag public sale nila para kumita ako.

Pabulong naman kung ano masasabi niyo

Personally, I recommend the method of "pay to earn" since proven na it na may ROI na nagagawa. If ROI ka na sa Axie mo, then I see no reason for you to stop playing talaga. Even if mababa ang price ng SLP sa market, the fact na kumikita ka pa din means na may direct source of alternative income ka, even if mababa. Siguro ang gawin mo na lang is ipunin mo na lang SLP mo for long-term at doon ka mag cash-out if tumaas na yung price or pumunta sa desired price na willing ka mag cash out.

Wala akong experience sa NFT flipping pero madami din akong nakita na mga taong nag profit dito. Siguro it's more of an investment risk (?!) pero mataas ang need na capital dito.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: robelneo on March 21, 2022, 10:51:10 PM
Sa tingin niyo ano mas maganda?

Mag invest sa Play to earn na mga laro o mag flip ng mga nfts?

Ako kasi nag invest ako sa Axie noong June 2021, tapos maganda naman kinalabasan ng ROI sobrang bilis pero ngayon wala na halos 10php lang araw araw.

Ngayon trinatry ko naman is mag NFT Flipping. Wala pa ako na fliflip kasi ma tight ang budget kaya kayod muna sa libreng mint sa twitter at discord, Hanggang ngayon parin nag hihintay parin ako ng minting nila at sana matagumpay pag public sale nila para kumita ako.

Pabulong naman kung ano masasabi niyo

Depende pa rin sa project at sa interest mo may mga play to earn na may potential at anf NFT flipping ay bagong concept na di pa naabot ang potential mas maganda pag aralan mo ng malalim tutal sila naman ang trending ngayun at may potential kailanagan mo lang talaga ng oras at kapital pero kung wala ka choice kung hindi isa lang sa tingin ko mas lamang ng konti ang NFT flipping kasi lumalakas ang hatak nito sa mga investors both ay may potential pili ka lang mg mga tamang projects

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: serjent05 on April 03, 2022, 02:32:48 PM
Sa tingin niyo ano mas maganda?

Mag invest sa Play to earn na mga laro o mag flip ng mga nfts?

Ako kasi nag invest ako sa Axie noong June 2021, tapos maganda naman kinalabasan ng ROI sobrang bilis pero ngayon wala na halos 10php lang araw araw.

Ngayon trinatry ko naman is mag NFT Flipping. Wala pa ako na fliflip kasi ma tight ang budget kaya kayod muna sa libreng mint sa twitter at discord, Hanggang ngayon parin nag hihintay parin ako ng minting nila at sana matagumpay pag public sale nila para kumita ako.

Pabulong naman kung ano masasabi niyo

Personally, I recommend the method of "pay to earn" since proven na it na may ROI na nagagawa.

The question lang dito ay gaano katagal.  Most "pay to earn" stuff ay bumabagsak under Ponzi scheme or pyramid scheme kung saan nasusuportahan ang presyo as long as may mga players na pumapasok.  Marami na rin sa mga ganitong scheme ang napatunayang nagbigay ng pagkalugi sa mga investors. Marami na rin akong nasaksihan na sa una lang ok ang kitaan sa ganitong klaseng laro and at the end ay nag-iiyakan na ang mga naginvest.  Like those Ponzi scheme or Pyramid scheme, ang nananalo lang ay ang mga nauna.

I would rather suggest the NFT Flipping than entering this kind of system (pay to earn).

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: goaldigger on April 03, 2022, 02:41:52 PM

Since OP already know Axie, its ok to try the NFT Flipping as long as OP is buying good NFTs only with a great demand since its hard to buy and sell especially if the NFT you are selling has no utility at all. Maraming Ponzi scheme sa mga new P2E pero if you are going to play the established P2E, that can still be a good decision.

You can actually do both, pero if gusto mo magfocus sa isa better go to NFT Flipping, since P2E profits right now are not that high anymore.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: peter0425 on April 04, 2022, 04:39:33 AM
Sa tingin niyo ano mas maganda?

Mag invest sa Play to earn na mga laro o mag flip ng mga nfts?

Ako kasi nag invest ako sa Axie noong June 2021, tapos maganda naman kinalabasan ng ROI sobrang bilis pero ngayon wala na halos 10php lang araw araw.

Ngayon trinatry ko naman is mag NFT Flipping. Wala pa ako na fliflip kasi ma tight ang budget kaya kayod muna sa libreng mint sa twitter at discord, Hanggang ngayon parin nag hihintay parin ako ng minting nila at sana matagumpay pag public sale nila para kumita ako.

Pabulong naman kung ano masasabi niyo
wala ng mas pinaka maganda pa kung matututunan mo ang trading at hindi lang NFT coins instead ng kabuuan ng crypto market , because tingin ko ang NFT hindi to pang matagalan , lalo na at may experiene kana sa Axie in which mabilisan lang ang galaw ng kitaan, pag hindi mo nakuha ang tamang timing then sigurado lugi ka.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Eureka_07 on April 11, 2022, 10:51:23 AM
<snip>
wala ng mas pinaka maganda pa kung matututunan mo ang trading at hindi lang NFT coins instead ng kabuuan ng crypto market , because tingin ko ang NFT hindi to pang matagalan , lalo na at may experiene kana sa Axie in which mabilisan lang ang galaw ng kitaan, pag hindi mo nakuha ang tamang timing then sigurado lugi ka.
Para sakin naman, mas maganda kung magfocus ka kung san ka pinakakumportableng pag-investan at tingin mo kung san ka magaling (e.g., trading). 

<snip>
Diversify siguro din. Maganda paring mag invest sa Play 2 Earn na mga games at the same time, maganda parin mag flip ng NFT. Kung masipag, matiyaga ka, magandang itry at maging consistent ka sa mga social media outlets kung san pwede kang ma whitelist.
Yung sa axie, since kumikita pa naman may pag-asa pa jan. Di pa naman tapos, up and down trend at sa sobrang daming bilang ng namimint na SLP kaya nagkaganyan yan.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: crzy on April 11, 2022, 12:51:43 PM
<snip>
wala ng mas pinaka maganda pa kung matututunan mo ang trading at hindi lang NFT coins instead ng kabuuan ng crypto market , because tingin ko ang NFT hindi to pang matagalan , lalo na at may experiene kana sa Axie in which mabilisan lang ang galaw ng kitaan, pag hindi mo nakuha ang tamang timing then sigurado lugi ka.
Para sakin naman, mas maganda kung magfocus ka kung san ka pinakakumportableng pag-investan at tingin mo kung san ka magaling (e.g., trading). 
Yes tama pero since OP gave two options let’s assume na ok talaga sya dito and need nya lang malaman kung saan ba ang ok para sa atin. Sa tingin ko mas ok ang Pag buy and sell ng mga NFTs kesa sa P2E ngayon, maraming P2E ang hinde ok ngayon because of the market trend kaya mas ok na magbuy and sell nalang muna para at least less stress den if ever na hinde ka nananalo sa laro. If you still have the means to invest, ok kung pareho pero kung pipili lang ng isa, go for NFT flipping.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: budz0425 on April 16, 2022, 04:19:08 PM
Sa tingin niyo ano mas maganda?

Mag invest sa Play to earn na mga laro o mag flip ng mga nfts?

Ako kasi nag invest ako sa Axie noong June 2021, tapos maganda naman kinalabasan ng ROI sobrang bilis pero ngayon wala na halos 10php lang araw araw.

Ngayon trinatry ko naman is mag NFT Flipping. Wala pa ako na fliflip kasi ma tight ang budget kaya kayod muna sa libreng mint sa twitter at discord, Hanggang ngayon parin nag hihintay parin ako ng minting nila at sana matagumpay pag public sale nila para kumita ako.

Pabulong naman kung ano masasabi niyo

Ang dami kasi lumalabas mga bagong P2E ngayon ang hirap pumili kung ano magandang laruin at kikita ng katulad sa AXIE, halos lahat sila sinasabi next to be Axie, pero siguro kung meron ka naman malaki laking puhunan pwede mo naman gawin pareho. ikaw parin naman ang masusunod. grabe na Axie ngayon talagang mahirap na bumangon yung mga huli ng pumasok d2 halos wala ng income sa paglalaro halos libangan nalang sya. masaklap hirap pa manalo sa laro.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: arwin100 on April 17, 2022, 09:59:32 PM

Ang importante lang dyan is never think about long term on those projects, learn to quit once nakita na natin na nag pump na ito at hanap naman ng iba since mostly pump and dump na galawan ng NFT games ngayon at mahirap nadin mamili kung alin dun ang magandang project since mukhang nagiging ICO like na ang NFT games ngayon.

Kaya sakin kung may bago akong papasukan di nako magpapa isko mag breed nalang ako at magbenta sa marketplace for flipping para kumita agad sa mga bagong launch na nft games.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: peter0425 on April 18, 2022, 10:56:33 AM
<snip>
wala ng mas pinaka maganda pa kung matututunan mo ang trading at hindi lang NFT coins instead ng kabuuan ng crypto market , because tingin ko ang NFT hindi to pang matagalan , lalo na at may experiene kana sa Axie in which mabilisan lang ang galaw ng kitaan, pag hindi mo nakuha ang tamang timing then sigurado lugi ka.
Para sakin naman, mas maganda kung magfocus ka kung san ka pinakakumportableng pag-investan at tingin mo kung san ka magaling (e.g., trading). 

Yeah parang ganon na din ang ibig kong sabihin mate , kasi kung sa NFT lang sya mag fofocus(In which hindi na ganon ka popular now) malamang hindi nga sya magtagumpay.
kaya ko din nasabing Trading pa din sa dulo ng lahat ang profitable at magandang pangalingan ng pwedeng pagkakitaan .
though risky talaga to at medyo mahirap matutunan .

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: arwin100 on April 18, 2022, 02:41:27 PM

Trading talaga ang di nalulumang way para kumita ang mga tao sa crypto pero need talaga ng mga tao na pag aralan itong mabuti lalo na napaka technical nito at kailangan talaga natin maintindihan ang galaw ng market. Tsaka mas mainam talaga ito kumpara dun sa mga NFT games dahil karamihan dun daming na rug pull sa trading kung sumusunod kalang sa gameplan mo at di ka greedy provably kikita ka talaga dito.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Fredomago on April 21, 2022, 06:14:11 PM

Trading talaga ang di nalulumang way para kumita ang mga tao sa crypto pero need talaga ng mga tao na pag aralan itong mabuti lalo na napaka technical nito at kailangan talaga natin maintindihan ang galaw ng market. Tsaka mas mainam talaga ito kumpara dun sa mga NFT games dahil karamihan dun daming na rug pull sa trading kung sumusunod kalang sa gameplan mo at di ka greedy provably kikita ka talaga dito.

Ang hirap din kasing makisabay sa hype lalo na kung yung timing mo para sa pagiinvest sa P2E at NFT flipping eh sa maling pagkakataon, pero sa trading kung meron kang sinusunod na pattern at talagang inaral mo yung business malaki yung chance na magka profit ka kahit hindi bullish ang market.

Hindi madali pero ppwede mo talagang maanticipate yung susunod na igagalaw ng market, madalas kasi nalulugi ang karamihan dahil sa

volatile na galawan pero dapat dagdag na tyaga ng pag aaral yan ang susi para maging maganda ang resulta ng pagttrade mo kung sakaling iconsider mo ang trading.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Eureka_07 on April 23, 2022, 09:09:50 PM
<snip>
Medyo mahaba habang oras ang kailangan din para pag-aralan yang mga yan, at syempre need din ng effort. Kung talagang desidido eh ipagpatuloy para magbunga, mas okay kaysa hindi tapos dahil sayang lang yung oras at effort kung hindi itutuloy.
Karamihan din kasi ngayon, laging positive ang tingin sa P2E at NFTs. Dapat objective lagi ang tingin, nakakalugi ang pagiging sobrang subjective madalas eh.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: lionheart78 on April 26, 2022, 09:56:34 PM
<snip>
Medyo mahaba habang oras ang kailangan din para pag-aralan yang mga yan, at syempre need din ng effort. Kung talagang desidido eh ipagpatuloy para magbunga, mas okay kaysa hindi tapos dahil sayang lang yung oras at effort kung hindi itutuloy.
Karamihan din kasi ngayon, laging positive ang tingin sa P2E at NFTs. Dapat objective lagi ang tingin, nakakalugi ang pagiging sobrang subjective madalas eh.

Tama, dapat sa pagpasok natin sa mga ganitong investment ay tingnan natin ang future market nito, feasibe ba o hindi.  Hype lang ba o may utility na pwedeng mag sustain ng value.  Karamihan kasi sa mga pumapasok sa mga ganito kadalasan ang nasa isip ay continuous ang demand but little that we know, possible na may mga grupo sa likod nito na naghahype at nagpapump ng mga prices.  Kaya kadalsan sa mga ganitong investment (P2E at NFT's) timing ang pinakaimportante dahil kadalasan isahang beses lang ang mga ito nagboboom.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: peter0425 on April 28, 2022, 11:32:07 AM
<snip>
wala ng mas pinaka maganda pa kung matututunan mo ang trading at hindi lang NFT coins instead ng kabuuan ng crypto market , because tingin ko ang NFT hindi to pang matagalan , lalo na at may experiene kana sa Axie in which mabilisan lang ang galaw ng kitaan, pag hindi mo nakuha ang tamang timing then sigurado lugi ka.
Para sakin naman, mas maganda kung magfocus ka kung san ka pinakakumportableng pag-investan at tingin mo kung san ka magaling (e.g., trading). 

Yeah parang ganon na din ang ibig kong sabihin mate , kasi kung sa NFT lang sya mag fofocus(In which hindi na ganon ka popular now) malamang hindi nga sya magtagumpay.
kaya ko din nasabing Trading pa din sa dulo ng lahat ang profitable at magandang pangalingan ng pwedeng pagkakitaan .
though risky talaga to at medyo mahirap matutunan .

Trading talaga ang di nalulumang way para kumita ang mga tao sa crypto pero need talaga ng mga tao na pag aralan itong mabuti lalo na napaka technical nito at kailangan talaga natin maintindihan ang galaw ng market. Tsaka mas mainam talaga ito kumpara dun sa mga NFT games dahil karamihan dun daming na rug pull sa trading kung sumusunod kalang sa gameplan mo at di ka greedy provably kikita ka talaga dito.
at kailangan medyo may lakas ka ng loob talaga mate , kasi hindi ganon kadali ang Trading pero ito ang pinaka mprofitable na area in which sa market.

Kaso ang hirap lang talaga na makakuha ng chances pag baguhan ka at walang mentor .

kaya pakaingatan nating maisahan ng mga project na hindi legit.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: budz0425 on April 28, 2022, 01:44:35 PM

Tama, dapat sa pagpasok natin sa mga ganitong investment ay tingnan natin ang future market nito, feasibe ba o hindi.  Hype lang ba o may utility na pwedeng mag sustain ng value.  Karamihan kasi sa mga pumapasok sa mga ganito kadalasan ang nasa isip ay continuous ang demand but little that we know, possible na may mga grupo sa likod nito na naghahype at nagpapump ng mga prices.  Kaya kadalsan sa mga ganitong investment (P2E at NFT's) timing ang pinakaimportante dahil kadalasan isahang beses lang ang mga ito nagboboom.

Sumasang ayon ako sayo, dapat talaga ng masusing pag imbistiga patungkol sa isang proyekto. marami kasi talagang lumalabas na bagong project na walang utility kundi nadadaan lang sa hype. nag pupump lang dahil manipulado tapos bigla maglalaho na.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: Fredomago on April 28, 2022, 05:32:04 PM

At yun ang madalas na hinahanap din nung mga investors na madalas ma scam, yung tipong hype at pag nakatsamba eh tiba tiba
hindi nila naisip na mas madalas alat kesa sa swerte sa loob nitong investment na to, dapat talaga masusing imbistgasyon bago ka
maglabas ng pera. Madami ng nalugi at talagang nasunugan ng pera dahil sa pagmamadali. Yung dyor dapat palagi yan ginagawa
ng masusi para maganda ang laban mo sa project na pinapasok mo.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: AicecreaME on May 20, 2022, 12:19:23 PM
Both has their own risk. Sa cryptocurrency di mo malalaman hangga't di mo sinusubukan, kasama na rin dito yung malulugi ka at tutubo ka sa ginawa mo. Kasi kung matatakot ka palaging sumubok, wala ka lalong mapapala. For me mas better ngayon mag stock trading, lalo na bagsak market, though NFT flipping ain't that bad kung libre naman katulad ng sinabi mo. Maganda bumili at magbenta ng NFT kaso ayun nga, may chance na mabibili yung gawa mo kaso hindi natin alam kung kailan.

Title: Re: Sa tingin niyo ano mas maganda?
Post by: blockman on May 21, 2022, 06:14:53 AM
Both has their own risk. Sa cryptocurrency di mo malalaman hangga't di mo sinusubukan, kasama na rin dito yung malulugi ka at tutubo ka sa ginawa mo. Kasi kung matatakot ka palaging sumubok, wala ka lalong mapapala. For me mas better ngayon mag stock trading, lalo na bagsak market, though NFT flipping ain't that bad kung libre naman katulad ng sinabi mo. Maganda bumili at magbenta ng NFT kaso ayun nga, may chance na mabibili yung gawa mo kaso hindi natin alam kung kailan.
Halos parehas nalang din naman ngayon ang stocks at crypto. Mas marami pa rin sa stocks kasi traditional market pero kung tutuusin, mas mabilis ang galawan sa crypto market.
NFT, P2E o spot, kahit anong piliin mo dyan basta may disiplina ka sigurado na kikita ka at kailangan mo lang din magtyaga sa pag tingin sa market kung anong pairs ang may opportunity na pabor sayo.