Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: tech30338 on December 27, 2022, 01:23:33 PM

Title: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: tech30338 on December 27, 2022, 01:23:33 PM
Nuong magsimula ako sa crypto, madami ang nagkakapera dahil lang sa airdrop, madami bigla ang naging airdrop hunter ng panahong iyon way back 2016 onwards, kelangan mo lang maging matyaga at magpuyat, kabaliktaran naman ngayon pugto na mata mo puyat kna minsan masscam kapa, so bakit madami ang takot na ngayon sa crypto?
  • May mga project na mataas ang review pero pagdating ng release bagsak sayang investment nila
  • bigla nalang naglalaho kasama ang pera
  • Nahack daw kuno at hindi nila alam anung nangyare bakit nagkaganun
  • Gumagawa ng Versions ng coin tapos mawawala ulit
  • Mismong founder ang tumakbo ng pera
Madalas ito ang mga dahilan kung bakit imbes na ang mga tao maglean papuntang crypto lumalayo sila dahil sa mga ganetong experience
pero sabi nga natin pabago bago at hindi stable ang price kaya risky siya sa mga limited at kaunti ang funds,
iyan ay iilan sa mga dahilan bakit madami parin ang takot sa crypto, kung meron kayong gusto idagdag sa mga nasabi pwede ninyong ilagay.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: mk4 on December 27, 2022, 05:37:56 PM
In general, dahil sa pagkakatalo sa investments. Karamihan kasi is bumili lang talaga ng hyped coins/tokens tapos hinihintay nalang nila tumaas. Naalala ko nung mejo peak, sobrang taas ng activity sa Cryptocurrency Philippines Facebook group. Ngayon pretty much dead ung group.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: blockman on December 28, 2022, 01:05:53 AM
Mayroon din kasing mga good reviews services ngayon na pwedeng bilhin. Kaya madaming mga investors ang naloloko kahit na may magandang reviews na nababasa, akala nila lehitimo yun.
At yun pala, pekeng mga reviews lang pala kaya sa huli, napepeke sila at natatalo lang din pera nila kasi masyado silang nagtiwala sa reviews which is tama rin naman kaso nga lang, dapat doble ingat ngayon kasi nga madaming peke ngayon.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: joeperry on December 28, 2022, 03:33:12 AM
Marami ang nawawalan ng tiwala sa crypto dahil sa new projects, marami kaseng tao yung naniniwala na mabilis silang yayaman sa mga new projects at sa mga quick pumps kaya marami ang nag tatake risk sa mga bagong project at kaya tinatake advantage sila ng mga siraulong scammers at developers para gumawa ng new hype project na in reality wala naman talagang kwenta. Kadalasan malalaman mo na walang kwenta yung project kapag yung focus lang nila is shilling, pahype lang ng project pero wala gaanong information about sa progress and long term plans nila.

If yung goal nila is "Sabay sabay tayong yumaman" alisan mo na yon, dahil yung tunay na project at seryosong project mas priority nila yung madeliver yung project and maging successful yung project hindi yun pera lang ang habol nila.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: xSkylarx on December 28, 2022, 03:46:54 AM
Sobrang bihira nalang talaga ang mga new coins ngayon na legit at talagang pinag handaan ng mabuti ng mga owners and developers ito , kasi mostly na ngayon is nagiging scam at yung goal lang nila is maka likom ng pera at tatakbo na. Sumatotal talaga yung pinaka rason nila is yung na scam sila , siguro na dahil madali silang mag tiwala at nagpadala nalang sa hype para mag invest agad since galing sa sikat na vlogger at di sila nag re-research. Yung mga nahahack is mostly yun yung mga matagal na sa crypto at pinu puntirya sila dahil for sure my funds pa sila. Ang mga tao ngayon  nag conclude na puro scam na ang crypto ngayon kaya parang ayaw na talaga nila.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: abel1337 on December 28, 2022, 01:12:16 PM
In general, dahil sa pagkakatalo sa investments. Karamihan kasi is bumili lang talaga ng hyped coins/tokens tapos hinihintay nalang nila tumaas. Naalala ko nung mejo peak, sobrang taas ng activity sa Cryptocurrency Philippines Facebook group. Ngayon pretty much dead ung group.
Ito ang nakikita ko pinaka general reason kung bakit, madami nag lielow ngayon sa crypto dahil sa mga bumabang asset value ng karamihan at ang iba is nag hihintay nalang ng bull market para makabawi sa mga investments nila. Sadly, maraming coins na malaki ang chance na hindi na tataas kagaya ng hypecoins and those meme coins na majority sakanila is rugged na. Kahit mga shillers sa mga facebook groups is nearly wala na. Yung isang group nga na kasali ako about crypto is nirename yung group at hinala ko is binenta na nung admin. Once na magparamdam ulit na tumataas na yung market, for sure marami ulit babalik sa crypto.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: julerz12 on December 28, 2022, 01:42:38 PM
Madalas ito ang mga dahilan kung bakit imbes na ang mga tao maglean papuntang crypto lumalayo sila dahil sa mga ganetong experience
pero sabi nga natin pabago bago at hindi stable ang price kaya risky siya sa mga limited at kaunti ang funds,
iyan ay iilan sa mga dahilan bakit madami parin ang takot sa crypto, kung meron kayong gusto idagdag sa mga nasabi pwede ninyong ilagay.
The way I see it, only those who expect big from their crypto investments ang madalas takot ng bumalik kapag natalo.
If papasok ka sa crypto, dapat kasi alam mo nang super volatile and full of risky investments opportunity dito.
Pero ang nangyayari, yung iba, sobrang nagmamadali; they go in without proper research. Yung tipong kung ano ang hype, pasok agad at ang mas malala pa, invest lang ng invest, nangungutang pa.
So, ayon, kapag bumagsak crypto-investment nila, ultimo kaluluwa bagsak. May iba pa nga pati buhay binabalewala na dahil sobrang depressed sa pagkatalo.
Kaya madalas ko na suggestion sa friends ko that are curious in crypto-investments (no matter what type that is), maghinay-hinay 'lang. Learn the fundamentals first and always DYOR.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Dr.Bitcoin_Strange on December 29, 2022, 05:20:19 PM
Karamihan sa mga taong natatakot sa crypto ngayon ay ginagawa ito dahil sa mga isyu ng scam na naranasan nila sa mga altcoin at pump-and-dump shitcoin. Noong 2016, mayroong 667 cryptocurrencies, ayon sa mga record na nakuha mula sa isang source (https://explodingtopics.com/blog/number-of-cryptocurrencies). ngunit sa pagsusuri ng Nobyembre 2022, mayroong 21,844 na cryptocurrencies, kung saan ang malaking halaga ay mga scam at shitcoin. Naniniwala ako na ang ilang mga tao ay magpapatuloy pa rin sa takot sa pamumuhunan sa crypto dahil hindi tumitigil ang mga scammer paglulunsad ng mga proyektong scam na naghahanap ng mga mamumuhunan na mahuhulog sa kanila.

  IMO, kung malalaman ng bawat newbie sa crypto ang forum na ito, maglaan ng kanilang oras, at matuto tungkol sa crypto, makakatanggap sila ng ilang babala at matuto mula sa karanasan ng iba.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: lionheart78 on December 29, 2022, 09:12:29 PM
One reason lang naman talaga bakit natatakot ang iba na magtiwala sa crypto and that is lack of right knowledge.  Oo maraming nakakaalam na ng cryptocurrecny at marami na rin ang sumubok, kumita at nalugi dito.  Pero kahit ano pa man ang kinalabasan ng mga ventures na ito, as long as we have the right knowledge about cryptocurrency ay hindi tayo magdadalawang isip dito or matatakot.

Iyong mga nalugi at natakot ay siguradong nadala lang ng bugso ng damdamin dahil sa mga nakita nilang post na maraming kumita sa cryptocurrency kaya nagbakasakali sila, without doing any proper research at acquiring right knowledge.  Dala ng pagiging greedy kaya talon agad sa investment ayun napasukan pala nila ay isang fraud na company na gumagamit ng cryptocurrency para mangexploit ng mga investors.

Kung equipped tayo ng mga tamang impormasyon, malamang sa malamang sa halip na matakot tyo ay baka maglaan pa tyo ng malaking halaga para iinvest sa tamang cryptocurrency.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: crzy on December 29, 2022, 09:24:14 PM
Scam projects, maraming mga pinoy ang nabibiktima paren nito at syempre ipagkakalat nila ito to spread awareness hanggang sa makarating sa nakararami at yung iba na wala pang sapat na kaalaman ay magpapanic talaga agad agad.

Naniniwala ako na kulang pa talaga sa kaalaman ang nakakarami patungkol sa cryptocurrency, kaya sana pagtuunan muna nila ito ng pansin bago maginvest sa isang project. Maraming free courses para matuto, though syempre need lang talaga ng sapat na oras para dito.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Jemzx00 on December 29, 2022, 11:55:29 PM
In general, dahil sa pagkakatalo sa investments. Karamihan kasi is bumili lang talaga ng hyped coins/tokens tapos hinihintay nalang nila tumaas. Naalala ko nung mejo peak, sobrang taas ng activity sa Cryptocurrency Philippines Facebook group. Ngayon pretty much dead ung group.
Most of us naman talaga sobrang na-didisapoint every time na matatalo yung investments natin which is sobrang common to any investments hindi lang sa crypto industry. Nagkataon lang na sobrang laki at lawak ng investment opportunities sa crypto dahil almost everyday may bagong token na naproproduce. Karamihan din satin ay may lack of knowledge about rito at hindi masyadong nagreresearch before mag-invest dahil iniisip nila na malaki yung gain sa mga bagong tokens pero little did they know na sobrang laki rin ng risks sa paginvest sa mga gantong tokens.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Bttzed03 on December 30, 2022, 03:51:08 AM
~ so bakit madami ang takot na ngayon sa crypto?
  • May mga project na mataas ang review pero pagdating ng release bagsak sayang investment nila
  • bigla nalang naglalaho kasama ang pera
  • Nahack daw kuno at hindi nila alam anung nangyare bakit nagkaganun
  • Gumagawa ng Versions ng coin tapos mawawala ulit
  • Mismong founder ang tumakbo ng pera
Ang totoo, mas marami pa din yung mga taong hindi pa nakaranas bumili ng tunay na crypto pero umaayaw na. Sila yung mga nagtiwala kay 'upline' na mado-doble daw yung kita nila in seven days. Sila din yung pinasikatan ng magaling daw na trader kaya sure profit o ROI ;D

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: lienfaye on December 30, 2022, 07:39:58 AM
In general, dahil sa pagkakatalo sa investments. Karamihan kasi is bumili lang talaga ng hyped coins/tokens tapos hinihintay nalang nila tumaas. Naalala ko nung mejo peak, sobrang taas ng activity sa Cryptocurrency Philippines Facebook group. Ngayon pretty much dead ung group.
Nakaka trauma naman kasi talaga kung isa ka sa investor na bumili ng coins nung panahon na mataas ang value kasi inakala mo na magiging consistent ang pagtaas tapos biglang bagsak ang presyo. Worst kung shitcoins ang nabili dahil sigurado wala ng pag asang makarecover pa. Syempre dahil hopeless kana mag panic selling ka na lang kung may oras pa magbenta. Eto ang usual na dahilan kung bakit marami satin ang takot ng sumubok, hindi kasi ganun kadali lalo na kung wala kang sapat na kaalaman sa crypto. Kapag gumanda na ulit ang takbo ng market at maging bullish season na, saka pa lang babalik ang sigla ng lahat (investors at traders).

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Coin_trader on December 30, 2022, 02:40:05 PM
Normally lalo na sa mga newbie ay pinapasok yung mga high volatility shitcoins na alam naman nilang risky pero pilit pa dn na doon nagiinvest para sa mabilisang malaking ROI once makachamba sila. Kaso sa sobrang risk taker ng mga pinoy e napapasobra ng gastos hanggang maubos pera nila kakasugal sa mga shitcoins. Ito ang madalas na post sa mga social media lalo ng mga crypto influencer kuno na wala naman talagang alam sa crypto kundi mag invest sa high volatile shitcoin.

Dahil sa dami ng mga ganitong feedback sa social media natin kaya nadidiscourage yung mga bago na maginvest pa sa tamang paraan dahil nga madami na din talagang nalugi lalo na noong kasagsagan ng Axie na halos umabot ba ng 100K php ang isang set ng team na ngayon ay halos wala ng value both axie team at daily reward.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Jemzx00 on December 30, 2022, 11:48:46 PM
~ so bakit madami ang takot na ngayon sa crypto?
  • May mga project na mataas ang review pero pagdating ng release bagsak sayang investment nila
  • bigla nalang naglalaho kasama ang pera
  • Nahack daw kuno at hindi nila alam anung nangyare bakit nagkaganun
  • Gumagawa ng Versions ng coin tapos mawawala ulit
  • Mismong founder ang tumakbo ng pera
Ang totoo, mas marami pa din yung mga taong hindi pa nakaranas bumili ng tunay na crypto pero umaayaw na. Sila yung mga nagtiwala kay 'upline' na mado-doble daw yung kita nila in seven days. Sila din yung pinasikatan ng magaling daw na trader kaya sure profit o ROI ;D
Nakakatawa naman to pero sobrang legit at ang dami kong nakilalang tao na ganto. Tapos kapag na-invite ka nila na mag-invest sa ganto ganyan at kapag sinabihan at pinayuhan mo sila na most likely scam yun ay magagalit pa sila sayo. Tapos after ilang days makikita mo sila na nagpapakabitter sa facebook na scam at wag daw magtiwala sa crypto dahil dati daw silang investors.

I mean shitcoins, pinag-investan mo eh, ano sa tingin mo magiging balik nun. Ni-hindi nga sila nagresearch about dun at nagtiwala lang sa mga early investors dahil kumita sila.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Cling18 on December 31, 2022, 12:35:48 PM

Karamahian kasi sa Pinoy hindi pa cryptocurrency aware talaga, yung iba ring nag iinvest hindi financially literate. Maraming naniniwala sa maling perception na easy money or get rich scheme ang cryptocurrency. Akala nila walang risk na katuwang ang pag iinvest at marami rin namang nag iinvest sa mga scam na project. Yung iba ginagawa itong pagkakataon para makapang loko ng mga kapwa pinoy. Sa totoo lang nakababa ng confidence ng mga tao pag sinabing Pinoy ang developer o kaya project na handled ng Pinoy, hindi naman lahat ng Pinoy scammer pero face the fact na sobrang daming nag tatake advantage ng crypto para makapang loko.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Johnyz on December 31, 2022, 09:56:49 PM
  • May mga project na mataas ang review pero pagdating ng release bagsak sayang investment nila
  • bigla nalang naglalaho kasama ang pera
  • Nahack daw kuno at hindi nila alam anung nangyare bakit nagkaganun
  • Gumagawa ng Versions ng coin tapos mawawala ulit
  • Mismong founder ang tumakbo ng pera
Eto marahil ang reason kung bakit marame paren ang takot mag invest, masyadong risky para sa kanila at syempre natatakot den sila because of so many FUD and yung iba naman ay wala pa talagang sapat na kaalaman. Marame paren kase ang nabibiktima ng mga fake projects kaya marame paren ang nalulugi. Siguro if there’s an easy way to know kung legit ba yung mga bagong project mas mapapadali yung desisyon ng mga tao sa pagiinvest pero syempre hinde ganito ang kalakaran dito. We should analyze on our own and dapat mag stick tayo sa kung paano tayo pumili ng project bago tayo mag invest.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: serjent05 on December 31, 2022, 10:52:27 PM
Stereotyping?  Isa ito sa dahilan bakit maraming natatakot at nagtitiwala sa crypto.  Dahil sabi ng media na maraming tao ang naginvest at nascam ng cryptocurrency, ang mga nakarinig at nakabasa ay naniniwala agad ng hindi man lang gumagawa ng sarili nilang research tungkol sa issue.  Kahit ang taong hindi ba naeexpose sa industriya ng cryptocurrency ay nagkakaroon agad ng agam agam dahil nga sa ang na ibuild up na imahe ng cryptocurrency ay isang risky at hindi mapagkakatiwalaang investment.

Ibig sabihin nabuo na agad na ang crypto ay isang malaking scam dahil sa mga balitang naririnig at mga sinasabi ng tao na wala naman talagang alam tungkol sa cryptocurrency.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Jemzx00 on December 31, 2022, 11:57:26 PM
~ so bakit madami ang takot na ngayon sa crypto?
  • May mga project na mataas ang review pero pagdating ng release bagsak sayang investment nila
  • bigla nalang naglalaho kasama ang pera
  • Nahack daw kuno at hindi nila alam anung nangyare bakit nagkaganun
  • Gumagawa ng Versions ng coin tapos mawawala ulit
  • Mismong founder ang tumakbo ng pera
Ang totoo, mas marami pa din yung mga taong hindi pa nakaranas bumili ng tunay na crypto pero umaayaw na. Sila yung mga nagtiwala kay 'upline' na mado-doble daw yung kita nila in seven days. Sila din yung pinasikatan ng magaling daw na trader kaya sure profit o ROI ;D
Nakakatawa naman to pero sobrang legit at ang dami kong nakilalang tao na ganto. Tapos kapag na-invite ka nila na mag-invest sa ganto ganyan at kapag sinabihan at pinayuhan mo sila na most likely scam yun ay magagalit pa sila sayo. Tapos after ilang days makikita mo sila na nagpapakabitter sa facebook na scam at wag daw magtiwala sa crypto dahil dati daw silang investors.

I mean shitcoins, pinag-investan mo eh, ano sa tingin mo magiging balik nun. Ni-hindi nga sila nagresearch about dun at nagtiwala lang sa mga early investors dahil kumita sila.

Karamahian kasi sa Pinoy hindi pa cryptocurrency aware talaga, yung iba ring nag iinvest hindi financially literate. Maraming naniniwala sa maling perception na easy money or get rich scheme ang cryptocurrency. Akala nila walang risk na katuwang ang pag iinvest at marami rin namang nag iinvest sa mga scam na project. Yung iba ginagawa itong pagkakataon para makapang loko ng mga kapwa pinoy. Sa totoo lang nakababa ng confidence ng mga tao pag sinabing Pinoy ang developer o kaya project na handled ng Pinoy, hindi naman lahat ng Pinoy scammer pero face the fact na sobrang daming nag tatake advantage ng crypto para makapang loko.
Yun nga, gusto man nating paniwaalan yung project na binuo ng isang pinoy crypto developer, sobrang hirap din dahil karamihan dito turns out to be a scam like yung lodicoin at iba pang token. Yung iba naman goods talaga pero dahil hindi ito ginawa ng pinoy at may member lang na pinoy. Magagaling tayong mga pinoy when it comes to being a developer pero kapwa lang din natin yung humihila dahil sa mga previous reasons like potential scams at iba pa.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Adreman23 on January 01, 2023, 01:32:38 AM
Naiintindihan ko ang mga dahilan kung bakit maraming tao ay takot sa crypto. Sa totoo lang, mayroong maraming mga risks sa paggamit ng crypto, lalo na kung hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo. Gayunpaman, hindi dapat ito magpahintulot sa atin na tumigil sa pag-explore ng mga bagong bagay, kabilang na ang crypto. Sa halip, dapat tayong maging maingat at mag-aral ng mabuti tungkol dito upang masiguro na alam natin kung ano ang ginagawa natin at paano natin mapoprotektahan ang ating mga investment. Sa ganitong paraan, maaari pa rin tayong mag-enjoy ng mga benepisyo ng crypto habang nangangalaga sa ating sariling kaligtasan.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: xSkylarx on January 01, 2023, 12:01:10 PM

Kahit naman sa anong klasing investment my risk , nasa saiyo parin yun kung gusto mong mag take risk or hindi at tsaka pano mo iyon ma lessen. Ang naka lamang lang sa Crpyto is pwede kang yumaman overnight kapag nag pump ang yung investsan na coin pero bihira lang at tsaka ang mga tao kasi gusto yung mga malalaking value katulad ng gold at tsaka bitcoin , doon lang sila nahumaling sa bitcoin kasi kumalat ito ng dahil sa news at nag ATH sya which is nakita ng mga tao na promising ito

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: arwin100 on January 01, 2023, 12:45:28 PM

Pero tyambahan lang talaga ang ganung scenario kaya kailangan talaga ng tibay ng loob dito bago ka pumasok. Tsaka expected narin talaga na matatalo ka sa simula palang kaya dapat maging consistent tayo sa ginagawa natin para matutoto pa at tiyak mag convert din ang pagsisikap natin into profit basta wag lang tayo matatakot sa mga negatibong nangyayari sa atin at sa bawat galaw ng crypto.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: julerz12 on January 01, 2023, 03:32:37 PM
Stereotyping?  Isa ito sa dahilan bakit maraming natatakot at nagtitiwala sa crypto.  Dahil sabi ng media na maraming tao ang naginvest at nascam ng cryptocurrency, ang mga nakarinig at nakabasa ay naniniwala agad ng hindi man lang gumagawa ng sarili nilang research tungkol sa issue.  Kahit ang taong hindi ba naeexpose sa industriya ng cryptocurrency ay nagkakaroon agad ng agam agam dahil nga sa ang na ibuild up na imahe ng cryptocurrency ay isang risky at hindi mapagkakatiwalaang investment.

Ibig sabihin nabuo na agad na ang crypto ay isang malaking scam dahil sa mga balitang naririnig at mga sinasabi ng tao na wala naman talagang alam tungkol sa cryptocurrency.

You mean, the wrong type of news ang mas nababato ng media towards people who aren't knowledgeable sa cryptocurrencies? I don't think so. Yes, they do usually highlight yung mga losses sa crypto industry lalo na kapag sangkot ang mga big timers (cough* Microstrategy) but the media also does a good job at sharing good news and hype about crypto. Remember when we hit ATH ($69k) sa BTC? That news broke out everywhere. The hype brought in all kinds of investors; even yung mga walang alam sa pag-iinvest, pumasok. People who did zero research, just riding the hype. Then, when the whales dumped their holdings, those newbie investors bleed out the most and in return probably vouched never to touch crypto ever again. So, to sum it up, the media has nothing to do with it, it's the people themselves. They experienced the bad/risky side of crypto and no longer have the courage to even think of getting in on it again.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: serjent05 on January 01, 2023, 07:27:23 PM

So what do you think influence people to dump their holdings if media does not constitute sa mga belief ng tao.  Holders na nga meaning nagkaroon na ng paniniwala sa market eh napapabago pa ng isip because of media publications ng mga FUD iyon pa kayang walang alam sa cryptocurrency.  Alam naman natin na ang mass media ay mas pinaniniwalaan ng ordinaryong tao. 
Aside from that, iyong mga sinasabi mo na nag-invest ng walang alam sa crypto at nascam, they have friends na pinagsasabihan nila about their experience.  Tapos iyong mga nakarining na ang crypto ay scam ay ibabalita din nila iyan sa mga kakilala nila. 

Quote
Remember when we hit ATH ($69k) sa BTC? That news broke out everywhere. The hype brought in all kinds of investors; even yung mga walang alam sa pag-iinvest, pumasok.

This does prove my point. :)

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Genemind on January 06, 2023, 03:16:05 PM
Quote
May mga project na mataas ang review pero pagdating ng release bagsak sayang investment nila

May mga paid services para sa mga positive feedbacks, kaya madali lang dayain ang positive reviews.

Quote
bigla nalang naglalaho kasama ang pera
Nahack daw kuno at hindi nila alam anung nangyare bakit nagkaganun
Gumagawa ng Versions ng coin tapos mawawala ulit
Mismong founder ang tumakbo ng pera

Karamihan ng mga ito ay mga common exit schemes ng mga developers. Minsan nga sasabihin nila na may major update, tapos bigla na lang maglalaho yung website. Kaya hirap na maniwala sa mga bagong projects ngayon, tyempuhan lang ang pag invest sa mga legit na projects.

Ang masama pa dito, yung mga projects na legit nadadamay dahil sa takot ng mga investors sa mga ganitong uri ng scam. Wala ng confidence ang mga investors, yung iba nag iinvest man nilalabas rin agad ang pera para sa mabilisang kita.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Jemzx00 on January 06, 2023, 11:56:31 PM
Quote
May mga project na mataas ang review pero pagdating ng release bagsak sayang investment nila

May mga paid services para sa mga positive feedbacks, kaya madali lang dayain ang positive reviews.
Actually, common naman talaga yung mga project na mayroon magagandang reviews at feedback sa iba't ibang platforms tsaka yung mga paid services ay madaling makita kung sakali pero yung mismong market nila during release ay kadalasan bumabagsak talaga mostly dahil sa management ng team dahil may mga options naman silang para macounter yung automatic bagsak during every release ng projects. Exception na lang siguro yung sobrang gagandang project like may mga partners with big companies na malabong bumabagsak yung market during release.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: carlisle1 on January 06, 2023, 11:59:57 PM

Ang mentality kasi ng mga investors lalo na yung mga nakabili nung pre-sale eh ibenta ung nabili nila ng sobrang mura kaya mahihirapan talaga yung developers na maprevent yung pagbagsak ng project.

Ung mga review gaya ng sinabi mo, madali lang talaga syan makuha dahil either magbayad or may mga magagandang source yung developers
na pwedeng pagkunan ng magrereviews.

Talagang pahirapan pero kung sanay ka sa pag take ng risk, makakasumpong ka din ng project na makakapagbigay ng magandang profits.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: blockman on January 07, 2023, 12:58:13 AM
Actually, common naman talaga yung mga project na mayroon magagandang reviews at feedback sa iba't ibang platforms tsaka yung mga paid services ay madaling makita kung sakali pero yung mismong market nila during release ay kadalasan bumabagsak talaga mostly dahil sa management ng team dahil may mga options naman silang para macounter yung automatic bagsak during every release ng projects. Exception na lang siguro yung sobrang gagandang project like may mga partners with big companies na malabong bumabagsak yung market during release.
Karamihan kasi sa mga ganyang projects, asahan mo na pag na launch o na list na sa market at exchanges, paniguradong magda-dump sila. Ganyan lang kadalasan nangyayari kahit na yung sobrang gagandang project tapos na list sa magandang exchange, dump agad kinakaharap nila.
Ang labanan lang talaga sa long term, kung sino may commitment at tama ka sa sinabi mo kung sino ang may mahusay na management kasi hindi naman basta basta lang din icontrol ang market at mismong project development.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: crzy on January 07, 2023, 09:09:23 PM

Alam naman naten na part ng promotions nila is to get good reviews in return of a bounty, though some projects naman talaga ay totoo ang mga reviews mahirap lang talaga malaman kung sino ba ang magsusucceed one na ma list na sila sa mga exchanges. Kung maganda ang long term plans nila malaki talaga ang chance na magstay sila sa market pero syempre expect paren yung volatility sa value nito. Nawawala lang naman ang tiwala ng investors kapag naging biktima na sila nito, at sa mga nababasa nilang fud.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: serjent05 on January 07, 2023, 11:37:49 PM
Actually, common naman talaga yung mga project na mayroon magagandang reviews at feedback sa iba't ibang platforms tsaka yung mga paid services ay madaling makita kung sakali pero yung mismong market nila during release ay kadalasan bumabagsak talaga mostly dahil sa management ng team dahil may mga options naman silang para macounter yung automatic bagsak during every release ng projects. Exception na lang siguro yung sobrang gagandang project like may mga partners with big companies na malabong bumabagsak yung market during release.
Karamihan kasi sa mga ganyang projects, asahan mo na pag na launch o na list na sa market at exchanges, paniguradong magda-dump sila. Ganyan lang kadalasan nangyayari kahit na yung sobrang gagandang project tapos na list sa magandang exchange, dump agad kinakaharap nila.
Ang labanan lang talaga sa long term, kung sino may commitment at tama ka sa sinabi mo kung sino ang may mahusay na management kasi hindi naman basta basta lang din icontrol ang market at mismong project development.

Kaya ang counter measure ng mga developers ng project dito ay idelay ang release ng token ng mga sumali sa pre selling.  Vested siya ng taon para maiwasan ang pagdump, pero wag ka ang developer mismo magdadump kapag nakita na nila ang pagtaas ng market.  Just like what happen dun sa project ni Logan Paul kung saan naging discrete sila sa paglista nito sa swap exchanges then binili nila ng onte onte ang coins nila sa market at nagset sila ng public announcement kung saan napakyaw na nila ang mga token at kapag nagkademand na unti unti nilang ibebenta iyong nilikom nilang token.

At isa pa ang pagairdrop ay malaki rin ang epekto sa price ng token sa market at sa pag-engganyo sa mga investors.  Karamihan sa mga airdrop hunter eh paglista sa market benta na agad.  Iilan ilan lang ang talgang naghohold.

Dahil sa mga maling strategy ng mge developer kaya maraming nalulugi sa crypto at binabalita naman nila ang mga naranasan nila sa mga kakilala nila

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: julerz12 on January 11, 2023, 04:47:32 AM
Another reason I can think of bakit may mga takot parin sa crypto is because it's susceptible to hacks. I learned this the hard way just very recently (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5433643.0) and trust me when I tell you, it could make you rage quit on crypto.

The amount of security measures you will need to impose to secure your crypto funds is a lot na pupwedeng maging reason for other people not bother trusting crypto entirely. Whereas if you stick with traditional investment platforms, stocks, bonds, there's already plenty of infrastructures in place to support it. Crytpo in its promise for decentralization, doesn't have that much. You could only rely on yourself to protect yourself which for an average joe, could be a lot of headache.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: qwertyup23 on January 16, 2023, 11:50:26 PM
In general, dahil sa pagkakatalo sa investments. Karamihan kasi is bumili lang talaga ng hyped coins/tokens tapos hinihintay nalang nila tumaas. Naalala ko nung mejo peak, sobrang taas ng activity sa Cryptocurrency Philippines Facebook group. Ngayon pretty much dead ung group.

I definitely agree with your statement.

On top of that, sila din yung mga tao na nag iinvest tapos hindi nila iniintindi kung ano talaga ang BTC. Tapos kung bumaba naman yung presyo after nila mag invest, sila din yung mag iingay and mag sprespread ng fake news na scam ito. Problema din kasi sa mga Filipinos is that madali tayo ma convince na mag invest sa isang bagay. Dapat talaga may responsibilidad tayong pag-aralan kung ano man itong pinag-iinvest natin para maiwasan talaga yung mga ganitong pangyayare.

Pero hindi na rin siguro maiiwasan na magkaroon ng doubts ang mga tao given na ang cryptocurrency ay highly volatile.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: carlisle1 on January 17, 2023, 08:05:45 AM

Nakakatawa lang yung mga ganitong tao pero talagang hindi natin maiiwasan na pagdating talaga sa pera minsan or baka nga hindi minsan mas malamang na madalas yung nangyayari eh pabigla bigla sa pagdedesisyon.

Tapos pag inalat sa pinasok na investment na hindi naman talaga pinag aralan eh iiyak at paparatangan yung industriyang scam.

andaming pagkakataon na at paulit ulit na lang din talaga yung mga scammer hanggat merong maloloko magtatago at magtatago
sila sa crypto or kung saan madaling makapangloko.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: Scripture on February 12, 2023, 12:26:23 PM
Nakakatawa lang yung mga ganitong tao pero talagang hindi natin maiiwasan na pagdating talaga sa pera minsan or baka nga hindi minsan mas malamang na madalas yung nangyayari eh pabigla bigla sa pagdedesisyon.

Tapos pag inalat sa pinasok na investment na hindi naman talaga pinag aralan eh iiyak at paparatangan yung industriyang scam.

andaming pagkakataon na at paulit ulit na lang din talaga yung mga scammer hanggat merong maloloko magtatago at magtatago
sila sa crypto or kung saan madaling makapangloko.
Masyado kase silang focus sa mga too good to be true na mga pangako at hinde lang ito sa crypto market, pati sa ibang bagay ay nangyayare ito tulad nalang sa issue ngayon with Flex Fuel and Luiz Manzano, hinahabol sila ng investor ngayon kase hinde pa sila kumikita gaya ng ipinangako.

Kung paglalaanan lang sana nila ng pansin pag-aralan ang mga bagay bagay, mas magiging safe sila at mapupunta sila sa mga tamang project. Marame paren ang nabibiktima ng mga scam project, kaya siguro marame ang takot paren sumubok kase nababasa nila ang mga FUD patungkol dito, hinde naman naten sila dapat pilitin, its up to them kung saan sila maniniwala.

Title: Re: bakit habang tumatagal lalong natatakot ang iba na magtiwala sa crypto
Post by: serjent05 on February 12, 2023, 11:48:41 PM
here is another reason: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5439607.0, kakacreate lang ng thread na iyan about sa scam company na namarkahan na ng SEC na lehitimong iskam na kumpanya na nagooperate online by sellig packages na pwedeng kumita ng malaking halaga in span of some months.

Even though na tag na nag SEC iyan marami pa ring papasok dyan then later on iblame ang Bitcoin kaya sila nalugi.  This mean, it is more on lack sa information kaya marmaing natatakot na magtiwala sa crypto.