Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: Maus0728 on March 19, 2023, 08:34:25 AM



Title: [MARKET CHECK] May interest ba kayo sa "magic cup" na bitcoin design?
Post by: Maus0728 on March 19, 2023, 08:34:25 AM
As the title says, may market kaya dito yung niche na kapag nainitan yung mug, may lalalabas na design, say for example design ng favorite cryptocurrency ninyo or just simple bitcoin? I mean kaysa sa bitcoin t-shirt na pwedeng maging cause ng "$5 wrench attack"[1], why not a magic mug na usually kayo lang nakakakita while enjoying your cup of favorite coffee or tea.

https://i.imgur.com/EM97XOIm.jpg
Source: https://papermints.ph/product/magic-mug-personalized-gifts/

[1] https://chainsec.io/wrench-attack/


Title: Re: [MARKET CHECK] May interest ba kayo sa "magic cup" na bitcoin design?
Post by: SFR10 on March 19, 2023, 01:46:44 PM
I mean kaysa sa bitcoin t-shirt na pwedeng maging cause ng "$5 wrench attack"[1], why not a magic mug na usually kayo lang nakakakita while enjoying your cup of favorite coffee or tea.
Personally, mahilig ako sa mga ganitong bagay pero this still doesn't change the fact that kailangan pa rin natin mag tiwala sa platform [plus the shipping company na ginagamit nila] o tao na inoorderan natin kaya mas pipiliin ko nalang to be in the safe zone.


Title: Re: [MARKET CHECK] May interest ba kayo sa "magic cup" na bitcoin design?
Post by: Maus0728 on March 20, 2023, 04:41:21 AM
Try ko actually gumawa ng sariling design para i-print doon sa magic mug tapos balak kong i-market dito yung product kahit sa local lang muna para masanay ako sa shipping process.

Kaya lang ako nag-post dito para malaman ko kung may interes yung mga local members, but I guess mas okay kung may ipapakita na agad na mockup designs para ma-gauge nang mas maayos kung papatok. May printer kasi ako nung pang design sa mug, kaya naisip ko na mas okay gamitin for something na pwedeng pagkakitaan kahit maliit lang.

Pero maraming salamat @SFR10


Title: Re: [MARKET CHECK] May interest ba kayo sa "magic cup" na bitcoin design?
Post by: SFR10 on March 20, 2023, 11:41:16 AM
but I guess mas okay kung may ipapakita na agad na mockup designs para ma-gauge nang mas maayos kung papatok.
Considering na isa ka sa pinakamahusay na "digital artists sa forum na ito (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5243833.0)", there's no doubt magiging astig at maganda yung mga designs mo.

May printer kasi ako nung pang design sa mug, kaya naisip ko na mas okay gamitin for something na pwedeng pagkakitaan kahit maliit lang.
Noong una, akala ko yung balak mong gawin was to partner with papermints [a third-party platform], pero since ikaw mismo ang magbebenta ng mga magic mug, then hindi ganung kalaki yung nabanggit kong issue kahapon [lalo na kung ang carrier na pipiliin mo, pwedeng magpadala sa P.O. Boxes (not a perfect solution, pero it's better than nothing)].

Pero maraming salamat @SFR10
Walang anuman kabayan :)


Title: Re: [MARKET CHECK] May interest ba kayo sa "magic cup" na bitcoin design?
Post by: blockman on March 21, 2023, 07:58:22 AM
Lately nahilig ako sa kape at ginagamit ko yung giveaway namin na baso. At tingin ko may market na ganyan pero dito sa forum hindi ko lang sigurado. Nakakita na ako ng ganyan sa Facebook dati tapos nung pinost yan yung design ay si Luffy na nakagear 2nd. Kung hindi pa familiar yung iba sa character na yan sa anime, sa One Piece yan at tingin ko naman lahat sa atin dito ay alam at kilala si Luffy. Magandang ideya nga yang ganyan no tapos kapag kunwari na dalhin mo sa mga beaches at vacation niyo tapos may nakapansin, hindi naman siguro magiging mainit sa mata ng ibang tao kasi posibleng isipin nila na regalo lang pero hindi ko din alam, iba kasi perception ng ibang tao kapag suot mo yung logo sa damit tapos iba din kapag nasa merch na mug.