Title: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: Bitcoinislife09 on April 25, 2023, 11:04:52 AM Mukang medjo lumalala ang mga scammers ngayon dati pati ng main social media accounts ng government ay tinatarget na rin nila basta maraming followers. Halos nasa 800k ang followers ng twitter nila kaya madaming nakakita siguro na mga kababayan naten. Hindi ako sigurado pero nakakatakot ito dahil uso ang hacking ngayon lalo na sa mga social media accounts. Marami akong mga kakilala na nahahack ang mga social media accounts at ginagamit upang makapangscam. Kaya magdoble ingat tayo ngayon.
https://i.imgur.com/z65JgbR.jpg https://i.imgur.com/JJ7kBgt.jpg https://i.imgur.com/RQb7RV3.jpg https://i.imgur.com/e3GE0zp.jpg Twitter Link (https://twitter.com/DefiIgnas/status/1649649408504631297) Mukang nabawi na naman ng DOH ang account dahil nadelete na ang mga post ng hackers. Pero mukang may mga ilang nadali ng post sa comments. Title: Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: aioc on April 25, 2023, 01:59:57 PM Magtataka ka sa una pero alam mong na hacked ito kung pamilyar ka sa galawan ng mga hacker, dalawa lang naman ito na hacked o may It sila na mahilig sa airdrop kaya ginamit ang DOH Twitter nila, pero ang mga kababayan natin dapat alam nila na pag walang kinalaman sa mga ginagawa ng DOH dapat iignore nila ito.
Lalo na siguro yung mga kababayan natin na walang alam sa mga Crypto at airdrop airdrop na yan , dapat i secure nila ang ahensya na ito kasi ODH ito isa sa mga importanteng ahensya ng ating gobyerno. Title: Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: Suguha on April 25, 2023, 03:23:11 PM Noon pa man laganap na 'yan, naalala ko nga noong nahacked yung YouTube account ng ABS-CBN News. Target talaga nila yung may maraming followers o subscribers para mas marami yung makakita. Kung tutuusin, kahit saang social media platforms, makikita 'yan. Ito yung dahilan kung bakit kailangan natin i-educate yung kapwa Filipino natin pagdating sa crypto related scam, lalo na't marami pa rin ang mabilis na napapaniwala sa mga bagay na pwede silang makakuha ng benepisyo. Ang masama lang, hindi nila inaalam yung mga posibleng kahinatnan. Isang magandang hakbang para maiwasan na may mabiktima nito ay kailangan sa kanila mismo manggaling o magsimula yung pag-raise ng awareness sa mga tao pagdating sa ganitong bagay.
Title: Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: mk4 on April 25, 2023, 06:51:13 PM Philippine government and getting hacked — name a better combination. Like, pambihira naman — social media accounts na nga lang di pa ma-secure.
Wala tayong magagawa, petiks petiks talaga mga namumuno ng bansa natin. Ang malala pa, required tayong magcomply lagi sa mga hinihinging dokumento/impormasyon. https://news.abs-cbn.com/news/04/20/23/over-12m-records-from-ph-agencies-leaked-firm-says https://mb-com-ph.webpkgcache.com/doc/-/s/mb.com.ph/2022/01/10/comelec-servers-hacked-downloaded-data-may-include-information-that-could-affect-2022-elections/ https://www.philstar.com/headlines/2023/04/10/2257798/dost-councils-facebook-hacked https://www.philstar.com/nation/2023/04/21/2260629/iloilo-police-facebook-page-gets-hacked-starts-posting-sexual-content Title: Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: bhadz on April 25, 2023, 11:31:19 PM Ang may kasalanan diyan yung social media manager. Maaaring nakareceive yan ng mga fake offers tapos may link na pinapa-click para magproceed kunwari sa kung ano man ang offer o di kaya free money, etc. Basta mga ganyan ang common style ng mga hackers. Hindi ka naman basta basta mahahack lang na direkta lang na walang gagawin sayo. Phishing yan normally at hindi aaminin yan ng kung sinoman ang handler ng Twitter account na yan. Parang hindi na yan mawawala lalo sa mga may malalaking followers, hula ko hindi yan aakuin ng DOH o kung sinomang involve diyan kasi ang sasabihin na rason ay hindi sila yun at nahack lang sila kung may mga tao nag invest at nawalan ng pera na pinost ng hacker.
Title: Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: Johnyz on April 26, 2023, 12:28:44 PM Wondering why most of the government sites are prone to hack like this, ang pagkakatanda ko this is not the first time na nangyare sa isang government agency, and that's why may issue ngayon na compromise ang mga details sa PNP, NBI and other government agencies. Nakakaalarma ito lalo na at nakuha nila nag mga importantend impormasyon.
Kung paglalaanan lang sila ito ng pondo and panahon, mas magiging secure pa sana ang mga data natin at mga sites nila, unfortunately baka ito nacocorupt lang den nila. Title: Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: abel1337 on April 28, 2023, 08:10:38 PM Ayos din yung domain ohh. uniswapdoh, Parang nagawan pa nila ng paraan para mailagay or makapag upload sa domain na yan ng kanilang fake website script. Matagal na kaya nila hawak ang DOH twitter account? or specific target kaya nila ito? I wonder if may nauto nitong super obvious scam looking website. Common sense naman siguro sa lahat ng may cryptocurrency na never gagawa ng ganito ang official government websites or social media. Sa dami ng na hahackan ngayon at nacoconvert yung social media or channels nila sa isang crypto related post ay hindi nako mag tataka na kahit ang government social media ay magiging target.
Title: Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop Post by: blockman on April 29, 2023, 07:26:01 AM Wondering why most of the government sites are prone to hack like this, ang pagkakatanda ko this is not the first time na nangyare sa isang government agency, and that's why may issue ngayon na compromise ang mga details sa PNP, NBI and other government agencies. Nakakaalarma ito lalo na at nakuha nila nag mga importantend impormasyon. Pondo talaga at ang akala nila parang balewala lang ang digital o cyber space. Sa ibang bansa, sobrang laking pondo ang nilalaan nila sa mga government websites nila at nag iinvest sila sa mga experts at professionals sa cyber security.Kung paglalaanan lang sila ito ng pondo and panahon, mas magiging secure pa sana ang mga data natin at mga sites nila, unfortunately baka ito nacocorupt lang den nila. Kung pagtutuunan lang ng pansin ng gobyerno yung mga ganitong bagay, isa yan sa hakbang sa pag unlad natin. Kahit nga sana sa mga campaign na dapat ang bawat isa maging aware sa security nila online, wala sila masiyadong pakialam o kung meron man, ang masakit ay hindi natin masyadong ramdam. |