Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Mr. Magkaisa on June 09, 2023, 08:33:49 AM

Title: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Mr. Magkaisa on June 09, 2023, 08:33:49 AM
[1] Gcash
[2] Maya
[3] RCBC
[4] Security Bank
[5] UnionBank
[6] Uno Digital Bank

Reference: https://bitpinas.com/learn-how-to-guides/crypto-friendly-banks-philippines/

Mahalagang malaman din ito ng ating mga kababayan na meron tayong kagaya nito na friendly sa cryptocurrency. Hindi kagaya ng ngyayari sa ibang bansa na kagaya ng US ay parang hinaharas nila ang ganitong klaseng mga banko na bukas sa crypto concept. Na dito sa bansa naman natin sa kasalukuyan ay hindi naman ganun at sana sa mga mga darating pa ay hindi maging restrikto sa mga banko na kagaya nito.

Nangunguna na nga dyan yung gcash at Maya pagdating sa p2p transaction ay malaki ang pakinabang nito sa ating maka-masang pinoy sa totoo lang. Ang hindi ko lang gusto sa Gcash at Maya ay yung sa pagsasagawa ng crypto trading dahil medyo mahal lang yung fees nya. At yung Rcbc, Security bank, ay nakakatuwang pinapayagan narin nila na pwede kang magtransfer via p2p din.

Maraming salamat, sana nakapagbigay ng karagadagang ideya sa lokal natin dito, magandang araw ;)

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bitcoindusts on June 09, 2023, 09:05:24 AM
Parang kailan lang tanging coins.ph at Union bank lang ang naaalala kong involved sa cryptocurrency.  Ngayon pati Gcash at Maya saka ibang mga banks ay nakita na rin ang potential ng cryptocurrency.  Sana mas marami pa ang magadopt ng cryptocurrency sa ating bansa.  Kung sakaling maging successful ang pouch sa pagpapalaganap ng Bitcoin adoption sa merchant baka mas lalong mapabilis ang pagdami ng mga financing services na magadopt ng cryptocurrency.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bhadz on June 09, 2023, 05:21:43 PM
Parang merong kwento sa FB na hindi daw crypto friendly ang Unionbank. Nang madebunk yung nagpost na yun, kaya pala naging hindi friendly sa kanya ay yun pala ay nagtrigger ang AMLA sa mga transactions niya kasi ang lalaking mga halaga.

Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: dimonstration on June 09, 2023, 05:30:22 PM
Parang merong kwento sa FB na hindi daw crypto friendly ang Unionbank. Nang madebunk yung nagpost na yun, kaya pala naging hindi friendly sa kanya ay yun pala ay nagtrigger ang AMLA sa mga transactions niya kasi ang lalaking mga halaga.

Kahit saang bank naman siguro ay matri2gger yung AMLA sa gnayang kalaking mga transaction from unknown wallets or bank. Sobrang dami dati na hacking incident sa Unionbank tapos dinadala yung mga hack na pera sa crypto exchange P2P para ma mix at mapunta sa ibang tao yung dirty money. Sobrang laki kasi ng limit ng Unionbank kaya favorite sila ng mga launderer at scammer dahil sa P2P exchange kaya hindi nako magugulat kung magkakaroon ng ganitong kadami na case hindi kagaya ng coins.ph at gcash na mababa lang ang limit kaya hindi msyado naaabuso ng mga launderer.

Real talk, Karamihan sa mga may problema na ganyan ay hacker na gusto mag launder ng kanilang pera sa crypto.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bhadz on June 09, 2023, 08:31:43 PM

Yun nga. Yung nabasa ko kasi na nagpost parang sinisiraan ang Unionbank kasi nag viral yung post na yun pero madami din naman nagcomment na goods ang Unionbank. Kung sa AMLA/AMLC lang, mati-trigger talaga yang mga yan kahit pinaka-friendly pa na bank sa buong mundo.

Real talk, Karamihan sa mga may problema na ganyan ay hacker na gusto mag launder ng kanilang pera sa crypto.
O di kaya, mga galing sa ponzi, sa pangs-scam pati ata online paluwagan ay negative sa mga bank.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Johnyz on June 09, 2023, 09:49:09 PM
Unionbank and Gcash are the best option for me, though bank transfers are also ok with P2P since hinde naman crypto ang itratransact nyo within the banks, and Pinoy ren naman ang makakausap mo so goods paren ang mga bank transfer.

Patuloy na dumadami ang sumusuporta na mga banks and dahil dito mas maraming Pinoy ang nagkakaroon ng idea at interest patungkol dito, sana lang ay mas maging ok ang sistema natin especially yung security sa pag gamit ng gcash.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: mk4 on June 10, 2023, 04:53:02 AM
While crypto-friendly itong banks/platforms na to, always remember na hindi porke e crypto-friendly sila e pwede ka nang mag transfer lang ng magtransfer ng bank<->crypto ng maramihan/malakihan. Always remember na may anti-money laundering limitations pa rin mga yan.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Mr. Magkaisa on June 10, 2023, 08:56:37 AM
Unionbank and Gcash are the best option for me, though bank transfers are also ok with P2P since hinde naman crypto ang itratransact nyo within the banks, and Pinoy ren naman ang makakausap mo so goods paren ang mga bank transfer.

Patuloy na dumadami ang sumusuporta na mga banks and dahil dito mas maraming Pinoy ang nagkakaroon ng idea at interest patungkol dito, sana lang ay mas maging ok ang sistema natin especially yung security sa pag gamit ng gcash.

    -  Parehas tayo mate, kaya lang sa unionbank ata medyo may kataasan ang amount kapag nag-open ka ng account sa aking pagkakaalam.
Saka naalala ko mga last year ata yun nagapply ako ng open account sa RCBC at hindi sila pumayag na bigyan ako ng account sa kanilang banko na ang tanging source of income ko lang ay crypto trading, hindi nila ako pinayagan.

Kahit na meron akong proof of history sa Binance na regularly ay nagwiwithdraw ako ng pera once a week, hindi nga lang kalakihan ang amount tama lang naman. Pero ngayon siguro lumuwag na sila kahit papaano. Pero mas kampante parin ako sa gcash at unionbank talaga.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Bttzed03 on June 10, 2023, 12:55:19 PM
I was checking UNO Digital Bank at mukhang marami pa sila kailangan ayusin. Mababa ratings dahil buggy daw tapos may kahirapan ang process sa account creation. Gawin muna sana nilang friendly sa user bago nila dagdagan ng In-App Crypto feature.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bettercrypto on June 10, 2023, 02:05:29 PM
I was checking UNO Digital Bank at mukhang marami pa sila kailangan ayusin. Mababa ratings dahil buggy daw tapos may kahirapan ang process sa account creation. Gawin muna sana nilang friendly sa user bago nila dagdagan ng In-App Crypto feature.

Oo tama ka sa bagay na ito, ang maganda lang ay gumagamit na rin ng crypto papunta sa pera natin, kaya para sa akin yung tatlo ang ayos yun ay ang gcash, maya at unionbank kasi itong mga alam madami ng gumagamit nito via p2p din talaga, and mostly via Binance, Bybit, okx at houbi.

Kaya maganda narin na ngyayari ang ganitong mga bagay sa paglaganap ng cryptocurrency dito as ating bansa. Para makilala narin ng ibang mga kababayan natin dito sa Pilipinas. Alam ko din na madaragdagan pa yan sa mga darating na mga panahon for sure. Diba- nga kahit ata sa mga ibang mga remittances nadadaan narin ang bitcoin exchange sa pera natin kung hindi ako nagkakamali.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: abel1337 on June 12, 2023, 12:21:24 PM
Parang kailan lang tanging coins.ph at Union bank lang ang naaalala kong involved sa cryptocurrency.  Ngayon pati Gcash at Maya saka ibang mga banks ay nakita na rin ang potential ng cryptocurrency.  Sana mas marami pa ang magadopt ng cryptocurrency sa ating bansa.  Kung sakaling maging successful ang pouch sa pagpapalaganap ng Bitcoin adoption sa merchant baka mas lalong mapabilis ang pagdami ng mga financing services na magadopt ng cryptocurrency.
Yep, Last bull market is gamit na gamit ko yung gcash account ko sa pag cashout ng pera at wala akong naging problema in terms of cash out. What I mean is p2p selling kasi wala pang crypto feature that time yung gcash. Hopefully magamit ko din yung MAYA ko next bull market as a way para makapag cash out ng pera.

Ngayon marami na tayong options para mag cash in and cash out ng crypto. Let's hope na hindi isa isahin ng gobyerno natin ishut down yung mga platforms nato like SEC is currently doing on Binance right now. I'm positive na mas dadami pa yung mga bank na magiging crypto friendly, Isa sa mga naiisip ko na mag iincorporate ng crypto sa company nila is yung mga digital banks.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: kingvirtus09 on June 12, 2023, 04:53:44 PM

Huwag kang mag-alala hindi lang naman Binance ang merong p2p na pwede kang magtransact sa gcash via p2p exchange, yung Houbi, Bybit at Okx pwede karing magencash sa mga exchange na yan papunta sa gcash bukod sa binance. At naniniwala din ako na madadagdagan pa talaga yang mga banko na yan na tatanggap or tatangkilik siyempre sa Bitcoin at ibang mga cryptocurrency din sa kalaunan o pagdating ng panahon.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: blockman on June 13, 2023, 02:25:53 AM
I was checking UNO Digital Bank at mukhang marami pa sila kailangan ayusin. Mababa ratings dahil buggy daw tapos may kahirapan ang process sa account creation. Gawin muna sana nilang friendly sa user bago nila dagdagan ng In-App Crypto feature.
Parang ang daming mga ganitong digital banks na nagsulputan. Pagkaalala ko parang may isang digital bank na bago lang sa bansa natin tapos biglang nag pull out lang din kasi parang nalugi. Sa ngayon talaga parang mas convenient ang mga digital banks kesa sa mga mismong banks. Ang pansin ko lang sa Unionbank parang masyadong hassle yung pagla-login sa kanila. Ginagamit ko yan dati sa dating company ko at okay naman ang speed ng mga transactions diyan kaso nga lang sa pag login parang yun ang nababagalan ako at masyadong madaming proseso at kapag nalimutan mo pass mo, parang ang inconvenient ng process nila.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: PX-Z on June 15, 2023, 11:13:22 PM
Ang pansin ko lang sa Unionbank parang masyadong hassle yung pagla-login sa kanila. Ginagamit ko yan dati sa dating company ko at okay naman ang speed ng mga transactions diyan kaso nga lang sa pag login parang yun ang nababagalan ako at masyadong madaming proseso at kapag nalimutan mo pass mo, parang ang inconvenient ng process nila.
So far iba ang experience ko sa UB, smooth lage ang login process either with password, biometric, or with OTP (either sms or via app). At di rin pa ako nag forget password kaya never pa ako naka experience tulad mo.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Asuspawer09 on June 15, 2023, 11:53:36 PM
Crypto Friendly din pala ang RCBC meron akong ganitong bank pero hindi alam, pero siguro nagaacept na rin sila ng mga transactions or partner na rin sila sa mga cryptocurrency platforms kung saan pweding gamitin itong RCBC para sa mga transactions like for example siguro cashouts, Naalala ko pa dati noon sa Coins.ph ang pinakamadaling paraan sa pagwithdraw ng cryptocurrency mo ay gamit ang Security Bank may maximum na limit nga lang ito pero madaling makapagtransact.

Dumadami na ang mga Banks na interested dito sa ating bansa, pero marami pa ring mga malalaking banko ang hindi pa nagiging connected sa cryptocurrency, at some point kaya magiging available din kaya ang pagbili ng mga cryptocurrency dito? Naalala ko dati ang Paypal nagkaroon ng Cryptocurrency so i think possible din naman ito in the future dahil patuloy naman ang adaptation ng cryptocurrency dito sa bansa hindi na nakakagulat na mangyayare ito soon. Masokey din yun dahil maraming mga kababayan naten ang maeexposed sa cryptocurrency kung ang mga banks ay sumusuporta sa cryptocurrency at Bitcoin.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Mr. Magkaisa on June 16, 2023, 09:08:55 AM

      -  Oo nga, sana idagdag ng RCBC sa kanilang mga requirements na kahit walang mga negosyo o trabaho bilang source of income ay iconsider narin nila na ang source of income ay ang cryptocurrency na ang ipapakita lang ang mga record history na nagagawang activity sa mga exchange sa cryptocurrency o Bitcoin.

Dahil, honestly ako dati tinanong ko yan sa RCBC way back 2022 at nung mga panahon na yun ay hindi pa nila tinatanggap ang ganung source of income lang sa mga magbubukas ng account sa kanilang banko. Kaya ayos talaga ito naikakalat ang adoption ng crypto bilang palitan sa ating mga pera.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: serjent05 on June 16, 2023, 10:43:45 PM
Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.

Sobrang higpit naman kasi ng coins.ph.  Parang ang tingin nila sa lahat ng client nila ay mga money launderer daming hinihinging requirements tapos annually pa ang reverification.  Sa tindi ng higpit nila sa tingin ko ang daming nagsipag talunan sa iba't ibang company na may same services.

About union bank wala akong naging problema sa pag-open ng account sa kanila at pagdeposit ng mga funds from cryptocurrency trading.  Nung nag-open ako ng account nung sinabi ko na source of income ko ay cryptocurrency freelancing at trading wala naman naging problema.  Aprub agad iyong request ko sa pag-open ng account.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bettercrypto on June 20, 2023, 05:55:32 AM

Sa tingin ko tama ka nga dyan sa sinabi mo na madami ng coinsph users ang lumipat na sa gcash at maya apps konti nalang ang mga naiwan sa kanilang apps wallet dahil sa mga restriction na iniimplement nila sa kanilang mga clients.

Matanung lang kita kaibigan, nung nag-open ka ng account sa unionbank, meron bang minimum amount na hiningi sila sayo? kung Oo, nasa magkanong halaga ang binuksan mo sa kanilang banko? Nasa ilang minimum ba ang pinapayagan nila para pagbigyan ka ng open savings sa kanilang banko? salamat sa sagot, hintayin ko ang tugon mo.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: arwin100 on June 21, 2023, 12:20:02 PM

Maliban sa restrictions nila sobrang taas narin ng fees kung mag convert ka crypto to php at tsaka mataas nadin fres kung mag withdraw ka using remittance kaya madami talaga ang nadismaya dahil sa ganyang bagay sa coins.ph.

Kaya naisipan kuna talaga mag explore at gamitin na siguro ang serbisyo ng Gcash or di kaya maya which is di ko pa na try at subukan kung maganda ba gamitin ang platform nato in terms of crypto usage and sa iba pang mga bagay.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bhadz on June 21, 2023, 01:19:01 PM
Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.

Sobrang higpit naman kasi ng coins.ph.  Parang ang tingin nila sa lahat ng client nila ay mga money launderer daming hinihinging requirements tapos annually pa ang reverification.  Sa tindi ng higpit nila sa tingin ko ang daming nagsipag talunan sa iba't ibang company na may same services.
Walang napuntahan yung kahigipitan ni coins.ph, tumingin tingin ako sa FB page nila. Ibang iba na, kasi dati ang dami laging reactions, engagement at likes pero ngayon parang bawat comment ay complain nalang. Ok lang sana yung kahigpitan nila kung nasa ayos lang at hindi masyadong nakakasakal, pero yun nga ang akala nila. Pati matatagal na users nila hindi na na-impress sa mga pinaggagawa nila.

About union bank wala akong naging problema sa pag-open ng account sa kanila at pagdeposit ng mga funds from cryptocurrency trading.  Nung nag-open ako ng account nung sinabi ko na source of income ko ay cryptocurrency freelancing at trading wala naman naging problema.  Aprub agad iyong request ko sa pag-open ng account.
Easy lang sa Union Bank kasi open sila sa mga crypto related source of income basta huwag lang isang bagsakan na malaking halaga.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Bitcoinislife09 on June 21, 2023, 02:21:42 PM
[1] Gcash
[2] Maya
[3] RCBC
[4] Security Bank
[5] UnionBank
[6] Uno Digital Bank

Reference: https://bitpinas.com/learn-how-to-guides/crypto-friendly-banks-philippines/

Mahalagang malaman din ito ng ating mga kababayan na meron tayong kagaya nito na friendly sa cryptocurrency. Hindi kagaya ng ngyayari sa ibang bansa na kagaya ng US ay parang hinaharas nila ang ganitong klaseng mga banko na bukas sa crypto concept. Na dito sa bansa naman natin sa kasalukuyan ay hindi naman ganun at sana sa mga mga darating pa ay hindi maging restrikto sa mga banko na kagaya nito.

Nangunguna na nga dyan yung gcash at Maya pagdating sa p2p transaction ay malaki ang pakinabang nito sa ating maka-masang pinoy sa totoo lang. Ang hindi ko lang gusto sa Gcash at Maya ay yung sa pagsasagawa ng crypto trading dahil medyo mahal lang yung fees nya. At yung Rcbc, Security bank, ay nakakatuwang pinapayagan narin nila na pwede kang magtransfer via p2p din.

Maraming salamat, sana nakapagbigay ng karagadagang ideya sa lokal natin dito, magandang araw ;)

Napakabili ng panahon natin naalala ko pa dati noong mga nakaraang taon lamang ay parang Coins.ph lang siguro ang nagagamit namen sa cryptocurrency buti na lamang ay madami ang pagwithdraw noon kapag gusto mong magcashout or magwithdraw ng Bitcoin mo ay magagamit mo ang coins.ph at gamit lamang ang Security bank ay makakapagwithdraw ka kaagad sa mga ATM na security bank. Walang masyadong hassle, pero ngayon marami ng mga kailangan na limitation mahigpit din sila sa mga personal informations, madalas kailangan mong iupdate palagi ang mga information mo, siguro yearly na nila to ginagawa.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Asuspawer09 on June 22, 2023, 10:58:22 PM
Crypto Friendly din pala ang RCBC meron akong ganitong bank pero hindi alam, pero siguro nagaacept na rin sila ng mga transactions or partner na rin sila sa mga cryptocurrency platforms kung saan pweding gamitin itong RCBC para sa mga transactions like for example siguro cashouts, Naalala ko pa dati noon sa Coins.ph ang pinakamadaling paraan sa pagwithdraw ng cryptocurrency mo ay gamit ang Security Bank may maximum na limit nga lang ito pero madaling makapagtransact.

Dumadami na ang mga Banks na interested dito sa ating bansa, pero marami pa ring mga malalaking banko ang hindi pa nagiging connected sa cryptocurrency, at some point kaya magiging available din kaya ang pagbili ng mga cryptocurrency dito? Naalala ko dati ang Paypal nagkaroon ng Cryptocurrency so i think possible din naman ito in the future dahil patuloy naman ang adaptation ng cryptocurrency dito sa bansa hindi na nakakagulat na mangyayare ito soon. Masokey din yun dahil maraming mga kababayan naten ang maeexposed sa cryptocurrency kung ang mga banks ay sumusuporta sa cryptocurrency at Bitcoin.

      -  Oo nga, sana idagdag ng RCBC sa kanilang mga requirements na kahit walang mga negosyo o trabaho bilang source of income ay iconsider narin nila na ang source of income ay ang cryptocurrency na ang ipapakita lang ang mga record history na nagagawang activity sa mga exchange sa cryptocurrency o Bitcoin.

Dahil, honestly ako dati tinanong ko yan sa RCBC way back 2022 at nung mga panahon na yun ay hindi pa nila tinatanggap ang ganung source of income lang sa mga magbubukas ng account sa kanilang banko. Kaya ayos talaga ito naikakalat ang adoption ng crypto bilang palitan sa ating mga pera.

Soon pa siguro hindi medjo matagal magadapt ung ibang mga banko dito sa Pilipinas lalo na yung mga malalaking banks mukang wala pa silang balak pumasok sa cryptocurrency space tulad ng BDO,metrobank walang mga balita na nagbabalak sila pumasok sa cryptocurrency, I mean bago naman talaga itong cryptocurrency so understandable naman na hindi basta basta papasok ang RCBC sa ganito karisky na investment.

Kung papasok ang RCBC sa cryptocurrency tulad ng iabng mga banks like Gcash,Maya,Unionbank kelangan handa sila sa risk neto hindi lang masyadong gumagalaw ang presyo ng crypto ngayon pero kung nagkakaroon ng bubble ay sigurado mahihirapan sila magprofit isa pa dun ay tumataas ang risk in investment nila. Bumababa or tumataas kase ang value ng pera na hawak nila or ung mga users na bumili ng cryptocuirrency sa platform nila. Pero okey na rin atleast ung RCBC at security bank ay hindi nila basta basta inigore ang cryptocurrency nakiki pagpartner pa rin sila sa mga transactions.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: serjent05 on June 22, 2023, 11:18:05 PM
Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.

Sobrang higpit naman kasi ng coins.ph.  Parang ang tingin nila sa lahat ng client nila ay mga money launderer daming hinihinging requirements tapos annually pa ang reverification.  Sa tindi ng higpit nila sa tingin ko ang daming nagsipag talunan sa iba't ibang company na may same services.
Walang napuntahan yung kahigipitan ni coins.ph, tumingin tingin ako sa FB page nila. Ibang iba na, kasi dati ang dami laging reactions, engagement at likes pero ngayon parang bawat comment ay complain nalang. Ok lang sana yung kahigpitan nila kung nasa ayos lang at hindi masyadong nakakasakal, pero yun nga ang akala nila. Pati matatagal na users nila hindi na na-impress sa mga pinaggagawa nila.

Meron na rin silang maintaining balance ngayon, mala bank na ang approach nila.  Kapag ang balance natin sa kanila ay less than the minimum ay magcharge sila ng maintenance fee.  Siguro humina na ng husto talaga ang kita nila, para siguro makabawi kahit paano kaya inimplement nila ang maintening balance requirement.   Malaki ang makakamkam ng coins.ph dito dahil iyong mga member na maliit lang ang funds at naabutan ng paghihigpit ay hindi na magbibigay oras para magpakyc pa sa knila.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bhadz on June 24, 2023, 02:09:05 PM

Kaya nga may maintaining balance tapos sisingilin pa ata kapag inactive na. Tama ka na baka yang ginawa nilang policy para lang masimot yung mga nakalimutan ding mga wallet na may mga dust amounts. Hindi ko alam kung ramdam ba talaga nila yung pag decline ng users nila dahil sa mga walang kwenta at makabagong policy nila o baka hindi nila ramdam kasi di nila gusto maramdaman. Puro complain nga lang makikita mo sa page nila kapag try mo visit mga posts nila. Hindi na sing saya tulad ng dati.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Fredomago on June 26, 2023, 12:17:45 PM

Parang mas gusto ko na lang paniwalaan ung ayaw nilang maramdaman sa sobrang dami nung nagcomplain about sa napaka daming ulit ng KYC kahit old timer ka pa uulit ulitin mo yung KYC, siguro ung may mga naipit na maliit na halaga tanggap na nila na wala na silang magagawa pa tapos nag implement pa ng maintaining balance so talagang magbibigay yun ng karapatan sa coins.ph na simutin yung pera mo sa wallet nila.

Di bale maging masaya na lang din tayo kasi gaya ng nakaopen na topic meron talagang mga banko / financial institutions na willing at yumayakap na sa crypto.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bettercrypto on June 26, 2023, 11:41:53 PM

Tama ka dyan kabayan, marahil yung kahigpitan nila ng paulit-ulit na paghingi ng KYC ang naging dahilan kung bakit malaking bilang ng mga dating users ng coinsph ang naging dahilan kung bakit nagsialisan o nagsilipatan na ng mas friendly users sa cryptocurrency o Bitcoin. Since na wala naman tayong magagawa sa kanilang mga patakaran ay wala din naman silang magagawa kung humanap man tayo ng iba na mas maganda ang service communication kesa sa kanila diba?

Sana nga at magkaroon pa ng ibang mga banko na magiging bukas sa Bitcoin at cryptocurrency. Para mas mapabilis ang pagpapalaganap sa mga tao ang tungkol sa kaalaman sa Bitcoin at cryptocurrency.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Fredomago on June 27, 2023, 12:29:24 PM

Kung sa katagang pinoy kabayan, bawi bawi lang yan, eh sadyang resourceful tayong mga pinoy kaya wala din silang magagawa, nung mga panahon kasing nagsisimula palang ang crypto sa pinas medyo llamado talaga sila kaya andami talagang nagsignup at gumamit, naaalala ko ung free 50 pesos kada signup at mag fully verify ng mga ref ko, ang pag enganyo ko eh libreng 50 pesos load hahaha.. Pero nasayang yung effort nila kasi nga humigpit sila bigla at sana yung mga oldies na at fully verified naman na sana hinayaan na nila at dun na lang sila sa mga bagong create na account naghigpit.

Pero wala naman na tayong magagawa dun, opinyon na lang at wala naman na ring bisa sa kanila yun, buti na lang talaga hindi tayo naipit sa isang option lang at ung mga banko na tumangkilik ng crypto eh hindi na ganun kahigpit, liban na lang siguro kung sobrang laki na at medyo kahinahinala na yung galawan ng pera, baka dun magkaron ng konting higpitan.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: 4zura on June 28, 2023, 04:32:43 PM
Alam kong iilan sa mga binanggit crypto friendly pero hindi ko pa nasubukan ang kanilang serbisyo dahil nga baguhan pa lamang ako. Iniisip ko nga kung talaga bang huli na ako dito sa crypto dahil karamihan sa inyo dito ay talagang matagal na sa larangang ito, di tulad sakin na kakasimula pa lamang at marami pang dapag matutunan. Alam ko na hindi ko pa masyadong kilala ang crypto dahil nasanay ako sa tradisyonal na finance pero willing akong matuto lalo pa't ngayon na medyo dumarami na ang mga aktibong sumusuporta ng crypto dito sa Pilipinas at isang halimbawa na nito ay ang mga naibanggit.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bhadz on June 29, 2023, 09:15:20 PM
Kaya nga may maintaining balance tapos sisingilin pa ata kapag inactive na. Tama ka na baka yang ginawa nilang policy para lang masimot yung mga nakalimutan ding mga wallet na may mga dust amounts. Hindi ko alam kung ramdam ba talaga nila yung pag decline ng users nila dahil sa mga walang kwenta at makabagong policy nila o baka hindi nila ramdam kasi di nila gusto maramdaman. Puro complain nga lang makikita mo sa page nila kapag try mo visit mga posts nila. Hindi na sing saya tulad ng dati.

Parang mas gusto ko na lang paniwalaan ung ayaw nilang maramdaman sa sobrang dami nung nagcomplain about sa napaka daming ulit ng KYC kahit old timer ka pa uulit ulitin mo yung KYC, siguro ung may mga naipit na maliit na halaga tanggap na nila na wala na silang magagawa pa tapos nag implement pa ng maintaining balance so talagang magbibigay yun ng karapatan sa coins.ph na simutin yung pera mo sa wallet nila.

Di bale maging masaya na lang din tayo kasi gaya ng nakaopen na topic meron talagang mga banko / financial institutions na willing at yumayakap na sa crypto.
Nagcheck ako ulit sa FB page nila, wala na talagang masyadong interes ang tao sa kanila at puro complains pa. Ang maganda lang dito, naging maganda ang market ng Pilipinas pagdating sa mga digital wallets kasi yung mga kilala nakisali na rin pati na rin yung mga bangko na nagooperate dito.

Iniisip ko nga kung talaga bang huli na ako dito sa crypto dahil karamihan sa inyo dito ay talagang matagal na sa larangang ito, di tulad sakin na kakasimula pa lamang at marami pang dapag matutunan.
Makalipas ang ilang taon, merong baguhan na magsasabi at magtatanong ng parehas na tanong mo sa sarili mo.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: NeilLostBitCoin on June 30, 2023, 07:22:47 PM
Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.

Sobrang higpit naman kasi ng coins.ph.  Parang ang tingin nila sa lahat ng client nila ay mga money launderer daming hinihinging requirements tapos annually pa ang reverification.  Sa tindi ng higpit nila sa tingin ko ang daming nagsipag talunan sa iba't ibang company na may same services.
Walang napuntahan yung kahigipitan ni coins.ph, tumingin tingin ako sa FB page nila. Ibang iba na, kasi dati ang dami laging reactions, engagement at likes pero ngayon parang bawat comment ay complain nalang. Ok lang sana yung kahigpitan nila kung nasa ayos lang at hindi masyadong nakakasakal, pero yun nga ang akala nila. Pati matatagal na users nila hindi na na-impress sa mga pinaggagawa nila.

Meron na rin silang maintaining balance ngayon, mala bank na ang approach nila.  Kapag ang balance natin sa kanila ay less than the minimum ay magcharge sila ng maintenance fee.  Siguro humina na ng husto talaga ang kita nila, para siguro makabawi kahit paano kaya inimplement nila ang maintening balance requirement.   Malaki ang makakamkam ng coins.ph dito dahil iyong mga member na maliit lang ang funds at naabutan ng paghihigpit ay hindi na magbibigay oras para magpakyc pa sa knila.

Grabe nga kabayan, naalala ko nag open ako ulit ng coins.ph na app ko tapos need ko ulit i-verify from the start e LEVEL 3 na yun matagal na, tapos valid ID naman pinakita ko tapos biglang di tinanggap maski face recognition ayaw. Dati coins lang meron tayo ngayon wala na nauungusan na sila ng Maya saka Gcash, di ko na rin gusto yung UI nila medyo parang siniksik yung mga elements. Kaya ngayon mas prefer ko UB saka Maya mas convenient para sa akin.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: bhadz on June 30, 2023, 10:46:12 PM

Yun ang maganda ngayon, kahit na maghigpit si coins, hindi na problema sa atin kasi hindi lang sila ang pwede nating gamitin sa pagbebenta ng cryptos natin. Nandiyan na si Maya na puwede na transfer, in and out ng crypto at ganun din kay gcash kaya nagiging super apps na din sila.
Sayang lang yung kapanahunan dati na lipad na lipad ang coins.ph kaso ngayon parang napagiwanan na sila kasi nga hindi nila masyadong nafocusan ang customer service nila at icheck mo din kung ilan ang magiging limit na ibibigay nila sayo sa pagiging level 3 kasi madaming binabaan ng limit.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: tech30338 on July 01, 2023, 01:03:32 AM
[1] Gcash
[2] Maya
[3] RCBC
[4] Security Bank
[5] UnionBank
[6] Uno Digital Bank

Reference: https://bitpinas.com/learn-how-to-guides/crypto-friendly-banks-philippines/

Mahalagang malaman din ito ng ating mga kababayan na meron tayong kagaya nito na friendly sa cryptocurrency. Hindi kagaya ng ngyayari sa ibang bansa na kagaya ng US ay parang hinaharas nila ang ganitong klaseng mga banko na bukas sa crypto concept. Na dito sa bansa naman natin sa kasalukuyan ay hindi naman ganun at sana sa mga mga darating pa ay hindi maging restrikto sa mga banko na kagaya nito.

Nangunguna na nga dyan yung gcash at Maya pagdating sa p2p transaction ay malaki ang pakinabang nito sa ating maka-masang pinoy sa totoo lang. Ang hindi ko lang gusto sa Gcash at Maya ay yung sa pagsasagawa ng crypto trading dahil medyo mahal lang yung fees nya. At yung Rcbc, Security bank, ay nakakatuwang pinapayagan narin nila na pwede kang magtransfer via p2p din.

Maraming salamat, sana nakapagbigay ng karagadagang ideya sa lokal natin dito, magandang araw ;)

Magandang malaman na ito ang mga okay na banks sa pinas na maari mapagtransferan , maraming salamat OP,
meron lang akong side comment sa post ne OP, kahit na itong mga banks na ito ay pwedeng magtransfer ng pera
meron parin itong limitasyun, kung ikaw ay walang business hindi ka maaring magtransfer basta nalang magtransfer ng pera sa kanila na hihigit sa 100K
dahil maari nilang ihold ang pera mo,meron naman na minimum 50k ang pwede mo ewithdraw, medyo limited parin tayo pagdating sa banks, siguro kailangan na mataasan ng kaonte ang mga ganetong transactions, according ito sa kakilala ko, sinasabi nila na 500k sa peso ay hindi pa nila iimbestigahan subalit, kapag daw nag 100k+ kana tinitignan na nila ito, kakilala ko sa banko ang nagsabi, kaya mula nun maingat talaga ako sa mga pagtransfer or pagpasok ng pera sa mga bank na ito dahil di natin alam kelan tayo basta mafreeze, sana mainform ang iba para hindi sila magulat, although madami naman na nkakaalam, pero may ilan ilan parin na nagugulat minsan.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Lorence.xD on July 01, 2023, 02:39:36 PM
UnionBank talaga unang sinasabi sakin ng friends ko nung balak ko mag open ng bank account since lumalaki na kita ko sa crypto industry lalo na nung time na mga pre-pandemic which is 2020-2021 kasi yung Gcash ko is napuno kasi laman ng Gcash kaya di na ko makareceive ng mga pera so naisipan ko mag open ng bank. So sinabihan ako ng parents ko tatanungin daw ako kung ano ang source of money ko if sabihin ko daw na crpyto di daw tatanggapin sa mga known banks like BDO. Then sinabi sakin ng mga crpyto friends ko mag union bank nalang ako which is good nga kaya nakarami ako hahaha.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: Fredomago on July 02, 2023, 07:37:50 AM

Nakikita ko din sa mga advertisement nila at ung mga ads sa socmed na crypto friendly nga sila hindi pa naman ganun kalaki ung investment ko kaya swak pa ko sa p2p ng binance kaya medyo saktuhan lang pero kung sa personal experience mo eh ganun maganda ngang info yan para sa mga kababayan natin na merong malaki laking inaasahang kikitain sa crypto lalo na dun sa mga magfofocus ng investment nila lalo na sa parating na halving which ang expectation eh talagang magkakaroon ng bull run.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: arwin100 on July 02, 2023, 11:25:48 AM
UnionBank talaga unang sinasabi sakin ng friends ko nung balak ko mag open ng bank account since lumalaki na kita ko sa crypto industry lalo na nung time na mga pre-pandemic which is 2020-2021 kasi yung Gcash ko is napuno kasi laman ng Gcash kaya di na ko makareceive ng mga pera so naisipan ko mag open ng bank. So sinabihan ako ng parents ko tatanungin daw ako kung ano ang source of money ko if sabihin ko daw na crpyto di daw tatanggapin sa mga known banks like BDO. Then sinabi sakin ng mga crpyto friends ko mag union bank nalang ako which is good nga kaya nakarami ako hahaha.

Union bank talaga maganda sa ganito pero kailangan parin mag ingat dahil kahit na crypto friendly sila maaari parin tayong ma flag. Sakin naman BDO yun dati pero di ko sinabi source of income ay galing sa crypto ang dinaclare ko lang ay online freelancer ako at tinanggap naman nila yun. Ang hiningi lang nila is proof of income at pwede mo gamitin yung latest receipt mo sa remmitance at ayun naapprove naman agad ang request ko na pag open ng account sa kinila.

Nag open din ako ng account sa RCBC since napaka mahal na ng cashout fee ng coins sa mga remmittance at sa banko lang ay 10 pesos per withdraw at ganun lang din ginawa ko declare na freelancer ang source of income at pakita receipt ng remmitance at ayun may ATM nako at magagamit kuna sya pang withdraw ng less fee.

Siguro wag lang talaga mag transact ng malaking halaga at gamitin ang bank sa pagwithdraw dahil baka ma AMLA tayo mas mainam marami tayong options na pag wiwithdrahan para mahati-hati ang pera natin at safe sa worst case na kakaharapin natin.

Title: Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
Post by: inthelongrun on July 02, 2023, 04:02:02 PM
Sayang at di pa nasali mga bank accounts ko na may passbooks sa listahan. Hirap ata pag ATM card lang tapos malakihang transactions OTC.

At least dumadami na mga banks and financial instis na nag embrace sa crypto. Although mataas pa din spreads ng ating mga exchanges like Gcash at Maya. Sana open din ang ating gobyerno sa pagtanggap pa ng mga companies na willing lalo na si Binance kung saan super mabilis at very competitive yung rates at lower fees.