Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: robelneo on June 17, 2023, 10:15:34 AM

Title: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: robelneo on June 17, 2023, 10:15:34 AM
Mukhang interesting itong organization na ito di ko alam na meron pala tayo nito at mga bigating corporation at individuals ang mga members, ilan sa mga members ay vice president of RCBC and chairman of FinTech Alliance, president and CEO of GCash, considered as prime mover at promoter ang mga members at opisyales.

Ang mission nila ay
Quote
“Our mission is to enhance the regulatory framework for blockchain technology in the Philippines, with a strong focus on establishing a safer and more widespread adoption through education, government collaboration, and community support,” the council’s website read.

Sa tingin nyo worth it ba na maging member ng organization na ito dahil sila ang pangunahing nangunguna sa pag sulong ng Cryptocurrency adoption sa ating bansa.

Meron nga lang membership fee para maging members

Quote
During ‌membership application approval, applicants are to pay a membership fee of ₱1,000 for individuals and ₱10,000 for corporations.

Baka mag member ako dito sa susunod pag nagkaroon uli ng opening.

Blockchain Council of the Philippines – How to Apply as Individual or Corporate Member (https://bitpinas.com/business/blockchain-council-of-the-philippines-new-members-application/)

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: mk4 on June 17, 2023, 10:46:29 AM
Depends — ano ang intensiyon mo para sumali?

Personally, not a fan of submitting personal details and contact information sa local(and international, unless sobrang needed) crypto-related companies for security and privacy reasons.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: lionheart78 on June 17, 2023, 11:16:51 AM
Before applying gusto kong malaman kung ano ang advantage ng pagiging member ng grupong ito?  If it is just for bragging right then forget it.  kUng tungkol naman sa knowledge, sa tingin ko kaya naman iresearch yan online baka nga mas advance pa ang mag-aaral ng online course.  If it is about connection, then Php1k ay maliit na halaga.  Sa article wala namang sinabing advantage and disadvantage I don't know kung paanong maging kapakipakinabang para sa akin kung magiging miyembro ako nitong grupo na ito. 

Depends — ano ang intensiyon mo para sumali?

Personally, not a fan of submitting personal details and contact information sa local(and international, unless sobrang needed) crypto-related companies for security and privacy reasons.

Same here.  Unless the benifits outweigh the requirement for submitting personal details.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: bhadz on June 17, 2023, 11:40:19 AM
Tingin maganda yung mga ganitong organization para lang lumawak ang connection mo. Kulang sa mga details kung ano ang magiging perk ng isang member. Hanggang katapusan nalang ng June ang membership, tingin ko maganda din na makasalamuha ka sa mga bigating mga yan. Yun ay kung kapag may mga pa-event itong organization na ito ay present yang mga yan. Ang dami ko pa sana gustong malaman kaso kulang sa article. Chineck ko FB page nila parang wala masyadong ganap at following sila. Pero kung sa 1k eh ok lang sayo gastusin para sa membership fee, go lang.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Mr. Magkaisa on June 17, 2023, 01:23:39 PM
       -  Ang gusto ko lang sa ginagawa nila ay pinapalaganap nila ang adoption ng cryptocurrency o bitcoin sa ating bansa. Binasa ko rin yung article at napansin ko na hindi naka-indicate kung ano ba ang magiging advantage kapag ang isang tao ay nagpamember dito. Parang ang dating sa akin ay nakukulangan ako ng impormasyon sa kung ano ba ang goal at vision nila tungkol dito.

Bagama't uulitin ko, gusto ko yung pagpapalaganap nilang ginagawa ukol sa cryptocurrency adoptions na nakakatulong ito sa pagmulat sa community ng ating mga kababayan sa bagay na ito.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Eternad on June 17, 2023, 04:40:00 PM
Meron ba na list ng benefits ng pagiging member nito as individual. Sa tingin ko ay pang mga corporate lang ito dahil naka focus it sa blockchain framework at kung paano magestablish ng blockchain project sa bansa natin. As individual na regular crypto user ay hindi siguro ito worth it dahil bukod sa may bayad ay magsusubmit ka din ng personal information.

Sobrang dala na pari ako sa mga ganitong group ng mga pinoy kahit na mga prominent pa ang member dahil hindi rin tumatagal or walang improvement lalo na kung low support sa mga pinoy. Pero maganda yung layunin nila para mapromote ang blockchain sa pinas. Hindi lang siguro talaga worth it kung para sa akin.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: abel1337 on June 17, 2023, 06:20:15 PM
Meron palang ganito at bigatin din yung mga members. Siguro for me hindi ito worth it for me unless may specific goals or target ako na magawa within this organization. Membership fee is no biggie pero hindi ako mag sspend ng ganung amount para lang matawag na member nito. Maybe you can gain connections since bigating tao yung mga kasama mo sa organization but yeah maybe not for me. Ano ba mga benefits as a member of this organization aside from possible connections?

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: rhomelmabini on June 17, 2023, 08:04:14 PM
Interesting siya especially if gusto mong palawakin network mo. I think mainam ito sa mga tao na gustong mqgtrabaho sa crypto industry, mga influencers in crypto as long as hindi ka naman aligaga sa privacy or personal details mo. Kung ang goal mo ay magkaroon ng mga connections I guess for 1k pesos mababa na yan at lalo na kung meron pang ibang mga benepisyo.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Johnyz on June 17, 2023, 09:12:53 PM
If makakatulong ito sa iyo, the. Why not?
For sure magkakaroon ito ng mga conference to discuss more about blockchain and if you are really interested about this, magandang opportunity ito. Its good to have this kind of organizations who discuss the blockchain technology and its potential. With this group, I think there’s still no need for me to join.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: acroman08 on June 17, 2023, 10:31:21 PM
Before applying gusto kong malaman kung ano ang advantage ng pagiging member ng grupong ito?  If it is just for bragging right then forget it.  kUng tungkol naman sa knowledge, sa tingin ko kaya naman iresearch yan online baka nga mas advance pa ang mag-aaral ng online course.  If it is about connection, then Php1k ay maliit na halaga.  Sa article wala namang sinabing advantage and disadvantage I don't know kung paanong maging kapakipakinabang para sa akin kung magiging miyembro ako nitong grupo na ito. 
check mo website nila, sa website nila may sinabi sila about "community support"(check quote below) pero hindi ko sigurado kung available ba yun para sa lahat or exclusive lang yung sinabi nila dun "community support" para sa mga tao na ang apply sakinala para maging members.

Community Support
BCP serves as a hub for blockchain enthusiasts, professionals, and entrepreneurs in the Philippines. We provide a platform for networking, knowledge sharing, and collaboration, fostering a vibrant and supportive community. Through meetups, conferences, and online forums, we encourage dialogue and exchange of ideas to drive innovation and entrepreneurship in the blockchain space.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Asuspawer09 on June 17, 2023, 11:05:51 PM
Parang hindi pa naman worth it maging member jan tapos mayroon pang membership fee, okey siguro ito pampalaki ng connection mo pero if simpleng investor ka lang naman kahit hindi kana simali sa mga ganito, maganda siguro ito sa mga developers, mayroon akong mga kaibigan na developers ng mga blockchains at maraming mga project ngayon ang napapasukan nila. Mukang okey itong irecommend sa kanila dahil kailangan nila ng malaking connection.

Wala pang masyadong benefits siguro ito sa mga member dahil bago pa lang pero soon siguro magkakaroon na ito, since mga bigatin ang mga members ay malaki ang influence nito, lumalaki na talaga ang mga blockchain projects dito sa bansa, so far maganda ang adaption ngcryptocurrency.

Any way siguro itatry ko din sumali dito dahil mababa lang naman ang membership fee malay naten makasali pa tayo sa mga projects nila puro CEO pa naman ang mga pioneer sana lang wag maging promotion lang ito Goodluck na lang sa mga sasali sa next na open.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: benalexis12 on June 18, 2023, 11:43:55 AM
Gaya ng sinabi ng iba dito, para sa akin din ay hindi pa siya worth it, although hindi maipagkakaila na mga bigatin nga din yung mga involved dyan sa nasabing artikulo, pero ganun pa man huwag parin tayo magpaka-komportable dahil alam mo naman pagdating sa ganyang mga bagay karamihang mga pinoy sa ganyang istilo ng paraan ay magaling sa hype at mag-enganyo. Dapat sana ang ginawa nila ay binigay nila muna yung buong detalye para sa mga nais na magpamember dyan, kaso walang ganun kaya medyo nakakaduda pa.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: robelneo on June 18, 2023, 02:23:11 PM
Meron palang ganito at bigatin din yung mga members. Siguro for me hindi ito worth it for me unless may specific goals or target ako na magawa within this organization. Membership fee is no biggie pero hindi ako mag sspend ng ganung amount para lang matawag na member nito. Maybe you can gain connections since bigating tao yung mga kasama mo sa organization but yeah maybe not for me. Ano ba mga benefits as a member of this organization aside from possible connections?
Isa itong open community na maaring makatulong sa adoption ng Cryptocurrency sa ating bansa at dahil ito ay council meron kang boses sa mga botohan o suggestion na pwedeng mag karoon ng impact sa community.

Naniniwala ako na bawat bansa ay dapat mayroong open community sa Cryptocurrency ng sa ganon magkaroon sila ng influence sa pagtakda ng batas ng mga mambabatas o pag sasanggunian pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa Cryprocurrency.

Pwede rin sila mag invite ng mga kilalang personality sa Cryptocurrency at mag daos ng seminar dito exclusive sa mga members, ito ang isa mga benefit na nakikita ko.

At dahil sa malalaking pangalan sa industriya ng commercial ang mga members mas una ka makakabalita sa mga development na may kaugnayan sa blockchain.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Lorence.xD on June 18, 2023, 04:57:38 PM
Tingin maganda yung mga ganitong organization para lang lumawak ang connection mo. Kulang sa mga details kung ano ang magiging perk ng isang member. Hanggang katapusan nalang ng June ang membership, tingin ko maganda din na makasalamuha ka sa mga bigating mga yan. Yun ay kung kapag may mga pa-event itong organization na ito ay present yang mga yan. Ang dami ko pa sana gustong malaman kaso kulang sa article. Chineck ko FB page nila parang wala masyadong ganap at following sila. Pero kung sa 1k eh ok lang sayo gastusin para sa membership fee, go lang.

Totoo lang kasi kulang kulang details eh, siguro yung title la na part ka nung organization yung benefits mo diyan as in matawag ka na member eh ayon na yung advantage mo. Pero hirap pa din kasi mag try ng walang complete details kahit na sabihin mong 1k eh mababa lang sa iba pero money is money, mas oks pa din nagagamit natin pera natin sa useful na bagay. Still nasa sa inyo pa rin yan kasi malay mo after mo maging member dun lang sila mag bibigay ng details na di pwede sa public kumbaga private announcements.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Cling18 on June 18, 2023, 05:10:06 PM

Isa rin ako sa nagihintay ng kumpleto and detalyadong impormasyon tungkol dito. Interesting siya lalo na para sa mga gustong lmawak ang network  pero hindi siya ideal para sa mga small investors kung hindi din naman ganun kahalaga yung benefit na pwede nating makuha dito. 1k is 1k pa rin kahit pa maliit yan sa iba, nkakapanghinayang pa rin kung mapupunta lang sa wala. Sana nga ay mas kumpletong paliwanag tungkol jan at sigurado, mas marami ang magiging interesado kung mas marami pa tayong matututunan at mababanefit sa membership na iyan. Mabuti na rin at may mga ganitong organization, at least marami pa ring open opportunities and nagiintroduct sa crypto adaption dito sa bansa.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Reatim on June 19, 2023, 01:25:00 AM
not interesting for now kabayan , but I consider is as an advantage for everyone kaso alam naman nating lahat na iniiwasan nating ma expose ang details natin in public or even privately .
kaya para mag send ng details sa mga ganitong bagay?i guess need ko muna makita ang progress nito.
pero will be willing to to partake in the future .

_______________________________________________________________\

Nakakatuwa lang na makitang ganitong kalalaking kumpanya ang nagkakaisa para palaganapin ang crypto use sa bansa , proud sa mga nangyayari sa crypto dito sa pinas.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: lienfaye on June 19, 2023, 01:47:28 AM
If makakatulong ito sa iyo, the. Why not?
For sure magkakaroon ito ng mga conference to discuss more about blockchain and if you are really interested about this, magandang opportunity ito. Its good to have this kind of organizations who discuss the blockchain technology and its potential. With this group, I think there’s still no need for me to join.
True. Kung sa tingin mo ay may advantage sayo ang pagsali, eh di go lang. Mura lang naman ang magpa member for individuals kaya hindi masakit sa bulsa kung sasali ka sa ganitong organization. Pero para sakin hindi na lang, mas gusto kong manatiling anonymous kaya mas mabuti na wag na lang muna.

Pero in the future kung may makita akong advantage kahit simpleng member ka lang baka magbago pananaw ko so tingnan na lang natin. Anyway, gaya nga ng sinabi ng iba maganda na merong ganitong organization para ipalaganap ang blockchain sa bansa. Lalo na bigatin ang ilang members, makakatulong ito para mas makilala pa ang crypto dito satin as a whole.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: Oasisman on June 19, 2023, 08:22:57 AM
Before applying gusto kong malaman kung ano ang advantage ng pagiging member ng grupong ito?  If it is just for bragging right then forget it.  kUng tungkol naman sa knowledge, sa tingin ko kaya naman iresearch yan online baka nga mas advance pa ang mag-aaral ng online course.  If it is about connection, then Php1k ay maliit na halaga.  Sa article wala namang sinabing advantage and disadvantage I don't know kung paanong maging kapakipakinabang para sa akin kung magiging miyembro ako nitong grupo na ito. 

I'm not sure kung ano din ang advantage ng pagiging member dito, pero most probably it's about connection at oo maliit na halaga lang talaga yung 1k kung ito yung pakay mo, PERO most probably din na madami din ang sasali na same ng pakay, so I guess it's not gonna be about knowledge.
Though, it's a good thing na may mga malalaking tao ang nag promote ng cryptocurrency sa bansa natin, marami din naman siguro ang sasali dito kasi sa facebook nga lang andaming mga self proclaimed crypto experts, for sure yung mga yun ang mangunguna sa pag sali LOL.
Pero sa community natin dito which values anonymity, I don't think it will work for us lalo na kung e submit natin yung personal details natin.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: bettercrypto on June 19, 2023, 10:55:29 AM

Sa tingin ko madami din ang sasali dyan, dahil puro panghahype for sure ang gagawin ng mga speaker dyan. Gaya nga ng sinabi mo madami din ang magself-procalimed na crypto experts pero sa totoo lang ay hindi naman talaga. Sa simula lang yan for sure magboom, ang panalo dyan for sure yung mga bumuo nyan.

At ang kawawa parin sa huli yung mga nahype lang at mga namuhunan dyan, hindi manlang sila nagbigay ng briefing about sa advantage kapag nagmember yun tao na prospect investors nila. Dun palang medyo duda na ako sa ginawa nilang yan na kulang-kulang, hindi sa sinisiraan ko.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: arwin100 on June 19, 2023, 12:30:11 PM
Before applying gusto kong malaman kung ano ang advantage ng pagiging member ng grupong ito?  If it is just for bragging right then forget it.  kUng tungkol naman sa knowledge, sa tingin ko kaya naman iresearch yan online baka nga mas advance pa ang mag-aaral ng online course.  If it is about connection, then Php1k ay maliit na halaga.  Sa article wala namang sinabing advantage and disadvantage I don't know kung paanong maging kapakipakinabang para sa akin kung magiging miyembro ako nitong grupo na ito.  .

Siguro ang pangunahing makukuha mo sa pagsali sa group nila ay exposure. Mga bigating tao ang mga miyembro nila at for sure ma marami kang maturunan since malamang may sharing of ideas ang mangyayari da mga pa event nila. Also malay mo dahil diyan maging kilala ka sa mundo ng crypto dahil sa mga ito.

Although wala ako idea kung ano ba talaga ang ginagawa nila pero tingin ko maganda to since malalaki g platform ang kasali at malamang dahil sa mga taong yan mapapayabong pa ang adoption ng crypto sa bansa natin.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: bhadz on June 19, 2023, 01:18:25 PM
Tingin maganda yung mga ganitong organization para lang lumawak ang connection mo. Kulang sa mga details kung ano ang magiging perk ng isang member. Hanggang katapusan nalang ng June ang membership, tingin ko maganda din na makasalamuha ka sa mga bigating mga yan. Yun ay kung kapag may mga pa-event itong organization na ito ay present yang mga yan. Ang dami ko pa sana gustong malaman kaso kulang sa article. Chineck ko FB page nila parang wala masyadong ganap at following sila. Pero kung sa 1k eh ok lang sayo gastusin para sa membership fee, go lang.

Totoo lang kasi kulang kulang details eh, siguro yung title la na part ka nung organization yung benefits mo diyan as in matawag ka na member eh ayon na yung advantage mo. Pero hirap pa din kasi mag try ng walang complete details kahit na sabihin mong 1k eh mababa lang sa iba pero money is money, mas oks pa din nagagamit natin pera natin sa useful na bagay. Still nasa sa inyo pa rin yan kasi malay mo after mo maging member dun lang sila mag bibigay ng details na di pwede sa public kumbaga private announcements.
Oo parang part ka lang at yun na yung consolation mo sa pagsali. May mga perks naman siguro yan kaso nga lang sobrang kulang sa details at wala akong masyadong ibang mga nakitang mga post sa social media kung ano ang mga perks kapag naging member ng organization na yan. Maganda siya pakinggan na parte ka kasi nga parang iilan lang naman ang mga blockchain o crypto organizations sa bansa natin. Kumbaga kapag sa 1k na ibabayad mo diyan, dapat lang na parang tipo na hindi masyadong masakit sayo yun. Parang ilang fast food mo lang na pagkain ang isa-sacrifice mo para diyan.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: aioc on June 19, 2023, 03:32:18 PM

Kung meron man isa sa atin na sumali ngayun doon pa lang natin malalaman ang mga perks kasi mayroon namang ibibigay na details ng mga obligation mo at mga perks o privilege mo pero sa palagay ko formality lang ito para may matawag tayo na may official na group dito na sumusuporta sa Blockchain at Cryptocurrency.

Dahil sa bigatin ang mga members naniniwala ako na lalaki pa ito wika nga yung mga malaki nakakahatak ng mga malalaki rin, kaya in three years time may impact na itong blockchain council na ito.

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: peter0425 on June 20, 2023, 03:22:23 AM

sana nga isa man satin ay maging member at mag kwento ng mga positive and negative things about this kasi parang interesante ang offer nito though may membership fee bagay na mas dapat natin maintindihan kung para san at ano ang magiging pinaka benepisyo once nag member tayo.
malaking grupo to and i believe promising para sa lahat ng crypto users and enthusiast .

Title: Re: Meron Na Bang Naka Apply Dito At Is It Worth It
Post by: bhadz on June 20, 2023, 07:35:55 PM
Oo parang part ka lang at yun na yung consolation mo sa pagsali. May mga perks naman siguro yan kaso nga lang sobrang kulang sa details at wala akong masyadong ibang mga nakitang mga post sa social media kung ano ang mga perks kapag naging member ng organization na yan. Maganda siya pakinggan na parte ka kasi nga parang iilan lang naman ang mga blockchain o crypto organizations sa bansa natin. Kumbaga kapag sa 1k na ibabayad mo diyan, dapat lang na parang tipo na hindi masyadong masakit sayo yun. Parang ilang fast food mo lang na pagkain ang isa-sacrifice mo para diyan.
Kung meron man isa sa atin na sumali ngayun doon pa lang natin malalaman ang mga perks kasi mayroon namang ibibigay na details ng mga obligation mo at mga perks o privilege mo pero sa palagay ko formality lang ito para may matawag tayo na may official na group dito na sumusuporta sa Blockchain at Cryptocurrency.
Wait natin si OP kasi interesado siya sumali at malalaman natin kung ano ano ba ang mga perks ng pagiging member kaso nga lang parang hanggang katapusan nalang ata ng buwan yan.

Dahil sa bigatin ang mga members naniniwala ako na lalaki pa ito wika nga yung mga malaki nakakahatak ng mga malalaki rin, kaya in three years time may impact na itong blockchain council na ito.
Kahit ako tingin ko lalaki pa yan kasi kung may mga kilalang pangalan o di kaya mga big time sa group na yan, hindi lang kasi nila masaydong minamarket yung pagiging member. Antayin ko pa rin kung ano ba ang goal nila pero baka maging parte yan sila ng regulatory body kapag nag step up na ang gobyerno natin related sa mga crypto at blockchain matters.