Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: tech30338 on December 01, 2023, 01:15:46 PM

Title: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: tech30338 on December 01, 2023, 01:15:46 PM
  • Maya
  • Gcrypto
  • Coinsph
  • MEXC
  • Poloniex
  • PDAX

Since maari mawala pansamantala ang binance ito ang maari nating magamit for trading din for crypto, maari magkaroon tayo ng interest kay MEXC,
bakit kasi meron din silang p2p for rekta sa gcash ito iyong gusto nating features, meron din silang mobile application

https://i.ibb.co/60TQSJ4/p2p-mexc.png (https://ibb.co/MktdH5R)

pero lahat naman ng mga nilista ko okay din although ang fee's mas mataas sino na ang nkasubok ng mexc sa inyo,
Kung meron pa kayong maaring idagdag na sa tingin nyo ay alternatibo maari lang pakiaadd para matulungan natin ang iba na bago plang at hindi pa alam na mayroon pang ibang maaring gamitin.
Sana makatulong.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Ben Barubal on December 01, 2023, 01:34:16 PM
  Sigurado ka na meron ding p2p via gcash ang mexc? ang pagkaalam ko ay wala nyan ang MEXC,  kung p2p kasi from exchange yung hinahanap mo na merong gcash direkta ay yung OKX at Bybit yang dalawa na ito meron direkta sa gcash at maya. Ngayon sa Pdax hindi ako komportableng gamitin yan promise.

  Then dun naman sa poloniex diskumpyado din ako dyan dahil kamakailan lang I think last week lang ata, parang ikaw din ata yung gumawa ng topic dito na nahack ang poloniex sa ng hacker, though meron siyang p2p na direct sa gcas apps natin kaya lang napasukan nga ng hacker, hindi kaba mababahala nun?

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: tech30338 on December 01, 2023, 02:42:08 PM

Matagal na ang poloniex and first time sa pagkakaalam ko na nhack sila, if maibabalik naman nila nwala meaning okay sila na exchange matagal na sila since 2013 pa if hindi ako ngkakamali.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: robelneo on December 01, 2023, 10:29:59 PM
Pwede mo rin i add ang Abra pero limitado nga lang ang kanilang outlet dahil sa ngayun Tambunting at bank transfer pa lang sila meron matagal ko ring ginamit itong Abra bago ako nag shift sa Gcrypto kasi need ko palagi bumiyahe papunta Tambunting para makipag trade at isa pa na option ay ang
MONEYBEES (https://www.moneybees.ph/) meron din silang official thread dito pero hindi na nga lang active yung representative nila
 Moneybees Physical shops for buying and selling Bitcoin and Ether (https://bitcointalk.org/index.php?topic=2266804.0)

Pwede nang mamili ang mga kababayan natin dito at i share nila ang kanilang mga experience dito ngayung malapit nang mawala ang service ng Binance para sa mga Pilipino.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: gunhell16 on December 01, 2023, 11:08:03 PM
  Sigurado ka na meron ding p2p via gcash ang mexc? ang pagkaalam ko ay wala nyan ang MEXC,  kung p2p kasi from exchange yung hinahanap mo na merong gcash direkta ay yung OKX at Bybit yang dalawa na ito meron direkta sa gcash at maya. Ngayon sa Pdax hindi ako komportableng gamitin yan promise.

  Then dun naman sa poloniex diskumpyado din ako dyan dahil kamakailan lang I think last week lang ata, parang ikaw din ata yung gumawa ng topic dito na nahack ang poloniex sa ng hacker, though meron siyang p2p na direct sa gcas apps natin kaya lang napasukan nga ng hacker, hindi kaba mababahala nun?
Matagal na ang poloniex and first time sa pagkakaalam ko na nhack sila, if maibabalik naman nila nwala meaning okay sila na exchange matagal na sila since 2013 pa if hindi ako ngkakamali.

Oo, totoong matagal na yang poloniex at dati pa ngang matunog na exchange yan, nung mga panahon ng 2017 at nasa top exchange din siya.
Pagkatapos ng paglipas ng panahon nagbago sila ng management at dun na sila nagkaroon ng problema, at malaki ang nabawas na mga users sa kanilang platform.

Bukod pa dyan sa aking pagkakaalam pero hindi ako sigurado, wala akong nabalitaang naisecured nila yung ibang assets na nawalan nung kamakailan lang na nahacked sila, meron bang balita na naibalik sa kanilang mga users yung funds? At yung Mexc sa aking pagkakaalam din ay hindi rin natin yan magagamit sa p2p na tulad ng Binance, sinilip ko narin yan nung last month pa.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Maus0728 on December 02, 2023, 01:46:48 AM
I think this user maintains an updated list of p2p exchanges out there. Oks na alternative naman yung mga nakikita so far in case na mawala na yung  binance.
https://www.reddit.com/r/Bitcoin/s/d1qeXlA7iF

And really? Gcash crypto as an alternative? Sino gagamit niyan? Sobrang taas ng transaction fee compared sa sinisingil ng binance(na mataas na nga)
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5461277.0

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: LogitechMouse on December 02, 2023, 03:17:34 AM
Sabi dito: LINK (https://www.cnnphilippines.com/business/2023/11/30/sec-to-block-filipinos-access-to-binance.html)
Quote
The Securities and Exchange Commission (SEC) on Wednesday said it has begun the process of blocking access to the world's largest cryptocurrency exchange, Binance.
Wala pang sinabi na deadline kung kelan nila ibloblock so may time pa para magamit natin ang Binance di ba? Akala ko na process na ni CZ noon itong problema na ito pero mukhang hindi pa pala.

Sa mga sinabi mo OP, GCASH at COINS.PH ang 2 sa may pinakamataas na transaction fees dito. Natatandaan ko every time na mag convert ako ng BTC to PHP sa COINS.PH, naglalaro sa around 150-200 PHP ang kaltas sa akin. Nagbabago yan pero yan ang kadalasang kaltas. Yang kaltas na yan pwede na sa 2-3 na budget meal kaya gusto ko nang maghanap ng alternatives ngayon.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: mk4 on December 02, 2023, 03:40:09 AM
Di ko talaga alam kung mairerekomenda ko ang Coins.ph. Nahack XRP nila, tapos tahimik lang sila ng parang walang nangyari. Kung hindi pa may nakapansin sa public wallet nila na nalipat ung funds, e hindi natin malalaman.

https://www.theblock.co/post/258701/philippines-based-exchange-coins-ph-appears-to-have-lost-12-2-million-xrp-in-possible-exploit

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Peanutswar on December 02, 2023, 08:22:06 AM
Binance, MEXC, Kucoin at Crypto.com ako active na mga exchange and also yung sa atin is yung Coins.ph nga kahit hindi maka tarungan yung pricing nila isa wala naman tayong magagawa dito kundi ito lang naman possible na platform pwede gamitin e kaya check nalang tayo ng efficient and lowest fee at the end. Ayaw kasi mag invest ng coins.ph sa security eh maski after ng incident nila nanahimik sila bigla nalang nawala din ung issue even feedbacks or news wala na.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: SFR10 on December 02, 2023, 11:12:23 AM
Kung meron pa kayong maaring idagdag na sa tingin nyo ay alternatibo maari lang pakiaadd para matulungan natin ang iba na bago plang at hindi pa alam na mayroon pang ibang maaring gamitin.
Sana makatulong.
May dalawa pa akong alam na licensed exchanges sa Pinas, pero hindi ko pa sila sinusubukan at mukhang hindi sila masyadong active sa mga crypto communities:

  • COEXSTAR (https://coexstar.ph/) [announcement thread (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5200727.0)]
    - Coming soon pa ang P2P trading nila!
  • DA5/SurgePay (https://da5.com.ph/)

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: DabsPoorVersion on December 02, 2023, 12:49:34 PM
Ang nakita ko naman na ibang exchange na may p2p ay kucoin at bybit. Hindi ko pa sila parehong nasusubukan dahil hindi pa ako nagsasubmit ng KYC pero kung sakaling hindi sila kasama sa ibablock na exchange, pwede din itong alternative. Sa coinsph naman para sa akin okay siya gamitin pang cash out lang. Dahil na nga din sa sabi nila na may hacking issue previously peri nanahimik lang sila, kung cashout option lang okay na din kung walang ibang choice. Wag lang magtatabi ng funds doon for safety na din natin.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: xLays on December 02, 2023, 06:50:37 PM
Kung sakali man talagang mangyari na iblock ang Binance sa Pilipinas at doubted kayo sa mga exchange na nabanggit ni OP mainam n sigurong store nalang sa Wallet natin na hawak natin ang private key hindi katulad ng mga na banggit na mga exchange at wallet na yan na hindi mo hawak ang private key. Saka ka nalang hanap nang alam mong legitimate at hindi ka scamming na P2P. Like dito sa Forum post ka lang dito USDT to Gcash matik meron yan. Siguradohin mo lng talaga na wag kang maiiscam.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: angrybirdy on December 04, 2023, 12:15:37 PM
Kung sakali man talagang mangyari na iblock ang Binance sa Pilipinas at doubted kayo sa mga exchange na nabanggit ni OP mainam n sigurong store nalang sa Wallet natin na hawak natin ang private key hindi katulad ng mga na banggit na mga exchange at wallet na yan na hindi mo hawak ang private key. Saka ka nalang hanap nang alam mong legitimate at hindi ka scamming na P2P. Like dito sa Forum post ka lang dito USDT to Gcash matik meron yan. Siguradohin mo lng talaga na wag kang maiiscam.
Tama at saka mas mabuti nadin na ngayon palang may naka ready ng plano if ever man na matuloy ang banning issue pero sana naman hindi, sana at this point, ginagawan na nila ng paraan lalo na madami ang users ng binance. Madami namang legit na wallet like coins.ph, for sure madami ang lilipat doon.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: bhadz on December 04, 2023, 02:17:05 PM
Puwede pa rin naman yung ibang international exchanges basta huwag lang si Binance kasi mainit siya sa mata ng SEC. Ngayon na madaming mga restrictions na ginagawa ang SEC at NTC, hangga't hindi pa naman affected yung ibang exchanges tulad ng kucoin, okx, huobi, bybit at madami pang iba, pwede naman natin silang gamitin kaso wala ako masyadong experience sa mga yan at sa mga local exchange pa rin ako nagbebenta kasi mas madali at registered naman karamihan sa mga yan.

Pwede mo rin i add ang Abra pero limitado nga lang ang kanilang outlet dahil sa ngayun Tambunting at bank transfer pa lang sila meron matagal ko ring ginamit itong Abra bago ako nag shift sa Gcrypto
Nagamit ko na Gcrypto at powered siya ng PDAX kaya mukhang okay din naman kaso kulang lang dito yung web o browser interface nila kaya sana mag upgrade sila at lagyan din nila ng browser app para sa mga PC/laptop users. Tungkol naman kay Abra, may mga old news at headlines akong nakita na parang naflag din sila ng SEC years ago pero hindi ko alam kung anong specific na kaso ang meron sila. Maganda din sana itong Abra lalo na yung interest accounts nila kaso nga lang di natin hawak private keys natin sa kanila.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Fredomago on December 05, 2023, 11:05:13 AM
Kung sakali man talagang mangyari na iblock ang Binance sa Pilipinas at doubted kayo sa mga exchange na nabanggit ni OP mainam n sigurong store nalang sa Wallet natin na hawak natin ang private key hindi katulad ng mga na banggit na mga exchange at wallet na yan na hindi mo hawak ang private key. Saka ka nalang hanap nang alam mong legitimate at hindi ka scamming na P2P. Like dito sa Forum post ka lang dito USDT to Gcash matik meron yan. Siguradohin mo lng talaga na wag kang maiiscam.

Pwede tong option na binigay mo kung sakaling hindi ka talaga mahilig mag explore at wala kang interest sumubok mas mainam na itago mo na lang muna yung coin mo sa wallet na ikaw ang may hawak ng key at ung tipong p2p na pwede mo din gawin dito sa forum meron naman sigurong kabayan natin na mahilig din mag p2p na pwede mo masubukan yung nga lng yung risk hindi rin natin masasabi, ingat na lang talaga or bakasakali na lang sa mga nababanggit ng mga nagrereply kasama na yung mga nabanggit ni OP as alternatibo kung sakaling matuluyan ang pagkawala ni Binance.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Text on December 05, 2023, 12:20:40 PM
Binance, MEXC, Kucoin at Crypto.com ako active na mga exchange and also yung sa atin is yung Coins.ph nga kahit hindi maka tarungan yung pricing nila isa wala naman tayong magagawa dito kundi ito lang naman possible na platform pwede gamitin e kaya check nalang tayo ng efficient and lowest fee at the end. Ayaw kasi mag invest ng coins.ph sa security eh maski after ng incident nila nanahimik sila bigla nalang nawala din ung issue even feedbacks or news wala na.
Nung huling trade ko sa CoinsPro hindi ko naman napansin yung taas ng conversion fee so hindi naman ito big deal para sakin, komportable pa naman akong gamitin ito. Wala pa yung Binance nasanay na tayong CoisnPH gamit natin. Kaya kung sakaling tuluyan na ngang ma ban ang Binance dito sa Pinas ay number one choice ko pa rin Coins since wala pa naman akong nakikitang susubukan na bagong exchangers sunod sa Binance. Yung Gcrypto at sa Maya ay hindi ko pa na-eexplore.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: DabsPoorVersion on December 06, 2023, 10:58:23 AM

Yes, sinubukan ko din recently si coins, yung gap na nirereklamo talaga natin noon sa kanya ay hindi na ganun kalayo sa ngayon. Siguro ay nag adjust na nga din sila dahil nga madami na silang ka-competition at kailangan nila maging competitive para hindi na magsi-layasan ulit ang mga loyal clients nila kagaya nalang ng nangyari netong mga nakaraang taon.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: peter0425 on December 06, 2023, 07:15:05 PM

But now since magiging advantage nila ang pagka banned ng Binance dahil sa p2p features nito na nagbigay talaga ng napakalaking break sa Gcash na pababain ang users ng coins.ph malamang gumana nnman ang attitude ng coins sa pagiging greedy dahil napakalaking ka competition nila ang mawawala at malamang manumbalik ang popularidad nila sa pinas . kaya kung yang GAP lang ang problema natin noon na ginawan na nila ng paraan now , malamang may mga issues nnman na susulpot aside from past problems specially yong sobrang strict nila na kahit nakapag provide kana ng KYC details eh may mga surpresa ka din silang Video conference na rerequired sayo samantalang di naman ginawa ng gcash yan .

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: cheezcarls on December 08, 2023, 09:36:00 AM
Hello guys!

Since Binance mangin inaccessible na sa atin within 3 months, nag opt-in na ako for Stables Wallet as off-ramp option from crypto to fiat.

Ito yung app link: https://play.google.com/store/apps/details?id=money.stables&hl=en&gl=US

Na introduce sa akin ito ng colleague ko sa Web3, at ni try ko agad. It supports multiple gateways kagaya ng mga banks, GCash, Maya, GrabPay, etc. Itong Stables Wallet kasi Australia at Pilipinas yung sinusupport na countries para sa off-ramp transactions.

At the same time, isa siyang stables wallet na lahat ng stablecoins (USDC, USDT, etc.) ma transfer dito from any supported chain i-convert agad sa USDC Polygon.

Yung fees dito masyadong mababa so all goods talaga. Na try ko na ito like a few times na and so far walang mintis. Yun nga lang hindi siya instant. Pag day time mo siya i withdraw, it can take at least 30 minutes to a few hours pero pag gabi naman most likely ma credit siya on the next day kahit weekends.

Ito na yung bagong go-to source ko na mag convert crypto to fiat dahil wala siyang minimum amount required unlike sa Binance mga malakihang minimums na from P5k, P10k, etc.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Reatim on December 08, 2023, 12:01:06 PM

Mukhang OK nga to kabayan , dahil sinabi mo nga mababa ang fee at wala pang minimum amount required ?  parang lahat to pabor sa ating mga Filipino ah , and supporting all Stable coin is what we truly love as we converting mostly using USDT ,
kaso ang magiging problema lang talaga ay yong hindi instant lalo na pag sa gabi natin kakailanganin ang transaction conversion , kasi pwede syang abutin ng kinabukasan , parang dito lang talaga ang issue dito na kailangan nating makasanayan lalo na minsan pag ang pag PUMP eh madalas nangyayari sa alanganing oras ng gabi.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: SFR10 on December 08, 2023, 03:27:20 PM
Since Binance mangin inaccessible na sa atin within 3 months, nag opt-in na ako for Stables Wallet as off-ramp option from crypto to fiat.
Ito ang unang beses na narinig ko ang pangalan nila at kahit mukhang maganda yung services nila, malaki pa rin ang chance na it'd suffer the same fate as Binance dahil sa mga missing licenses [unfortunately].

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: aioc on December 08, 2023, 04:08:07 PM
Hello guys!

Since Binance mangin inaccessible na sa atin within 3 months, nag opt-in na ako for Stables Wallet as off-ramp option from crypto to fiat.

Ito yung app link: https://play.google.com/store/apps/details?id=money.stables&hl=en&gl=US

Interesting ngayun ko lang ito nadiscover pero sa linkna binigay mo wala ako nakita mga reviews nya sabagay bago pa nga lan gkasi pero mas ok na idagdag ito ni OP o i request mo kay OP na idagdag sa isa sa mga mapag pipilian, iba pa rin kasi na marami tayo option hindi lang yung dalawang popular na local exchange na Coins.ph at Gcrypto, siguro marami pa tayong ma didiscover na mga bagong exchange pamalit sa Binance dahil may market naman sila dito sa Pilipinas.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Fredomago on December 08, 2023, 11:43:17 PM

Bago pa nga kasi kabayan pero mas okay talaga para may mga options at alternatibo, tignan ko muna kung san medyo mas magagamay ng mas maaga or mas maganda pansamantalang pamalit sa binance na nakasanayan na, alam ko naman kabayan na parepareho din tayo ng intesyon gusto lang din natin ng mga safe exchange na pwede nating magamit.

subukan lang muna at sana maging maayos at maiwasan nila na masulyapan ng sec hahaha..

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Adreman23 on January 29, 2024, 08:28:30 PM
Kung meron pa kayong maaring idagdag na sa tingin nyo ay alternatibo maari lang pakiaadd para matulungan natin ang iba na bago plang at hindi pa alam na mayroon pang ibang maaring gamitin.
Sana makatulong.
May dalawa pa akong alam na licensed exchanges sa Pinas, pero hindi ko pa sila sinusubukan at mukhang hindi sila masyadong active sa mga crypto communities:

  • COEXSTAR (https://coexstar.ph/) [announcement thread (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5200727.0)]
    - Coming soon pa ang P2P trading nila!
  • DA5/SurgePay (https://da5.com.ph/)
Yung COEXSTAR sa pagkakatanda ko dyan na list yung PACTOKEN ni Manny Pacquiao. Pero ngayon delisted na. Failed project ni Manny yung PACTOKEN. Walang volume dyan noon sa COEXSTAR konti lang siguro trader. Matagal na yang exchange na yan diko alam pano sila nakaka survive. I mean pag konti trader konti lang din kita so pano nalang yung ipapan sahod nila sa mga employees nila saan nila yun kukunin. Siguro ngayon ay mataas na volume kaya nandyan pa din sila. Matagal ko na kasi yan di nabisita simula ng mawala dyan yung PACTOKEN ni Manny.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: eye-con on January 29, 2024, 11:12:27 PM

Parang ginamit mo lang basehan yung PACTOKEN para masabing mababa ang volume or yung dami ng trader sa exchange na yan. Ang katanungan mo kung paano sila nakaka survive, isa lang yan sign na may pumapasok pa din na pera sa exchange na yan. Posibleng yung PACTOKEN lang mismo ang hindi pumatok sa mga traders dahil sa ibat ibang rason.

Title: Re: Mga exchange at option sakaling maban or block ang binance sa PH
Post by: Adreman23 on February 06, 2024, 02:08:04 PM

Hindi naman yung Pactoken lang ang ginawa kong basehan para masabing mababa ang volume dyan sa coexstar. Syempre kapag nabisita mo ang isang exchange titingnan mo din ang kabuuhang volume ng isang exchange at kung anong mga crypto ang nakalist doon. Maaring may nag fifinance lang dyan sa coexstar kayat medyo tumagal at konti lang naman din empleayado nila. Baka yung nagfifinace ay malakas sa itaas kaya nakakuha ng lisence. Mas maliliwanagan ka at masabi mo na totoo na ang sinasabi kong mababa ang volume dyan sa coexstar sa thread na eto https://bitcointalk.org/index.php?topic=5476735.0.