Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Questat on January 01, 2024, 07:54:17 AM



Title: Best non custodial wallet
Post by: Questat on January 01, 2024, 07:54:17 AM
First of, define muna natin ang kaibahan ng non custodial wallet and custodial wallet para walang malito, pero simple definition lang.

Makikita ang full definition dito.  https://crypto.com/university/custodial-vs-non-custodial-wallets

Custodial wallet
Quote
For a custodial wallet, a third party takes custody of the private key instead of the crypto owner.

non-custodial wallet
Quote
For a non-custodial wallet, the crypto owner holds their own private key and, therefore, their funds.



Sa nakikita ninyo sa listahan, alin dito ang wallet na ginagamit ninyo, at bakit? (Discuss about the advantage of a wallet).
 20 Best Non-Custodial Crypto Wallets for 2024 (https://www.techopedia.com/cryptocurrency/best-non-custodial-wallets)

1- Best Wallet
2 - Zengo
3- MetaMask
4- Trust Wallet
5- Electrum
6- Trezor
7- Ledger Nano
8- Blockstream Jade
9- BitBox
10-Ellipal
11- SafePal
12-SecuX
13-CoolWallet
14- ColdCard
15- BitAddress
16- Coinbase Wallet
17- Coinomi
18- OKX
19 -Exodus
20- MyEtherWallet


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: Peanutswar on January 01, 2024, 07:58:41 AM
Currently im using with a Trezor wallet and Electrum of course like others sobrang helpful nito lalo na sa pag imbak ng mga asset natin which is more secured than the exchange, Ginamit ko na din si exodus ang panget nga lang dito is may fee yung pag gamit ng ilang assets nila like sa xrp before you need to have at least 500 pesos para makapag transact, yung sa Trezor naman masyadong malaki yung rates sa exchange nila kaya medyo masakit sa bulsa ito. So far overall goods para sakin itong current used ko.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: kotajikikox on January 01, 2024, 10:42:40 AM
I have ledger wallet for my holdings and I also Uses Exodus wallet for my normal transactions ,  but there is some custodial wallets that I use for some altcoins that I own dahil dun lang sila pwede ma trade so wala akong choice .

anyway salamat sa thread na to kabayan kasi may ilan pa din sa ating hindi alam or hindi masyado naiintindihan ang pinagkaiba ng dalawa .sana mas maraming gumamit ng Non custodial kesa sa custodial wallets .


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: DabsPoorVersion on January 01, 2024, 11:03:34 AM
Noon ang gamit ko ay electrum, pero sa ngayon ay lumipat ako sa exodus. User friendly yung wallet nila para sa akin, ang dali lang i-explore then yung mga hinahanap kong cryptocurrency ay nasa kanya na din. For the meantime ito muna ang focus na ginagamit ko.

May isa pa akong ginagamit which is Metamask. Pero for cash-in purposes lang, para sa akin kasi mas mura ang fees compared kung dadaan ako sa exchanger then transfer sa gamit kong wallet. Less fees, mas mabilis tapos madali pang gamitin.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: AbuBhakar on January 01, 2024, 11:12:13 AM
Trust wallet sa pagkakaalam ko ay hindi fully open source ang trust wallet kaya maari na hindi talaga sila non custodial kagaya nalang ng nangyari sa Ledger wallet na later on custodial wallet pala.

I think mas maganda ang list na ito kung i cla2ssify mo yung software wallet at hardware wallet since hindi lahat ng user ay kayang bumili ng hardware wallet para lang aware ang reader mo na hindi free wallet yung ibang nasa list kung sakali man na gamitin nilang reference ang thread mo sa pagpili ng wallet.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: robelneo on January 01, 2024, 12:22:13 PM
Pwede ring idagdag dito and Wasabi wallet mejo may risk nga lang dahil sa bukod sa Pass phrase need mo rin i take note ang password kasi kung hindi di mo sya ma oopen ang password ay nagiging additional na passphrase dito nagkamali ang friend ko buti na lang maliit na halaga lang, na curious ako nagamitin ito kahit Bitcoin lang ang pwede sa wallet na ito isa sa mga best feature nito ay yung Coinjoin

Quote
During CoinJoin transactions, multiple participants combine their coins into one larger transaction with several inputs and outputs. As a result, none of the participants can learn the identity of a particular coin's owner, making transactions untraceable.

https://www.investopedia.com/wasabi-cryptocurrency-wallet-review-5271348

Bukod sa Wasabi ang ilan sa mga wallet na nasa list mo na ginagamit ko ay ang mga Electrum, Exodus at Trustwallet, i checjeck ko yung ibang wallet na nasa list na hindi ako aware.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: peter0425 on January 01, 2024, 12:53:19 PM
May Safepal ako na gamit now and maganda naman kaso parang ibang wallet lang din na antaas ng swapping/exchanging .pero tama na mas safe gamitin ang mga Non Custodial wallets comparing sa mga custodial na hindi mo pag aari ang iyong private key so ang hirap pagkatiwalaan ng malaking amount.
pero wala ng mas safe ka sa pag gamit ng  off line wallet for more safer.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: gunhell16 on January 01, 2024, 01:24:41 PM
Noon ang gamit ko ay electrum, pero sa ngayon ay lumipat ako sa exodus. User friendly yung wallet nila para sa akin, ang dali lang i-explore then yung mga hinahanap kong cryptocurrency ay nasa kanya na din. For the meantime ito muna ang focus na ginagamit ko.

May isa pa akong ginagamit which is Metamask. Pero for cash-in purposes lang, para sa akin kasi mas mura ang fees compared kung dadaan ako sa exchanger then transfer sa gamit kong wallet. Less fees, mas mabilis tapos madali pang gamitin.

Talaga, masubukan nga din yang exodus, thoughg ang kasalukuyang ginagamit ko sa ngayon ay Electrum, Metamask, at kung minsan naman ay Trustwallet, at dati MEW(MyEtherwallet) kaya lang dahil nagkaroon na ng ibang network ay natigil na ang paggamit ko sa ERC20.

Pero salamat narin sa pagbanggit sa Exodus, matagal ko na itong naririnig pero dahil sa maganda ang feedback mo dito at may tiwala din naman ako sayo kabayan ay hindi rin ako magsisisi na subukan itong gamitin, salamat ulit sa pagbahagi. At this year din ay nagbabalak narin ako na bumilii ng Secux wallet dahil nagagandahan ako sa features nya.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: care2yak on January 01, 2024, 04:23:20 PM
Sa mga nagamit ko, try ko mag identify ng pros and cons...

1. Jaxx / Jaxx Liberty - started using this in late 2015.

Yung Jaxx ang una kong ginamit na non custodial wallet. Madaling gamitin and mas mababa ang fees compared sa iba. Tapos nung time na yun, nag partner sila sa Shapeshift so pwede magconvert (buy/sell) ng assets like for example, yung btc convert to Doge. Tapos ang bilis maka receive and magsend.

Last kong ginamit nung 2016 nung lumipat ako sa exodus. That time kasi, although mas mura ang rates, parang btc, eth, doge, and litecoin lang ang supported assets. Pero nag add na rin sila ng ibang assets after 2016 nung nilabas nila yung Jaxx Liberty. Yun nga lang last year, nagretire na si Jaxx Liberty and yung mga devs, nag recommend na magtransfer sa exodus dahil same sila na multi-asset wallet and same standard nila for interoperability. Same din na commited ang devs and staff sa pag lend ng support sa users.

2. Coinomi - Habang gamit ko yung Jaxx, sinubukan ko din yung coinomi dahil maraming supported coins noon si coinomi na wala sa jaxx. Kaya lang ang bagal ng refresh ng coinomi. Yung coins mo, ang tagal magrefelect so di mo sure kung may natanggap ka ba or wala. Tapos madalas , para siya nao-oofline! So wala na, di ko na ginamit.

3. Exodus - nadiscover ko yung exodus parang early 2016. Yung dev dun, dating nagwork sa apple so nabilib na ko agad. Palagi silang may update, maya't maya may update, parang twice a month nagu-update sila ng versions tapos parami na ng parami yung mga supported nilang digital assets. Buti nga ngayon supported na nila yung BEP-20. Dati kasi panay ERC so ang sakit sa bulsa ng fees and panay ang kaltas sa eth holdings kung nagho-hodl ka ng erc coins.

Pwede kang gumamit ng exchange from within exodus. So kung medyo tamad ka na mag transfer ng assets palabas ng exodus pero may type kang bilin na asset, magagawa mo yun within the platform.

May staking na din sila for assets na may staking like algo, ada, yung trx din ata, atbp.

4. Metamask - ok din ang metamask pero bihira ko lang ginagamit, Mukhang simple pero may pagka complicado haha

5. Safepal - ala masyadong supported assets

6. Trust - Ginagamit ko lang pag gagamit ng pancake  ;D



Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: mk4 on January 01, 2024, 04:45:16 PM
Bitcoin hot wallet: BlueWallet for mobile
Bitcoin cold wallet: Ledger Nano + Electrum

Crypto-general hot wallet: Rainbow for Ethereum, Phantom for Solana, etc
Crypto-general cold wallet: Ledger + Rabby for Ethereum, Ledger + Phantom for Solana, etc

Been using this setup for a good while now and I have no plans of changing it any time soon.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: abel1337 on January 01, 2024, 09:00:00 PM
Eto yung list ng personal non-custodial wallets na gamit ko.

Long term bitcoin holding wallet - Ledger
Crosschain airdrop wallet - Metamask
Crosschain short term wallet - Metamask
Altcoin long term holding wallet - Trezor

Actually marami sila para sa iba't ibang chain like Ethereum, Solana, Doge. Gumagamit pako ng ibang non-custodial wallet like trust wallet for my mobile pero hindi palagi. It's just that one wallet isn't enough. Kelan kaya tayo magkakaroon ng one wallet for all, what I mean is the compatibility of multichain. Andami ko na din kasing private key at need mo talaga ng proper management para di mo mawala kahit isa sa mga private keys na yun.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: NeilLostBitCoin on January 01, 2024, 09:19:34 PM
Ito ang lahat ng ginagamit kong wallet MetaMask, maganda ito pang desktop at may cellphone applications nadin malaking tulong ito dahil sa isang wallet at maraming chain ang pwedeng gamitin dito. Trust Wallet, meron lang din ako nito dahil naman sa airdrop dati pero wala akong nakuha hindi ko alam kung bakit, pero mas nagagamit ko yung Metamask sa ngayon. Electrum, meron ako before pero diko na siya ginagamit dahil mas priority kona gamiting ang mga hardware wallets ko. Trezor, ito pinaka nilagyan ko ng mga investment ko sa Erc-20 mas tiwala ako dito compared sa ibang wallet pero ang pang open ko is yung Metamask. Ledger Nano X, meron din ako nito maganda siya dahil sa bluetooth niya at nagagamit siya sa Cellphone which is hindi pwede sa trezor. Coinbase Wallet, hindi na masyadong nagagamit. Coinomi, goods siya dahil sa Android/Ios device pwede kang mag maraming address at iba ibang wallets ang pwede mong gawin, may legacy, default options ng mga address. OKX,Exodus,MyEtherWallet itong huli diko na din masyadong nagagamit gumawa lang ako before pero nung hindi pa sikat ang metamask isa sa mas nagagamit ko dati dito ang MyEtherWallet.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: Reatim on January 02, 2024, 05:47:17 AM
Eto yung list ng personal non-custodial wallets na gamit ko.

Long term bitcoin holding wallet - Ledger
Crosschain airdrop wallet - Metamask
Crosschain short term wallet - Metamask
Altcoin long term holding wallet - Trezor

Actually marami sila para sa iba't ibang chain like Ethereum, Solana, Doge. Gumagamit pako ng ibang non-custodial wallet like trust wallet for my mobile pero hindi palagi. It's just that one wallet isn't enough. Kelan kaya tayo magkakaroon ng one wallet for all, what I mean is the compatibility of multichain. Andami ko na din kasing private key at need mo talaga ng proper management para di mo mawala kahit isa sa mga private keys na yun.
Patunay na dapat talaga marami tayong wallets in different using no kabayan? may LEdger kana may Trezor kapa , mas safe ba talaga ang trezor for altcoins ?  Ledger lang kasi at Metamask ang gamit ko though meron din akong  coins.ph wallet pero daanan lang ng cash withdrawals ko.
Bitcoin hot wallet: BlueWallet for mobile

Boss pwede ba pa send ng link nitong Bluewallet ? balak ko sana silipin at maaring gamitin na din.Salamat ng marami .


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: 0t3p0t on January 02, 2024, 08:00:55 AM
I am currently using two non costudial wallets that are not on the list namely Mycelium and Bluewallet. I know that they are not the best but with Mycelium, I've been using it since 2017 and so far I have no existing problems with it while Bluewallet I recently used it and still under observation. I also use TrustWallet, Coinomi and Electrum and all of them were great mobile wallets.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: Johnyz on January 02, 2024, 08:59:32 AM
3- MetaMask
4- Trust Wallet
5- Electrum
7- Ledger Nano
20- MyEtherWallet
These are the traditional wallet na until now is ginagamit ko, especialy with the MEW wallet since updated naren naman ito at safe sya.

Hardwallet for my long term hold, and the other wallet is for my short term activities. Medyo mahirap imaintain kapag sobrang daming wallet so make sure na may backup ka and make sure na save mo ang details ng wallet mo to avoid any problem.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: blockman on January 02, 2024, 11:15:40 AM
Ang daming di ako pamilyar sa listahan pero meron naman akong hardware wallet. At okay na okay naman ako sa Ledger kahit na may issue yung tungkol sa recover. Di ko naman yun gagamitin dahil ang mahalaga lang naman diyan ay para makapagtransfer galing sa ledger wallet ng asset ay dapat iverify muna sa mismong  hardware wallet bago matransfer sa iba.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: Questat on January 02, 2024, 02:34:07 PM

Pero salamat narin sa pagbanggit sa Exodus, matagal ko na itong naririnig pero dahil sa maganda ang feedback mo dito at may tiwala din naman ako sayo kabayan ay hindi rin ako magsisisi na subukan itong gamitin, salamat ulit sa pagbahagi. At this year din ay nagbabalak narin ako na bumilii ng Secux wallet dahil nagagandahan ako sa features nya.

Safe yan kabayan, matagal ko na rin gamit yan. Yun nga lang kada open ko parang need i update ang wallet, parang marami silang changes, dahil siguro sa dami ng coins na supported ng wallet na yan.

Kaka check ko lang now, 3 years ko na pala itong gamit, kaso di masyadong gamit kasi Electrum talaga ginagamit ko.

At saka totoo, may required na 10 XRP ilalagay sa wallet para maka pag transact ng XRP.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: Baofeng on January 02, 2024, 09:28:26 PM
Siguro madagdag ko na na mas mainam din natin tingnan kung open source ang mga wallets na to. Syempre pag open source, makikita natin ang code, yung iba pwede or bagunin to, i tailor fit sa gusto nila. At isa pang advantage eh since open source to, makikita natin lahat at walang backdoor, so trustworthy sila. May magandang thread dito, Open Source Hardware Wallets (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5288971.0).


@Reatim - heto yung open source ng BlueWallet, kung gusto mo silipin, https://github.com/BlueWallet/BlueWallet

Heto naman ang website, https://bluewallet.io/, nandiyan din ang links kung saan mo ma download depende sa mobile mo, (Android or IOS).



Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: angrybirdy on January 02, 2024, 10:19:21 PM
Ang daming di ako pamilyar sa listahan pero meron naman akong hardware wallet. At okay na okay naman ako sa Ledger kahit na may issue yung tungkol sa recover. Di ko naman yun gagamitin dahil ang mahalaga lang naman diyan ay para makapagtransfer galing sa ledger wallet ng asset ay dapat iverify muna sa mismong  hardware wallet bago matransfer sa iba.

Parehas tayo mate, Hindi din ako familiar sa ibang nga nabanggit na wallet, though wala akong ledger wallet na ginagamit sa ngayon, Mas secured din naman talaga ang hardware wallet pero mas convenient to use ang software wallet kaya siguro mas marami ang gumagamit nito and hindi lahat kayang mag purchase ng hardwallet lalo na doon sa mga baguhan lamang. Anyways, sobrang helpful nitong mga impormasyon na naibahagi satin ngayong unang araw ng taon.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: serjent05 on January 02, 2024, 11:39:22 PM
Electrum ang gamit kong wallet, matagal ko ng ginagamit ito simula pa ng unang makatanggap ako ng BTC way back 2015.  Para sa akin convenient naman gamitin ang electrum, may auto adjust sa fee, pwede ring manual.  Walang problem sa pagconnect sa node dahil pinapakita nito ang maraming node na pwedeng makaconnect.  Lahat ng option na pwedeng gawin ay available sa Electrum like RBF, CPFP, pagcancel ng transaction (double spend) at iba pa.    Aside from electrum gumagamit din ako ng Metamask, at mga plug-in wallet ng Tron, BNB, EOS like Phantom, Tronlink, Ronin Wallet at iba pa.  Dahil hindi naman lahat ng cryptocurrency ay pwede sa electrum at hindi rin lahat pwede sa Metamask lalo na kung iaaccess mo sila sa kanilang native network or blockchain.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: Text on January 03, 2024, 05:42:41 AM
Ito palang mga nasubukan kong gamitin so far: Metamask, Trust Wallet, Electrum, Coinbase Wallet, Coinomi at MyEtherWallet.

Electrum for Bitcoin at MyEtherWallet for tokens, itong dalawang wallet na ito ang dalawa sa pinaka una kong nagamit na wallet noong nag uumpisa palang ako, lalo na sa MEW ng maging active ako sa bounties.
Metamask, nagamit ko ito ng maging active ako sa paglalaro ng Axie noong wala pang Ronin chain.
Trust wallet ang pinaka nagamit at pinaka matagal kong napakinabangan pero bumalik na ulit ako sa Electrum dahil hindi friendly ang Trust wallet sa fees.
Sinubukan ko ring gamitin ang Coinomi at Coinbase wallet ng mag explorer akong gumamit ng ibang wallets.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: blockman on January 03, 2024, 09:23:41 AM
Ang daming di ako pamilyar sa listahan pero meron naman akong hardware wallet. At okay na okay naman ako sa Ledger kahit na may issue yung tungkol sa recover. Di ko naman yun gagamitin dahil ang mahalaga lang naman diyan ay para makapagtransfer galing sa ledger wallet ng asset ay dapat iverify muna sa mismong  hardware wallet bago matransfer sa iba.

Parehas tayo mate, Hindi din ako familiar sa ibang nga nabanggit na wallet, though wala akong ledger wallet na ginagamit sa ngayon, Mas secured din naman talaga ang hardware wallet pero mas convenient to use ang software wallet kaya siguro mas marami ang gumagamit nito and hindi lahat kayang mag purchase ng hardwallet lalo na doon sa mga baguhan lamang. Anyways, sobrang helpful nitong mga impormasyon na naibahagi satin ngayong unang araw ng taon.
Balang araw kakailanganin mo din ng hardware wallet mate. Dati okay na din ako na walang hardware wallet pero ibang iba din talaga siya kapag magke-keep ka ng assets mo na pangmatagalan tapos hindi mo gagalawin. Though wala naman kaibahan kung meron kang laptop tapos da-downloadan mo ng Electrum tapos yun na gagawin mong airgapped na wallet mo. Ginawa ko din naman yan dati noong wala pa akong hardware wallet pero naisipan ko na bumili at tinreat ko nalang na investment. Ang kagandahan lang sa panahon ngayon ay parang naging competitive ang market ng mga hardware wallets tapos madami na sila ngayon na nagco-compete at hindi tulad dati na big two lang ang naririnig natin. Kung gusto mo naman itry yung iba na bago, madali lang din malaman kung ano ang feed back ng mga kapwa natin crypto investors tungkol sa mga yun kaya, kung bibili ka in the future, may ideya ka na kung ano ang need mo talaga.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: gunhell16 on January 03, 2024, 11:30:29 AM
I have ledger wallet for my holdings and I also Uses Exodus wallet for my normal transactions ,  but there is some custodial wallets that I use for some altcoins that I own dahil dun lang sila pwede ma trade so wala akong choice .

anyway salamat sa thread na to kabayan kasi may ilan pa din sa ating hindi alam or hindi masyado naiintindihan ang pinagkaiba ng dalawa .sana mas maraming gumamit ng Non custodial kesa sa custodial wallets .

Medyo madami na akong nababasang magandang feedback sa Exodus wallet, sa tingin ko mukhang kailangan kung subukan din ang platform na ito bilang personal wallet. Sa ngayon kasi ang napapakinabangan ko ng ilang taon narin ay ang Electrum kung ang pag-uusapan natin ay pagtago ng Bitcoin sa isang wallet.

Ito lang ang madalas kung ginagamit at sa ilang taon ay wala naman akong naging problema sa bagay na ito hanggang sa kasalukuyan at madami din akong nakikitang magandang feedback dito. Pero honestly speaking ay susubukan ko narin siguro itong Exodus wallet.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: Asuspawer09 on January 03, 2024, 03:50:14 PM
Ang mga nagamit ko lang dito ay ang Metamask, Trust wallet, Electrum. Sa experience ko no issue at problem naman akong nakita at naranasan sa paggamit ko sa mga wallets na ito ang ito rin talaga ang irerecommend ko lalo na sa mga beginner pa lang at nagsisimula pa lang sa cryptocurrency, investing at Bitcoin.

Para sa inyong Bitcoin investment Electrum wallet isa na siguro sa pinakasubok na wallet dito ang Electrum open source, non custodial etc. Madaling gamitin iinstall mo lang sa computer mo ang madaling magtransact pero mo rin gamitin sa multiple users kung magsesend ka ng sabay sabay, downside lang siguro hindi siya ganun ka accessible tulad ng ibang wallet na maoopen mo sa smartphone mo, ung electrum ko sa desktop lang siya na oopen, im not sure if meron sa android or ios pero di ko siya rerecommend.

Sa altcoins naman syempre sobrang subok na ng metamask bugok sa madaling gamitin dahil browser extenstion lang ito pinaganda pa ang cash in dahil sa pagkakaalam ko pwd na ang Gcash for cash in dito. Ingat lang talaga sa mga hacks dahil maraming kumakalat na ways para mahack like yung mga senesend nila na token if ginalaw mo yun marami akong nakikita na madadrain nila ang wallet mo.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: abel1337 on January 03, 2024, 07:52:25 PM
Eto yung list ng personal non-custodial wallets na gamit ko.

Long term bitcoin holding wallet - Ledger
Crosschain airdrop wallet - Metamask
Crosschain short term wallet - Metamask
Altcoin long term holding wallet - Trezor

Actually marami sila para sa iba't ibang chain like Ethereum, Solana, Doge. Gumagamit pako ng ibang non-custodial wallet like trust wallet for my mobile pero hindi palagi. It's just that one wallet isn't enough. Kelan kaya tayo magkakaroon ng one wallet for all, what I mean is the compatibility of multichain. Andami ko na din kasing private key at need mo talaga ng proper management para di mo mawala kahit isa sa mga private keys na yun.
Patunay na dapat talaga marami tayong wallets in different using no kabayan? may LEdger kana may Trezor kapa , mas safe ba talaga ang trezor for altcoins ?  Ledger lang kasi at Metamask ang gamit ko though meron din akong  coins.ph wallet pero daanan lang ng cash withdrawals ko.
Yep mas better yung ganun, don't put all your eggs in one basket. Even gumagamit tayo ng non-custodial wallet is marami paring ways para tayo ay manakawan/mahack kaya mas better if marami kang wallets for different purposes. Ang magiging kalaban mo lang if marami kang wallet is the management and of course yung expenses like gas fees from wallet to wallet transfers.

Ok naman yung ledger, wala pa naman ako na experience na pangit in using that wallet since ginagamit ko siya way back nung axie days pa. Actually mas prefer ko pa gamitin yung trezor kesa sa ledger in terms of ease of use.



Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: xLays on January 03, 2024, 11:59:15 PM
Ang magandang tanong dito mairerecomend mo ba itong mga Non custodial wallet? Kung ako tatanungin oo mairerecomend ko ito, hanggat maaari is gamitin lamang ang mga Non custodial wallet kasi ikaw lang ang may control sa private key mo (unless ma compromise mo). Lagi nating tatandaan na "Not your keys, Not your coins".

May mga custodial din naman akong ginagamit pero more on pang cash out lang. Hanggat maaari is wag mag stuck ng crypto sa mga wallet na ito.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: SFR10 on January 04, 2024, 07:14:33 PM
Sa nakikita ninyo sa listahan, alin dito ang wallet na ginagamit ninyo, at bakit? (Discuss about the advantage of a wallet).
~Snipped~
5- Electrum
6- Trezor
Ginagamit ko ang dalawang wallet na ito dahil sa mga sumusunod na bagay at feature:

- Open-source at may reproducible builds.
- Bitcoin support for both mainnet and testnet.
- Compatible sa isa't-isa.
- Passphrase support.
- Coin control, Tor, custom node, custom fees, RBF and CPFP.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: kotajikikox on January 05, 2024, 03:41:05 AM
I have ledger wallet for my holdings and I also Uses Exodus wallet for my normal transactions ,  but there is some custodial wallets that I use for some altcoins that I own dahil dun lang sila pwede ma trade so wala akong choice .

anyway salamat sa thread na to kabayan kasi may ilan pa din sa ating hindi alam or hindi masyado naiintindihan ang pinagkaiba ng dalawa .sana mas maraming gumamit ng Non custodial kesa sa custodial wallets .

Medyo madami na akong nababasang magandang feedback sa Exodus wallet, sa tingin ko mukhang kailangan kung subukan din ang platform na ito bilang personal wallet. Sa ngayon kasi ang napapakinabangan ko ng ilang taon narin ay ang Electrum kung ang pag-uusapan natin ay pagtago ng Bitcoin sa isang wallet.
talaga di mopa nagamit ang Exodus ? naku kabayan mukhang kailangan mo ng subukan to or else andami mo ma mimiss joke hahaha.

ang ganda ng exodus kaso medyo madaas ang conversion fee nila and ganon na din ang transaction fee , pero sa security eh masasabi kong isa ito sa pinaka secure na wallet.
Quote
Ito lang ang madalas kung ginagamit at sa ilang taon ay wala naman akong naging problema sa bagay na ito hanggang sa kasalukuyan at madami din akong nakikitang magandang feedback dito. Pero honestly speaking ay susubukan ko narin siguro itong Exodus wallet.
Maganda ang electrum , meron din akong account pero di ko masyado nagagamit dahil ok nako sa mga regular wallet/exchange ko.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: jeraldskie11 on January 05, 2024, 11:50:36 AM
May isa pa akong ginagamit which is Metamask. Pero for cash-in purposes lang, para sa akin kasi mas mura ang fees compared kung dadaan ako sa exchanger then transfer sa gamit kong wallet. Less fees, mas mabilis tapos madali pang gamitin.
Mataas talaga ang fee kapag sa exchanges unlike metamask or any other personal wallet ay mababa talaga ang fee. Pero yung metamask ay hindi ko mairerekomenda lalo na sa mga baguhan kasi andaming pag-atake ng mga hackers dito. Kamakailan lang yung kakilala ko nahack yung metamask nya ng hindi alam ang dahilan kasi sinigurado naman nya na tama yung nilagay nyang address gamit ang pc. Hindi ko alam kung totoo ba talaga o sadyang error nya lang talaga. Pero personally, android ginagamit ko na metamask ngunit hindi naman ako nakaranas ng pagkawala ng funds. Siguro mas mabuting umiwas sa pc at piliin ang android wallet.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: lienfaye on January 08, 2024, 12:54:24 AM
Electrum for Bitcoin at MyEtherWallet for tokens, itong dalawang wallet na ito ang dalawa sa pinaka una kong nagamit na wallet noong nag uumpisa palang ako, lalo na sa MEW ng maging active ako sa bounties.
Metamask, nagamit ko ito ng maging active ako sa paglalaro ng Axie noong wala pang Ronin chain.
Trust wallet ang pinaka nagamit at pinaka matagal kong napakinabangan pero bumalik na ulit ako sa Electrum dahil hindi friendly ang Trust wallet sa fees.
Pareho tayo kabayan sa wallets at mga dahilan. Electrum ang gamit ko para sa Bitcoin mula noon hanggang ngayon tapos MEW para sa mga tokens. Pero ngayon hindi na rin kasi ako active sa bounties kaya di ko na sya nabubuksan. Nakagamit din ako ng Metamask tapos ngayon Trust wallet kasi meron akong meme coins na naka store doon. So far ok naman at wala pa akong experience na magkaroon ng aberya sa mga wallet na gamit ko. Anyway, hardware wallet ang pinaka secure kaya planning na rin ako magkaroon nyan.


Title: Re: Best non custodial wallet
Post by: care2yak on January 10, 2024, 10:38:21 AM
Ang magandang tanong dito mairerecomend mo ba itong mga Non custodial wallet? Kung ako tatanungin oo mairerecomend ko ito, hanggat maaari is gamitin lamang ang mga Non custodial wallet kasi ikaw lang ang may control sa private key mo (unless ma compromise mo). Lagi nating tatandaan na "Not your keys, Not your coins".

May mga custodial din naman akong ginagamit pero more on pang cash out lang. Hanggat maaari is wag mag stuck ng crypto sa mga wallet na ito.

Same, recommend ko din pero siguro kung malakihang funds, and security ang after talaga natin, much better ang hardware wallet.

Ang Trust halimbawa, non custodial wallet. Meaning yung private details (keys, recovery info, etc) access mo and controlled mo. Hindi na kailangan ng kahit ano pang kyc para magamit mo, and ang dami nyang supported na crypto and nfts.

Maraming advantages ang Trust, kaso hot wallet sya tulad ng karamihan na free and accessible sa interwebs kaya susceptible sa phishing attacks. Kaya kung ang device na gamit ay may malicious software / program, delikadong gamitan ng hot wallet.

Siguro kung may hot wallet ka sa device mo, never use that same device to access sites na may tendency na mang infect ng device ng malicous programs para di macompromise ang funds.

Kung nabalitaan nyo yung nangyari sa Trust nung November 2022, nagkaron sila ng security vulnerability kaya ang daming users ang nagkaron ng losses. Nadiskubre na lang yung vulnerability na yun nung 2023 na kaya kung may hardware wallet kayo, much better pa rin.