Title: To Etoro & XM users Post by: DabsPoorVersion on April 05, 2024, 10:05:37 PM While browsing, may nabasa ako sa Bitpinas about Etoro and XM (https://bitpinas.com/regulation/sec-etoro-xm/) na news that was published yesterday. Same issue na binabato nila sa Binance na unregistered din daw ito. Alam naman natin na may katagalan na din ito sa operations nila lalo na ang Etoro.
Sa ngayon, advisories pa lamang ang inilabas patungkol sa illegal operation ng XM at Etoro sa bansa, na alam naman natin na pino-promote ng ibang social media influencers to do trading sa mga platforms na ito. Kapag nakakapanood nga ako ng video sa tiktok or facebook about trading ng stocks and crypto, ito nga ang ipino-promote nila. Kaya sa mga gumagamit din ng platforms na ito, this is just a reminder, at advisories pa lang naman ang inilalabas nila. Pero sa ngayon, mas mabuting nakaantabay tayo sa updates patungkol dito at para ma-safety natin ang funds natin. alam natin na nasa dalawang exchange na ito ang mata nila sa ngayon. Full details on the link... Title: Re: To Etoro & XM users Post by: coin-investor on April 06, 2024, 12:20:08 PM Matagal na itong Etoro na ito ang alam ko wala pang Cryptocurrency mron na nito naaalala ko sa mga Google ads palagi sya lumalabas sa ibat ibang blogs ito ang pinaka widely promoted platform when it comes to trading at marami ring mga Pinoy noong mga panahong iyon ang naka trade na dito nagumpisa ito noong 2007 at hangang ngayun ay popular pa rin.
Ngayun lang nangyari ito sa panahon ng Cryptocurrency dahil inintegrate nila ang Cryptocurrency, pero dahil sa nakikialam na ang SEC dapat na rin tayong mag ingat at ma lock ang funds natin dito kung sakali i ban ang access nila dito tulad ng nangyari sa Binance. |