Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Asuspawer09 on May 26, 2024, 01:53:33 PM

Title: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Asuspawer09 on May 26, 2024, 01:53:33 PM
Noong around 2017 naaalala ko pa ay kakaunte lamang talaga ang mga Filipino na mayroon kaalaman sa Cryptocurrency or Bitcoin, o mga bumili at naghohold ng Cryptocurrency as a investment, kahit noong bago pa lamang ako dito sa Forum ay kakaunte lang talaga at bilang lang ang mga members dito sa Local Pilipinas, bilang lang talaga halos ang mga active dito sa forum.

Isa talaga sa mga dahilan kung bakit lumakas ang impluwensiya ng Cryptocurrency at maraming mga kababayan naten ang nagkaroon ng interest dito sa cryptocurrency ay dahil noong nauso ang Axie Infinity dito sa ating bansa lalo na at ito ang panahon kung saan nagtataasan ang presyo ng mga NFT o Bull Market. Sobrang laking impluwensiya dahil na rin sa sobrang daming mga advertisement or promotion ang nangyayari to the point na kahit sa TV ay maraming nafefeature na mga Axie player since bigla nga daw silang yumayaman lalo na at maraming mga kababayan naten ang nasilaw sa kitaan, kapag nalaman na malaki o nakita ang figures ng kitaan ay papasukin agad, which is naging dahilan din na maraming mga kababayan naten ang nawalan o naluge ng malaking halaga dito sa Axie.

https://i.postimg.cc/MKbvTY7s/Top-countries-by-crypto-ownership.jpg
  Why Pinoys Remain Top Owners of Crypto Globally  (https://bitpinas.com/feature/pinoys-top-crypto-ownership/)

Remittances

Isa siguro ang Cryptocurrency sa pinakamadaling paraan upang tayo ay makapagpadala ng pero halimbawa na lamang ay kung abroad, marami dito sa ating bansa ang OFW kaya hindi na rin bago sa kanila ang mga problema sa pagpapadala ng pera, naging popular na ang cryptocurrency dito sa bansa dahil na rin ginagamit din ito bilang paraan upang makapagpadala tayo ng pera ng mabilis at mababang fees lamang.

Platforms
Kumpara noon ay sobrang daming mga platform o mga kompanya ang nagadapt at ginamit na ang Cryptocurrency, Kahit sa mga digital banks ay available na rin ito at madaling maaccess ng mga users kumpara dati na sobrang hirap, at kelangan ng malalim na research baka ka makabili, kahit sa Gcash or Payma ay pwede kana maginvest or maghold ng Cryptocurrency.

Proyekto/Startup

Sobrang dami na ngayong mga proyekto na naka base na rin sa Blockchain kaya marami ding nabibigyan ng trabaho ang Crypto dito sa bansa, na nagbibigay din sa atin ng ibat ibang mga serbisyo na dahilan din ng masmalawak na paggamit ng Cryptocurrency sa Pinas.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Wapfika on May 26, 2024, 02:54:45 PM
Although maganda pagmasdan na nasa top tayo pagdating sa bilang ng gumagamit ng crypto ay nakakabahala lang din kasi na ang totoo ay karamihan sa crypto holder sa bansa natin ay mga shitcoin holders.

Madali kasi marecruit ang ,ga pinoy na maginvest sa mga shitcoins kagaya ng me,ecoin, game coin at iba dahil tingin nila sa Bitcoin ay sobrang taas na ng price kaya halos puro high risk trading lang ang napapasok ng mga pinoy.

Maganda siguro kung naging solid Bitcoin holders yang number na yan para naman may katuturan ang holdins ng karamihan.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: bhadz on May 26, 2024, 10:01:43 PM
Although maganda pagmasdan na nasa top tayo pagdating sa bilang ng gumagamit ng crypto ay nakakabahala lang din kasi na ang totoo ay karamihan sa crypto holder sa bansa natin ay mga shitcoin holders.
Haha, totoo yan.

Madali kasi marecruit ang ,ga pinoy na maginvest sa mga shitcoins kagaya ng me,ecoin, game coin at iba dahil tingin nila sa Bitcoin ay sobrang taas na ng price kaya halos puro high risk trading lang ang napapasok ng mga pinoy.
Dahil sa rich quick mindset ng marami, ang laging explanation niyan kapag mag piso si ganito si ganiyan, paldo ka. Bibili ng mga trillions na supply ng mga meme coins at much more tapos expect nila magpiso na. Hindi sa nangbabash tayo o anoman pero mali kasi yung way nila ng pagbasa kung paano sila bumili. Nandiyan pa rin talaga yung padrino system na, "sabi ni ganito bili ng ganito dahil tataas". Ako naman sa mga kaibigan ko, lagi kong sinasabi na kung ayaw niyo mag research, BTC o ETH ang bilhin nila.

Maganda siguro kung naging solid Bitcoin holders yang number na yan para naman may katuturan ang holdins ng karamihan.
Kaso hindi at katulad sabi ni asuspawer, karamihan diyan ay mga NFT holders at NFT gamers bukod sa memecoins at shitcoin holders.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: PX-Z on May 26, 2024, 11:42:35 PM
Although maganda pagmasdan na nasa top tayo pagdating sa bilang ng gumagamit ng crypto ay nakakabahala lang din kasi na ang totoo ay karamihan sa crypto holder sa bansa natin ay mga shitcoin holders.

Madali kasi marecruit ang ,ga pinoy na maginvest sa mga shitcoins kagaya ng me,ecoin, game coin at iba dahil tingin nila sa Bitcoin ay sobrang taas na ng price kaya halos puro high risk trading lang ang napapasok ng mga pinoy.
Plus farming at stacking airdrops. Well, wala naman masama pero yung iba is go lang ng go which is minsan ay nag sasayang nalang ng oras tapus wala la sa timing mag sell off, kaya lugi

In this chart, parang obvious naman kase, previously open ang government sa crypto even accepting foreign companies na mag base dito at may mga regulations about that. Sa daming users dito kaya ang daming crypto-related companies na naka based dito satin which is minsan na ti-take advantage ng ibang exchange at di na gumagawa ng hakbang para mag follow ng regulation at ayun na gawang example sa iba na ma ban.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: mk4 on May 27, 2024, 05:50:53 AM
People might look at this as 'bullish' pero di ako sure.

Around my circles siguro iilan lang ung kilala kong nag iinvest at gumagamit talaga ng crypto ng seryosohan. Karamihan nag axie lang(which is fine, pero ngayon tumigil na sa crypto overall) tapos ung mga iba nagfafarm lang ng Pi Network(LOL) at free Telegram airdrops na walang kwenta. Also, traders(which is also fine), but then again 95% sunog rin lang sa huli.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: aioc on May 27, 2024, 03:22:00 PM
Although maganda pagmasdan na nasa top tayo pagdating sa bilang ng gumagamit ng crypto ay nakakabahala lang din kasi na ang totoo ay karamihan sa crypto holder sa bansa natin ay mga shitcoin holders.
Sangayon ako dyan kasi ang mentality kasi ng karamihan ng mga Pilpino ay quick profit marami sa atin ang naenganyo noong pandemic at kalakasan ng Axie Infinity yung mga friends ko nga sa social media na active sa Crypto sobrang daming sinasalihan na airdrop at meme coins na sa kahulihan ay nagiging shitcoins marami sa a tin mahilig sa free at ayaw mag deep research o gumastos para mag invest sa mga tamang Cryptocurrency

Quote
Maganda siguro kung naging solid Bitcoin holders yang number na yan para naman may katuturan ang holdins ng karamihan.
Marami pa naman pero ang taas ng temptation para mag invest sa mga shitcoins na karamihan ay mga meme coins na very volatile kasi nagbabakasakali na maka jackpot tulad ng nag mga unang investors ng PEPE.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: cryptoaddictchie on May 27, 2024, 04:00:14 PM
Maganda siguro kung naging solid Bitcoin holders yang number na yan para naman may katuturan ang holdins ng karamihan.
Siguro kung nung una nainvite or nagpabudol na sila sa bitcoin dati, honestly kasi sa price ni bitcoin for sure kakaunti na lang magkakainterest dahil ang taas na nga ng price.

Well sa altcoins or mga ibang tokens may pagasa pa na makakuha ng bigger gains. Can do both naman like if magprofit sa altcoins convert into bitcoin until they can have a lot of bitcoins.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: bettercrypto on May 27, 2024, 09:24:38 PM
Nung 2017 nakita ko nung mga panahon na ito na nagsisimula palang ako talaga ay totoo na konti palang ang aktibo dito sa forum na ito at sa crypto space. At nung time din na ito, napansin ko na naging malakas din ang mga remiitances dahil sa cryptocurrency tulad ng cebuana, mlhuilier, at palawan dahil nung mga panahon na yan ay pwede kang makapag remit ng crypto gamit ang coinsph na ito din yung time na hindi pa ganun kakilala ang apps na ito.

At nung time din ng 2017 ay wala pang digital banks, at gcash, or maya apps, pero nung nagkaroon na ng gcash at maya at dun na talaga nagkaroon ng pagtaas ng adoption ng cryptocurrency at bilang ng mga nagkaroon ng interest sa crypto na mga kababayan natin.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Ben Barubal on May 29, 2024, 03:58:02 AM
Although maganda pagmasdan na nasa top tayo pagdating sa bilang ng gumagamit ng crypto ay nakakabahala lang din kasi na ang totoo ay karamihan sa crypto holder sa bansa natin ay mga shitcoin holders.
Sangayon ako dyan kasi ang mentality kasi ng karamihan ng mga Pilpino ay quick profit marami sa atin ang naenganyo noong pandemic at kalakasan ng Axie Infinity yung mga friends ko nga sa social media na active sa Crypto sobrang daming sinasalihan na airdrop at meme coins na sa kahulihan ay nagiging shitcoins marami sa a tin mahilig sa free at ayaw mag deep research o gumastos para mag invest sa mga tamang Cryptocurrency

Quote
Maganda siguro kung naging solid Bitcoin holders yang number na yan para naman may katuturan ang holdins ng karamihan.
Marami pa naman pero ang taas ng temptation para mag invest sa mga shitcoins na karamihan ay mga meme coins na very volatile kasi nagbabakasakali na maka jackpot tulad ng nag mga unang investors ng PEPE.

     Siguro kung ikukumpara before dahil hindi pa ganun kaaware ang mga pinoy sa crypto nung taong 2017 ay madaming mga crypto scam at ponzi scheme ang nagsilabasan talaga nung mga panahon na ito, pero this time sa nakita at naresearch ko naman ay yung mga ponzi scheme ay nawala at ang natira nalang ay yung mga iba na ginagamit ang crypto sa pang-iiscam sa tao parin.

     Therefore, madami ng mga pinoy na kababayan natin ang nabuksan na ang pag-iisip at namulat sa crypto na hindi nga ito scam talaga, at mas madami na ngayon ang medyo masasabi kung naging wise narin kahit papaano at tumaas narin talaga yung adoption sa crypto space.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: inthelongrun on May 29, 2024, 06:17:27 AM
Nice share OP. Di ko inexpect resulta. Vietnam pala mas mataas sa kanilang populasyon na meron crypto kumpara sa Pilipinas. Ang Iran naman ay isang bansa na sobrang mahigpit at walang democracy pero ang dami rin pala sa kanilang populasyon ang nasa crypto. Baka dahil sa datos na ito ay higpitan ng kanilang gobyerno ang decentralized crypto currencies.

Siguro kaya 13% lang ng mga Pinoy ang meron crypto dahil na rin sa pangit ng ating internet services at masyadong outdated ng ating financial education system. Pero kahit dyan ay nasa top 5 parin ang Pilipinas. Sanay maging multimillionaires tayong lahat na nasa crypto para mas lalong dumami.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: bettercrypto on May 29, 2024, 01:34:45 PM

Oo nga yung internet provider natin dito puro panggagatas ang ginagawa sa ating mga kababayan dito sa bansa natin. Ang mahal ng monthly kumpara sa ibang bansa, ang mahal na nga ang panget pa ng serbisyo kapag nagkaroon ng isyu minsan. Wala lang kasi tayong magawa kundi sumunod at pagtiyagaan ang meron tayo or else tayo naman din ang maapektuhan.

Ako nga rin nagulat din ako yung bansang vietnam mas madami pa bilang ng mga pinoy dito sa bansa natin, tama ba? pero sila pa mas mataas ang bilang ng mga crypto enthusiast kumpara sa ting bansa, pero nakakagulat nga yun.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: SFR10 on May 29, 2024, 02:42:26 PM
Chineck ko yung source [Triple-A] nila para makita ko kung may update din ba sila for 2024 at luckily, may data din sila para sa unang kalahati ng taon [almost] at ayon sa kanila, wala na sa top 10 ang bansa natin [nasa #16th place tayo as of this moment]:
  • Cryptocurrency Ownership Data (https://triple-a.io/cryptocurrency-ownership-data/)

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: angrybirdy on May 29, 2024, 07:40:41 PM
Chineck ko yung source [Triple-A] nila para makita ko kung may update din ba sila for 2024 at luckily, may data din sila para sa unang kalahati ng taon [almost] at ayon sa kanila, wala na sa top 10 ang bansa natin [nasa #16th place tayo as of this moment]:
  • Cryptocurrency Ownership Data (https://triple-a.io/cryptocurrency-ownership-data/)

Ito yung latest? thanks mate, pero ganda din ng result kahit papaano ay makikita natin na lumalawak na talaga yung crypto usage sa ibat ibang bansa, samantalang noon ay halos takot ang mga tao na mag invest dito dahil sa mga naunang negstive na balita. expected ko din na mangunguna padin sa listahan ang UAE, lalo na't majority ng population nila ay may mga hawak na bitcoin investments.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Peanutswar on May 30, 2024, 01:42:58 PM
Alam naman natin kung gaano ka active ang mga pinoy pag dating sa earnings at lalo na dito sa crypto space pero kaakibat nun is ganun na din kadali mauto ang mga pilipino so ung iba sa kanila nangyayari is na scam, nasayang ung time and effort sa mga projects and etc. Pero ayun nga pero atleast widely inaaccept na ng country natin ung pag gamit ng crypto, like the recent move ng coins.ph sa pagkakaroon ng stable coins pero until when ang kaya ng pinas maka sabay sa mga ganito.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: GreatArkansas on May 31, 2024, 01:17:57 AM
Alam naman natin kung gaano ka active ang mga pinoy pag dating sa earnings at lalo na dito sa crypto space pero kaakibat nun is ganun na din kadali mauto ang mga pilipino so ung iba sa kanila nangyayari is na scam, nasayang ung time and effort sa mga projects and etc. Pero ayun nga pero atleast widely inaaccept na ng country natin ung pag gamit ng crypto, like the recent move ng coins.ph sa pagkakaroon ng stable coins pero until when ang kaya ng pinas maka sabay sa mga ganito.
Yep, consider mo na din ang very non strict governments natin, wala masyadong regulations pag dating sa cryptocurrency right now, that's why napakadali mag paritcipate sa lahat ng crypto activities pag nasa Pilipinas ka compared pag nasa ibang bansa ka na napaka strikto, and that causes a lot of Filipinos na naiiscam.
Well, sa situation natin ngayon which I can see mas madami pang ibang problema ang Pilipinas na unahin kesa sa cryptocurrency.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: pinggoki on May 31, 2024, 09:44:05 AM
Grabe, di ko inaasahan na halos nasa 16 million tayo na cryptocurrency owners dito sa Pilipinas, imagine nalang kung lahat yan ay madiskubre tong forum, sigurado ako na magkakagulo dito sa Pilipinas board at tataas talaga ng sobra yung activity sa forum, problema lang talaga ay sa surface, forum lang 'to at hindi mo aasahan na may pwede kang pagkakitaan dito, pero hopefully magkaroon ng trend na sumali yung ibang mga Pinoy na crypto users for the sake lang na may matutunan.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: 0t3p0t on May 31, 2024, 12:02:42 PM
Although maganda pagmasdan na nasa top tayo pagdating sa bilang ng gumagamit ng crypto ay nakakabahala lang din kasi na ang totoo ay karamihan sa crypto holder sa bansa natin ay mga shitcoin holders.

Madali kasi marecruit ang ,ga pinoy na maginvest sa mga shitcoins kagaya ng me,ecoin, game coin at iba dahil tingin nila sa Bitcoin ay sobrang taas na ng price kaya halos puro high risk trading lang ang napapasok ng mga pinoy.

Maganda siguro kung naging solid Bitcoin holders yang number na yan para naman may katuturan ang holdins ng karamihan.
Well tumpak ka dyan kabayan at isa din ako sa mga shitcoin holders na yan literally. Pero hindi ako narecruit but I invested on it myself dahil sa posibleng huge return lalo na sa memecoins. Pero game coins at NFT talaga isa sa dahilan kaya tumaas adoption dito sa ating bansa nung nagboom ang Axie but unfortunately for me di ako nakasabay dun at ako lang yata ang nagkicrypto na di kumita doon dahil napangitan ako sa graphics tapos sa MIR4 naman minalas din ako dahil nagkasuper typhoon dito sa amin natengga character ko dahil more or less 7 months bago nakabalik yung stable data connection at kuryente dito sa amin.

At yes kokonti lang mga active dito sa forum na pinoy way back 2016-2017 at bago lang din ako that time dito pero ngayon dami na bago at yung ibang active noon di ko na din makita ngayon both global at local.

Simula noong 2017 which maraming yumaman o nagkaroon ng malaking pera dahil sa bull run at kokonti palang din scam projects the following years dumadami na mga pinoy na nag-jump-in at ang ibang mga merchants at local businesses ay nagkainteres na din sa crypto which based on available info online ay umabot yata sa 400+ before pandemic not sure lang ngayon if bumalik yung ibang nagclose or baka may nadagdag na din siguro.

Yan siguro reason why we are one of the top crypto friendly countries in the world today.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: bettercrypto on June 01, 2024, 10:05:16 AM
Alam naman natin kung gaano ka active ang mga pinoy pag dating sa earnings at lalo na dito sa crypto space pero kaakibat nun is ganun na din kadali mauto ang mga pilipino so ung iba sa kanila nangyayari is na scam, nasayang ung time and effort sa mga projects and etc. Pero ayun nga pero atleast widely inaaccept na ng country natin ung pag gamit ng crypto, like the recent move ng coins.ph sa pagkakaroon ng stable coins pero until when ang kaya ng pinas maka sabay sa mga ganito.
Yep, consider mo na din ang very non strict governments natin, wala masyadong regulations pag dating sa cryptocurrency right now, that's why napakadali mag paritcipate sa lahat ng crypto activities pag nasa Pilipinas ka compared pag nasa ibang bansa ka na napaka strikto, and that causes a lot of Filipinos na naiiscam.
Well, sa situation natin ngayon which I can see mas madami pang ibang problema ang Pilipinas na unahin kesa sa cryptocurrency.

Totoo yan, kaya nga yung mga scammer na ginagamit na front yung crypto o bitcoin ay galing pa sa ibang bansa yung mismong sindikato na gumagawa wala sa pinas. At ang worst yung iba na involved ay mga pinoy na inakala nilang trabaho sa ibang bansa yun pala isa din sila sa magiging kasangkapan ng tunay na scammer gamit ang crypocurrency.

Kaya ang panget ng imahe ng cryptocurrency o bitcoin sa bansa natin, at karamihan na mga kababayan natin na labas sa field industry na ito ay tingin nila sa crypto ay hindi talaga maganda o isang scam lang daw ito.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: 0t3p0t on June 01, 2024, 03:40:37 PM

Yeah kaya marami ang takot sa crypto imbes na sumubok at kumita dahil dyan sa mga scam na yan which kadalasang involved ay foreigners na may mga sangkot ding Pinoys na basta't may pera kahit na pandurugas ay papasukin though hindi naman lahat but yeah few Pinoys are helping these foreigners spread illegal activities like kidnapping in exchange for crypto and stuff.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Ben Barubal on June 01, 2024, 10:24:58 PM

     Pero may iba parin naman na mga pinoy na masasabi kung nagsasagawa ng sarili nilang pananaliksik tungkol sa crypto o Bitcoin at nakikita nila kalaunan na maganda parin ito talaga.
Ang nakakainis lang kasi sa mga mainstream media na meron tayo ay lagi nilang hinahighlights na ang Bitcoin o cryptocurrency ay masama sa paningin ng mga pinoy.

     Yung bang lagi nalang pinapakita na sa simula lang maganda magcrypto pero huli scam ito, mga ganitong paglalarawan palagi yung ginagawa nilang pagpapakita ng video, pero yung brighter side mismo ng Bitcoin o crypto ay hindi nila binibigyan ng oras o panahon na malaman ito ng mga pinoy sa bansa natin talaga.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: 0t3p0t on June 02, 2024, 07:50:47 AM

Yeah kadalasang nakikita natin sa news dito sa atin talaga ay negative about crypto pero ganumpaman ay kung interesado talaga tayo ay di tayo papadala sa mga ganyang bagay unfortunately for newbies that would be a red flag for them kaya natatakot. Pero yeah gaya ng sinabi mo ay meron parin talagang mga pinoy na curious and they do a lot of research para lang patunayan na mali ang nag-iisip na scam ang Bitcoin.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: inthelongrun on June 02, 2024, 01:20:38 PM
Kaya kung pansinin natin ay mostly nasa cities lang ang involved sa crypto dahil sila ang mas exposed sa technology at dahil dyan ay sila rin ang mas open minded at maigi sa research. Unlike sa mga provinces na parang ang tao karamihan sa kanila kung ano ang sasabihin ng media ay tiwala na sila kaagad. Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Peanutswar on June 02, 2024, 01:54:49 PM
~~
     Pero may iba parin naman na mga pinoy na masasabi kung nagsasagawa ng sarili nilang pananaliksik tungkol sa crypto o Bitcoin at nakikita nila kalaunan na maganda parin ito talaga.
Ang nakakainis lang kasi sa mga mainstream media na meron tayo ay lagi nilang hinahighlights na ang Bitcoin o cryptocurrency ay masama sa paningin ng mga pinoy.

     Yung bang lagi nalang pinapakita na sa simula lang maganda magcrypto pero huli scam ito, mga ganitong paglalarawan palagi yung ginagawa nilang pagpapakita ng video, pero yung brighter side mismo ng Bitcoin o crypto ay hindi nila binibigyan ng oras o panahon na malaman ito ng mga pinoy sa bansa natin talaga.
Yeah kadalasang nakikita natin sa news dito sa atin talaga ay negative about crypto pero ganumpaman ay kung interesado talaga tayo ay di tayo papadala sa mga ganyang bagay unfortunately for newbies that would be a red flag for them kaya natatakot. Pero yeah gaya ng sinabi mo ay meron parin talagang mga pinoy na curious and they do a lot of research para lang patunayan na mali ang nag-iisip na scam ang Bitcoin.

Isa kasi sa pinaka mabilis na way para mag earn ka sa crypto ng malaki agad is yung pag pasok sa mga memecoins or even shitcoins kasi nga pag naka hit ka ng good coins at na flip mo agad is easy profit ito sayo or else yung opposite nito yung investment mo is mahoneypot or hindi kana makapag trade or withdraw ng funds mo or mag flop ito or hindi maging profitable at sayang lang sa time and effort. Madalas kasi sa mga pinoy is gusto yung walang investment at least para bang nag play safe sila kaya mas trip nila siguro ung mga not reputable coins at easy profit. Hoping maging aware na ang pinas sa potential ng crypto.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Wapfika on June 02, 2024, 01:58:30 PM
Kaya kung pansinin natin ay mostly nasa cities lang ang involved sa crypto dahil sila ang mas exposed sa technology at dahil dyan ay sila rin ang mas open minded at maigi sa research. Unlike sa mga provinces na parang ang tao karamihan sa kanila kung ano ang sasabihin ng media ay tiwala na sila kaagad.

Karaniwan kasi sa mga province natin ay still not literate pagdating sa technology lalo na yun mga old gen na ayaw talaga matuto dahil tingin nila ay hindi na nila kaya I comprehend ang mga new tech ngayon. Karaniwan pati ng mga nasa probinsya ay yung mga pamilya na iniwan sa bahay ng mga anak para magtrabaho sa City or Abroad kaya madalas walang alams sa crypto.

Quote
Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.

I can relate, sobrang hirap i open mind ng mga old gen pero ang daling mahikayat ng mga pawir scam offer lalo na yung KAPA scam.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: inthelongrun on June 03, 2024, 04:14:14 AM

Out of topic nako dito pero bigla ko tuloy na realized na sobrang laking kawalan pala ang mga educated na mostly dumadayo sa cities at abroad pagdating sa elections. Kaya siguro daming proven basura na mga officials but still elected over and over again. Pano kasi di naman umuuwi majority ng mga nasa malayong cities at lalo na abroad which is national officials lang ang nasa balota nila.

Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.
I can relate, sobrang hirap i open mind ng mga old gen pero ang daling mahikayat ng mga pawir scam offer lalo na yung KAPA scam.

Exactly, noong kasagsagan nung mga investment scams na karamihan based sa Mindanao, si papa tawag ng tawag saken dahil mag invest raw kami. Nag diversify pa talaga kami. Ako alam kung scam pero inisip kung tumalpak lang ako sa sabong. :D

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: 0t3p0t on June 03, 2024, 01:37:36 PM
Kaya kung pansinin natin ay mostly nasa cities lang ang involved sa crypto dahil sila ang mas exposed sa technology at dahil dyan ay sila rin ang mas open minded at maigi sa research. Unlike sa mga provinces na parang ang tao karamihan sa kanila kung ano ang sasabihin ng media ay tiwala na sila kaagad.

Karaniwan kasi sa mga province natin ay still not literate pagdating sa technology lalo na yun mga old gen na ayaw talaga matuto dahil tingin nila ay hindi na nila kaya I comprehend ang mga new tech ngayon. Karaniwan pati ng mga nasa probinsya ay yung mga pamilya na iniwan sa bahay ng mga anak para magtrabaho sa City or Abroad kaya madalas walang alams sa crypto.

Quote
Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.

I can relate, sobrang hirap i open mind ng mga old gen pero ang daling mahikayat ng mga pawir scam offer lalo na yung KAPA scam.
Totoo to kahit sa pamilya ko ganun din pero nung kumita na ako at sinabi ko na yan yung source of income ko okay na sila pero di sila involved and ayaw din nila sumubok sa pyramiding scheme naman di din sila sumasali kasi walang capital kaya yun ako yung sumali at yun nga nadale yung investment ko haha Sa umpisa lang kasi maganda yung mga ganyan pero kapag aabot na ng mga ilang buwan dyan na yung nakakatakot na part kaya para sa akin crypto parin ang safe lalo na Bitcoin at iba pang may potential na crypto.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: xLays on June 04, 2024, 10:03:27 PM
Pero kung titingnan mo yung chart hindi mo akalain na mas madaming gumagamit ng crypto sa Vietnam compared sa Philippines. Kung sabagay yung Sky Mavis dun ang kanilang office sa Vietnam which is isa talaga naman sa mga malaki ang contribution sa Crypto Industry. Ganun din dito sa Pinas, ang daming natuto or nagkaroon ng interest sa crypto dahil kay Sky Mavis which is dahil yun sa Axie Infinity. Pero isa rin ang axie sa mga dahilan bakit takot ang ibang mga Pinoy na mag invest sa crypto.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: abel1337 on June 05, 2024, 08:13:09 PM
Dahil siguro ito sa mga farmers or airdrop hunters dito sa bansa natin kaya nasa top tayo. Napakaactive natin sa crypto but I think volume wise wala tayong palag sa ibang bansa since napakarami lang nating users but most of us are just seeking free money. Wala nga yata akong alam na big and active running crypto project na pinapatakbo ng pure Filipino team, yung matatawag nating successful Filipino crypto project. Majority ng project na Filipino devs ay nadidiscriminate dahil sa past rugs or fails ng kapwa nating pinoy.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: bettercrypto on June 13, 2024, 01:11:25 PM

Bukod dyan sa sinasabi mo na yan din kababayan ay mas gusto pa nila yung nahahyped sila kesa sa makakita talaga ng lehitimong mga airdrops na sinasabi mo, Lalo na ngayon, madami na naman ang nagspread sa Facebook ang nahuhumaling sa mga pa airdrops na yan, dahil siempre nakakarating sa kanila na free lang naman.

Pero hindi nila namamalayan ay meron ding nasasayang na oras at effort kung sa huli malalaman nila na hindi naman pala lehitimo at nanloloko lang pala, Kaya sa pagkakataon na ito madaming lasing ng mga kapwa pinoy natin ang umaasang kikita sila sa airdrops at dahil sa kalasingan na yan dyan sila dinadali ng mga mapagsamantalang tao.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: 0t3p0t on June 14, 2024, 05:51:30 AM
Dahil siguro ito sa mga farmers or airdrop hunters dito sa bansa natin kaya nasa top tayo. Napakaactive natin sa crypto but I think volume wise wala tayong palag sa ibang bansa since napakarami lang nating users but most of us are just seeking free money. Wala nga yata akong alam na big and active running crypto project na pinapatakbo ng pure Filipino team, yung matatawag nating successful Filipino crypto project. Majority ng project na Filipino devs ay nadidiscriminate dahil sa past rugs or fails ng kapwa nating pinoy.
I think may point ka kabayan kadalasan kasi sa mga Pinoy ay sellers due yo priorities in life but marami din naman yatang holders. And yeah I agree na yung mga airdroppers, bounty hunters at mga NFT players yan sila yung sa tingin ko ay nagpapataas ng bilang sa atin since mostly dyan tayo galing not unless you are already a trader before coming sa cryptospace. Namomonitor din yata kasi ng mga websites kung saan galing yung traffic most especially forums na kung saan ay meron talagang designated local boards same dito. At hopefully makakakita din tayo ng malaking crypto related improvements dito sa atin which drives hesitants and other potential investors to dive into crypto in the near future.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Mr. Magkaisa on June 17, 2024, 07:17:19 AM

         -      Lalo na ngayong mas madami ang hyped na hyped sa tap mining games. Dahil parang trabahong pang tamad tapos pwede silang kumita ng malaki kahit wala pang kasiguraduhan ay ayun iniisip nilang yayaman na sila kaya karamihan ay parang TAP is life for them. Dami kung nakikita na ganyan sa FB actually.

Bukod pa yan sa airdrops na isa din sa kinababaliwan ng mga karamihang mga kababayan natin na crypto community  na majority din talaga sa kanila ay mga gullible din at hindi maingat, sa halip sunod lang din sa trend, kung saan madaming tao sunod din sila. Kaya dyan sila nadadale ng mga scammers, kaya ingat-ingat naman sana sila.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: inthelongrun on June 19, 2024, 04:08:43 AM

Given talaga na dumami ang mga Pinoy sa mundo ng crypto pero ang hanap nila ay libre o di kaya ay maliitan lang na kapital ay pwede na mag earn ng malakihan or even life changing. Sa unang crypto gc ko nga nasalihan noon, halos lahat sa kanila ay walang perang inilabas at ang dami pa nila doon na nag-aaral pa at meron pa nga high skul pa lang.

Pero kung friendly lang sana si Pinas sa crypto at binigyan ng opportunity ang mga malalaking crypto exchanges at ibang platforms na mag-operate dito sa bansa ay sigurado lumago sana ang peformance ng bansa natin pati sa trading volume. At dagdag rin yun para sa ekonomiya ng bansa.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: Japinat on June 21, 2024, 07:10:29 AM
Medyo dumami pero baka konte lang din ang may totoong may alam sa crypto, yun talagang regular na ang transaction nila. Kasi  itong crypto or bitcoin ay naging popular lang sa bansa natin lalo na kung bull run, at saka maraming mga ponzi scheme na ginagamit ang kasikatan ng crypto. Isa pa, yung mga POGO sa philippines, ginagamit rin daw for crypto scams, kaya siguro dumarami na rin, pero yun nga, konte lang yung totoong gumagamit talaga based on its real purpose.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: benalexis12 on June 21, 2024, 11:30:55 PM
Medyo dumami pero baka konte lang din ang may totoong may alam sa crypto, yun talagang regular na ang transaction nila. Kasi  itong crypto or bitcoin ay naging popular lang sa bansa natin lalo na kung bull run, at saka maraming mga ponzi scheme na ginagamit ang kasikatan ng crypto. Isa pa, yung mga POGO sa philippines, ginagamit rin daw for crypto scams, kaya siguro dumarami na rin, pero yun nga, konte lang yung totoong gumagamit talaga based on its real purpose.

Ito tama yung pinupunto mo, nakilala lang naman ang crypto s bansa natin nung mga panahon na rampant pa ang ponzi at ginamit ang Bitcoin o cryptocurrency para makapangloko ng tao at madaming nabiktima way back 2017.

Hanggang ngayon nagagamit parin naman ang Bitcoin sa  mga paraan ng crypto scamming though natigil naman ang ponzi, basta kung san makakakita ng opportunity ang scammer ay dun ito aatake ng pang iiscam talaga gamit ang crypto o bitcoin.

Title: Re: Pilipinas isang Top Crypto Country
Post by: inthelongrun on June 23, 2024, 10:17:20 AM
Medyo dumami pero baka konte lang din ang may totoong may alam sa crypto, yun talagang regular na ang transaction nila. Kasi  itong crypto or bitcoin ay naging popular lang sa bansa natin lalo na kung bull run, at saka maraming mga ponzi scheme na ginagamit ang kasikatan ng crypto. Isa pa, yung mga POGO sa philippines, ginagamit rin daw for crypto scams, kaya siguro dumarami na rin, pero yun nga, konte lang yung totoong gumagamit talaga based on its real purpose.

Ito tama yung pinupunto mo, nakilala lang naman ang crypto s bansa natin nung mga panahon na rampant pa ang ponzi at ginamit ang Bitcoin o cryptocurrency para makapangloko ng tao at madaming nabiktima way back 2017.

Hanggang ngayon nagagamit parin naman ang Bitcoin sa  mga paraan ng crypto scamming though natigil naman ang ponzi, basta kung san makakakita ng opportunity ang scammer ay dun ito aatake ng pang iiscam talaga gamit ang crypto o bitcoin.

Karinig ko lang din sa balita na nagagamit rin pala ang crypto sa mga POGO. Nako nadamay ulit ang crypto sa mga walangyang scammers at ibang illegal activities. Although mas rampant pa rin naman ang scam sa fiat money. Parang negative lang talaga ang treatment ng mainstream media at ng ating gobyerno pagdating sa crypto.

Maraming Pinoy ang involved sa legit na crypto pero baka di rin ito umabot ng 1% sa loka na populasyon. Kaya marami pa rin mga scammers dahil majority at halos lahat parin ng mga Pinoy ay walang alam sa crypto.